My Super Kuya (Fantasy BXB 20...

Da Ai_Tenshi

315K 11.3K 601

Ito ang pamaskong handog ko sa inyong lahat. Sana ay magustahan nyo ang kwento ni Jonas at ng kanyang Super... Altro

My Super Kuya Part 1: Larawan
My Super Kuya Part 2: Imbitasyon
My Super Kuya Part 3: Regalo
My Super Kuya Part 4: Date
My Super Kuya Part 5: Paasa
My Super Kuya Part 6: Pag tatagpo
My Super Kuya Part 7: Action Star
My Super Kuya Part 8: Super Hero
My Super Kuya Part 9: Stranded
My Super Kuya Part 10: Pag kalito
My Super Kuya Part 11: Concert
My Super Kuya Part 12: Iwas
My Super Kuya Part 13: Biyaya
My Super Kuya Part 14: Kapatid
My Super Kuya Part 15: Bigkis
My Super Kuya Part 16: Dayuhan
My Super Kuya Part 17: Viatori
My Super Kuya Part 18: Mahika
My Super Kuya Part 19: Babala
My Super Kuya Part 20: Apollo
My Super Kuya Part 21: Roika
My Super Kuya Part 22: Pag kabata
My Super Kuya Part 23: Misyon
My Super Kuya Part 24: Lagnat
My Super Kuya Part 25: Senyales
My Super Kuya Part 26: Showbiz
My Super Kuya Part 27: Datus
My Super Kuya Part 28: Pangarap
My Super Kuya Part 29: Hudyat
My Super Kuya Part 30: Axel
My Super Kuya Part 31: Orbin
My Super Kuya Part 32: Desisyon
My Super Kuya Part 33: Landas
My Super Kuya Part 34: Bituin
My Super Kuya Part 35: Bagong Simula
My Super Kuya Part 36: Pag babalik
My Super Kuya Part 37: Ala-ala
My Super Kuya Part 39: Huling Laban
My Super Kuya Part 40: Takip Silim
My Super Kuya Part 41: Tahanan (END)

My Super Kuya Part 38: Sumpaan

4.9K 198 6
Da Ai_Tenshi

My Super Kuya

AiTenshi

Muling tumulo ang luha sa aking mga mata habang naka kulong sa kanyang bisig, "ang tinig na iyon.. ang malambing at magandang boses ni kuya Jorel kapag siya ay nag sasalita ay muling napakinggan." Ang bulong ko sa aking sarili kaya naman gumalaw din ang aking duguang kamay at niyakap ko ito ng mahigpit. "Welcome back, kuya Jorel."

Part 38: Sumpaan

"Tol, mabuti naman at gising kana" bati ni kuya habang naka ngiti, ang kanyang gwapo at maaliwalas na mukha ang sumalubong sa pag mulat ng aking mga mata. Sinuklian ko rin ang kanyang ngiti at hinaplos ito sa kanyang pisngi. "Kumusta ang pakiramdam mo?" ang tanong nito habang niyayapos ang aking ulo. "Mabuti na kuya, teka ikaw na ba talaga iyan?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanyang mga mata.

"Ako na to Jonas, salamat sa asul na bato na siyang nag balik ng aking ala-ala, at syempre salamat sa iyo at kay Apollo.. Kung wala kayo ay baka tuluyan na akong nalayo ng landas." Wika ni kuya habang isinusuot ang singsing sa aking daliri. "Teka, nasaan si Apollo?" tanong ko naman.

"Nandito ako, nag papahinga. Bali lang naman ang tatlong tadyang ko at pati ang aking braso ay napinsala rin. Masyadong malakas itong si Jorel kaya't ganito ang inabot ko" wika ni Apollo na tila nag mamaktol habang nakahiga sa kabilang kama at nag papahinga. "Pasensya kana Apollo, hindi ko alam ang ginagawa ko noong mga oras na iyon. Ni hindi ko nga matandaan kung paano kita nasaktan" wika ni kuya

"Eh ano pa nga bang magagawa ko" muling pag mamaktol nito dahilan para matawa kami ni kuya Jorel.

Tahimik..

Lumingon sa akin si kuya at niyapos nito ang aking pisngi.

