Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 47

97.6K 2.5K 178
By sweet_aria

Chapter 47

Ilang minuto na ang nakaraan ngunit hindi ko pa rin siya naitutulak palayo. Nanatili akong nakakulong sa kanya. Nakadikit ang kanyang noo sa akin. Hinihintay niya ang aking sagot.

"Please..."

"I... can't." Nanginginig ang boses kong sabi.

Unti-unting lumuwag ang pagkakayakap ng braso niya sa akin. Tumingala ako at pinunasan ang mga luhang tila tubig na nanggagaling sa isang masaganang talon.

Umatras siya at nag-iwas ng tingin. "What do you want me to do? I want you back."

"We can't-"

"We can!" Tumalikod siya at marahas na pinasadahan ng kamay ang buhok. "Millicent... sabihin mo lang kung ano ang dapat kong gawin makuha ka lang ulit. Sabihin mo lang... kasi lahat naman kaya kong gawin para sa'yo. Just don't... don't say we can't be together again."

Umiling ako at tumalikod. Akmang bubuksan ko ang pinto nang muli niyang hawakan ang aking kamay. Nilingon ko siya, nakaharap na ulit siya sa akin. Hinigit niya ako papunta sa bedroom.

"Phoenix... tama na! I already sacrificed everything for the both of us!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Pinilit kong kumawala pero sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa aking kamay.

"You sacrificed everything?" Malungkot ang kanyang boses. "No! You did not sacrifice for the both of us! You sacrificed for my family! For your family! Why the hell did you say that that was for us?"

"Para sa ating dalawa iyon! Para hindi ka na masaktan! Ayokong magalit sayo ang pamilya mo-"

"Ayaw mong magalit sayo ang pamilya mo!" Hinawakan niya ang isa ko pang kamay at hinigit ako palapit sa kanyang katawan. "Kaya ko namang saluhin ang galit ng nanay laban sa pamilya ko. Kaya ko ring ipaglaban ka kahit na ikaw... sumuko na agad."

Ramdam ko ang sakit sa mga binitawan niyang salita.

"You easily gave up. While me... I was still hoping that you could still change your mind that time you'd pushed me away." Binitawan niya ang mga kamay ko at pabagsak siyang umupo sa kama. "Ano bang ginawa ko para pakawalan mo ako nang ganun-ganun na lang? Kaya naman nating labanan silang lahat diba? Kasi mahal natin ang isa't-isa."

"Hindi. Ayokong maging makasarili pagdating sayo."

Inangat niya ang tingin sa akin. Lumunok ako. Ang sakit ay rumehistro sa kanyang mga mata.

"You couldn't be selfish when it comes to me?"

Tumalikod ako at tumingala. Kinagat ko nang mariin ang labi.

"It's bad to be selfish. Many would get hurt." Sagot ko.

"Truly, I loved you more than you loved me. 'Coz I'm always selfish when it comes to you. I'm naturally selfish for the woman I love!"

Hindi ako nakapagsalita.

"I want you to be selfish for me. I want you to think of me, only me. I want you to love me as much as I love y-you." Gumaralgal ang kanyang boses. "Pero... kahit naman gustuhin kong mangyari iyon wala naman akong magagawa. Kasi iyan ka. You have the heart that other women do not have. You have the generosity that they not possess. You're an extraordinary woman that I keep on falling in love with... every single day."

"I was selfish too-"

"You were not, Millicent."

Nilingon ko siya at seryosong-seryoso ang kanyang mukha.

"Naging makasarili rin ako pero hindi ko lang itinodo dahil kinailangan kong isipin na hindi lang sa akin iikot ang mundo mo! Hindi pwedeng ako lang ang mahal mo. May pamilya ka..."

"Pamilyang inaayawan ang babaeng mahal ko? I hate them for feeling that way towards you."

"See? Ako lang ba lagi Phoenix?"

Natahimik siya at inihilamos ang mga kamay sa mukha.

"Mas lalo kitang minamahal dahil sa sinasabi mo. Mas lalo akong nagiging makasarili. Putang ina Millicent! Anong ginagawa mo sa akin?"

Huminga ako nang malalim. Nanginginig ang aking mga tuhod. Umupo ako sa kama malayo sa kanya. Gustuhin ko mang umalis ay alam kong hindi niya ako hahayaan.

"Baliw na baliw pa rin ako sa'yo..."

Tumungo ako.

"What would I do? What would I do for you to feel the same?"

"You don't need to do anything." Sagot ko.

"I can court you again."

Tumingin ako sa kanya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata.

"I can give you flowers and chocolates every day. Fetch you in school. Hold your hands while we're on a date. Eat barbeque while watching your favorite movie. Cook for you. I can do everything."

Umiling ako.

"B-bakit?" Nanginig muli ang kanyang boses.

