All The Single Ladies

Bởi QueenRichelle

5.9K 234 196

One-shot story collection of five single ladies that are still chasing, denying, looking, avoiding, and recla... Xem Thêm

Teaser : Akira and Stephen
Akira and Stephen
Teaser : Yani
Yani and Julio
Teaser : Mona
Teaser : Hush
Hush and Lander
Teaser : Maxx
Maxx and Ulysses
Teaser : Raine
Raine and Sebastian

Mona and Trent

545 24 18
Bởi QueenRichelle

Author's Note:

              Mauna na ako! Hindi lahat saya! Hindi lahat tawa lang! Minsan kailangan din ng konting spice, and that is sadness. Basahin ng malaman!

+++++++


So saborang paniniwala ko na "ang love hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating" ay napag-iwanan na ako sa kangkungan. Si Yani na mas bata sa akin luma-love life na, si Akira naikasal na, si Hush mukhang malapit na rin magkaroon, si Maxx naman malihim pero mukhang inspired. Ako na lang talaga, dahil sa mga nangyayari kailangan ko na siyang hanapin.

"Mona Laine?!"

"Yes?" Hindi ko siya kilala. Sino ba 'to? "Sorry but, do I know you?"

Ngumiti siya at saka nagsalita. "Its me, Trent." Wait...may kilala ba akong Trent even from the past? Ex-boyfriend ko ba siya? Malamang hindi. "Literature 539 at Immaculate University with professor Lobres." Wait...

"Oh my God! Seryoso? Ikaw si Potpot na boyfriend ko na bigla na lang nawala?" Please note sarcasm everyone.

Seriously? Siya talaga si Trent Parker na saksakan ng taba na boyfriend koduring our college days? Hello, ang payat...no, ang ganda ng katawan nitong lalake na 'to eh. Six or seven years lang ang nakaraan pero eto na siya ngayon? Unbelievable! Still, I don't care. He is still the Tabs who used to be my boyfriend na bigla na lang nawala.

"Yes, and I'm very sorry for leaving you." Sincere na sabi niya.

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Taghirap sa Missouri, walang makain eh." Tiningnan ko siya ng masama. "I'm just kidding. How are you?"

Tinitigan ko lang siya. "Hindi tayo close, don't talk to me." Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na siya.

"Monay wait up!" Tawag pa niya pero hindi ko siya pinansin.

"HE'S BACK!"

"Sino?" Tanong nila.

Sinabi ko sa kanila kung sino at sinabi ko ang naging pagbabago niya physically.

"Etong mataba na 'to? Macho na ngayon?" Turo ni Yani sa picture na pinakita ko sa kanila. "Nasaan ebidensya?"

"Ano naman mapapala ko kung magsisinungaling ako sa inyo?" Tanong ko.

"O sige, you're telling the truth. Eh ano naman ang problema kung nandito na ulit ang ex-boyfriend mong mataba? Diba galit ka sa kanya kasi bigla ka na lang niyang iniwan ng walang paalam." Mahabang sabi ni Hush.

"Ex-boyfriend mo na siya, bakit ngayon affected ka sa pagbabalik niya?"

"Naisip ko lang, kanina kasi bago ko siya makita sabi ko maghahanap na ako ng love life. Sa tingin niyo, bakit bigla ko na lang siyang nakita? Sa tingin niyo siya talaga na ang forever ko?"

Lahat sila binato lang ako ng popcorn. What a very supportive friends, really!

"Hopeless romantic." Sabi ni Yani.

"Imagination overload!" Sabi naman ni Maxx.

"Desperate thinking equals assume pa more!" Ngingiti-ngiting sabi naman ni Hush. "Assume-era ka ng taon! Bigyan ng korona!"

Sinamaan ko silang lahat ng tingin. Mga paker sila. Napakabuti nilang kaibigan.

"Ang sama niyo."

"Pero seryoso, kamusta naman ang pagkikita niyo? Napatawad mo na siya? As in forgive and forget agad?" Tanong ni Maxx.

Tiningnan ko siya na parang tinatanong kung nakalimutan na ba niya ang kwento ko kanina. Magsasalita na sana ako ng may nag-doorbell.

Nandito kaming apat ngayon sa bahay, si Aki naman busy sa honeymoon nila ng hubby niya.

