HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4

3.1M 60.7K 192K
By maxinejiji



CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
Who's back with a vengeance?

CARGOSIN'S POV

"CARGOSIN?" dinig na dinig ko ang tinig ni Eerah Anitha, hindi pa man ako nagmumulat ng mga mata. "Cargosin?" muling pagtawag niya.

Napakunot-noo naman ako nang agad na manalaytay ang matinding sakit sa iba't ibang parte ng katawan ko. Gusto ko na agad magalit dahil hindi na mawawala sa isip kong si Maxpein Moon ang dahilan ng mga ito. Ang bawat sakit na nararamdaman ko ay parang mga patalim na paulit-ulit na ibinabaon sa bawat parteng masakit. Pakiramdam ko ay may humihiwang kutsilyo sa pisngi ko. Maging ang pamamaga ng mukha ko ay nararamdaman ko. Para bang napakakapal ng balat ko.

"Cargosin..." Naramdaman ko nang haplusin ni Eerah Anitha ang noo ko matapos kong magmulat ng mga mata.

Tumama ang paningin ko sa halos mapundi nang bumbilya. Agad ko ring napakiramdaman ang napakatigas kong kinahihigaan. Ilang sandali pa bago ko siya magawang lingunin. At imbes na mabuhayan ay nagtangis agad ang mga panga ko matapos kong makita kung gaano kalaki at kung gaano karami ang pasa, sugat at galos niya sa mukha. At gaya ng sa akin, lahat nang iyon na naroon sa kaniyang mukha ngayon ay dahil kay Maxpein Moon. Dahil sa makamandag na abilidad ni Maxpein Zin del Valle-Moon.

Pero hindi ko nagawang makapagsalita. Nahagip ng paningin ko ang gawing likuran ni Eerah Anitha. At gano'n na lang ulit ang gulat ko matapos makita ang aking ama na halatang pinagkasya sa makipot na sofa. Nang muli kong igala ng aking paningin ay 'ayun sina Christian at Taylor na nakahiga rin sa pinagdikit-dikit na silya. Sinadya kong tingnan ang kinahihigaan ako, isa iyong mesa.

Napapikit akong muli, at agad na napangiwi matapos kong makagat ang gilid na parte ng labi ko. Mayroong sugat doon.

"Cargosin, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Eerah Anitha.

Hindi ko nagawang kumilos para lingunin siya. Hindi ko rin nagawang tumugon. Hindi ko magawang makapag-isip nang tama. Hindi ko alam kung nasaan kami. At mas lalong hindi ko alam kung ano na ang pwedeng gawin at kung ano pa ang mangyayari.

Gusto kong maghiganti. At sa susunod na maghiganti ako ay hindi na ako magdadalawang-isip na pumatay ng tao.

"Cargosin," muling pagtawag ni Eerah. Sa sandalin iyon ay nilingon ko na siya dahil sa garalgal niyang tinig. Umiiyak siya. "Hindi ko na kaya. Ayaw ko na, Cargosin. Hindi ko na kaya, Lucargo. Tigilan na natin 'to, please."

Napatitig ako sa kaniya. Kung sapat lang ang lakas ko ay baka hinaplos ko na agad ang mukha niya, para pawiin ang butil ng luhang sunod-sunod na tumutulo mula sa kaniyang mga mata. Gusto kong magsalita para pagaanin ang loob niya at sabihing magiging maayos din ang lahat. Ngunit hindi ko magawa. Bukod sa kasalukuyan kong kahinaan ay hindi sumasang-ayon sa sinabi niya ang puso ko. Malayo sa mga sa pagsuko ang nararamdaman ko.

"Tumakas na lang tayo, Cargosin. Lumayo na lang tayo dito. At gaya ng dati ay gumawa tayo ng sariling buhay na malayo sa mga tao. Iyong buhay na masaya at kontento tayo ng ating pamilya. Hindi ko na kaya. Wala na akong lakas para lumaban dahil alam kong paulit-ulit lang tayong matatalo, Cargosin. Umatras na tayo. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang umabot sa ganito," halos humagulgol sa pag-iyak si Eerah.

"Ngunit...hindi ako handang sumuko, Eerah," humahangos at hirap na hirap kong sabi, sa napakahinang tinig. "Wala akong lakas para tumakbo papalayo sa mga taong ito, Eerah. Pero ang lakas para lumaban at makapaghiganti ay kaya kong pag-ipunan."

Natigilan siya at sinamaan ako ng tingin. "Ano pa ba ang ipaglalaban mo, Cargosin?" halos magtaas siya ng tinig. "Kinuha na natin ang buhay ng inosenteng Chairman, ano pa ang dahilan mo para maghiganti?"

Sinikap kong abutin upang mahawakan ang kaniyang pisngi. Iginala ko ang daliri ko sa bawat sugat, pasa at galos na naro'n sa kaniyang mukha. Makailang beses kong pinisil at hinaplos ang pisngi niya bago nagtamang muli ang paningin namin.

"Ang lahat nang iyan, Eerah," namamaos kong sabi. "Ang bawat sugat na nakikita ko sa mukha mo, ay sapat nang dahilan para maghiganti ako."

"Cargosin..." Hindi niya malaman kung paano akong tutugunin. "Hindi mo kailangang gawin iyon," paulit-ulit na umiiling niyang sabi. Saka niya hinawakan ang kamay ko at idiniin sa pisngi niya. "Hindi mo na kailangan pang maghiganti, Cargosin, dahil ang mga sugat na 'to ay maghihilom din. Mawawala rin ang mga ito. Pero kapag panibagong buhay ang nawala sa atin..." Umiling siya nang umiling habang umiiyak matapos niyang bitinin ang dapat na sasabihin.

"Hindi ko hahayaang malagasan pa tayo ng isa, Eerah, magtiwala ka. I am not going to let that happen. Not again."

"That is not going to happen if we stop now. Pero kung itutuloy mo ang paghihiganti mo ay malaki ang posibilidad na mawalan na naman tayo ng isang kasama. Hindi ko na kayang panoorin ang mga Moon na saktan tayo, Cargosin. Please, I am begging you, let's end this." Emosyonal niyang hinaplos ang mukha ko.

"Ang bawat negosyong binubuksan ko ay isinasara ko bago ko iwan, Eerah. Hindi ko pwedeng talikuran ang nasimulan na," tiim-bagang kong sinabi.

Nanlumo siya. Lalong nagpatuloy ang pag-agos ng mga luha sa kaniyang mukha. "What happened to you?" tanong niya habang umiiling na nakatingin sa akin. Nag-igting ang panga ko at nilabanan ang titig niya. "Hindi ganitong buhay ang ipinangako mo sa 'kin, Cargosin." Tumayo siya at patakbo akong iniwan matapos sabihin 'yon.

Natigilan ako at agad na pinangunutan ng noo. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga huling salitang binitiwan niya. Hindi niya kailanman sinabi sa akin iyon at tila ba ako natauhan matapos niya iyong sabihin ngayon.

Eerah...

Parang isang palabas na nanumbalik sa alaala ko ang nakaraan namin ni Eerah. Kung paano ko siyang nagustuhan nang una pa lang na lumapat sa kaniya ang aking paningin. Kung paanong nahulog sa kaniya ang loob ko sa araw-araw na magkasama kami. At kung gaano naging mahirap para sa akin na aminin sa kaniya ang nararamdaman ko dahil magkapatid kami sa papel.

Paanong hindi ko siya magugustuhan? Nasa kaniya ang lahat ng katangian na hinahanap ko sa isang babae. Si Aitana...siya ang kauna-unahang babae na nagustuhan at minahal ko. Hanggang ngayon ay walang nagbabago sa nararamdaman ko.

Pero hindi ko naiwasang maalala maging ang relasyon nila Lovemir. Kung gaano kadali para sa akin na mahulog kay Eerah ay gano'n din kadali siyang nahulog kay Lovemir. At iyon ang pinakamasakit na sandali ng aking buhay. Nang mahalin ko ang maling tao ngunit umibig din siya sa isa pang pagkakamali. Gano'n kalupit ang tadhana sa akin.

Pakiramdam ko tuloy ay kinurot ang puso ko. Ako ang kasama niya pero iba ang laman ng isip at puso niya. Naramdaman ko ang kaibahan sa trato niya sa akin at ni Lovemir. Totoong wala siyang ipinakitang mali sa akin. Pero hindi ko kailanman nahigitan o natapatan man lang kung ano si Lovemir sa kaniya. Kung kay Lovemir ay buong puso niyang ginagawa ang lahat, sa akin ay araw-araw kong naramdaman kung paanong siyang napipilitan.

Gayunman ay nagpapasalamat ako dahil walang oras na ipinaramdam niya sa akin na sinisisi niya ako. Nagsisisi siyang sa akin humantong ang buhay-may-asawa niya, pero hindi ko naramdamang ako ang sinisisi niya doon. Kung meron man siyang sinisisi, iyon ay ang kaniyang sarili. Dahil hindi siya gumawa ng paraan para ipaglaban si Lovemir gayong hindi rin ito lumaban. Pareho silang naduwag sa aming ama.

Patawarin mo ako, Aitana. Sinira ko ang buhay ko, nadamay pa ang buhay mo.

NAGISING AKO nang sumunod na araw. Hindi na kasimbigat nang kahapon ang pakiramdam ko. Nagagawa ko nang maikilos ang ilang bahagi ng katawan ko. Bumangon ako at agad na inilinga ang aking paningin. Napabuntong-hininga ako, walang tao maliban sa akin.

Nakaramdam ako ng init. Nangangati na rin ang ilang bahagi ng katawan ko. Dahil marahil sa ilang araw na hindi pagligo.

Hindi pa ako komportableng ikilos ang kaliwang braso ko. Kaya naman gano'n kahirap na lang para sa aking hubarin ang mga damit ko. Hubo't hubad kong binuksan ang bawat pintong makita ko para matunton ang banyo. Kailangan kong maligo, kailangan kong mahimasmasan. Pakiramdam ko ay nakakaapekto ang hindi magandang amoy ko sa aking pag-iisip.

