Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Thirty Nine

49.3K 763 58
By cursingfaeri

___________________________________________________

Gumising akong may ngiti sa labi ng araw na ‘yon.

Kahit hindi naman halos lahat ng nangyari kagabi sa prom ay maganda, hindi ko alam kung bakit napapangiti ako maya’t maya.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng tawagin ako ni Kuya Kurt para mag-almusal kaya bumaba na ako at dumiretso sa dining.

“Kamusta ang prom kagabi anak?” Nakangiting tanong ni Mama. Kasabay namin sa hapag ang apat ko pang pinsan, si Mommy Van at Tita Ayessa. Maaga kasing kumakain sina Lolo’t Lola kaya madalas, hindi na namin sila kasabay kumain.

Natutuwa ako dahil mahaba ang bakasyon ngayon ni Mama. Napag-usapan din namin na sa Japan ulit namin igugugol iyon kapag vacation break ko na. Na-excite na naman ako sa pagdi-drift driving.

Hanggang ngayon  ay patago pa rin ako minsang sumali dahil hindi pa rin nasasanay si Mama sa mga kinahihiligan ko. Hindi niya alam bakit daw lahat na panlalaking libangan ay gusto kong matutunan. Pati kasi pagtatarget shooting ay kinahiligan ko na rin. Pangarap kasi ni Kuya Justin maging Navy kaya siya nag-aaral ng baril. Eh sa nainggit din ako. Astig kasi eh. Lalo na pagsapul talaga sa pinakagitna ng target. At ang saya sa pakiramdam pag natatalo ko sina Kuya. Para kasing nakakabawas sa pagkalalaki nila kung maka-react. Hehehehe.

Ang totoo niyan, hindi ko rin alam. Hindi ko kayang ipaliwanag bakit ko nagustuhan ang mga ganung sports. Masaya ako sa pagdi-drift driving katulad ng kung gaano ako kasaya sa pagbabasketball, pagpipinta at kung anu-anong extreme sports. Alam kong masasanay din si Mama sa huli. Tiwala lang. Hahaha.

 Tsaka, hindi naman ako tomboy eh. Lalaki kaya crush ko. Tss.

 “Ayos lang Ma,” tipid kong sagot sa tanong nito pagkatapos ng mahabang sandali.

“Sino naghatid sayo?” Sabat naman ni Kuya K. “Hindi ka naman nagpasundo kay Tatay Tonyo ah.”

Hmmp. Chismoso talaga kahit kelan.

“Si ano… Si Ma…” Mabilis na napatingin ang apat kong pinsan sakin.

Ang weirdo ng mga ‘to ah.

“Si KUYA Mason. Yung Kuya ni Charlie.” Pinagdiinan ko talaga ang Kuya.

“Siya yung hindi nakapunta dito kahapon dahil President ng Student Council niyo?” Tanong naman ni Mama.

Tumango lang ako bilang sagot. Less talk, less mistakes. Hehe.

“So sa kanya yung coat?” Nakangising tanong ni Kuya Justin. Graduating na ito next year sa college at ang alam ko, baka magmigrate sila ni Kuya Kurt sa US kasama ang Daddy nila. Sana hintayin muna nila ang paggraduate ko ng highschool. Nakakalungkot kaya kung wala sila.

“Oo. Oy teka! Pano mo nalaman ‘yon?” Nagtatakang tanong ko dito. Nandun pa naman yon sa kwarto ko ah. Di ko pa kaya pinalaba yung coat.

“Nakita kita kagabi pumasok ng bahay. Bumaba kasi ako. Di ba barkada ng ex mo yon?”

Nagulat naman si Mama sa sinabi ni Kuya Justin kaya napatingin ito sakin. “Sinong ex? Nagboyfriend ka anak?”

“Wala ah!” Malakas kong tanggi.

“Wala daw. Under mo pa nga yon eh hahaha.”

Tinignan ko ng masama si Kuya Justin na nang-aasar ngumiti bago binaling ang nagtatanong na tingin kay Kuya J.

Siya lang naman ang may alam tungkol kay Ray diba? Paano nalaman ni Kuya Justin yon?

“Tigilan niyo na nga ang pinsan niyo,” saway naman ni Mommy Van sa mga ‘to. Saglit lamang silang tumahimik.

Tumikhim naman si Kuya K. “So si Mason naghatid sayo. Kuya naman ng bestfriend mo. Ibang klase ka talaga Louie. Magkapatid ang tinatalo. Bisexual lang? Hahahahaha.”

Kumuha ako ng ubas sa fruit basket bago binato iyon kay Kuya K. “Mama oh!”

Natawa lang si Mama ng marahan sa pang-aasar ng mga pinsan ko.

“Kay Mason ka na lang. Di ba matalino yun? Tamang-tama magkakaintindihan kayo nun hahahaha,” dagdag pa ni Kuya Justin.