"Kasi may mga bagay na hindi na puwedeng gawin. May mga bagay na hindi ko kayang isakripisyo para lang sa sariling kaligayahan ko."

Kakayanin kong hindi matanggap ng mga Dela Vega pero ibang usapan na kapag ginawa nila iyon kay Preston. Ayokong tanggihan siya nila. Ako na lang ang makaranas na ayawan wag lang ang anak ko dahil doble ang magiging tama niyon sa akin.

"Iniisip mo pa rin ang pamilya mo?"

Mapakla akong ngumiti. Kinagat ko ang labi dahil sa pagsakop ng panibagong sakit sa aking dibdib.

"Wala na ang nanay Phoenix." Siguro ay kailangan din niyang malaman ang tungkol dito. "Wala na siya. Iniwan na kami."

"W-what did you say?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

"Patay na siya."

"Kelan pa?" Bakas ang gulat sa kanyang boses.

"Tagal na rin. Ilang buwan lang ang nakalipas simula noong malaman ko na umalis ka." Iniwas ko ang tingin. Lumalabo na naman ang aking paningin dahil sa pag-ahon ng panibagong luha.

"I-I'm sorry to hear that."

"It's okay. Ganun talaga. May mga taong mawawala sayo kahit anong sakripisyo pa ang gawin mo."

Muli ko siyang tinignan ngunit hindi ko na mabasa ang kanyang ekspresyon.

"Why didn't you call me? Bakit hindi ka man lang humingi ng tulong sa akin?"

"Bakit pa? Para madagdagan ang pag-ayaw sa akin ng mga Dela Vega? Tapos na tayo noon pa, Phoenix."

Mapakla akong ngumiti sa hindi niya pag-imik.

"Lahat ginawa ko para mabuhay siya. Nandyan ang mga kaibigan ko para tulungan ako. At dumating din sa punto na dumating ang lolo ko para kunin at kupkupin kami."

"Lolo?" Kumunot ang kanyang noo.

Tumango ako. "Tatay ng tatay ko. Kaya nga nag-aaral ako ngayon."

Muli ay natahimik siya.

"Napakaraming nangyari noong umalis ka. Kaya nonsense kung magbalikan pa tayo. Nonsense kasi 'pag nangyari 'yun madami na naman ang masasaktan." Tumayo ako. "Isa pa... tumigil ka na kasi paano 'yung Severa mo?"

"There's no Severa-"

"Just stop Phoenix." Hindi ko na siya pinatapos at tumayo.

Tinangka niya akong haklitin ngunit mabilis akong pumunta sa pinto at iniwan siya doon. Nanginginig ang buong katawan ko nang sumakay ako sa elevator. Pagkababa at pagkalabas ko ng hotel ay nagmamadali akong pumara ng taxi bago pa niya ako maabutan.

"Carrozzini Village." Sabi ko sa driver.

Kinalma ko ang sarili at pinunasan ang mga luha. Ilang sandali pa ay tumunog ang aking cellphone.

"Monica..." Tumikhim ako.

"Saan ka na? Kanina pa ako dito sa bahay ninyo. Nagwawala na si Preston."

"I'm... on my way." Sagot ko.

"Why is your voice trembling? Are you okay?" Mababakas sa kanyang boses ang pagtama ng pag-aalala.

Lumunok ako. "Ayos lang ako. Nagkakamali ka lang ng dinig." Ibinaba ko ang tawag bago pa ulit siya mag-usisa.

Pagtapat ng taxi sa aming gate ay agad akong nagbayad at bumaba. Pinagbuksan ako ng guard at dumiretso na ako papasok.

"Hija..."

"Lo!" Pinasigla ko ang boses nang makita ang lolo na nasa sala.

Nandoon rin si Monica na karga-karga si Preston. Lumapit ako sa kanila at humalik sa lolo. Kinuha ko si Preston kay Monica. Halatang katitigil niya pa lang sa pag-iyak.

"What happened baby? Iyak ka raw nang iyak sabi ni Tita?"

"Ang tagal mo. Saan ka ba galing?"

Sinulyapan ko si Monica at agad iniwas ang tingin nang makita ang uri ng pagtitig na ipinupukol niya sa akin.

"Sa school." Tipid kong sagot.

"Hija... aalis muna ako. Magdidinner kami ng mga amigo." Paalam ng lolo.

Hinarap ko siya at hinalikan niya sa noo si Preston. Ngayon ko lang napansin na nakabihis siya.

"Sige po."

Hinalikan niya rin ako sa noo. "Mukhang aalis din kayo ni Monica. Ipasabi mo na lang sa mga katulong ang mga bilin mo para kina Nymph at Neo."

Matapos magbilin ay umalis na siya. Aakyat na sana ako para magbihis nang haklitin ni Monica ang braso ko.

Naglakad siya papunta sa harap ko at kinuha si Preston.

"Namamaga ang mga mata mo. Alam kong napansin din iyan ng lolo mo pero hindi lang siya nagtanong."

"Nagkakamali ka lang-"

"Kanina nung tawagan kita, halatang umiiyak ka. Ngayon pinatunayan lang ng mga mata mo." Seryoso niyang sabi.

"Magbibihis lang ako. Mamaya na tayo mag-usap." Muli kong kinuha si Preston sa kanya.

Umiyak tuloy ang bata dahil nakailang pasahan na kami. Tinahan ko siya at nilagay sa crib. Binihisan ko siya dahil tulad ng sabi ni Monica ay isasama namin siya.

Matapos kong magbihis ay bumaba na kami. Nakasalubong ko si Kaitlyn.

"Ma'am, aalis kayo?"

Hindi ko na pinansin ang tawag niya sa akin. "Yes. Baka gabihin kami."

Tumango siya.

"Pakisabi na rin sa mga katulong na ipaghanda ng pagkain sila Nymph. Ikaw naman, magpahinga muna."

Ngumiti siya. Pinilit ko rin siyang ngitian.

"Let's go?" Seryoso pa rin ang mukha ni Monica. "Akin na 'yang bag ni Preston."

Lumabas kami at sumakay sa kanyang kotse. Nang makapasok siya ay agad niyang pinaandar ang makina.

"Kilalang-kilala kita at alam kong dahil na naman kay Phoenix Elizer kaya ka umiyak."

Binuksan ng guard ang gate. Nilingon ko siya. Diretso ang kanyang tingin.

"Kasama ba nating magdinner sina Cassia?" Tanong ko.

"Yes." Nilingon niya ako at umikot ang kanyang mga mata. "Could you please stop changing the topic?" Iritado niyang sabi.

Buntong-hininga lang ang aking naisagot.

"Kagabi, bigla ka na lang nawala. You didn't even bother to call us when you got home. Kung hindi pa ako tumawag sa bahay ninyo ay hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na pala."

"I'm sorry..." Alam kong nag-alala sila.

"Who took you home?" Sumilay ang ngisi sa kanyang labi. "Phoenix?"

Pansin ko rin ang pagsigla ng kanyang boses sa tanong na iyon.

"Hindi..."

Sumimangot siya.

"Si Daucus." Pagpapatuloy ko.

"Kainis talaga si Daucus laging umeepal!" Muling umikot ang mga mata niya at sinulyapan ako. "Pero nakita kong nasa parking lot kayo ni Phoenix."

Nag-init ang aking pisngi. Ibinaba ko ang tingin sa aking anak. Nakatingin siya sa akin at biglang ngumiti.

Goodness...

"Ano? Bakit hindi ka makasagot? Did he kiss you?"

"Monica!"Mariin kong sabi. "Hindi okay? 'Wag ka na ngang umasa. Wala na kami nung tao."

Tumawa siya at mas lalong lumala ang pag-iinit ng aking pisngi.

"That was a romantic scene. I thought he'd kiss you." Mas lalong lumawak ang kanyang ngisi.

Hindi na ako nagsalita dahil sa inis. Hindi ko alam kung saan ako naiinis.

Nang makarating kami sa mall ay agad kaming dumiretso sa hypermarket. Maggogrocery lang pala siya.

"Para kanino 'yan? May katulong naman kayo para bumili ng gamit sa bahay." Kunot-noo kong tanong.

Namula ang kanyang pisngi. Tumaas ang kilay ko dahil sa kanyang reaksyon.

"W-wag ka nang magtanong."

Hindi na lang ako nagsalita at tinignan ang mga bagay na itinuturo ni Preston.

"Hindi ka pa puwede niyan baby." Sabi ko at hinalikan siya sa ulo.

Pumunta kami sa vegetables section. Pinagmamasdan ko lang ang masayang pamimili ni Monica nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Lumingon-lingon ako.

Pakiramdam ko ay nahulog ang puso ko nang makita ang isang Dela Vega na nakatingin sa akin at kay... Preston.

Naglakad siya palapit sa amin at mabilis kong hinawakan si Monica sa braso.

"Monica, si Tamiya!" Kinakabahan kong sabi sa kanya.

Bago pa kami makahakbang ay naabutan na niya kami. Kahit hindi ako lumingon sa aming gilid ay alam kong siya na iyon.

Pumikit ako nang mariin.

"Millicent?" Her voice was soft yet it gave me goose bumps.

Nilingon ko siya at hinarap para hindi niya makita ang anak kong itinungo ko sa aking balikat.

"Tamiya... b-bakit ka nandito?"

Nagkibit-balikat siya at mahinang tumawa. Bumaba ang tingin niya sa batang nasa aking bisig.

