Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 39

72.3K 1.8K 54
By sweet_aria

Chapter 39

"G-girls..." Tawag ko sa aking mga kaibigan habang nakatingin sa kanya.

"Why are you crying?"

His voice, I missed it so much.

Iniwas ko ang tingin dahil hindi ko na ito matagalan. Sinulyapan ko si Jemimah at humawak sa isa sa mga kaibigan ko, si Asia.

"L-let's go."

Hindi ko na iyon kinailangang ulitin pa dahil tumayo na agad ang tatlo. Mabilis ang paglakad ko nang maramdaman ang pamilyar na hawak sa aking braso.

Hindi ko man siya lingunin ay alam kong siya ito. "T-tama na Phoenix. Tama na please... ang sakit sakit na." Humikbi ako, hindi alintana ang mga taong nanonood sa amin. "Palayain na natin ang isa't-isa. Nagmamakaawa ako."

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Inipon ko ang aking lakas para alisin ang kanyang kamay.

"I can't. I can't binibini. And f uck... I'm still hoping that we won't end."

His voice was so weak I nearly fell on my knees. Mabuti na lang ay napahawak ako sa braso ni Asia na nasa aking kaliwa.

Dalawang linggo kaming hindi nagkita at hindi ko ikakailang labis akong nangulila sa kanya. Pero hindi na dapat. Ang dapat ay sanayin ko ang sarili ko na wala na. Hindi na puwede. Ang relasyong ito ay magdudulot lang ng labis na sakit sa aming dalawa.

"Wag mo na akong pahirapan Phoenix-"

"It's difficult for me too-"

Hindi ko rin siya pinatapos at tumalikod. Kailangan ko nang makalabas dito bago ko pa makitang muli ang kanyang ina.

"F uck, binibini!"

Napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko ang mga kaibigan ko, napatigil din sila. Pinunasan ko ang aking mga luha.

Pasakay na kami ng taxi at hindi ko akalaing sinusundan niya pa rin kami.

"Why can't we carry on? Why can't you fight for me? What do I have to do... for you to stay?" Nanginginig ang kanyang boses sa pagsigaw niya niyon.

"G-god ang sakit..." Ani Marian.

Tinignan ko siya na umiiyak na sa aking tabi. Napatakip ako sa bibig at pumasok sa taxi. Sumunod sila at pinaandar na ng driver ang sasakyan.

Ilang sandali kaming tahimik at tanging ang paghikbi ko lamang ang maririnig. Inalo ako ni Asia.

"Anong nangyari?" Hinawakan ni Oria ang aking kamay.

"Sinundan ka ba ng mommy niya sa rest room?" Tanong ni Asia at pinagpatuloy ang paghaplos sa aking likod.

Kinalma ko ang aking paghinga bago sumagot, "O-oo." Pumikit ako.

"Shit." Mura ni Oria.

"Anong sabi?" Tanong pa ni Asia.

"Hiwalayan ko na raw si Phoenix. Ang sakit girls. Kahit na wala na naman kami ay hindi ko mapigilan ang sakit. Mas malala pa nga. Alam ko naman na marami talagang babae ang higit sa akin. Ang higit na nababagay sa k-kanya."

"Sinasabi ko na nga ba! Sana kasi hindi na lang tayo sumabay mag dinner sa kanila! Kanina pa ako kinukutuban doon sa nanay niya! Kung ano naman kasi ang pumasok sa isip mo Millie!" Binitawan ni Oria ang kamay ko at muling napamura nang mahina.

"Ayokong maging bastos sa harap nila..."

"Mas bastos ang ginawa ng nanay niya! Anong pakialam niya sa relasyon ninyo ni Phoenix? Couldn't they move on? Hindi dapat kayo damay sa nangyari sa nakaraan!" Sagot ni Oria.

"Mabait si Mrs. Dela Vega. Ang gusto niya lang naman ay mapabuti ang anak niya. Kung sa akin nga naman mapupunta si Phoenix ay anong magiging dulot ko sa kanya? Kahihiyan?"

"Do you hear yourself Millicent?"

Umayos ako ng upo at inalalayan ako ni Asia. I looked at Oria's face and all I could see was concern. Iniwas ko ang tingin at pinahid ang mga luha sa pisngi.

"'Yan ang hirap sa'yo. Masyado kang mabait. Hindi ka marunong lumaban!" Dagdag pa ni Oria.

"Paano ako lalaban kung hindi umaayon ang sitwasyon sa akin? Paano ako lalaban kung sobrang nahihirapan na ako... ikaw man ang nasa sitwasyon ko, may inang may sakit at nangangailangan ng pag-aaruga mo, kakayanin mo bang ipaglaban pa ang pag-ibig na noon pa man, kahit hindi pa nagsisimula ay may nagbabadya ng hadlang?"

