In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [49.5] - Original Plan
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [51.5] - GRAB-X Plan

50.9K 1.5K 172
By chiXnita

Copyright © chiXnita

Chix's POV (Third Person)

MUNTIK NANG mabuwal sa sahig si Grant nang suntukin siya ni Angel sa panga. Kanina pa kasi siya hindi magkadaugaga kaya pinatikman siya. Nagpupuyos na hinarap niya ito. Pumagitna si Brix sa kanilang dalawa. Parehas lang naman silang natatarantang tatlo kaya dapat alam ng mga ito kung ano'ng nararamdaman niya.

"Gel, naman!" sita ni Brix kay Angel. Magsasalita pa sana si Brix pero pati ito'y nasuntok din ni Angel.

"Tangina n'yo naman, eh! Oo, nawawala si Xhai! Hindi natin alam kung nasaan siya. Hindi natin alam kung sino 'yong babaeng kamukha niya. Pero sa tingin n'yo ba babalik siya rito kung ganyan kayo? Tarantang-taranta? Punyeta! Umayos nga kayo... kung ayaw n'yong patulugin ko kayong dalawa rito at ako na lang mag-isa ang umayos ng gulong 'to!" malakas na sigaw ni Angel dahilan para matameme siya.

Ba't ba napapatahimik siya ng babaeng 'to? Nag-aalala rin ito pero kaya nitong dalhin ang sitwasyon.

Ang hindi niya alam ay sanay na ito sa mga ganito.

"Tatawag nga tayo sa mga pulis—" Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis na inagaw nito sa kanya ang telepono. Tinulak siya nito.

"Pulis, Grant...? Wala tayo sa Amerika, nasa Pilipinas tayo kaya ano'ng magagawa ng mga pulisya na ipinagmamalaki mo? Isa pa, wala pang bente-k'watro oras na nawawala si Xhai para maideklara na missing siya. Mag-isip ka nga! Kung gusto mong makita natin siya... umupo kayong dalawa ni Brix diyan sa sofa!" Nagpupuyos ang mga mata nito pero kalmado't seryoso.

Napaupo nga siya, gano'n din si Brix. Natahimik sila! Ngayon niya lang nakita ang ganitong side ni Angel.

Oo, amazona ito. May pagkaweirdo dahil alam niyang kapag hinamon siya nito sa suntukan ay wala siyang laban. Kakaiba ring mag-isip kaya madalas na hindi sila magkasundo. Pero isa lang ang sigurado siya sa mga oras na 'to. Naniniwala siya rito!

Matalik itong kaibigan ni Heather. At sa nakikita niya kay Brix, kahit na hindi rin ito mapakali't kanina pa gustong umalis para gumawa ng hakbang para hanapin si Heather ay hindi ito umalis. Kasi pati ito'y malaki ang tiwala kay Angel. Dahil sa kanilang dalawa, ito ang mas nakakakilala rito.

Pero ang hindi niya maintindihan ay kung ba't napapasunod siya nito. Isang sigaw lang nito'y natatahimik siya!

Sinipa ni Angel ang one-seater sofa para ilapit sa sofang kinauupoan nila ni Brix. Umupo ito roon at ipinagsalikop ang mga braso't nagde-k'watro. Pinagbalik-balik nito ang titig sa kanila. Pero nagtagal ang titig nito sa kanya bago bumaba sa nanginginig at nakakuyom niyang mga kamao. Kanina pa siya ganito.

Gusto niyang manakit. Gusto niyang saktan ang sarili. Hindi na siya makapag-isip ng normal. Ang dami niyang iniisip na negatibong bagay. Kung may mangyayaring masama kay Heather, makakapatay talaga siya. Tangina...

"Calm down, Grant! I have a plan!" kalmado at simpleng pahayag nito. Pero paano niya magagawang kumalma kung hindi niya naman alam kung paano? "She'll be okay..."

Kanina pa si Brix nandito. Pero pagdating na pagdating nito'y suntok agad ang kanyang natamo. Kasalanan niya raw. Kahit siya iyon ang nararamdaman niya. Kasalanan niya! Hindi sila nakapag-usap dahil nagpalitan lang sila ng mga kamao hanggang sa dumating si Angel. At hindi niya na nabilang kung ilang suntok ang natanggap niya.

Wala siyang maintindihan sa mga nangyayari. Sino ang babaeng nadatnan niyang nakaupo sa sofa habang nagbabasa kagabi? Pagkakita niya dito'y kinabahan agad siya. Hindi kasi ito si Heather at mas lalong hindi ito si Xyrene pero bakit kamukha ito ng kambal?

