My 3 Identity Boyfriend

By sherlockholmes16

19.1K 488 143

What if ang inaakala mong tatlong lalaki sa buhay mo ay nasa iisang katauhan lang pala? More

My 3 Identity Boyfriend
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Author's Note

Chapter 20

268 12 3
By sherlockholmes16

Kate's P.O.V

Three days.

Tatlong araw akong walang balita sa kanya, tatlong araw ko siyang hindi nakausap, tatlong araw siyang absent, tatlong araw siyang nagkukulong sa bahay nila, tatlong araw niya akong di tinatawagan...

...at tatlong araw na walang Besh sa buhay ko.

At sa tatlong araw na yun, palagi akong umiiyak. Pinipilit na makibalita tungkol sa kanya, humihiling na sana pumasok na siya, tina-try na kausapin siya, pumupunta sa bahay nila at tinatawagan siya pero nanatiling bigo.

Mugto na naman ang mata ko ngayong araw.

Ayoko sanang pumasok, pero bawat araw, umaasa ako na papasok si Besh at mapag-uusapan namin nang mabuti ang nangyari.

Tiningnan ko ang upuan niyang bakante na katabi ko lang.

If she only knew kung gaano ko siya nami-miss.

Ayoko na ngang isipin. Maiiyak na naman ako. Nasa room pa naman ako ngayon. Baka pagtawanan ako dahil iiyak ako nang walang dahilan.

Ugh. Hindi ko mapigilan. Maka-C.R na nga lang.

---

Doon ko inilabas sa C.R lahat ng pagdadamdam ko.

Siguro, sinisisi ako ni Besh ngayon. Hindi sana niya mafe-feel na brokenhearted siya kung hindi dahil sa'kin.

Kasalanan ko talaga ang lahat. Sana hindi na ako nangialam. Alam ko namang mahal na mahal ni Besh si Anze eh kaya sobrang sakit para sa kanya na i-reject siya nito.

Kung hindi na sana ako nakigulo pa, hindi sana niya matitikman ang feeling ng isang brokenhearted.

For 2 years, nakipag-agawan ka ng magazine at poster niya? For 2 years, isinasakrispisyo mo ang pera mo para makabili ng merchandise niya? For 2 years, nakikipagpilahan ka pa para lang makakuha ng bagong issue niya tapos mapupunta lang sa wala ang pinaghirapan mo? Na isa ka lang dumi na hindi niya mapansin-pansin sa dami ng effort mo para sa kanya? Masakit talaga yun.

Hindi ko rin naman masisisi si Anze. Kasalanan niya bang hindi niya gusto si Besh? Kasalanan niya bang hindi niya mapansin si Besh? Kasalanan niya bang i-break ang puso ni Besh? Tao rin naman si Anze eh. May feelings din siya. Hindi porket may gusto sa kanya ang isang tao, magugustuhan niya na rin. Naiintindihan ko yun.

Pero yung fact na ako ang nag-arrange ng date sa kanila. Ako yung nag-arrange ng date nila kung saan magiging broken hearted si Besh. Siguro, kung hindi ko yun ginawa, normal pa rin ang buhay ni Besh ngayon. Hindi sila magda-date ni Anze at hindi rin siya mabo-broken hearted ni Anze.

Lumabas ako ng cubicle at pinunasan ang luha ko.

"Umiiyak ka ba?"

Napaangat ang ulo ko sa nagsalita, "Ah. Hindi. Hindi ako umiiyak. Hindi talaga,"

"Pilosopo ka talaga kahit kailan, Kate. O ayan. Tissue. Pampakalma,"

Kinuha ko ang tissue na inaalok niya, "Sa-Salamat Britney,"

Nginitian niya ako, "Wala yun. Oo nga pala. Alam mo kung bakit three days nang absent si Sofie?"

Nagpilit ako ng ngiti at hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Kaya ka ba umiiyak dahil sa kanya, Kate? Bakit? May sakit ba siya? Nag-away ba kayo?"

Sheesh. Ayan, tumutulo na naman.

"Ah. Sorry, Kate. Masyado na akong pakialamera. Eto oh. Sa'yo na ang lahat ng tissue na dala ko. Kailangan mo yan,"

"Sa-Salamat..."

Ngumiti ulit siya at umalis na.

