At The Age Of 18 (complete)

By chabilicious06

723K 22K 6.3K

She's Kobe.... The girl who stole the heart of the Mighty-Good-For-Everything Keehan Sylvestre Jr. Isang sim... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Chabz note ❤❤❤

Chapter 34

11.8K 415 207
By chabilicious06

A/N: meron akong nabasa sa comment. Ang sabi nya, bakit daw inuna ni Keehan si George bago si Kobe?
Di ko alam kung sinimulan nya itong at the age of 18 o nag-skip lang sya kaya di nya nagets na ang Keehan sa story na to ay anak ni Keehan sa Adonis Academy.
Yun lang.
Just want to clear things. Hahaha.
Ang Keehan ni Kobe ay (Keehan Jr.)
Ang Keehan ni Georgie ay (Keehan Sr.)

└(^o^)┘

Chapter 34

♬ "sa may bahay...."♪

"TAWAD!!!" Sigaw ko agad. Napatigil naman sa pagkanta yung nangangarolling.

Hangga't di pa humahaba ang kanta nila, dapat awatin na. Baka umasa sila na mabibigyan ng pera. Masakit kayang paasahin!
Yung suot mo na ang korona tapos naagaw pa? Sakit nun!
Pero teka, nawala na tayo sa usapan... nasan na nga tayo?

♬"thank you! Thank you! Ang babarat ninyo, pakyu!"♪

Akmang tatayo na ko para sugudin yung mga namamasko kung di lang ako napigilan ni Keehan sa braso.

Salubong ang kilay sa inis na tinignan ko si Keehan para lang makita na nakangiti sya at tila ba tuwang tuwa saakin.

Parang shuni lang?
Kita nang bineast mode ako nung mga nangangarolling tas ngingiti ngiti lang sya dyan?

Eh kung kinikiss nya kaya ako! Edi sana humupa ang pagka beast mode ko! Duh!?

"Easy bunso" saad naman ni Kuya Derrick.

Umiiling na bumalik nalang ako sa pagkakaupo sa sofa sa tabi ni Keehan.
Kasalukuyan kaming nanunuod ng balita. Patay na nga ang ilaw namin at sarado ang ang pinto para kunware ay walang tao pero malulupet talaga ang mga namamasko! Nakikita ata nilang may liwanag sa loob ng bahay mula sa tv kaya nalalaman nilang may tao parin.

"Dagsaan na po ang mga nag e-early christmas shopping dito sa divisoria...." sabi nung nagbabalita sa TV.

"Kailan tayo magki-christmas shopping?" Tanong ko sa mga kapatid ko.

"Kailan ba tayo nag christmas shopping?" Balik tanong naman sakin ni Kuya Dwayne kaya napasimangot ako.

"Pero bunto, gutto mo ba magchritmat thopping?" tanong ni kuya. You know who already
:'D

"Oo naman syempre"
Nadama ko ang kamay ni Keehan na pasimpleng kinuha ang kamay ko.

Hmmmph. Porket alam nyang distracted ako ng mga kuya ko, nagsasamantala nanaman ang kamay nya! Tsk tsk tsk

"Ganto nalang, ikaw na ang mamalengke bukat ng umaga. imagine mo nalang nagki-chritmat thopping ka!"

Napangiwi ako sa sinabi ni kuya Kiefer at tumawa naman ang mga kuya ko.

"ayoko nga!" Pagtanggi ko kaagad.

"Dali na bunto. Mintan ka lang uututan mamalengke!" Sabi nya.

"yak ambastos mo kuya!" Hinagisan ko sya ng unan. "Uututan ka dyan!"

Nagtawanan ang mga kapatid ko at ganun din si Keehan. Nararamdaman ko pa ang pagtaas baba ng balikat nya habang humahagikhik.

"Niloloko mo ba ko bunto?" Tanong ni Kuya Kiefer.

Akmang sasagot na ako nung bulungan ako ni Keehan. "He meant, uutusan. Not uututan"

Naitikom ko ang bibig ko sa pagkapahiya.

"oo na!" Para makabawi naman kay Kuya Kiefer... "oo na. Ako na ang mamamalangke!" Pagbabago ko na rin ng usapan. Para mailihis sa topic about ututan. Hehehe.

Natatawang umiling ang mga kapatid ko.

"Samahan mo sya bro ha"
Sabay kami ni Keehang napatingin kay Kuya Lebron nung magsalita sya.

