How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
Cheers!

FINALE: Chapter 46: Love is a Universe

19.1K 613 405
By xxxRavenJadexxx

Thank you sa lahat ng sumuporta! It's been a year since I started the story pero good to know e natapos ko na rin. Hindi ko pa ito na proof read kaya may mga errors and inconsistensies pa pero dahil excited na akong maipost to e pinost ko na he-he. This is the longest chapter that I've ever written. Sana mapasaya kayo ng ginawa kong pagtatapos...

**

Alex's POV


May mga bagay talagang napakahirap ipaliwanag at intindihin. Darating 'yung puntong kukwestiyunin mo ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid mo. Ito ba'y angkop o naayon sa pamantayan mo? Ito ba'y kalugod-lugod sa iyong paningin? O ito ba'y kaaya-aya base sa iyong paniniwala? Dito tayo nagkakaiba, ngunit ang pagkakaibang iyo'y nagmamarka sa tunay nating pagkatao.

To err is human ika nga, tao lang naman tayo e!....Nagkakamali! Mistake is inevitable but so is judgement. And this is the biggest irony of being a HUMAN.

Saksi ako sa isang bagay na nuo'y mahirap ipaliwanag. Isang pag-iibigang akala ko'y napaka-imposibleng mangyari, pero nangyari pa rin, akalain mo 'yun? The Romance between my uncle, Kuya Zendo and Kuya Jaypee was real.... na Zanmiks at Jace sa isinulat kong romance novel. Their story is still fresh in my memory. I'm not saying that I knew every details of their romance; I can say that I knew how their romance went to the highest, down to its lowest.

I will start by summarizing what really happened to them, I mean 'us'. I'm also involved in this story as I played as one of the factors este 'epals' in their hidden relationship. It started when Jaypee approached Kuya in the house. Super crush ko talaga ang papables na ito from head to toe because super gwapo niya at machong macho. Hays, naalala ko talaga 'yung mga days na literal na nalalaglag ang panty ko tuwing nakikita at napapatitig ako sa kanya. Napakaganda ng mata, lips at ng face niya... everything is perfect kay Papa Jaypee! Anyways going back to the story.... ayun! He approached Kuya Zendo at nakiusap na makipag-usap sa kanya nang masinsinan. Their first encounter was not a good encounter. Akala ko magsusuntukan sila in front of my face after that short conversation na hindi ako maka-relate. Sabi ni Kuya Zendo, napakayabang daw ni Jaypee para harassin daw siyang ibigay ang ipinatago sa kanya. He's searching for something daw na siya ang nagtago, pero ano namang tinatago ni Kuya? E hindi naman niya knows itong si Papa Jaypee? Little did we know e siya pala ang bagong kapitbahay namin na anak pala ni Aling Corazon.

Natalo sa pustahan si Kuya nun sa katrabaho niyang si Franz na nagkakahalaga ng One million pessosesoses and he needs to pay that as soon as possible. Never na-detail ni Kuya kung anong napagpustahan nila but he mentioned to me na napakawalang kwenta raw ng pusta! So I assume, when I wrote the novel, na ang pinagpustahan nila is 'yung kulay ng panty ng katrabaho niyang crush na crush niya, charot!

The next day, nakiusap muli sa akin si Papa Jaypee para makausap muli ang poging pogi kong Tiyuhin. I knew what's gonna happen kaya sinabi ko sa kanya na baka dumanak lang ang dugo 'pag nag-insist siyang makausap muli si Kuya, pero ang siste, desidido talagang makipag-usap kaya nawalan ako ng biological powers para hadlangan ang pagpasok niya sa bahay. Nagkita sila sa may salas nang mapayapa in all fairness. Nagmamakaawa talaga si Papa Jaypee ko para ibigay na raw sa kanya 'yung ipinaubaya sa kanya ng Mother niyang pumanaw na, na si Aling Corazon. Pero nagmatigas pa rin si Kuya nun, alam kong may alam siya sa sinasabi ni Papa Jaypee pero parang nagbibingi-bingihan lang siya. Lokohin mo na ang lahat 'wag lang si Kuya Zendo, mas malakas lang siya mang-asar 'pag inasar mo siya.

To my surprise, nag-offer si Papa Jaypee ng tumataginting na pabuya 'pag ibinigay ni Kuya sa kanya ang hinahanap niyang ipinatago ng Mother niya. E Kuya had this pangangailangan about Money pa naman na kailangan niyang ibigay sa extortionist niyang kaibigang si Franz. Parang nakakita ako ng umiilaw na bumbilya sa ulo ni Kuya kaya agad siyang umakyat ng kwarto para kunin 'yung bagay na hinahanap ni Papa Jaypee. Nag-usap sila ng silang dalawa lang.... without me of course pero nalaman ko rin naman kay Kuya kung anong napag-usapan nila after. At 'yung ipinatago pala ni Aling Corazon sa kanya ay isang 'Treasure Map'.

We are all expecting na literal na treasure ang nakasulat sa Mapa because of the 'Treasure Chest' na naka-drawing sa finish line. Tatlo kaming nagsama sa kakaibang journey na mala-amazing race ang peg. Mautak si Kuya e, pinangakuan siya ni Papa Jaypee ng kalangitan kaya para makasiguro, ju-moin siya and also me sa operation na hanapin ang kayamanan ni Papa Jaypee. Originally, sila lang dalawa ang maglalakbay but I insist! Kung anu-anong seremonyas at rason ang ginawa ko to convince my uncle na jumoin sa expedition nila.... kaya ang ending, tagumpay ang lola niyo! In reality, wala namang major action chuvaness ang naganap... namention lang ni Jaypee na his Kuya Renzo has dark plans about the treasure na gusto nito itong makuha kahit ito ay ipinaubaya talaga sa kanya. May mga struggles kaming na-encounter during the course of the mission but I don't wanna detail it. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, at dun ko napansing Kuya Zendo and Papa Jaypee became closer than ever. Syempre alam ko naman 'yung hugot ng dalawa nung time na 'yun, Si Kuya e may pagka mukhang pera rin naman ng slight kaya he did his best to make tulong sa napaka evasive nuong si Papa Jaypee. The latter naman is fully decided na mahanap ang treasure kahit medyo weird na 'yung nangyayari as day passes by.

I felt something different between their closeness, yung tipong sila na lang ang nag-uusap everyday at dine-deadma talaga nila ako in a major way. Aminado akong wala akong ginawa kundi magpa-cute kay Papa Jaypee kaso mukhang hindi ako type ng lolo niyo dahil mas feel niyang kausap si Kuya. Part of me says it's weird dahil nung una silang magkita e para silang mga Tandang na gusto nang magsabong. All of a sudden e naging close sila habang naglalakbay kami. Their minds perfectly met then. Pero nung oras na 'yun e ang iniisip ko'y they have this 'Brotherly Bond', na natural lang sa mga lalaki. Wala akong halong malisya pero since marami akong baklang kaibigan, minsan dumudumi ang isip ko na.... what if they became lovers? Nakakatawa 'yung idea pero maging ako'y hindi ko pinapaniwalaan ang sarili ko. I knew Kuya Zendo as playboy kaya 'Cancel' ang mainlove siya sa kapwa niya lalaki. Si Papa Jaypee naman is very manly in a serious way nga lang, mayabang talaga siya sa unang tingin pero hindi mo na maiisip 'yun dahil super gwapo niya from head to foot.

We didn't expect na the 'Treasure' na hinahanap pala namin was something personal para kay Papa Jaypee. Nalaman niya kung saan/kanino siya nagmula and it was 'Genius'. Nakaka-amaze dahil nakita na niya ang tunay niyang mga magulang, but on the bad side, namatay din ang father niya while her mother was in Mental Hospital. It's so painful pero Papa Jaypee accepted the bitter truth. Bigla kong na-recall 'yung moment when Papa Jaypee broke down nung malaman nyang his father died.... To the rescue si Kuya Zendo para lang yakapin siya. Grabe ang pagkakayakap ni Kuya kay Papa Jaypee nun and it lasted for 3 minutes ata. Ang weird diba? Pero maniwala kayo, nagkamalisya lang ako sa kanila nang isa sa kanila ang nagreveal ng relationship nila sa 'kin.... and that is Papa Jaypee.

Nasa America ang Lolo niyo nun, after the mission, at nag-confess siya sa 'kin (using Skype) about nung nangyari sa kanila ni Kuya Zendo, excluding the SPG part hehe. Ayun, sabi niya, parang mahal na raw niya si Kuya Zendo. At nashock talaga ang lola niyo in a major-major way. Nagpapatulong siya sa 'kin kung ano raw ang gagawin niya kase nahihirapan siya sa nararamdaman niya. Nagdesisyon kase ang dalawa na 'wag nang ipagpatuloy kung anuman ang namuo sa kasagsagan ng misyon. Inamin niyang nagkainlaban sila pero hindi nila alam kung paano paninindigan 'yun. Damang dama ko kay Papa Jaypee ang pinaghalong takot at guilt. Pero ang tapang lang niya para sabihin niya ang lahat sa 'kin. I didn't judge them though part of me is nanghihinayang sa kanila. Gusto kong sabihin kay Papables na, andito naman ako? Ba't si Kuya Zendo ang pinili mo? Charot! Pero hindi ko ginawa 'yun, nirespeto ko ang nararamdaman ni Papa Jaypee kaya binigyan ko siya ng assurance na andito lang ako para tumulong kahit hindi ko naman talaga alam ang gagawin sa totoo lang. Tinanong ko siya kung bading ba siya, sabi naman niya 'Hindi', hindi siya bakla pero bigla na lang nangyari na bigla niyang minahal ang kapwa niya lalaki.

After six months, bumalik ng bansa si Papables and I knew kung bakit. Sabi niya business purposes daw pero alam ko dahil kay Kuya Zendo. When he came back, minonitor ko 'yung bawat galaw ng tiyuhin ko. Take note, may jowa siya nung time na 'yun pero iba 'yung naging ngiti niya nang malamang bumalik muli si Papa Jaypee. Naging masaya ako for both of them, though nararamdaman kong umiiwas si Papables sa mga questions ko regarding sa relationship niya with my uncle. Kiber lang naman, pero nakakawindang pala 'pag may idea ka na ang dalawang lalaki'y merong tinatagong relasyon. I mean, pag babae at lalaki ang magkarelasyon ay okay lang, wala namang kailangang itago kase normal lang. Pero kakaiba pag lalaki sa lalaki. Tapos 'Straight' pa 'yung dalawa. Napakahirap ng sitwasyon nila.