"May bisita kang iba?" Tanong ni Yani. "I'll get it."

Kibit-balikat lang naman ang naisagot ko sa kanya. Wala naman akog inaasahan na bisita ngayon. Nasa Laguna at Batangas ang mga kapatid ko, si Mama at Papa naman nasa Ilocos.

Ilang segundo lang ay nakabalik na si Yani. "Mona, someone is looking for you. HE called you 'my monay' so I think kilala ka nga niya." Hindi maipintang sabi ni Yani.

"Who?" Tanong ko.

"Hi!"

What the f*ck?! Anong ginagawa niya dito?

Habang ako ay hindi ko malaman kung paano magre-react, ang dalawang babae sa tabi ko ay tumayo at nilapitan si Yani at ang bwisitor ko.

"Pwedeng patingin ng abs mo?" Walang kyemeng sabi ni Hush at akmang itataas nito ang damit ng binata.

Hinampas ni Maxx ang kamay ni Hush. "Simulan mo sa taas ang pag-appreciate sa biyayang kaloob ng langit. Simulan mong i-appreciate ang looks bago ang body." Sabi naman ni Maxx habang tulala na pinagmamasdan si Trent.

"Sabi ni Mona mataba ka dati, paanong nangyari na ganyan ka na ngayon? Paker ang ganda ng katawan mo. Ang hot!" Sabi ng mahadera kong pinsan habang iniikutan si Trent. "Pero mas hot pa rin si Julio ko."

Inikutan din ni Hush si Trent. "Hotness overload ka handsome. Sure ka bang tao ka? Masyado kang gwapo eh, pwedeng akin ka na lang?" Wala sa sariling sabi ni Hush habang pinagmamasdan at hinahaplos ang ilong ng bisita KO!

"Hindi pwede, because you're mine and mine alone." Biglang sabi ng isang lalake.

Wait! Is that Lander? Anong sa kanya si Hush? May relasyon sila?

"Who you?!" Sabi ni Hush at ibinalik ang pansin kay Trent, ang loko naman enjoy na enjoy sa atensyon.

Nilapitan ni Lander si Hush at saka nagtaas ng dami at hinila nito ang kaibigan ko para sa kanya humarap at ang katawan niya ang makita nito. See? Ang dami ng nangyayari sa kanila pero hindi pa rin ako makatayo.

"Paker Hush, may pandesal din naman pala si Lander eh. Magpaligaw ka na!" Hindi napigilang sabi ni Yani.

"Tumigil ka dyan Yani baka bigwasan kita!" At hinarap naman nito ang naka hubad-barong si Lander. "Umuwi ka na, hindi ka invited dito. Alis." Tinitigan lang naman ni Lander si Hush, at walang sabi-sabing binuhat si Hush at isinampay sa balikat niya.

"Kidnapin ko muna ang kaibigan niyo for a month, ha?! Thanks!" At tuluyan na itong lumabas ng bahay namin.

"Oh pag-ibig nga naman." Nasabi na lang ni Maxx. "Mabalik naman tayo sa 'yo." Tukoy nito kay Trent. "Ano ba ang ginagawa mo dito?"

"I'm here to visit My Monay." At talagang tumingin pa siya sa akin. "I badly need to talk to her."

Magsasalita na sana ako ng biglang may unwanted visitor nanaman ang bahay ko.

"Hi everyone, susunduin ko lang si Yummy ko." Okay, that's Julio and he's referring to Yani. "That's for you saying 'paker' moments ago. Yes I heard that, don't ask how." Then he face Maxx. "Thanks Maxxine." Accomplice pala ang drama nitong si Maxx.

"Babay! We'll go ahead. Babalik ako Mona, dito ako matutulog. Don't worry, nag-paalam ako kay Papa." At umalis na sila.

"I'll go ahead na rin, ayokong maging third wheel. Bye." At lumayas na rin si Maxx.

Naiwan kaming dalawa ni Trent, f*ck. Ano ba kasi ang ginagawa ng lalake na 'to dito? Saka paano niya nalaman kung saan ako nakatira?

"Can we talk?" Tanong niya habang naglalakad palapit sa kinauupuan ko.

"May choice ba ako?" Tanong ko.

