The Double-Edged Dagger

Від NJ_Geminae

6K 317 14

He fires the gun, with a blindfold covering his eyes. She leads herself, though she doesn't know where's the... Більше

The Double-Edged Dagger
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8

Chapter 7

187 28 1
Від NJ_Geminae

Ramdam ni Davina na pinagtitinginan na naman siya.

I hate this, tsk.

"Di ba sabi mo nakicked-out na siya dahil sa ginawa niyang pambubully sa isang babae?"

"Hindi ko alam, 'yon lang din ang narinig ko sa usap-usapan."

Napailing-iling na lang siya sa mga naririnig. Hinayaan na lang ni Davina ang mga ito, at taas-noong naglakad sa kalagitnaan ng mga mata ng estudyante na pinagpipiyestahan siya. Napatigil lang siya sa paglalakad nang may babaeng tumakbo patungo sa direksyon niya.

She's quite familiar.

Nagtaka siya nang tumigil ito sa mismong harap niya. Lalagpasan na sana niya ito nang bigla itong yumuko at inabot ang isang paper bag.

"Sa-salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kahapon," nakayuko at halos pabulong na sabi ng babaeng kaharap niya. Napatingin naman siya sa hawak na paper bag nito bago binalik ang tingin sa mukha ng babae.

Oh, she's that nerd na pinagtulungan sa likod ng pinakamalayong building.

"What's that?" she asked in her most bored tone.

"Pa-para sa'yo." Nakayuko pa rin ito habang naghihintay. Lumapit naman si Davina at kinuha ang paper bag na hawak nito. Pagkakuha niya ng paper bag, bigla itong tumingin sa kanya nang may guhit ng pasasalamat sa mukha. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkatuwa.

Ngumiti naman si Davina sa kanya at saka dahan-dahang inilapit ang mukha sa tainga ng babae, "Hindi kita tinulungan. Tinulunugan ko lang ang sarili ko." Mabilis niyang ibinalik ang paper bag dito, at agad na naglakad papalayo kaya't hindi na niya nakita pa ang naging reaksyon ng babae.

Padabog niyang binuksan ang pinto nang makarating sa klase niya. Pagkabukas ay tuloy-tuloy lang siyang pumasok sa loob. Napalingon naman si Davina sa harap nang mapansin na dumating na ang Prof nila. Napangisi siya dahil gulat na gulat ang reaksyon nito.

Oh, siya pala ang professor namin ngayon? Dapat pala tiningnan ko muna kung sino para nabalaan ako na wag nang pumasok.

Hindi nito nagustuhan ang naging asal niya pero hinayaan na lang niya si Davina at nagpatuloy sa pagsasalita sa harap. Umupo siya sa bakanteng upuan sa pinakasulok at dulo ng row na malapit sa bintana. Mag-isa lang siya sa linyang iyon. Pagkaupong-pagkaupo ay mabilis niyang isinalampak ang earphones sa tainga niya kahit wala namang nag-pi-play.

Napaka-boring. Sa tingin niya ba ay may makikinig sa kanya kung ganito siya mag-discuss?

Minsan lang kasi ito mang-away o magalit. Madalas ay hinahayaan lang nito ang mga inaasal ng mga estudyante niya, at advantage naman iyon para kay Davina. Ipinikit na lang niya ang mga mata. Kulang pa ang tulog niya dahil sa pambubulabog ni Grey sa kanya.

Nang maalalang kaklase niya si Grey sa klaseng ito, inilibot niya ang paningin sa loob ng classroom ngunit hindi niya ito nakita. The heck I care. Tsk.

Sigurado naman na siya kung nasaan ito ngayon at kung sino ang kasama niya. Wari ni Davina ay paniguradong kasama na naman nito si Savana. Ipinikit na lang ulit niya ang mga mata saka komportableng isinandal ang likod. Wala pang limang minuto ay narinig na niya kaagad ang apelyido niya.

"Miss Reneo!" Tiningnan niya ng masama ang Prof nila. Ayaw niyang iniistorbo ang pagpapahinga niya. At once in a blue moon lang din siya pansinin nito kaya nagtaka siyang kung bakit ngayon pa? Napatingin siya sa Prof, at mukhang kanina pa siya tinatawag nito.

"Are you even listening?" mahinahon ngunit malakas ang boses na tanong nito sa kanya.

"No, isn't it obvious?" Hindi na ito nagulat pa sa naging sagot niya, at naglakad na lamang patunong pintuan. Akala niya'y mag-wa-walk-out ito ngunit binuksan lamang nito ang pinto. Nakatuon sa kanila ang atensyon ng buong klase.

Tss, mukhang makakakuha ako ng singko sa Prof na ito.

"Miss Reneo. The door is open-" Inis na binigyan niya ito ng masamang tingin.

"Mukha bang nakasara 'yan? Binuksan mo 'di ba?"

"Get. Out. Of. My. Class." Matitigas ang bigkas ng bawat salita nito at may tono rin ng pagbabanta. Galit na ito kaya't walang pagdadalawang-isip na tumayo si Davina at kinuha ang bag niya, saka naglakad papuntang pintuan. Napatingin lang ito sa kanya.

Mapapatawag na naman ako sa office nito, eh. Worse, makick-out pa.

"At hindi ka talaga makikiusap na 'wag kitang palabasin? Alam mo ba na sa oras na lumabas ka, ibabagsak kita? Ganyan ka ba pinalaki?"

Malakas na tumawa si Davina sa huling sinabi nito.

This guy has motherfucking guts. What an asshole.

Matagal itong tinitigan ni Davina, at saka malokong ngumiti na lamang. Wala lang sa kanya ang pagbabanta nito.

"You changed a lot, Miss Reneo," mahinang sabi ni Mr. Pascua na umiiling-iling pa nang magsimula ulit siyang maglakad. Dahil dito'y tumigil siya at nilingon ulit ito, "No, I didn't change that much. I just learned what's best for me, and that includes not giving a fuck about people like you."

I wonder why you were my father's best friend. You didn't deserve my father. Davina laughed at that thought. Or maybe I should say, ang Daddy kong tinraydor mo gamit ang Mommy ko.

Because of what they did to her, hindi niya na matukoy-tukoy pa kung kahit minsan ay naging magulang ba talaga sa kanya ang kanyang ina. She can't see any signs of her being a good mother.

Bigla siyang nakaramdam ng gutom kaya dumiretso siya ng canteen, kahit pa kakakain niya lang kanina. Kung magutom siya'y parang may nakatirang ahas sa tiyan niya. Matapos umorder ng spaghetti at tubig ay pumunta siya sa isang bakanteng lamesang malapit sa dulo. Nakasalampak pa rin ang earphones sa tainga niya kahit wala siyang pinapatugtog.

"Woah. Look who's here." Lumapit sa lamesa niya ang isang babae ngunit hindi niya na lang ito pinagtuunan ng pansin.

Kahit na hindi ko tingnan ang mukha nito, alam ko na kung sinong walang kwentang nilalang ang nasa likod ko ngayon. Umaalingasaw ang matinding amoy nito kaya't kahit kilo-kilometro pa yata ang layo nito mula sa'kin ay maaamoy ko.

"I thought she was already kicked-out from what she did yesterday. Sayang naman," mapangutya at wari'y nanghihinayang na sabi nito. Hinayaan pa rin ito ni Davina dahil wala siyang oras na makipag-usap sa tulad nito. Tuloy-tuloy lang ang pagkain niya kahit na pinaparinggan at iniinis na siya ni Savana.

"Oops!" sabi nito. Bigla namang napasinghap ang mga taong nakakita sa pangyayari. Wala sa oras na naikuyom ni Davina ang isa niyang kamao habang ang isa'y mahigpit na napahawak sa tinidor. Naramdaman niya ang pagkakabaliko ng tinidor niya habang unti-unting gumagapang paibaba sa katawan niya ang juice na ibinuhos ni Savana.

"Ano ba, Karen. Hindi ka tumitingin. Nabangga mo tuloy ako at natapunan siya," pilyong sabi nito. Dahan-dahang napalingon sa kanila si Davina, at nang makaharap dito'y mabilis siyang tumayo at walang sabi-sabing itinutok ang tinidor sa leeg si Savana. Bigla namang natahimik ang canteen, halos lahat ay gulat at nag-aabang sa mga maaaring mangyari.