"Okay lang kahit mag isa ako"

"Hindi. Buntis ka. Delikado at madaling araw ka mamalengke. Mas maige nang may kasama ka. Okay lang naman sayo bro diba?"

Pare-pareho kaming tumingin kay Keehan.

Walang pag aalinlangan sa mukha nya nung tumango sya kaya yung puso ko, akala mo'y nanalo sa Miss Universe sa sobrang saya.

"Ayan! Nakaligtas na si Kiefer sa toka nya sa pamamalengke. Madaya!" Hinaing naman ni Kuya Derrick at nagtawanan nalang kami.

Nung matapos kami manuod ng OTWOL, umakyat na kami ni Keehan sa kwarto.

"Marumi sa palengke, mabaho, masikip, hmmmm... ano pa ba?"
kasalukuyan ko syang tinatakot para di na sya sumama bukas. Baka kasi magreklamo sya pag nakarating na sa palengke.
Rich kid pa naman! Baka hindi pa nya naeexperience pumunta sa sea food section sa palengke.

"I know and I'm well aware of that" tumingin ako sa kanya saglit.

"Weh?" Sabi ko bago sya tinalikuran.

Lumapit ako sa kutson nya at ipinaglatag sya.

"I've been to wet market. Literally wet coz You badly need to ride on a boat to be able to cruise the whole place." Aniya.

Ngumuso naman ako pero patuloy lang sa ginagawa.

"saan naman yan? Ang oa ha" komento ko.

Tumawa sya bago sumagot.

"Floating market in Thailand"

Natigil ako sa ginagawa ko dahil tapos na rin naman ako sa pag aayos ng higaan nya. Nilingon ko sya ng nakataas ang isang kilay.

"Edi ikaw nang sossy! Oh sya tulog na at maaga pa tayo bukas mamamalengke!"

Umupo ako sa kama ko habang nanatili naman syang nakatayo at nakatingin sakin.

"Tunganga pa more. Tulog ka na" ipinasok ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot at naghahanda na sa pagtulog kung hindi nya lang ako ginambala.

Naramdaman ko ang gabi gabi kong nadarama. Yun ay ang paglubog ng kama ko dahil humihiga sya sa tabi ko.

"Ayan ka nanaman eh! Dun ka na sa sahig keehan" tinutulak ko sya pabagsak ng kama. Di naman sya masasaktan dahil sasaluhin sya ng kutson nya sa sahig.

"gabi gabi mo nalang ako pinagtatabuyan." aniya.

Tumaas ang gilid ng labi ko kasi ang cute nya pag nagpapaawa.

"Hay naku" kinamot ko ang kili-kili ko. "Nangangati ang kili kili ko sa kakulitan mo!" Umirap ako at tumawa lang siya.

Pinulupot nya ang braso nya sa bewang ko at hinalikan ako sa balikat ko.

"About that..." nakapikit na ko eh. Nagsalita nga lang ulit sya.

"Ano?" Tanong ko.

"It's itchy because you have to shave your under arm Kobe"

Namilog ang mga mata ko at milyon milyong mura na ang nasabi ko sa isip ko.
Tangina!! Ano daw?
Niloloko nya ba ko?

“A-anong sabi mo?” di kasi talaga ako makapaniwalang sinasabihan nya akong magshave! Nakakaloko diba?

Kinagat nya ang ibabang labi nya habang nagpipigil ng ngiting nakatitig saakin.

“Well, your under-arm is kind of….” Lumabas na ang malaking ngiti nya. Mukha natatawa talaga ang gunggong. “Hairy?”

Kasabay ng pagbigkas nya ng katagang hairy ang paggunaw ng mundo ko!
Hindi ako makapaniwalang sinasabihan nya ng mabuhok ang kili kili ko.
King ina talaga! Nakakahiyaaaaaa!!!

“H-hindi naman” kinapa ko ang kilikili ko at shet! Mabuhok nga!
Pero maputi naman ang kili-kili ko. Blonde nga yung buhok ko sa kili kili eh kaya hindi halata. Taray diba? Half Filipino, Half American yung hair ko!

“You don’t have to be shy” aniya ng may nakakalokong ngiti!
Sa kanya pa talaga nagmula ang mga salitang yun ha?! eh sa ngiti pa lang nya. napapahiya na ako!

