Surrender

Por sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... Mais

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 41

79.9K 2K 150
Por sweet_aria

Chapter 41

"Monica!" Hindi ko na alam ang gagawin.

Pabalik-balik ang tingin niya sa kanyang skype at sa akin.

"Wag mong sasagutin."

"I-I'm sorry Millie." Umiling si Monica at hindi sinunod ang sinabi ko.

Mabilis akong nagtago para hindi niya ako makita. Sina Geneva at Cassia ay tahimik na pinanonood din si Monica. Patayo na ako mula sa kama ngunit piniit ako ni Cassia.

"P-phoenix..." Sambit ni Monica.

Gusto ko silang sigawan! Gusto kong magsalita man lang ngunit hindi ko magawa sa takot na marinig niya ako. Ayoko siyang makita. Sasandali pa ang panahon at hindi ganoong kadali ang bagay na ito para sa akin.

"Hi..."

Nagtaasan ang aking balahibo dahil sa boses na iyon. Bumilis din ang tibok ng aking puso.

Tumingin sa akin si Monica. "Napatawag ka?"

Pinilit kong kumawala ngunit ayaw akong bitiwan ni Cassia.

"Cassia..." Pabulong ngunit mariin kong sabi.

"I just wanna say sorry for everything." Sagot ng boses na iyon na pilit kong iwinawaksi sa isip. "Ang dami kong nagawang mali sa'yo. Hindi man lang din ako nakapagpaalam nung umalis ako."

Naramdaman ko ang bikig sa aking lalamunan. Nahihirapan akong lumunok. Umiwas ng tingin sa akin si Monica. Hindi siya makasagot. Kinagat niya ang labi at tumungo.

"I wanted to say goodbye but you're not in your condo unit. I thought... I would be having a chance to talk to you... kaso naisip ko na iniiwasan mo nga rin pala ako."

"I-iyan lang ba ang dahilan kung bakit ka tumawag?" Nauutal na tanong ni Monica.

Mahinang tawa ang narinig ko mula sa kanya. Dahil nakatago ako at nakatalikod sa amin nila Cassia at Geneva ang laptop ay si Monica lang ang nakakikita ng kanyang reaksyon.

"Namimiss na kita..." Mahina at paos na boses niyang sabi.

Tila ilang karayom ang bumaon sa puso ko sa narinig. Bahagyang napalunok si Monica bago ako muling sinulyapan. Agad akong umiwas ng tingin. Maging sina Cassia at Geneva ay naramdaman ko ang pagtingin sa akin.

"Phoenix, w-wag ka ngang magsalita nang ganyan." Awkward na sabi ni Monica. "Your sorry is enough. Okay lang din na hindi ka na nagpaalam dahil hindi ka naman obligado na gawin iyon."

Hindi nakapagsalita si Phoenix. Nilaro ko ang mga kamay at pilit na kinakalma ang dibdib sa pagwawala at sa kirot na humahanay dito. The pain was still fresh.

"Cassia... let go of me please." Pabulong kong sabi na halos hindi ito lumabas sa aking bibig.

Ang mga tubig sa mga mata ko ay hindi ko mapigilan ang pag-ahon. Nanginginig din ang aking mga kamay.

"I wanna go home." Dagdag ko pa.

"May kasama ka dyan, Monica?" Tanong ni Phoenix.

Kinuyom ko ang mga palad.

"Wala..." Pagsisinungaling ni Monica. "Sige na, Phoenix... may mga gagawin pa ako-"

"Break na kami ng best friend mo." Putol sa kanya ni Phoenix. "Nagbreak kami noong bago ako umalis papunta dito sa US. Ni hindi na nga ako naka-attend sa kasal ni Sebastian."

"Yes... I heard it. You're not there in the wedding." Lumamig ang boses ni Monica. "You hurt her?"

"You know I can't do that." Sagot niya.