Napahagalpak naman si Kuya J.

“BAKIT KA TUMATAWA?!” Naiinis kong tanong kay Kuya J.

“Wala lang. Naiimagine ko kasi kayo. Syempre puro facts ang pag-uusapan niyo pag nagkataon. Tapos baka kakabahan din siyang kausap ka kasi sisiguraduhin niya muna kung tama ang facts na alam niya. Baka iba sources mo eh. Mahilig ka pa naman magqoute ng according to according to hahahaha.”

Tila libang na libang naman sina Tita Ayessa, Tita Van at Mama na inaasar ako ng mga damuho habang nagpupuyos na ako sa inis.

Binato ko din si Kuya J ng ubas.

“ANO BA YANG PINAGSASABI NIYO?!” Makaasar talaga ang tatlong ‘to. Mabuti nga tahimik lang si Kuya Kurt at pinipigilan ang pagngisi eh. “Makaakyat na nga lang!”

“Anak tapusin mo muna pagkain mo.”

“Maaaa. Ayoko na eh. Hinahayaan mo lang naman silang tuksuin ako.”

“Sus. Binibiro ka lang ng mga Kuya mo eh,” sagot naman ni Mama.

“Nakakapikon kaya silang magbiro!”

Tumalikod na talaga ako at nagsimulang maglakad.

“Woooo. Aamuyin mo lang ang coat ni Mason eh,” pahabol ni Kuya J.

“YUCK! Kagabi pa yon noh! Kadiri ka!”

“Dumikit na sayo ang amoy nun kadiri pa? HAHAHAHAHA.”

Tawa talaga sila ng tawa.

“KUYAAAAAAA!!! Grrrr. Kainis kayo!” Nagtatakbo na ako paakyat sa kwarto.

Ano naman nakakatawa sa sinabi nila?! Bwiset.

Ba’t ganun si Kuya J? Nakausap lang mga kapatid ni Charlie nung isang araw nag-iba ang ihip ng hangin? Tsaka hindi pa nga kilala yung tao eh. Ba’t dati kay Ray galit siya agad? Mabait naman si Ray ah.

Ang moody lang.

Binaba ko na agad ang coat ni Mason upang malabhan at ng masoli na kinabukasan. Mahirap ng maasar ng dahil lang dun.

Tinignan ko ang coat na hawak.

 Aamuyin daw. Kadiri talaga mag-isip si Kuya J.

“Manang, pakilaba nga po. Hatid mo na lang sa taas mamaya ha? Sosoli ko pa yan eh,” nakangiti namang tumango si Manang sakin.

Bandang hapon ng katukin ako ni Manang at nagtaka ako ng may inabot siya saking papel kasama ng coat.

“Ano po ‘to?”

“Picture ng kaklase mo yata Louie. Ang gandang bata nga eh,” nakangiting sagot ni Manang.

“Weh. Sino muna mas maganda samin?” Natatawang tanong ko dito na hindi muna kinuha ang inaabot.

Napangiti ito sa sinabi ko. “Syempre ikaw.”

“Yun naman yun Manang eh! Apir nga.” Nakipaghigh five ako dito bago nagpasalamat at dinala sa silid ang coat.

Pero daling nawala ang ngiti ko ng makita ang litratong sinasabi ni Manang.

“Siya pala…”

Maganda  nga.

Maganda naman talaga si Clarisse.

Hindi ko napigilan ang mapangiti ng mapakla bago mabilisang inayos ang pagkakatupi ng coat, nilagay sa sobre ang litrato ni Clarisse at kumuha ng paper bag na paglalagyan.

Ipapaabot ko na lang kay Chan-Chan bukas ang mga ‘to.

Kinagabihan ay pumasok si Mama sa kwarto.

“Anak, pwede ka bang makausap ni Mama?”

Tumango ako bago nagtanong. “Galit ka po ba sakin Ma?”

Baka ikagalit niya ang mga nalaman kaninang umaga eh. Syempre hindi ko nasabi ang tungkol kay Ray.

“Bakit naman ako magagalit? Nagtatampo, oo. Akala ko ba magkaibigan na tayo? Akala ko no secrets?”

Napayuko ako sa sinabi ni Mama.

“Wala naman pong… hays. Okay I lied. Pero hindi ko naman talaga masasabing boyfriend yon Ma. It lasted for three days. Tsaka na-realize ko naman po ang mga priorities ko eh. I’m sorry.”

Napangiti ito sa sinabi ko bago naupo sa kama at tumabi sakin. “Hindi naman ako galit dahil doon. Ayoko anak na isipin mong pinagbabawalan kitang magboyfriend. Kasi parte lahat yan ng pagiging teenager mo. Alam ko namang alam mo ang mga priorities mo. Pero baka dahil sa sinasabi mong priorities kaya pinipigilan mo ang sarili mong sumaya. Yang pagsusubsob mo sa pag-aaral halimbawa.”