"You know that I can kill you right now," malamig na bulong ni Davina sa kanya habang nakatutok pa rin ang tinidor niya sa leeg nito. Walang pakialam si Davina kung pinagtitinginan siya dahil wala rin namang makikialam sa kanila.

Habang unti-unting nadadagdagan ang init ng ulo si Davina ay napapadiin na rin ang pagkakatusok niya ng tinidor sa leeg ni Savana. May kaunting dugo na rin na lumalabas mula rito. Natameme na naman ang mga kaibigan ni Savana na para bang nawala ang lahat ng tapang sa katawan.

"Oh? Right now? You can do that?" Savana sarcastically whispered in a teasing manner, kahit pa nararamdaman niya ang sakit na dinudulot ni Davina. Bigla namang nakaramdam ng panginginig si Davina. Maging ang pagkakahawak niya sa tinidor ay nanginginig na dahil sa galit.

"Davina!" A sudden sharp pitch of voice arose from a short distance. Bago pa tuluyang magdilim ang paningin ni Davina, napalingon siya sa pinanggalingan ng pamilyar na boses.

And there he saw Grey.

Davina tightened her grip on the fork. Malamig at galit ang tingin na ibinibigay ng binata sa kanya. Hindi naman nagpatinag si Davina at ibinalik ang tingin kay Savana na ngayo'y parang natatakot na sa ginagawa niya. Ang kaninang tapang na mayroon sa mukha ni Savana ay mabilis na napalitan ng takot at pilit nagkukunwaring inaapi.

Impressive! What an amazing actress.

"Davina. Don't you dare hurt Savana." Madiin ang pagkakasabi ni Grey sa bawat salita, ngunit ni hindi niya ito nilingon. Nagpatuloy lang siya sa pagtutok ng tinidor kay Savana bago ito itinulak papalayo sa kanya. Hindi naman malakas ang ginawa nitong pagtulak ngunit pakuwari'y itong nasaktan at saka natumba sa sahig. Mabilis na nilapitan ni Grey ang dakilang artista.

Nang makabawi ay inilibot ni Davina ang tingin sa paligid at sinamaan ng tingin ang mga nakiusyoso. Nakahiwalay ang kainan ng mga propesor kaya't sigurado naman siyang ang aalalahanin niya lang ay ang malalaking bibig ng mga estudyante.

Binalik ni Davina ang atensyon niya sa dalawa. Inaalalayan ni Grey si Savana sa pagtayo. Habang pinagmamasdan ang dalawa'y nakaramdam siya ng panlalamig sa sistema at para bang may kung anong kumirot sa dibdib niya.

"What are you doing, Davina? Hindi ka na grade 1 para sabihan pa kung ano ang tama at mali." Mahinahon ang boses nito habang pinagsasabihan si Davina. Saglit na madiing napapikit si Davina sa sinabi nito, pina-process kung ano ang nangyari.

Napabuntong-hininga siya sa sama ng loob. Naibaling ulit niya ang atensyon kay Savana na ngayon ay umiiyak na. Hindi ito makapaniwala sa galing ng pag-akto nito sa harap ni Grey. Dahil sinamaan niya ito ng tingin ay pasimple siyang hinarangan ni Grey.

Woah. So now I'm the bitch here. And here he goes, the knight in shining armour protecting his two-faced princess.

"Davina, did you hear me?" His voice was clear and strong. Binigyan ni Davina ng matigas at malamig na tingin si Grey. Hindi siya sumagot sa tinuran nito, bagkus ay malakas niyang sinipa ang lamesa dahilan upang matumba ito at ang dalawang upuan, kasabay ng pagkalat ng pagkain sa sahig.

She then walked out on Grey and Savana.

I feel like crap.

Madalas sabihin ni Davina sa sarili na hindi niya tinuturing ang lalaki bilang kaybigan... kahit pa alam naman niya sa sarili niya na ito na lang ang kaisa-isang tao na hindi siya iniwan. Dala ng sama ng loob sa nangyayari ay halos isumpa na ni Davina si Grey.