Nakaroon ng matinding away ang dalawa when Kuya Zendo found out na sinabi ni Papa Jaypee ang romance niya with him sa akin. I don't want to make a detail out of it kase it was very painful. Ako ang rason kung bakit nasira ang relasyon nila. My relationship with my uncle is na-damage rin. Nang malaman niya 'yun, everyday is an awkward day for all of us. I could feel his disappointment, kase lalaki siya tapos biglang malalaman ng pamangkin niya na nakikipagrelasyon siya sa kapwa lalaki? Hindi ko man alam kung anong ugat ng nararamdaman niya pero alam ko sa puso ko na napakasakit nun para sa kanya. I was helpless then, para akong nanuod ng pelikulang ang ending ay namatay 'yung bida.

Papa Jaypee did another mission and this time, hinahanap na niya ang tunay na kayamanan ng angkan nila. Medyo complicated lang ang ikalawa niyang misyon because her Aunties are claiming the treasure din. He was furious with me, and at the same time feeling guilty dahil sinabi niya sa 'kin ang lovestory niya with my uncle.... kaya he's not allowing me to join his second expedition.

Then, I found Joaquin, now my Husband. He's the son of Aling Corazon's intimate friend who volunteered to help Papa Jaypee. I fell in love with him at first sight. Parang nawalang bigla 'yung dilemma ko sa dalawang sawi sa pag-ibig. Honestly, I almost courted him yung tipong ayaw ko nang pakawalan dahil nakita ko na ang kayamanang hinahanap ko, charot! Gumawa talaga ako ng paraan to establish a bond with him, dahil meron din akong hidden agenda na sumama kay Papa Jaypee on his second mission. I earned a lot in the first kaya hindi ko talaga palalagpasin ang second, kahit tine-threat na ako ni Kuya Zendo na palalayasin ng bahay kapag dumikit-dikit pa ako sa lolo niyo.

Makulit talaga ako, gumawa ako ng story na merong something na pinatago sa 'kin si Aling Corazon gaya nang pinatago niya kay Kuya para sa second mission. I convinced Papa Jaypee na sumama sa kanya sa ikatlong attempt, at ayun.... nung time na lalarga na kami, e sinama na niya ako at kasama namin si Joaquin to search for the treasure. On the third day ng paghahanap namin, nasa 'Manila' pa lang kami nun, bigla akong nasurprise nang magpakita sa 'min si Kuya Zendo. Nalaman-laman ko na tinawagan pala siya ng lolo niyo para sunduin ako. Mala-MMK ang kaganapan nang sunduin ako ni Kuya pero nagpumilit pa rin ako na sasama kay Papables as if naman na magtatanan naman kami. Alam niyo ang nangyari after that commotion? Naki Join na rin si Kuya to protect me na lang daw. Ewan ko ba kung anong drugs ang nahithit ko ng time na 'yun, kung anong istorya ang ginawa ko para lang maikonekta ko ang sarili ko kay Aling Corazon para lang maki-join sa kanila.

The rest is history..... charot! Natuklasan namin, together with Jace's Aunties, Ten at Renzo, kung saan nakatago ang kayamanan. Dun na sa spot na 'yun nagkapatawaran ang magkabilang panig. Na ang hidden place ng kayamanan, kahit totoo, will serve as myth. Nobody took courage to get all those treasures because of the respect na na-establish nila sa mga ninuno nila. Galing no?

Trivia: The real treasure was a 10 feet Golden Crucifix with two treasure chests na puro ginto.

I was paying attention sa magiging takbo ng pakikitungo ng dalawa sa isa't isa but I was happy to know na nag-uusap na sila nung time na 'yun. Bilang respeto na rin, hindi ko na sila minamatyagan at hinahayaan na lang silang gawin ang gusto nilang gawin. Besides, ako talaga 'yung reason kung bakit nasira 'yung relationship nila. Alam ko na 'yung takbo ng utak nila. I felt na ako 'yung Pusa sa story at sila naman 'yung mga daga.... na kapag nakakita ng pusa e nagtatago kaagad sa kanilang mga lungga. Naniwala akong natapos na rin ang hidwaan nila gaya ng pagkakatapos ng misyon ni Papa Jaypee.

After the mission? On the good side, naging jowabels ko si Joaquin my loves. Hindi ako gumagamit ng gayuma pero parang nagayuma siya sa alindog ko. Alam niyo ba ang reason kung bakit niya ako gusto? Masyado raw akong 'KAKAIBA'! Taray no? 'Yun talaga ang description niya, hindi talaga dahil maganda ako o mabuti ang kalooban ko, charot!

On the bad side, gaya ng unang misyon, Kuya Zendo and Papa Jaypee chose to separate ways. As in separate talaga, back to America ulit ang Lolo niyo at back to business with being playboy si Kuya. Alam kong meron silang attempt to save whatever they have pero hindi talaga nila kayang mapanindigan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. If this love truly exists, bakit kailangang short-lived lang? Ano ba yung eksaktong rason kung bakit sila sumuko kase alam ko, pareho lang sila ng emotions with 'Heteros'. It's the same exact feelings. Gaya rin ng mga nararamdaman ng 'Bakla' at 'Tomboy'. Is it something to do with what people say? Yes, primarily but 'Love' should speak for itself at dapat mas matimbang 'yun kesa sasabihin ng mga tao. Ako pa lang ang may alam tapos susukuan na nila? Kumbaga first obstacle pa lang pilay na sila? Anong klase silang mga nilalang? Masyadong mahihina! Nainis ako hindi lang sa sarili ko, maging sa kanila. There was a time na sinesermonan ko si Jaypee sa Facebook at halos mag-spam na ako ng message saying he's a 'COWARD'. Alam niyo kung anong nangyari? Binlock niya ako sa Facebook! Lol. Gumagamit na lang ako ng ibang account to stalk him pero it took 10 years para ma-add niya akong muli sa friendlist niya. Kaloka diba?

Anyways, this type of love/relationship became a mystery to me for so many years. Para akong naging isang 'Scientist' na gustong makahanap ng remedy sa ganitong klaseng karamdaman. Well, society would say it's a disease that should be prevented pero ang mga taong nagkaroon ng ganitong emosyon would feel like.... SOCIETY IS THE REAL DISEASE THAT PREVENTS YOUR PERSONAL HAPPINESS. So, it's SOCIETY versus YOU. At sa set-up nina Kuya at Jaypee, they believe that they are the REAL DISEASES. Noon, I don't know if it's the right thinking, na i-coconsider mo ang sarili mong sakit sa lipunan kahit hindi ka naman talagang masamang tao, pero ngayon, as I understand people, real people, napag-isip isip ko na it's not you that is the problem..... It's the way you treat yourself. Pero who am I to judge those people who had their final decisions in life?

Kuya and Jaypee made their final decision kahit alam kong mahal pa nila ang isa't isa. Na-realize ko lang na, their plans will not gonna work if they are together. Hindi talaga sapat ang nararamdaman nila dahil mali ang oras, mali ang tao, at mali ang magmahal ng kapwa lalaki. I don't say na literal na mali pero tingin ko ayun ang pag-iisip nila kaya they think they don't match and the relationship won't last. I became a fan of their lovestory, sa kanila rin ako nakakuha ng ideya about forbidden love and bitter sweet romance.... sa kanila ko naramdaman yung perfect description of 'PAIN'. Walang tatalo sa sakit na nararamdaman nila. Kung ang normal relationship e masakit na, paano pa kaya ang kanila? I couldn't imagine how painful it is...... It really affects everything, your entire world and how you deal with things. Nakatatak na kumbaga.

**

Tumawag na muli ang Boss ko sa publishing para pagmadaliin akong tapusin na ang novel. Wala pa nga akong alam na title e, at isa pa... hindi pa siya tapos. How will I end this? I will base it from facts pero mukhang bitter-sweet facts ang mapo-produce ko. Ano 'to? Romantic-Comedy na sad ang ending? Hindi 'yun pupwede! I positioned the story as romantic comedy kaya dapat atleast happy ang ending, mahirap i-revise ang buong konsepto at wala na akong panahon para 'dun.

Nagkaroon na ng demand sa mga Same-Sex relationship stories as time goes by, specially sa mga Man to Man themed stories. Our publishing is influencing their writers to break boundaries in making stories since lumalawak na ang translation in terms of romance. Hindi na natin pwedeng sabihing romance are just for 'Straight' peole na Boy to Girl. Nagkakaroon na rin ng market ang ibang klaseng romance outside the concept of Straight Romance. Heto ako ngayon, napipiga ang utak because this story turned out the be the most challenging story na sinusulat ko. And to capture the readers' attention na ang market is the members of the third sex, we put it as 'Based on the true story'.... na nagpabigat sa pasanin ko because mas madaling makagawa ng fiction rather than ibabase mo siya sa real events. Tiwalang tiwala ang publishing sa 'kin na I can pull of the Man to Man themed story na maglo-launch sa mismong publishing as also the distributor of Man to Man/Girl to Girl themed stories. E 90% pa naman ng writers ng publishing e mga straight. Ang weird diba?

I'm almost done with the story at ending na lang talaga ang kulang. Nandito ako ngayon sa aking Mini-Library para magresearch ng something na pwedeng makatulong sa 'kin to finish the story. Kumuha ako at binasa ang mga librong pwedeng maging inspiration ko pero I got bad results. Hindi ko talaga pwedeng dayain ang ending para lang masabing 'happy' 'to. So instead na magbuklat muli ako ng iba't ibang libro, naisipan kong buksan ang laptop ko at mag-open ng Facebook. Nag ispy nanaman ako sa FB account ni Papa Jaypee na inagiw na dahil once in a blue moon lang kung mag-update siya ng status. Sa America na siya nakatira kasama ang pamilya niya. By the way, meron na siyang anak na binata na. His name is 'Jace' and he's 16 years old. Kamukhang kamukha niya ang tatay niya na saksakan ng kagwapuhan. Kamukhang kamukha ni Jaypee si Tom Cruise nung 40 years old siya, hunk pa rin kahit nasa 45-ish na ang edad. Unfortunately, namatay ang asawa ng lolo niyo sa isang malagim na car accident sa kilalang siyudad sa California. Mahigit dekada na rin kaming hindi nagkikita ng personal ni Papa Jaypee dahil busy siya with his business at minsan lang pumunta ng Pinas to visit their branch.

Medyo nasurprise ako nang makita ko ang status niya na kakapost pa lang niya after five minutes na pupunta siya dito ng Pinas. Napa like kaagad ako sa status niya and then I sent him a personal message. Pero, deadma lang ang lolo niyo sa 'kin. Hindi naman niya ako na 'seen-zoned' in fairness pero hindi talaga niya inattempt na basahin ang message ko sa kanya. Urghhh!

"OMG!!!"