“Pero gusto ko naman po ang ginagawa ko eh.”

“Gusto mo nga ba talaga anak? O may gusto ka lang patunayan? Hindi mo naman kailangang maging top one sa klase. Makapagtapos ka lang, masaya na ako dun. May sinabi ba akong dapat ikaw talaga ang pinaka? Hindi ba’t wala naman?”

Natigilan ako sa sinabi ni Mama.

“You can’t have both sides of the world. Baka sa patuloy mong pag-excel ay nawawalan ka na ng panahon sa ibang bagay. Nakakalimutan mo ng mamuhay ng normal katulad ng mga kaedad mo. Kasi naka-focus ka lang sa goal mo eh. Sa goal mong patuyanan sa Papa mo na nagkamali siya sa pag-iwan satin.”

Hindi ako nakasagot dito. Sapul kasi. Wala nga yata akong maitatago kay Mama.

“Tama ba ako anak?”

Napabuntong-hininga ito ng hindi ako sumagot.

“Patawarin mo na ang Papa mo Louie. Habang nandiyan pa rin ang galit mo sa Papa mo, hindi ka magiging maligaya ng lubusan. Alam kong pinagsisisihan niya din ang mga nangyari. Hindi na siguro kami magkakaayos. Hindi na mabubuo ang pamilya natin, pero hayaan mo naman ang sarili mong lumigaya. Huwag mo pigilan ang sarili mong magmahal sa huli. Kung masaktan ka man, matutuo kang bumangon at magmahal ulit. Parte lang naman lahat yan ng buhay, ng pagiging tao natin. Diyan din kasi tayo natututo…”

Mapait lang akong ngumiti.

“Huwag mo isiping magiging failure din ang relationship mo sa huli katulad ng amin ng papa mo. Kasi ikaw ang gumagawa ng kapalaran mo. And I’m pretty sure that you won’t allow that to happen to you, right?”

Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

“Ang hirap kasi Ma eh. Nahihirapan akong patawarin si Papa. Lumalim na kasi eh. Naiinis na nga ako minsan sa sarili ko kung bakit ko nararamdaman ‘to...”

Niyakap ako ni Mama.

“Sinubukan ko din namang magmahal eh pero nasaktan din ako. Kaya… Hindi ko pa siguro kaya Ma. Nagiging mahina kasi ako. Ayoko na mangyari ulit yon. Nahihirapan na akong magtiwala. Kasi sinubukan ko namang magmahal eh. Sinubukan ko… pero nasaktan lang ako.”

Sinaktan lang ako ni Aidan…

“Wala siguro akong karapatang magmahal Ma no? Kasi ang daming pagkukulang sa pagkatao ko. And I still need to pick every pieces of me…”

Sunod sunod na umiling si Mama habang pinapahid ang mga luha ko.

“Walang kulang sayo anak. Huwag na huwag mong sasabihin yan. Every piece of you is perfect. God made you perfect for me. Bata ka pa anak. You’re just fifteen. Marami pa ang darating. Marami ka pang pagdadaanang pagsubok kaya tibayan mo lang lagi ang loob mo.  Alam kong matapang ka pero kapag hindi mo na talaga kaya, lagi mong tandaan na nandito lang ang Mama…”

“Ayoko na Ma eh. Ayoko na masaktan…”

“Ang taong magmamahal sayo ng tapat ay hindi ka hahayaang masaktan anak.”

Natawa na lang ako ng pagak sa sinabi ni Mama. “Baka hindi pa pinanganak yon.”

Ngumiti lang si Mama sakin. “Malay mo nasa palibot mo lang pala hindi mo lang napapansin.”

Napalabi ako dito. “Pwede ba yon?”

“Oo naman. Kasi habang nakatanaw siya sayo, sa iba ka pa nakatingin.”

Malalim kong pinag-isipan ang sinabi ni Mama.

Pero bakit ganun?

Feeling ko talaga I’m still undeserving… and too broken to love.

Continue Reading

You'll Also Like

397K 6.7K 25
WARNING! THIS STORY ISN'T COMPLETE ANYMORE AND ALREADY PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. THE ENDING WAS DELETED... _______________________________________...
219K 5.3K 29
Sino'ng may sabing Love has a gender ? At sino'ng may sabing Love can't wait? Meet Amber Ysabelle Valdez-babaeng-babae man ang kanyang pangalan pero...
174K 4.1K 53
Mean Girls: Ang grupo ng mga babaeng ito ay ang kadalasan na kinaiinisan ng lahat. The things they say and do receive a lot of hateful comments. Sa k...
1.1M 7K 19
She has an amnesia, sa loob ng 12 years ay namuhay siyang puno ng katanungan at kulang sa buhay niya, (ang kanyang alaala). Sa pagpasok niya sa isang...