"Nakita lang kita kaya ako pumasok dito." Biglang pagseryoso ng kanyang boses. "Whose baby is that?" Turo niya sa anak ko.

Tila nanuyo ang aking lalamunan. Lumapit pa siya ngunit mabilis akong umatras.

"Tamiya, we need to go." Usal ni Monica sa aking likod.

Tumaas ang kilay niya ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sa likod ng anak ko.

"You can go now Monica. I'm still talking to your best friend." Tumaas ang tingin niya sa akin at matamis akong nginitian. Ngunit sa kabila ng ngiting iyon ay ang sumisingaw na kaseryosohan sa kanyang mga mata. "May I see the baby?"

Lumunok ako. "H-hindi pwede."

Tumaas muli ang kanyang kilay. "Why not? I just wanna see him."

"W-wala bang naghihintay sa'yo-"

"Wala." Umikot siya.

Nanginig ang mga kamay ko at hinigpitan ang pagkakayakap kay Preston.

"Goodness... a-ang gwapong bata." Aniya.

Inangat ni Preston ang kanyang ulo. Pinigil ko ang pagbagsak ng aking luha dahil sa takot.

"Kaninong anak 'yan?" Muli niyang tanong.

Muli siyang umikot paharap sa akin. Naglikot si Preston at sinundan siya ng tingin.

"S-sa akin." Sagot ko. Kahit kailan ay hindi ko itatanggi ang baby ko.

Tumango siya at muling ngumiti. Lumapit siya kay Preston at hinawakan ang kamay. "Nice meeting you baby..." Inangat niya ang tingin sa akin.

Hindi ako puwedeng magkamali na galit ang nakita ko sa kanyang mga mata.

"Alam na ba ni Phoenix na may anak ka?" Hinaplos niya ang kanyang buhok.

Umiling ako. "He doesn't need to know."

Tumaas ang kilay niya at naghalukipkip. "He must know." Mariin niyang sabi at muling tinignan ang anak ko. "I have to go. Bye, baby." Malambing niyang sabi kay Preston bago tumalikod.

Mas lalo akong kinabahan nang umalis siya. Umikot si Monica sa harap ko at kinuha sa akin si Preston. Nanginginig ang buong katawan ko. Napasandal ako sa stall ng mga gulay.

"Millicent..." Nag-aalalang tawag niya. "Kaya mo bang maglakad?"

Tumango ako at kinalma muna ang sarili. Alam kong parehas lang kami ng iniisip dahil miski siya ay halatang kinakabahan din.

Pumunta kami sa counter hanggang sa matapos ilagay sa bags ang mga pinamili niya. Umuna na akong lumabas at hindi pa rin kumakalma ang aking dibdib.

"Dadalhin ko lang sa kotse itong mga pinamili ko, Millie."

Inangat ko ang tingin kay Monica. Tumango ako.

"Punta ka na sa restaurant na sinabi ko kanina. Hintayin mo ako doon. Parating na rin sina Cassia at sina Oria."

Hindi na ako nagsalita at tinalikuran siya. Wala ako sa sariling pumunta sa restaurant at sinunod ang sinabi ni Monica. Nilapitan ako ng waiter.

"Pwedeng makahingi ng tubig?"

Tumango ito. Iginala ko ang paningin at ang kabang hindi pa rin ako nililisan ay tumindi nang makitang papasok ang parehong taong nakausap namin kanina sa hypermarket.

Umupo siya sa hindi kalayuan sa amin. Nakaharap siya sa aming direksyon. Wala siyang kasama ngunit may kausap siya sa phone.

May kausap siya sa phone!

Di nagtagal ay bumalik si Monica at dumating na rin ang aming mga kaibigan.

"Namumutla ka, Millie?" Tanong ni Asia.

Hindi ako sumagot. Sinundan nila ang tinitignan ko at mahinang napamura si Cassia.

"Si Tamiya... bakit siya nandito?" Tanong niya.

"Lipat tayo ng ibang resto?" Nag-aalalang tanong ni Monica.

Nagtama ang mga mata namin ni Tamiya. Tumayo siya sa kinauupuan. Lahat ng tao ay napatingin sa kanya hindi lang dahil sa taglay na ganda kundi dahil na rin sa confidence niya sa paglalakad.

Tumigil siya sa aking gilid. Tila naitulos ako sa kinauupuan.

"Millicent... patingin nga ulit sa baby mo." Hinawakan niya ang bata at kinarga.

Dahil sa panghihina ay hindi ko na siya napigilan.

"Bakit ganun? Bakit..." Nilingon niya ako at nginitian. Ngiting halatang hindi totoo. "Mukha siyang Dela Vega."

Continue Reading

You'll Also Like

440K 21.8K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
9.7K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
8.3K 87 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023