May kadiliman ang banyo. Sapat lang ang laki niyon para makaligo. Pumipitik-pitik ang ilaw, parang anumang oras ay mapupundi na ito. May bintana naman ngunit tinakpan iyon ng patong-patong na kahoy gamit ang pako. May sink din at sa ibabaw niyon ay may malabong salamin na pabilog. Marumi na ang puti na tiles, semento naman ang dingding at mas pinapangit ng mga nakasulat na kung ano-ano. May bath tub nga ngunit nanggigitata naman iyon sa dumi. May shower din ngunit nang buksan ko ay parang mas malakas pa ang aking ihi.

Hinayaan ko lang na umagos ang tubig mula sa shower. Dumeretso ako sa harap ng salamin upang aninaging ang aking sarili. Isa-isa kong tiningnan at hinaplos ang mga sugat ko sa mukha gamit ang aking dalawang daliri. Nag-igting ang panga ko at gusto kong ipasa lahat kay Maxpein Moon ang mga ito.

Magagawa ko nga kayang ipasa lahat kay Maxpein Moon ang mga ito? Bakit si Maxpein Moon? Bakit siya? Buhay pa si Chairman Enrile, Cargosin. Bakit hindi siya ang iyong pagdiskitahan?

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay may kung anong nagbabago sa damdamin ko at hindi ko iyon matanggap.

Inis kong kinuha ang sepilyo nang kung sinuman na nakapatong doon saka nagsimulang linisin ang aking bibig. Tatlong beses kong sinepilyo ang bibig ko, gano'n karumi iyon sa pakiramdam ko.

Masakit pa rin ang likod ko pero hindi na sapat ang sakit niyon para magpahinga pa ako nang mas mahaba sa ginawa ko. Gusto kong maligo para mas makapag-isip, para mas makapagplano nang maayos kung paano ko tatapusin ang laban na ito.

Humawak ako sa salaming dibisyon ng sink at bath tub, saka ako tuluyang humarap sa shower. Hinayaan kong umagos ang tubig mula sa aking ulo paibaba sa aking katawan. Napapikit ako nang tumingala ako at hayaan ang tubig na salubungin ang mukha ko. Gano'n kabilis na gumana ang isip ko, ngunit hindi para magplano. Kundi kung paano nagsimula ang lahat ng ito.

Kung hindi kayo sumali sa gulo ay wala sanang nawala sa inyo. Bakit ba napakatigas ng ulo ng babaeng Moon na iyon?

Hindi ko maiwasang maalala ang mga sinabi ni Eerah. Noong simula ay hindi ako umasang tatagal ang galit niya. Masyado siyang mabait para magalit nang ganitong katindi. Masyadong malinis ang kalooban niya para sakyan ang aming mga plano. Kaya ang inaasahan ko, bago pa man umabot sa ganito, siya na ang unang susuko. Nangiti ako sa isiping umabot siya hanggang dito. At hindi ako nagagalit dahil gusto niya nang sumuko. Matagal ko na siyang gustong pasukuin dahil ayaw ko siyang isali dito. Gusto ko siyang ilayo.

At ngayon ay gusto kong ibigay sa kaniya ang mga bagay na ipinangako ko. Gusto kong tuparin ang mga salitang binitiwan ko noon nang piliin niya ako.

Hindi naging madali para sa akin ang maligo. Lalo na at ang kaliwang braso ko ay hindi ko maasahan sa ngayon. Kailangan ko pang itabingi ang katawan ko para lang makuha ang shampoo na nasa gawing kaliwa ko. Saka ko iyon hirap na hirap na ipinahid nang paulit-ulit sa ulo ko.

Narinig ko ang langitngit ng kahoy na pinto kaya awtomatiko akong napalingon doon.

Eerah...

Kunot-noo kong inaninag si Eerah Anitha mula sa dibisyon na salamin. Bagaman hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya ay batid kong nakatingin siya sa gawi ko. Sigurado akong nakatingin siya sa akin.

Nahinto ako sa ginagawa ko at pinanood ko ang paglakad niya. Hinintay ko ang paglapit niya hanggang sa magtama ang aming mga mata. Hindi ko alintana ang kawalan ko ng damit sa katawan at ang hindi magandang amoy na kumakawala sa aking katawan. Dahil kahit na anong sugat pa ang mayroon siya sa mukha ay hindi nawawala ang taglay niyang natural na ganda.

Gusto kong manlumo nang paulit-ulit na umandar sa isip at pandinig ko ang mga huling salitang sinabi niya sa akin kagabi. Hindi ako nakatulog nang ayos dahil doon. Magdamag akong inaantig ng konsensya ko habang iniisip ko ang kaniyang nararamdaman.

"Why are you here?" seryosong tanong ko nang magtama ang paningin namin.

Pero hindi nagtagal sa mga mata niya ang tingin ko. Hindi ko napigilang tingnan ang suot niya. Gamit ang isang malaking polong puti, na wala sa ayos ang pagkakabutones, ay hindi kapani-paniwalang napakaganda pa rin niya. Walang sapin ang kaniyang paa pero kaakit-akit pa ring tingnan ang mga iyon dahil mamula-mula. Bagaman may mga sugat at galos ay malinaw sa paningin ko ang maamo niyang mukha.

Humugot siya nang malalim na hininga at maingat iyong pinakawalan. Hindi ko maintindihan kung bakit bahagya akong napaatras nang maglakad siya papalapit sa akin. At napahugot din ako nang malalim na hininga nang bumaba sa kahubdan ko ang mga mata niya.

Wala anumang salita siyang humakbang papasok sa tub at tumayo sa aking harapan. Nagugulat ko siyang tiningnan sa mga mata pero ang paningin niya ay isa-isang tinitingnan ang mga sugat ko sa katawan. Nahinto lang sa paggala ang mga mata niya nang mapansin niya ang hindi maigalaw na braso ko.

Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, nagtatanong na ang mga mata niya wala pa man siyang nasasabi. "Masakit ba?" nag-aalala niyang tanong.

Inosente akong nagbaba ng tingin sa kaliwang braso ko. "Sumasakit kapag pinipilit kong igalaw, at kung hindi sinasadya ay maigalaw ko." Patuloy ako sa pagbubuntong-hininga.

Humakbang siya papalapit. Bahagya kong naiiwas ang mukha ko pero nagawa niya pa ring hawakan ang pumutok kong labi. Hindi ko inalis ang paningin ko sa kaniyang mukha kaya napanood ko ang pagpapalit niya ng reaksyon. Nababasa ko ang matinding lungkot niya habang hinahawakang isa-isa ang mga sugat ko sa mukha.

Napalunok ako nang maglandas ang mga kamay niya papunta sa magkabila kong pisngi. Nagtamang muli ang paningin namin at hindi ko inaasahan ang kaniyang bitin na pagngiti. Iyong ngiti niyang may halo pa ring lungkot.

Halos manigas ang katawan ko nang sa hindi inaasahan ay hinapit niya ang mukha ko pababa sa kaniya. Saka niya hinalikan ang sugat sa aking labi. Iyon ang unang beses na ginawa niya iyon sa akin kaya naman gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko. Napapalunok akong umayos ng tayo at napatitig sa kaniya. Agad ko ring naiiwas ang paningin ko nang tumingin siya sa mga mata ko.

Damn it.

"I'm sorry," mahinang sabi niya dahilan para muli akong mapatitig sa kaniya.

"Sorry for what?"

"For everything, I'm sorry for everything," halos pabulong niyang sabi.

Napailing ako. "I don't know what you're saying, Eerah. What are you sorry for?"

'Ayun na naman 'yong bitin niyang pagngiti. "I'm sorry for blaming you. I'm sorry for making everything hard for you. I'm sorry for making you feel unloved. I'm sorry for...everything."

"Eerah, stop saying that."

"Alam ko namang kaya mo lang ginawa ang lahat nang ito ay dahil sa 'kin."

"I don't understand what you're saying," umasta pa rin akong nalilito. Ayaw kong maging emosyonal. Ayaw kong makita niya kung gaano kabilis magbago ang emosyon ko kapag siya ang kaharap.

"Alam kong ginawa mo ang paghihiganting ito dahil nagalit ka nang makita kung gaano akong nasaktan nang mawala ang mommy."

"Stop."

"I know it, Cargosin."

Nag-igting ang panga ko. "Then stop saying sorry because it is still happening, Eerah."

"I want you to stop, Cargosin."

Kunot-noo akong napatitig sa kaniya. "For what reason, Eerah?" Napailing ako. "God damn, I can't believe you came here just to say those bullshits! Stop it because I am not stopping!"

"Sshh, sshh." Inilapat niya ang daliri sa labi ko dahilan para mapapikit ako habang naghahabol ng hininga.

"I am not going to stop just because you ask me to, Eerah," mahinang sabi ko saka ako nagmulat ng mata.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang salubungan niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko pero ang agarang paghahanap ng halik niya ay pinukaw ang buong atensyon ko. Laking pasasalamat ko at nauna kong linisin ang bibig ko dahil baka hindi niya nagawa ito kung nagkataon.

Dumiin ang pagpikit ko at hinawakan siya sa kaliwang braso saka ko siya marahang inilayo. "You don't know what you're doing, Eerah," pabulong kong sabi matapos bitawan ang labi niya.

Ang mga titig niya sa 'kin ay nakakapanghina. Ang labi niya ay itinutulak ang kamay kong hapitin siya pabalik, papalapit sa akin. Napalunok ako sa pagtitig sa basa niyang labi at bigla akong nalango.

Namumungay ang mga mata ko nang tumitig sa kaniya. Hindi ko inaasahang mas mapupungay pa ang mga mata niya. Natuon sa kaliwang kamay niya ang paningin ko nang umangat iyon sa unang butones ng polo na suot niya. Wala sa ayos ang polo, ang isang bahagi ay mahaba habang ang isa naman ay bitin. Hindi ko alam kung sinadya niya bang ipasok ang unang butones sa ikatlong butas kaya gano'n ang naging hitsura nang suot niya.