Muli akong napatingin kay Monica. Umayos siya ng upo. Hindi ko magawang magalit dahil alam kong may pinagsamahan ang dalawa na baka nga higit pa sa pinagsamahan namin ni Monica. She's his best friend too.

"That's why you called? Kasi... wala kang mapagsabihan ng nararamdaman mo?" Mahinang tumawa si Monica. "Shit ka talaga Phoenix Elizer Dela Vega..."

Agad ding napawi ang kanyang tawa at bumalot ang lungkot sa kanyang mga mata.

Muli kong pinilit kumawala. Nang mabitawan ako ni Cassia ay tumayo si Monica at agad na pinindot ang laptop. Tiniklop niya ito at lumapit sa akin.

"Saan ka pupunta?" Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Aalis na ako." Pinantayan ko ang lamig ng kanyang boses.

"Hindi ka aalis!" Mariin na sabi ni Geneva.

"Gen, may trabaho pa ako-"

"Balak mo ba talagang itago ang dinadala mo?" Napatayo na rin si Cassia. "Millie... two years ang hihintayin mo bago bumalik si Phoenix! Two years siya sa America!"

Two years?

"Wala na dapat akong pakialam kung nasaan siya." Iniwas ko ang tingin.

"Cassia, you're joking right?" Gulat na tanong ni Geneva sa pinsan. "Bakit ang tagal naman ata?"

"That's what I heard. Hindi ko sure kung nagpapatayo siya ng branch ng banko nila doon. I don't know. Ang alam ko lang ay tungkol sa negosyo. Alam mo naman ang mga Dela Vega. Madaming branch ang bangko nila dito at sa iba pang mga bansa."

Muli ay naramdaman kong pumokus ang atensyon nila sa akin.

"Millicent..."

"Monica, wala na akong magagawa kung magtagal man siya doon. We're done."

"Hindi ka man lang ba naaawa sa magiging anak niyo? Your baby needs a father! I'm sure na hindi siya itatanggi ni Phoenix sakaling ipagtapat mo iyon sa kanya!"

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Ramdam ko na nasasaktan siya ngunit pilit niya itong itinatago. She's still confined with her own feelings.

"He needs to be happy. To be free. Kapag sinabi ko ito sa kanya ay ano? Magugulo ang lahat ng sakripisyo ko?"

Hinigit ako ni Geneva paupo sa kama at mataman akong tinitigan.

"Ano ba kasing nangyari?" Pinisil ni Geneva ang kamay ko. "Sabihin mo sa amin para maintindihan ka namin."

Sawang-sawa na akong magkuwento ngunit dahil sa kagustuhang hindi sila manghimasok sa desisyon ko ay ginawa ko ang nais nila.

"Sana nga ganun lang kadali na aminin sa kanya na magkaka-anak na kami. Sana ganung kadali na pauwiin siya dito, labanan ang pamilya niya at saktan ang pamilya ko. Sana madali lang." Tumungo ako at pinaglaruan ang mga daliri. "Pero hindi. Akala niyo ba gusto ko ang naging desisyon ko? Gusto kong mahiwalay sa kanya? Hindi girls..." Isa-isa ko silang tinignan at nginitian. "Kaya sana irespeto niyo rin ang desisyon ko. He'll move on soon."

"Sa tingin mo ba ay mangyayari iyon? He's intensely in love with you!" Tumayo si Geneva at iniwan kami.

"Naiinis ako sa'yo, Millicent." Pinasadahan ni Monica ang kanyang buhok at wala akong emosyon na tinitigan. "May mga taong gustong mapansin ng lalaking 'yon, tignan ng kung gaano siya tumingin sayo at higit sa lahat ang mahalin. Pero pinakawalan mo."

"Hindi mo ako naiintindihan." Pumikit ako nang mariin.

Akala ko'y pagkatapos kong ikuwento sa kanila ang mga nangyari ay susuportahan nila ako. I was wrong.

Hinawakan ako ni Monica sa magkabilang balikat at hinarap ako sa kanya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo. Sige... I'll give you what if. What if he moves on because he can't tolerate the pain any longer? What would you do?"