"Yes. Talk to me or talk to me." Saka siya ngumiti at umupo sa tabi ko. Juskolord! Ang puso ko po nagwawala.

Ayoko ng ganito. Tama! "Pwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Promise makikipag-usap talaga ako." Sabi ko at saka itinaas ang kanang kamay ko. Tinaasan lang ako ng kilay ng loko. "Ang pangit kaya ng set-up. I mean, malapit nang gumabi tapos mag-isa lang ako sa bahay tapos may kasama akong lalake. Panigurado naman na magiging matagal ang pag-uusap natin, isipin mo na lang ang iisipin ng mga makakakita sa 'yo na lumabas ng bahay namin ng alanganing oras." Mahabang paliwanag ko na sana naman ay maintindihan niya.

Tinitigan lang niya, life he's making sure that I'm saying the truth. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Ano na lang ang iisipin nila sa akin kung may makakita kay Potpot na lumabas ng bahay namin? Baka isipin pa nila may ginawa kaming milagro.

"Fine. I'll pick you up tomorrow morning."

MAAGA AKONG nagising, no crap that, hindi pa ako nakakatulog. Alas-kwatro pa lang ng umaga, ano naman ang gagawin ko? Alam ko na!

Nagbihis ako at nagsuot ng running shoes. Mage-exercise na lang ako baka sakaling mawala sa isip ko na kailangan naming mag-usap ni Trent at susunduin niya ako dito sa bahay mamaya. Hindi ko na inaya si Yani, alam ko naman na hindi niya ako sasamahan dahil sa aming lima siya ang pinakatamad mag-exercise.

Inikot ko lang ang ibang part ng subdivision, around six in the morning nag-decide ako na sa labas naman ng subdivision naman ako tatakbo para maghanap na rin kung saan ako pwedeng mag-breakfast. Malamang Starbucks na naman, iyon lang kasi ang bukas ng ganitong oras.

Almost one hour pa akong tumakbo bago ako pumunta ng Starbucks para magpahinga at kumain.

"Good morning Laine!" Bati sa akin ng cashier at barista na nandoon. "The usual?"

Tumango ako at saka ngumiti, iniabot ko na rin sa kanila ang card ko para sa bayad ko. Umupo na ako sa favorite place ko dito, at hindi naman nagtagal ay dinala na sa table ko ang orders ko.

"Hey Laine, wazzup? Long time no see ah."

"Hello to you too, Franco." Sa dami ng tao sa lugar na 'to, siya pa talaga ang makakasalamuha ko, seriously? "Bakit hindi ka na nagrereply sa mga texts ko?"

Umupo siya sa tapat hg inuupuan ko, as if I invited him to have a breakfast with me. "I've been super busy these past weeks, so that explains why." Sagot ko at saka muling ibinalik ang atensyon sa binabasa ko.

"Let's have dinner together later, my treat." Sabi niya at saka ako pinagmasdan. Nakapatong pa ang dalawang siko niya sa lamesa at ang makapal niyang mukha sa palad niya. "And Laine, I'm serious when I told you that I like you."

I heave a deep sigh then face him. "Franco," paano ko ba sasabihin ulit sa kanya na ayoko sa kanya ng hindi siya mao-offend at masasaktan? "Ahm, ano kasi eh..." Lord tulong!

"Monay!" Tawag ng isang boses sa pangalan ko mula sa likod ko. "Good morning!" At saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Gosh! Puro pawis ang mukha ko kanina, nakakahiya naman! "Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Nakalimutan mo na ba ang date natin?" Sabi ni Trent na walang idea kung ano ang nangyayari.

Tingin ko nagseselos siya. Gwapo rin naman si Franco, saka may body to die for din. Bakit naman siya magseselos, kayo ba? Bitter na singit ng isang bahagi ng isip ko. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko bang pasalamatan ang pag-epal ni Trent o mas lalong magalit sa kanya.

"Date?" Takang tanong ni Franco. "Who is he?"

Madalas din na nandito sa Starbucks na 'to si Franco, at kapag dumadating ako para siyang naka-program na kailangan niya akong lapitan at dapat siyang magpa-cute kahit ang totoo nakakatakot na siya.

"Oh, my bad. Trent this is Franco, and Franco this is Trent my f-"

"Trent pare, her boyfriend." Putol niya sa sinasabi ko at saka kinamayan si Franco.