"I just want to take care of you," mahinang tugon niya.

"I can take care of myself, Eerah."

"You're in pain."

"It will go away." Nagtiim-bagang ako habang nakatitig sa kaniya. "Lumabas ka na at magbihis nang mas maayos na damit."

Hindi siya sumagot at sa halip ay mas tumitig siya sa akin. Ang mga titig niyang iyon ay bumaba sa pang-amoy ko hanggang sa matuon na naman sa aking mga labi. Namumungay ang mga mata niya at alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin niyon.

Damn, this girl really doesn't know what she's doing!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong hapitin siya, hindi ko na nainda ang sakit ng isa kong braso. Hinawakan ko ang mukha niya at sapilitan siyang inilapit sa hubad at basa kong katawan. Niyuko ko ang labi niya at saka ko siya hinalikan.

Halik na sa simula ay madiin. Hanggang sa unti-unti iyong magkusang maging malumanay. Na sa sobrang lumanay ay nararamdaman ko ang lambot ng bawat bahagi ng kaniyang labi. Hinahalikan ko na siya pero parang may kulang pa. At ang kulang na iyon ay hinahanap ko na.

Ang mga kamay niya ay umakyat papunta sa buhok ko, bagay na noon niya lang ginawa. Hindi na ito ang unang beses na mangyari sa amin ito. Ilang beses nang may nangyari sa amin. Pero ngayon niya lang ipinaramdam sa akin na gusto niyang may mangyari sa aming dalawa. Ngayon niya lang ipinaramdam sa akin na kailangan niya ako. At nararamdaman kong hindi lang ito dahil sa kapusukan. May kung anong kapani-panibago sa ipinaparamdaman niya na hindi niya pwedeng itago sa 'kin.

"Cargosin..." umungol siya nang halikan ko ang leeg niya.

Hawak niya ang mukha ko at pilit akong idinidiin para mas halikan ko pa ang balat niya doon. Naglaro ang malikot kong dila sa kabuuan nang mahaba niyang leeg. Hindi ko na nahintay na tanggalin niya ang bawat butones. At mas lalong hindi ko alam kung paanong naging malakas ang kanina ay hindi ko maigalaw na braso, para mawasak ang lintik niyang polo.

Namangha ako nang makitang iyon lang ang suot niya. Bukod sa polo ay wala nang ibang bumabalot sa katawan niya. Tiningnan ko siya sa mga mata at saka tuluyang inalis ang damit niya.

"Are you sure about this?" nahihiya man ay ginusto kong itanong. At dahil hindi ko magawang tingnan siya sa mga mata ay itinanong ko iyon habang hinahalikan ang leeg niya.

"I've never been...this sure, Cargosin," halos paungol nang tugon niya. Kaya ang nagpipigil kong mga kamay ay dumausdos na papunta sa dibdib niya.

Dumaing siya ng pag-ungol nang bumaba ang halik ko sa leeg niya, papunta sa kaniyang dibdib. Lalo pa siyang lumiyad nang laruin ko ang mga iyon gamit ang daliri, dila at labi. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa mag-init ang kaniyang katawan. Init na katamtaman lang naman pero nakakapaso ng katauhan.

"Cargosin..," daing niya. Mas idiniian niya ang mukha ko sa kaniyang dibdib dahilan para lalo akong ganahan.

Naglayag ang kamay ko sa kaniyang likuran, paulit-ulit na pinapaso ang balat niya ro'n. Hanggang sa bumaba ang mga ito at pumunta sa hugpungan ng kaniyang mga hita. Ibinuka ko ang dalawang pisngi niya sa likuran na siyang dahilan para bahagyang dumiin ang mga kuko niya sa 'kin.

Bigla ay parang wala akong maramdamang sakit. Lahat ng parte ng katawan ko ay nagagawa kong ikilos nang normal at walang kahirap-hirap. Lahat ay sumasang-ayon sa tawag ng katawan naming pareho.

Binuhat ko siya papaharap sa akin nang magpantay ang aming taas. Isinandal ko siya at doon naglandas ang mga labi namin. Walang kasinsabik at kasinlalim ang aming halik. Hindi iyon normal sa akin, hindi pamilyar ang ipinaparamdam niyang pananabik. Lalo akong ginaganahan at aaminin kong malaki ang epekto niyon sa aking emosyon. Sa hindi inaasahan, ang mapaglarong si Eerah ay hinalikan ako at bahagyang kinagat sa leeg. Wala akong ideya kung alam niyang iyon ang aking kahinaan.

"Damn, I'm not going to let you leave this room unfucked, Eerah." Hindi ko halos maitago ang gigil ng aking pananalita maging ang pag-iigting ng aking panga.

Halos mapatili siya nang lalo ko siyang buhatin at paharap na paupuin sa magkabila kong balikat. Nag-angat ako ng tingin at gano'n na lang ang gulat niya nang magkatitigan kami. Napangisi ako nang makita kong pamulahan siya ng pisngi. At gano'n na lang ang tuwa ko nang maramdaman ko ang kaniyang pananabik dahil mas lalo niya akong idinidiin habang abala ako sa kinakain.

"Fuck..," mariing bulong niya.

Napangisi ako. Damn... Kahit kailan ay hindi ko naramdaman sa kaniya ang ganitong uri ng pananabik. She's god damn excited.

Muli ko siyang sinulyapan, naniningkit ang aking mga mata pero hindi naging dahilan iyon para hindi ko siya makita. Malaki ang pagkakaawang ng mga labi niya at mariin ang pagkakapikit. Every reactions and emotions that she expresses turns me on.

"Cargosin," gigil niyang pagtawag, mas humihigpit ang pagkakahawak sa 'kin hanggang sa parang gusto niya nang kumawala. Hindi na malaman kung anong kilos pa ang gagawin.

"You're on top of me, Eerah," nagpatuloy ako sa paghalik sa maselan niyang labi. She tried to push me away, I know what that act means. "You can't run away from me, not anymore." I played with her. She did not expect that it will give her a rush of pleasure.

"Cargosin, I'm... I'm..."

"You're what?" nababaliw kong bulong. I grabbed her hips and go deeper.

Wala nang bibilis pa sa paghinga niya. Paghinga na tila ba may inaabot. Paghinga na bumubuo ng kakaibang huni mula sa loob ng katawan niya.

I locked my arms around her thighs while eating her out. "You can't escape me, Eerah, I'm going to consume you," pabulong kong sabi habang salitan sa ginagawa at pagsasalita. "I'll make you take it until you come in multiple times."

AGAD NA nakatulog si Eerah Anitha matapos ang sandaling iyon. Hindi ako makapaniwalang tulog na tulog siya ngayon sa hita ko. Pareho kaming nasa sofa, hindi gano'n kalambot iyon pero hindi na ako maghahanap nang higit pa rito. Masyado akong kontento sa sandaling ito.

Hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa inosente niyang mukha. Hindi rin mahinto ang kamay ko sa paghaplos niyon sa kaniyang ulo. Kakaiba sa pakiramdam ang nangyari kanina. Para bang nararamdaman ko pa rin ang pag-iisa ng katawan naming dalawa.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang bumukas ang pinto at tumambad sina Christian at Taylor. Kasunod nila ay ang pagpasok ni daddy. Gustuhin ko mang tumayo ay hindi ako nakakilos. Ayaw kong magising si Eerah.

Syempre pa, gano'n na lang ang pagtataka sa mukha nina Christian at ang iika-ikang Taylor. Isa kasing himala ang ganitong lagay namin ni Eerah.

"Saan kayo galing?" tanong ko.

Matagal bago nagawang ibaling ni Christian ang tingin niya sa 'kin. "Nagnakaw."

Napamaang ako. "Ano?"

Humalakhak si Taylor. "Oh? Inaasahan mo bang magpapasa ako ng bio-data sa isang convenient store para magtrabaho? Syempre, doon ako sa mas mapapadali ang paglalagay ng laman sa kumakalam kong sikmura."

"Tch," singhal ko sabay iwas ng tingin. "Bakit kayo nagnakaw?"

"Bakit hindi?"

"Taylor, maraming paraan para makakuha tayo ng makakain."

Natigilan siya at ipinakita sa 'kin ang kaniyang pagkamangha. "Ano kaya ang nangyari at parang naging mabait ka bigla?" sarkastiko niyang tanong. "Akala ko ay demonyo lang ang sumasanib sa katawan ng tao? Anghel yata ang sumanib sa 'yo, Lucargo. Christian?"

"Oh?" natatawang tugon nito.

"Tumawag ka ng albularyo," natatawa ko ring sabi.

Humugot ako nang malalim na hininga at eksaktong tumama kay daddy ang aking paningin. Masama ang tingin niya sa akin at nakatiim ang kaniyang bagang. Gusto kong tumayo bigla para magbigay-galang sa kaniya. Pero tulog na tulog na si Eerah at ayaw ko talaga na magising siya.

Inilapag ni daddy ang dalawang supot sa mesa kung saan ako nakahiga kanina. "Gisingin mo si Eerah, kumain kayong dalawa."

"Katutulog lang niya, dad. Busog pa naman ako. Sabay na lang kaming kakain mamaya. Kailangan niya ng pahinga," sinikap kong huwag mautal.

Sinamaan kami ng tingin ni Chairman Rewis. Ayaw kong isiping pinaghihinalaan niya kami. Hindi mahirap hulaang may nangyari sa amin ni Eerah habang wala sila.

Nagulat naman ako nang muling bumukas ang pinto at tumambad si Mark kasunod ang dalawa naming tauhan. Bitbit at tulak-tulak nila ang patong-patong na karton papasok.

"Ano ang mga iyan?" nagtataka kong tanong.