Sa panic ay mabilis siyang umakyat sa taas. Hinanap niya si Heather pero wala ito sa k'warto. Wala sa kusina. Wala! Parang may kung ano'ng nakapatong sa puso niya dahil hindi siya makahinga. Alam niyang may nangyayaring kakaiba. At masama ang kutob niya.

"Mickey, what's wrong?" Natigilan siya nang marinig iyon. Napaharap siya sa babae. Nakangiti ito sa kanya. Nakikita niya si Heather physically, pero siguradong-sigurado siya... hindi ito ang babaeng mahal niya. Pero bakit mickey ang tawag nito sa kanya?

What the fuck is going on?!

Maaga silang natulog. Hindi na siya kumain. Nakisabay na lang siya sa babae kahit hindi na niya alam ang gagawin. Pigil na pigil niya ang sarili dahil gusto niya itong patayin. Kaso kailangan niyang magtimpi dahil alam niyang ito ang may kagagawan kung bakit nawawala si Heather.

Pasado alas-dose ng gabi nang bumangon ito. Magkatabi sila sa kama. Nagpapanggap siyang tulog. Pinakiramdaman pa siya nito bago lumabas ng k'warto. Ilang minuto'y bumangon din siya para sundan ito. Kabado siya. At sa buong buhay niya'y ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganitong takot at pag-aalala.

Nakita niya ang babae sa may gate. Kausap si Mang Tuko. Hawak nito ang tali ni Turner. Naikuyom niya ang mga kamao. Nang maglakad ito papalayo ay mabilis siyang lumapit kay Mang Juanito. Kaso pinigilan siya nito.

"M-Mang, she's not Heather..." Ngayon niya lang napansin na nanginginig siya pati ang boses niya.

"Alam ko... Alam ko, pero kailangan mong huminahon, Sir." Tinapik siya nito sa balikat. Wala siyang lakas para palisin ang kamay nito. Huminahon? Damn! Paano...?

Nangangatog din si Mang Tuko sa takot. Pinatulog siya ni Bianca at Leo para magawa ang binabalak ng mga ito. Matagal na kasi ng mga itong pinagplanohan. Halos ilang buwan na at may tumutulong pa sa kanila para mas mapadali ang bagay na ito.

Nagising na lang si Mang Tuko na wala na si Heather. Dali siyang pumasok sa loob ng bahay para alamin kung may nangyaring hindi maganda. Tumawag kasi si Grant sa kanya para patingnan kung okay lang si Xhaiden. Hindi kasi ito nakapasok ng shop at hindi rin sinasagot ang mga tawag ni Grant.

Kaso nakita niya ang Ma'am Xhai niyang nakahiga sa sofa at natutulog. Ang hindi niya alam ay ito na si Bianca. Wala siyang kaide-ideya. Ngayon niya lang nalaman nang makausap niya si Bianca. Hindi naman kasi lumalabas ng bahay si Xhaiden kapag gabi na dahil umaga na talaga ito nagigising dahil sa narcolepsy.

"Tatawag ako ng pulis," pahayag ni Grant pero hinawakan siya nito sa braso.

"Hindi natin alam kung nasaan si Ma'am Xhai. Hindi natin alam kung may mga kasama, o kung ilan, ang kasabwat ng nagpapanggap na babaeng iyon, Sir. Kung tatawag ho kayo ng pulis baka makatunog sila. Baka kung ano'ng gawin nilang masama kay ma'am. Sir Grant, pasensiya na ho dahil akala ko walang nangyari kanina habang may nagpatulog sa'kin. Nakita ko kasi si ma'am na natutulog sa sofa at mukhang okay naman siya—"

"May nagpatulog ho sa inyo!?" Lumakas ang boses niya at nanlaki ang mga mata. Yumuko ito at tumango, panay ang hingi ng paumanhin sa kanya. Nagpupuyos siya sa galit pero hindi niya ito maaaring pagalitan o saktan. "M-Mang, nawawala ho si Heather! Nawawala siya! Fuck... h-hindi ko alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa kanya!" Ihinagis niya ang paso sa kanyang tabi. Nawasak ito! Ganyan ang mangyayari sa kanya kapag nawala si Heather sa buhay niya.

"Sir, tawagan n'yo ho ang mga parents n'yo o kaya ang mga magulang ni Ma'am Xhai. K-Kailangan may gawin tayo."

Bumalik siya sa loob at dumiretso sa k'warto. Sinunod niya ang sinabi nito. Kaso hindi niya tinawagan ang mga magulang nila dahil ayaw niyang mag-alala ang mga ito. Kung mababanggit niya na nawawala si Heather ay tiyak na tatawag ito sa mga pulis at baka magkaroon pa ng media.

Natatakot siya sa maaaring kahihinatnan.