“ang yabang mo! Dun ka na nga!!!” pwersahan ko syang tinulak kaya nahulog sya sa kama. Tumatawa namang bumangon ulit sya at bumalik sa tabi ko.

Para lang kaming pirated CD. Paulit ulit. Parang tumatalon na bala.
Eh kasi, babalik sya sa tabi ko tapos sisipain ko sya. Mahuhulog sya tapos babalik nanaman sa tabi ko. paulit ulit!

“Ang kulit mo naman Keehan! Ayaw nga kita sabing katabi!” inis ng sigaw ko. nabibwisit kasi talaga ako sa kanya. Napahiya ako sa sinabi nya eh!

“I’m sorry okay?” nahuli nya ko at nayakap. Pagod na rin akong pumalag kaya di na ko nagreklamo. Hinayaan ko nalang syang yakapin ako. “I don’t care if your under-arm’s hairy. Don’t get embarrass” aniya.

Ngumuso ako kasi ginagamitan nya nanaman ako nung pamatay na bedroom voice nya.
Ganyan naman sya! Porket alam nyang nadadala ako sa mapang akit nyang boses palagi nya nalang ginagamit laban saakin.

“Ikaw kasi!” singhal ko! “porket wala kang buhok sa kili kili, nagyayabang ka na! nakakaduling kayang mag-tyane!”

Tumawa ulit sya. Nasa gilid na ng mukha ko ang mukha nya kaya damang dama ko ang pagtama sakin ng hininga nya.

“pwede namang magpatulong ka sakin.” natatawang aniya. Umirap lang ako sa ere pero ikinonsider ko naman ang offer nya.

Once in a lifetime opportunity ito! Di ko na kailangang magtawag ng bata sa kapitbahay at bayaran ng limang piso kapalit ng pagtya-tyane sa kili kili ko. Ayaw ko kasi ng nagshe-shave. Mabilis tumubo eh!

“oh sige! Para makabawi ka, iharvest mo ang mga pananim sa kili kili ko ngayon din!” humagalpak sya ng tawa dahil sa sinabi ko.
Ang babaw talaga ng kaligayahan ng lalaking to.

“masusunod” bumangon sya at ganun din ako. Lumapit ako sa cabinet para kuhanin ang tyane bago ako bumalik sa kama.
Inabot ko iyon sa kanya tsaka ako humiga sabay taas ng kamay.

Kakapalan ko na ang mukha ko! pag naman naubos na ang buhok, maganda na muli sa paningin ang kili-kili ko! maputi kaya yan! Mahihiya si snow white pag nakita yan!

Nakaluhod sya sa gilid ng kama habang tutok na tutok sa kili-kili ko.
Nakatitig lang naman ako sa mukha nya habang pinagnanasahan ang kagwapuhan nya.

Biruin nyo yun, uto-uto pala ang lalaking to! Haha
Hindi kasi ako makapaniwala na may ganitong lalaki. Yung susunod sa gusto mo at seseryosohin talaga yung utos mo kahit mukhang kalokohan yun.

“ARAY!!” sigaw ko nung balat ko ang matamaan nya.

“s-sorry” kinakabahan ang mukha nya. Tila ba takot na takot na matamaan nanaman ang balat ko.

“ingat naman. Pag nagsugat yan, ipapakulong kita!”sabi ko. syempre joke lang.

“para naman akong nagfafarmville neto” sabi nya habang mahinang tumatawa.

Umirap lang ako. I admit, matalahib na ang kili kili ko. Wala na itong pinagkaiba sa masukal na gubat!  Pero ang sakit naman sa feeling na kinukumpara nya ang kili kili ko sa Farmville!

“Ang sakit mo magsalita ha! pwedeng COC nalang?” sabi ko.

Nagsalubong ang mga kilay nya nung tignan ako.
“Bakit COC?” tanong nya.

“Para di gaanong matalahib. Kaunting trunks at bush lang ang ireremove mo sa base. OA naman pag Farmville” tumawa ako at natawa din sya.

Umiiling na ipinagpatuloy nya ang pagtya-tyane ng kili kili ko hanggang sa matapos nya itong pareho.
Nahilo ata sya sa amoy ng under-arm ko kaya agad syang nahiga sa tabi ko matapos yun.

Di na ko nagreklamo kahit tinabihan nya ko. Kawawa naman ang poging ito!
Ang ginawa ko nalang, niyakap ko sya para maka-tsansing din ako kahit papano.