Nakaisip ako ng napakagandang ideya kung paano tatapusin ang story ko. I believe it's a brilliant idea pero napaka risky nito. Para akong nanalo sa sweepstakes with that idea na di ko alam kung magwowork. Matagal tagal ko rin naman napag-aralan ang sitwasyon ng dating mag love birds kaya nararamdaman kong there's a possibility na maging successful ang plano ko. I have two days to complete the plan bago pa makarating dito si Papa Jaypee.

**

After 2 days, nakarating na si Jaypee dito sa Maynila. I went sa building kung saan siya naroon. Balak kong personal siyang kamustahin at bisitahin.

"Hi, can I speak to Mr. Jaypee Saavedra?" pangiti kong sabi dun sa parang secretary ata niya.

"He has a meeting, sino po sila?"

"I'm his friend."

"May appointment ho ba kayo sa kanya?"

"Actually wala, I came here para bisitahin siya. Hindi niya kase sinasagot ang mga texts ko."

"Sorry Miss, nasa meeting siya at hindi po siya tumatanggap ng bisita sa ngayon. Sorry po."

Imbyerna much! Kailan pa naging paimportante itong si Jaypee? Kahit kailan talaga tamad siyang magreply. Eversince pa 'yan, pero pag dating kay Kuya Zendo mabilis pa siya sa alas kwatro, charot!

Papaalis na ako ng building, sawing palad na makausap si Jaypee, but nung papaalis na ako e bigla siyang lumabas sa isang room at papadaan papunta sa location ko. Ako namang si Ms. Congeniality e nagpapansin kaagad sa kanya with matching pa-wave wave pa para mapansin niya. Sinaway nga ako ng secretary pati ni Manong Guard dahil ang ingay ko raw. Luckily, biglang napatingin naman ang lolo niyo sa kagandahan ko at ayun..... tinitigan pa niya ako para lang ma-recognize niya nang maigi.

"Alex, ikaw ba 'yan?" He said with amazement.

"Ako nga, Mr. Suplado?" nakapamewang kong sabi sa kanya in a very 'Me' way. He knows naman ang ugali ko kaya keri lang.

Napangiti nang abot tenga ang lolo niyo nang makita ako. Lakas maka-HELLO? Nagsend ako ng message sa kanya sa Facebook pero deadma? Ngayong nakita ako para siyang lasing na hindi mo malaman kung naimpluwensyan ng masamang ispiritu o may muang pa rin?

"Ikaw nga talaga 'yan Alex!"

"Of course! I mizz U Jaypee. Kamusta ka na?"

"Eto, mabuti naman. Teka kumain ka na ba? Gusto mo sabay na tayo mag-lunch?"

"Oo ba?" syempre hindi na ako tumanggi.

Pumunta kami sa medyo expensive na restaurant para mag-lunch. Since hindi ako familiar masyado sa Taiwanese Cuisine, 'yung inorder na lang niya ang inorder ko.

May mga puting buhok na si Jaypee sa gilid pero hindi pa rin maitago ang kagwapuhan niya. Parang hindi nga siya nadagdagan ng edad. Usually pag tumatanda ang lalaki nagiging bloated na 'yung katawan, pero siya.... Sabi nga ni Coco Martin.... YUMMY pa rin! Ang cute rin niya with his white suite and tie and also wearing a glass.

While waiting sa inorder namin....

"Ang laki na ng pinagbago mo Alex ah? Lalo kang gumanda......"

"Maliit na bagay..." maarte kong sagot.

"Hehe, kamusta na pala kayo ni Joaquin? I heard na getting stronger pa rin kayo with 2 kids?"

"Yes!" I said with confidence. "Kapag meant to be talaga ang dalawang tao, they create magic. Heto, I live the life that I want, sa taong love na love ko at love na love ako!"

'Wag kayo, may double-meaning ang sinabi kong 'yun. Tawa lang ang lolo niyo.

"So happy to hear that Alex. Masaya ako for you."

"Naku, happy rin naman ako sa nangyari sayo. Napaka successful mo as a business man, tapos may gwapo ka pang anak. Kulang nalang siguro asawa. Meron ka bang planong mag-asawa ulit?"

"Uhhhm?! I think hindi pa sa ngayon."

"Three years na Jaypee after your wife passed away..... Ooops sorry..."

"No that's okay"

"I hope na makahanap ka ulit ng kapartner mo. Life is too short para lunurin mo ang sarili mo sa work. Mamatay ka pa ring lumalangoy sa pera Jaypee believe me..."

"Hahaha..." tawa ulit ang lolo niyo. "So Alex, maiba tayo, nakaabot na pala sa America ang mga novels mo. It was well-supported by Filipino Communities. Sobrang nakakaproud ka naman, milyonarya na, sikat pang Author!"

"Naku, malakas lang akong mang-uto ng mga mambabasa he-he," pa-humble effect na sabi ko.

"Ako ang isa sa nauto mo. Believe me, I do not read romance books pero nung nalaman kong ikaw ang Author, binasa ko talaga. Apat pa lang ang nababasa ko but my favourite is 'Timeless Love'. Ang galing! Saan ka nakakuha ng inspirasyon to do that?"

At talagang tinanong niya sa 'kin 'yun ah? 'Timeless Love' is a story about forbidden love but the characters find its way to be together sa ending. Medyo cliché ang get-go pero nakakaloka ang plot-twist. Tipong kahit saang banda mo tingnan, they will never be together, pero naging sila pa rin sa ending dahil sa kapangyarihan ng pag-ibig. At sino o ano pa nga ba ang naging inspirayson ko dun? Walang iba kundi ang story nina Kuya at Papa Jaypee. Gawin ko lang lalaki ang dalawang bida e silang sila na 'yun.

"Hmm... tingin mo Jaypee?" I teased him.

"Ha?!"

"Tingin mo kaninong story ako nainspire para gawin 'yun?"

"Hmmmmm.....????"

"Hahahaha..." tawa ko sa hitsura niya.

After 15 minutes ay dumating na ang food. Ang sarap pala ng feeling na makita mo 'yung taong naging malapit sayo after so many years habang kumakain ka ng pagkaing ngayon mo pa lang natikman... Taiwanse food is so yummy and delicious. There was a 'WALL' sa pagitan namin ni Jaypee after the mission at nang makapunta siya back to states kahit sinabi niyang he'd already forgiven me. Deep inside kahit hindi niya sabihin e may tampo pa rin siya sa 'kin dahil ang ending pa rin ng lahat.... hindi sila nagkatuluyan ng uncle ko. Good to know, kahit hindi na namin i-discuss muli ang conflict na nangyari, parang in an instant e back to normal muli ang relationship namin ni Jaypee bilang magkaibigan.

After naming kumain, we went sa may malapit na parke sa gilid ng mall. Ica-cancel na lang raw ni Jaypee ang meeting niya ng alas tres para lang makausap ako. Wow ha? Haba ng hair ko no? Atleast ipinaramdam niya sa 'kin na importante pa rin ako sa kanya. Kung tutuusin medyo na-touch ako sa sinabi niyang binasa niya ang ginawa kong libro at proud siya para sa 'kin. Kuya Zendo didn't even say that he's proud sa 'kin. Never nga niyang binasa kahit isa sa libro ko. 'Pag nagkikita kami, ngumingiti lang siya... nagbago na talaga siya though the same pa rin ang pakitungo ko sa kanya.

Nakatayo kami sa gilid ng puno ng buko while watching the vast blue sky. Nasa sentro kami ng Maynila pero parang nasa probinsya kami dahil payapa ang parke at puro berde ang makikita mo.

"Alam mo Jaypee, kung hindi ko binisita ang Facebook mo nung isang araw, malamang hindi tayo magkikita. I sent you a message pero deadmabells ka lang..."

"Sorry Alex, kilala mo naman ako. Hindi ako ma-facebook na tao. Marami ring nagsend ng PM sa 'kin pero hindi ko na inisa-isang buksan. Busy lang talaga..."

Palusot nanaman tong si Jaypee. Sabihin niya, tamad lang siya. At higit sa lahat... Mabagal mag-type!

Napansin kong kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa niya nababanggit ang taong gusto kong marinig sa bibig niya. Gusto ko na sanang sabihin ang pangalan ni Kuya pero mas maiging sa kanya muna maunang manggaling ang pangalan niya.

"Pansin ko nga... 'di ka pa rin talaga nagbabago he-he. Pero I'm happy na na-meet kita ngayon Jaypee."

"Ako rin.... I'm happy na nakita ulit kita Alex after how many years na rin ano? Ang laki na ng pinagbago ng hitsura mo, pero 'yung ugali mo parang ganun pa rin hehe..."

"Sira ka talaga!" pagtapik ko sa braso niya.

Naiinip na akong marinig sa mga labi niya ang pangalan ni Kuya. Parang sinasadya niyang hindi ito banggitin dahil, ano? Dahil ba ayaw na niyang maalala si Kuya? Dahil nakakahiya ang nangyari sa kanila? Dahil hindi pa rin siya naka move-on? Ano?

"Bukod sa 'kin Jaypee? Wala ka bang ibang gustong kamustahin?" ako na talaga ang nag-initiate. Alam kong na-gets kaagad niya ang sinabi ko pero kunwa-kunwa siyang parang hindi alam ang sinasabi ko.

"Ha?!"

"Si Kuya, hindi mo ba kakamustahin kung napano na siya? Kung buhay pa ba? Puro ako na lang ang kinukumusta mo e..." pranka kong sabi sa kanya.

Nangiti ulit ang lolo niyo. "Huh?! Si Zendo? Oo nga pala, kumusta na siya?"

'Yun! 'Yun talaga ang gusto kong marinig sa kanya... si Kuya Zendo! Hello lang, I'm not the Alex na nakilala niya 18 years ago. Mas mature na ako ngayon kaya mas open ako sa mga ganyang pag-uusap.

"Ayun?! Nasa Cebu na nakatira."

"Talaga?! Anong ginagawa niya 'dun?"

"Ayun?! Sinundan ang bago niyang Jowa para dun na manirahan..."

"Talaga?! Bagong jowa? Wala pa ba siyang naging asawa?"

"Ayun? Hindi ko na mabilang ang babaeng naging karelasyon niya. Dalawa naging asawa niya pero hiwalay naman. Ngayon... ewan ko kung pakakasalan niya yung bago."

"Talaga? Nakakatawa naman pala ang tiyuhin mo. Hindi mapirmi sa isang babae!"

"Sinabi mo pa! Feeling ko hindi rin sila magtatagal nung bago niya."

"Paano mo naman nasabi?"

"Ayun?! Dalawang linggo pa lang naman silang magkarelasyon. Hula ko lang, babalik ulit si Kuya dito ng Maynila after 1 month1"

"Baka naman nagbago na Tiyuhin mo?"