Bagkus ay tinawagan niya si Brix dahil alam niyang ito lang ang kanyang malalapitan.

"Nakikinig ka ba, Grant?" Sigaw ni Angel kaya napakurap-kurap siya. "Ang sabi ko tawagan mo si Xhai! Tawagan mo siya dahil alam kong hawak nung babae ang cellphone niya."

"I-Ikaw na lang kaya, Gel," suhesiyon ni Brix. Pansin kasi nito na kanina pa siya wala sa sarili. Pero katulad niya'y hindi na rin maipinta ang mukha nito. Wala na siyang pakialam sa paligid niya. Ang tanging bumabalot sa kanyang sistema'y puro negatibong bagay. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano-ano pero hindi niya mapigilan.

"Kung ayaw mong mapahamak si Xhai. Tawagan mo siya!" mas malakas na sigaw ni Angel kaya dali niyang sinunod ang gusto nito. Para siyang tanga dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makontrol ang panginginig ng mga kamao. "Kumalma ka nga! 'Wag kang magkakamali ng sasabihin, Grant. Hindi pa natin alam kung nasaan si Xhai. Kailangan mong makipagkita sa babaeng iyon. Focus..."

"Ano ba kasing plano mo?!" singit ni Brix na kanina pa gustong tumayo sa kinauupoan para mag-isip ng ibang paraan.

"Trust me. Just for this time, please, trust me!" tanging sagot ni Angel.

Matapos tawagan ni Grant si Bianca para makipagkita sa isang restaurant ay nagpaplano naman si Angel. Siya lang mag-isa dahil hindi niya p'wedeng idamay rito ang... Hunters (isang pribadong organisasyon na kanyang kinabibilangan na palaging may delikadong misyon).

May kasalukuyang misyon kasi ang mga ito at ayaw niyang sirain ang nabuo na nilang plano.

Pumasok siya sa restaurant. Nandito na ngayon si Grant at kakaupo lang nung babaeng kamukha ni Xhai. Kahit siya'y muntik nang maloko dahil kamukhang-kamukha talaga nito ang best friend niya. Gano'n din ang kilos. Kaso iba ang aura nito... mapanganib!

Kaya naman ay mabilis siyang lumapit sa table ng mga ito dahil ano mang oras ay parang magwawala na si Grant sa nakikita niyang ekspresiyon nito. Si Brix naman ay nasa loob ng isang sasakyan at nag-aabang lang sa kanila.

Hindi niya sinasabi sa mga ito ang kanyang plano. Ayaw niyang palakihin ang gulo. Ayaw niya ring idamay ang mga ito kahit na damay na damay at nag-aalala ang mga ito. Mabuti na lang at napapasunod niya si Brix at Grant... kahit ngayon lang.

"Xhai..." Hinawakan niya ang babae sa likod. Mabilis niyang nakabit ang tracker sa suot nitong damit. Kahit si Grant ay hindi iyon napansin.

Nilingon siya ng babae at nginitian. Gumanti siya ng ngiti. Sanay na siya sa mga ganitong klaseng pagkukunwari pero ngayon lang niya pinipilit pakalmahin ang sarili. Hindi nga ito si Xhaiden dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagkikita matapos ng kanilang pag-uusap tungkol kay Xyrus.

"Happy Birthday!" Hinalikan niya ito sa pisngi. Halatang nagulat ito. Marahil ang alam lang nito ay engagement lang ni Xhaiden at Grant ang gaganapin mamayang gabi.

"Thank you, Gel!" Hindi na ito muling umimik. Halatang kalkolado ang bawat galaw nito.

Nasipa niya si Grant dahil hindi ito nagsasalita. Sa simpleng gesture na iyon ay sapat na para ipaalala rito na kailangan nitong umaktong normal kahit na gusto na nitong pumatay. Titig na titig lang ito sa kaharap at kung nakakasunog lang ang mga titig nito'y kanina pa bumalik sa pagiging abo ang babaeng 'to.

Umorder sila ng pagkain. Pasimple naman si Angel na nakikimatyag sa paligid. Kabado rin naman siya pero hindi katulad sa lalaking nasa gilid niya. Ang babae ang pumili ng restaurant na ito. Isang Chinese restaurant sa Santolan. Sigurado siya na may kasabwat ito ngayon dito.

Maraming tao. May pamilyang kumakain. Magkasintahan. Ang ilan ay nagmemeeting, marahil sa negosyo. Hindi siya lumilingon-lingon. Kahit hindi niya titigan nang direkta ang taong iyon ay mahahalata niya kung may binabalak itong masama. Katulad na lang nung lalaking naka-asul na naghihiwa ng inorder na pagkain pero may kausap sa cellphone.

Positive! ani ng utak niya.