“Yeah” ungol nya habang nakapikit bago ako ginantihan ng yakap.

Napangiti ako.
Ang bango bango  nya kasi. Lalaking lalaki ang amoy!
Buti nga at di sya nahahawa sa amoy ng mga kapatid ko.
Amoy skwaters kasi kami!

“Goodnight” sabi ko.

Ngumiti sya ng nakapikit parin.

“Goodnight mommy” ani nya na mas nagpasaya saakin.
Yung endearment kasi eh! Nakakakilig kaya!

Kinabukasan, maaga kaming gumising ni Keehan.
Pasalamat nalang talaga ako at di na sya nag inarte pa at bumangon kaagad nung ginising ko.

“morning” medyo tulog na medyo gising nyang sabi. Nakapikit pa eh tapos gulo gulo ang buhok. Akala mo, na-rape sya sa itsura nya!

“Tara na! palit ka na ng damit” sabi ko habang hinihila sya patayo sa kama.

“Di na tayo liligo?” nakamulat na ang isang mata nya habang nakangusong nagkakamot ng mukha.

“Hindi na. Mamaya na pag uwi” lumapit ako sa cabinet para kumuha ng damit.
Sumunod naman sya at tumigil sa likod ko. Kumapit sya sa magkabilang nakabukas na pinto ng cabinet habang antok pang nakatingin sa mga damit nya. Kung titignan mo kami, mukhang kino-corner nya ko sa loob ng cabinet pero hindi. Di nya intensyon na ma-corner ako.

Nung makuha ko ang damit ko, lumusot ako sa ilalim ng kili-kili nya para makawala sa kanya at dumiretso palabas ng kwarto para pumuntang banyo upang makapag palit na ng damit at makapag hilamos at toothbrush na rin.

Pagbukas ko ng pinto, sumunod na pumasok si Keehan. Nakapagpalit na sya ng damit pero mukhang wala parin sya sa katinuan nya kasi mukhang antok na antok parin.
Kawawa naman! Napuyat ko yata sya kagabi!
Pano, alas dose na nung matapos sya sa pagtatabas ng damo sa kili-kili ko.

Naiwan ako sa labas habang takang pinapanuod sya. Maghihilamos ata sya kaya hindi na ko nag-abalang umalis at pinanuod ko nalang sya. Baka kasi madulas sya at magdive sa inidoro namin. Di ko kayang magsama ng amoy inidoro sa palengke noh!

Prenteng prente na kong nakatayo at pinapanuod sya sa pag hihilamos nya pero nung matapos syang maghilamos at nakita kong pumunta sya sa tapat ng inidoro, Naalarma na ko.
Nanlaki ang mga mata ko nung mapunta sa zipper nya ang mga kamay nya habang dahan dahan itong ibinababa.

Para naman akong nakakita ng engkanto kasi hindi talaga ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Literal akong na-estatwa sabay bagsak ng panga.

Nung akala ko ay makaka-jackpot na ko sa pinapanuod ko, bigla naman syang natigil sa ginagawa nya at napabaling saakin ang ulo.

Namimilog pa ang mga mata ko pero hindi talaga ako umaalis sa pwesto ko.

Ngumisi sya nung mahuli akong titig na titig sa kanya.
Natauhan nalang ako nung sumara ang pinto at mawala sya sa paningin ko.

“AAAAAAAAAAAAAARRRGGGGGGGHHHHHHHH” impit na sigaw ko. “sayang!”

Umupo nalang ako sa sofa at hinintay sya.
Tumatawa naman sya nung lumabas ng banyo. Nakatingin sya sakin habang punong puno ng pagka-amuse ang mga mata.

Tinaasan ko lang sya ng kilay.

“Tara na” yaya ko at inunahan sya palabas ng bahay.

Pinatunog nya ang lock ng sasakyan nya at nanguna ako sa pagsakay.
Nung pumasok naman sya, nasa mukha parin nya ang pagpipigil ng tawa.

“Wag ka ngang ngumiti! Nakaka-imbyerna” sabi ko habang nagsi-seatbelt! Oh ha! Naunahan ko na sya sa pagsusuot ng seatbelt! Improving ako mga teh!

“okay” sabi nya kahit na hindi nya naman sinunod ang sinabi ko.
Mukha na nga syang timang sa kangingiti!

Hanggang makarating kami sa palengke, masaya parin ang mukha ng luko.

“Bakit ka ba nakangiti?” kompronta ko na.