"Kasamaan ang mga iyan, Cargosin," sarkastiko na namang tugon ni Taylor. "Lahat nang iyan ay gawain natin. Ano ba at nagugulat ka pa?" Humalakhak siya.

"Kailan ka ba matitigil diyan sa pagiging sarkastiko mo?" halos suminghal ako. Hindi ko magawang taasan ang boses ko dahil baka magising ko ang aking asawa.

Nakangisi niya akong pinandilatan habang nakaawang ang kaniyang labi. "Nakulong ka ba at tinig-nagbabagumbuhay ka?"

"What?" kunot-noong tugon ko.

Nilingon ni Taylor ang ilan sa mga karton. "Gagawa ako ng bomba."

"Ano? Para saan?"

"Nakakapanibago kang talaga, Lucargo." Humalakhak siya. "Nagbawas ka ba?"

"Ng ano?"

"Ng semilya." Lalo siyang tumawa.

"Taylor!"singhal ng aking ama dahilan para matahimik kaming pareho.

Tinitigan ni Taylor si Eerah. Pinasadahan niya ng tingin ang nakahiga nitong katawan bago muling tumingin at ngumisi sa akin. Alam kong sa isip niya ay sinisiguro niyang may nangyari sa amin. Totoong kapani-panibago iyon. Dahil noon ay kailangan ko pang magalit nang todo para may mangyari sa pagitan namin ni Eerah Anitha. At alam ko kung gaano niyang pinandidirihan ang mga sandaling iyon noon. Bagay na hindi niya ipinaramdam sa akin ngayon.

Pero ang ganitong lagay namin ni Eerah, ang mahiga siya sa mga hita ko, ay tila ba isang imposibleng bagay. Kung ang ibang magkarelasyon ay madaling gawin iyon, sa amin ni Eerah ay hindi. Kahit pa mag-asawa kami. Kung pupuwede nga lang na maghiwalay kami ng bahay noon ay paniguradong ginawa niya na. Ganoon niya ako kinamumuhian.

Nagkibit-balikat si Taylor. "She's your wife anyway."

"Kumusta, Mark?" Sa halip na sagutin si Taylor ay ang tauhan ang binalingan ko. "Hindi ko inaasahang babalik ka pa sa amin." Ngumisi ako.

Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Wala naman na akong magagawa. Nakatali na ako sa inyo."

Lalo akong napangisi. "Alam mong wala na kaming ipapasahod o maski ipapakain man lang sa iyo."

"Hindi ninyo naman ako pagdaramutan nang maski isang subo para magkalaman ang tiyan ko."

"Sigurado ka?"

"Wala akong oras makipagtalo, Cargosin. Pagod na pagod pa ang katawan ko. Planuhin na natin kung paanong babalikan ang gagong babaeng iyon."

Nawala bigla ang pagiging sarkastiko ko nang muli kong maalala si Maxpein Moon. Dahil sa nangyari sa amin ni Eerah ay hindi ko na nagawang makapag-isip nang tama. Mas ginulo pa nga niya ang isip ko at talagang siya lang ang laman ng utak ko ngayon. Isinisigaw ng sistema ko ang nararamdaman ko para kay Eerah. At aaminin kong pinag-iisipan ko ang mga sinabi niya kagabi.

"Ano nga ba ang magandang gawin sa ngayon?" biglang nagsalita ang aking ama dahilan para lalo akong matigilan at matahimik. "Maganda ba ang isinuhestiyon ni Mr. Wood?"

Nagtiim ang bagang ko. Malinaw pa sa isip at pandinig ko kung paanong binastos ni Mr. Wood si Eerah. At talagang nanggigigil akong idamay siya.

Pwede rin namang hindi na ako mandamay ng iba. Kaya ko siyang itumba nang mag-isa.

"Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang magkakilala ang mga iyon. Napakaliit ng lintik na Laguna." Nawala ang pagiging sarkastiko sa tinig ni Taylor nang sabihin iyon. Sinulyapan niya ang hindi makalakad nang ayos na paa, iyong paa niyang binaril ni Mr. Wood nang biglaan.

"Pero kung ako ang tatanungin ay mukhang hindi sila magkaibigan," ani Christian. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Kung mag-usap sila, para ring magkalaban. Ang pananalita ni Mr. Wood sa mga Moon, kakaiba rin."

"Sinabi na nga ng gunggong na iyon na dating nanilbihan si Maxpein Moon sa kaniya. Paniguradong may nangyaring hindi maganda. Dahil nabanggit din niyang nilumpo ni Maxpein ang ilan sa mga baguhan ngunit magagaling niyang tauhan," malinaw kong sinabi saka muling sumulyap kay Eerah. Napakalalim ng pagkakahimbing niya. Pagod na pagod. Napangisi ako.

"Masyadong malaki ang utang natin kay Mr. Wood. Kung papasukin lamang natin ang bahay ng mga Enrile, makakakalap ba tayo nang ganoong halaga?" sabi ng aking ama. Bumuntong-hininga pa. "Sinong inutil ang mag-iimbak nang ganoong halaga sa bahay?"

Napaisip din ako at matagal bago ko nagawang makapagsalita, "Kung gano'n ay sila ang kumuha ng pera para sa atin, kung saan man nila iyon itinatago."

"Ganoon na nga, Cargosin." Muling bumuntong-hininga ang aking ama. "Lumampas na naman tayo sa palugit. Paniguradong hinahanap na tayo ng bastardong Wood na iyon. Kailangang makakilos na tayo, kung kinakailangan ay ngayon na mismo."

"Kung talagang kailangan niya ang pera ay baka pagkarating pa lang natin dito ay nasundan niya na tayo," seryosong sabi ko. "Pinaglalaruan lang tayo ng animal na iyon, dad," gigil kong sabi.

"Alam ko." Tumikhim siya at sumama ang tingin sa kung saan. Batid kong masakit pa ang halos buong katawan niya. Pero gaya ko ay hindi niya na iyon iniinda. Nakasanayan na namin ang sakit ng katawan. "Ganoon ang mga sindikatong gaya niya. Mapaglaro. Tinatahak ang landas kung saan dumaraan ang pera. Sanay na sanay siya sa ganitong sitwasyon kaya kailangan nating maging maingat, Lucargo."

Humalakhak si Taylor. "Tama ang Chairman. Hindi tayo pwedeng bumase mga salita ng Mr. Wood na iyon. Madali para sa kaniyang ipahamak ang iba basta kumita. At isa pa, sa tingin niya ay may atraso tayo sa kaniya kahit wala naman talaga. At hindi na ganoon kadali para sa ating takasan siya."

"Hindi tayo pwedeng magpalamang. Kung kaya niya tayong isahan ay magagawa rin natin iyon," sabi ko habang malalim ang iniisip at nakatingin sa kung saan.

"Pero siya na lang ang pag-asa natin, Cargosin," nawawalan ng pag-asang ani Mark. "Sumunod na lang tayo sa gusto niyang mangyari. Magbayad tapos ay lisanin na natin ang lugar na ito." Nararamdaman ko ang takot niya.

Umiling ako habang deretsong nakatingin sa kaniya. "Hindi tayo pwedeng sumabay kumain sa taong hindi natin nakasamang magutom, Mark. Hindi tayo pwedeng makisakay sa taong hindi natin nakasabay maglakad. Ang tanging mapagkakatiwalaan natin ay kung sino ang kayang bumuhay at pumatay para sa atin."

Ang magdamag na iyon ay iginugol namin sa pagpaplano. Aaminin kong gano'n katindi ang desperasyon sa planong iyon. Pero iyon na lamang ang tanging magagawa namin ngayon dahil sa maliit naming bilang.

Maganda ang plano. Naaayon sa suhestiyon ni Mr. Wood ngunit may gagawin kaming higit pa ro'n. Hindi para sa kaniya, kung hindi para sa amin. Planong sinisiguro naming may benepisyo kami bago magsisi sa huli.

MAX'S POV

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa malaking bintana at sa terasa. Nawala sa isip kong isara ang mga kurtina.

Bumaling ako sa kaliwa ko at agad akong napangiti. Ngiting hindi agad mawala sa aking labi. At mas lumawak pa ang pagngiti ko nang maramdaman ko ang brasong mahigpit na nakayakap sa 'kin. Sobrang higpit na para bang ayaw na akong pakawalan.

Mataman kong tinitigan ang tulog na tulog si Sensui. Naramdaman ko na naman kung gaano ako kaswerte dahil ang lalaking ito ay patay na patay sa akin.

I've been wanting to tell the world how lucky I am for having someone who won't last a day without me. Lalaking pangarap ng maraming babae, Deib Lohr Enrile. Tsk tsk.

Marahan kong inalis ang braso niya, hindi naging madali iyon. Bumangon ako para uminom ng tubig. Pero ilang saglit lang ay muli akong napatitig sa kaniya. Napangisi ako nang maalala ko ang kamanyakan niya nang nagdaang gabi. Pero aaminin kong humanga ako sa lupit ng pagpipigil niya.

Pero kailangan mo ring purihin ang sarili mo, Maxpein. Hindi madali 'yong ginawa mo. Tss. Ilang beses nangati ang palad mo para hubarin ang sarili mong damit. Tsk.

Bago ko pa mapagbigyan ang sarili kong mahigang muli at tumitig sa kaniya ay kumilos na ako papasok sa banyo. Naghilamos ako at nagsepilyo. Matapos niyon ay dumeretso ako sa salamin para ayusan ang sarili ko. Plano kong bumaba sana pero ang maamong mukha ni Sensui ay hinihila ako pabalik sa kama.

Tumayo ako sa gilid niya at magkakrus ang brasong tumitig sa kaniya. Iniisip ko kung ano ang nararamdaman niya kagabi. Napapikit ako nang maalala ko ang pakiramdam ng halik niya sa balat ko. Sa t'wing hahalikan niya ako ay para bang iba siyang tao.

Basta kamanyakan ay nawawala ang pagiging isip-bata niya. Tsk.