Nasa bandang gitna naman ng restaurant, sa kanilang kanan, ay ang dalawang lalaki na nagkukunwaring ngayon lang ulit nagkita pero masyadong scripted ang ginagawa.

Sa kabila ay magkasintahan na panay ang sulyap sa kanila. Napansin niya rin ang kahina-hinalang abuhing Escapade na hindi kalayuan sa kotse na kinaroroonan ni Brix. Hindi niya ineexpect na ganito sila karami.

Sino ba ang nagpakidnap kay Xhaiden? Dahil siguradong-sigurado siya, hindi pipitsugin ang mga ito. At baka ang Hunters ay mahirapan din kapag nagkataon.

Dito na siya tinablan ng takot. Kanina'y kalmado pa siya pero ngayon ay nagdududa na siya sa sarili kung kakayanin ba niya itong mag-isa. Unti-unting bumibilis ang bawat tibok ng puso niya.

Ano ba namang mapapala niya kay Grant at Brix? Oo, lalaki ang mga ito, malalaki rin ang pangangatawan. Pero kung sa ganitong larangan ay wala silang kamuwang-muwang!

Damn... mapapahamak sila.

Tangina! Muntik na iyong lumabas sa bibig niya nang makitang huminto ang Land Cruiser ni Xyrus sa tabi ng kay Brix. Naikuyom niya ang mga kamao.

Ano'ng ginagawa niya rito?

Napatingin siya kay Grant pero nakatitig pa rin ito sa babae. Shit! Ibinalik niya ang tingin sa labas at lumabas na ng sasakyan si Xyrus. Kalaunan ay umibis rin sa kabilang pinto si Ryder.

"Tangina!" Napamura na talaga siya. Siguradong umuwi ito galing ng ibang bansa para umattend ng engagement. Akala niya'y hindi na ito pupunta.

Napatitig ang babae sa tinitingnan niya. Nahalata agad niyang nagpanic din ito. Alam nito na... alam niya, nila, na nabuko na ito. Pinunasan nito ang bibig ng tissue at marahang tumayo. "CR lang ako..." paalam nito at mabilis na tinungo ang banyo.

Inapakan niya ang paa ni Grant nang binalak nitong sumunod. Tiningnan niya ito ng matalim at ipinilig niya ang ulo para bantaan ito. Maigting ang mga panga nito sa pagtitimpi. Pero hindi niya hahayaan na gumawa ito ng iskandalo ngayon. Si Xhai ang nakasalalay rito.

Maya-maya'y tumayo 'yong lalaking may kausap sa cellphone at lumabas. Siya lang ang nakapansin na may kakaiba sa kilos nito dahil hinding-hindi iyon mapapansin ng ordinaryong tao!

Lumabas na rin ng sasakyan si Brix at papasok na ito ng restaurant. Nakasalubong nito ang lalaki. Kaya tumayo siya at hinila si Grant.

Lumabas sila. Natataranta na talaga siya. Hindi na rin niya alam kung ano bang gagawin niya. Napansin niya kasing isa-isang nagsitayuan ang mga taong pasimple niyang minamatyagan.

Ngayon sigurado na siya... hindi lang si Xhai ang punterya ng mga ito.

Tangina naman, oh. Sino?!

Isa-isa niyang tinitigan ang mga barkada. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pangamba. Ba't ba nagsama-sama ang mga ito? Kung si Grant at Brix nga'y hirap na siya... paano na ngayong nandito si Ryder at Xyrus?

Putangina! Kanina pa siya nagmumura sa isip niya.

"Sinabi mo sa kanila?!" Halos maputol ang ugat niya sa leeg nang salubingin si Brix.

Kumamot ito sa batok. "Nagpapanic ako, Gel!"

Napahilamos siya sa mukha. "Brix Vincent..." Itinulak niya ito sa sobrang gigil.

Gusto niyang manapak pero pinigilan niya ang sarili. Parehas lang silang lahat ng nararamdaman ngayon. Dali siyang lumapit sa Land Cruiser. Tinabig niya si Ryder at hinarap si Xyrus.

Madilim na tinitigan niya ito. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Matiim lang itong nakatunghay sa kanya. Pinadaan nito ang mga ngipin sa ibabang labi. Walang emosyon ang mga mata na umiwas ito ng tingin. Gusto niya na namang magmura. "Xyrus Helle..." Hinawakan niya ang braso nito't hinila paharap sa kanya.

Unti-unting kumunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Hindi man lang nagsalita na inalis nito ang kanyang kamay at tinalikuran siya. Panandalian siyang pumikit at bumuntong-hininga. Napasulyap siya kay Brix at hindi niya nagugustuhan ang expresiyon ng mga titig nito.