She didn't answer. I got her there.

"Hirap na hirap na ako..." Humikbi ako at muling humilig sa balikat ni Asia. "Mas makabubuti 'tong naging desisyon ko."

No one dared to speak after that. Ipinagpasalamat ko iyon.

Nakarating kami sa bahay at sinamahan pa nila ako. Tumigil na rin ako sa pag-iyak dahil ayokong makita ng nanay na ganoon ang itsura. Noong isang linggo kasi ay may mga nararamdaman na naman siya at sobra ang pag-aalalang idinulot niyon sa akin. Hindi ko siya madala sa hospital dahil pilit niya akong tinatanggihan.

"Ilang linggo o buwan kang hindi dinatnan?" Naglalakad na kami papasok ng bakuran nang itanong iyon ni Marian.

Tahimik lang ako hanggang sa luminaw sa akin kung ano ang kanyang tanong. Humampas ang kaba sa aking dibdib.

Umiling ako bilang sagot. Hindi ko matandaan.

Pumasok kami sa loob ng bahay at nadatnan ang nanay at mga kapatid ko na nanunuod sa sala. Nakaupo sila sa settee.

Agad na umayos ng upo si Neo nang makita kami. "Ate!"

Lumapit si Oria sa nanay at nagmano. Sumunod naman sina Marian at Asia. Humalik sa akin ang mga kapatid ko.

"Nay kamusta?" Tanong ni Oria sa nanay.

Nagmano rin ako sa kanya.

Matamis na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Ayos naman. Eto... hindi pa inaantok. Kaya nanunuod muna kami. Kamusta kayo Oria?" Nilingon niya ang dalawa ko pang kaibigan. "Asia... mas lalo kang gumaganda. Ito namang si Marian ay lalong sumesexy."

"Sus! Eh ako nay?" Ngumuso si Oria. Hindi na inintindi ang tanong sa kanya dahil sa narinig. Siya lang kasi ang hindi pinuri ng nanay.

"Ikaw pa rin ang pinakamaganda sa inyong tatlo..." Natatawang tugon ng nanay.

Naiiling sina Marian at Asia habang tumatawa. Nang lingunin ako ni Oria ay nawala ang kanyang ngiti. Tumungo ako sa kusina, naramdaman ko ang kanyang pagsunod.

"Millicent..."

Nilingon ko siya. Ibinaba niya ang mga supot sa lamesa at may kinuha dito. Tila ilang lasti ang pumitik sa dibdib ko nang makita ang mga hawak niya.

"O-oria... hindi pa ako handa." Tinalikuran ko siya.

Agad naman niyang nahablot ang braso ko. Muling umahon ang mga tubig sa aking mata ngunit pinigil ko ang pagbagsak nito.

"You need to face it..."

Kinagat ko ang labi at humawak sa isa sa mga upuan. Inusog ko ito at umupo. Umupo siya sa aking tabi. Pinilit niya rin ang paharapin ako sa kanya.

"Nandito kami. Hindi ka namin iiwan. Kahit anong mangyari, Millie." Dinampot niya ang mga pt at inilahad ito sa akin. "Sige na."

Ilang sandali ko muna itong tinitigan. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ito sa kanya. Huminga ako nang malalim at pumunta sa CR. Binasa ko ang instructions at sinunod ito.

Ilang minuto ang lumipas ay lumabas ang resulta. Pumikit ako nang mariin at malungkot na ngumiti. Ginamit ko ang isa at nang muli kong basahin ay ganon pa rin ang kinalabasan. Hanggang sa huling pt ay walang pinagbago.

Lumabas ako pagkalipas ng ilang minuto. Ang mga tuhod ko ay tila mga kawayang naggagalawan dahil sa malakas na hangin dulot ng nagbabadyang bagyo. Gumagaan ang ulo ko na para akong lilipad. Ang aking mga kamay ay nanginginig. Wala man lang akong lakas para labanan ang halu-halong pakiramdam na ito.

Inangat ko ang ulo at nakita si Oria na nasa gilid ng CR, hinihintay ako. Suminghap ako at ang mga luha ay nag-unahang bumagsak. Inilahad ko sa kanya ang mga ito.

Binasa niya ito at namutla ang mukha. Tumulo ang kanyang luha at niyakap ako. "Nandito lang kami..."

Tumango ako at mas hinigpitan ang yakap. "Kahit wala siya... aalagaan ko ang batang ito."

"Kaya mo 'to..." Pagpapalakas niya ng aking loob.

Tumango ako. "K-kahit mahirap. Amin to eh. Akin at sa lalaking mahal ko."