"I-I'll be happy for him."

"Damn it, Millicent!" Aniya.

"Ano bang problema niyo? Wag na wag niyong sasabihin na hindi makakausad si Phoenix dahil ako nagawa ko iyon kay Nigel!"

"Iba si Phoenix kay Nigel!" Pagtutol niya.

"Nakalimutan ko na ang kung anong namagitan sa amin ni Nigel-"

Napatayo si Monica. "Ikaw ang hindi nakakaintindi!" Sigaw niya sa akin. "You can't undo memories. You can move on but the memories will stay there... in your mind."

Naglaban kami ng tingin.

"You're believing that a person can move on so why are you pushing this thing? That he can't move on?"

"Kasi iba siya sa ibang lalaki at alam mo iyon!" Bumilis ang kanyang paghinga. Umahon ang tubig sa kanyang mga mata. "Bakit ba ang tanga-tanga mo?"

Kinalma ko ang sarili at napailing. "Hindi ako tanga. Ginagawa ko lang ang tama."

"You're impossible!"

Tinalikuran niya ako at sakto namang pagbalik ni Geneva. May hawak siyang dalawang kopita at ibinigay kay Cassia ang isa.

"Your baby would grow without a father." Mahinahon na siya ngayon. Umupo siya at muling sumimsim sa kanyang baso.

Kung hindi ako nagkakamali ay champagne ang kanyang iniinom.

"Two years is too long. Hindi ko alam kung maipapangako ko sayo na hindi ito malalaman ng mga Dela Vega. Hindi mo ba naisip na baka sa ginagawa mo ay mas lalo silang magalit sa'yo?" Sabi ni Cassia.

"Wala akong pakialam kung mas magalit sila sa akin. Pinoprotektahan ko lang ang pamilya ko, ang baby ko at si... P-phoenix."

"You're not protecting Phoenix. Sinasaktan mo siya sa ginagawa mo at pati ang magiging anak niyo." Seryosong sabi ni Geneva. "Kawawa ang bata."

Napatayo ako. Pagtalikod ko ay siya namang pagbalik ni Monica, may kausap siya sa phone.

"I-I'm sorry may bigla kasing dumating." Hindi nakalapit ang phone sa kanyang tenga. Hawak niya lang ito habang nakatingin sa akin.

Malakas ang kutob ko sa kung sino ang kausap niya. She's speaking with someone on a speaker mode.

"It's okay." Sagot ng boses.

Muli akong napapikit. Siya nga ang kausap ni Monica!

"P, I just wanna ask something."

"What is it?"

Pumikit siya nang mariin at sumimsim sa kopitang hawak din niya. "You broke up but I'm not a fool."

"Wait Monica... does it mean we're okay now? You're finally talking to me."

Bumuntong-hininga si Monica at tumingin sa akin. "I guess so."

Hindi ko alam kung ano ang balak ni Monica at sa totoo lang ay mas lumala pa ang pag-ahon ng inis sa aking dibdib.

"P, alam ko ang likaw ng bituka mo. Alam kong may n-nangyari sa inyo ni Millicent." Pumula ang kanyang mukha at iniwas ang tingin sa akin.

Namilog ang aking mga mata. Sina Cassia at Geneva ay dinig ko ang biglang pagsinghap. Matagal na katahimikan ang namagitan sa dalawa.

"What is this all about, Monica?" Tanong niya pagkalipas ng ilang segundo.

Lumapit ako kay Monica para agawin ang cellphone ngunit mabilis niya itong inilayo sa akin. Nawala na rin ang plano kong umalis na dahil sa takot sa sasabihin niya kay Phoenix.

"Alam kong hindi iyon imposibleng mangyari dahil mahal na mahal mo ang bestfriend ko."

"And what if I say yes? Does it change anything?" Medyo humina ang kanyang boses.