I'm okay, idiot! Gusto niyang ibulyaw rito.

"Fuck! Wala pa ba tayong gagawin?!" Natuon ang atensiyon niya kay Ryder na kasalukuyang pasakay na ng Land Cruiser ni Xyrus. Dali siyang lumapit at inagaw ang susing hawak nito. "Angel Faith... damn! Give me the key!"

"Don't do anything stupid, Ryder!" Gusto na niyang magwala dahil alam niyang siya na lang ang nakakapag-isip nang matino sa kanila.

Kaso nalingat sa paningin niya si Grant kaya hindi niya napansin na wala na ito sa kanilang tabi. Namalayan na lang nila nang marinig ang ugong ng papalayong kotse. Napatingin siya sa unahan at sigurado siyang sasakyan ng babae ang sinusundan nito.

Napatakbo siya palapit sa nakapark na motor niya. Nahulog pa ang kanyang itim na helmet sa taranta kaya hindi na niya itong pinagkaabalahang pulutin pa. Mabilis siyang sumakay rito at pinaharurot ito.

"Angel..." Narinig niyang sigaw ni Xyrus pero hindi na siya lumingon.

Hindi niya alam kung gaano kabilis ang patakbo niya. Nililipad ang kanyang buhok na nakalugay. Ang mga tao sa gilid ng main road ay tumigil sa paglalakad para sundan siya ng tingin dahil agaw-eksena ang ginawa niyang expedition sa kalsada.

Nakalayo na kasi nang sobra si Grant. Bumubuntot pa rin ito sa dalawang sasakyan.

Hindi niya hahayaang may mapahamak sa kanila.

Sinagad niya ang pagpihit sa manibela. Halos tumalon ang kanyang motor. Sanay na rin naman siya. Nakabuntot na siya kay Grant ngayon. Panay ang busina ng mga sasakyan na kanyang nilalampasan. Tinitigan niya ang plaka ng Escapade at Tesla na naghiwalay ng mga kantong inikutan. Nakatunog na nga ang mga ito dahil sa pagsunod ni Grant.

Nilagpasan niya ang isang taxi at pinaikot ang motor nang malagpasan niya si Grant para ito'y maharangan. Mabilis itong nagpreno. Kinuha niya ang susi ng motor at naglakad palapit sa kotse ni Brix na ginamit nito.

Bumaba ito ng sasakyan at matalim siyang tinitigan. "What the fuck, Angel?!" Nagpupuyos ang mga mata nito, tiim ang mga bagang at ano mang oras ay lilipad ang nakakuyom nitong mga kamao. Galit ito!

Tangina! Lalo naman siya dahil sinira nito ang plano niya.

Pero hindi niya naman nasabi rito... sa kanila, kung ano ba iyon. Siya lang ang tanging nakakaalam. Dahil mas malulutas niya ang problemang 'to kung patago ang kanyang pagtrabaho.

Pero paano na ngayon?

Wala sa tabi niya ang Hunters para tulungan siya.

Walang salita na patuloy siyang naglakad palapit dito. Pinagtitinginan na nga sila dahil sa ginawang pagharang niya. Nagkaroon na ng traffic at ano mang oras ay tiyak na may huhuli sa kanilang mga pulis. Ngunit hindi niya iyon hahayaang mangyari.

Nagside-step siya nang bumigwas ang kamao ni Grant. Hinuli niya ang braso nito at marahas na pinaikot. Gumilid siya at pinalo ang parte ng batok nito sa p'wersang alam niyang hindi niya ito masasaktan nang lubusan pero sapat na para makatulog ito. Pagkatapos ay pinapasok niya ang walang malay nitong katawan sa sasakyan.

Bumalik siya sa restaurant. Iniwanan niya ang motor, kahit hindi niya gusto, dahil wala na siyang mapagpipilian. Dilat na dilat na mga mata ni Ryder, bagsak na balikat ni Brix at nag-aapoy na tingin ni Xyrus ang nabalikan niya.

*.*.*.*.*

"SASAMA AKO!" Pinal na pahayag ni Xyrus. Kahit ano'ng pandidilat ng mga mata ang gawin ni Angel ay hindi ito natitinag sa kanya. At hindi niya iyon nagugustuhan.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa... hindi p'wede, Xyrus Helle?!" Sa buong buhay niya'y ngayon lang siya nakaramdam nang ganito... 'yung hindi niya alam kung ano ba talaga ang dapat na maramdaman.

"Bakit ka ba nakikialam sa mga desisyon ko? Kapatid ko ang nakataya rito. Si Xhai! Kaibigan mo lang siya... kapatid ko siya!" Alam niya, sa nakikita niyang aura nito'y hindi niya mababago ang pasya nito.