He look at me like he's confirming if what Trent said was true. "Yeah, that's what I'm going to tell you before he came. I'm sorry." Sabi ko na lang at saka tumayo at umalis sa lugar na 'yon.

Lord thank You po sa tulong na ipinadala Mo, pero hindi po ako magpapasalamat sa kanya dahil hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Boyfriend my ass!

"Manliligaw mo?" Hindi ko siya pinansin, tuloy lang ako sa lakad-takbo pabalik sa bahay. "Mas gwapo pa ako sa kanya, saka mukhang babaero ang isang 'yon."

Huminto naman ako at hinarap siya. "Hindi ako na-inform, judgmental ka na pala ngayon." At saka ako muling tumakbo.

"Nope, being honest and judgmental are two different word and meanings. I'm just being honest."

Napahinto ako bigla sa pagtakbo at napalingon sa kanya. Bakit siya nakapang-running attire? At bakit nandito siya ng ganitong kaaga? Don't tell me...

"Staring is rude, but for you I'm more than willing to strip for you." He said and wiggle his eyebrows.

"Why are you here so early?"

"I learned the benefits of running seven years ago, so I make it a point to run everyday." Sagot niya.

"That's not my question. Why. Are. You. Here."

He walk towards me, and when he's right beside me bigla na lang niya akong inakbayan. Agad ko rin naman hinawi paalis ang braso niya sa balikat ko.

"Fine. Sa subdivision kung saan kayo nakatira doon din ako nakabili ng bahay." Sagot niya.

Assuming man pero, "Why? Are you following me?" Pakapalan lang 'yan 'dre!

"What if I say 'yes' what now?"

Tiningnan ko siya sa mata, at he did the same. F*ck! Hindi ako makatagal.

"Whatever!" At tumakbo na ako ng mabilis. Bahala siya sa buhay niya. Wala pa yatang one minute ba tumatakbo ako, "Sh!t!"

"Mona Laine!" Narinig kong sigaw ni Trent. Buong pangalan ko talaga ang sinasabi niya kapag naiinis, galit, pag-aalala, o tuwa ang nararamdaman niya dahil sa akin. "F*ck! Bakit ba kasi tumakbo ka ng ganong kabilis at hindi ka man lang nag-iingat?!"

Tinabig ko ang kamay niya na ihahawak niya sana sa left ankle ko. "Don't touch me lalo na kung sisigawan mo rin lang ako. Just leave me f*cking alone!" At saka ko pinilit tumayo, but of course mission failed. When he's about to help me, tinabig ko lang ulit ang kamay niya.

"I don't know if I would feel sorry or happy in a way because this happened to you." At walang sabi-sabi na binuhat niya ako at nagsimulang lumakad papunta sa bahay. "I feel sorry because you're in pain right now, but somehow I'm thankful that I you can't escape me now, we bow have the chance to talk about things over." He said while walking and carrying me.

"So you think I won't talk to you even if I promised that to you? Wow! Judgmental ka na talaga! Way to go, Trent Parker." Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Maingat niya akong ibinaba sa sofa at nagtuloy na siya sa kusina. Pagbalik niya ay may dala na siyang basin at madaming yelo. Pumalag pa ako nung kinuha niya ang injured foot ko pero hindi siya nagpatalo.

"So?" Sabi niya pagkaupo niya sa tapat ng inuupuan ko.

"So what?" Taas-kilay na tanong ko sa kanya.

Bigla kong naisip na baka kailangan ko na nga siyang makausap. Kailangan ko rin naman ng closure. Ayoko na magkaroon ng excess baggage kapag pumasok ako sa panibagong relasyon.

"Talk and I'll listen. Bakit bigla ka na lang nawala?"

"Because I'm not good enough for you. Gusto ko ako yung boyfriend na pwedeng-pwede mong ipagmalaki." Sa inis ko sa naging sagot niya naibato ko sa kanya yung isang magazine na naabot ko. "I'm fat, no I'm so fat back then. Do you have any idea how painful for me that every time we're together they are all laughing at us, and I don't want you to experience that everyday of your life."