Dahil sa inis ay pumunta siya sa rooftop ng engineering department. Pinagsisipa niya ang bawat nadadaan niyang abandonado at sira-sirang mga upuan.

"Ako ang naagrabyado, tapos ako pa ngayon ang mali? Tanginang 'yan."

Napahawak siya sa basa niyang buhok at naramdamang malagkit din ito kaya't pilit niyang pinigilan ang sarili na sumigaw. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at tinitigan ng masama ang mga ulap. Umaga pa lang kaya't napapikit ito sa sinag ng araw. Dinaramdam pa ni Davina ang init ng araw at simoy ng hangin nang makarinig siya ng ingay mula sa likuran niya.

"Davina Georgina." Malamig at maskulado ang boses nito kaya panandaliang natigil siya sa paghinga, kasabay ng pagsisitayuan ng mga balahibo niya. Mabilis siyang napalingon sa pwesto ng pinanggalingan ng boses at nakita ang lalaking kung saan-saan niya nakakatagpo. Kunot-noong binigyan niya ang lalaking nakasandal sa railings at malalim ang binibigay na tingin sa kanya.

"Why do you know me?" tanong niya rito pero nanatiling nakatitig lang ang lalaki sa kanya. Mayamaya lang ay umiwas din ito ng tingin at humila ng upuan papalapit sa kanya.

"Umalis ka nga rito," utos ni Davina. Hindi siya pinansin ng lalaki, at bagkus ay nagsindi lamang ito ng sigarilyo.

"Ang sabi ko, umalis ka! Hindi ka ba marunong umintindi?!" naiinis na wika niya nang deadmahin lamang nito ang sinabi niya.

"You're too loud, lady," sabi nito, sabay buga ng usok ng sigarilyo kaya't tinaasan ito ni Davina ng kilay.

"Too loud pero ang bingi-bingi mo? At pwede ba, 'wag kang magsigarilyo sa tabi ko!"

"Pwede bang umalis ka? Nabu-buwesit ako ngayon. Gusto kong mapag-isa," mahinahon ngunit mariing sabi ni Davina na dahil hindi naman nakikinig sa kanya ang lalaki.

"Go find a private place then," sabi nito at tinapakan ang sigarilyong halos kasisindi lang nito.

Dahil ayaw niyang madagdagan ang init ng dugo niya'y tumahimik na lamang siya. She has no time for this guy, no matter how much he irritates her. Sa ngayon ay ayaw niya muna itong problemahin.

"I saw it," biglang salita nito kaya't napatingin ulit sa kanya si Davina.

"The whole scene," nakangising dagdag nito. Inirapan na lamang ito ni Davina. Mukhang natutuwa pa kasi ito sa nangyari sa kanya kanina.

Kung pwede lang pumatay ngayon, kanina pa ito nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Mayamaya lang ay nakaramdam nang hindi pagkakomportable si Davina kaya nagsalita siyang muli, "Sino ka ba at anong pakialam mo?"

"Your voice is so damn irritating. Did you know that?"

"Bakit ba palagi na lang kitang nakikita kung saan-saan? Stalker ka ba?"

"You should learn how to use your eyes, not your mouth." Napairap si Davina sa sinabi nito.

"Sino ba namang hindi mapapatingin kung may makita silang pagala-galang crossbreed ng tarsier at palaka," mahinang bulong niya sa sarili. Alam niyang nagtutunog siyang bata pero wala rin siyang pakialam. Tiningnan naman siya nito ng masama dahil sa pang-aasar niya.

"I heard that," mahinahon ngunit may pagbabantang sabi nito.

"Fucking fuck off!" she yelled and kicked his chair. Malakas ang ginawa nitong pagsipa kaya nahulog sa upuan ang lalaki ay wala naman siyang narinig na pag-inda ng sakit o reklamo mula rito. Alam ni Davina na sinadya ng lalaki ang sariling pagkakahulog. She's not easily fooled.

Breezy. Para namang matatakot ako sa kanya.

Tumayo si Davina sa pagkakaupo at aalis na sana nang magsalita ang lalaki, "Bring me to the clinic."