Dumaloy ang init sa aking mukha dahil sa inamin niya. Nilagpasan ako ni Monica at umupo siya sa kama katabi nila Cassia. Marahas kong pinasadahan ng kamay ang aking buhok.

"S-she said we're done." Dagdag pa ni Phoenix.

"Alam kong hindi pa kayo tapos kung ikaw ang tatanungin ko."

Hindi siya sumagot.

"Kunwari lang ito... Phoenix. What if you made her pregnant?"

Napakagat ako ng labi at mas nadagdagan ang aking kaba. Mali talaga na nalaman nila ang tungkol sa baby ko!

"Don't get awkward... dati naman ay may mga pinag-uusapan tayong katulad ng mga ganito." Walang kautal-utal na sabi ni Monica.

"If she's pregnant she won't gonna let our child grow without a father. She won't end our relationship. She would be forever with me. She would be entangled with me." Saglit siyang natahimik. "Sana nga nabuntis ko na lang siya para wala na siyang kawala."

"Y-you're not a good shooter." Pilit ang biro ni Monica. "Sana mas ginalingan mo pa para hindi nangyari ang pakikipaghiwalay niya sayo."

"Monica, your mouth!"

Umirap si Monica at muli ay para siyang nag-iisip ng sasabihin.

"I miss her..." Biglang sabi niya. Paos ang kanyang boses at tila naghihirap. "I miss everything about her."

Nanginig ako sa narinig. Muli kaming nagkatinginan ni Monica.

"She's everything to me. Actually, I think I've fallen in love with her deeper than before because of her decision."

"Phoenix..." Usal ni Monica.

"Ang sakit ng ginawa niya. Sobra. Pakiramdam ko nga, hindi na ako magmamahal ng katulad ng pagmamahal ko sa kanya." Mas lalong namaos ang kanyang boses. "I thought we love each other equally but no... I am more smitten than her. More lovesick... More hooked."

Hindi nakapagsalita si Monica.

"M-monica... if ever you see her... please say... I love her."

"I-I will..." Sagot ni Monica, titig na titig sa akin.

"Thank you. See you after two years."

Napangiti si Monica.

"I need to go. I have meetings to be present at."

Pagkababa ng tawag ay lumapit sa akin si Monica at niyakap ako. "You're crying..." Hinaplos niya ang aking buhok.

Kinagat ko ang labi at napayakap nang mahigpit sa kanya. "Please... Monica, wag na wag mong sasabihin sa kanya. Nagmamakaawa ako." Humikbi ako. "I don't deserve him. I was a toxic to him. He deserves someone better."

Hinila niya ako paupo sa kama. Si Geneva ay malungkot na napangiti nang bumaba ang tingin niya sa aking tiyan. Hinawakan ni Cassia ang kamay ko at si Monica ay pinunasan ang aking mga luha.

"Sinusubok ko lang kung gaano katatag ang prinsipyo mo. Wala kaming karapatan na pakialaman ka sa sarili mong desisyon." Dumapo ang kamay ni Monica sa aking tiyan at hinaplos ito. "But then I hope you'd change it. I'm hoping... Millie."

"I can't... I can't gamble anymore. Tama na ang sakit na naramdaman niya." Sagot ko.

Natahimik kaming apat. Nawala na rin ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Naniniwala akong hindi siya magsasalita.

"Mall tayo? I'm gonna buy something for the baby." Sabi ni Cassia paglipas ng ilang segundo. Tumayo siya at palipat-lipat kaming tinignan. "Don't say no, Millie. Para ito sa baby."

"Tara... may bibilhin din ako." Ngumiti si Geneva at tumayo na rin.

Umiling ako. Pilit na dinadala ang isip sa ibang bagay. Dapat akong magtiwala sa kanila na hindi nila ito ipapaalam sa kanya.

"H-hindi pa natin alam ang gender." Sabi ko.

Napakahirap mangako sa sarili. Nangako ako na hindi na iiyak pero natalo ako. Phoenix would make me cry even though everything was ended.