"Asus.... alam mo ba Jaypee, simula nung mawala ka... ganyan na lagi si Ku—" bigla akong napahinto. Teka, ano bang nasabi ko? "Este simula nung naghiwalay sila nung pinakamamahal niyang jowa, kung sinu-sino ng babae ang nakasama niyan."

Ang tinutukoy ko lang naman na pinakamamahal na jowa ni Kuya e walang iba kundi si Jaypee. Ayoko na lang ma-turn off sa 'kin ang lolo niyo kaya hindi ko na lang masyadong ginatungan.

Napapansin ko rin si Jaypee na parang hindi mapakali. Pag binabanggit ko ang pangalan ni Kuya e ang lungkot ng mga mata niya. Actions speak louder than words ika nga, at ayun ang nararamdaman ko sa lolo niyo.

"Tiwala lang Alex, lahat naman ng tao nagbabago. Bigyan mo lang ng time ang tiyuhin mo, makakahanap 'yan ng para talaga sa kanya."

At the back of my mind, gusto kong sabihin sa kanya... NYETA! Ikaw ang gusto ko para sa kanya. 'Wag nang pabebe! Hahaha

"Sana nga makita na niya talaga para maging maayos na ang buhay niya," I sincerely said. "Atsaka, ano na lang ang matututunan ng anak niya? Na maging babaero gaya niya?"

"Oo nga pala... kumusta ang anak ni Zendo, nadagdagan ba?"

"Ayun?! Isa pa rin.... sa unang asawa. Buti hindi na siya nagparami sa mga babaeng sumunod. Para lang siyang bumili ng martilyo na ihahampas niya sa ulo habambuhay."

"Ilang taon na pala ang anak niya?"

"Gaya ng anak mo... dise-sais. Zanmiks ang pangalan...."

"Talaga?"

"Oo talaga!!"

Trivia: Ang pangalang Zanmiks at Jace sa nobelang ginawa ko ay mga pangalan ng anak nina Zendo at Jaypee. Ang dahilan kung bakit hindi Zendo at Jaypee ang nilagay kong pangalan ay para hindi ma-uncover ang tunay nilang nakaraan at maging sikreto ang tunay nilang identity. What if mabasa nina Kuya at Jaypee ang nobelang ito at nakalagay na pangalan e 'yung names ng mga anak nila? I could imagine kung anong magiging reaksyon nila.

Nagpaalam na rin ako kay Jaypee after an hour dahil meron pa akong aasikasuhin sa bahay. And for the final piece of my plan, inabot ko sa kanya ang scroll map na ginawa ko.

"Ano 'to Alex?" tanong niya nang iabot ko ang scroll.

"Nostalgic diba? Scroll Map. My gift for you...."

"Ang weird mo Alex ah?"

"I know right! But wait... 'wag mo muna 'yang bubuksan okay? Buksan mo 'yan 'pag nakauwi ka na ng bahay. Para mas maintindihan mo ang laman," pangiti kong sabi.

"Okay Alex. I'll do it."

"Thanks! O sige, kailangan ko ng umalis. I'll see you around. At magreply ka naman sa mga PM ko sayo sa FB okay."

"Sige, hindi ko na kakalimutan. Salamat Alex!"

**

Umuwi ako ng bahay at mabilis na sumugod papuntang Mini-Library. Buti na lang wala pa si hubby at ang mga kids ay nasa school pa. In-open ko ang laptop at binuksan ang Microsoft Word kung saan tinatype ko ang story for my upcoming task. Kinakabahan ako ng bongga dahil hindi ko alam kung kakagatin ba ni Jaypee ang nakasulat sa scroll na ibinigay ko. Hopefully ay hindi niya masamain ang pagiging intrimitida ko to the 10th power.

Kinuha ko ang phone ko sa bag at dali-daling sinearch ang number ni Kuya Zendo. As far as I know e nasa Cebu siya kaya kailangan ko siyang makumbinsi to get back here in Manila para maisagawa ang plano ko.

"Hello Kuya?!" It took 30 seconds para sagutin niya ang tawag ko.

"Alex? Napatawag ka?"

"Kuya I need your help."

"Ha?! Bakit?"

"Meron kaseng emergency..... Kailangan kita. Kailangan mong lumuwas pabalik ng Maynila," imbento ko.

"Paano naman ako luluwas? E nandito lang ako?!"

"Ha?! Wala ka sa Cebu?"

"Na-cancel ang flight ko nung isang araw. Bale bukas ang flight ko."

"Okay. Anong oras ang flight mo bukas?"

"10pm. Bakit? Anong kailangan mo?"

Napakagat ako ng labi dahil hindi ko alam ang idadahilan sa kanya. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nandito si Jaypee at gusto ko silang magkitang dalawa. Plano ko kaseng pagkrusing muli ang mga landas nila, sa hindi nila inaasahang paraan.

"Ano kase.... I need an advice Kuya!"

"Anong advice ka diyan? Ba't di ka humingi ng advice sa asawa mo?!"

"Yun na nga e. Nag-away kase kami ni Joaquin. Gusto ko ng advice."

"Naku Alex, normal sa mag-asawa ang nag-aaway. Atsaka mabait naman si Joaquin ah? Hindi ko pa narinig na nag-away kayo!"

Patay na! Mukhang ayaw niya akong paniwalaan. Hindi naman sa pagmamayabang e hindi pa kami nag-away ng Papa Joaquin ko in a major-major way. Kaya parang ang lame lang ng naging rason ko sa kanya.

"Sige na Kuya please... I need you. Medyo nato-trauma ako. Ouch," sabi ko with matching may pahawak-hawak pa sa ulo.

"'Wag ako Alex! Marami kang kaibigan na pwede mong kausapin. At isa pa, mas magaling ka sa mga love advices. Writer ka diba? 'Bat di mo gamitin 'yung alam mo sa sitwasyon mo ngayon sa asawa mo?!"

"Purket writer, perfect na? Kuya naman e, kailangan lang kita makausap. Tutal 10 pm pa naman ang flight mo, baka pwede ka ng mga alas sais bukas?"

"Sira ka ba? Hindi ako pwedeng mahuli sa flight no? Atsaka, ikakasal na kami ni Lara pagpunta ko dun kaya 'wag kang ano diyan?!"

"What???????!" exaggerated kong expression. "Ikakasal ka na? ULIT????"

"Ou! Magpapakasal kami sa Cebu. Civil Wedding lang naman..."

"Ba't ka magpapakasal? Wala pang isang buwan kasal na kaagad? Hindi mo pa nga naayos 'yung annulment mo sa huli mong asawa ano ka ba?"

"Hindi ka ba masaya para sa 'kin Alex ha?" may tampo sa tono niya.

"HINDI! HINDING HINDI!" pranka ko.

"Akala ko ba gusto mo akong maging masaya sa buhay ko? Ikaw pa nga nagkumbinsi sa 'kin na mag-asawa ulit e! Tingin ko eto na 'yun!"

Naalala ko pala na ako ang nagpush kay Kuya na 'wag siyang susuko sa pag-ibig. Monitored ko kahit papaano ang lablayf niya kaya updated ako sa mga nangyayari sa buhay pag-ibig niya.

"Hindi ako masaya e! Paano akong sasaya kung hindi mo naman ako tutulungan aber? Ikaw Kuya ha malaki na ang pagkakautang mo sa 'kin. Puro ka na lang Landi! Ano bang akala mo sa 'kin, hindi mo pamilya? Nakakatampo ka na talaga sa totoo lang. Namiss ko na 'yung dati kong Kuya... ibalik mo ang Kuya Zendo ko, kung sino ka mang masamang ispiritong sumanib sa katawan ng Kuya ko!" pag emote ko.

"Ayan ka nanaman Alex e, OA ka!"

"OA na kung OA. Wala ka talagang puso. Hindi mo na nga ako tutulungan at aba'y paglilihiman mo pa ako na ikakasal ka na sa bago mong babae? Nakaka-frustrate ka talaga Kuya sobra."

Naririnig ko ang hininga ni Kuya sa kabilang linya habang ako'y nag-eemote to convince him na puntahan ako. Charot lang naman ang pagdadrama ko.

"Sige... puntahan kita sa bahay mo?!"

"Ano Kuya?"

"Wala naman akong ginagawa ngayon kaya pupunta muna ako sa bahay mo para bigyan kita ng Advice lukaret ka!"

What the hell? Anong gagawin ko? Parang nawawala ako, ewan ko kung ano nga ba ang plano ko. Ang gusto ko'y magkita silang dalawa sa isang lugar para malaman kung anong magiging reaksyon nila pag nagkitang muli. Ang gusto ko talaga'y pumunta si Kuya sa lugar na sasabihin ko bukas ng alas sais pero mukhang mauudlot pa dahil sa ura-uradang desisyon ko.

"No, wait. Ako ang pupunta sa bahay mo. I'll be there in an hour! Sige Bye!"

Nagmadali akong lumarga para pumunta ng bahay ni Kuya. Mga isang oras lang naman ang travel mula rito papunta sa kanila. Good to know is kahit traffic ay alam ko na ang pasikut-sikot papunta sa kanila kaya hindi na ako masyadong naabala.

Kung mala-mansyon ang bahay ko, simple lang naman ang bahay ni Kuya, parang 'yung sa dati lang naman namin tinitirahan. Manager na siya sa isang textile industry at successful naman kahit papaano sa panibagong trabaho.

"Ding Dong....." pagtunog ng Doorbell.

"Tita Alex!" sinalubong ako ng anak ni Zendo na si Zanmiks, Mick for short.

"Hello Mick, kamusta ka na?"

Gwaping, matangkad at maputi itong si Mick. Hawig na hawig sa tatay niyang half-foreigner.

"Heto, gwapo pa rin!" pagngiti niya sa 'kin habang binubuksan niya ang gate.

"Loko ka talaga, manang mana ka sa tatay mo!" biro ko naman.

Agad naman akong pumasok sa bahay nila. Nakita ko si Kuya Zendo na nakaupo sa Sofa habang naglalaro ng Play Station na ang game ay NBA Basketball. Deadmabells lang si Kuya nang pumasok ako, at kailangan ako pa talaga ang bumati sa kanya para mapansin lang ang beauty ko.

"Kuya, nandito na 'ko!"

"I know!" papilosopong sabi niya habang nakatingin pa rin sa nilalaro niya. Napaupo na lang ako sa tabi niya.

"Tita, gusto niyo ba ng meryenda? Bibili ako?" alok sa 'kin ni Mick.

"Okay na ako, busog pa 'ko. Salamat."

Hindi pa rin maawat sa paglalaro itong si Kuya Zendo at wala pa ring kaimik-imik kahit na dumating na ako. Sa inis ko, kinuha ko 'yung remote at pinatay ko ang TV.

"Hala?! Bakit mo pinatay?" maktol niya at biglang napatingin sa 'kin.

