Loving You From Afar

By suffocatinglove

14.8K 256 23

[Property of: Miryl M./suffocatinglove] Naranasan mo na bang ma-inlove sa taong imposible ka namang mahalin p... More

PROLOGUE
ONE - Meet Zaree Ysabelle.
TWO - Bestfriend.
THREE - Report Card.
FIVE - Basketball Game.
SIX - Tutorial.
SEVEN - Gig.
EIGHT - Tanga.
NINE - Guy in Black.
TEN - He's back.
ELEVEN - Deny pa more.
TWELVE - Maling akala.
THIRTEEN - Mahal kita.
FOURTEEN - Mahal mo din ba?
FIFTEEN - Drama.
SIXTEEN - Travis.
SEVENTEEN - Bonding.
EIGHTEEN - Nag-iisa lang.
NINETEEN - Expected.
TWENTY - The Break-Up.
TWENTY-ONE - Sparks.
TWENTY-TWO - Friends.
TWENTY-THREE - The Truth.
TWENTY-FOUR - I'm Always Here.
TWENTY-FIVE - Protector.
TWENTY-SIX - We Could Happen.
TWENTY-SEVEN - Paper Roses.
TWENTY-EIGHT - Love is Sacrifice.
TWENTY-NINE - Hunter Salazar's POV.
NOTE - #VoteKathrynFPP #KCA
THIRTY - The Chase.
EPILOGUE
Author's Note

FOUR - Hunter Grae.

559 15 2
By suffocatinglove

Hello guys! Sorry if I wasn't able to post the chapter four yesterday because I spent the whole christmas day with the fam, hehe. Sooo, how's your christmas?

P.S: KathNiel's Christmas Album is now available on spotify! Pwede niyo na siya pakinggan kung hindi pa kayo nakakabili ng mismong album. Just search for "Christmas Love Duets". (Hehe, segway lang 'to. Ang ganda kasi nung pagkaka-kanta nila nung christmas songs.)


-----


{FOUR}



"A-anong ginagawa mo dito?"



Lumapit naman siya sa akin tapos nginitian ako. Wag kang ganyan, Hunter. Ayoko pang mamatay.



"Pinatawag kasi ako ng principal kanina at ang sabi niya may magiging private tutor daw ako at nalaman kong ikaw pala yon."



"So, kilala mo pala ako?"



Ay ang bobo mo talaga magtanong, Zaree! Malamang kilala ka niya! Nahanap ka nga niya, diba?



"Oo naman, you're Zaree Ysabelle Salameda, right? Sinabi sa akin ng principal, syempre." nilahad niya naman ang kamay niya at tumango ako.



Kinuha ko naman ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kanya, "Yes, it's me. I'm your private tutor."



"Well, I'm Hunter Grae Salazar. You can call me Hun for short." Ngumiti naman siya ng nakakaloko.



"Hun?"



"Hun short for Honey."



Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko. Hunter naman kasi!



"Joke lang, Zaree. Just call me, Hunter or Grae. Basta, kung anong trip mo."



Tumango-tango naman ako at nginitian din siya. Pwede niyo ba akong kurutin? Baka nananaginip lang kasi ako eh!



"So, kelan mo gustong mag-start?" nakapameywang siya at hinihintay ang pagsagot ko.



"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?"



Natawa siya ng konti tapos kumamot sa batok niya, "Ay sorry, hehe."



Hunter, mahal pa rin kita kahit corny ka.



"Bukas na lang? Padilim na din kasi eh."



"Ah, sige ba! Wala ba kayong assignment ngayon?"



"Hmm..." tinapat niya naman ang index finger niya sa baba niya at kunwaring nag-isip, "Wala naman."



"Okay."



Bakit sila walang assignment tapos kami meron?! Grabe, unfair!



Tumalikod naman siya at maglalakad na sana paalis pero huminto siya at humarap ulit sa akin, "Teka, bakit nga pala nandito ka pa? Gabi na ah?"



"Ah, hinihintay ko kasi si Travis eh."



"S-si Travis?" Oo, Hunter! Bakit ba ang tagal-tagal ng bestfriend mo?



"Oo eh, sabi niya kasi sabay daw kaming uuwi ngayon."



Napansin ko ang pag-iba ng aura niya. Teka, nag-iba ng ba or nagi-imagine lang ako? Weh, Zaree. Assuming ka talaga, forever.



"Hindi ba siya nagtext sayo?"



"Hindi pa nga eh."



"A-ah, gusto mo sabay ka na lang sa akin?"



Ano daw? Sabay na kami? Tama ba ako ng pagkakarinig?



"K-kung ayaw mo, okay lang naman." ngumiti naman siya ng pilit.



"Diba ihahatid mo pa ang girlfriend mo pauwi?"



Nanlaki naman ang mga mata niya tapos lumapit sa akin, "A-ah ano kasi, may practice pa sila ng cheerdance sa gym."



Ay oo nga pala. Cheerleader nga pala si Cassy.



"Okay lang ba sa kanya? Baka magalit sa akin si Cassy ha."



"Hindi yun 'no! Kaibigan naman kita eh."



Wow, mag-kaibigan na kami? Agad-agad?



"Sige na nga—"



"Zaree Ysabelle!"



Napalingon naman ako sa may gate ng campus namin. Nakita ko doon si Kuya Zed na prenteng-prenteng naghihintay sa may gilid at nakapamulsa pa siya. Ano namang ginagawa niya dito?



Nilapitan ko naman si Kuya at napansin kong sumunod din sa akin si Hunter sa paglalakad.



