Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>>Russel part2
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
Start of Being Her Girlfriend
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
twist
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
The fall down
Between the choice

>> the Side Effect of Kiss

11.1K 240 9
By dark19

Russell's POV

Ang galing ng Andy na yan! 2 weeks na syang hindi umuuwi ng dorm at walang pagkaparamdam sa

akin....uhm...sa amin ni Ronby, nakakainis! Aaminin ko, namimiss ko na yung kakulitan nya, naalala ko

noong sabay kaming papasok ng school, that time si Ronby may out of town gig kasama yung mga ka  

banda nya. Sinasama pa nga nya kami ni Andy kaso busy kaming pareho sa school, ako may ginagawang  

thesis samantalang si Andy busy kase nakasali na sya sa women's basketball team ng school, hindi ko  

alam kung paano sila nagkaayos sina Lian at Andy. Okay na yung samahan nila.

Flashback

7am Naglalakad kami ni Andy papuntang school, naiinis na sya sa akin kase nakahawak ako sa laylayan  

ng suot nyang varsity jacket, may practice kase sila ngayon kaya hindi sya nakaschool uniform, antuk na  

antok pa kase ako,2:30am na kase ako nakatulog dahil sa pag aayos ng thesis ko at ilang days na lang  

kase ay idi-defend ko na iyon,.

"ei! Roommate bitaw ka na sa jacket ko lukot na o! masisira image ko sayo eh! HEADLINE: Andrea Janine  

Cielo, lukot ang Jacket pumasok ng Gym......maawa ka naman sakin! Baka mabawasan fans ko dahil sayo"  

natatawang sabi nya at inaalis yung pagkakahawak ko sa laylayan ng jacket nya. Ei mayabang din ang  

isang to eh! Bumitaw ako ng pagkakahawak ko sa jacket nya sabay palo sa braso nya.

"AWWW! Sadista mo noh!" hinihimas nya yung braso nya

"sama ng ugali mo!" inis na sabi ko, "kainis nagugutom pa ako...." Bulong ko

Mayamaya dumaan yung isa nyang ka team,

"good morning Jasmine" masiglang bati ni Andy kay number 11

Nakangiting tumugon naman yung ka teammate nya.

"Morning Cielo...." Sabi ni Jasmine

"ah..nga pala Jas pwedeng humingi ng favor?" yung smile ni Andy habang sinasabi nya iyon kay Jasmine  

sobrang wagas....kainis sarap ingudngod sa lupa...hayyyyy! Ito na naman yung weird feelings ko eh, kaya  

ang ginawa ko tumalikod sa kanila at kunwaring may hinahanap ako sa bag ko pero ang totoo wala  

naman.

"Sure! Ano ba iyon?" batay sa boses nung Jasmine,parang nilalandi nya si Andy...bangasin ko rin mukha

ng babaeng to eh!

"pwedeng padala ng bola ko sa Gym? Kung okay lang sayo? Ahmm....don't worry treat kita ng lunch  

mamaya" sabi ni Andy na pacute yung boses nya! Buwiset!at talagang sabay pa silang magtatanghalian!  

Napailing ako sa nararamdaman ko. Ewan!

"talaga? Sure! Amina yang bola mo.....bye Cielo...." At rinig ko ang paghakbang papalayo si Jasmine.

"bye...." Sabi ni Andy. Paglingon ko,at talagang wagas yung pagwave ng kamay ng bruha bilang pagbabye  

nya,sa inis ko pinalo ko yung nagwewave nyang kamay

"maka-kaway parang kandidato lang?" sabi ko with my sarcastic smile at sabay irap sa kanya

"dang sungit..." bulong nya habang hinihimas nya yung kamay na hinampas ko hahaha pacute ka pa huh!