Pero hindi ko maiwasang matawa kapag naaalala ko kung paano niyang ipinapaulit-ulit sabihin ang paghalik na gagawin niya. Sigurado akong namumula ako kapag ginagawa niya iyon. Lalo na at ilang beses niyang sinabi iyon kagabi.

Wala sa sarili akong dumako sa aparador at inilabas ang gitara ko. Naupo ako sa kama at tahimik na tumugtog. Sinadya kong habaan ang intro, ginawa ko iyon habang nakatitig sa kaniya. Sinimulan ko ang tugtugin nang kumakanta sa isip.

Nakita ko siyang dahan-dahan na magmulat ng mga mata. Napangiti ako sa nakakunot niyang noo. At mas napangiti pa nang unti-unting mawala iyon at mapalitan ng ngiti dahil nakita niya ako.

"Babe..." Isiniksik niya ang mukha sa bandang likuran ko. Sumubok siyang yumakap pero nakaharang ang gitara ko.

Naging matunog ang pagngiti ko. "Babe..."

"Ang aga mong mangharana, ah?" biro niya, ngumiti lang ako. "Bakit nag-abala ka pa? Sinagot na kita kagabi, 'di ba?"

Sabay kaming natawa. "Pasalamat ka at walang kasamang bulaklak 'to, kung hindi ay baka naihi ka na."

"Anong tinutugtog mo?"

"English 'to."

"Tch. Ano nga?"

"Basta."

"Pamilyar sa 'kin. Kantahin mo nga?"

"Ayoko."

"Bakit?"

"Baka pagtawanan mo 'ko. Malaki ang boses ko kapag bagong gising."

Tumawa siya nang malakas kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Malaki ang boses mo sa lahat ng oras, Taguro. Kantahan mo na 'ko."

"Wala ako sa mood."

"Imposible. Hinaharana mo nga ako, eh. Kantahin mo na."

Hindi ko siya sinunod. Sa halip ay nagpatuloy lang ako sa pagtipa sa gitara. Paulit-ulit ang tinutugtog habang nakatingin sa kaniya. Sa isip ako kumakanta habang nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya at itinuon ang sentido sa kaliwa niyang kamay. Saka siya deretsong tumitig sa 'kin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya.

"Kumusta pala ang pakiramdam mo?" tanong niya. Nagsasalitan ang tingin sa akin at sa kamay kong tumitipa.

"Ayos naman," sagot ko na ibinaling sa gitara ang paningin.

Ngumuso siya at bumuntong-hininga. "Alam kong malungkot ka pa rin dahil sa nangyari, Taguro. Ayaw kong ipaalala pero...nandito lang ako, ah? Handa akong magmukhang tanga para lang mapatawa ka. Hehe."

"Kahit hindi na."

"Anong kahit hindi na?"

"Tingnan lang kita ay natatawa na ako."

Pinandilatan niya ako. "Itong gwapo kong 'to? Katatawanan lang sa 'yo? Wow."

Hindi ako nagsalita. Nagpatuloy lang uli ako habang ngingisi-ngisi. Totoo kasing tingnan ko lang siya ay natatawa na ako. Siya lang ang lalaking nakilala ko na maraming nakakatawang reaksyon sa mukha. Simula noong una hanggang sa ngayon ay natatawa ako sa mga reaksyon niya. Iyong simpleng pagnguso niya lang ay nakakatuwa na. Lalo na kapag nagsalita siya.

Nakakatawa pero sobrang gwapo. Tss. Wirdo.

"Babe?" tawag niya.

"Hm?" tugon ko nang nakatingin pa rin sa gitara at tumitipa.

"I hope you're not trying to hide what you really feel right now. I hope you're not pretending like nothing is wrong. I'm really worried."

"I'm sad, I really am," pandederetso ko sa kaniya. "But I'm okay, believe me."

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. "I'm still worried."

"You don't have to," ngumiti ako. "Sadness is heavier when I'm alone." Tiningnan ko siya sa mga mata. "You're here with me. You made everything easy for me to bear."

"You like me too much, babe."

"Really?"

"Well, it shows."

"Tss."

Natigilan siya at mayamaya pa ay napangisi na. "Alam ko 'yang kantang 'yan, ah!"

Lalo akong napangiti at mas nagpakitang-gilas sa pagtipa. ♫♪ "You tell me you're in love with me... Like you can't take your pretty eyes away from me." Pinagkaarte-artehan ko ang pagkanta. Mabagal at iniiba ang tono na animong isa akong magaling na manganganta. "It's not that I don't want to stay, but everytime you come too close I move away."

"Sometimes 'yan, babe."

"Alam ko."

"Male version."

Natigilan ako at pinangunutan siya ng noo. "Tss. Ayoko na nga."

"Biro lang, babe!"

"Ewan ko sa 'yo," angil ko sabay tayo.

Hinila niya agad ang braso ko saka hinila pasunod ang gitara. "Ituloy mo na!"

"Ayoko na," sumeryoso ako.

"Kinikilig na 'ko, Taguro, eh!"

"Tss."

"Please, babe?"

"Nang-aasar ka, eh. Nawalan na 'ko nang gana."

"Biro lang naman 'yon."

"Next time na lang, maliligo na ako."

"'Uy, babe? Biro lang 'yon, ito naman. Kanta ka na ulit. Makikinig ako."

"Saka na nga lang ulit." Dumeretso ako sa sofa kung saan ko iniwan ang cover ng gitara saka muling isinilid iyon. "Maliligo na muna ako."

Saka ako muling ngumisi matapos tumalikod sa kaniya. Paniguradong sa likuran ko ay nakanguso na naman siya at kumikibot-kibot ang mga labi. Ang kalooban niya ay siguradong puno na ng pagsisisi dahil gano'n siya ka-OA.

Mahigit sampung minuto lang akong naligo at paglabas ko ay nakaroba na lang ako. "Maligo na ka," nakangiting sabi ko. Gusto kong matawa dahil nakanguso pa rin siya.

"Gusto kong kantahan mo ako, Taguro. Ngayon mo nga lang ginawa 'yon, eh."

"Nagugutom na ako, Sensui. Ginutom mo 'ko sa ginawa mo kagabi." Ngumisi ako nang makita ko ang gulat sa mukha niya.

Dagli siyang napabangon at inayos ang nakaangat na damit. "Talagang hindi mo makalimutan, eh, 'no? Gustong-gusto mo talaga."

"Sino ang makakalimot?" Humarap ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. "Bigay na bigay ang gwapo kong boypren. Hehehe."

"Ha, at nang-aasar ka?"

"Biro lang. Maligo ka na."

"Hmm..." Nanunukso at nang-aasar ang pag-ungol niya. "Iyang mga pagligo-ligo na 'yan, may ibang ibig sabihin 'yan, 'no?"

Bigla akong napapihit paharap sa kaniya. "Ano? Baliw."

"Hahaha, sa pagligo rin tayo nagsimula kagabi, eh. Saan papunta 'to, Taguro?"

"Tigilan mo 'ko sa kalokohan mo, Sensui, baka patulan kita?" Ngumisi ako. "Mas masarap pa naman sa umaga." Saka ako tumawa.

"Talaga?" Humakbang siya papalapit sa 'kin. "Anong pakiramdam?"

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan," pang-aasar ko.

"Eh, di susubukan ko." Mas lumapit siya at akma nang hahawak sa 'kin. "Hindi ako takot sumubok, Taguro. Lalo na kung sa 'yo ko gagawin."

Umatras ako at dinuro siya gamit ang suklay. "Ipapasok ko 'to sa bibig mo kapag hindi ka pa naligo."

Ngumisi siya. "Gusto mo talaga ay 'yong mabango-mabango ako, eh, 'no? Sige, hintayin mong maging isa ang amoy natin." Umatras siya at hinubad ang t-shirt niya. "Mabilis lang ako, babe. Hehehe!" Kumindat siya at ngumisi nang nakakaloko.

Tatawa-tawa akong umiling nang magsara siya ng pinto. Saka ako muling humarap sa salamin at nagpatuloy sa pag-aayos.

Ngunit hindi pa man ako nagtatagal ay nag-ring ang cell phone ko. Sinulyapan ko iyon at sandaling tinitigan bago ko nilapitan para tingnan. Nanlisik ang mga mata ko nang makita ang pangalan ng tumatawag.

Nilingon ko ang pinto ng banyo saka ako lumabas sa terasa. "Wood," sagot ko.

"Maxpein... the most dangerous woman than that of a shotgun," sa pananalita niya ay batid kong nakangisi siya.

"Anong kailangan mo?"

Bumuntong-hininga siya. "Ang mga kaibigan mo ay hindi tumupad sa kasunduang ibinigay ko." Batid kong ang mga Rewis ang tinutukoy niya. "Ang usapan namin ay maghaharap kaming muli matapos ang dalawang araw. Hindi nila ako sinipot. Ano ang gagawin ko?" Napakasarkastiko niya, natural na sa kaniya iyon. Ikamamatay niya kapag pinilit niyang alisin ang pagiging sarkastiko sa kaniyang sistema.

"Kahangalan ang umasang tutuparin nila ang salitang sa 'yo mismo nagmula, Wood," sarkastiko ring tugon ko.

"Sinasabi mong hangal ako." Hindi iyon patanong. Gusto kong matawa. "Hangal nga siguro ako dahil umasa akong tutupad sila sa usapan matapos ko silang bigyan ng isang napakagandang ideya." Sa tinig niya ay batid kong nakangisi na naman siya. Sinusuklian ang nakakainsultong sarkasmo ko.

Nawala ang ngisi sa aking labi at agad akong sumeryoso. Traydor si Wood at hindi kailanman mapagkakatiwalaan maski sa pinakamaliit na bagay.

"Dinedemonyo mo ba ako, Wood?" Hindi ko naitago ang gigil sa tinig ko.

Humalakhak siya na nakapagpakuyom sa palad ko. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa mga bata mo."

"Ang mga bata mo ang tumarantado sa akin."

