Elemental Mage Book 2 (Tempes...

By xiantana

209K 7.1K 227

Sa loob ng matagal na panahon inilihim ng angkan ni Tempest ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang elemental... More

Author's Note
Glossary
World of Elvedom
Chapter I : Kasaysayan ng Quoria
Chapter II: Dellani
Chapter III: Tempest
Chapter IV: Selection
Chapter V: Tempest Dellani Seregon
Chapter VI: Tempest, Ruwi, Seregon
Chapter VII: Tempest
Chapter VIII: Tempest
Chapter IX: Tempest
Chapter X: Tempest
Chapter XI: Tempest
Chapter XII: Tempest, Vanity
Chapter XIII: Tempest
Chapter XIV: Seregon
Chapter XV: Firen
Chapter XVI : Firen
Chapter XVII: Firen, Tempest, Seregon
Chapter XVIII: Tempest
Chapter XIX: Firen
Chapter XX: Tempest, Seregon
Chapter XXII: (Tempest, Seregon)
Chapter XXIII: Tempest, Firen
Chapter XXIV: ❄️Tempest
Chapter XXV: Tempest
Chapter XXVI: Tempest☁️
Chapter XXVII: Tempest
Chapter XXVIII: Tempest
Chapter XXIX: Tempest, Tarieth, Reavel
Chapter XXX: Tempest
Chapter XXXI: Firen
Chapter XXXII: Tempest, Firen

Chapter XXI: Tempest

4.5K 182 1
By xiantana

Tanghali na ng nagising silang tatlo.  Sabay na lumabas si Rosemair at Vanity at bumalik sa kanya kanyang silid para magbihis.

Paglabas ni Tempest sa kanyang silid ay naabutan niyang naghihintay ang dalawa sa kanya.  Sabay silang tatlo na naglakad papuntang dining hall.  Dahil tanghali na kaya lunch na ang naabutan nila. 

Kumakalam ang sikmura ni Tempest pero ng mapatingin siya sa paa ng manok ay nawala ang gutom niya at gusto na naman niya masuka.  Naalala niya ang napanaginipan kagabi.  Ang tanging kinuha niya ay isang mainit na tsaa.  Bitbit ang tasa ng tsaa habang naghahanap si Tempest ng mauupuan.  Ang napili niyang misa malayo sa ibang kumakain. 

Hindi nagtagal ay tumabi sa kanya ang dalawang kaibigan.  Parehong may  dalang fried chicken at meatballs si Vanity at Rosemair.  Ganun nalang ang kagustuhan ni Tempest na umalis at iwanan ang mga kaibigan.  Pero dahil naalala niyang iniwan niya ang mga ito noong Tierrasday ng walang paalam kaya hindi niya magawang umalis. 

Napaangat ng tingin si Tempest ng biglang may inilapag na Ensalada sa kanyang harapan.
It was Seregon and Reavel. "Eat." Utos na naman ni kamahalan.

Napaikot na naman ang eyeballs ni Tempest ng mapansin niya ang pasimpleng ngitian ng mga kaibigan.

"Tumigil kayong dalawa!" Saway niya sa dalawa. Sabay pa na namilog ang mga mata ng mga ito at painosente pa.  Hindi na napigilan ni Tempest na matawa.

"Kamahalan, ipaliwanag mo nga sa dalawang ito na kailan man ay walang malisya sa ating dalawa at wala tayong nararamdaman para sa isa't-isa. At wala tayong itinatagong damdamin!" Sabay turo sa dalawang kaibigan.

"Sino ka para utusan ako?" Walang pakialam na sagot ni Seregon at parang walang narinig na patuloy na kumakain.

Aba't! Anong gustong palabasin ng lalaking ito? Mamaya ka lang!

Kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa bumulagta si Seregon sa kinauupuan nito. Hindi niya ito nilubayan ng tingin. Hanggang sa sumuko ito.

"Fine!" Yamot na sabi nito. Lumipas ang sandali ngunit walang narinig si Tempest mula dito kaya, "and?"

"And what? Tigilan mo ako Strongbow! Hindi maganda ang tulog ko! Let's go Reav." Anito sabay tayo.

"No you won't!" Awat niya dito ngunit nakaalis na ito kaya walang nagawa si Tempest kundi habulin ito.

Naabutan niya ito sa harapan ng kanyang silid aralan ni Professor Rainstorm.

"What was that?" Humihingal na tanong niya dito.

Hindi ito sumagot pero nilingon siya nito! Sabay lakad patungo sa kanyang likod. Hinawakan nito ang kanyang balikat and give a little push. Walang nagawa si Tempest kundi ang magpatiayon dito.  Siya na mismo ang nagbukas ng pinto dahil kung hindi baka mangudngod ang mukha niya sa pinto.

"Teach me again." Utos ni Seregon.  Kala mo kaw lang marunong makipagtigasan?

Nang wala itong marinig na sagot sa kanya ay napabuntunghininga ito saka nagsalita.

"Okey, sasabihin ko sa kanila ang totoo. Now teach me."

"Bakit mo ginawa iyon Cee?"

"Ang alin?" Painosenteng balik tanong nito.

"Alam mo ang ibig kung sabihin. So don't answer my question with question! Daig mo pa ang lola ko! You sounds like an elf!"

"Para na kitang kapatid Ty, ayokong nililigawan ka. I'm responsible for you."  Natawa si Tempest sa narinig!

"Paano mangyayari iyon eh, wala namang nagkakagusto sa akin. Isa pa sampung taon palang ako!" Hindi ito sumagot kaya mas lalong nababaghan si Tempest.