"Namimiss kita tol, masaya akong makita kitang muli" malambing na salita ni kuya at nahiga ito sa aking tabi. Iniunat niya ang kanyang braso at dito nya ako pinahiga. "Payakap nga sa baby bro ko" bulong pa nito at doon ay niyakap nya akong mahigpit sabay halik sa aking labi. "Masaya ako na makitang maaayos kana kuya. Ang laki ng pinag bago mo, mas naging gwapo ka pa kaysa dati at mas lumakas" tugon ko habang pinipisil pisil ang pisngi nito. "ikaw rin naman e, parang hindi na kita baby bro, hindi kana mukhang baby. Malaki na ang katawan mo at tumangkad ka pa lalo. Dapat sayo ay "asawa" na ang tawag ko." Natatawang wika nito sabay halik sa aking pisngi. Napuno ng lambingan ang buong silid, syempre si Apollo ay natulog na lamang dahil wala naman siyang paki alam sa amin. Halik dito, laplapan doon iyan ang ginawa namin ni kuya Jorel buong mag hapon. Hindi ko rin maitago ang labis na kaligayahan sa aking puso dahil pakiramdam ko ay muling nabuo ang aking pag katao. Masaya ko ring ibinalita kina mama at papa na nakauwi na si kuya Jorel at halos mapaiyak silang dalawa noong makausap nila ito. Nagiging maayos na ang lagay ni papa at bumubuti na raw ang pakiramdam nito kaya't sa susunod na buwan ay maaari na silang maka uwi.

Noong araw ding iyon nag kwentuhan kami ni kuya tungkol sa mga ginawa ko noong mga nakakaraan taon na wala siya sa aking tabi. Naibalita ko rin sa kanya ang nakatakdang pag iisang dibdib nina Harry at Kuya Jeff sa susunod rin buwan at labis naman niya itong ikinatuwa. Syempre nabanggit din niya ang samin at aayusin daw namin ito pag uwi ng aming mga magulang dito sa bansa, kung gusto ko raw ay mag punta na kami ngayon sa Amerika sumakay na lamang ako sa kanyang likuran, instant eroplano lang ang peg nitong kuya slash kasintahan ko. Binalikan din ni kuya ang naging buhay niya sa ibang planeta noong nakalipas na dalawang taon, at habang nag kkwento ito ay hindi ko maiwasang mapatitig ng husto sa kanyang gwapong mukha na para bang napasa ilalim ako sa kanyang mahika.

"Hindi naging madali sa akin ang tumira sa ibang planeta, Una ay dahil malayo ako sa iyo at sa aking mga magulang. Hindi ako sanay na hindi ka nasisilayan o nahahalikan kapag gumigising ako sa umaga. At iba rin ang oras doon, mas matagal ito kaysa sa planetang Earth. Ang dalawang araw doon ay katumbas lamang ng isang araw dito kaya't natagalan ang aking pag dating. Ikalawa ay dahil sa pressure na dulot ng pagiging "tagapag ligtas", ang lahat ay umaasa sa akin, ang lahat ay nakadepende sa akin kaya't kinakailangan ko ng sapat na training upang ma meet ko ang expectation nila sa akin. Lahat ng hirap ay pinag daanan ko upang maging malakas at walang kapantay. Nandyan yung ibinibitin ako sa bunganga ng bulkan, inilulubog sa tubig o sa yelo ng matagal na oras hanggang makasanayan ito ng aking katawan. Ang lahat ng ito ay kinaya ko dahil ginawa kitang inspirasyon sa lahat ng oras. Sa bawat araw na dumaraan ay labis akong nangungulila sa iyo dahil wala ka sa aking tabi kaya't wala akong magawa kundi ang kuhanin ang larawan mo at halikan ito bago ako matulog. Sa ganitong paraan ay maiibisan ang sakit at lungkot na aking nadarama dulot ng malayong distansya sa ating pagitan.

