Perks of being a Fangirl (Vic...

By msviceral

186K 6.6K 1.1K

"Akala ko ba mahal mo ko kahit ganto ako?" Witness how a celebrity fell inlove with his fan. Will they end up... More

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)
She's the impossible
Tweet Limit
Trouble
Napansin
Cant Get Enough
New Friend
Paano this, Paano that?
It's Showtime
Daughter
Team Karylle
Ikaw (Part 1)
Ikaw (Part 2)
Ikaw (Part 3)
For The Needy
Crush mo no?
Project Pie
X
:)))))))))))))
Court
DISREGARD CHAPTER
vice • rylle
?!
RG
BorgRylle
Hibernation
Making Vicerylle
beng
Bet
adobong ngiti
Neuro ano daw?
SUPRISE!
Baliktanaw
Yes?

Bloopers

4.6K 189 49
By msviceral

GENERAL POV

Christmas Day. Ngayon ipapalabas ang lahat ng MMFF Entries. Kasama na doon ang pelikula ni Vice kung saan nandoon si Karylle bilang leading lady nya.

Naging busy si Vice dahil sa mga mall tours, press cons, MMFF Parade at sa lahat ng guestings para sa promotion ng movie niya.

At si Karylle naman, kahit nasasaktan padin sya sa nangyari.. ay tahimik padin syang sumosuporta kay Vice. Isa padin syang fan kahit anong mangyari.

Tahimik na nakatingin sa glass window ng kanyang opisina si Karylle. Pumasok padin sya ngayong pasko. Wala rin naman syang makakasama magcelebrate kaya pumasok nalang sya.

Tinignan nya ang oras, 9:00pm na pala. Napagdesisyunan ni Karylle na umuwi na.

Habang nagmamaneho si Karylle, ay nadaanan nya ang isang mall, ang SM Megamall. Nakita nya rin ang malaking poster ng movie ni Vice, at napangiti.

Dahil gabi naman na, ay ipinarke ni Karylle ang kanyang kotse sa carpark. At dumiretso sa loob ng mall. Tumungo sya sa cinema, bumili ng isang movie ticket, isang bucket ng popcorn at softdrinks.

Kahit alam nyang iiyakan nya tong comedy movie ni Vice. Gusto nya padin panoorin dahil Vice never fails to make her laugh........ even though she's hurt.

Sa pinakatuktok ng sinehan umupo si Karylle. Last screening sched na ang pinili nya ngunit punong puno padin ang sinehan.

Tahimik lang na nanonood si Karylle. tatawa sya nang malakas kapag nakakatawa ang scene.

Ngunit nang lumabas ang mukha nya sa pelikula, doon na sya tuluyang naluha. Biglang bumalik ang mga alalala nya na kasama si Vice sa London.

Tahimik syang lumuluha sa mga eksena nilang dalawa. Tatawa ng maiksi pag may punchline. Halos malusaw na ang make up nya kakaiyak.

Patapos na ang movie nang bigla may isang grupo ng mga marshalls ang pumasok. Nacurious naman si Karylle kaya tumingin sya sa baba. Nanlaki ang mata nya nang narealize nyang si Vice yun kasama ang team Vice.

"Of all places. Bakit dito ka pa nag cinema tour." natatarantang tugon ni Karylle.

Pababa na sana si Karylle upang iwasan agad nang ipakita na ang bloopers ng movie. Sakto ay inuna ang scene ni Vice at Karylle na nagtatawanan dahil nagkamali ng line si Karylle. Tinawanan ito ni Vice kaya niyakap si Karylle ng mahigpit.

Naudlot naman ang pagbaba ni Karylle dahil nanigas sya nang mapanood nya iyon. Lalo syang naluha. Kaya binilisan nya ang pagbaba.

Dumako naman tayo kay Vice, bigla syang inatake ng call of nature kaya lumabas muna sya ng sinehan at dumiretso sa CR, may CR naman ang sinehan kaya madali lang syang makabalik.

Ngunit nang lumabas ng movie theater si Vice ay naabutan nya si Karylle na palalabas ng sinehan.