Tama nga siya. Kailangan ko ng napakaraming tissue ngayon.

Tumunog ang phone ko sa bulsa.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumagot.

"Hello?"

"Hindi kayo pumunta ng bestfriend mo ng limang araw sa bahay. Nakakaanim ka na. May sakit ka ba talaga?"

"Lei?"

"Pumunta kayo dito mamaya. Ang dumi na ng bahay. Kapag hindi kayo pumunta, alam niyo na ang mangyayari."

"Wait. Di makakapunta si-"

*toot* *toot*

Hays. Binabaan ako?

Hindi rin pala nakapunta si Besh nang ilang araw sa kanila.

Sayang naman. Iyon na sana yung tangi kong pag-asa eh.

Kailangan ko talaga siyang makausap.

---

Naglinis lang ako nang mabilis kila Lei. It turns out nga na wala siya dun.

Lagot pala ah. Wala naman yung iba. Si Phil lang ang nandito. Wala rin si Franc at si Matt.

Sheesh.

Tapos sasabihin niya pang madumi na ang bahay nila? Hmp. Ang linis linis kaya. Iniwan namin ni Besh na malinis, ganun pa rin naman kalinis. Sus. Mga pekeng reasons lang ni Lei, para lang may masabi na maid kami.

Wala ulit si Besh ngayon. Hindi rin siya pumunta dito.

Umaasa pa naman akong pupunta siya. Akala ko, tatawagan din siya ni Lei.

Nang matapos na ako, nagpaalam na ako kay Phil na nanonood ng tv.

"Aalis ka na agad, Kate?"

"Oo, Phil. Kaunti lang ang nilinis ko since wala na akong dapat pang linisin. Pakipaalam na lang din ako sa iba,"

"O sige,"

Tatalikod na sana ako nang tawagin ako ni Phil.

"Oo nga pala, Kate,"

"Bakit?"

"Hm, alam mo ba kung bakit wala si Sofie?"

"Ah, yun ba..."

Naiiyak na naman ako. Naman eh.

"U...umiiyak ka ba?"

Pinunasan ko ang maluha-luha kong mata, "Ah. Wa...wala 'to,"

"Kate,"

Napatingin ako ulit sa kanya.

"May nangyari ba sa inyo ni Sofie? Nag-away ba kayo?" nag-aalalang tanong ni Phil.

Bakit ba ganun ang mga conclusions nila? Hindi ko naman ipinapahalata ah.

"Hi...Hindi,"

Natahimik lang si Phil. Ako naman, tuluyan nang bumuhos ang luha. Naaalala ko na naman ang pag-aaway namin ni Besh. Ni minsan, ni kahit kailan, hindi kami nag-away nang ganito. Kung mag-aaway man kami, mareresolba namin kaagad yun.

Kaya nga nakakalungkot eh. Siguro, magugulat na lang ako na dumating ang time na tuluyan na akong maging stranger kay Besh. Na mawawala na ang pinagsamahan namin. Na sa simpleng pagkakamali ko lang, mawawala na ang friendship namin.

Ayokong mangyari yun.

Narinig kong bumukas ang pinto na nasa likuran ko kaya naman agad-agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa pintuan.

"O Lei, ikaw pala. Oo nga pala, naglinis na ako. Katatapos ko lang. Sige, alis na ako."

Hindi ko na natingnan pa si Lei. Ayokong ipakita sa kanya ang namumugto kong mata. Baka magtanong pa siya kung bakit ganun ang itsura ko.

Lalabas na sana ako nang hilahin niya ako.

"Phil, dito ka lang. Ikaw, sumama ka sa'kin. May pupuntahan tayo,"

Nagtaka naman ako sa inasta niya, "Huh?"

Hindi na siya sumagot at hinila ako papuntang motor niya.

Kinuha niya ang isang helmet dun at isinuot sa kanya. Ang isang helmet naman, isinuot niya sa'kin.

Sumakay na siya at ini-start ito, "Sakay,"

"Eh?"

Hinila niya ang kanang braso ko, "Sasakay ka o kakaladkarin kita?"

No choice. Mukhang seryoso siya kahit hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ikinikilos niya.

---

"Lei, dahan-dahan naman!"