Sa pag lipas ng mga buwan ay sumapit na ang pag sakalay ng mga Atrox sa planetang Bahara, ang totoo nun ay nalaman lamang nila na nandoon ako kaya't inuna nila itong wasakin bago ang planetang Earth na aking tirahan.Ngunit malalakas ang loob ng mga taga Bahara dahil alam nilang nandoon ako at malakas ang kanilang pananalig sa akin. Dito ay muli kami nag harap ni Axel at halos mag kamatayan kami dahil sa madugong labanan sa aming pagitan. Naagaw ko sa kanyang mga kamay ang Orbin at ginamit ko ang lakas nito upang itaboy ang mga Atrox sa planetang iyon. Sa unang pag kakataon ay may nagtagumpay na planeta upang itaboy ang mananakop na Autotrex dahil wala pang nakakagawa nito sa kasaysayan. Ang kapalit ng pag gamit ko sa lakas ng orbin ay ang aking memorya, kinain nito ang lahat ng ala-alang mayroon ako at ipinalit lamang ang detalyeng ako ay anak ni Haring Salel ng Roika at ako ang pinaka makapangyarihan sa buong galaxy. Sadyang nakaka akit at nakakalasing ang orbin kapag ginamit ito isang nilalang.

Bumalik ako dito sa planetang Earth upang mag tayo ng bagong Roika na aking pag haharian. Mag lalahi ako at muling bubuhayin ang aming planeta, iyon ang misyon na tumatak sa aking isipan. Hindi ko alam na sinundan ako ni Apollo dito at nakipag tulungan siya sa iyo upang maibalik ako sa dati. Utang ko sa inyong dalawa ang lahat.. Maraming salamat sa pag babalik ng dating ako, at patawarin mo ako kung muli kang napahamak at nasaktan ng dahil sa akin tol.. Mahal na mahal kita." Pag sasalaysay ni kuya Jorel at muli niya akong ginawaran ng yakap at halik sa labi.

At dahil nga miss na miss namin ang isa't isa ay nauwi nanaman sa mainit na pag tatagpo ang lahat, halos pareho kaming sabik na sabik na makapaling ang bawat isa kaya naman umaatikabong halikan at yakapan ang naganap noong mga sandaling iyon. Habang nag niig kami ni kuya Jorel ay hindi ko maiwasang umiyak dahil sa hindi maipaliwanag na kaligayahan. Ang aking pangungulila ng maraming tao ay parang isang bulang nag laho at napalitan ito na ibayong tuwa na hinding hindi mapapantayan ng kahit na anong bagay. Muli namin pinadama sa isa't isa ang aming pag mamahal at sa bawat oras na lumilipas ay mas lalo pa itong nag iigting.

"Salamat sa pag babalik mo kuya, ni minsan ay hindi ako bumitaw sa pag asa na muli kitang mayayakap at makakasama. Walang oras na hindi kita inisip.. Sana ay huwag kana mawalay pa sa akin. Dito ka nalang please... kailangan kita." Ang wika ko habang naka higa sa braso ni kuya Jorel sa rooftop ng lumang gusali kung saan kami madalas tumatambay. Nag latag kami ng kumot dito at humiga upang mag star gazing.

"Huwag kang mag alala dahil hindi na ako lalayo pa sa tabi mo. Dito lang ako at aalagaan kita habang buhay. Sumpa yan tol.. Sumpang mamahalin kita ngayon, bukas at sa susunod na araw at sa susunod pa at sa mga susunod pa hanggang wala nang matirang araw sa mga buhay natin.. Paano ko ba mapapatunayan sa iyo na nandito lang ako at hindi ako aalis? Sapat na bang mahalin lang kita mag pakailan pa man?" ang wika ni kuya sabay yakap sa akin.

"Yung nandito ka lang at nasisilayan ko ang mukha mo pag umaga ay sapat na sa akin kuya. Sana ay wala nang katapusan ang kaligayahan ko nadarama ngayon. Abot langit ang saya ko ayyy hindi pala, lagpas langit at abot na nito ang mga bituin sa kalawakan at katulad nila ay hindi kukupas ang pag mamahal ko sa iyo. Mananatili itong kumikinang hanggang sa huling aking bahagi buhay" tugon ko at doon ay muli nag yakapan.

Tahimik..

