MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

023

3K 144 63
By saltypastry

' Because every princess deserves a crown '

--

Milk's POV

' WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS ! WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS ! WE WISH YOU A MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR ! '

Punyeta.

Sino ba yang mga hinayupak na nangangaroling ?

' ANG SANHI PO NG PAGPARITO, HIHINGI PO NG AGINALDO ! KUNG SAKALING KAMI'Y PERWISYO, PASENSYA NA KAYO KAMI'Y NAMAMASKO ! '

Perwisyo talaga kayo mga gunggong !

Bumangon ako sa pagkakahiga ko at binuksan yung pinto.

As expected, yung tatlong maingay ang nasa labas.

' MERRY CHRISTMAS NOONA ! '- sabay-sabay na sabi nila.

Napangiwi ako.

' Easyhan nyo lang. Tulog pa mga kapitbahay '- sabi ko sa kanila.

Di naman sila excited mag-celebrate ?

Ang aga-aga paㅡ

' Tulog pa mga kapitbahay ? '- sabay-sabay na tanong nila.

Napatingin ako sa wall clock ko.

Ay joke. 1 pm na pala. Napuyat nga pala ako kagabi kakaisip ng ibibigay sa kanila.

' Joke lang. Ano ngang pinunta nyo dito ? Pupunta na din naman ako dun '- sabi ko.

Inabutan nila ako isa-isa ng paperbag.

' Isuot mo yan ah ! '- sabi ni Hoshi.

Naks naman. Yayamin pala tong mga ka-squad ko.

' Galing sa inyo ? '- tanong ko.

' Hinde. Galing kay Joshua hyung '- sabi nila.

Akala ko naman galing sa kanila.

' Mga pabida kayo eh. Magsilayas na kayo nang makapagbihis na ko '- sabi ko tapos sinarado ko na yung pinto.

Naupo ako sa kama at isa-isang binuksan yung mga regalo daw ni Joshua.

White sleeveless top, light blue high-waisted skirt tapos kulay brown at white na wedge yung laman nung tatlong paperbag.

Pinaglololoko ba ko ng tahong na yun ?

Alam naman nyang hindi ako nagsusuot ng mga ganito diba ?

Sige na nga. Pasko naman eh.

Tapos ang sikip pa ! Sinasabihan nya kong mataba tas bibilhan din naman nya ko ng masikip na damit.

Naglolokohan nalang ba kami dito ?

Nang maisuot ko na lahat nung bigay nya, nagsuklay ako ng buhok at nagpulbos. Di uso sakin makeup. Hanggang lip gloss lang din ako.

Humarap muna ako sa salamin para tingnan yung sarili ko.

Ang cute din naman pala nung damit. Kaya di na ko nakatiis at kinuhanan ko ng picture yung reflection ko.

Huehue.

Minsan lang naman to wag ka !

Lumabas na ako ng apartment at dumeretso sa dorm nila.

Naabutan ko silang naglalaro ng paper kissing game. Mga baliw talaga tong mga to.

Napalingon silang lahat sakin and the next thing I knew, nasa gitna na ako ng group hug nila.

Too much hotness ! Isa-isa lang pwede ?

' Noona ang ganda mo ! '- sabi ni Dino sakin.

Ginulo ko yung buhok nya.

' Pero Noona wag ka na maghi-heels sa susunod ha '

Lumingon-lingon ako. Sino yung nagsalita ?

Ay joke, si Woozi pala. Ang sama ko talaga !

Natawa nalang ako tapos ginulo din yung buhok nya.

Tinuloy lang nila yung paglalaro ng kung ano-ano. Nakaupo lang ako dito sa sofa nila habang aliw na aliw na nanonood sa kanila.

' Bagay sayo yung suot mo '

Napatingin ako sa right side ko at nakita ko si Vernon na nakangiti sakin.

Ang gwapo nya po.

' Thank you '- sagot ko nalang.

' May regalo pala ko sayo '- sabi ny tapos may kinuha sya sa bulsa nya.

' Meron ? '- gulat na tanong ko.

Hala, seryoso nga sya kahapon na bibigyan nya ko ?

' Oo naman. Talikod ka bilis '- sabi nya.

Sumunod naman ako kahit na medyo nahihiya ako.

Sinuotan nya ko ng kwintas. Crown yung pendant nya tapos may kulay blue na gem sa gitna.

' Because every princess deserves a crown '- sabi nya sakin pagkaharap ko.

Di ko alam kung anong isasagot ko. Di ko alam kung anong nararamdaman ko.

Prinsesa ang tingin nya sakin ?

Hindi ko in-expect na bibigyan nya ako ng regalo at hindi ko lalong in-expect na tatawagin nya kong prinsesa.

' V-Vernon salamat pero .. hindi mo naman ako kailangang bigyan ng ganito '- sabi ko sa kanya.

Ginulo nya yung buhok ko.

' Ayos lang naman sakin eh. Basta ikaw '- sagot nya.

Juice colored.

Nagwawala na yung mga internal organs ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin or ire-react.

This moment is too good to be true.

Sa totoo lang sobrang nahihiya ako. Wala kasi akong regalo sa kanila.

Hindi ko kasi alam kung anong gusto nila at mas lalong wala akong pambili.

Tulungan nyo naman ako ..

' Noona ! May regalo kami sayo ! '- sabi nung ibang members sabay lapit saming dalawa ni Vernon.

Hala.