Napayakap ako nang mahigpit kay Lei. Paano ba naman kasi, napakabilis niyang magpatakbo. Mabuti na lang at walang masyadong dumadaang sasakyan sa dinadaanan namin.

Hindi siya sumagot. Hindi niya ata ako naririnig.

Mas lalo niya pang binilisan ang pagpapatakbo na halos mapasubsob na ang ulo ko sa likod niya.

Naman eh, kapag naaksidente kami dito ah.

Napansin kong medyo humihina na ang pagpapatakbo niya hanggang sa huminto na siya.

"Ano ba Lei? Papatayin mo ba ako?!" bungad ko agad sa kanya.

"Baba,"

"Baba?"

Napalingon ako sa pinaghintuan namin. Di ko sure ah, pero mukhang lumang park ito na may children's playground.

Huh? Bakit kami bumaba dito?

"Hanggang kailan ka yayakap sa'kin?"

Tsaka lang ako natauhan sa sinabi niya. Tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko pati na ang suot kong helmet. Bumaba na ako sa motor.

Bumaba na siya at tinanggal din ang helmet niya. It seems na nakangisi na siya kanina pa.

"Ba...Bakit ka nakangiti ng ganyan?"

"If I only knew that you enjoyed the ride while hugging me, I won't stop,"

A...Aba!

"Ang kapal mo rin, ano? I'd only done that because you're too fast,"

Tumalikod siya sa'kin, "Oh, yeah? But I'm just being honest. If I'm too fast, you can grab on my shirt, not hug me. As if namang matatanggal ang shirt ko kapag kinapitan mo. Anyway, follow me,"

Bwisit! Ang kapal talaga! Excuse me naman kung mabilis kang magpatakbo ng motor mo ah.

Tama nga ako. Tumapak kami sa playground. Umupo siya sa isang swing dun kaya naupo na rin ako sa isa pang swing katabi niya.

"Really, gusto mo lang bang magpunta dito para maglaro?"

May kinuha siya sa bulsa niya. Cigarette box iyon. Kumuha siya ng isang stick at sinindihan ito.

"Aren't you a minor?"

Nag-'tsk' siya, "I'm already 19. I'm not a minor anymore."

"Ah. Matanda ka na pala,"

"Yes, I'm an adult. A mature one. Not like you,"

Sinamaan ko siya ng tingin.

Hays. Ayoko nang makipagtalo pa.

"Bakit mo nga pala ako dinala rito? Kung gusto mo lang maglaro, dapat hindi mo na ako isinama."

"Like I said, I'm mature. Why would I play here?"

"E bakit mo nga ako dinala rito?"

"To tell me about your problem,"

"Problem?"

Tiningnan niya ako nang seryoso, "May problema ka Kate. Hindi mamamaga ang mata mo nang ganyan kung wala,"

Nalaman niya...

"Umiyak ka ba kanina? May problema ba?"

Bakit ba sa tuwing nagtatanong sila kung ano ang problema ko, naiiyak ako? Dahil ba yun sa naaalala ko ang nangyari sa'min ni Besh sa tuwing nababanggit nila ang kung anumang related sa kanya?

Apektado much lang?

Tinakpan ko ang mukha kong natutuluan ng luha. Ayokong makita ni Lei. Mahahalata niya akong may dinadamdam talaga.

"See? You're crying. I knew it,"

Bwisit na luha.

Bakit kay Lei mo pa naisipang magpakita?

Naramdaman kong may nagtatanggal ng kamay kong nakatakip sa mukha ko.

Nakaupo siya sa harap ko at pinunasan ang luha ko, "Kate, tell me about it. Why are you crying?"

Bakit nga ba? Kusa na lang tumulo ang mga luha ko. Ewan ko, parang may kumikirot sa puso ko.

"At bakit ko naman sasabihin sa'yo? Hindi tayo close,"

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito, "Alam kong ako ang maling tao na dapat mong sabihan ng problema. Sabi mo nga, di tayo close. Bukod diyan, I know you hate me pero sino na lang ba ang pwede mong takbuhan? There are times that those who are always listening to you may not listen to you anymore so you might try to say your problems to those who wants to listen."

Bakit ba ang daming alam ni Lei? Akala ko hindi siya katalinuhan. Akala ko, simpleng tambay lang siya. Simpleng gangster na ang gusto lang sa buhay ay manigarilyo, makipag-away, magrebelde...