"K?" tugon ni Vice.

Napatigil naman si Karylle sa narinig nyang boses. Dahan dahan nyang pinahid ang luha at lusaw na make up nya at dahan dahang humarap kay Vice.

"Yes?" matapang na tugon ni Karylle.

"Nanood ka ng movie?" tanong ni Vice.

"Kaya nga ko nasa sinehan diba. Kase pinanood ko." malamig na tugon ni Karylle.

"Sinusuportahan mo p-padin ako?" nakangiting tanong ni Vice.

"Hindi. Binigyan kase ako ng free ticket ng empleyado ko. May movie passes kase sya." pagtataray ni Karylle. Ayaw nyang sabihin na bumili talaga sya ng ticket dahil baka isipin ni Vice na napatawad nya na ito.

"Ah... K, p-pede ba tayong magusap?" sambit ni Vice.

"May aasikasuhin pa ko bukas, I have to go." aalis na sana si Karylle nang bigla syang niyakap ni Vice sa likod.

Tumindig ang balahibo ni Karylle. Di nya man aminin pero namiss nyang may yumayakap na Vice sa likod nya.

Pipiglas na sana sya nang naramdaman nyang basa ang balikat nya. Umiiyak na pala si Vice.

"Kurb--K, I'm sorry... I'm sorry for everything. Sorry kung niloko kita. Patawarin mo ko. Pero maniwala ka, mahal parin kita." tugon ni Vice.

Onti onting namumuo ang luha ni Karylle, ayaw na ayaw nyang umiiyak si Vice. Ngunit nangibabaw padin ang galit niya kaya pumiglas sya sa yakap.

"Paano pa ako maniniwala dyan? Eh niloko mo nga ko diba? Dapat ininform mo ko na pustahan lang pala yun, edi sana tumulong ako sa ambagan sa pusta." tugon ni Karylle.

Dahan dahang lumuhod si Vice kay Karylle. Tila lumambot ang tuhod ni Karylle dahil hawak hawak ni Vice ang kamay ng dalaga.

"Please, patawarin mo ko. Mahal kita, Karylle. Please." hagulgol ni Vice.

"Tumayo ka, hindi ako Diyos." sambit ni Karylle. Sumunod naman si Vice.

"Alam mo, hindi ko na alam kung maniniwala pa ko na mahal mo ako. Kase simula nang nalaman ko na pinagpustahan mo lang ako, pakiramdam ko noon walang tao ang kayang magmahal sakin. Nangbaba ako sa sarili ko, Vice. Hindi ko ba deserve na mahalin ako? Bakit ganon? May nagawa ba kong mali? Ano bang mali sa nagmahal ng totoo? Grabe naman kayo. Sa tingin mo, madali sakin tong pinagdadaanan ko ngayon? Hindi, Vice! Araw araw pag-gising ko iiyak ako. Umiiyak ako araw araw kase pakiramdam ko, walang pwedeng magmahal sakin. Hindi ko na nga maalis yung sakit eh. Buti ka pa nga, nagpasko ka ng kasama pamilya mo. Ako, wala. Kase wala namang nagmamahal sakin eh. Mahal mo ko? Pero bat mo ko niloko?" at tuluyan nang humagulgol si Karylle.

Natahimik si Vice sa narinig. Hindi nya inaasahan na grabe ang sakit na naidulot nya kay Karylle. (A/N: aba' y puta ikaw ba naman ipagpustahan t*ngin*ng yan)

Lalapit na sana si Vice nang biglang lumabas si Buern, "Ate punta ka na sa loob bago pa magsi--- uy, K." tugon ni Buern.

"Buern, hi. Sige, Merry Christmas sainyo. Congrats sa movie mo." tugon ni Karylle at umalis na.

"Meme, tara na." tugon ni Buern.

Pumasok na sila ng sinehan, habang si Vice ay medyo tulala kahit magmemensahe na sya sa mga nanood ng movie nya. Lutang in short.