"Bukod doon ay tumalikod ka nang walang pasabi sa akin."

"Hindi ako kabilang sa mga kauri mo."

Humalakhak siya. "Hihintayin ko ang paglapit mo. Bye." Ibinaba niya ang linya.

Galit akong napatitig sa telepono at gusto ko iyong ibato. May pinaplano sila at nasisiguro ko iyon.

Kinabahan ako at napatingin sa paligid ng mansyon. Walang kakaiba. Wala akong maramdaman o makitang kakaiba. Masyadong payapa ang paligid pero hindi ako makalma. May pinaplano sila at nasisiguro kong hindi iyon maganda lalo na at kasali siya.

King ina!

"Babe?" nangibabaw ang tinig ni Sensui mula sa aking likuran. Napapihit ako paharap sa kaniya saka ako napilitang ngumiti. "Kausap mo na naman ba ang tauhan ninyo?" seryoso niyang tanong. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin.

Totoong tauhan ang kausap ko kagabi nang makita niya akong may kausap. Ang tauhan na iyon ay ang nakaatas na bantayan sina Chairman at Dean Enrile sa bahay ng mga ito. Ang totoo ay ako ang tumawag sa tauhan na iyon kagabi dahil hindi ako nakontento sa mga sinabi ni Sensui.

"Kakilala ko iyon, nangumusta lang," sagot ko. Hindi ko malaman kung isa ba 'yong kasinungalingan o katotohanan.

"Sinong kakilala?"

"Isang kakilala mula sa nakaraan. Tapos ka na? Kumain na tayo," iniba ko ang usapan saka pumasok muli sa kwarto. "Magbihis ka na. May baon ka pa naman sigurong mga damit, 'di ba? Magbibihis na rin ako, nilalamig na ako."

Tumingin siya sa kabuuan ko. "Gano'n ba kaimportante 'yong kausap mo at inuna mo pang bigyan siya ng oras kaysa pagbibihis mo?"

"Minsan lang kasi tumawag 'yon. Ang totoo ay ngayon lang siya tumawag sa 'kin." Ngumiti ako. At hindi ko alam kung paano niyang nakuha ang numero ko.

"Lalaki?"

"Oo."

"Sino?" kunot-noong tanong niya.

"Wala 'yon."

"Nagseselos ako. Sino 'yon?"

"Kakilala nga."

"Anong pangalan?"

"Wala 'yon." Umiling ako.

"Bakit hindi mo masabi ang pangalan?"

Bumuntong-hininga ako. Spider... "Peter," biglang lumabas sa bibig ko.

"Tch. Sino naman ang Peter na 'yan?"

Si Spiderman. "Kakilala ko nga. Magbihis na tayo." Hinawakan ko siya sa kamay pero hindi siya nagpatiuna. "Babe, wala 'yon. Okay?" Hinarap ko siya ulit.

Tumitig siya sa 'kin nang nakakunot pa rin ang noo. Hindi nagbabago ang ekspresyon niya. At nasisiguro kong magagalit na naman siya at kung ano-ano ang isusumbat mayamaya.

Totoong nilalamig na ako. Nakabukas ang aircon at tanging robe lang ang suot ko. Malamig din ang kamay niya kaya naman binitiwan ko 'yon at itinuro sa kaniya ang aparador.

"Magbihis ka na, baka magkasakit ka. Magbibihis na rin ako. Baka magkasakit pa tayong pareho. Malamig," sabi ko saka tinalikuran siya.

Dumeretso ako sa cabinet at kumuha ng damit. Saka ako naglakad papunta sa banyo upang doon sana magbihis. Pero natigilan ako sa pagsasara ng pinto nang makitang nakalapit na siya.

"Sino si Peter, Taguro? Hindi ako matatahimik. Kilala mo 'ko."

"Babe," humarap ulit ako sa kaniya. "Okay, sige. Kakilala ko noong sira pa ang ulo ko. Hindi siya mabuting tao. Tumawag siya sa 'kin para mang-asar, habang nangungumusta. Gano'n siya. Gano'n 'yon."

Ayaw ko siyang mag-alala kaya wala akong planong sabihin ang totoo. Lalo na at may himig nang pagbabanta ang mga sinabi ni Spider.

Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatingin sa akin. Alam ko at nasisiguro kong naniniwala siya sa sinabi ko. Pero dahil sa natural na kakulitan niya sa katawan ay paniguradong hindi siya kontento sa mga sinabi ko.

"Babe, maniwala ka sa 'kin. Wala kang dapat na ipag-alala." Dinilaan ko ang labi ko saka bumuntong-hininga. "At magtiwala ka sa 'kin. Hindi ka gano'n kadaling kalimutan. Mas lalong hindi ko kayang ipagpalit ka. May makausap o makilala man akong iba, ikaw pa rin talaga." Dinila-dilaan ko ang labi ko at nakangising nagtaas-taas ng kilay sa kaniya.

"Taguro!" biglang gilalas niya.

"Ano?" nagtataka kong tugon, nakakunot-noo.

Napapikit siya nang mariin at nang magmulat ay kagat niya na ang pang-ibaba niyang labi. "Don't show your tongue out at me, unless you intend to use it, okay?"

Napamaang ako. "Ano?"

Ngunit natigilan ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa 'kin. Napaatras ako at gano'n kabilis siyang nakapasok sa banyo. Napalunok ako nang panoorin ko ang kamay niyang isara at i-lock ang pinto.

King ina... Pareho lang kaming nakaroba! At nasisiguro kong gaya ko ay iyon lang din ang suot niya.

"It's okay to tease but you better please too, babe," pabulong na sabi niya habang ang tingin ay bumababa sa labi ko. "Mas masarap sa umaga, 'di ba?"

"Nagbibiro lang ako," sinikap kong 'wag iparamdam sa kaniya ang biglang pag-akyat ng kaba ko.

"I won't mind taking a shower again, with you. Pero bago 'yon ay gusto kitang ipatong sa sink na 'yon at doon kita..." Binitin niya ang sasabihin. Tumingin siya sa mga mata ko at bumaba agad iyon sa labi hanggang sa dibdib ko! Saka siya muling tumingin sa mga mata ko at ngumisi. "Doon kita hahalikan, Taguro," patuloy niya.

"Sira ang ulo mo..."

Tumango siya. "Dahil sa 'yo."

Hindi niya na ako pinagbigyang makapagsalita. Kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Halik na walang kasinlambot. Halik na mabilis na inalis ang katinuan ko. Napakapit ako sa braso niyang nakahawak sa likuran ko. Sinubukan kong alisin iyon pero nabigo ako, nanghina agad ako. Napangisi siya nang dahil do'n. Batid kong naramdaman niya agad ang panginginig ng mga kamay ko.

Itinulak niya ako papunta sa sink na tinutukoy niya at bigla nga akong ipinatong doon! Nahampas ko ang balikat niya. Pero gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko magawang kalasin ang mga labi namin kahit kayang-kaya ko namang gawin 'yon. May kung ano siyang mahika na nakapagpapasunod at nakapagpapapayag sa 'kin.

Napapikit ako nang dumiin ang halik niya. Kasabay niyon ay mahigpit kong itinikom ang dalawang hita ko. Saka ako pasimpleng dumausdos para makababa. Natawa ako nang hindi niya namalayang nakatayo na naman ako sa harap niya.

Humiwalay siya sa pagkakahalik sa 'kin at kunot-noong tumitig sa 'kin. "Pumapalag ka, ah?" hinihingal na bulong niya saka kinagat ang sariling labi. Ngumiwi lang ako, nagpipigil ng ngiti.

Ngunit sa hindi inaasahan ay bigla niya akong itinalikod at iniharap sa salamin. Idiniin niya ang sarili niya sa likuran ko. Napalunok ako at pinanlakihan ng mga mata, gano'n na lang katindi ang kalabog sa dibdib ko.

Wala akong maramdamang kakaiba sa kaniya. Kaya naman naituon ko ang mga mata ko sa mata niya. Mula sa salamin ay tumitig kami sa isa't isa.

At gano'n na lang katindi ang gulat ko nang mabilis niyang kalasin ang pagkakatali ng roba ko! At mas mabilis niyang inalis ang pagkakapatong niyon sa dalawang balikat ko. Sa isang iglap ay wala nang nakatapis sa katawan ko.

Naestatwa ako at pinandilatan siya. Hindi niya inalis ang paningin sa akin maging ang matinding pagkakangisi sa labi niya.

Kinilabutan ako nang halikan niya tainga ko habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Napamaang ako nang panoorin ko siyang halikan ang dalawang daliri niya. At napanganga ako sa gulat nang idampi niya ang mga daliring iyon sa pinakamaselang parte ng katawan ko!

King ina kang bading ka! Nagwala ang sistema ko pero wala akong nagawa!

"Simula ngayon ay dalawang labi mo na ang hahalikan ko, Maxpein," pabulog na sabi niya habang nakapikit na. Hindi man lang nagbabago ang tindig niya. "Isa sa mukha," mas inilapit niya pa sa tainga ko ang labi niya. "At isa sa 'baba."

Sunod-sunod ang paglunok ko. Hindi ko nagawang kumilos agad. Hindi siya nagmumulat at hindi ko rin magawang alisin ang paningin ko sa kaniya. Para akong ipinako sa kinatatayuan ko. At tila dinala ng hangin ang katinuan ko. Napalunok ulit ako at nakita ko sa salamin kung gaano na kapula ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

Ang pakiramdam na idinulot nang ginawa niya ngayon sa 'kin ay noon ko lang nakilala.

Sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko at mas bumilis iyon nang magkakasunod na katok ang nangibabaw!

Nanlaki ang mga mata ko at biglang napaupo para kunin ang roba at isuot iyon. Gano'n na lang ang pagkamangha ko nang makitang nakapikit pa rin siya. Hindi ko malaman kung ano ang unang gagawin ko at lalo akong natuliro nang muling mangibabaw ang katok.

