Sakit ng Kahapon

Par CindyWDelaCruz

113K 1.3K 351

Maagang namulat si Ginny sa katotohanang hindi na siya babalikan ng lalakeng kanyang minahal ng buong puso. S... Plus

Sakit ng Kahapon
Chapter Two - Positive...
Chapter Three - Ang Paglalayas
Chapter Four - Start of Something New
Chapter Five: Paradise Resort
Chapter Six: Namumuong Pagkakaibigan
Chapter Seven: Sa Ilalim ng mga Bituin
Chapter Eight: Binabagyong Puso
Chapter Nine: Pagpapanggap
Chapter Ten: Hacienda Dela Fuente
Chapter Eleven: Dapithapon
Chapter Twelve: Umagang kay Ganda
Chapter Thirteen: Pagsisisi, Pagtanto at Pagmamahal
Chapter Fourteen: Ang Nakaraan sa Kasalukuyan
Chapter Fifteen: Sapat na ang Minsan
Chapter Sixteen: Isa pang Pagkakataon
Chapter Seventeen: Villa La Paz
Chapter Eighteen: Isang Baliktanaw sa Nakaraan
Chapter Twenty: Makita Kang Muli
Chapter Twenty One: Mga Tinatagong Sikreto
Chapter Twenty Two: Mga Hadlang
Chapter Twenty Three: Lakas ng Loob
Chapter Twenty Four: Mga Sugat ng Nakaraan
Chapter Twenty Five: Tuluyang Paghilom

Chapter Nineteen: Matinding Atraksyon

1K 12 0
Par CindyWDelaCruz

Isa isang nagsidatingan ang mga pagkain dala dala ng mga nakaunipormeng kasambahay ng Villa La Paz. Inilapag nila ito sa lamesa ng munting kamalig. Merong adobo, sinigang, sisig at mango juice. "Hindi ka na dapat na nag-abala pa," sabi ni Ginny na nakatitig lang kay Lorenz. "Hindi naman ako gutom." Pagkalapag ng mga pagkain sa mesa at nagsialisan din ang mga kasambahay, at muli ay naiwan silang dalawa. 

"This will be our date and you only deserve the best Ginny. Please let me do this for you." Inalalayan ni Lorenz sa pag-upo si Ginny at inasikaso ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pagkain sa plato nito. 

"Hindi naman talaga tayo lumalabas dati para magdate 'di ba?" Hindi agad nakaimik si Lorenz. 

"I know, at lubos ko itong pinagsisisihan." Hinawakan ni Lorenz ang mga kamay ni Ginny, humarap siya dito na tila nagsusumamo. "I need you to give me another chance. Hindi kita pinanindigan noon dahil yung gabi bago mo sabihin sa akin na buntis ka, ay yung gabi na pumutok ang balita tungkol sa bastardo kong ama. I was very confused at that time, hindi ko alam ang gagawin ko. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko kung bakit ako nagsinungaling sa'yo. If you can only just forgive me, and give me one more chance, I will spend every waking hour trying to make it up to you. I need you to be fair to me Ginny, for our child, for our future. Mahal na mahal kita."

"Lorenz, ikaw itong naging unfair sa akin sa simula pa lang, dahil hindi mo sinabi sa akin ang totoo. At ipinagkatiwala ko sa'yo ang buong puso ko Lorenz, minahal kita at alam mo iyan! Handa akong iwan ang lahat nu'n para sa'yo, handa akong isuko ang lahat, iyon naman pala ay hindi pa kita lubos na kilala. You never told me the truth about who you are from the start."

"Iyon ay dahil takot ako! Can you understand that?" Sa emosyong nararamdaman ni Lorenz ay hindi niya sinasadyang mahampas ang mesa ng kanyang dalawang kamao. Nakaramdam ng takot si Ginny dahil sinabayan pa ito ng isang malakas na kulog. 

"Iuwi mo na ako kay Jordan, Lorenz."

"I- I'm sorry Ginny, I didn't mean to scare you. Please stay longer. L-let's start all over again, let's do this again." Tumikhim siya at ininom ang baso ng tubig na nasa kanyang harapan. "Let's eat, at least. Kumain na muna tayo." Tahimik na sumubo si Ginny ng pagkain, dahan dahan siyang ngumuya at lumunok. Nawala sa pagkain ang kanyang pag-iisip. "I'm sorry that I never took you out for a real date, Ginny. I really am sorry."

"Ang tanging lugar na pinagdadalhan mo lang sa akin noon ay ang bakanteng bahay at lote Lorenz."

Ngumiti si Lorenz at saka tumugon. "You'll be surprised that I brought that empty house and lot Ginny."

"A-ano?"

"Napaka-importante ng lugar na iyon para sa akin dahil higit pa sa mga oras na pinagsaluhan doon ng init ng ating mga katawan, ay doon ko rin nailalabas ang tunay kong pagkatao. Hindi lang tayo dito nagtalik, dito rin tayo nagkuwentuhan magdamag. Napakaimportante ng mga alaalang iniwan mo sa akin doon."

"Ano naman ang gagawin mo sa bahay at lote na iyon? Doon ka na titira?"

"Doon tayo titira kung sasama kang muli sa akin. Doon tayo bubuo muli ng mga pangarap natin, ng pamilya, ng habambuhay natin Ginny."

----------------------------------------------------------

Malakas na bumuhos ang ulan at agad na naghanap ng masisilungan si Lorenz at si Ginny. "Masyado nang malayo kung babalik pa tayo kina Genna. Doon na lang tayo o, sa may bakanteng bahay." Tinuro ni Lorenz kay Ginny ang isang bahay na tila wala ngang tao. 

"Tara!" Hinubad ni Lorenz ang leather jacket na suot niya at agad na ginamit ito na panangga sa ulan. Ilang metro lang ang layo ng bakanteng bahay sa parke kung saan sila kanina naghabulan. Nang makarating sila sa tapat nito ay ipiniit ni Lorenz ang busol ng pintuan. Nasurpresa siya nang bumukas nga ang pintuan. Walang ilaw sa buong kabahayan pero dahil sagana sa streetlights ang subdivision na iyon ay pumapasok ang liwanag sa buong kabahayan. 

Inilatag ni Lorenz ang kanyang jacket sa may sahig at doon ay niyaya niya si Ginny na umupo. "Let's play a game."

"Game?"

"Yup, truth or consequences. Magbato-bato pick tayo tapos kung sino ang matalo ay mamimili siya ng truth or consequence."

"Ikaw talaga, style mo bulok ha."

"What's wrong with that? Mas makikilala natin ang isa't isa, tutal ano pa ba ang puwede nating gawin dito habang nagpapatila ng ulan?" sabi ni Lorenz na sinabayan pa ng kindat. Lumakas pa ang buhos ng ulan sa labas, mukhang malabo na makauwi agad ng bahay si Ginny. Kanina nang nagpaalam siya sa kanyang lola ay inaakala niyang makakauwi siya kaagad ng bahay. Napatingin siya sa kanyang relo, alas nuwebe na pala ng gabi. 

"Tara, sige na nga."

"Great!" Pumosisyon si Lorenz sa harap ni Ginny. Pareho silang naka Indian seat na parang mga bata. "Bato bato pick!" Bato ang pangtira ni Lorenz at papel naman ang kay Ginny. 

"Haha, talo ka!" pagyayabang ni Ginny. "Truth or consequence?"

"Truth!"

"Hmm, truth. Good choice!" Nag-isip si Ginny kung ano ang puwedeng tanungin sa binata. "Ah, alam ko na. Ano ang isang bagay na kinatatakutan mo sa lahat?" Napangiti si Lorenz sa tanong. 

"You're a very interesting girl to ask me that type of question. But okay, I'll answer it." aniya. Sa totoo lang ay wala pang nagtatanong sa kanya nito. "Marami akong bagay na kinatatakutan at isa na dito nung lumalapit ako sa'yo kanina, natatakot ako na baka ma-reject mo."

"Ano ba, greatest fear nga eh. Hindi 'yan counted dahil unang una sa lahat hindi naman ako nangangagat!"

Napahalakhak si Lorenz sa tinugon ni Ginny. Ilang sandali lang ay nagseryoso na ito ng mukha at saka tumugon. "Sa tingin ko, ang greatest fear ko ay yung mawalay ako sa mga mahal ko sa buhay permanently. I'm afraid to lose my Mom, my Dad, my family. Hindi ko kakayanin siguro na gumising isang umaga tapos malaman na wala na sila. That will be my greatest fear."

"Okay, sige na, puwede na iyang sagot mo." 

"One more time?"

"Sure."

"Bato bato pick!" Sa pagkakataong ito nanalo pa rin si Ginny bilang gunting, at si Lorenz naman bilang papel.

"Oh no! Talo na naman ako."

"Congratulations Mr. Lorenz!" pangaasar ni Ginny. "Truth or consequence?"

"Okay, I'll choose consequence."

"Good choice." tugon ni Ginny. "Haranahin mo ako."

"Ha? Hindi ako magaling kumanta. I only sing in the bathroom."

"Sorry, consequence ang pinili mo eh."

"Sige, fine, I'll sing for you, pero binabalaan kita na sa oras na ikaw ang matalo ko, you're going to regret this."

"Kapag natalo ako." pangaasar pang muli ni Ginny. "Until then, you will have to sing for me." Tumikhim si Lorenz bago nagsimulang kumanta. 

We've got this afternoon,
we've got this room for two, 
One thing I've left to do,
Discover me, discovering you...

Napangiti si Ginny sa narinig na kinanta ni Lorenz, eto ang kantang "Your body is a wonderland" ni John Mayer na isa sa paborito niyang mang-aawit. Iba ang pakiramdam niya kay Lorenz, kahit ito ang unang beses na nakita niya ito. Nagkaka-crush na siya dati, pero hindi katulad ng atraksyon na nararamdaman niya para sa lalakeng nasa harap niya. Tila ba siya nasa alapaap kanina pa, lalo na nang maramdaman nito ang labi niya kanina sa may parke. 

And if you want love
We'll make it
Swim in a deep sea
Of blankets
Take all your big plans
And break 'em
This is bound to be a while...

Medyo may pagkapaos ang boses ni Lorenz kaya mag pagka-sexy ang dating ng pagkanta nito. "Hey, tama na. Pasado na yung kanta mo," pagtigil ni Ginny. Nag-ayos siya ng buhok at napatingin muli sa may bintana. May bagyo ba? Bakit ang lakas lakas pa rin ng ulan? aniya sa sarili. 

"Okay, shall we?" yaya uli ni Lorenz.

"Bato bato pick!" 

"Honey, you lose!" masayang sambit ni Lorenz. Bato ang tinira ni Ginny at papel naman ang kay Lorenz. "Choose truth or consequence."

"Truth." mabilis na tugon ni Ginny. 

"Hmm, good choice." pilyong ngumiti na naman si Lorenz. 

"'Wag yung mahirap ha, baka mamaya pang Miss Universe 'yan."

"Don't worry, madali lang 'to. I want to ask you Ginny what you honestly feel about me."

Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Ginny. Tila nanuyo ang kanyang lalamunan. Hindi mo kailangan sabihin ang totoo Ginny, paalala niya sa sarili. 

"C'mon honey. Remember, just the truth."

"Gusto mo ng totoo?" Nagtitigan ang dalawa at muli ay narinig nila ang malakas na pagkulog sa labas. 

"Nothing but the truth."

"I can't tell you," sabi ni Ginny. "But I can show you." Sa pagkakataong ito ay pinili ni Ginny na huwag nang mag-isip. Napagdesisyunan niyang pagkatiwalaan ang kanyang "instinct", at tuluyan nang sumuko sa kanina pa isinisigaw ng kanyang damdamin. Dahan dahan niyang nilapitan si Lorenz, hinawakan niya ang mukha nito at dinama ang gaspang ng manipis na balbas nito. Tumitig siya sa uhaw na labi nito hanggang sa tuluyan na niya itong hinagkan na siyang ginantihan naman ng binata ng malalalim na halik. 


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

39.9K 2K 40
maymay- isang simpleng babaeng wala pang ibang gustong gawin sa buhay kundi ang ienjoy ang buhay dalaga nya...isa sya sa mga naka linyang NBSB. Di nm...
3M 183K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
67.7K 1.3K 14
Maaari mo bang magustuhan ang isang taong alam mong ginagamit ka lang? Maari mo ba syang mahalin kung alam mong aalis din sya at mawawala? Maari ba k...
12.2K 441 52
Lahat ng tao nangangarap magmahal at mahalin. Sino nga naman ang ayaw ng lovelife di ba? Pero maraming tao ang natatakot sumubok dahil natatakot masa...