Napakunot ang noo ni Davina sa sinabi nito, hindi makapaniwala, "Are you serious? Dude, wag kang OA. Sinadya mong mahulog."

"Just do what I said."

What the actual fuck?

"What the hell is wrong with you? You have your own feet, man."

"La Misteria," tawag nito sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad papalayo. Lumingon ulit siya rito at kitang-kita ni Davina ang ngisi sa mukha nito. Napakuyom siya ng kamao at labag sa loob na lumapit dito.

"What the fuck is you problem? What do you mean by La Misteria?" pagmamaang-maangan ni Davina na hindi naman tumalab sa lalaki.

"What's with the lies, Georgina?" tanong nito na nakaayos na ang upo sa sahig.

"Who are you?" Seryoso na ang boses ni Davina at inobserbahan niya nang mabuti ang lalaki. Binigyan lang siya nito ng ngiting mapang-inis. Dahil sa maskara'y walang nakakakilala kay Davina bilang La Misteria kaya bigla itong sinakop ng pagtataka.

"Try to guess." Tinalikuran ito ni Davina. Wala siyang dalang dagger o baril lang man na pwedeng gamitin kung sakaling gumawa ito ng kilos na hindi niya magugustuhan. Based on his words, she knows that he knows something. And she needs to figure out what those things are.

"One more step away and people will hear a lot about you," pagbabanta ng binata. Mabilis na umikot si Davina para lapitan ito at umakmang susuntukin niya ito ngunit naiwasan ng lalaki ang kamao niya. Pagkatapos ay kinuwelyuhan niya ito bago itinulak pahiga sa sahig.

Isang segundo lamang at hindi niya na namalayang nagkabaliktaran na kaagad sila ng pwesto. Hindi siya kinuwelyuhan nito o sinaktan, ngunit pinagitnaan siya nito ng magkabilaan nitong braso.

Ngumiti ito, saka unti-unting inilapit ang mukha sa kanya, "No one dares to compete with me, lady." Mahina ang boses nito at nakaharang ang mga paa nito sa paa niya kaya hindi niya magawang gumalaw. Mas malaki rin ang pangagatawan nito. She can sense that he's strong, maybe even a lot more than her.

Sinubukan itong itulak ni Davina ngunit hindi nagpatinag ang lalaki at mahigpit na hinuli ang mga kamay niya. Mas lalo pa niyong nilapit ang mukha sa kanya. Hindi niya mawari kung guni-guni niya lang ba iyon o talagang habang lumalapit ito'y nakatingin ito sa labi niya.

Saglit na hindi nakapag-react si Davina sa nangyayari. Pakiramdam niya ay may bumara sa lalamunan niya, at para bang bigla siyang kinabahan.

No way. This can't be happening. The last time I felt this... I almost died.

"I do," sabi niya nang makabawi at saka ihiniwalay ang isa pang kamay at ginamit ito at ang kaliwang paa upang itulak ang lalaki papalayo.

"You have the guts," pahayag nito.

"Bring me to the clinic and I won't spill out another identity."

Pilit na itago ni Davina ang pagkagulat sa tinuran nito. Ramdam ni Davina ang panlulumo sa katawan. Pagod na siya dahil sa sunod-sunod na mga nangyayari sa buhay niya, at ramdam niyang dagdag perwisyo na naman ang lalaking ito. Marami itong nalalaman kaya't hindi niya hahayaang ito ang gumulo sa buhay niya.

Wala siyang magawa kun'di labag sa loob na tumayo at pagpagan ang sarili.

"Stand up and follow me."

"Won't you help me up?" may pangungutyang tanong nito sa kanya.

"Help yourself," pataray nitong sagot.

This man, ugh... Whatever his plans are, I swear he will regret messing with me.

Продовжити читання

Вам також сподобається

455K 23.7K 59
Alexis Willford almost have everything any person would wish for. And what she lacks the most is excitement. She wanted to feel life death, blood boi...
7M 236K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
4M 112K 85
ARRANGE MARRIAGE TO THE MAFIA BOSS (Unedited) I'm ordinary girl with a simple life but it all change when i realized that I'm Married to the Mafia B...