"Maxpein?" tinig ni Heurt! "Gising ka na ba? Papasok na ako, ah?"

Putsa! Nagmadali akong lumabas sa banyo at hinabol ang pagbukas niyon. Pero bago pa ako mahuli ay itinuon ko na ang kamay ko sa dingding sa likuran ng pinto. Ang isa ko pang kamay ay inilagay ko sa bewang. Magkakrus naman ang pareho kong paa. Doon ay nagtama ang paningin namin ni Heurt matapos niyang isara ang pinto.

Gaya nang inaasahan ay nagtaka siya. "Anong ginagawa mo diyan?"

"Ano..." Nilingon ko ang banyo. "Naligo ako. Oo. Naligo."

Nangunot ang noo niya. "Ganiyan ba maligo?"

Napamaang ako. "Oo, ganito." Hinigpitan ko ang tali ng roba ko.

"Ang bilis matuyo ng buhok mo, ah?" tumango-tango siya.

"Talent," nakangiwi akong nagkibit-balikat matapos pang maglahad ng kamay sa kaniya.

Magsasalita na sana siya pero hindi natuloy 'yon nang tumingin siya sa likuran ko. Napapikit ako sa inis. Paniguradong lumabas na mula sa banyo si Sensui.

Lalong napuno nang pagtataka si Heurt nang muling bumaling ng tingin sa 'kin. "Ganiyan maligo, eh, 'no?" inosenteng sabi niya.

Nagkibit-balikat ako. "Oo. Magkasunod. Gano'n."

Tumango-tango siya. "Bumaba na kayo. Kakain na. Nagluto kami ni manang." Saka siya tumingin kay Sensui. "Ipinagluto ka ni manang ng paborito mong breakfast. Nagre-request ka raw no'n no'ng kailan pa."

Nilingon ko si Sensui na noon ay nakangisi na kay Heurt. "Oh? Iniluto niya si Taguro, Tita Mommy?"

Nanlaki ang mga mata ko. Saka siya ngumisi sa 'kin! At talagang kumikislap pa ang makinang na niyang mga mata.

Sira-ulo!

"Bababa na kami, Tita Mommy," dagdag niya na muling itinuon sa kausap ang paningin.

"Puro kayo kalokohan." Umiling si Heurt. Palihim akong napapikit nang mariin. Hindi ko na siya magawang tingnan. "Saka na kayo gumawa ng kababalaghan kapag marunong ka nang magsaing, Maxpein. At ikaw naman," tiningnan niya si Sensui. "Bumuo ka muna ng sarili mong bahay."

"I'll keep that in mind, Tita Mommy." Nagmamalaki ang natatawang tinig ni Sensui.

Nginiwian kami ni Heurt bago siya tuluyang lumabas. Hinintay ko munang mawala ang yabag niya bago ko hinarap si Sensui. Agad ko siyang sinugod at hinampas sa braso.

"Abnormal ka kahit kailan, eh!" singhal ko.

Tumawa siya. "What?"

"Baka kung ano ang isipin no'n!"

"Oh, bakit? Wala naman tayong ginawang masama. Hahaha!"

"Meron!"

"Talaga? Ano?" Inilapit niya ang mukha sa akin.

Nag-init ang pisngi ko sabay layo. "Nakaka-bad trip ka!" singhal ko saka tinalikuran siya.

Lumapit ako sa cabinet para sana kunin ang damit ko. Pero nainis ako nang hindi ko iyon makita kung saan ko inilagay kanina. Tumingin pa ako sa kung saan para tingnan kung naipatong ko ba iyon pero wala.

"Nasa'n na ba 'yong damit ko!" naiinis kong asik.

"Nasa banyo. Nakalimutan mo kasi nawala ka na sa ulirat dahil sa halik ko." Sigurado akong nakangisi si Sensui nang sabihin iyon.

Napapikit na naman ako sa inis bago muling bumaling sa gawi niya. Hindi ko na siya tiningnan at sa halip ay naglakad na lang ako.

Pero bago ko pa man siya magawang lampasan ay inagaw niya na ang braso ko at hinapit ako sa bewang papalapit. "'Wag mo na uling didilaan ang labi mo sa harap ko, Taguro. Nababaliw na ako sa pagpipigil."

Sinamaan ko siya ng tingin pero agad akong napalunok sa kaguwapuhan niya. Punyeta! "Bitiwan mo 'ko, ibabalibag kita," banta ko.

"Go ahead," iminuwestra niya ang sarili. "Basta kapag bumagsak ako ay nasa ibabaw kita." Dumila siya, nang-aasar.

Pinandilatan ko siya. "Letse ka, ah!" inambaan ko siya ng sampal.

"Woah," tumawa siya. "Sasaktan mo 'ko? Bakit sampal? Ang lambing mo nang manakit, ah? Hehehe."

"Ewan ko sa 'yo! Bwisit!" Nilayasan ko siya sa sobrang pagkapikon ko.

Literal kong nararamdaman ang pag-iinit ng pisngi ko at hindi ko matagalang ipakita iyon sa kaniya. Nagmadali akong pumasok sa banyo at pabagsak na isinara ang pinto iyon. Padabog akong nagbihis.

Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang hinahalukay ang buong sistema ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Iba't iba ang ipinaramdam sa 'kin nang lintik na 'yon, ah? Ah! Nakakabwisit! Tsk!

Nagmadali kong tapusin ang pagbibihis. Ngunit agad din akong natigilan nang makita ang sarili ko sa harap ng salamin. Agad akong kinilabutan nang maalala ang ginawa ni Sensui. Pakiramdam ko ay naramdaman ko ulit ang daliri niya doon. Bagaman idinampi niya lang iyon ay para akong kinuryente.

Peste! Lintek! Letse! King inang 'yon! Namilipit ako at nakatingalang napapikit nang manumbalik sa isip at pakiramdam ko ang nangyari. Para akong kinikiliti sa bawat kanto ng katawan ko. Wala akong sinasabi pero hinahapo ako dahil sa pagsigaw-sigaw sa isip ko.

Kinalma ko ang sarili ko saka ako muling lumabas. Hindi ko tiningnan si Sensui pero batid kong nakabihis na siya. At talaga namang nangangalingasaw sa buong kwarto ang pabango niya.

Tumaas ang kilay ko at sinulyapan siya. Tatalunin ko ang amoy mo! Lumapit ako sa estante at kinuha ang Lacoste perfume ko. Binuksan ko iyon habang nakatingin sa kaniya. Nakataas pa rin ang kilay ko habang nakangisi naman siya. Ngumisi rin ako at saka iwinisik ang pabango sa mga manggas, sa leegan, sa dibdib, sa magkabilang tagiliran, sa tiyan, at sa itaas at ibabang likuran ko.

Tumaas ang gilid ng labi niya. "Kung saan tumama 'yong pabango, doon babagsak ang labi ko, Taguro."

Pinandilatan ko siya. "In your dreams!"

Tumawa siya. "Oh, hindi mo alam kung ano ang laman ng panaginip ko, Taguro. Tsk tsk."

"Ano?"

"Gusto mo bang malaman?" Humakbang na naman siya papalapit kaya umatras ako.

"'Wag na!"

"Gusto mo, eh."

"Ayoko, hindi ako interesado." Tumalikod ako. "Wala akong interes sa kahit ano ngayon."

Tumawa siya. "Ang kahinaan ni Taguro," nang-aasar niyang sabi sa tumutula na tono. "Ang kahinaan ni Taguro ay si Deib Lohr na gwapo. Ipinasok sa banyo, nanindig ang mga balahibo."

Inis ko siyang hinarap at muling sinugod! Umatras siya at napahiga sa kama. Bumawi ako at tumayo sa harap niya. "Sige, mang-asar ka pa!" banta ko. "Matulog ka mamaya sa terrace, ah!"

"Sige. Basta matutulog naman ako kahit saan, basta ikaw ang kasama."

"Doon ka! Dito ako!"

"Okay. Papasukin pa rin kita."

"Manyakis!"

"Aminado naman ako, at least, sa 'yo lang ako ganito. Hehehe."

"Manyakis ka pa rin!"

"Manyakis man sa 'yong paningin, nakakapagtiis pa rin. Hehehe! Peace, baby babe."

"Napipikon na 'ko, eh."

"Hindi na, Taguro babe." Tumayo siya at akmang aakbayan ako pero umatras ako. "Tara, kumain na tayo."

"'Tse!"

"Nagugutom na 'ko, babe, eh."

Bubulong-bulong akong tumingin sa kaniya saka bumuntong-hininga. "'Wag mo 'kong aasarin do'n sa 'baba, ah? Patay ka talaga sa 'kin."

"Yes, my queen." Yumukod siya na para bang isa talaga akong reyna.

Tinalikuran ko siya saka ako nakasimangot na nangunang lumabas.

Kompleto na ang lahat sa komedor nang dumating kami. Inanyayahan nila kaming kumain matapos makipagbatian. Lutang pa rin ang pakiramdam ko, hindi ko magawang makapag-focus. At nakakapraning dahil pakiramdam ko ay nakangitin ang lahat sa amin!

"Hi, baby!" bati ni Tita Lacey kay Sensui.

"Hello, beautiful mother of mine." Galak na galak ang tinig ni Sensui. Syempre, isang panibagong stage na naman ang naabot niya at daig niya pa ang nakakuha ng jackpot!

Bwisit!

"Hi, Maxi!" bati rin sa 'kin ni tita.

Tumango lang ako kay tita. Aksidente akong napatingin kay Sensui at lintik naman talaga ang ganda nang pagkakangiti niya sa 'kin. Sa sobrang ganda ay gusto ko siyang yakapin hanggang sa hindi na siya makahinga pa. Naaasar ako. Kumikislap sa kamanyakan ang mga mata niya. Paniguradong buong-buo na ang buong buwan niya sa sobrang saya.

Peste talaga! Bakit ba hindi ako nakakilos? Tsk!

