Chapter 5

254 15 13
                                    

Frey's POV

"Bakit ang tagal mong tinago sa'kin ang anak natin?"

O_O Kinakalibutan ako pag naririnig ko yung "anak natin".

Ewan ko. Pero di ko alam ang isasagot ko. Ano bang isasagot ko sa tanong niya? Saka nagtataka parin ako paano niya nalaman? Anong balak niyang gawin?

"Excuse me, sir. Ito na po yung order niyo." Naka hinga ako ng malalim ng biglang sumingit yung waitress. Buti nalang. 

"Okay, thank you." Sagot niya sa waitress saka ito umalis. Humigop na muna ako ng kunti sa kape para mabawas bawasan ang kaba ko. Kinakabahan talaga ako.

"Miss San Jose." Bigla nanaman niya uling tawag. Ano ba kasi isasagot ko sa kanya?! Nakatingin siya sa akin ng seryoso kaya tiningnan ko rin siya.

"H-ha? A-anong sinasabi mo?" Kinakabahang tanong ko kasi hindi ko talaga alam ang isasagot. Pero lalong lumalim yung titig niya sa akin.

"Look .. Please don't act as if you know nothing. Just answer my question. Bakit ang tagal mong tinago sa'kin 'to?" Kalmadong tanong niya na nakatingin parin ng deretso sa mga mata ko.

Nanahimik lang akong yumuko hindi ko kasi talaga alam kung ano bang isasagot ko sa kanya. Kung mag mamaang-maangan pa ba ako? Kung itatago ko parin ba sa kanya ang anak namin? Kung magsisinungaling ba ako na  hindi siya yung ama dahil isang beses lang naman may nangyari sa amin o aaminin ko nalang ba na siya nga yung tatay ni Nichole? Pero paano kung kunin niya sa'kin ang anak ko? Hinding hindi ko hahayaang mangyari yun. 

Maya maya may inabot siya sa akin envelope. "Basahin mo." rinig kong sabi niya matapos i abot sa akin ang envelope. Kinuha ko naman ito saka binuksan at binasa ang mga papel kung ano ang naroon. 

O_O

DNA test?!

Paano?

Paano siya nakakuha ng DNA sa anak ko?

Dahil ba dito kaya niya nalamang anak niya si Nichole? Pero saan siya nakakuha ng DNA ng anak ko? Hindi kaya, hindi naman 'to totoo?

"Nakuha ko yung DNA ni Nichole sa tumbler niya ng tubig. Sinadya ko 'yun para malaman kung anak ko nga ba talaga si Nichole dahil unang kita pa lang naramdaman ko na akin yung batang yun." Rinig kong sabi na akala mo'y narinig ang mga tanong sa isip ko.

"Ngayon.. Frey, bakit mo tinago sa akin ang bata?" Dugtong niya pa. Tiningnan ko siya sa mata. Kitang-kita ko na gusto niya talaga marinig ang sagot ko. 

"Pagkatapos nung gabing may nangyari sa atin hindi na ako nagpakita sa'yo. Hindi ko kasi alam na magbubunga pala yung ginawa nating 'yun. Akala ko wala lang pero hanggang sa nalaman ko na buntis pala ako. Una natakot ako sa pamilya ko, sa mga tao, sa mga sasabihin nila kapag nalaman nilang buntis ako, kaya napag desisyunan ko sanang ipalaglag nalang dahil alam kong magiging masama ang tingin nila sa akin. Natatakot ako. Ang bata ko pa kasi nun lalo na hindi ko kilala ang tatay ng dinadala ko. Hindi naman kasi kita kilala, ni pangalan mo di ko alam kaya sabihin mo nga sa akin kung paano ko masasabi sa'yo na naanakan mo ako? Pero nagbago ang isip ko, ayokong pumatay ng tao lalo na't anak ko yung papatayin ko kaya napagdesisyonan kong maglayas at buhayin ang bata ng mag-isa. Nakayanan ko naman. Kaya hindi na ako nag-abalang hanapin ka pa." Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko habang sinasabi sa kanya ang mga salitang 'yun. 

Habang naiyak bigla ko nalang naramdaman na may humawak sa mga kamay ko. Tiningnan ko siya. Nakatingin lang din siya sa akin. Bigla nanamang may iba sa pakiramdam ko kaya agad kong binawe ang kamay ko saka nag-punas ng luha. Tumingin ako ng oras malapit na pala ang uwian nila Nichole kailangan ko na siyang sunduin kaya tumayo na ako. 

I Got Her PREGNANTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon