The Choice

By mkrarenas

20.4K 556 7

Nagsimula ang storyang to dahil sa disisyon na kailangan kong gawin, para lang mailigtas ang Nanay ko kailang... More

Prologue
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
part 24
Part 25
The End
New Story

Part 1

1.4K 31 0
By mkrarenas

A/N: Meet Franco Natividad. Actually kambal sila dito :D mayaman lang yung isa, di ko pa irereveal yung name nung isa, Next chapter pa sya.

********************************

FRANCO'S POV

Hi ako nga pala si Franco, ang yung kanina kay Aling Cindy ay pagpapacute yun, pero mabait naman si Aling Cindy, sa katunayan nga siya ang tumulong samin ni Nanay para magkaron ng bahay

Ito ako ngayon nakasakay ng tricycle, pagkatakbo ko kasi sa sakayan kanina buti nalang may tricycle para makasakay agad ako, yari nanaman kasi ako kay Boss pag late nanaman ako, swelduhan pa naman ngayon.

"You're late" timing naman talaga yung pagkababa sakin ni Manong e

"Boss magpapaliwanag po ako" pilit kong hinahabol sa paglalakad si Bossing

sa totoo lang ang trabaho ko kasi dito ay janitor, dapat ako talaga yung pinakamaaga kaso nga lang late na talaga ako nagising. Working student kasi ako, nag-aaral ako sa Pangasinan State University, ang kursong kinukuha ko? syempre HRM, mahilig ako magluto e

Pero balik muna tayo sa reyalidad"Boss wag nyo naman po ako sisantihin, nagmamakaawa po ako sa inyo, babawi po ako promise po"

"Wala na akong magagawa Franco, may nakuha na kaming papalit sayo, kaya makakaalis ka na"

nanlumo ako sa narinig ko pero alam ko naman na wala na akong magagawa kundi ang umalis dahil sisanti na ko

"Franco" bigla akong napaharap ng tawagin ni Boss ang pangalan ko

akala ko bibigyan nya pa ko ng isa pang pagkakataon pero mali pala ako

"Kunin mo ang huli mong sweldo sa Finance, pack your things at makakaalis ka na"

at bigla na nya kong iniwan, masakit man isipin na sa tagal ko ng nagtatrabaho dito ay ngayon pa na graduating saka pa ko nasisanti

pagkadating ko ng finance nakita ko agad si Ms. Yana yung pinakamabait na finance dito

"O Franco kanina pa kita hinahanap, ito na ang sweldo mo" at binigay nya sakin ang isang envelope

una gusto ko man maging masaya dahil sa wakas mataas taas ang sahod ko pero nalulungkot parin ako dahil nga maghahanap nanaman ako ng trabaho, dahil hindi pwedeng wala kaming kakainin ni Nanay, lalo na ngayon na may sakit sya

"Hayaan mo Franco, gaganda din ang buhay mo, magtiwala ka lang sa Diyos" Totoo pinapangarap ko na gumanda ang buhay ko, pero para sakin okay na ko mapagamot ko lang ang nanay ko kaya nga ang laking pasasalamat ko sa Diyos dahil binibigyan nya parin ako ng lakas ng loob

matapos ang pakikipag-usap kay Ms. Yana ay agad ko ng inayos ang gamit ko iniwan ang mga dapat iwan at dahil ang mga dapat dalhin at umalis na sa pinagtatrabahuhan ko.

"Bakit ba kasi ang malas malas mo Franco?" pagtatanong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta kung san man makarating ng biglang may dumaan na sasakyan na muntikan na kong mabangga

Di nga ako nabangga pero sa pagkadaan naman ng sasakyan tumalsik sakin ang putik, abot hanggang mukha ko

nakita ko naman na binuksan nung driver yung bintana nya at nagsorry agad sya

"Pasensya po nagmamadali lang"

pero yung pinakanapansin ko talaga ay yung babae na nakaupo sa likod na biglang nagtaray

"Let's go Ronnie, I don't want to be late!" at bigla namang humarurot yung sasakyan

maganda sana sya kaso mataray, di ganyan ang tipo kong babae, gusto ko yung katulad ni Nanay na maalaga at mapagmahal

wala akong magawa kundi ang punasan ang sarili ko, mabuti nalang ay may extra akong damit kaya nagpalit agad ako bago pumasok sa eskwelahan

"Late again Mr. Natividad" pagsasabi sakin ng professor ko

ayaw ko kasi gumastos ng pamasahe dahil itong perang to ay para kay Nanay kaya wala kaong choice kundi ang maglakad