But he is the one that can listen to you too in times you need someone to talk with.

Or baka nagbabait-baitan lang siya at sasabihin niya mamayang joke lang ang lahat. Na maglalabas siya ng hidden camera at sasabihing prank lang talaga ang lahat at pagtatawanan niya ako dahil na-fall ako sa prank niya. Pariringgan pa niya akong kahit kailan ay hindi magbabago ang ugali niyang masama lalung-lalo na sa'kin.

Hinigit ko ang kamay kong hawak niya, "Nice prank,"

Sinamaan niya ako ng tingin, "Listen. This is not a prank nor a joke. I'm serious. Dead serious,"

Seryoso ba talaga siya?

I mean, ang isang Lei? Bigla na lang sasabihing "Okay, handa akong makinig sa problema mo,"?

"Kapag prank 'to, I'll kill you,"

"If this is a prank, you will not be my maid anymore. As if that you can kill me."

Kailangan pa ba talagang isama ang yabang?

"O sige. Sabi mo iyan,"

"Now, tell me. Nag-away kayo ng kaibigan mo?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Alam niya?

"Paano mo nalaman?"

Hindi siya nakatingin sa'kin, "Se...Sense. I can sense it. Pumunta siya nung isang araw na hindi ka kasama at ngayon naman ay pumunta ka nang wala siya,"

Ah. Noong araw na gumawa kami ng thesis ni Kleifford. Pinabayaan ko si Besh na magpunta kila Lei nang mag-isa. Napakasama ko talaga sa kanya.

Minsan, ginagamit din pala ni Lei ang common sense niya.

"Nag-away nga ba kayo?"

Nag-away nga ba kayo Kate?

Ayan. Naiiyak na naman ako.

"Hey..."

"Ayokong ikwento...."

"Isa,"

"Ayoko nga..."

"Dalawa,"

"Fine! Nag-away kami. Happy?..."

Naman eh. Kapag pala ikinukwento sa iba, mas nakakaiyak.

"Anong pinag-awayan niyo?"

"Ewan ko....ewan ko...ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang nag-set up ng date sa kanila ni Anze. Ayun, nag-confess ata siya kay Anze pero ni-reject siya nito. It's all....my fault. Kung hindi ko na sana pa sila sinet-up, hindi sana siya masasaktan nang ganito. Kasalanan ko ang lahat. Naiintindihan mo ba? Kasalanan ko kung bakit umiiyak si Besh ngayon..."

"So ikaw ang may kasalanan?"

"Ako nga di'ba? Hindi naman pwedeng si Anze kasi kasalanan niya bang hindi niya gusto si Besh? Pero kasi, alam mo yun. Alam ko namang hindi agad magkakagusto si Anze sa isang katulad ni Besh pero sinet-up ko pa rin sila. I'm pathetic,"

"Mali ka. Kayong tatlo ang may kasalanan. Kasalanan ng bestfriend mo dahil pinipilit niya ang sarili niya sa taong imposible siyang magustuhan, kasalanan mo dahil kinukunsinti mo siya at kasalanan ni Anze dahil masyado siyang harsh sa pag-reject sa bestfriend mo kaya nasasaktan siya nang ganun. Alam mo, oo, wala akong alam sa nangyari pero kasi, sa isang kumplikadong bagay, hindi lang isa ang may kasalanan. It's either kayong lahat or wala talagang may kasalanan sa inyo. Huwag mong buntunin ang lahat ng sisi mo sa sarili mo. Hindi lang ikaw ang may kasalanan sa nangyari,"

"Pe...Pero hindi mo kasi naiintindihan Lei. Si Besh lang yung nasasaktan dito,"

"Bakit? Hindi ka rin ba nasasaktan? Nasasaktan ka rin kasi nagui-guilty ka sa ginawa mo. Sa tingin mo ba hindi rin masasaktan si Anze? Masasaktan din siya kapag nalaman niyang halos lumabas na ang uhog niyong dalawa kaiiyak dahil sa kanya."

"Anong gusto mong gawin ko ngayon?"

