I Got Her PREGNANT

By ParkHyoHwa

4.7K 130 40

It's just one night stand. A typical sex. No feelings just sex. Simple as that. But sometimes, things are hap... More

Intoduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7

Chapter 5

254 15 13
By ParkHyoHwa

Frey's POV

"Bakit ang tagal mong tinago sa'kin ang anak natin?"

O_O Kinakalibutan ako pag naririnig ko yung "anak natin".

Ewan ko. Pero di ko alam ang isasagot ko. Ano bang isasagot ko sa tanong niya? Saka nagtataka parin ako paano niya nalaman? Anong balak niyang gawin?

"Excuse me, sir. Ito na po yung order niyo." Naka hinga ako ng malalim ng biglang sumingit yung waitress. Buti nalang. 

"Okay, thank you." Sagot niya sa waitress saka ito umalis. Humigop na muna ako ng kunti sa kape para mabawas bawasan ang kaba ko. Kinakabahan talaga ako.

"Miss San Jose." Bigla nanaman niya uling tawag. Ano ba kasi isasagot ko sa kanya?! Nakatingin siya sa akin ng seryoso kaya tiningnan ko rin siya.

"H-ha? A-anong sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ko kasi hindi ko talaga alam ang isasagot. Pero lalong lumalim yung titig niya sa akin.

"Look .. Please don't act as if you know nothing. Just answer my question. Bakit ang tagal mong tinago sa'kin 'to?" Kalmadong tanong niya na nakatingin parin ng deretso sa mga mata ko.

Nanahimik lang akong yumuko hindi ko kasi talaga alam kung ano bang isasagot ko sa kanya. Kung mag mamaang-maangan pa ba ako? Kung itatago ko parin ba sa kanya ang anak namin? Kung magsisinungaling ba ako na  hindi siya yung ama dahil isang beses lang naman may nangyari sa amin o aaminin ko nalang ba na siya nga yung tatay ni Nichole? Pero paano kung kunin niya sa'kin ang anak ko? Hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. 

Maya maya may inabot siya sa akin envelope. "Basahin mo." rinig kong sabi niya matapos i abot sa akin ang envelope. Kinuha ko naman ito saka binuksan at binasa ang mga papel kung ano ang naroon. 

O_O

DNA test?!

Paano?

Paano siya nakakuha ng DNA sa anak ko?

Dahil ba dito kaya niya nalamang anak niya si Nichole? Pero saan siya nakakuha ng DNA ng anak ko? Hindi kaya, hindi naman 'to totoo?

"Nakuha ko yung DNA ni Nichole sa tumbler niya ng tubig. Sinadya ko 'yun para malaman kung anak ko nga ba talaga si Nichole dahil unang kita pa lang naramdaman ko na akin yung batang yun." Rinig kong sabi na akala mo'y narinig ang mga tanong sa isip ko.

"Ngayon.. Frey, bakit mo tinago sa akin ang bata?" Dugtong niya pa. Tiningnan ko siya sa mata. Kitang-kita ko na gusto niya talaga marinig ang sagot ko. 

"Pagkatapos nung gabing may nangyari sa atin hindi na ako nagpakita sa'yo. Hindi ko kasi alam na magbubunga pala yung ginawa nating 'yun. Akala ko wala lang pero hanggang sa nalaman ko na buntis pala ako. Una natakot ako sa pamilya ko, sa mga tao, sa mga sasabihin nila kapag nalaman nilang buntis ako, kaya napag desisyunan ko sanang ipalaglag nalang dahil alam kong magiging masama ang tingin nila sa akin. Natatakot ako. Ang bata ko pa kasi nun lalo na hindi ko kilala ang tatay ng dinadala ko. Hindi naman kasi kita kilala, ni pangalan mo di ko alam kaya sabihin mo nga sa akin kung paano ko masasabi sa'yo na naanakan mo ako? Pero nagbago ang isip ko, ayokong pumatay ng tao lalo na't anak ko yung papatayin ko kaya napagdesisyonan kong maglayas at buhayin ang bata ng mag-isa. Nakayanan ko naman. Kaya hindi na ako nag-abalang hanapin ka pa." Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko habang sinasabi sa kanya ang mga salitang 'yun. 

Habang naiyak bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa mga kamay ko. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang din siya sa akin. Bigla nanamang may iba sa pakiramdam ko kaya agad kong binawe ang kamay ko saka nag-punas ng luha. Tumingin ako ng oras malapit na pala ang uwian nila Nichole kailangan ko na siyang sunduin kaya tumayo na ako. 

"Ahh, sorry. Pero kailangan ko ng umalis. Susunduin ko pa si Nichole. Sige. Excuse me." Paalam ko saka akamang aalis na sana ng pigilan niya ako. 

"Wait! Hatid na kita! Doon rin naman punta ko eh." suhestiyon niya.

"Ahh, hindi na. Mag-ta-taxi nalang ako. Thanks, anyway." tanggi ko

"No, sumabay ka na sa'kin." Sabi niya kaya wala na rin akong nagawa kundi sumabay nalang din sa kanya. 

Nagda-drive siya habang ako nasa passenger seat. Tahimik lang uli kami dito sa loob ng kotse niya kaya tumingin nalang ako sa labas. Maya-maya nakarating na rin kami sa eskwelahan ni Nichole. Nakatigil na yung sasakyan niya. Magpapasalamat na sana ako para bumaba ng unahan niya akong mag salita.