Mayamaya ay inagaw nya sa akin yung mga dala kong books at nilagay sa bag nya. Pinanuod ko lang sya  

habang nilalagay ang mga iyon sa bag nya, ng matapos sya,sinukbit nya ulit yung bagback nya sa balikat  

nya at saka nya kinuha yung bag ko at sinukbit nya sa kaliwang balikat nya. Hinawakan nya yung kanang  

kamay ko at saka nya ako niyayang maglakad.Sa kaliwang kamay nya panay text naman nya sa phone  

nya. Huminto kami sa may waiting shed pero hindi parin nya binibitawan yung kamay ko. Yung  

pakiramdam habang hawak nya yung kamay ko, pakiramdam ko na parang walang makakaagaw sa akin  

sa kanya.ewan....ang saya lang sa feelings ng ganito. Ng masdan ko yung mukha nya,parang may iniintay  

kami,panay lingon nya sa kanan at kaliwa ng daan. Ang ganda ng mga mata nya napakaexpressive,ang  

pipilantik ng mga pilikmata nya,sakto lang yung tangos ng ilong nya at yung dimples nya ang lalim. At  

yung....yung....lips nya....ang nipis at kulay pink..parang ang sarap i-kiss. Shemmay!!! Pinagpapwisan ako  

sa iniisip ko! Bad ka Russell! Bakit mo sya pinagpapatasyahan? Kaloka ka!

"S-s-san ba tayo pupunta? Malelate na tayo...." Sabi ko at pinipilit kong iwaksi sa isip ko yung pagnanasa  

ko sa lips nya. Magtatagumpay din ako! Mali ito!

"kakain ng breakfast sa resturant ng pinsan ko....pinadala ko yung kotse ko dito para service natin. Don't  

worry sagot kita sa school..." sabi nya sabay kindat nya sa akin at ngiti....gosh!!! yung mga dimples at  

yang mga matang nagiging linya kapag ngumingiti sya yan ang kahinaan ko eh...STOP DOING THAT ANDY please!

"ei yabang mo! Baka malagot tayo nito eh...." Sabi ko

"hinding hindi naman kita papabayaan eh!" sabi nya, "ninong ko yung may ari ng school...wag kang  

kabahan...." Sabi nya,habang sinasabi nya na hindi nya ko pababayaan,nakatitig ako sa mga mata nya  

yung puso ko nakaramdam ng security. Ganito ba syang tumitig sa lahat ng kaibigan nyang babae?

"ma'am Andrea andito na po kami...dala na po namin" sabi ng isang lalaki na naka polo na white dahil  

doon naputol yung titigan namin, lumingon kami pareho ni Andy sa nagsalita.

Nanlaki yung mata ko sa nakita ko....Yung kotse nya...isang Carrera GT na kulay red. At naka convoy ang  

isang Cobalt na kotse.

"uhm...salamat Mang Cario...pwede na kayong umalis.." nakangiting sabi ni Andy sa mga dumating.  

Inabot ni Mang Cario yung susi kay andy bago umalis. Hinila nya ako papunta sa pintuan ng passenger's  

seat at pinagbuksan nya muna ako bago sya umikot sa driver's seat para pumasok.

Mga 15 minutes ng makarating kami sa resturant na sinsabi ni Andy....Grabe pinsan pala nya may ari  

nito,sobrang sikat nitong resturant na ito at kahit may kamahalan ay marami paring kumakain.

"ahmm....Andy...di ba 10am bukas nito....ang aga pa natin..."  

sabi ko habang inaalis nya yung seat belt  

ko, imbis na sumagot ay bumaba sya ng kotse at pinagbuksan nya ako ng pintuan.

"I already texted her na dito tayo kakain ng breakfast....at saka ako may ari ng bandang rooftop  

nyan...pinasdya ko na may attic yung resturant nya yun nga lang bawal ibang tao doon...doon tayo  

kakain,maganda doon promise.."  

sabi nya at muli nyang hinawakan yung kamay ko at saka kami  

pumasok ng resturant ng pinsan nya.

Kaso pagkapasok namin ng resturant ay may tumamang kamatis sa mukha ni Andy. O.O

"AWWWW! Leche! Ka talaga Dominique! Bakit mo ako binato????"  

asar na turan ni Andy. Pinulot nya  

yung kamatis na tumama sa mukha at gumanting ibinato iyon sa magandang babae na bumto sa kanya.  