"And who are you to decided for my feelings? Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko? Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan dahil sa ginawa mong pang-iiwan sa akin? Mas masakit ang pang-iiwan mo kesa sa mga mapang-uyam nilang tawa. You think I care what they are saying about me, you, us? Well for your f*cking information, I don't give a damn!"

"I'm sorry, I'm really sorry for hurting you. That wasn't my intention --"

"But that's what happened, sinaktan mo ako. Pinaramdam mo sa 'kin yung sakit na kahit kailan hindi ko naramdaman." Sigaw ko sa kanya.

I'm crying. Ngayon lang ulit ako umiyak at dahil pa rin sa kanya.

"I'm here to make things right."

"But you can't undo the pain that you'd caused! We can't turn back time."

"I love you that's why I did what I did, and I love you still that's why I'm here. Hindi na ako aalis, I'll stay beside you even if you don't want me to."

Tinitigan ko lang siya sa mga mata na may luha, "Leave. Leave me alone." Kalmadong sabi ko.

Nakipagtitigan lang siya sa akin, at saka nagsalita. "I'll leave now, but don't expect not to see me later, tomorrow, or any other day. I'm here to stay with you forever." He stand up after what said and silently leave my house.

Nang wala na siya sa bahay ay saka na ako napaluha ng bonggang-bongga. Pucha! Ang sakit pa rin pala, kasi nitong mga nakaraang taon okay naman ako. Sino ba naman kaai ang mag-aakala na babalik pa siya? Bumalik lang yata siya para saktan ako, para ipaalala at iparamdam ulit sa akin yung sakit na naramdaman ko noong iwan niya ako.

Hindi ba pwedeng puro happy moments and happenings lang ang love story ko, ng lahat ng tao? Bakit kasi kailangan pang masaktan? Ano, para malaman kungg buhay ka pa? Pwede naman malaman na buhay ka pa ng hindi nasasaktan.

"Oh!" Biglang may sumulpot na tissue box sa harap ko. "Ang pangit mo talagang umiyak, punasan mo nga 'yang sipon mo. Kadiri ka." Yani said then sat beside me.

Hindi naman ako nagsalita, patuloy lang ako sa pagpunaa ng sipon at luha ko na ayaw tumigil sa pagpatak.

"Nakakainis ka, alam mo na 'yon?" Napalingon naman ako at nangtanong kung bakit. "You never said to us that you had a boyfriend, and what happened."

Isang buntong-hininga lang ang nagawa ko. Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanila? Kaibigan ko sila pero hindi ko nagawa na sabihin sa kanila ang pinagdadaanan ko that time.

"Actually I don't know why, siguro kasi ayokong makita niyo ako na nasasaktan at nahihirapan. It's not that I don't trust you all, I just don't like the idea that you're all hurting because I am. Maybe because I don't want to feel that you're all worried and you all pity me. Kapag pala nasasaktan ka all thoughts that will cross your mind are all irrational. Mga non-sense, at halatang hindi pinag-isipan. Nakaka-tanga pala talaga ang sakit at pag-ibig na 'yan." At patuloy pa rin ang maglandaa ng luha sa mukha ko.

Niyakap niya ako, pagkatapos ay ginawang unan ni Yani ang hita ko. "Ang pangit mo talaga, tumawa ka na nga!" At napatawa naman ako dahil sa sinabi niya at dahil na rin sa itsura niya. "Anong plano mo ngayon? Narinig ko yung mga huling sinabi niya." Nanlaki ang mga mata ko. Narinig niya lahat? "Nope, yung last part lang. Ang ingay ninyo. Hindi mo man lang na may magandang natutulog, nagising tuloy ako."

"Hay salamat naman! At hindi ka maganda, cute ka lang dahil ako ang maganda."

Napabangon siya dahil siguro sa sinabi ko. "Ang chaka mo kaya." At bintukan niya ako ng mahina. "Gising uy! Wag kang mangarap ng dilat, at eto ang salamin oh." Sabay abot niya sa akin ng salamin. "Tingnan mo itsura mo ng malaman mo ang definition ng pangit." At saka iniwan. "And I'll call Julio, kailangan mapa-check 'yang sprained and swollen ankle na dulot niyang katangahan mo." At tuluyan na siyang nawala.

"NEXT TIME BE careful, okay? Don't forget to apply what I gave to you." Bilin ng doctor sa akin.

"Thank you po, Doc."

Inalalayan naman ako ni Julio para makatayo. Mukha akong imbalido, I need to use crutches. Ang trabaho ko! Well, papayagan naman siguro ako na sa bahay na lang.

Inihatid na ako ng love birds pabalik ng bahay, and according to my kiss addict cousin ay sa bahay ulit siya matutulog. Magde-date lang daw muna sila ni Julio. Edi sila na may love life.

"Call me when you need anything, okay? Dito na kami magdi-dinner ni Julio mamaya."

"Okay. Ingat kayo."

Tinawagan ko agad ang boss ko para tanongin king pwede na dito na lang muna ako sa bahay para naman hindi lumala ang injury ko. Writer naman ako so tingin papayagan naman niya ako.

"Hello po Sir, good morning po... Magpapaalam lang po sana ako na kung pwede po na dito na lang po muna ako sa bahay magsusulat kahit po mga two weeks lang, kung pwede lang naman po... Injury po Sir, sprained and swollen ankle po. Nakapagpa-check up na rin po ako, kailangan ko lang daw pong ipahinga para madaling gumaling... Opo Sir, sige po Sir. Maraming salamat po. Ok po, thank you po ulit." And I ended the call.

"How are you feeling?"

"Ay kalabaw!" What the hell? "Paano kang nakapasok dito?"

"Do you usually left your front door open?" Tanong niya na parang hindi narinig ang tanong ko. "Do you need anything? Something? I can get it for you."

"What are you doing here?"

"I told you already, I'm here to stay beside you forever even if you don't want to. Remember?"

Hindi naman na ako nagsalita, tumayo na lang ako para pumunta sa kwarto para kuhanin ang laptop ko. I need to work, hindi porke injured ang paa ko ay apektado na rin pati utak at trabaho ko.

"Where are you going? Baka lumala lang ang ankle mo. Ano ba ang kailangan mo? Tell me, ako na ang kukuha."

He looks sincere naman, at ayoko naman na lumala pa ang kondisyon ng paa ko. "I need to get my laptop, it's in my room. Third door to your right. Just get my laptop and look over my things." Walang emosyon na sabi ko.

Sumunod naman agad siya sa sinabi ko, at habang wala siya ay tumayo ulit ako para pumunta naman sa kusina. Nauuhaw ako. Nakarating naman ako ng matiwasay, hindi rin naman ako natimba though nahirapan pa rin ako. Hindi naman kasi ako sanay gumamit ng saklay, ang sakit sa kili-kili.

"Hey!" Humahangos pa si Trent at namumutla ng bigla siyang sumulpot sa kusina. "Akala ko kung napano ka na, okay ka lang ba? Sana hinintay mo na lang ako na makabalik para ako na ang kumuha ng tubig mo." Mahabang sabi niya at binuhat ako pabalik ng sala.

"Thanks." At saka ko kinuha ang laptop ko at nagsimulang magtrabaho.

"What do you want to eat for lunch?" Anong oras na ba, kaya naman pala almost eleven na. "You want me to cook or I'll just order?"

Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya. "Wala ka bang gagawin sa bahay mo? Wala ka bang trabahao? Bakit ba dito ka nagkakampo sa bahay namin?"

"Because I want to take care of you, I'm so dead worried of you after what happened to you yesterday. I want to take care of you now because I wasn't able to do that before. I'm so stupid of leaving you, I should have stayed and don't give a f*ck of what other people might say." He said in a low voice. "I regret that decision I chose. I already told you, I want to be good for you in all aspect. I want to be the same Trent Taylor you loved minus the fats I have back then, I want a better me not just for you but also for myself."

"I'm sorry." I said out of nowhere, well maybe because tears starts to fall. "I have one more question for you. Does running away makes you good enough for me?"

Hindi siya nakasagot.

"Of course you're not, you make me think and feel that I don't deserve someone like you. But yes, you do it for yourself. You could have just told me, hindi naman kita pipigilan. Para namang hindi mo ako kilala, para namang hindi rin tayo best of friends para isipin mo na pipigilan kita. I may not be selfless, pero hindi rin naman ako selfish para pigilan ka."

"I'm really, really sorry My Monay. Can we, can we just forget the past and start over again?"

Biglang bumukas ang pinto ng bahay at iniluwa noon si Maxx na may dala na kung ano.