"Pasensya na po Ms. Rosas, di na po mauulit" at dumiretso na ko sa upuan ko

"At least napapakinabangan ka naman namin dito sa eskwelahan, pero wag kang mangako ng hindi mo kayang tuparin Mr. Natividad"

at nagpatuloy na sya sa pagsusulat nya sa blackboard

"Saan ka galing? Diba kanina pa tapos ang shift mo?" pagtatanong sakin ng babaeng nasa unahan ko, edi syempre sino pa? edi ang bestfriend kong napakakulit

"Mahabang kwento Joyann, mamaya nalang"

"Mr. Natividad, Ms. Boslo are you with us?" pananaway samin ng teacher

"Yes Mam" sagot namin pareho at nagpatuloy na sa pagtuturo si Ms. Rosas

Matapos ang klase naman agad kaming nagpunta ni Joyann sa canteen para magmiryenda

"So ano ngang nangyare? Bakit ka late? nanaman?"

"Ayun nahuli nanaman kasi ang gising ko kaya nalate ako sa trabaho, tapos nasisanti pa ko."

"Aray ko, kawawa ka naman pala" buti pa tong bestfriend ko may awa sakin

"Pero tinatanong ko ay kung bakit ka late, hindi yung nasisanti ka" ay grabe sya

"Naglalakad kasi ako para maalis yung sama ng loob ng biglang may sasakyan na dumaan, tumalsik yung putik sakin, hanggang sa mukha ko kaya yun nilinis ko muna ang sarili ko, hindi ko naman namalayan na late na pala ako"

"Eh bat di ka nagtricycle?"

"Alam mo naman na itong perang to ay para kay Nanay, kahit ano gagawin ko para sa kaniya"

"Sus di parin rason yan, sana nagsabi ka para nasundo kita, o di kaya ay pinahiram nalang kita ng pera"

"Alam mo naman na ayaw kong naghihiram ng pera lalo na sayo"

"Pero sa tindahan nangungutan?" at bigla akong napakamot sa ulo ko

"Ay basta, hinding hindi ako mangungutang sa mayaman, at mahilig na manlibre kong bestfriend, Libre mo naman ako ng pagkain, wala na kong pera e"

"Ayaw mangutang pero gusto magpalibre, ang buraot mo din no?"

at nagtawanan nalang kaming dalawa

nang matapos lahat ng klase ko agad na kong umuwi para kamustahin si Nanay ng biglang may humarang sakin sa daan. Si Aling Sungit este Cindy pala

"O Aling Cindy makikipaglaro ka po ba ng patintero?" pagtatanong ko sa kaniya ng biglang kumunot ang noo nya. Patay

"Akoy wag mong niloloko Franco, nasan na ang bayad mo?" bigla akong pumwesto na may dudukutin sa bag ng biglang sumigaw si Aling Cindy

"Franco hindi ka makakatakas sakin! Magbayad ka na!" Ano ba tong matandang to? akala mo ay tatakbuhan xD

kaya kinuha ko na ang sobre a ibinigay sa kaniya ang kalahati

"Matino ka naman palang kausap Franco eh" pagbibilang nya sa perang binigay ko

"Basta pauutangin nyo po ang nanay ko ay wala tayong problema, kaya Alin Cindy bukas ulit ha"

"Oo ba basta magbabayad ka"

at umalis na si Aling Cindy kaya pumasok na ko ng bahay

"Nay" pagtawag ko sa Nanay ko

walang sumasagot kaya tumaas ako ng apartment namin at dun nakita ko ang nanay ko

syempre tulog

lumapit ako sa kaniya at hinalikan sya sa noo, ibinaba ko lang ang mga gamit ko at gad na nagpalit para sa makapaghanda na ng hapunan at makapunta ng trabaho

oo tama po ang basa nyo may morning shift at night shift ako kasi dahil nasisanti ako night shift nalang kaya kailangan ko maghanap ng trabaho

********************************

A/N: There you go yung first chapter, si Franco Natividad yung nasa picture, sya yung medyo badboy, palatawa at mabait na Enrique Gil :D



Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 610 34
"I'll always protect you no matter what,Chipmunkie.As I have promised you're father." "I like you too,Jichu." After all the differences and the probl...
301K 10.8K 27
Isang batikang sundalong bakla ang magiging bodyguard ng isang mataray, mayaman at seksing anak ng may-ari ng mga malalaking kumpanya. Magkasundo kay...
25.5K 539 23
Why does it hurt to lose her, when she's not mine to begin with?