"Anong ginagawa mo dito, Kuya Zed?"



"Sinusundo ka."



"Ha? Bakit naman? Kaya ko na ang sarili ko, Kuya!"



Lumapit naman siya sa akin at bumulong, "Pakilala mo naman ako dyan sa kasama mo. Boyfriend mo ba yan?"



Ngumiti naman siya ng nakakaloko at lumayo ng konti sa akin. Nagulat naman ako ng tapikin niya si Hunter sa balikat nito at inakbayan pa. Wow ha, feeling close.



"Ingatan mo 'tong kapatid ko ha? Ano nga palang pangalan mo, pare?"



Siya naman ang umakbay kay Kuya Zed, "Hunter Grae Salazar, pare."



Wow 'pare', close na yata talaga. Tss.



"Halika na, Kuya Zed! Umuwi na tayo!" hinila ko naman si Kuya palayo kay Hunter.



Pinigilan naman ako ni Hunter at hinawakan niya pa ako sa braso, "O-oy, teka! Akala ko ba ako ang maghahatid sayo?"



"Mukhang nakakasira yata ako dito ah." Hinampas ko naman ng mahina si Kuya sa braso niya ng sabihin niya yon.



"Ah hindi na muna, Hunter. Salamat na lang ha? Nakakahiya naman kasi kung isasabay pa natin si Kuya diba? Next time na lang."



"Anong nakakahiya don, Zaree? Gusto ko din makasakay sa sasakyan— AW! BRUTAL!" sinuntok ko ng mahina si Kuya sa tyan niya at nginitian naman ng pilit si Hunter.



Lumapit naman ako at bumulong sa kanya, "Kuya, tara na! Nakakahiya ka talaga."



"Okay lang naman sa akin, Zaree. Ano, hatid ko na kayong dalawa ng Kuya mo?"



"Tara na nga, Hunter! Matatagalan pa yan sa pag-iisip si Zaree eh! Mauna na tayo sa kotse mo!"



Hay, Kuya Zed. Panira ka talaga ng moment!



**



Habang nasa daan kami pauwi ay panay lang ang kwentuhan ni Kuya Zed at Hunter. Biruin mo yon, ngayon lang sila nagkakilala ni Hunter, close na agad sila? Eh, mas nauna naman ako ng ilang minuto na makilala si Hunter kaysa kay Kuya Zed 'no. Tss.



"Alam mo, pareng Hunter, try mo minsan bumisita sa bahay para matikman mo si Zaree."



Ano kamo?!



"Ha?" napansin kong kumunot ang noo ni Hunter dahil sa sinabi ni Kuya.



"Ang ibig kong sabihin, minsan try mong bumisita sa bahay para matikman mo yung specialty ni Zaree na adobong manok! Aba, the best yan magluto non, diba kapatid?" ginulo naman niya ang buhok ko pero sinamaan ko lang siya ng tingin.



Nasa likod kasi siya naka-upo at nandito naman ako sa shotgun seat, bale magkatabi kami ngayon ni Hunter dahil malamang—siya ang nagda-drive.



"Ah, yun naman pala." Halatang pinipigilan pa ni Hunter yung pagtawa niya.



Hay nako, Kuya! Patay ka talaga sa akin pag-uwi natin sa bahay!



"Dito na lang, pare." Tinapik naman ni Kuya Zed sa balikat si Hunter kaya hininto niya na ang sasakyan.



"Paano? Mauuna na akong pumasok sa loob ah? Baka kasi maglabing-labing pa kayo dyan eh. Ingat, kapatid!" tinap ako sa ulo ni Kuya tapos maya-maya pa ay may binulong siya kay Hunter na siya namang ikinatawa nito.



"Pumasok ka na nga sa bahay niyo, pare!" tinapik naman ni Hunter si Kuya sa balikat niya at tuluyan na nga itong lumabas ng sasakyan.



"Pagpasensyahan mo na si Kuya ah? Anong sinabi niya sayo? Bakit ka natatawa dyan?" nag-cross arms naman ako at hinintay ang pag-sagot niya.



Napa-lipbite naman siya para pigilan ang pagtawa, "Wala yon, wag mo nang intindihin ang Kuya Zed mo. Teka, eto na ba ang bahay niyo?"



Itinuro niya yung bahay namin at tumango naman ako, "Pasensya ka na ah. Maliit lang talaga ang bahay namin dahil hindi naman kami mayaman."



"Shh." Tinapat niya naman ang index finger niya sa labi ko, "Wala akong pakialam kung hindi kayo mayaman, okay? Wala lang yon sa akin, Zaree."



Ngumiti naman ako at nagpaalam na sa kanya, "Oh paano? See you na lang tomorrow, okay? Bye!"



"Opps. Wag ka munang lalabas."



"Huh? Bakit?"



Hindi niya naman ako sinagot at lumabas na lang siya ng sasakyan para makaikot sa may pwesto ko, "Oh ayan, pwede ka nang bumaba, Zaree."



"Thanks, Hunter."



"You're welcome."



Kung ganito lang kami ni Hunter araw-araw, pwede nang sumabog ang puso ko sa sobrang saya. Kaso hindi pwede eh.



-----

Author's Note: Just leave a comment if you want me to dedicate you in this story. Thank you! :)




Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 103 38
[COMPLETED] Her name is as beautiful and brightest as her. But Samarra 'Summer' Merranda isn't always like that. Yes, she can smile, she's jolly some...
9.4K 360 13
From different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will thi...
379K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
48.3K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...