****

Kinabukasan ay maagang pumasok si Karylle, madami syang aayusin dahil may dadating na investor na gustong makipag-business partners sa DIC.

Halos hindi nga makausap ni Toni dahil hindi ito lumalabas ng opisina nya. Kaya napagdesisyunan nyang bilhan ng pagkain si Karylle.

Pagpasok nya sa opisina ni K, inilapag nya ang isang box ng pizza, dalawang platong lasagna at isang litro ng coke.

"Kumain ka muna kahit isang oras lang. 6pm pa naman dating ni Ms. Wa. 1pm palang oh." tugon ni Toni at binuksan ang mga pagkain.

"Pasensya ka na ha, first time kase na merong makikipagbusiness partner saakin, ayokong madis-appoint si Ms. Wa. Ang ganda pa man din ng furniture company nila." tugon ni Karylle at kinuha na ang isang platong lasagna.

"Oh, kamusta pasko mo kahapon?" tanong ni Toni.

"Nagkita kami kagabi." bulong ni Karylle, ngunit narinig ito ni Toni.

"KAYO NA ULIT?" nakangiting tanong ni Toni.

"Hindi! Biglaan lang yun. Ano kase, nanood ako ng movie nya kagabi. Tapos sakto nagcinema tour sya. Tapos nung papalabas na ko, naabutan nya ko." kwento ni Karylle.

"Tapos? Nag-usap kayo?" Toni.

"Oo, tinanong nya kung pinanood ko yung movie tapos ayun binara ko. Tapos ayun.. humingi sya ng tawad..." napatigil si Karylle sa pagkain.

"Pinatawad mo?" Toni.

"Hindi..." sambit ni Karylle.

"Napatawad mo na ba sya?" tanong ni Toni.

"H-hindi ko alam." tugon ni Karylle.

"Pero bat ka nanood ng movie nya?" tanong ni Toni.

"Kase, nandoon ako. Gusto ko makita acting ko." palusot ni Karylle.

"Pero mahal mo padin?" tanong ni Toni.

"Hin---- Okay, Oo. Hindi naman mawawala yun eh." tugon ni Karylle na nakayuko.

"Kaya ba hindi mo syang kayang patawarin kase natatakot ka na baka lokohin ka ulit nya?" sambit ni Toni.

"O-Oo." -Karylle.

"Yan. Ayan ang problema. Takot ka. Takot ka hindi pa nga nangyayari. Takot ka, pero hindi mo alam na kabaliktaran pa ng iniisip mo yung pwedeng mangyari. Ayan ang problema saating mga babae eh, masyado tayong nangunguna sa mga bagay bagay. Hindi natin pinapakinggan ang mga tao sa paligid natin. Hindi man lang natin alamin yung side nila. Kase takot ka, na marinig kung ano yung ipapaliwanag nya. What if, mahal ka na talaga nya? what if, napagtripan lang sya kaya nya nagawa yun pero hindi nya gustong saktan ka? Pag nakikita mo sya, mindset mo galit ka sakanya. Pero pag wala sya, iniistalk mo, namimiss mo. Ganyan ang problema sayo eh, Nandyan na pinapalayo mo pa, pag pinalayo mo tititigan mo pag nakatalikod na." suhestiyon ni Toni.

"Pero niloko nya ko, Celestine." sambit ni Karylle.

"Nandoon na tayo, oo. Niloko ka nya. Pero did you asked kung bat nya nagawa yun? Paano kung napressure sya doon sa dalawa nyang kaibigan? Pag sinabi nya ba yun sayo agad, tatanggapin mo padin sya? Mamahalin mo pa din sya? Diba hindi? Diba lalayo ka? Yun yung kinakatakutan nya, tinago nya yun kase ayaw nyang mawala ka. Kung hinayaan mo sana syang magpaliwanag, kung pinakinggan mo lang side nya. Edi sana, ayos na ulit kayo." paliwanag ni Toni.

Natahimik naman si Karylle sa narinig, kaya nagsalita muli si Toni.