"Pinatay ko 'yan kase gusto kong matiwasay kang makapaglaro habang nakaupo ako sa tabi mo na naghihintay para mapansin mo," pamimilosopo ko rin sa kanya.

"Huh?! O ano na? Pumunta ka rito para sa advice ko?" kinuha niya ang remote sa kamay ko. Instead na maglaro ay nilipat na lang niya ito sa National Geographic. Tumayo siya at lumipat ng ibang mauupuan.

"Kuya naman e.... ang totoo niyan, may gusto sana akong ipagawa sayo..."

"O? Akala ko ba nag-away kayo ng asawa mo?"

"Hindi! Echos ko lang 'yun. May gusto sana akong ipagawa sayo, gusto kong pumunta ka sa spot na 'yun."

"Ano? Hindi kita maintindihan Alex? Napapraning ka nanaman?"

"Ano, kase... ano....," napakamot na ako nang tuluyan sa batok ko dahil hindi ko masabi kung anong dapat na sabihin sa kanya. "Ay basta, ibibigay ko sayo ang Address then see it for yourself, okay?"

"Pucha Alex, nanggagago ka ba? Papupuntahin mo ako sa isang lugar na hindi ko alam kung anong gagawin ko habang may flight ako kinagabihan at ikakasal kinabukasan?"

"Ang totoo niyan.... I have a surprise for you... remember? Malapit na Birthday mo? At ilang taon na rin kitang hindi nabibigyan ng gift?" pa-pokerface kong sabi sa kanya.

"Naka-drugs ka ba? 8 months pa bago ang birthday ko! Ikaw Alex para-paraan ka. Baka mamaya may modus ka sa 'kin para ipa-salvage ako..."

"Grabe ka naman Kuya? Ikaw ipapasalvage ko? Kaloka ka.... pero charot lang 'yung surprise birthday ko for you...."

"Pwede nga magtapat ka na Alex? Ano bang gusto mong ipagawa sa 'kin at anong mahihita ko diyan ha?"

Napatahimik muli ako. Mukha na akong tangang nagmamakaawa sa kanya pero hindi ko masabi-sabi kung anong dahilan kung bakit ko siya pinapapunta dun. Hello Alexandra? Diba magaling ka sa palusot, pero bakit ito hindi mo malusutan?

"Okay, tatapatin na kita Kuya. Kaya kita papupuntahin dun, kase......"

"Kase ano?????"

"Kase....." pagputol kong muli. Natettempt akong sabihin na ang totoo sa kanya pero kumakambyo pa rin ako. "Kase, may surprise ako for you. Ayun!"

Napasimangot si Kuya sa sinabi ko. Napatayo siya at sobrang seryoso niya akong tinitigan.

"Surprise sa 'kin???"

"True that! I have a surprise for you. Pasensya na kung hindi ko pwedeng sabihin dahil hindi na siya surprise 'pag sinabi ko."

"Bakit anong okasyon Alex?"

"Birthday mo... este... wala lang... Gusto lang kitang i-surprise... ganun!"

"Alex 'yung totoo? Wala akong panahon sa mga kalokohan mo. Naiistress na nga ako dahil malapit na rin ang kasal ko dadagdagan mo pa?"

"Kuya, ikaw lang ang kilala kong nastress dahil ikakasal siya?" sermon ko sa kanya. "Kuya please, kilala mo naman ako diba?"

"Kilala kita mula ulo hanggang paa Alex. Nagkaasawa ka na't lahat puro ka pa rin kalokohan!"

"Grabe ka naman?! Hindi naman kalokohan ang gagawin mo e. Please, i-consider mo naman 'yung offer ko. Matagal ko 'tong pinlano...."

"Plano? Bakit anong plano mo sa 'kin?"

"I mean.... matagal ko na 'tong pinag-isipan. Ilang taon na rin tayong hindi nagha-heart to heart talk. Atsaka maraming years na rin tayong walang communication. Actually, siguro ito na 'yung perfect timing para i-surprise kita."

"Wrong timing ka Alex! Kung wala lang akong flight kinabukasan bakit hindi? Bakit hindi mo na lang ako ngayon i-surprise? Libre naman ako...."

"Kung pwede lang ngayon why not? Bukas pa kase ang arrive ng surprise ko for you. Surely Kuya magugustuhan mo. Sana naman makapunta ka please....." napa-pray sign na ako para lang makumbinse siya.

Napakamot ng ulo si Kuya. Very vulnerable naman siya in fairness pag dating sa 'kin. Sa una, aayaw 'yan kunwari pero pag tumagal at nakuha mo siya nang sapilitan, OO kaagad siya.

"Siya nga pala Kuya," kinuha ko ang Scroll Map sa loob ng bag ko at inabot ko sa kanya. Hesitant naman niyang kunin ito na tipong nililisikan ako ng mata.

"Ano 'to?" sabi niya nang maabot.

"Punta ka lang diyan tomorrow. Don't be late ah? Thank you!"

"Hoy Alex, hindi pa ako pumapayag! At mukhang malabong pumayag ako sabihin ko na sayo ng tapat."

"Please naman Kuya o?! Gawin mo na lang ito para sa 'kin? Para sa favourite mong pamangkin? Please do it for me Kuya please?"

**

Hindi siya sumagot upang sumang-ayon o hindi sumang-ayon. Ang sinabi niya lang ay basta, ngunit walang kasiguraduhan. Saglit lang ang tinagal ko sa kanila at agad na rin akong umuwi. On my way home while driving, hindi ko mapigilang paka-isipin ang naging madalian kong plano. Tama ba ang pinaggagagawa ko? Tama bang panghimasukan kong muli ang mga nananahimik nilang buhay? Tama bang pagkrusin kong muli ang mga landas nila? Tama bang pangunahan ko ang mga nararamdaman nila?

Nababagabag talaga ako dahil hindi ko talaga alam kung magiging successful ang naisip kong plano. Hindi ko nga rin alam kung makakarating si Jaypee sa lugar na 'yun on time, o naattempt man lang niya bang buksan ang scroll? How about Kuya Zendo? I know, at this point of time, e mas importante ang lakad niya papuntang Cebu kesa sa pakiusap ko sa kanyang wala namang tiyak na direksyon. What if si Jaypee lang ang pumunta sa kanila? O si Kuya lang? What if kung pumunta silang dalawa pero instead na magkaayos e baka bigla silang magsuntukan? Parang napaka-liit ng chance na maging successful ang plano. Ang bottomline lang naman nito is, gusto kong magkaayos sila... hindi man maging sila 'coz I know, walang closure ang relationship nila at may bitterness pang namumuo sa mga puso nila. Kaya ko paring gawan ng ending 'yun... sad nga lang. Pero I'm convinced na kailangan happy ang ending nito kase this is my launching for man to man themed story. Paano na 'to?

Buwis buhay talaga ang pag set-up ko sa kanila for the sake of completing my novel. If they only knew na sinusulat ko ang lovestory nilang dalawa na malapit nang ilathala sa mga libro, at hinihintay ko na lang kung anong posibleng maganap sa kanilang dalawa come tomorrow.

**

Jaypee's POV

""When you lost sight of your path, listen for the destination in your heart"

-Allen Walker

Venue: Bloomfields Park, Makati (Near the Chapel of Bassylica)

Time: 6pm

Napangiti ako sa nakikita kong nakasulat sa scroll map na ibinigay ni Alex. Akala ko may ipapagawa nanamang misyon para sa 'kin ang kung sinuman. Buti mali ang iniisip ko, wala ng mission 3 he-he. Pero, parang invitation lang sa isang party ang nakasulat dito? May pagdiriwang bang magaganap at invited ako? Is it because successful na si Alex at gusto niya akong pumunta roon? I'll be busy tomorrow kaya baka hindi ako makapunta sa Venue na 'to. Wala naman ding ibinigay sa 'king idea si Alex kung para saan ito. Para saan nga ba?

**

Zendo's POV

"I don't know whether you can look at your past and find, woven like the hidden symbols on a treasure map, the path that will point to your final destination."

Venue: Bloomfields Park, Makati (Near the Chapel of Bassylica)

Time: 6pm

Ano 'to? Isang invitation party? Anong gagawin ko 'dun? Sira ba si Alex, e may flight nga ako ng alas diyes diba? Hindi ako pupunta para lang mag-aksaya ng oras, at ayoko nanamang magkansela ng flight dahil sa mga walang kwentang bagay.

Nilukot ko ang papel nang pabilog at ishi-noot ko ito sa Trash Can malapit sa may pintuan.

"Pasaway talaga ang pamangkin ko kahit kailan, tsk tsk," bulong ko sa sarili ko.

Pero parang..... may something na kakaiba sa papel na 'yun. Dahil ba 'yun sa paggamit ni Alex ng Scroll Map? Napakalaking parte ng Scroll Map sa buhay ko dahil isa ito sa mga bagay na ginamit namin habang tinutuklas kung saan nakatago ang kayamanan ng mga Saavedra. Nahiwagaan din ako sa 'quote' na nakasulat dun. Ayoko na lang masyadong isipin dahil mukhang mali naman ang naiisip ko.... Mas importante pa rin ang flight ko at ikakasal na ako sa isa pang araw.

**

Alex's POV

Nakakaloka! Hindi ako makatulog. Kung anu-anong nasa isip ko na halos ikabaliw ko na. Gusto ko na ngang kalabitin ang asawa ko para gumising dahil gusto kong magpadilig sa kanya. Ang kaso, tulog mantika ang prince charming ko.

"Ano ba 'to? Nangangati ang utak ko pero nangangati rin ang ibaba ko?"

Taray diba? Namomroblema na lahat-lahat gusto pa ring magpadilig. Well, I'm entitled to that kaya walang kokontra! Hahahaha!

Ano kayang mangyayari bukas? Kanina tumawag nanaman 'yung bossing ko sa publishing at pinagmamadali na akong maisubmit para maproof read na at maprint na rin ang gawa ko. Nakakaloka ka lang! Nape-pressure ako. 'Pag ganitong nape-pressure akech e nagiging naughty ako! Naughty ng Ina niyo lang no?

And then came sunrise.... ambilis diba? Tatlong oras lang ang tulog ko pero I woke up with a great spirit. Sino ba namang hindi malilift ang spirit kung Prince Charming mo ang katabi mo gabi-gabi diba? Napakagwapo na, tapos napaka thoughtful pa. That's the perks of being maharot, charot!

"Hon hindi ka ba papasok?" tanong sa 'kin ni Joaquin habang sinusuot niya ang kanyang underwear infront of my beautiful face. Ang sarap titigan ng charming face niya, well-toned body, at ang favourite kong pandesal sa gitna, at hotdog sa ibaba, charot!