"Ang ganda no?" ang wika ko habang pinag mamasdan ang mga kumpol na bituin sa kalangitan. "Mas maganda iyan kung titingnan mo ng malapitan." Naka ngiting wika ni kuya sabay tayo at mabilis na kinarga ako sa kanyang likuran. "Tekaaa kuya... baka mahulog ako!" ang wika ko habang tumatawa ng malakas. "Hindi ka mahuhulog, ipapasyal lang kita" sagot naman niya at bigla itong sumibat paitaas sa ere. "WWWOOOOOOOOOOOO!" ang sigaw ko habang sinasalubong ang malamig at malakas na hangin. "Ayos ba tol?" tanong ni kuya habang tumatawa. "Opo!! Ang saya!!!" sigaw ko rin na hindi maitago ang kaligayahang nadarama.

"Mas maganda sana ang pag lipad kung may music!" request ko naman dahilan para matawa si kuya at pinadukot nito ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang gadget at saka siya pumili ng kanta mula sa kanyang playlist at ito ang nag silbing background music namin habang lumilipad sa kalangitan.

Angels or Devils

Dishwalla

And this is the last time
That I'm ever gonna come here tonight
And this is the last time I will fall
Into a place that fails us all inside

Well I can see the pain in you
And I can see the love in you
And fighting all the demons will take time
It will take time

The Angels they burn inside for us
And are we ever, are we ever gonna learn to fly
The devils they burn inside of us
And are we ever gonna come back down, come around
I'm always gonna worry about the things that could break us

If I want to give in and give it up and then
I take a breath, make it deep and 'cause it might be the last one you get
Be the last one that couldn't make us cold, you couldn't make us cold
I'm always gonna worry about the things that couldn't make us cold

Tumaas kami ng tumaas sa kalangitan hanggang sa makita ko na ang buong siyudad, makulay ito at maliwanag, ito na yata ang pinaka magandang tanawing nakita ko sa buong buhay ko. Hindi ko tuloy maiwasang yakapin si kuya ng mahigpit at bilang ganti ay hinahalikan ako nito habang ngumingiti ng matamis. Muli kaming lumipad pa taas hanggang sa lumagpas na kami sa mga ulap at dito ay nakita ko ng malapitan ang mga kumikinang na butuin sa kalawakan. Ibang klase ang mga ito, mga batong nasisinagan ang araw at nagiging maliwanag sa gitna ng gabi. "Ang ganda kuya... salamat po" ang wika ko habang ninanamnam ang magandang tanawin sa itaas. "Walang ano man baby bro, kung gusto mo ay ikutin natin ang buong mundo e" pag yayabang nito.

"Weh, kaya mo?" tanong ko naman. "Medyo kaso dapat ay may stop over saka dapat may lagi akong may kiss at sex sayo." Biro nito sabay halik sa aking pisngi. "Kuya naman, malaki yan e, hindi pwedeng madalas" pag mamaktol ko at doon ay nag tawanan kami.


"I love you Jonas.." seryosong wika ni kuya habang naka tingin ng tuwid sa aking mga mata. "I love you too kuya Jorel" sagot ko at muli kaming nag palitan ng halik habang nasa ere.

Marami pa kaming pinuntahan ni kuya, halos naikot namin ang buong Pilipinas ng walang kahirap hirap. Iba klase talaga kapag may kapatid kang superman dahil lahat ng bagay ay posible basta siya ang iyong kasama. Halos ilang oras din kaming namamasyal ni kuya, minsan ay napapag tripan din naming sumabay sa mga eroplanong ang dadaan at kakaway sa ilang pasaherong naka tingin sa bintana kaya naman nagugulat ang mga ito ang ginigising ang kanilang mga katabi, natural, ikaw ba naman ang makita ng mga taong lumilipad ay bakit hindi ka maloka. Basta tawanan lang kami kapag nasasaksihan namin ang kanilang mga reaksyon. At makalipas pa ang ilang minuto ay nag pasya na kaming bumalik sa rooftop upang makapag pahinga. Ito na yata ang "best date ever" na nangyari sa buhay ko. "ang sakit ng likod ko" pag paparinig ni kuya habang kunwari ay di maka tayo ng maayos habang hinihimas ang kanyang likod bagamat alam kong umaarte lang ito dahil matagal niya akong pasan. "Salamat kuya" wika ko sabay halik sa kanyang labi dahilan para matuwa ito.