Napamasahe siya sa kanyang noo. "P'wede ba... kahit ngayon lang, 'wag ka munang makulit! Mapapahamak ka sa gusto mong mangyari, Xyrus! Tangina naman! Dito ka lang... dito lang kayo!"

"At hahayaang ikaw ang mapahamak! Fuck... as if I'll allow that!"

"Kahit na payag na akong maging tayo... sasama ka pa rin?" Oo! Mukha na yata siyang nasisiraan ng ulo. Nauubusan na kasi siya ng mga sasabihin para makumbinsi na hindi nga p'wede.

Panandaliang natulala ito sa sinabi niya. Titig na titig ito sa kanyang mga mata. Nakipaglaban siya ng titigan dito. Palagi niya namang napapasunod ang lalaking 'to, pero duda siya sa sitwasyon nila ngayon.

Unti-unting umangat ang gilid ng labi nito para bigyan siya ng sarkastikong ngiti. "Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo 'pag nangyari 'yan. Pero kung mapapahamak naman ang kapatid ko, mapapahamak ka... 'wag na lang!"

Natameme siya. Alam niya... talo siya.

"Gel..." Nilipat niya ang titig kay Brix na hindi rin mapakali na nakaupo sa sofa.

Kanina pa rin ito wala sa sarili habang pinapanuod silang magtalo ni Xyrus. Sa nakikita niya sa mga mata nito'y mas lalo siyang kinabahan nang husto. Sa buong buhay niya kasi'y sa kanilang tatlo ni Xhai ay palaging siya ang pinapakinggan ng mga ito. Pero ngayon... tangina! Hindi niya magugustuhan ang mangyayari dahil masama talaga ang kutob niya.

"Sasama rin ako!" Napapikit na lang siya.

Narinig niya ang pagbukas ng pinto ng condo ni Xyrus. Dito kasi sila tumuloy galing sa restaurant dahil ito ang pinakamalapit doon. Nakita niya si Ryder na palabas.

Dali siyang yumuko at kinuha ang nakasecure at nakatagong maliit na hand-knife sa gilid ng kanyang kaliwang binti na natatakpan ng kanyang jeans. Ipinaikot niya ito sa mga daliri at hinagis sa direksiyon ni Ryder. Bumaon ang kutsilyo sa pinto, bandang ulohan nito.

Napatalon pa ito sa gulat at humarap sa kanilang nandidilat ang mga mata.

"What the fuckin' hell! How did you do that, Angel?!" Hindi niya alam kung natakot ito sa ginawa niya o naamaze pa yata.

Tinitigan niya ito nang masama. "Sinabi nang walang lalabas!"

Hindi niya pinansin ang pagmumura ni Xyrus sa kanyang tabi.

Bullshit! Ang hirap pasunurin ng mga gagong 'to.

Hindi katulad ng mga Hunters na isang snap niya lang ay gagawin agad ang kanyang gusto. Kaya naman ay wala na siyang choice kung hindi ang sabihin sa mga ito ang kanyang plano. Wala na siyang pakialam kung mabuko ng mga ito ang sekreto niya. Basta 'wag lang mapahamak ang mga ito'y okay lang sa kanya.

Nilapitan niya si Grant na pinahiga niya sa isang mahabang sofa. Malakas na tinapik niya ang balikat nito. "Gising!"

Napamulat ito at hindi maipinta ang mukha dahil sa ginawa niya. Sigurado siyang nararamdaman pa rin nito ang sakit ng pagkakahampas niya sa batok nito kanina.

"Pumapayag na ako..." kampanteng sabi niya. Lumapit ang mga ito. "Pero sa oras na sumuway kayo sa gusto ko, papatulugin ko kayo!" Gagawin niya talaga! "Let's do the GRAB-X Plan! Now... listen!"

Nakinig ang mga ito. Wala naman itong mapagpipilian dahil papatulugin niya talaga kung sino man ang hindi susunod sa kanya. Sinabi niya kung ano ang GRAB-X Plan. Walang natawa kahit na sinabi niya na ang kahulugan nito ay: G-rant, R-yder, A-ngel, B-rix, X-yrus. Pero ang pinakabuod ng kanilang plano ay GRAB-X mismo.

GRAB Xhaiden!

*.*.*.*.*

Xhaiden Heather Roa's POV

WALA SI Bianca. Wala rin si Leo. At hindi nakalock ang kinaroroonan kong kwarto. Tumayo ako at lumabas. Hindi ko pa nakikita si Turner simula kaninang umaga. Hindi ko alam kung sinama ba ito ni Bianca para makipagkita kay Grant.