"May lakad ako later, nagpaalam na ako sa office. Kailangan kong pumunta sa publishing today para ipasa 'yung novel ko."

"Okay?! Ako na rin ba ang susundo sa mga kids later?"

"Oo ikaw na. Busy ang araw na 'to para sa 'kin."

"Lagi ka namang busy e he-he."

"Same to you. Nagtatampo na ako sayo....."

"Ha? Bakit hon?" takang tanong niya.

"You know, diba regularly dapat dinidiligan ang halaman? Yung halaman mo nauuhaw na at nanunuyo. Kaloka!"

"Yun ba? Haha? Ang asawa ko talaga. Sige mamaya, magrerecharge ako para may energy. Ikaw din," sabi niya at kininditan ako.

"Rawwrrrr!" I said like a tiger. "I will eat you alive!" dialogue tuwing nangangati, charot!

**

Parang tambol ang pagdagundong ng dibdib ko sa sobrang kaba. It's already 4 pm at magkikita sina Kuya Zendo at Jaypee ng 6pm. I was about to text them, para iremind sila to come pero may pumipigil sa 'kin. There's someone whispering in my left ear na hayaan na lang ang kapalaran para magkrus ang landas nila. Kung mahal pa naman nila ang isa't isa'y pupunta sila sa lugar na 'yun. Well, hindi pa ba sapat ang clues na binigay ko para magkaroon sila ng idea kung sino ang makakatagpo nila? I'm positive na pupunta ang dalawa sa lugar na 'yun. I'm positive... I'm posi------

Biglang tumunog ang phone ko..... Si Mick ang tumatawag

"Hello?!"

"Hello Tita?"

"Bakit Mick?"

"Pwede bang pumunta sa bahay niyo? Wala na kase si Papa e...."

"Okay lang, feel free. Saan pumunta Papa mo?"

"Diba pupunta siya ng Cebu? Papunta na siya ng Airport!"

"What???" bigla akong napasigaw.

"Bakit Tita? May problema ba?"

"Ah, eh, wala naman... meron lang dumaang pusa sa harap while I'm driving," palusot ko.

"Akala ko kung anong nangyari sa inyo. Sige, punta na ako ha? Wala akong kasama sa bahay e."

"O sige sige"

"Thanks, Bye!"

Ano nang nangyayari? Dumiretso na ng Airport si Kuya? Masyado pa namang maaga diba? Sabagay, traffic papunta dun. Urghhhhh!

Dinial ko ang number ni Kuya sa phone ko para kontakin siya pero.... "The subscriber cannot be reach. Please try your call later..."

Peste, nagkaleche-leche na!

Sinubukan ko namang mag-open ng Facebook since wala pa akong new number ni Jaypee to contact him. Pag log in ko kaagad, nabasa ko ang post ng lolo niyo.

"Off to meeting with clients @ 6pm"

What the hell? Si Jaypee rin, may meeting and hindi makakapunta? Kung kanina sobrang taas ng pulse rate ko, ngayon nama'y biglang nagdrop nang bongga. Hashtag feeling disappointed.

Parang gumuho ang lupa sa katawang lupa ko at natabunan ako nang walang kahirap-hirap. Nangilid ang luha ko dahil.... Urghhhh! This can't be happening! Ito na 'yun e! Alam kong tinatapos ko ang libro and I wanted to end it in a more believable way pero apart from that e... gusto ko ring malaman kung pwede pa bang maging sila? Kung pwede pang buksan nila ang kanilang mga puso? I know I'm getting obsessed with this freakin' idea pero.... Parte na rin ako ng lovestory nila e. Parang gusto ko silang maging masaya, hindi parang, gusto ko talaga silang maging masaya. They went to different journies pero parang hindi pa nila napupuntahan ang tamang destination nila.

Mga bangag ba sila o sadyang nagmamanhid-manhidan lang? I tried to act like Aling Corazon na namimigay ng clues pero parang clueless pa rin sila? Ang sarap mamugot ng ulo. Gusto kong pugutan ng ulo si Joaquin na palaka na kamukha ni Chokoleit, charot! (Special mention)

Kahit bigo ang plano, pumunta pa rin ako sa location kung saan ko sila pinapupunta. There's a white bench sa gitna ng dalawang puno. 'Yung mini chapel ay nasa right side tapos may fountain sa harap ng mismong bench. Kaunti lang ang tao duon, mostly mga may kaya ang pumupunta roon kaya konti lang ang tao.

Nandito ako ngayon sa upuan na ilang metro ang layo mula sa meeting place nung dalawa. It's 10 minutes before 6pm. Nanlalambot pa rin ako at hindi maka-get over. Mukha lang akong tangang nakaupo habang tinitingnan ang mga taong dumadaan sa harapan ko.

Naigawi ko ang aking tingin sa bandang kanan ko, at napansin ko kaagad ang isang taong sobrang pamilyar sa mga paningin ko.

"Jaypee???"

Oo, si Jaypee nga ang nakikita ko. What da??? Akala ko may meeting siya with his clients? Anong meron at bakit siya pumunta rito? Bigla akong nagkaroon ng ibayong lakas, at nanumbalik ang paniniwala kong magkikita sila ni Kuya. It's already 6pm pero si Jaypee palang ang nakikita ko in this vantage point. Umupo na siya sa puting bench at parang may hinihintay. Biglang nag-vibrate ang phone ko, I received a PM coming from Jaypee. Agad ko naman itong binuksan.

"Nasaan ka na Alex? Andito na 'ko..." mensahe niya.

OMG lang. He's there, but I can't be there. Anong pwede kong ipaliwanag? I tried to relax myself at hindi ako nagreply back sa kanya kahit naka 'seen' na ang status sa chat na 'yun.

"Kuya where are you?" bulong ko...

**

JAYPEE'S POV

It's already 6:10pm. Nandito ako ngayon sa lugar kung saan ako pinapapunta ni Alex. Parang simenteryo ang lugar na ito sa sobrang konti ng taong dumadaan. Napaka-private masyado. Wala akong nakikitang senyales na merong magaganap na party. Nagtataka tuloy ako kung tama ba ang lugar na napuntahan ko. Wala akong number ni Alex pero sinendan ko siya ng mensahe sa Facebook pero na 'seen-zoned' ata ako. Ano bang nangyayari? Kinancel ko ang meeting ng alas sais para lang dito pero parang nagkamali ata ako ng desisyon?

6:20pm na! Ayoko ng ganitong klaseng paghihintay. Very Filipino time. Kanina pa ako patingin tingin sa relo ko. Nang mainip, I decided na lisanin na lang ang lugar.

"Hoax!" I silently said in disgust. Tumayo na ako at lumakad papalayo.

Nakayuko lang ako habang naglalakad papalayo facing my phone to send another PM kay Alex.

"Wala namang tao. Alis na ako," sabi ko sa mensahe. Of course, sobra akong nadisappoint dahil parang nasayang ang oras ko. Pero I can't be mad with Alex, siguro may rason kung bakit nangyayari 'to.

Habang naglalakad, accidentally ay biglang may nakabangga akong tao. At dahil dun, biglang nahulog ang phone ko sa sementadong daan. Buti na lang at mataas ang kalidad ng phone ko kaya hindi naman ito nawasak.

"Sorry, Sorry..." sabi nung boses lalaki na nagpapa-umanhin habang pinupulot ko ang phone ko.

"Sorry din. Sensya na 'di ako nakatingin sa daan."

Bigla akong napatingin sa taong nakabanggan ko. Tila sobrang pamilyar ang mukhang iyon. Para akong naging estatwa nang agad kong makilala ang lalaking nakabanggaan ko. Para nga akong nakakita ng multo sa sobrang hindi ako makapaniwala.

"Zendo???" tawag ko sa pangalan niyang tila hindi pa rin makapaniwala.

"Jay?" tawag niya sa pangalan ko. Jay ang palayaw ko na madalas niyang pantawag sa 'kin.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon nang makita ko siya. It's a mixture of shock and excitement. Parang isang college friend na nakita mo after how many years. After almost a decade e ngayon ko na lang siya ulit nakita. Ganun pa rin siya, handsome at parang hindi nadagdagan ng edad. Tisoy na tisoy!

"Well, uhmmmm..." hindi ko malaman ang sasabihin. "Nice to see you here he-he"

"Ikaw ba talaga 'yan Jay? Hindi ko alam na makikita kita rito. Napaka unexpected," pagngiti niya sa 'kin.

"Totally unexpected. Nice to see you again !"

"Hindi ko alam Jay pero.... parang ang weird lang," bakas pa rin sa mukha niya ang labis na pagkagulat.

"He-he. Siya nga pala, may lakad ka ba? Ako pauwi na e..."

"Ang totoo niyan meron. Mukhang late na nga ako e. May pupuntahan akong parang party..."

"Party? E ako rin e, may pupuntahan akong party pero mukhang mali ata ang venue kaya aalis na ako."

"Talaga? Eto 'yung address na ibinigay sa 'kin. Actually, si Alex ang nagbigay sa 'kin niyan," iniabot niya ang isang scroll map sa 'kin na sobra kong ikinagulat. Bakit siya may scroll map? Sabagay, hindi rin naman kataka-taka dahil pamangkin niya si Alex.

"Ako rin e meron," ipinakita ko sa kanya ang scroll map na ibinigay sa 'kin ni Alex. "Pinapapunta niya ako diyan. Ineexpect ko isang malaking party pero wala namang tao."

Napakunot ang nuo ni Zendo na tila malalim ang iniisip. Mukhang hindi party ang pinuntahan namin kundi isang malaking... KAHIBANGAN?

Minabuti naming tumungo ni Zendo sa bench kung saan ako nakaupo kanina. Something is not quite right na nangyayari. Sinet-up ba kami ni Alex para magkita kami ng Kuya niya? Umupo kami upang inspeksyuning maigi ang nakasulat sa scroll map.

"Mukhang eto na nga 'yun," biglang sabi ni Zendo na hindi ko naintindihan kaagad.

"Anong ibig mong sabihin Zendo?'

"Pinipilit ako ng pamangkin ko kahapon para pumunta rito. May isang malaking surprise daw siya para sa 'kin. Mukhang eto na nga 'yun."

Nahinuha ko naman kaagad ang sinabi niya. Marahil ang sinasabing surprise ni Alex e ang magkrus muli lang landas namin ng tiyuhin niya. Nasorpresa talaga ako nang husto sa totoo lang.

"Mukha ngang eto na 'yung sinasabi niyang surprise... ang magkita tayo?"

Medyo balisang tingnan si Zendo nang mga oras na 'yun. Parang meron siyang gustong sabihin ngunit hindi niya masabi. Ako nama'y medyo relax lang, I'm still in the state of shock waiting for the moment para maabsorb ang nangyayari. Labing walong taong hindi kami nagkita ni Zendo. May anak na siya, at ako rin. Marami nang nangyari buhat nang maghiwalay kami ng landas.

