It's Him! My Jerk Boss!

By sherann0588

14.7M 131K 12K

Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror... More

TEASER
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
Chapter 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7 Part 1
CHAPTER 7 part 2
CHAPTER 8
CHAPTER 9 part1
CHAPTER 9 part2
Chapter 10 part 1
Chapter 10.2
Chapter 11
Chapter 12
CHAPTER 13 instruction on how to view the hidden chapter
CHAPTER 15
Chapter 16
chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
CHAPTER 22
Chapter 23
Chapter 24
chapter 25
Chapter 25.2
chapter 26
Chapter 27.1
chapter 27.2
Chapter 28
Chapter 28.5
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
chapter 34
chapter 34.2
Chapter 35
chapter 36.1
CHAPTER 36.2
Chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 39.2
Chapter 40
CHAPTER 41
Chapter 42
Chapter 42.2
Chapter 43
CHAPTER 43.2
Chapter 44
CHAPTER 44.2
CHAPTER 45
CHAPTER 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 47.2
Chapter 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
EPILOGUE

Chapter 14

263K 1.9K 169
By sherann0588

ANNOUNCEMENT:

I together with WMGMHM sequel co-writers and Operators will be conducting a contest for our group "WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCH open group" 1st Anniversary Celebration. I will be posting the details tonight upon finalizing the said event. Special Thanks to Althea Isabel Lee for suggesting this!

Happy Anniversary to us GANGSTERS!!!!

..

..

Nagising si Anya sa nakakasilaw na liwanag.. Ayaw nyang dumilat dahil masakit sa mata,muli nyang tinakpan ang mukha nya ng yakap na unan. Matutulog pa sya. Pero agad syang napaupo sa kama nang maalala nya kung nasaan nga pala sya. Nagulat pa sya nang mapagtantong wala na syang kasama sa silid. Hanep! Kung noon sya ang unang nangiiwan sa lalaking ito aba't ngayon sya ang iniwan! Iniligid ni Anya ang paningin nya sa kabuuan ng silid. Hindi nya gaanong napagmasdan iyon noon kasi nga madilim pa lang umaalis na sya pero ngayon mukhang napahimbing ang tulog nya. Nakasarado ang pinto samantalang nakahawi ang kurtina sa bintana kung saan tumatama ang liwanag. May maliit din na kitchen ang studio type na apartment. Tapos my pinto sa gilid ng kitchen na palagay ni Anya ay C.R. Napatingin pa sya sa nakasarang kabinet, maayos na nakahanger ang damit nyang suot kagabi sa handle nito. Pero sa loob kaya ng kabinet madaming underwear si Mr.Stranger?..

"Gaga ka Anya.." pinagalitan pa nya ang sarili, kung ano ano kasing kabaliwan nanaman ang naiisip nya. Tatayo na sana sya nang mapansin nya ang tila nakatakip na pagkain sa sidetable ng kama, agad nya iyon nilapitan at inusisa kung anong meron doon. Nagulat pa sya at kinilig nang makita ang isang tangkay ng bulaklak na rosas sa gilid ng platter na pinaglalagyan ng isang sandwich. May kasama pa ngang orange juice.

"Ang sweet naman ni Mr.Stranger..."sabi pa ni Anya sa kawalan sabay hablot sa bulaklak, aamoyin nya pa sana iyon kaso napagtanto nya na plastic lang naman pala iyon. "Ay langya! Plastic lang pala!" Nawala ang matamis na ngiti nya sabay balik sa bulaklak sa side table with bitterness pero muli ay napangiti sya at muntikan nanamang kiligin nang mapansin ang isang note. Kinuha nya iyon at binasa.

"Consider this day as your rest day. Don't go to work?" Napataas ang kilay nya at napatingin sa wall clock na nasa itaas ng bintana. "Kayaaaaahhh!!! 10am!!" Pabigla syang napabangon. Sino ba tong Mr.Stranger na ito para hindi sya papasukin sa opisina?