Mag-aalauna na at tiyak kong lumabas sila para mananghalian. Kahit naman gusto kong tumutol ay wala akong magagawa. Pinapanalangin ko na sana okay lang si Grant.

"Turner..." Tinawag ko siya. Kapag ganito ay lalabas agad siya kung saan man siya naroroon kapag nasa bahay. Pero ilang beses ko nang inulit ang pagtawag ay wala pa rin siya.

Pumunta ako sa main door ng mansion. Kaso nadisappoint lang ako dahil nakalock ito. Inikot ko ang bahay. Ngunit wala na akong nakitang p'wedeng daanan palabas. Hanggang sa mapansin ko ang nakasaradong pinto. Agaw-atensiyon kasi ito dahil sa kulay pulang pintura na nakasulat dito.

"WARNING: Do not escape!"

Kumalabog ang dibdib ko. Lumapit ako rito at itinaas ang nanginginig na kamay para hawakan ang pihitan ng pinto. Kaso hindi ko matuloy-tuloy. Ano ba ang nasa loob? Dito ba itinatago nina Bianca ang mga pagkain nila?

Kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakain. Sopas lang kagabi. Ngunit paano kung alternative door ito para makalabas ako? Pero paano naman kung totoo ang babala na nakapinta sa pinto?

Napapikit ako at nag-isip nang mabuti. Kaso walang ibang pumapasok maliban sa kailangan kong makatakas. Kaya naman ay pinihit ko ang seradura at hinila ito pabukas.

Dumagundong sa pandinig ko ang isang malakas na putok. Putok ng baril. Napatili ako, napatalon sa gulat at napahawak sa magkabilaang tainga. Ang bilis ng paghinga ko lalo na ang bawat pitik ng aking puso't pulso. Tumago ako sa gilid pero wala nang pumutok.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sumilip ako sa silid. Muntik na akong mapaupo sa sahig nang makita ang nasa loob. Napatutop ako sa bibig ay napasandal sa dingding. Nangagatog ang buong katawan ko.

Simula pala kahapon ay hindi na maalis ang panginginig ko. Pero kahit na ano'ng gawin ko'y ayaw pumatak ng aking mga luha. Gusto kong umiyak kasi rito ko lang mailalabas ang sakit pero ayaw. Siguro nga... pinaparusahan ako dahil sa kasalanan ko.

Napatalikod ako dahil hindi ko kayang makita na si Turner ay may busal sa bibig. Ang tali niya sa leeg ay nakasecure sa gilid. Kaya pala siya hindi makalapit sa'kin dahil nakakulong siya rito. Pero ang hindi ko kayang panuorin ay ang dugong patuloy na kumakawala sa kanyang ulo.

Nakalatay siya sa sahig at naghihingalo. At kasalanan ko... na naman. Kasalanan ko!

Napansin ko ang baril na nakadikit sa likod ng pinto. Sa oras na may bumukas nito ay mapipindot ng tali ang trigger at malamang... puputok ito. Hindi ko alam na nandito si Turner sa loob.

God! Ano'ng ginawa ko?

Hindi ko na nagawang lumingon dahil alam ko... wala na siya. He's gone! "He's dead..." Napahilamos ako sa mukha at napaupo sa sahig. Nanghihina ang buong katawan ko. I'm exhausted... traumatized!

Hindi ko kayang makita na unti-unting bumabagsak ang mga mata ni Turner. Hindi ko kayang makita na hindi na siya humihinga. Na hindi na kailanman gagalaw ang buntot niya.

Narinig ko ang malakas na halakhak ni Bianca. Nakabalik na siya. Kaso hindi ko maiangat ang ulo para tingnan siya. "Sa lahat ng mga hostage, ikaw ang pinakatanga! Hindi ka ba nagbabasa, whore? WARNING: Do not escape!"

Tumawa na naman siya. Napatakip ako sa magkabilaang tainga dahil pakiramdam ko'y nasa impyerno ako ngayon at kasama ko si Satanas at ang mga demonyo. Tinatawanan nila ako.

"Binantaan na kita na sa oras na tumakas ka'y may mangyayaring hindi maganda, 'di ba?" Umupo siya para magkapantay kami. Ipinikit ko ang mga mata. "You're really a murderer. You've just killed your pet. Iyong paboritong mong alaga na ipinangalan mo pa sa fiancé mo... pinatay mo! Nakakalungkot, 'di ba? Masakit, 'di ba? Ano? Sa susunod ba... gusto mo 'yong totoong Turner na?"

Tiningnan ko siya, pero hindi siya natinag. Hindi ko alam kung ano ba ang tinging ibinibigay ko sa kanya. Mas lalo lang siyang humagalpak at hinawi ang buhok ko. Inilagay niya ito sa likod ng aking tainga at hinimas ang pisngi ko.