"Anong tingin mo Jay? Tingin mo mali ba 'tong nangyayari?"

"Hindi ko alam, wala akong alam. Wala akong ideya."

"Yung totoo?" sabi niya nang may diin. "Hindi mo ba naramdaman na baka ako ang makita mo kaya ka pumunta rito?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero nandun na 'yung posibilidad na maaaring makita ko siya dahil sa iniwang quote ni Alex sa scroll map. Dinadaya ako ng utak ko pero hindi ko kayang dayain ang puso ko this time. May importante akong meeting sa mga kliyente ko pero mas pinili kong pumunta rito dahil sa hope na maaari ko siyang makita.

"He-he, gusto mong sabihin ko sayo ang totoo?" pilyo akong napangiti sa kanya. "Oo! Tama ka... pumunta ako rito hindi dahil gusto kong makisaya sa kung anumang okasyon na magaganap. Pumunta ako dahil... sa pag-asang makikita pa ulit kita."

Bukal sa loob ko ang sinabi kong iyon sa kanya. Mahirap talagang dayain ang puso ko kahit marami nang nagbago sa 'min. Meron pa siyang espasyo sa puso ko na hindi ko maalis-alis kailanman, lumipas man ang maraming taon.

"Ikaw Zendo? Ba't ka naririto? Anong dahilan kung bakit ka pumunta rito? Diba nasa Cebu ka?"

Bigla siyang napatitig sa 'kin. Sobrang seryoso niya at namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"Pupunta pa lang ako roon. Ikakasal na ako sa bago kong asawa.... para bumuo ulit ng pamilya. Para meron ulit akong taong mahalin. Para maging masaya"

"Masaya ako para sayo," I sincerely said. "Ganyan talaga. Kailangan nating maging masaya dahil maikli lang naman ang buhay."

"Pero hindi ko alam kung sasaya ba ako o ano. Nahihirapan ako. Hindi ko alam kung saan patutungo ang buhay ko."

"Follow your heart Zendo. Naniniwala akong matatagpuan mo na rin ang tunay mong kasiyahan.... sa taong mahal mo," I tapped his back to console him but he kept on getting serious.

"Buang ka bang talaga Jay?" he shifted his voice. "Bakit ganyan ka magsalita? Diba sabi mo kaya ka pumunta rito dahil gusto mo akong makita? Pero parang sa tono ng pananalita mo e parang mas gusto mo pang lumigaya ako sa ibang tao? Ganyan ka na simula't sapul na nakilala kita!"

"Hindi naman sa ganun Zendo. Ayoko lang guluhin ang buhay mo. Ayokong makasira ng ibang plano, at mas lalo na ng ibang buhay..."

"Pwes... sira na ang buhay ko!" madiin niyang pagkakasabi. "Puro ako ayos, pero nasisira naman din. Puro ako hanap, puro ako buo pero nauuwi rin sa wala. Anong buhay meron ako ha?"

He's getting emotional already. Napapalakas na ang boses niya to the point na meron nang mga taong nakakarinig sa pag-uusap namin. Luckily, e hindi naman ganoon karami ang mga tao at mangilan ngilan lang na parang wala namang interes sa diskusyunan namin.

"Ikakasal na ako Jay. Alam kong meron ka na ring mapapangasawa..."

"Since my wife died, hindi na ako naghanap. Mali ang impormasyon mo sa talambuhay ko," pangiti kong sabi.

"Alas diyes ang flight ko. Ayoko nang umatras.... pero...."

Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya para maramdaman niya ang init ng mga palad ko. Alam ko ang nararamdaman niya kaya gusto kong mas pagaanin ang loob niya.

"Gawin mo ang nararapat Zendo. Matatanda na tayo, may mga puting buhok na nga tayo sa ulo e. Siguro gawin mo lang ang nararapat."

"Ano bang nararapat Jay?"

"Anong nararapat? Aba malay ko sayong gago ka?" sabi ko nang nakangisi. "Basta ako, gagawin ko ang isinisigaw ng puso ko. At yun ay ang ipaglaban ka. Naging mahina ako, naging marupok dahil walang tumatagal na ganitong klaseng relasyon. Pero hindi mo ba napapansin? Ang dami nang taong dumating sa mga buhay natin pero mismong tadhana na ang nagkakabit muli sa landas natin? Ito sa tingin ko ang perpektong panahon para ipagpatuloy kung anuman ang nasimulan natin. Para maging masaya..."

Ginantihan na ni Zendo ang paghawak ko sa kaliwang kamay niya. Nakaramdam ako ng kakaibang init sa palad niya.

"Kaya naman talaga ako pumunta rito dahil sa maliit na posibilidad na baka mabago ang buhay ko. Isinisigaw ng puso ko na ikaw talaga Jay... simula nuon ikaw talaga. Ilang babae na rin ang nakasama ko, naging karelasyon ko... pero isa lang talaga ang tunay na nagpapatibok ng puso ko. Ikaw yun! Ikaw talaga 'yun e. Tarantado ka kase!" bigla kaming napatawang dalawa.

"Pareho kase tayong tarantado kaya hanggang mamatay siguro tayo, mga tarantado pa rin tayo!"

"Pero Jay.... Pucha! Hindi talaga ako makapaniwala. Kakapalan ko na ang mukha ko. Alam kong madrama ako pero gusto ko nang baguhin ang sarili ko. Ikaw talaga ang gusto kong makasama. Ikaw talaga ang mahal ko. Bahala na kung anong mangyari basta makasama kita. Mahal kita e..."

Kung wala lang kami sa pampublikong lugar e baka nahalikan ko na siya sa sobrang saya ko. This is the moment kumbaga! Antagal kong hinintay ang pagkakataong ito, kahit minsan imposible nang mangyari.

"Kakapalan ko na rin ang mukha ko Zendo. Ikaw talaga ang taong gusto kong makasama. Ayoko nang maghanap ng iba kase ikaw lang talaga ang nagpapasaya sa 'kin kahit lumipas na ang maraming taon. Gusto ko magsama tayong dalawa. Gagawa ako ng paraan,.... kahit mahirap. Yun naman talaga diba? Mahirap e! Pero masarap naman diba?"

Ambilis ng shifting ng emotions namin. Gusto ko 'yung ganito. Walang masyadong kadramahan na nauuwi sa magandang diskusyunan. Walang sabi-sabi. Mahal mo e! E di dun ka sa taong mahal mo.

Nakita kong kinuha ni Zendo ang phone niya at may tinawagan.Hindi ko naririnig ang nagsasalita sa kabilang linya pero natuwa naman ako sa mga sinasabi ng bugok na ito.

"Hello"

"Cancel ang flight ko! Cancel na rin ang kasal!"

"Break na tayo Lara! Pasensya na sa paasa. Hindi talaga kita mahal!"

Pucha, ang lupit ni Manong Zendo! Makasabi ng 'Break' e parang mag-aabot lang ng bayad sa pampasaherong jeep. Napaka kasywal. E ganun talaga ang tarantadong ito. Kung ako maraming paliguy-ligoy siya naman'y straight to the point. Yan ang gusto ko sa kanya e.

"So ano na Jay? Tayo na ha? Wala ng atrasan?"

"Ha? Teka lang Zendo, pag-iisipan ko pa," pabiro kong sabi.

"Tarantado ka! Kinancel ko na ang flight pati kasal ko tapos pag-iisipan mo pa?!"

"Bakit, masama bang mag-isip? Baka mamaya niyan pag-uwi ko, tawagan mo ako sa cellphone ko sabihin mong break na ulit tayo!"

"Tarantado! Wala akong number mo! Hindi nga? Saan tayo ngayon? May malapit bang... Motel dito?"

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko sa sinabi niya. Parang bumalik 'yung moment nung nagsasagawa pa kami ng misyon. Boy Libog ang tarantadong ito e.

"Hay naku Zendo, wala ka talagang pinagbago. Ganyan ka eh?!"

"Joke lang. Kunwari ka pa... kung makatitig ka sa kin gusto mo na rin naman akong ikama. Wag ako Jay!"

"Napaka bulgar mo talaga Zendo, hindi bagay sa kutis mong labanos. Minsan umarte ka namang parang chicks. Para ka kaseng pokpok e..."

"Ha anong sinabi mo? Pokpok ako?"

"Oo. Pokpok ka... POKPOK! ZENDO: Ang Lalaking PokPok!"

"Aba'y tarantado ka pala e. Gusto mo atang masaktan e!"

Bigla niya akong sinuntok sa kanang braso. Pucha, ang lakas ng pagkakasuntok na yun na halos ikalamog ng braso ko. Napa Sheeet ako sa sakit kahit alam kong biru-biro lang niya 'yun.

**

Alex's POV

OMG? Anyare? Anong nakikita kech? Nagjojombagan sila? Oh My God! This can't be happening. Akala ko oks na oks na sila pero nauwi sa suntukan? Sinasabi ko na nga ba e...

Tense na tense ang lola niyo dahil mukhang epic fail ang naging pagtatagpo ng dalawang past lovers. Medyo madilim na ang paligid at parang anino na lang ang dalawa sa sight ko at this vantage point. Gusto kong umawat sa dalawa pero ayokong magpabuko na pinapanuod ko sila.

Nagvibrate muli ang Phone ko at nag-ring ito. May tumatawag sa 'kin. Pag tingin ko sa phone e nakita ko ang name ni Kuya Zendo. Tumingin muli ako sa kinaroroonan nila... mukhang stop na ata ang World War 3 nila.

"Hello Kuya?" nangangatal kong pagsagot sa tawag niya.

"Hello Alex?"

"Hello Kuya? Kamusta pala ang flight?" pang eechos ko sa kanya.

"Nandito ako sa lugar kung saan mo ako pinapunta."

"Really? Amazing!"

"Kaya lumabas ka na sa lungga mo diyan kung ayaw mong kaladkarin kita papunta rito!" sabi niya nang super serious. OMG?! Mukhang galit si Kuya. Nakakaloka, baka ibaon niya ako ng buhay sa ilalim ng lupa.

"Wait!.."

"Alam ko kung saan ka nagtatago.... bibilang ako ng sampu, pag hindi ka pumunta rito ako ang pupunta sayo para kaladkarin ka papunta rito..."

"W-wait.. what?!"

"ISA!!!" pasigaw niyang dikta.

Nawalan ako ng control. Halos mahulog ko ang phone ko dahil sa sobrang tensed. Para na nga akong isang criminal na uupo na sa silya elektrika dahil it's my time to die. That feeling. Yes, I'm gonna die!

"DALAWA!!!!!!"