"Patay talaga ako nito kay Boss!! Naku naku!!!!" Nasabi pa nya nang makapasok sya ng tuluyan sa Restroom. Humarap sya sa salamin pero..."waaaaaaaahhhhhh!!!!!! MULTO!!!!!!"

..

..

..

"Wala pa ba si Ms.Anya?" Tanong ni Manuel kay Kevin.

"Tsk! Wala pa nga eh. Ano na kayang nangyari dun? Hindi ko macontact eh.." sagot pa ni Kevin na muling tinawagan ang cellphone ni Anya pero nakapatay pa din ito.

"Hayy.. buti nalang late si Sir.Jin kung hindi yari nanaman tong si Ms.Anya.."napabuntung hiningang bumalik nalang si Manuel sa table nya.. napasulyap pa sya sa bakanteng lemesa ni Anya, nakakapanibago lang kasi walang magulo.

...

...

Muntik nang basagin ni Anya ang salamin sa Restroom dahil sa pagkagulat sa nasaksihan pero mabuti nalang at hindi nya naituloy at nakilala na din nya sa wakas ang imahe nya sa salamin na halos hindi na makilala. Parang bangkay lang hindi ba? Ang magulo nyang buhok, ang kalat kalat nyang eyeliner at lipstick.. oh my ghad! Nakita kaya ni Mr.Stranger ang ayos nya ngayong umaga?

"OH MY GASSSSS!!!!!!!!" Bulalas ni Anya nang masilayan ang kanyang leeg at dibdib.. may parte kasi na pulang pula na nagkukulay violet pa doon.. "that Jerk put love bites on me!!! Kayaaaaahhh!!!!" Nagpapapadyak pa si Anya habang tila binubura ang mga Kiss marks na namuo sa leeg, collar bone at dibdib nya.. "that maniac! How could he!!!!" Hindi nya namalayan. Umiiyak na pala sya.. "G@go sya..." she sniff.. bakit ba kasi ang Tanga nya?... "Oh God.. I'm sorry...." nasabi nalang nya.. pakiramdam nya ang dumi dumi na nyang babae.. "oh God.. anong nagawa ko.. I'm sorry...." umiiyak na sabi nya.. Sa ikatlong pagkakataon naging makasalanan nanaman sya. Nagpadala. Nagpakatanga. Nagpagamit.

"Did you just call your boss a Jerk?" Nagflashback pa sa utak ni Anya ang sinabi nang lalaki kagabi.

"No! He's not! He tricked me!" Paulit ulit na sabi ni Anya.. Hindi iyon ang boss nya.. imposible! Ilang beses na silang napagisa ng boss nya noon sa Condo pero hindi naman sya hinalay nito, (hinalay talaga?) Sinusungitan at binubwiset pwede pa! Pero paano kung iisa lang talaga sila? Muli ay napailing si Anya. "HINDI! Hindi pwede.. I can't lose my Job!" Buo ang loob na sabi nya. Tama! Hindi si Mr.Stranger ang boss nya. She should believe that! Dahil kung hindi baka mamaya mawalan pa sya ng trabaho kung magiging katulad nalang ng mga naunang naging PA na babae nang boss nya ang kahihinatnan nya. Yung fina-fire nalang bigla dahil sa naghangad sila ng pansin mula sa boss nila.

Nagmamadaling magbihis si Anya nang makatapos na syang maligo.. Late na talaga sya! Uuwi pa sya sa Condo ni Jerome para doon magpalit ng damit dahil hindi magandang pang office ang damit nya kagabi.. isa pa madumi na din iyon at saka..

At saka.. at saka... "kaaayaaaahhh!!! Nasaan ang Panty ko??? Waaaaahhh T0T"

...

...