"Gusto kong maging tatay kay Nichole." Pagkasabi niya nun biglang bumilis ang tibok ng puso ko. 

"H-ha? M-may girlfriend ka 'diba? A-ano kahit huwag na. K-kaya ko naman." Nauutal kong sabi bilang tugon doon sa sinabi niya. Hindi ko alam ba't iyon ang sinagot ko.

"I'll file a case." Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng bigla niyang sabihin yun. Kaya tumingin ako sa kanya ng dahan dahan. Hindi siya nakatingin sa akin. Deretso lang ang tingin niya. 

"H-ha?" Naiiyak na tanong ko. 

"Karapatan ko 'yun dahil tatay ako ni Nichole." Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Ang akala ko hindi siya aabot sa ganto.

"N-no please. Pwede mo naman siyang dalaw-dalawin nalang sa bahay eh. Ipapakilala kita sa kanya. Just please don't file a case." Hindi ko na napigilan yung luha ko. Nagsimula nanaman silang nagsibagsakan. Ewan ko pero inuunahan ako ng takot ko. Bigla siyang tumingin sa akin saka nagsalita.

"Gusto ko ibigay kay Nichole kung anong buhay ang dapat nasa kanya ngayon. Gusto kong iparamdam sa kanya ang mga pagkukulang ko bilang ama. Hindi ko yung matutugunan kung pagdalaw lang sa kanya ang gagawin ko." 

"Bakit? Ayos naman yung buhay ngayon ng anak ko ah. Maayos kami ngayon. Hindi ko pinababayaan yung anak ko. Kaya please, huwag na sana umabot sa ganoon. Saka hindi pwede .. P-paano si S-sofia? May girlfriend ka, David. Magiging komplikado." kinakabahang paliwanag ko sa kanya.

"Sofia will understand it. I know it will be complicated that's why I'm going to file a case." Ito ba talaga ang sinasabi niyang pag-uusapan namin? Ang sama niya. Bakit gan'to? Ba't kailangan niya pang kunin ang anak ko? Hindi imposibleng makuha ni David si Nichole dahil sa yaman niya. Kaya natatakot ako. Ayoko namang lumapit sa ga magulang ko dahil wala silang alam dito. 

"David, please. Gagawin ko lahat ng gusto mo. Huwag mo lang kukunin sa akin si Nichole. Please" Naiyak na pagmamakaawa ko sa kaniya. Damn it! Ang hina ko. Ayoko ng gan'to pero pag dating sa anak ko nagiging mahina ako. 

"Then be the mother to Nichole and I'm going to be the father. Let's be a family." Walang emosyong sabi niya na nagpagulat sa akin. P-pero ..

"P-pero si S-sofia? P-paano siya?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. 

Bigla naman siya lumapit sa akin. Hinawakan niya sa isang kamay ang mukha ko at tinitigan ako sa mata. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ba't niya ginagawa 'to?

"Have an affair with me." Deretso siyang nakatingin sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang 'yun.

What?!

Me? An affair?

"NO!" Mabilis kong sabi saka lumayo sa kanya. AYOKO! 

"Then I have no choice but to take Nichole away from you." 

What?! 

I don't know! Pero ang kapal ng mukha niya!

Ang sama niya!

Baket niya kailangan gawin 'to?

Ewan ko pero halo halo ang iniisip ko ngayon. Naguguluhan ako na natatakot na kinakabahan na nagagalit. Hindi ko alam!

"How dare you?" Seryosong tanong ko sa kanya, Kasi honestly, hindi ko alam ba't bigla bigla niya 'tong ginagawa. 

"Oh ayun na si Nichole, inaantay ka na ata." Bigla niyang sabi kaya sinilip ko kung andun ba si Nichole at andun nga. Kaya dali dali kong binuksan ang pinto saka bumaba sa kotse pero bago 'yun.

"Pag-isipan mo Ms. San Jose." Rinig kong habol niyang sabi sa akin. Hindi ko nalang pinansin at deretsong bumaba saka pumunta sa anak ko.

"Mommy!" Agad niyang salubong sa akin nung makita niya ako. 

Nang makarating ako sa kanya agad rin ako umupo para pumantay sa kanya saka siya niyakap. Ewan ko pero bigla nanaman ako nakaramdam ng takot. Kaya humigpit yung yakap ko sa anak ko. Hindi. Hindi ako papayag na makuha ka niya sa akin.  

"Aww, mommy. You really missed me that much? Your hug is so tight that I cant even breathe." She joked kaya kumawala na ako saka humarap sa kanya.

"hahahaha yeah right, mommy missed you really that much." I said then slightly pinch her nose.

"So let's go?" I smiled at her when she nod her head as a response. 

I love my daughter so much that I will sacrifice everything just for her. She's already my life. Kaya hindi ako makakapayag na ilayo siya akin ng kahit sino.


Note: Nag-UD ako hahahaha! Natuwa kasi ako sa dalawang comment. Hihi thankyou sa inyo. Kahit dalawa lang yun, okay na ako dun. :) Salamatttt


Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 2.3K 7
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
142K 7.8K 22
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
33.1K 1.7K 19
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...