"Hindi ka nya hahabulin kung hindi ka talaga nya minahal. Galit kase ang inuuna mo Ana Karylle, eh. Mahal ka nya. Magalit ka kina Billy at Vhong. Kase sila yung nagsimula noon. Sasaktan ba ni Vice ang little pony nya? Hindi diba?" sambit ni Toni.

Magsasalita na sana si Karylle nang tumunog ang telepono nya.

"Hello?" tugon ni Karylle.

(It's me.) tugon ng sekretarya ni Karylle.

"Manahimik ka, Marian. Bakit?" tugon ni Karylle.

(Ms. K may gusto pong kumausap sainyo sa linya.) tugon ng kanyang sekretaryang si Marian.

"Okay." sambit ni Karylle.

(Hello, Karylle?) tugon ng nasa kabilang linya.

"Hello, who's this?" sambit ni Karylle na uminom ng coke.

(This is Charo Santos Concio of ABSCBN.) at nanlaki ang mata ni Karylle sa narinig.

"Um, Ma'am Charo! What can I do for you?" kinakabahang tanong ni Karylle.

(Can we have a small talk later? 8pm?) tugon ni Charo.

"Um, where po?" Karylle.

(Ako nalang ang pupunta dyan sa office mo.) Charo.

"Sure, ma'am. I look forward seeing you later po." Karylle.

(Thank you Karylle.) at binaba na ni Charo ang linya.

"Tumawag si Ma'am Charo? Bakit?" curious na tanong ni Toni.

"Ewan ko din, eh." nagtatakang sambit ni Karylle.

*******

7:30 pm tapos na ang meeting ni Karylle with Ms. Wa. Successful ang meeting kaya sure na mag-iinvest ang furniture company ni Ms Wa sa kompanya ni Karylle.

Tahimik na nanonood si Karylle sa kanyang laptop ng Paper Towns ng pumasok ang kanyang sekretarya sa kanyang opisina.

"Ms. K, nandyan na po si Ma'am Charo." tugon ni Marian.

"Papasukin mo na, Mars." sambit ni Karylle.

Pumasok si Ma'am Charo sa opisina ni Karylle, "Good evening, Karylle." bati ni Ma'am Charo.

"Good evening, Ma'am. What can I do for you?" tanong ni Karylle.

"Bibilisan ko na to, I'm giving you a 5 year contract to work as an artist in ABSCBN. May workshop na yun and all. Napanood ko ang movie nyo ni Vice and I was impressed. Nanguguna din ang movie nyo sa MMFF ranking. Maganda ang chemistry nyo ni Vice. Magandang twist yun na may loveteam na gay and girl. And may talent ka din sa singing, kaya pwedeng pwede ka magka-album. Personal kitang pinuntahan dito dahil bagay na bagay ka sa ABSCBN. Malakas ang charisma mo and ang daming magandang feedbacks ng movie dahil sayo. So, are you in?" offer ni Charo.

Natulala naman si Karylle sa narinig. Never nyang inisip na mangyayari to sa buhay niya.

"Um, Ma'am Charo? Sure po ba to?" tugon ni Karylle.

"Yes, I'm sure. Eto yung contract." sabay lapag ni Charo ng envelope sa table ni Karylle.

"Um... p-pwede ko po bang pag-isipan muna to, Ma'am? I'll update you nalang po." tugon ni Karylle.

"Yes, of course! Nandyan na sa contract ang number ko. I'm looking forward to have you in our family, Karylle." bumeso si Charo kay Karylle at lumabas na ng opisina.


Leaving Karylle speechless.


******

A/N: Happy New Year!!!!!! Kamusta keye? Nood na ng BATB ha? Para kyot :--) @HUSKYVICE

Continue Reading

You'll Also Like

38.5K 1.3K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
137K 9.5K 73
His last year will be worst as hell.... His quiet life will put in danger... His happiness will turn to sacrifices.... His life will be ruined...
95.3K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
34.3K 596 100
hakbang. sunghoon from humss is the type of guy who doesn't want to commit. sure he have plenty of flings, nothing's new with that. then here comes s...