"Ayan na o pupunta na..."

"TATLO!!!!!"

Nagmadali akong pumunta kung saan sila naroroon. Nang dumating ako'y si Jaypee ay nakaupo sa puting bench na super serious ang fezlak na akala mo'y nagahasa ng limampung kalabaw. Si Kuya nama'y nakatayo na nakapamewang while waiting for me. Kulang na lang may latigo siyang hawak para hampasin ako.

Para akong timang na nakatingin lang sa lupa na parang sinesermonan ng magulang dahil sa nagawang kapilyahan.

"Tumingin ka sa 'kin!"

Para akong robot na sunud-sunuran na tumingin sa kanya. Parang teen days ko lang kung pagalitan naman niya ako. Hello, may asawa't anak na ako pero natatakot pa rin ako kay Kuya kung magalit siya.

Humarap ako't tumitig sa kanya with confidence kahit ang mga mata ko'y medyo apologetic. Lumapit si Kuya nang bahagya sa 'kin at pilit niyang ipinapamukha sa fezlak ko ang ginawa kong kahibangan.

"Anong masasabi mo Alex?" tanong ni Kuya.

"Anong masasabi ko?" pag-ulit ko.

"Marami kang dapat sabihin diba? Isa-isahin mo na..."

Teka, ano bang sasabihin ko? Napaka awkward na ng moment tapos magiispeech akech? Sasabihin ko bang, kaya ko ginawa ang lahat e dahil gusto ko silang dalawang magkatuluyan? O kaya'y ginawa kong magmeet silang dalawa para tapusin ang isinasagawa kong libro, at nakasalalay sa kanila ang magiging ending? Ang echos ng reasoning pero 'yun ang totoo.

"Kuya?????? Sorry????" tanging nasabi ko. Mas mahirap kayang mag speech kaya sorry na lang.

"Bakit ka humihingi ng sorry?"

"Sorry kase... pinangunahan ko kayo. Sorry... akala ko kase... patawarin niyo na 'ko..."

Para akong batang inagawan ng lollipop sa sobrang kahihiyang ginawa ko. Tumataas na ang mga balahibo ko dahil para akong nakakaranas ng public humiliation. Ganun ang feeling.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry," sabi ni Kuya na ikinagulat ko. Tumingin muli ako sa mga mata niya and this time, nakangiti na siya.

Wait, what? Anong nangyayari? Lumapit siya sa 'kin at ipinatong ang kanang kamay niya sa left shoulder ko. Ambigat in fairness.

"Kuya????"

"Salamat Alex! Salamat sa lahat..."

Nag-glow ang mga mata ko at halos umabot ang ngiti ko sa tenga nang marinig ko ang word na 'Thank You' sa mga labi ni Kuya. Para akong tumama sa lotto sa totoo lang. Bihira kong marinig sa kanya 'yan, feeling ko nga, wala akong nagawang maganda sa kanya.... Nung bata pa ako masyado kase akong pasaway. Puro sakit ng ulo ang binibigay ko sa kanya pero nandiyan pa rin siya para suportahan ang lahat ng mga pangangailangan ko. Mapa emosyonal, ispiritwal at pinansyal. Siya ang nagtaguyod sa 'kin simula nang maging ulila ako. Siya ang tumayong Tatay slash Nanay ng buhay ko.

"Kuya? Anong nangyayari. Bakit ka nagte-thank you?" medyo teary-eyed na 'ko. Roller coaster din naman ang feeling ko e. Magagalit siya tapos magte-thank you?

"Dahil you deserved it! Hindi mo lang alam kung paano mo binago ang buhay ko," he sincerely said. "Salamat sa KAHIBANGANG ginawa mo. Pinaniwala mo akong pwedeng maging posible ang imposible."

"Pareho kaming sumuko ni Jay, kase alam naming walang maniniwala. Pero ikaw, NANIWALA KA!... ikaw 'tong hindi sumuko para sa 'min. Kaya nagpapasalamat ako Alex dahil pinatatag mo sa mga puso namin ang mga bagay na hindi namin kayang intindihin. Ikaw ang unang umunawa! Ipinaglaban mo kami! Ipinaglaban mo ang pagmamahalan namin."

"Ikaw ang nagsilbing ilaw Alex. Wala na kaming pakialam kung magtago kami kung saang lungga kami pwedeng sumuksok. Wala na kaming pakialam na walang pwedeng maniwala sa pagmamahalan namin. Kahit ikaw lang ang maniwala, sapat na 'yun para sa 'kin. It takes one person to give you hope, at ikaw yun! Salamat at binigyan mo kami ng pag-asa."

Napaiyak na ako sa napaka sincere na pagte-thank you sa 'kin ng tiyuhin ko. I need this e. I've waited for a lifetime para maappreciate niya ako. "Kuya naman e. Naiiyak na 'ko."

"Hindi ko pa nasasabi sayo 'to pero... I'm proud of you Alex. I'm proud of what you have become! Continue to be an inspiration to everyone sa pamamagitan ng pagsulat mo. Isa kang ALAMAT! Mahal na mahal kita... paborito kong pamangkin!"

Hindi ko na makontrol ang emotions ko kaya napayakap na ako kay Kuya. Ang pinakamamahal kong Tiyuhin na nag-aruga sa 'kin. Despite of his flaws, ginawa niya akong mabuting tao. Hindi lang niya alam siya talaga ang idol ko.... hindi ko mararating ang na-achieve ko ngayon kung hindi dahil sa kanya. Salamat Kuya! Mahal na mahal kita.....

**

"Love is part of the Law — the Law that runs the Universe."

"If there were no Love the Universe would cease to exist."

"I'm DONE!" sagot ko sa boss ko nang tanungin niya ako kung tapos na ang ginawa kong story.

"Okay. Great. Pumunta ka rito sa Opisina at ipasa mo ang finish product."

"No Ma'm. I mean I'm DONE. Hindi po ako makakapasa dahil hindi ko pa tapos!"

"What????? What do you mean na hindi mo pa tapos? Alex, I gave you ample of time to finish the Novel tapos sasabihin mo sa 'king hindi pa tapos? E di tapusin mo!"

"So anong mangyayari Ma'm? E hindi ko pa po talaga tapos e. At ayoko na pong tapusin. Besides, it's not my cup of tea."

"You accepted the challenge Alex kaya we're expecting a lot from you... You have to finish the Novel and you have less than 24 hours!"

"I'm sorry Ma'm"

"Well, sorry rin. If you don't finish the Novel... maghanap ka ng sarili mong Publishing Company!"

"Okay?!" I said sarcastically.

"What?!"

"Okay. Maghahanap na lang ako ng ibang publishing company na hindi ako ipe-pressure nang husto"

"You gotta be kidding me Ms. Peregrino!"

"Well, I'm not Kidding. I quit! GOODBYE!"

"Tututututututututu"....

Taray ko no? Well, hindi ko naman kawalan kung tanggalin nila ako. Huh? Mawawalan sila ng isa sa magagaling na writers in town. Subukan lang nila? I know luluhod sila sa 'kin to convince me to stay. Kaso, ayoko na talagang ipublish ang ginawa kong Man to man themed na libro due to obvious reasons.

Sa totoo lang, after that confrontation namin nina Kuya and Jaypee, natapos ko na ang buong aklat... and it's a HAPPY ENDING. Na-excite pa nga ako na, this story might be a good step to my blossoming career as a writer dahil kakaiba ang story na nagawa ko.

Kaso naisip ko rin na.... Kuya Zendo and Jaypee chose to be silent in their relationship. Hindi na nila kailangan ipagsigawan sa buong mundo to prove that their romance is authentic. Sabi nga ni Kuya, sapat nang ako lang ang maniwala para manumbalik ang paniniwala nila sa totoong kahulugan ng pag-ibig. Atsaka, 'pag nalaman nilang ginawa kong main characters ang mga pangalan ng anak nila, baka bumalik sila dito ng pinas at ipasalvage nila ako, lol.

As of this moment, nasa America na sina Kuya at Jaypee. Syempre... para duon muling buuin ang nasimulan na nila. So bakit ko tatapusin ang libro kung hindi pa naman talaga natatapos ang buhay pag-ibig nila? Who knows what's gonna happen diba? Ikasal kaya sila? Magkaanak? Maghiwalay ulit? Tapos magkabalikan? No one knows. Pero tapos ko na talaga ang libro at ang ending ay yung sa Parke. Magulo ba?

Marami akong natutunan sa pagmamahalan nila. I learned to understand the complexities of love. I learned how to understand people, na hindi kaagad kailangang husgahan ang nararamdaman ng iba. I learned to respect the emotions of others. I learned how to value the feelings of others. I learned how to believe in the magic of LOVE... at higit sa lahat.... I learned to understand that LOVE KNOWS NO LABEL ... It's a simple statement pero it has a huge impact into someone's lives.

I have to admit, napakasimple lang ng problema ng pag-iibigan nila, yun ay ang hindi nila pagtanggap sa taguri ng lipunan sa katayuan nila. Pero if we're going to dig deeper with their emotions..... THERE IS A UNIVERSE of Feelings that Society doesn't understand. It only takes one person to understand their UNIVERSE to make them believe na that KIND OF LOVE TRULY EXISTS.

Gaya ng librong ginawa ko, regarding the Treasure Hunting and the Lovestory between Zanmiks and Jace, majority do not believe in the story and the love-story. Pero may isa pa ring maniniwala at yun ang magiging sandata mo para tapusin ang nasimulan mo. Thank you Sir Eduardo!

I'm holding the finished Book right now. It's still UNTITLED! This is the love story of Kuya Zendo and Jaypee. Their impossible romance! The testament of their Love story.... that is not for public sharing.

At ang librong ito'y magkakaroon ng ibang tahanan kung saan walang pwedeng makaalam. This library is the real witness kung paano ko natapos ang story nila.... and I'll place it in a ......

VAULT



-THE END-


Continue Reading

You'll Also Like

2.6M 55.3K 68
How to Seduce a Hunk in 15 days (formerly Seducing my Hunky Neighbor) is a naughty adventure of a man challenging himself to captivate the heart of a...
1.1M 32.1K 50
Kung gano siya ka gwapo ganun naman ka panget ang ugali niya. Sa lahat naman ng pwedeng magustuhan bakit sa kanya pa! Bakit sa taong sinasaktan at pi...
82.1K 3.3K 31
Si Sandro, astigin, pagdating sa karate walang inuurungan. Pero siya ay may dark little secret from the past na nagbabalik, si ex! As in ex-boyfriend...
18.6K 1.1K 58
Si Jing ay hindi lang basta isang shipper. Isa siyang obsessed shipper. Her ship, her one true pair, is OffGun. Sobrang empty ang buhay niya at magi...