Muli kaming nahiga ni kuya Jorel sa kumot sa doon ay mag kasama naming pinag saluhan ang masayang gabi. Katulad kanina ay nahiga ako sa braso ni kuya habang marahang ipinipikit ang aking mga mata, si kuya naman ay inilingkis ang kanyang mga kamay sa aking katawan habang ang kanyang labi ay nakatapat sa aking mukha. Nag pasya akong ipahinga ang aking sarili at hindi ko na inisip pa ang nasa aking paligid. Alam akong habang nandito si kuya ay ligtas at panatag ako na walang mangyayaring masama.

Tahimik..

Kapwa kami nakatulog.

Alas 3 ng madaling araw, habang payapang natutulog ang lahat ay isang malakas na pag sabog ang aming narinig dahilan para mapabalikwas kami ng bangon. Doon ay nakita namin ang isang parte ng siyudad na binabalot ng apoy "anong nangyayari kuya?" tanong ko at laking gulat namin ng biglang sumabog ang gusali kung saan kami naroroon dahilan para matumba ako at mahulog dito. "Jonas!!" ang malakas na sigaw ni kuya sabay talon sa gilid ng building upang habulin ang aking bumubulusok na katawan sa lupa. Tila suspended animation ang aking pag bagsak pababa habang naabot ang kamay ni kuya na noon ay mabilis na lumilipad upang maabutan ako.

"K-kuya.." ang tanging salitang lumabas sa aking bibig habang nakatitig sa kanyang mukha at maya maya ay naramdaman ko na lamang na naabot ang aking kamay at bago pa man tumama ang aking katawan sa lupa ay niyakap na nya ako upang maprotektahan sa pag bagsak.

"Tol, ayos ka lang ba?" tanong ni kuya Jorel habang hinahaplos ang aking buhok. "Ayos lang ako kuya, salamat." sagot ko naman at doon ay bigla akong napatingin sa kalangitan. Dito ay nakita ko ang isang malaking sasakyan na lumulutang sa himpapawid kaya naman na shock ako at hindi agad naka pag salita. "Kuya... a-ano yun?" tanong ko habang nakaturo sa malaking bagay sa aming itaas.

"Shit!! Mga Atrox!!" sigaw ni kuya na nakaramdam ng kaunting takot..

At mula sa gumuhong gusali kung saan kami naka tambay kanina ay naka tayo ang isang lalaki at batid kong nakamasid ito sa amin. "Nag kita rin tayo sa wakas Jorel" wika nito

Maigi kong pinag masdan ang lalaking iyon at doon ay gumuhit ang kaba sa aking dibdib noong masilayan ko ang kanyang mukha. Ang taong ito ay wala iba kundi ang aking professor na si Sir Lagman a.k.a Axel at batid kong naparito siya upang makipag rematch kay Kuya Jorel sa ikatlong pag kakataon. Iyon nga lang ay malayo na ang kanyang anyo noong huling beses na masilayan ko ito. Mahaba na ang kanyang buhok at kulay abo ito. Mas lumaki ang katawan at pakiwari ko ba ay talagang pinag handaan niya ang pag kakataon na ito.

Tuloy tuloy pa rin ang pag sabog sa paligid..

Nag sisigawan ang mga tao habang lumilikas ang mga ito.

"Tapusin na natin ito Axel!!" sigaw ni kuya. Tumayo ito ng matuwid at hinubad ang kanyang itim na jacket..

Noong mga sandaling iyon ay batid ko hindi magiging madali ang labanang ito.. Mula ngayon ay mag babago na ang lahat dahil ito na ang simula ng katapusan..

itutuloy..



Continua a leggere

Ti piacerĂ  anche

12.7K 197 19
note::::hindi po ako ang author ng story na ilinagay ko lnv po sa wattpad para mas marami ang maka kita o makabasa ng story na to. ito po kac ung pin...
111K 3.4K 28
Si Xiah (Shee-ah) at ang kanyang ina na lamang ang magkasama sa kanilang tahanan, ang kanyang ama naman ay may ibang pamilya at ang isang sikretong t...
141K 2.8K 51
LSI: Kwento nila Renz, Aki, at Kyle
1.6M 64.1K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...