Falling Inlove With My Roomma...

By dark19

279K 6.1K 283

ang ma-inlove sa isang tao ay normal...ang mainlove sa dalawang tao ay nagkataon, pero main-love ka sa dalawa... More

Falling Inlove With My Roommate
>>ANDY
>>ANDY part2
>>Russell
>> the Side Effect of Kiss
saving pride versus truth behind feelings
Categorizing the two feelings
Who Play with Dominique?
Being with Andy
I'm sorry , I love you roommate!
Andy's Love Disorder
Russell's Past
Start of Being Her Girlfriend
The Tense
Russell's Father decission
The one who is given a chance
twist
Dominique's Crisis
This day.....
Her Mother
The offer
The vocalist
The fall down
Between the choice

>>Russel part2

11K 251 6
By dark19

Russell's POV

Yung lungkot sa mga mata nya mabilis na nawala,at saka sya ngumiti sa amin. Bumangon ako sa kama  

habang si Ronby naman ay hihikab hikab na nakaupo sa kama ko at yakap ang unan nya. Tinabihan nya  

ako matulog sa kama ko kase natakot ako nung nagblackout kagabi. May phobia ako sa dilim dahil sa  

aksidenteng kinasangkutan ko 8 years ago.

"  

A-Andy ano kase.....yung nakita mo....."  

hindi ko n natapos yung sasabihin ko ng humirit sya

"wala kang dapat na ipaliwanag sa akin Russel...bakit ka magpapaliwanag sa akin? Mag ano ba tayo?"  

nakangiti nyang sinabi sa akin. Hindi ko maintindihan yung sarili ko kung bakit parang piniga yung puso  

ko ng marinig ito mula sa kanya. Oo nga,bakit ako magpapaliwanag sa kanya eh wala namang TAYO sa  

pagitan namin.di ko alam kung bakit nag init yung gilid ng mata ko, napasinghap ako ng hininga ko para  

hindi mahulog yung mga luha ko na kung tutuusin walang sense kung bakit papatak sya ngayon.

Napatango lang ako bilang tugon sa mga tanong nya na masakit sa loob ko yung sagot. "ligo lang ako..."  

paalam ko, kinuha ko yung towel ko at saka ako lumapit sa locker ko para kumuha ng underwear ko.

Narinig ko yung kaladyaan nilang dalawa doon sa kama ko.

"Kala ko ba bestfriend tayo bakit di mo sinabi sa akin na may something na pala sa inyo ni Russell? I  

hate you Kamote! Roommate nyo akong naituring bakit naglihim kayo sa akin...."  

Naghihinampong turan  

ni Andy

"Ano ka ba Kamote aksidente yung nakita mo kanina? Linis linis din ng maberdeng utak pag may time..."  

natatawang sabi ni Ronby na halata din sa boses nya na tense sya sa nangyare. Dumiretso na ako sa loob  

ng banyo at nilock iyon. Pesteng luha na to! Kumawala na sa mga mata ko.Asar kang Andy ka!

Simula ng dumating sila sa buhay ko,hindi na naging stable yung relasyon namin ni Silver. Kagaya  

ngayon,mag iisang buwan ng hindi tumatawag sa akin at kasalanan ko kung bakit, nakalimutan ko kase  

yung anniversary lang namin. Ilang beses ko sinubukang magsorry sa kanya...wala deadma. Kung bakit  

ko nakalimutan? Masyado na akong stress sa pag iisip sa feelings ko sa dalawa kong roommates.  

Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi naman ako ganito dati, na maattract sa kapwa ko babae at ang  

malala sa dalawang tao pa!di na tama to eh. From now on.....papatayin ko na yung feelings ko sa  

dalawang yun...simpleng pagkacrush lang to!