"Ano nga pala ang napanaginipan mo?" Pag iba nito sa usapan. Napabuntonghininga si Tempest.  Ang galing umiwas ni kamahalan.  Hala sige pagbigyan.  Naglakad siya palapit sa pool at umupo sa gilid. Isinawsaw niya ang kanyang kamay doon at nilalaro ang tubig.  Sa totoo lang nagdadalawang isip siya kung magtatapat ba siya dito.  Pero...

"Cee, do you hear voices?"

"No." Isang mabilis na sagot, kaya alam ni Tempest na malamang sa hindi may itinatago ito. Hindi niya ito pinipilit. Alam niya ang ugali nito, magsasabi lang ang kaibigan pag handa na ito.

"Sasabihin ko sayo ang lahat Cee pero gusto ko kaharap ang lolo o ang lola. Masasamahan mo ba ako sa lolo ngayon?"

Hindi ito sumagot pero hinawakan niyo ang kanyang kamay at hinila siya patayo.

"Hey, saan tayo pupunta?"

"Diba gusto mong makausap ang lolo mo?" Balik tanong na naman nito.

"Ngayon na agad?"

"Ayaw mo?" Again, balik tanong na naman nito.

"Okey." Kaysa magtanong muli minabuti ni Tempest na sumang ayon dito. Baka sagutin na naman siya ng tanong.

"Whatever you dreamed last night, it affects you and scare you. Ni wala ka ngang ganang kumain. Kaya kung ikakabuti para sayo ang ikwuwento iyon ay gagawin na nating ngayon din. Ayokong nakikita kang ganyan. Baka pagalitan ako ni Brynna at Tarieth na pinabayaan kita." Mahabang paliwanag nito habang patuloy sila sa paglalakad.

Wow! "Okey"lang pala ang katapat nito! Aba! Sa dami ng tanong ko wala akong napala. Pero isang okey lang, lahat ng tanong ko nasagot?

Nasa unahan niya si Seregon kay hindi nito nakita ang ngiti niya. Patuloy na hawak nito ang kanyang kamay habang hilahila siya. Ang mga studyante na nagkasalubong nila ay doon napatingin. Para namang walang pakialam si Seregon sa mga ito. May pagkaarogante talaga ito. Hmmnn.. Princeling, makakahanap ka rin ng katapat mo.

"Thank you Cee. For taking care of me." Seryoso niyang sabi dito. Huminto ito bigla kaya nabangga siya sa likod nito.

"Hindi ko kailangan ng pasasalamat mo! Ang kailangan ko ay mag ingat ka lagi!" Sabay duro nito sa kanyang noo. Bahagya pang na bend pa backward ang ulo niya dahil sa pagduro nito sa kanya.
Binitiwan nito ang kanyang kamay na hawak nito kanina at nauna ng naglakad.

Aba't! Pilit ikinalma ni Tempest ang sarili bago sumunod kay Seregon. Noon lang din niya napansin na tanging sila nalang ang tao sa pasilyo.

Si Seregon ang kumatok sa silid ng kanyang lolo. Maya- maya ay narinig nila ang boses ng kanyang lolo na pinapasok sila.  Maganda at maluwang ang silid ng kanyang lolo with a high ceiling.  At sobrang dami ng libro.  Daig pa ang library sa dami.  Maliban sa misa at isang sofa at iilang single chairs sa gilid ay wala ng iba pang laman ang silid.

Nakaupo ang kanyang lolo sa likod ng misa nito na yari sa kahoy at naghihintay na makapasok sila.  Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito.

"Okey ka lang apo ko?" 

"Okey lang ako lolo."  Saka lang napansin ng kanyang lolo si Seregon.

"Prince Seregon."  Bati nito.

"High Lord.  Magandang tanghali po."

"Anong maipaglilingkod ko sa inyong dalawa?" Tanong nito na naglakad pabalik sa likod ng misa nito at umupo.  Utinuro nito ang dalawang upuan sa magkabilang panig ng misa nito at doon  sila umupo.

Hindi alam ni Tempest kung paano uumpisahan ang sasabihin.  Bago pa niya maibuka ang bibig ay naunahan na siya ni Seregon.

"Tungkol sa panaginip niya High Lord.  Gusto niyang kasama kayo bago niya ikuwento ang napanaginipan niya."

"Lolo, si Lola ba nasa Timog pa rin?"  Ang tinutukoy ni Tempest ay ang Timog na bahagi ng Quoria, ang Resso kung saan patuloy ang laban sa teritoryo doon.

Sabay na napalingon sa pintuan sila ni Seregon ng biglang bumukas iyon ng walang narinig na kumatok.  Iniluwa niyon ang kanyang lola.  Matangkad ito sa taas na 5'8.  Balingkinitan ang katawan kahit mahigit isang daang taon na ito ay mukha pa rin itong treinta anyos. At higit sa lahat napakaganda nito. Naka ponytail ang kulay mais nitong buhok, pero abot pa rin hanggang baywang ang dulo.

Seryoso ang mukha nito ng pumasok pero ng makita siya ay agad na sumilay ang mga ngiti sa mga labi nito.

"Kitten, what are you doing here?" Masayang bati nito.

Continue Reading

You'll Also Like

2.3M 51.6K 43
Arcadia Academy is divided into 5 Elemental Kingdoms and 1 Common Class. Red Kingdom for the Fire users. Blue Kingdom for the Water users. Green King...
26.5K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...
9.7K 476 34
[BLACK PHOENIX BOOK 2] [COMPLETED] The battle isn't over. The world's only hope has reportedly been missing. Putting their lives on the line, Ophiel...
418K 1.1K 200
Isang seksing artista at napakagandang si Ysla Paraiso ang nagbakasyon sakay ng isang cruise ship, ngunit nagbago ang lahat nang mapadpad sila sa isa...