Tumango rin siya at malungkot na ngumiti. Humikbi ako at halos hindi na makahinga sa pagpipiit pa ng mga nagbabadyang paghikbi. Ayokong marinig ako ng nanay.

"Be strong, Millie."

"Yes... for our b-baby." Napangiti ako dahil sa mga salitang namutawi sa aking bibig. Our baby.

Inakay niya ako pabalik sa kusina at pinunasan ang mga luha sa aking pisngi.

Ibinaba niya ang tatlong pt sa mesa nang makaupo na kami. "Anong plano mo?"

Tumungo ako. "Di ko pa alam Oria. Ang sigurado ko lang ay... mamahalin ko ang batang 'to tulad nang... pagmamahal ko sa kanya."

"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin." Bumuntong-hininga siya. "Are you going to tell this to him?"

Umiling ako.

"But he has the right to know."

Hindi ako nakasagot. Ilang sandali kaming napagitnaan ng katahimikan nang pumasok sina Marian at Asia. Agad silang lumapit sa amin.

Bumagsak ang tingin ni Asia sa mga bagay na nasa mesa. "Tinatanong ng nanay kung okay ka lang daw ba? Dinig ang iyak mo doon." Seryoso niyang sabi at hindi kumukurap. Hindi niya maialis ang mga mata doon.

Si Marian ay pabalik-balik ang tingin sa akin at sa mesa. Kinagat niya ang labi at niyakap ako.

"Pati ang mga kapatid mo ay nagtatanong na rin." Dagdag pa ni Asia.

"Ako na ang bahala." Walang lakas kong sabi.

Humiwalay sa akin si Marian. Tumango si Asia at siya naman ang yumakap sa akin. Kinalma ko ang sarili hanggang sa tumigil ako pag-iyak.

Dinala ko ang mga kamay sa aking tiyan nang pakawalan ako ni Asia. Marahan ko itong hinaplos at tinignan.

"Magiging ninang na tayo..." Natatawa ngunit kita ko sa mga mata ni Marian ang lungkot.

Pati sila ay nadadamay sa mga pinagdadaanan ko.

"Pa check-up ka na bukas." Bahagyang ngumiti si Oria dahilan nang paglitaw ng kanyang dimples.

"Wag na muna. Sa day off ko na lang."

Gustuhin ko man ay kailangan ko munang mag-ipon. Ang ipinahiram ni Oria na pera ay ilalaan ko muna para sa pangangailangan ng nanay.

Umuwi na rin sila pagkatapos naming mag-usap tungkol sa mga plano ko sa dinadala ko. Nang isara ko ang pinto ay dumiretso ako sa kwarto. Kanina pa daw pumasok ang nanay sa kanyang silid para magpahinga. Mabuti na lang at sinabi ng mga kaibigan ko na sila na ang bahala sa akin.

Kilala ko ang nanay at alam kong iniisip niya na ang dahilan ng pag-iyak ko ay si Phoenix. Ngayon ay paghahandaan ko pa kung paano ito sasabihin sa kanya. Marahil ay bukas na lang, alam ko naman na hindi siya magagalit. Ngunit... ngayon pa lang ay inaasahan ko na ang awa at lungkot niya para sa akin.

Kinabukasan ay pinilit kong maging masigla. Sinabayan naman ako ng mga kaibigan ko sa siglang ipinakikita ko ngunit halatang nagkukunwari lang din sila.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga lotion at oils na dadalhin sa mga massage rooms nang mapadako ang tingin ko sa mag-inang nakaupo sa waiting area, may pinag-uusapan sila ng kanyang anak na babae. Ang bata ay mga kasing-edad ng kapatid kong si Nymph. She had her massage therapies with Oria. Hinihintay lang nila ito dahil may customer pa itong hinaharap sa loob.

"Ate... kanina pa po yung lalaki dun sa labas. Kilala niyo po ba iyon?" Tanong ng bata sa akin.

"Ha?"

Itinuro niya ang lalaking nakatalikod malapit sa pinto. Nang mapagmasdan ko ang kanyang matipunong likod ay umarangkada ang kaba sa aking dibdib.

"Kanina pa po siya diyan. Maybe an hour or two? Nang dumating po kami ay nariyan na siya." Nag-aalala ang mukha ng batang babae.

Nagpilit ako ng ngiti. Hindi ako nagsalita at tumungo sa massage room ni Oria.

"Oria..." Kumatok ako. "Oria nandito siya. A-anong gagawin ko?"

Bumukas ang pinto at bumungad ang nag-aalala niyang mukha. Lumabas iyong customer niya.

"O-oria..." Nanginig ang mga labi ko.

"Asan?"

"Sa labas. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dun."

Tumango siya at pinisil ang aking kamay bago ako iniwan. Sumandal ako sa pader at hinintay siyang makabalik. Ilang sandali lang ay tumatakbo siyang lumapit sa akin.