Kaso nasapo lang iyon ng babae.

" sapangbubulabog mo ng tulog ko!!! Ikaw kaya lutuin ko ng buhay!"  

at halatang asar na asar kay Andy.

"minsan lang naman ah!"  

nakapout na sabi ni Andy, tumingin ako sa ibang direksyon  

asar na lips yan....nakakainis nang aakit!

"next time pagamit ng Attic ah! Kabayaran mo dito!"  

sabi nung Dominique

"oo na....nga pala si Russell..Russell sya naman si Dominique pinsan ko"  

pakilala nya sa akin. Mabilis  

kong nakagaanan ng loob si Dom, mabait sya at makulit din tulad ni Andy....tawa ako ng tawa noong  

kumakain na kami sa may Attic ng resturant ni Dom kase nalaman ko yung tawag kay Andy ng lola,kuya  

at daddy nya sa kanya .

"Andeng...."  

Natatawang sabi ko kay Andy habang nagdadrive sya ng kotse, pabalik ng school. Inirapan  

nya ko sabay pout

"kainis ka...."  

Bulong nya.

End of flashback

Ano bang ginawa ko? Bakit mukhang iniiwasan ako ni Andy? Dahil ba iyon sa accident light kiss namin ni  

Ronby? Eh willing naman akong ipaliwanag sa kanya na mali yung iniisip nya about dun pero di sya  

interesadong pakinggan yung paliwanag ko....sa tuwing naiisip ko iyon di ko maiwasang masaktan....hindi  

talaga ako napagod sa school....mas napagod ako sa stress kakaisip kay Andy....nakakabuwiset ano bang  

meron sa kanya bakit nagkakaganito ko sa kanya? Yung luha ko ayan na naman..

"Russell ano ka ba? Bakit mo iiyakan yung taong walang pakielam sayo??Yung ayaw talaga magpakita  

sayo!!!"  

pagalit ko sa sarili ko habang binubuksan yung pintuan ng room namin. Pagpasok ko walang  

Ronby akong nadatnan. Mas okay na siguro ito kase kailangan kong mapag isa. Pagkatapos kong  

magbihis, biglang nangatog yung mga tuhod ko at buong kalamanan ko nangatog sa takot dahil biglang  

nagblackout. Ang dilim!!!! TT^TT Mommy!!!! Napaupo ako sa sahig at sumandal sa gilid ng kama ko at  

binluktot at yinakap ko yung tuhod ko. Dahil parang hindi na ako makahinga sa takot!nanlamig yung  

sikmura ko at hindi ko na nakayanan napaiyak na ako. Nabuhayan ako ng loob noong nagbukas yung

pinto kung kaya nagtatakbo akong yumakap sa kanya at napaiyak sa takot,nangangatog ako sa takot at 

naibsan kahit papaano noong yakapin nya ko ng mahigpit sabay kiss sa noo ko,dahil doon naramdaman  

ko secured na ako,ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nya..kahit ako ganun din.

"Ronby....natatakot ako...."  

Sabi ko between my sob. Napasinghap sya sabay kawala ng isang mabigat na  

buntong hininga. Narinig kong nilock nya yung pintuan namin ng hindi man lang humiwalay ng yakap sa  

akin. Nahiga kami sa bed at yinakap nya ko ng mahigpit. Isiniksik ko yung sarili ko sa katawan nya at  

umunan sa braso nya, she starting to kiss my forehead down to my eye,down to my nose and.....to my  

lips. Hinalikan nya ko at ramdam ko may kasamang pagmamahal at pangungulila yung paraan ng  

paghalik nya sa akin.tumugon ako sa mga halik nya dahil sabi ng puso ko walang mali dito sa halik na  

ito at walang dapat ikatakot.  

Dahil concluded ng puso ko na mahal ko na yung taong sumasakop ng halik sa labi ko.

........................................................................................................................................................................................

Continue Reading