"Edi bibili ulit kapag alam na ang gender!" Pinasigla ni Monica ang boses. "Or we can buy unisex stuffs."

Inalalayan niya ako pagtayo at ipinulupot ang kamay sa aking braso. Lumabas kami ng unit at pinilit iwaksi sa isip ang nangyari kanina.

Dahil alam kong hindi nila ako hahayang tumanggi ay walang kibo akong sumama sa kanila. Ako ang nasa passenger seat, katabi si Monica na siyang nagdadrive.

Nang makarating kami sa mall ay dumiretso kami sa supermarket. Panay ang pagkukwentuhan nila Geneva at Cassia sa aming likod. Tungkol sa kasal nila Penelope at Sebastian. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil gusto ko nang isara ang pinto at isip ko para sa pamilyang iyon.

Nag-iikot-ikot kami sa section ng mga gamit ng baby nang mapatigil ako sa paglalakad. Ganun din si Monica na nagtutulak ng cart.

"Dad, what do you think? Anong stroller ang mas magandang brand? These two look good..." Turo ng babae sa dalawang stroller ng magkaibang brand.

"Kahit ano..." Pinagapang ng lalaki ang bisig sa bewang ng babae.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ng babae ngunit hindi pa halata na buntis ito. Katulad ko lang siya. Siguro ay nasa unang tatlong buwan pa lang din ng pagbubuntis.

Malungkot akong napangiti.

"Anong mas maganda uy? I'm asking you!" Tanong pa ng babae sa lalaki.

"Millicent..." Bulong ni Monica.

"You." Bumaba ang tingin ng lalaki sa labi ng babae at umigting ang kanyang panga.

I remembered someone. Napalunok ako. Namula ang magkabilang pisngi ng babae at iniwas ang tingin sa lalaki.

"Millicent!" Muntik na akong mapatalon sa pagtawag sa akin ni Monica. "Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. "You're spacing out."

Tumango ako at itinulak na ang cart. Nahuli siya sa paglalakad ngunit nagawa rin akong sabayan.

Matapos naming mamili ay dumiretso kami sa isang restaurant. Kumain lang kami saglit at napagpasyahan nilang ihatid na rin ako.

"Bye... kita tayo sa day off mo." Kinawayan ako ni Geneva nang makabalik na sila sa kotse, pagkatapos akong tulungang ilagay ang mga gamit sa loob ng bahay.

"Take care of yourself, Millicent ah." Nakangiting sabi ni Cassia. May kausap siya sa phone at madaling iniwas ang tingin sa akin.

"Thank you..." Sabi ko sa kanila. "Monica..." Nilingon ko siya. "Maraming salamat."

Ngumiti siya at hinaplos ang buhok. "Next time na magpapacheck up ka, tawagan mo ako."

"Hindi ka ba busy? Di ba may bago ka ng trabaho?" Naalala ko na naman kung bakit siya napilitang gawin iyon. "I mean... diba lumipat ka na ng company?"

"Pwede naman akong hindi pumasok kahit isang araw." Sagot niya.

"Pero-"

"Wala nang pero-pero. Text or call me okay?"

Wala na akong nagawa kundi ang tanguan siya. Mabuti na lang ay nakabili na ako ng cellphone noong isang linggo. Kinuha ko ang number nila.

"Sige... salamat ulit." Tumalikod na ako.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang bumusina si Monica. Muli ko siyang nilingon.

"May nagpapasabi pala na..." Malungkot siyang ngumiti. "Mahal na mahal ka niya."

Continuar a ler

Também vai Gostar

8.3K 87 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023
31.1K 436 12
THE TAMING AFFAIR BOOK 2 LUCY Being married with JD was not easy. Sure, it was heaven being in love with him but I wasn't informed that being married...
828K 35.2K 50
El Amor De Bustamante Series Book 3: AGAINST THE WIND Her frail heart falls in love too soon. Divine knows that loving someone like Gaston, who's bey...
Mío Por Yiling Laozu

Ficção geral

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]