“coz you’re funny” sagot nya.
Sumimangot ako.

“bakit ako nakakatawa?”

Umiling sya habang pinapatay ang makina.

“You should’ve seen your face while you’re watching me unzip my pants” tumawa sya at nahiya naman ako. “You’re such a pervert Kobe” masaya ang mukha nya at para bang wala syang pakielam kahit muntik ko na syang mabosohan!

Atsaka teka nga! Hindi ko sya binosohan!
Nagkataon lang na natulala ako kanina! Ang feelingero nya ha!

“Ang kapal mo talaga!” buwelta ko. Di naman sya natinag at nagtaas pa ng isang kilay.

“well, I’m pretty sure of what expression I’ve seen on your face earlier. You seems like you’re anticipating to see my…..” tumigil sya pero kahit hindi nya tinuloy yung pagsabi sa Jun-jun nya, pakiramdam ko, namula kaagad ng husto ang buong mukha ko!

“Hindi kayaaaaaa!”

Tumatawa parin sya.

“whatever”  aniya.

Nakasimangot tuloy ako habang namamalengke kami.
Sya naman, walang humpay sa pagpapa-alala sakin ng nangyari kanina.

Kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kanya na nagmamalasakit lang ako kaya pinapanood ko sya kanina sa banyo, di nya binibili ang explanation ko. Baka kasi madulas sya! Mukhang antok na antok pa naman sya kanina! Pero di nya pinaniniwalaan ang mga paliwanag ko.
Eto pa nga at inaasar akong manyak daw ako!

Hindi naman ako Manyak diba?

“tigilan mo na nga ako” umismid ako tsaka humarap sa tindera ng bangus.

Hindi naman sya mukhang nandidiri. Wala nga lang sa kanya kahit na basa ang tinatapakan nya. Wala sa palengke o sa mga taong nakakasalubong namin ang atensyon nya. Tanging nasaakin lang.
Kikiligin sana ako kasi sakin lang sya nakatingin. Kaso naalala ko, kaya pala sya nakatingin sakin dahil inaasar nya ako.

“Magkano po ang isang kilong bangus?” tanong ko.

“P150 nalang hija!” sagot ni aleng tindera.

“120 nalang ate!” sabi ko.

“Sobra ka naman makatawad! 149, last na offer na yan” aniya.
Ngumuso ako at nag iisip kung mag-de-deal sa offer nya. Sa huli, nag deal na rin ako.

“Okay. Basta siguraduhin nyong sariwa to ha” sabi ko habang inaabot yung 149 pesos

“syempre. Kahuhuli lang ng mga yan! Sariwa yan. Fresh na fresh parang yang asawa mo. San mo ba yan nahuli at ng makahuli din ako?”

Napangiwi ako nung makita ang nakangising mukha nung tindera habang pinagmamasdan si Keehan na ngayon ay nananahimik na sa likod ko.

“Wala ka ng mahuhuling ganyan manang! Nag iisa yan! At akin na sya kaya wag ka na ngumisi manang. Nakakatakot ang pustiso mo, parang lalaglag” sabi ko sabay kuha ng bangus.
Hinila ko naman kaagad si Keehan palayo sa tindera.

“Ang sungit mo sa tindera” aniya habang hila hila ko sya.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga nadadaanan namin. “pero okay lang. kinilig naman ako sa sinabi mo”

Tinignan ko si Keehan dahil sa sinabi nyang kinilig daw sya.

“huh?” tanong ko.

Hinapit nya ko sa bewang at inagaw ang hawak kong grocery bag. “I like the possessive side of you” sabi nya. “I love hearing you claiming me as yours”

At nalaglag po ang panty ko sa kilig.
Choss!
Wala nga pala akong panty!
Choss ulit!

Continue Reading

You'll Also Like

GAME OF THE DEVIL By SLSNT

Mystery / Thriller

3.8K 139 38
【PHOENIX MAFIA SERIES #2】 Naois Ivanov is a psychopath... and is the 2nd Mafia Executive of the powerful and notorious Phoenix Mafia. Also, he loves...
7.8M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.4K 593 18
Status: Completed Language: Taglish Genre: Mystery-Thriller Weeks after getting married, the wife woke up stuck inside a mirror. How will she survive...
1K 67 38
Book 2 of Heartaches To Heartbeats YEARS LATER.... Together. Forever. That is what we promised to each other. But I guess promises are meant to be...