May inabot sakin si Seungcheol na malaking box.

Ayoko talagang tanggapin kasi nahihiya ako kaso pinilit nila ako at sinabing buksan ko na daw.

Pagbukas ko nung box, ewan ko ba, naiyak ako bigla sa sobrang tuwa at sa pagka-guilty dahil wala akong regalo sa kanila.

' Uy hala ! Umiiyak si Noona ! '- sabi ni Jeonghan.

' Ikaw kasi Mingyu eh ! '- sabi ni Jun.

' Oy bat ako lang ? Kasama ko si Wonwoo hyung bumili nyan eh ! '- sabi ni Mingyu.

' Kaninong idea ba yang bigyan si Noona ng isang kahong lollipop ? '- tanong ni Woozi.

Oo isang kahong lollipop yung bigay nila.

Natutuwa talaga ako sa kanila kasi nag-effort silang bigyan ako ng regalo at yung paborito ko pa.

Kaso nga sobrang nagi-guilty ako dahil wala man lang akong maibigay sa kanila.

' Guys wag na kayong mag-away. Nagustuhan ko naman eh .. '- sabi ko sa kanila kasi nagsisisihan na sila.

' Bat ka umiiyak Noona ? '- tanong ni Minghao.

Nagpunas ako ng luha bago sumagot.

' Eh wala kasi akong regalo sa inyong lahat '- nakayukong sabi ko.

Natahimik sila. Pero nagulat ako nang yakapin ulit nila akong lahat.

' Noona naman. Yun lang iiyakan mo ? '- sabi ni Wonwoo.

' Ayos lang yun Noona ! Sapat nang inaalagaan mo kami araw-araw '- sabi ni Hoshi.

Napangiti ako. Ang bait nilang lahat huhu.

Pagkatapos nun, kumain na kami. Sila lang pala. Wala kasi akong gana eh. Ewan ko ba.

Di ko alam kung anong sumapi sakin kaya lumabas ako at umakyat sa bubong ng dorm nila.

Simula nung dinala ako dito ni tokwa, palagi na akong bumabalik dito ng ako lang mag-isa.

Tuwing hindi ako makatulog, dito ako tumatambay.

Naupo ako dun at hinubad muna yung wedge. Ang sakit na agad ng paa ko. Di talaga ako sanay magsuot ng mga matataas na sapatos.

Kanina pa talaga may bumabagabag sakin. Nung binigay sakin ni Vernon tong kwintas na to, ewan ko ba pero, may iba akong naramdaman.

Kasi diba kapag may binigay sayong regalo yung crush mo, matutuwa ka. Ang saya mo kasi nag-effort syang bilhan ka.

Pero bakit wala akong ganun na nararamdaman ?

Parang wala lang.

Parang normal lang.

Hinubad ko yung kwintas at tinitigan.

Hindi ko na talaga alam. Ano na bang nangyayari sakin ?

Parang nagbabago na ako unti-unti.

Asan na yung Soonbyul na baliw na baliw kay Vernon ?

' Huy '

Agad kong tinago sa bulsa ko yung kwintas bago ako napatingala. Nakita ko si Joshua na nakatingin sakin.

' Bat ka nandito ? Baka hanapin ka nila '- sabi ko sa kanya.

Umupo sya sa tabi ko.

' Bigla ka kasing nawala kaya hinanap kita '- sabi nya.

Napatingin sya sa paa ko at nakita nyang hindi ko suot yung wedge.

' Sabi na nga ba eh '- sabi nya tapos natawa sya ng mahina.

' Hindi talaga ako sanay eh '- sagot ko.

' Bagay pala sayo yang binili kong damit. Nagpatulong pa ko kay Jeonghan na pumili kasi hindi ko talaga alam kung anong bibilhin '- sabi nya.

Eh kung sinasapak ko kaya sya ? Hindi na mga ko makahinga dito eh.

Pero ang sarap pakinggan na nag-effort pa syang magpatulong kay Jeonghan.

' May isa pa pala akong regalo sayo '- sabi nya tapos may kinuha sya sa bulsa nya.

Hala, may isa pa ?

' Uy wag na nakakahiya '- sabi ko sa kanya.

' Sus ayos lang yun. Bilis talikod ka '- sabi nya.

Sinunod ko naman sya.

Naramdaman kong sinuotan nya ako ng kwintas. Sya din ?

Yumuko ako para tignan yung design.

I felt a knot in my throat.

Parehas yung regalo nila ni Vernon.

' Because every princess deserves a crown '

Feeling ko gumuho yung mundo ko.

Bakit parehas din sila ng sinabi ?

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakangiti sya kaya pinilit ko nalang din ngumiti.

Sasabihin ko bang parehas sila ng bigay ni Vernon ? Pati yung line nila ?

' Nagustuhan mo ba ? '- tanong nya.

Siguro wag nalang.

' Nagustuhan ko Jisoo. Salamat '- sagot ko.

Juice colored.

Ano na bang nangyayari sa mundo ?

Continue Reading

You'll Also Like

192K 3.8K 48
(COMPLETED) Hera is a strong and independent lady who grew up in the US. Sa murang edad, natutunan niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. But her l...
25.8K 174 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
IBTMITL By Janelle

Teen Fiction

29.2K 727 115
I'll be the matriarch in this Life, Chapter 201-256. Side Stories
259K 9.9K 62
My collection of JENLISA one shot stories. May contain some stories written in Filipino.