"HELLO PEKS!!! I BOUGHT YOU LUN---" napatigil siya sa sinasabi niya ng makita niya na may kasama ako. "Pakyu ka talaga Yani! Masasampal kita mamaya, I swear!"

"Bakit?"

Lumapit na siya sa amin at inilapag ang mga pagkain na dala niya. "Yani called me and asked a favor if I can go here para may kasama ka, and I should bring lunch because you can't move." Binalingan niya si Trent at nag-hi dito. "Kung nalaman ko lang na may kasama ka, edi sana hindi na ako nagpunta. Iinggitin niyo lang akong dalawa. So Mona, remind me to slap your cousin."

Nagpunta siya ng kusina at pagbalik niya at may bitbit na siyang plates, spoon, fork, and water. Agad naman siyang tinulungan ni Trent, after that ay siya na rin ang kumuha ng tubig. Tinulungan ko namang mag-ayos si Maxx.

"Anong ginagawa niya dito, and bakit nandito siya?" Pasimpleng tanong nito. "Bati na kayo?"

"I asked him the same question, and he just said that he wants to take care of me."

"Ano naman ang sabi mo?"

"Wala, hindi ko alam. Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala ulit sa kanya."

Nakabalik na si Trent mul sa kusina, at nagsimula na rin kamin kumain. Tahimik lang ako, habang yung dalawang kasama ko ay nag-uusap.

"So Trent, ano ba ang pinagkaka-abalahan mo?"

"I actually have a business back in Missouri, and I'm planning to have a branch here or maybe move my business here." Sagot niya habang nakatingin sa akin.

"Can I ask you another question, but please answer it with full honesty and sincerity." Bakit parang ako yata ang kinakabahan dahil sa itatanong ni Maxx kay Potpot? "Why should Mona give you another chance?"

Holy f*cking hell! Ano ba ang nasa isip nitong si Maxx?! "I'm not going to mess this up this time. I'm here to stay for good, to take care of her until my last breath. She's everything I need. I know I'd been a jerk and coward seven years ago when I run away, but I'm here to make things right. I know what I did was unforgivable, hindi madaling patawarin ang kasalanan ko at handa akong maghintay kahit na gaanong katagal mapatawad mo lang ako. I still love you. I always love you."

Napahampas si Maxx after magsalita ni Trent. "Ayun naman pala eh, bigyan mo na ng chance. Kapag sinaktan ka ulit, tutulungan ka naming apat na ilibing siya ng buhay o ihagis sa pusod ng Bermuda Triangle. Humingi na rin tayo ng tulong kay Stephen at Julio saka sa mga kaibigan nila para hindi tayo mahirapan." Intense na sabi niya habang nakatingin sa akin. "At ikaw, siguraduhin mo lang na kaya mong panindigan ang lahat ng sinabi mo, dahil kapag nasaktan at umiyak na naman si Mana ng dahil sa 'yo, I swear to all the Gods you will experience hell first hand courtesy of yours truly."

"Please, My Monay. Give me a chance, please?"

Sino ba naman ako para hindi magbigay ng second chance? Wala namang mawawala sa akin kung papatunayan niya na nagsisisi na siya at kung mahal niya talaga ako. Hindi rin naman siguro masama na bigyan ko pa ng isang pagkakataon ang sarili ko na mahalin siya lalo na at alam ko na sa kanya lang ako sasaya.

With that realization, I slowly nod my head.

Sa sobrang tuwa ni Potpot ay napatayo pa siya at niyakap ako, habang si Maxx naman ay napasigaw na lang.

"Should I go na ba? You know, you and me time niyo na ba?"

"Baliw!" nasabi ko na lang.

Hindi naman pala talaga mahirap magbigay ng chance, you just have to look back a little and know what's really inside your heart.

THE END

cFݖ:G


+++

Author's Note (ulit):


Ayan na ha, tatlo na lang ang kulang ko. Kay Huss, Maxx, at Rain.


 Abangers lang tayo ulit para sa susunod na teaser at kung kaninong story ang susunod.


Enjoy mga beh!



Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
146K 223 21
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂
442K 16.4K 35
"If someday, when you realize that I could somehow be a part of your life , I'll always be your shooting star." Santi X Martee