Andy's POV

Kasama ko ngayon yung pinsan ko, si Dominique,nagmomodelo sya habang nag aaral. Na sa isang party  

kami ngayon ng kaibigan nya,isinama nya lang ako dahil naramdaman nyang malungkot ako. Husay ng  

instinct nya kase totoo. Nasa labas kami ng bahay ng kaibigan nya at nakasandal kami sa bagong kotse  

na regalo ni Kuya Adam sa akin, Lamborghini Aventrador na kulay Green.may kakayahan akong mag  

condo pero di ko kayang di makasama si Russell lalo na ngayong malapit na sya sa akin. Mahal ko na sya,

at iyon ang totoo.nung nakita kong nagdikit yung mga labi nila ni Ronby, yung dibdib ko nakaramdam ng  

mainit at parang pinipiga yung puso ko,inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko para di kumawala yung  

luha ko sa mga mata ko at lahat ng tapang ko inipon ko ng nasagad para magawa ko lang ngumiti sa  

harap nila. Kung nakakamatay lang yung selos marahil may puntod na ako sa harap nila.ilang araw na rin  

akong hindi umuuwi sa dorm, miss ko na sya pero di ko lang talaga kaya na makita syang masaya sa iba  

at hindi sa akin. Si Ronby,wala akong sama ng loob sa kanya at takot din akong mawala sya sa akin kahit  

dalawang buwan pa lang kaming magkasama, bestfriend na ang turing ko sa kanya,sa lahat ng bagay  

sinuportahan niya ako. Lagi din sya sa tabi ko kapag malungkot ako.

"ipaglaban mo kase ng hindi ka nagmumukmok dyan...mahal naman bakit aanga angang tulaley  

parati!!!"  

sabi ni Dom sabay abot sa akin beer in can.

Alam nya na tinamaan ako sa isang babae at tanggap nya ko, kaya mahal na mahal ko tong babaeng to  

laging nakasuporta sa akin eh!

"di naman masamang magive way sa bestfriend di ba?"  

sabi ko at tama kayo ng basa magpaparaya ako.

"you know what? Talent mong magdecide agad agad noh? Walang masamang desisyon lalo na sa pag  

ibig,lahat mabuti,paano nga lang ba sya napapasama? Kapag hindi ka na komportable sa desisyon  

mo,rules ng life, magdesisyon ka at lumagay ka sa bagay kung saan ka masaya...."  

Sabi ni Dom

"Paano kapag i-reject nya ko? Di ko yata kakayanin...."  

Naluluhang sabi ko

"maraming tanga dahil sa pag-ibig, at hindi masamang mapabilang doon kase nagmamahal ka lang  

din...yung mga tanga doon sila talaga yung matatapang kase mas naniniwala sila sa faith na mamahalin  

din sila ng mga taong pinagkakatangahan nila.....magpamembership ka na sa samahan nila before totally  

mawala sya sayo....at least you try na iparamdam at masabi sa kanya kung gaano mo sya kamahal....at  

tandaan mo masamang maging tanga na hindi lumalaban,mas mainam maging tanga na lumalaban kahit  

masakit na sa mata ng ibang taong nakakakita sa katangahan mo sa taong mahal mo.kapag pagod ka na  

talaga at narealized mong tanga ka na di masamang huminto na,at least lumaban ka."  

Sabi nya. Tama si  

Dom,dapat ipaglaban ko tong feelings ko at sisimulan kong iparamdam muna sa kanya kung gaano ko  

sya kamahal.

Ronby's POV

Lahat ng bagay gagawin ko para sa kanya. Masakit sa akin na hindi nya ko marecognize, alam kong may  

phobia sya sa dilim dahil sa accident na kinasangkutan nya 8 years ago. Bestfriend ako ni Russell. Nung  

mga bata pa kami before mangyare yung aksidente,pinangako ko sa kanya na poprotektahan ko sya kase  

mahalaga sya sa akin. Napakavulnerable kase nya kahit hanggang ngayon naman. Nagkaroon sya ng  

partial lost memory at kabilang ako sa alaala nya na nawala at hindi na naretrieved pa, ilang beses na  

akong nagtangkang lumapit sa kanya pero ayaw sa akin ng pamilya nya lalo na yung daddy nya at ayun  

tuluyang hindi na ako nakalapit sa kanya,lumipat kase sila ng bahay para magkapagsimula na sila ng  

bagong buhay.sabi ng Dad nya kailangan daw ni Russell na makapagsimula ng bagong alaala at hindi ako  

kasali doon. Sobrang sakit noon para sa akin kaya ngayon malapit na sya sa akin,gagawin ko ang lahat

para sa kanya dahil mahal ko sya ng higit pa sa isang kaibigan. Gagawa ako ng paraan para mahalin din  

nya ko. at walang makakaagaw kay Russell sa akin, kahit si Silver pa. 

........................................................................................................................................................................................  

Hayyyyy! Kanina ang init ngayon naman wagas makaulan.....thanks sa lahat ng nagbasa

Continue Reading