Isang oras na mula nang dumating si Jin sa opisina. Nakangiti nyang binati ang mga empleyado at nagdiretyo na sya sa opisina nya. What happened last night is indeed un expected. Pagkakataon nga naman. Mabuti nalang at naisipan nyang pumunta sa Go Wild Bar.. mag a unwind lang sana sya nang makita nya ang PA nya doon.

"Sir.. You have a meeting with our Quatar Investors at 1pm today.." paalala ni Manuel kay Jin.

"Thanks for reminding me Manuel. I almost forgot about that.." tumatawa pang sabi ni Jin na ikinabigla ng Executive Secretary. Manuel left Jin's office nang mairemind na nya dito ang nga pending activities nya.

"Ano wala pa ba si Ms.Anya?" Muling tanong ni Manuel kay Kevin.

"Wala pa nga.. nasan na kaya yun?" Nagaalalang sabi ni Kevin.

"Naku pasalamat sya in good mood si Sir kung hindi malamang patay nanaman sya.

Alam mo naman si Sir!" Napapailing pa si Manuel.

"Hindi ba hinanap ni Sir si Ms.Anya? Di ba mahilig yun magpatimpla ng kape pagdating na pagdating nya?" Kunot ang noong tanong ni Kevin kay Manuel. Sa tapat lang kasi ng cubicle nina Manuel at Anya ang pinto ng office ni Jin, samantalang si Kevin ay sa pinakaentrance pa ng department nila. Bale madadaanan muna ang cubicle ni Kevin tapos ay entrance naman ng office nina Manuel at Anya pagkatapos ay sa Vice President na ng Estude Corporation na si Jin.

"Himala nga pare eh. Good mood talaga sya, nakangiti nga agad pagpasok.. kumakanta kanta pa nga sa loob habang pinagaaralan ang mga papeles." Nawiweirduhan talaga si Manuel sa Boss nila.

"Hayy nakakapanibago kapag wala si Ms.Anya." buntong hininga ni Kevin..

"Oo nga.. walang maingay sa tabi ko.." huminga din ng malalim si Manuel kaya napatingin sa Kevin sa katrabaho ng tila hindi makapaniwala.

"Akala ko ba.. she's annoying for you? Bakit namimiss mo?" Tumaas taas pa ang kilay ni Kevin..

Napalunok naman si Manuel. "Syempre.. wala kasing nakakainis eh.." sabay iwas ng tingin.

"Sabihin mo nga pare. Gusto mo na talaga sya no?" Panunukso ni Kevin. Eto kasing si Manuel ayaw umamin pag nagkukwentuhan sila lagi lang sinasabi na naiinis sya sa ingay at kulit ni Anya.

"Sira! Hindi no!" Sabay iwas ulit ng tingin. Napapahid pa sya sa tumulo nyang pawis.

"Tsk tsk.. aminin mo na. Kahit naman pareho natin syang gusto hindi naman pwede. Bawal ang romantic relationship sa trabaho sabi ni boss.. at ako? Masaya na kong maginv kaibigan sya."sabi naman ni Kevin.

"Tsk! Hindi nga pare. Ano ka ba? Hindi sya ang tipo kong babae. " muling pagdedeny ni Manuel na napatingin sa paparating na bisita na tila kalalabas lang ng elevator sabay kunot noo.

"Pare? Diba 1pm pa ang meeting ni Sir sa Investor natin from Quatar?" Sabay tanong nya kay Kevin.

"Oo sa Conference room yun sa 20th floor diba?" Sabi ni Kevin na napatingin pa sa tinitingnan ni Manuel.

"Bakit nandito na ata ang isa sa kanila?" Sabi ni Manuel. May papalapit kasing babae sa gawi nila. Naka orange Maxi dress ito. Yung mahabang dress na hanggang talampakan tapos nakascarf din ito ng puti na nakabalot ang ulo nito hanggang leeg at may shades pa.

Ngumiti naman ang babae sabay tanggal ng shades.

"MS.ANYA???????" Bulalas nina Kevin at Manuel. Kumaway kaway pa si Anya sa dalawa nang bigla ay parang bula na naglaho si Anya sa paningin nila at kasabay ang isang malakas na lagabog.

BLAG!!!

Sa kakakaway nya kasi ay hindi nya napasin na may swivel chair pala sa dadaanan nya kaya nadapa siya mabuti nalang may isang matipunong mga braso ang nakasalo sa kanya kaya napahiga ang lalaki habang napapatong naman sya dito. Babangon na sana si Anya nang dumagundong ang boses ng Boss nila sa buong langit! Este 21st Floor!

"ANTONIA QUINTANA ISMAEL! in my office!!!" Nakacrossed arm na sabi ni Jin habang tila gulat na gulat sa mga pangyayari..

Nagmamadaling bumangon si Anya sa takot.. inayos nya ang scarf nya, buti nalang at tila hindi nakita ang tinatago nyang mga bakas ng kasalanan. Lol. Ganun din ang lalaking nakasalo sa kanya. Tila kinakabahan itong humarap sa boss nya.

"Sir..." bati pa ng lalaki sa Boss nila kaya tiningnan ito ni Jin sabay sabing... "YOU ARE FIRED!"

...

...

"Boss! Why did you fire him? Kasalanan ko po yung nangyari!" Kinakabahang sabi ni Anya.

"Why did you come to work?" Hindi pinansin ni Jin ang sinabi ni Anya bagkus ay sinagot ito ng isang tanong din.

"Po? Naguguluhan si Anya. Ano bang sinasabi ng boss nya? Yung ka officemate nila na sumalo sa kanya kailangan din nyang tulungan! Kawawa naman! "Wag nyo na po syang sisantihin Boss! Kawawa naman po! Wala naman po syang ginagawang masama." Sabi nya na hindi sinasagot ang tanong ng boss nya.

"Tinatanong kita kung bakit ka pumasok? Ang sabi ko sayo wag ka nang pumasok diba? Didn't you read my note?!" Madilim ang expression na sabi ni Jin, at sa aura nito ngayon pati na din sa sinabi nito.. natahimik si Anya.

'IT'S HIM! OH GOD!' her twisted mind blurted out. Napatakip pa sya sa bibig nya.

"Yes It's me! Why are you so stupid that you didn't notice?!!" Galit pa rin na sabi ni Jin. Hindi pa din makapagsalita si Anya. Hindi sya makagalaw. Hindi nya alam ang sasabihin nya. Gusto nyang kiligin kaso hindi nya magawa, dapat bang kiligin sya? O dapat magalit sya? Does this mean this guy knew it all along?

He slowly walked towards her.. hindi gumagalaw si Anya gulat na gulat.. gulong gulo. Dahan dahan ay hinawakan ni Jin ang scarf ni Anya, he slowly removed it untill he saw what is she hiding.. She gasped when he touched her love bites on her collar bone.

"I did this.." bulong ni Jin.

"You knew all along..." tanging nasabi ni Anya.. He met her eyes and answer her question...

With a warm gentle kiss...

...

...

To be continued.

Continue Reading

You'll Also Like

129K 1.1K 6
Kung nai-stress ang mga tao, nai-stress din pala ang ghosts, white lady, ligaw na kaluluwa, at kung ano pang pwedeng itawag kay Amethyst. Dead na...
8.1M 501 1
Nang dahil sa isang maling akala ay nawala sa akin ang lahat, ang batang nasa aking sinapupunan, ang mga pangarap na magkasama naming binuo, ang pagt...
19.8K 757 13
Sunshine thought she'd find a new family and love when she stepped into her mom's new husband's mansion. Unfortunately, she was wrong. Instead of lov...
147K 11.3K 169
Si Austin Louis Vermilion, ang main character na ipinanganak na maganda,sexy, matalino-pero syempre charot lang yun! Walang ganun sa story na 'to! OK...