Lumunok siya at ang awa ay hindi naitago ng kanyang magandang mukha.

"Ano raw? Bakit siya nandito-"

"Pinapapasok ko-"

"Ano?!" Putol ko.

Bumuntong-hininga siya. "Pinakiusapan ko siyang umalis na dahil hindi ka naman makikipag-usap pero hindi natinag. Hindi pa yata pumasok sa trabaho kasi yung suot niya." Mariin siyang pumikit at agad ding nagmulat. "Wala na akong magawa kaya sinabi kong pumasok pero ayaw. Gusto niyang labasin mo siya, Millie."

Umiling ako. "Oria hindi pwede..."

"Hahayaan mo siyang nandoon?"

Tinamaan ako ng konsensya. Ilang segundo akong hindi kumibo.

"Lumabas ka na. Itaboy mo kung gusto mo. Wag lang yung ganto na hahayaan mo yung tao sa labas. He doesn't deserve this Millie. Tandaan mo, hindi pa malinaw sa kanya kung bakit ka nakipaghiwalay. Maaaring alam na niya ang nangyari sa pagitan mo at ng mommy niya pero yung tungkol sa sinabi ni Daucus-"

"Hindi na niya kailangang malaman iyon."

Hindi na siya nagsalita at hinigit ako papunta sa labas. Wala na akong nagawa. Hinarap ko si Phoenix at binalewala ang pagpigang nararamdaman sa dibdib.

"Anong ginagawa mo dito?"

Umayos siya ng tayo at hinawakan ang braso ko.

"Phoenix!" Pumiglas ako ngunit hindi niya ako binitawan.

Hindi siya nagsalita. Sinimulan niya akong hilahin papunta sa parking lot.

"Phoenix, saan mo siya dadalhin? Magdahan-dahan ka!" Sigaw ni Oria. Ramdam ko ang kanyang pagsunod.

"Don't follow us Oria." Walang emosyong sabi niya.

Napatingin ako sa kanyang mukha habang hindi pa rin tumitigil sa paghila sa akin. His eyes were puffy and wretched. Ang kanyang buhok ay medyo magulo. Nakaigting ang kanyang panga at nakakunot ang noo.

Isinakay niya ako sa backseat ng Chrysler. Lumayo ako sa kanya nang makapasok siya.

"Binibini..."

Lumunok ako at pinigil ang dapat pigilin. Tumungo ako ngunit winala niya ang distansyang pumapagitan sa amin. Hinawakan niya ang baba ko, agad kong pinalis ang kanyang kamay.

"Ilang beses ko bang sasabihin na tapos na tayo?" Pinilit kong patigasin ang boses. "Nababaliw ka na ba? Bakit ka nagbibilad sa araw? Bakit ka ganyan ha-"

Sumubsob siya sa kandungan ko at mahigpit akong niyakap. Tila napigil ko ang paghinga dahil sa ginawa niya.

"I question myself a lot of times than you do. Why do I love you this much? Why can't I free you?" Nanginig ang mga balikat niya at mas humigpit pa ang yakap sa akin. "It's hard... I just really can't."

Hindi ako makakilos.

"I was once despised. I fell apart. I did stand but this time... I don't know if I still can."

'Yun na nga. Nasaktan ko na siya dati at ngayon, sinasaktan ko na naman siya. Ilang sakit pa ba ang idudulot ko sa kanya? Ilang paghihirap pa? Kaya sana ay tanggapin na niya itong desisyon ko.

"You're hard to forget. Hard to replace... Ilang babae man ang dumaan sa kamay ko noon pero hanggang sa kamay ko lang sila. Hindi umabot sa isip at higit sa lahat sa puso. It's only you who got there. It's only you... who stayed there, Millicent." His voice broke.

"I-I'm sorry..." Pumikit ako at hindi na napigilan ang kamay na humaplos sa kanyang buhok. Last na 'to Phoenix. Last na 'to... ginoo.

Tiningala niya ako at tila sinakal ang puso ko nang makita ang napakagwapo niyang mukha na puno ng luha.

"Binibini, I can't lose you. Please, let's don't end this. Because if you do, my heart will die... again."

Continue Reading

You'll Also Like

5.2M 111K 43
AEGGIS Series #2 - Athan Falcon AEGGIS' Lead Guitarist First sight. First smile. First song. First kiss. First night. All of your firsts come only...
4.3M 122K 56
Being a perfect daughter is what Mera Francheska only wants in her life. She wants nothing but to please her parents and follow whatever they ask eve...
706K 19.4K 35
Lee Samson is the bassist of the famous rock band The Black Slayers. Most of the time he is just quiet, just listening to every stories that his ban...