"Huwag mong ibunton ang lahat ng sisi sa sarili mo. Hindi mo masosolusyonan ang isang bagay kung lagi kang magsisisi sa nangyari. Think positive. Gusto mong maging maayos ang lahat diba? Edi gumawa ka ng paraan. Find a way to talk to your friend. Hindi yung iaasa mo lang ang lahat sa iyak at drama. Hindi kayang solusyonan ng luha ang problema mo pero iyang isip mo? Kaya niya. Just think of a way kung paano kayo babalik sa dati. Kapag ginamit mo iyang utak mo, magugulat ka na lang na maraming paraan pala ang pwede mong pagpilian."

"Yun na nga ang ginagawa ko eh. I am finding a way to talk to her pero siya yung lumalayo..."

"There are other ways Kate. Don't force yourself. Why don't you try your luck?"

"Luck?"

"Oo, as in swerte. Malay mo, suwertihin ka bukas at magkita na kayo. Hindi naman pwedeng hindi kayo pagkitain habambuhay ng tadhana, diba? At kapag nangyari mang magkita kayo, don't give up. Try to talk to her. Kung nagkita nga kayo at hindi kayo nagkaroon ng chance na mag-usap, may second option ka pa rin naman. Luck."

Bumuhos na ang luha ko.

Tama si Lei. Tama siyang hindi ko dapat sukuan si Besh kahit anong mangyari. Siya na lang ang tanging precious friend ko, pakakawalan ko pa?

Pinunasan ko ang luha ko, "Thank you...Lei. Sobrang natulungan mo ako,"

Minsan hindi mo talaga ma-gets yung mga tao. May mga taong inaakala mong masama pero mabait pala.

Nagpapatuloy ako sa pagpunas ng luha nang maramdaman kong may something na inilagay sa tenga ko.

I'm only one call away
I'll be there to save the day~

"Anong kanta 'to?"

"One Call Away by Charlie Puth."

Superman got nothing on me
I'm only one call away~

Nakikinig si Lei sa isang plug ng earphones at ako naman sa isa.

Hays.

"Thanks for everything Lei. Pinagaan mo ang pakiramdam ko,"

Call me, baby, if you need a friend
I just wanna give you love
C'mon, c'mon, c'mon~

"No worries. Ito lang ang pakatatandaan mo..."

Reaching out to you, so take a chance
No matter where you go, know you're not alone~

"...I'm only one call away."

Napangiti ako sa sinabi niya.

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away~

"Ayan. Ngumingiti ka na,"

"Ang corny mo Lei. Enemies pa rin tayo. Bleh!"

Ngumisi siya, "Alam mo ba kung bakit dito pa kita dinala?"

Come along with me and don't be scared
I just wanna set you free
C'mon, c'mon, c'mon~

"Bakit?"

You and me can make it up, be wild
For now, we can stay here for a while~

"Ito ang lugar kung saan ako tumatambay sa tuwing may problema ako. Abandonado na ang lugar na 'to actually. Dati pa kasi 'tong parke na 'to. Next year, magco-construct na sila ng building dito. But you know, this is a very important place to me pero ano nga bang magagawa ko para pigilan ang mga gagawa ng building? I can't control the improvement of every thing. Magbabago at magbabago ang isang bagay dahil pabago nang pabago ang henerasyon."

Cause you know, I just wanna see your smile
No matter where you go, you're not alone~

"This is an important place for you?"

"Oo. Kaming apat, we used to play here when we're high school students. Mga isip bata kasi kami nun. Simula nang nagkakilala kaming apat, naging tambayan na namin ang lugar na ito. Pero mabilis umikot ang mundo. Ang mga bagay na luma na, kailangan nang palitan. Nilulubos ko na nga ang pagpunta dito dahil kaunti na lang ang panahon at mawawala na ang pinakamagandang alaalang naiwan dito. Ang alaala naming apat,"

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away~

"Mukhang napaka-close niyo talaga,"

When you're weak I'll be strong
I'm gonna keep holding on
Now don't you worry, it won't be long
Darling, if you feel like hope is gone
Just run into my arms~

Tinitigan niya ako bago sumagot, "That's why I don't want us to fight. Friends are precious. I now consider you as a friend so you're precious too,"

I'm only one call away
I'll be there to save the day
Superman got nothing on me
I'm only one call away~

Precious...

.

.

.

Heart. Why beat so fast?

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
3.2M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...