"Puro tayo prito ngayon," sabi ni Maze. "Mag-sea foods naman tayo," dagdag niya habang naglalagay ng bread sa plato.

Tiningnan ko ang mga nakahain. May bacon, tocino, hotdog, eggs, luncheon meat, bread, white rice at pancakes. May tea at coffee naman sa side table na nasa magkabilang dulo ng mesa.

"Good idea, tita," sabat ni Sensui. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at 'ayun na naman 'yong lintik niyang ngisi.

Isa pa! Binantaan ko siya ng tingin kaya umiwas siya. Inis akong kumuha ng itlog at tinapag saka nagsimulang kumain.

"What do you want to have?" nakangiting tugon ni Maze kay Sensui.

"Tahong, tita," pilyong sagot ni Sensui. "Iyong fresh."

Anak ng... Muli akong napatingin kay Sensui, nakangisi siya pero sa pagkain nakatingin. Paniguradong kung ano-ano na namang kapilyuhan ang pumapasok sa isip ng bwisit na 'to!

Inis kong dinampot ang tinidor ko at wala sa sariling tumuhog ng kung ano sa kaharap kong plato. Nagtama ang paningin namin ni Sensui at lalo kong ikinainis ang nakanganga niyang pagngisi. Para bang inaabangan niya akong isubo ang pagkain ko.

Gigil kong kinagat iyon habang masamang-masama ang tingin sa kaniya. Kinagat niya naman ang labi niya na siyang ipinagtaka ko. Saka ko lang tiningnan ang kinain ko, hotdog.

Hell no... this is not happening!

Ibinaba ko ang hotdog at palihim siyang sinamaan ng tingin. Sumandal ako habang nakatitig pa rin sa kaniya pero hindi na siya tumingin ulit sa 'kin.

Nang-aasar ka, ah? Tingnan natin...

Bahagya akong tumayo upang dukwangin ang pancake. Isinenyas ko kay Naih ang syrup at butter na agad niya namang iniabot sa akin. Mabilis kong pinaghalo-halo ang mga iyon saka ako humiwa.

Talagang hinintay kong tumingin sa 'kin si Sensui bago ko ako tuluyang sumubo nang bigay na bigay. Sinadya kong daplisan ng syrup ang pang-itaas mga labi ko. At habang nakataas ang kilay niyang nakatingin sa 'kin ay mabagal kong dinilaan ang buong bibig labi ko. Mabagal at nanunukso.

"Sarap..." sabi ko pa nang walang boses.

Nakita kong tumiim ang bagang niya, seryosong-seryoso. Napangisi ako nang makita kung paanong humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara. Ngumuso siya at kumibot-kibot ang labi habang sumasama ang tingin sa 'kin sa inis.

"Noona," biglang tawag ni Maxrill dahilan para tuliro akong mapabaling sa kaniya. Napalunok ako sa hiya na baka nakita niya ang aking ginawa.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang gayahin niya nga ang ginawa ko. Humiwa siya ng pancake at sumubo. At gaya ko ay sinadya niya ring daplisan ng syrup ang itaas at ibabang labi niya. At saka niya bigay na bigay na dinalaan iyon habang nakapikit pa!

"Yum!" sabi ni Maxrill saka dumilat. Tumango-tango siya sa 'kin na parang bata. "Noona, nuggets juahe."

"..." Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. "Walang nuggets, Maxrill." Tuliro akong napasulyap kay Sensui, gano'n na lang katindi ang pagpipigil niya ng tawa.

"Kainin mo kung anong meron sa mesa, Maxrill," nangangaral ang tinig ni Maxwell, ngumuso naman ang bunso. "I have to go," aniya saka tumayo.

"Saan ang punta mo?" agad na tanong ni Yaz.

Bumaling si Maxwell kay Maze. "May a-attend-an akong seminar."

"Dito ka ba uuwi mamaya?" tanong ng ina.

"Depende. May dadaanan kasi ako sa village, iyong kaibigan ni Maxpein na Rewis."

"Hindi ko siya kaibigan," sabad ko.

Pasiring na inalis ni Maxwell ang tingin sa 'kin. "Kailangan kong matingnan ang lagay niya kung ayos na. Dadalhan ko na rin ng pagkain. Mauuna na ako."

"Take care, darling." Tumayo si Maze para magpahalik sa pisngi ni Maxwell.

Sinadyang dumaan ni Maxwell sa tabi para tapikin ang balikat ko, bagay na madalang niyang gawin. "I'll call you," aniya saka dumeretso papalabas.

Kunot-noo ko siyang nilingon bago ako muling bumaling sa kinakain ko. Gano'n pa rin ang mga ngisi ni Sensui. Pero napawi ang asaran namin nang magsalita si daddy at tanungin ang tungkol sa pag-e-enroll ko sa kolehiyo. Si Sensui naman ay kinausap si Maxrill tungkol sa pagsali sa sportsfest ng BIS. Habang ang ilan naman ay nakikinig at paminsan-minsan ay nakikisali sa usapan namin.

Nang sumapit ang hapon ay naging abala kami ni Yaz sa practice room. Nagyaya siya kaya naman isinama ko si Maxrill at inutusang mag-ensayo ng basics. Pumasok din si Randall mayamaya at nagpresintang turuan si Maxrill pero nauwi sila sa paglalaro, kasali pa ang aso niya. Syempre, hindi ako nilubayan ni Sensui. Noong una ay magkasama pa silang nanood ni Tita Lacey na walang ginawa kundi ang pakislapin ang camera niya kakukuha ng litrato. Nagpaalam lang siya mayamaya at sinabing maghahanda ng meryenda.

Sa kalagitnaan ng pag-eensayo namin ay pumasok ang lahat doon, mga Enrile at Moon. Pinanood kami sa pag-eensayo at mahahalata sa pamilya ko ang pagmamalaki. Hindi ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit ba bigay na bigay akong mag-ensayo ngayon. Marahil ay dahil sa presensya ni Sensui na tutok na tutok sa panonood sa 'kin.

Natigil lang kami sa ensayo nang pumasok sina Heurt at Tita Lacey na may dalang meryenda. Lahat kami ay kumain at nagsalo-salong muli. Nagkakuwentuhan pa kami nang mahaba-haba nang magtanong si Tito Lohrton tungkol sa mga skills ko. Si Mokz halos ang nagpaliwanag ng ilan na maari nitong malaman kaya wala rin ako halos ginawa kundi ang tumango.

"Your phone is ringing, Maxpein," ani More.

Nilingon ko ang cellphone ko na noon ay nasa tabi ni Sensui. Syempre, siya ang dumampot niyon, at siya na rin ang tumingin kung sino ang caller. Nakasimangot siya noong una pero nang mabasa ang pangalan nang tumatawag ay iniharap niya agad ang telepono sa 'kin.

"Maxwell is calling," ani Sensui.

Hinubad ko ang gloves ko at sinagot ang tawag. "Oh?"

Ngunit tahimik ang kabilang linya. Walang sumagot sa akin. Tiningnan kong muli ang screen at tiningnan kung hindi pa putol ang linya. Nandoon pa rin ang pangalan ni Maxwell at nandoon pa rin ang tawag.

"Yoboseyo?" malakas kong tugon. "Maxwell?" Napatingin ang lahat sa akin dahil sa lakas ng boses ko. Bahagya akong tumalikod sa kanila. "Hello?"

"Cómo estás?" tugon nang nasa kabilang linya.

Umayos ang tindig ko at hindi ko nagawang makapagsalita agad. Natuon sa kung saan ang paningin ko saka kinilala ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

Taylor! Mabilis na nangunot ang noo ko. "Nasa'n si Maxwell?" sinubukan kong hinaan ang boses ko pero nabigo ako.

Naagaw ko pa rin ang atensyon ng mga naro'n, lalo na ni Maze. Lumapit siya sa 'kin at wala pa man ay nagtatanong na ang kaniyang mga tingin.

"Relax, Maxpein Moon." Humalakhak siya sa kabilang linya, hindi ko naiwasang pangunutan ng noo.

"Pein?" tawag ni Maze. Kaharap ko na sila ni daddy. Hindi ko siya magawang tingnan. "Where is your brother?"

"Nasaan si Maxwell?" mariing tanong ko. Binakuran na agad ako nina Heurt at Randall.

"Easy," muling humalakhak si Taylor.

Kumuyom ang mga palad ko saka ko tiningnan si Heurt. "'Wag mong gagalawin ang kapatid ko. Magkakamatayan talaga tayo."

"Natatakot ako." Tumawa siya.

"Nasa'n ang kapatid ko!" gilalas ko dahilan para mamuong bigla ang tensyon sa kwartong iyon.

Agad na yumakap si Maze kay daddy at naro'n agad ang takot sa mga mata niya. Ang pag-aalala ay nangibabaw sa mukha ng lahat.

"Ganoon ka ba talagang kabait at napakarami mong pagkakataong ibinibigay sa amin, Maxpein Moon? Hindi ka nag-iisip," nakakainsultong aniya. "Iiwas na sana kasi kami pero ano ang aming magagawa kung ang grasya na ang kusang lumalapit, Maxpein Moon?"

"Anong kailangan niyo?"

"Marami."

"Sabihin mo, ibibigay ko. 'Wag mong gagalawin ang kapatid ko."

"Nagalaw ko na, eh, paano 'yon?"

Napamura ako. "Nasaan ka?"

"Bakit?"

"Papatayin kita!"

Mabilis na nanggigil ang kalamnan ko. Ang galit na akala ko ay nakalimutan ko na ay panandalian lang palang nawala. Dahil ang galit na nararamdaman ko sa buo nilang pamilya ay muling nagbaga sa dibdib ko. Ang mga palad ko ay kating-kati na hanapin sila. Lalo na ngayong hawak nila si Maxwell.

~To Be Continued. . . ~



Continue Reading

You'll Also Like

803K 41.2K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
619K 22.4K 32
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
211K 3.9K 21
Dice and Madisson