"Masyado na bang masakit kaya hindi ka na nakakaiyak? Ang pagkakaalam ko... napakaiyakin mo. 'Wag kang mag-alala, iiyak ka ulit kapag namatay si Grant. At ang masamang balita'y ikaw ang papatay sa kanya... dahil nga, mamamatay-tao ka!"

"Bianca, aalis na tayo!" sigaw ni Leo. "Ihanda mo ang iyong mga gamit! Naghihintay na sila sa labas."

Sila?! Sinong sila?!

Hinila ako patayo ni Bianca. "Aalis tayo... 'Wag kang magkakamaling tumakas ulit. Alam mo namang hindi ako nagbibiro, 'di ba?" Tumango ako. Iyon na lang ang nagawa ko.

Nilingon ko si Turner. Hindi ko maitikom ang bibig kasi gumagalaw ang mga ito. "P-P'wede bang ilibing ko muna siya?" Sumulyap ako kay Bianca. Kailan ba siya titigil sa kakatawa? Baliw talaga siya! "Please..."

"5 minutes!" Ikinumpas niya ang kanang kamay at tumalikod.

Nilapitan ko si Turner. Napaluhod ako sa harapan niya. Mali ako... dahil nakadilat pa rin siya, pero alam ko na hindi na siya humihinga.

Pinadaan ko ang palad sa kanyang mga mata para pumikit siya. Binuhat ko siya. Wala na akong pakialam kong dumikit sa'king damit ang kanyang dugo.

I'm sorry... Paulit-ulit kong sinasabi sa'king utak pero hindi ko mabigkas.

Pumunta ako sa gilid ng mansiyon, tapat ng kalsada na hindi naman masyadong dinadaanan ng mga sasakyan. Wala na nga yatang taong nakatira sa lugar na ito dahil masyadong liblib. Hindi ko alam kung nasa north o south kami. Kung gugustuhin kong tumakas ay madali na lang dahil nasa open field na ako. Pero alam ko na hindi ko na magagawa iyon matapos nang nangyaring ito.

"Whore... bilisan mo!" Hindi ko pa gaanong natatakpan ang katawan ni Turner ng lupa ay narinig ko na ang nakakabwisit na sigaw ni Bianca!

Tumayo ako. Nasa loob siya ng Tesla, sa likuran banda. Nakababa ang salamin sa kanyang tapat. Nakasunglasses siya, nakangisi at itinaas ang middle finger niya habang gumagalaw-galaw ito para bumilis ang bawat hakbang ko.

Natulala na lang ako dahil may Escapade pa sa likod ng kotse at isa pang L300 na van sa pinakaunahan nito. Pero tinted ang mga sasakyan at tanging sa puwesto lang ni Bianca nakababa ang salamin. Hindi na ako makapag-isip. Naglakad na lang ako palapit.

Bumukas ang pinto ng L300 sa likod. Nasa loob si Leo. May mga kasama siyang mga lalaki na naglalakihan ang mga katawan. Hindi ko magawang bilangin kung ilan silang lahat. Sa sobrang takot na pumasok ay hindi na maprocess ng aking utak ang kanilang mga mukha.

"Heather..." Dumagundong ang puso ko nang marinig ang nagpapanic na sigaw na iyon. Napalingon ako. Nanlaki ang mga mata nang makita si Grant na halos madapa sa pagtakbo.

Nasa likod niya si Brix at si Green ay palabas pa lang ng Land Cruiser ni Kuya Xyrus.

"Tangina... bumalik kayo rito!" Lumabas din si Angel kasunod ni Kuya Xyrus na hinawakan siya nang mahigpit sa braso para hindi makatakbo.

Tinakasan ako ng dugo. Ito na yata ang pinakahuling eksena na hihilingin kong mangyari sa mga oras na 'to. Gusto ko silang makita... pero hindi ngayon. Hindi! Nagrereplay pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Bianca.

Sa takot na mangyari iyon ay napatakbo rin ako para salubungin sila. Ngunit hindi pa yata ako nakakatatlong hakbang nang may humila sa braso ko. Napalingon ako. Nakita ko ang lalaking matangkad, nakakatakot at madilim ang mga matang nakatitig sa'kin nang masama.

Ang huli kong nakita ay ang pagtaas niya sa kanang kamay na may hawak na baril at ipinalo iyon sa'king batok.

--
#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
25.6M 304K 72
Now a published book under Summit Media. Php 195.00. English. Available in all bookstores nationwide. :) 3W8L Book 2 is divided into two parts, so th...
5.1M 45.5K 40
My name is Jared, and this is the story on how I fell in love with a stranger, which started with A KISS IN THE RAIN..