Chapter Three - Ang Paglalayas

5.5K 63 15
                                    

Tumakbong papalayo si Ginny, papalayo mula sa kinatatayuan ni Lorenz. Hindi niya nakayanan ang mga salitang namutawi mula sa bibig nito. Ang tanga tanga mo Ginny, ano pa ba ang inaasahan mo mula sa kanya?

Nang sumunod na umaga matapos niyang nalaman na buntis siya ay iisa lamang ang tumatakbo sa isipan niya. Iyon ay ang sabihin kay Lorenz na buntis siya at kailangan niyang managot dito. Sigurado siyang babalikan siya ni Lorenz kapag sinabi niya na magiging Ama na ito. Masaya si Ginny nang gumising siya ng umagang iyon dahil sa panaginip niya ay magkasama na silang muli ni Lorenz at isa na silang masayang pamilya. "May posibilidad na maging masaya ang magiging pamilya namin ni Lorenz. Syempre 'pag nangyari 'yon, sigurado akong susuportahan ako ni Lola at ni Mama sa mga desisyon ko. Tapos kung kinakailangan, ipaglalaban ko si Lorenz.."

"Lorenz may sasabihin sana ako sa'yo." Nasa may coffee shop sila sampung minuto ang layo mula sa Unibersidad na pinapasukan ni Ginny. Hindi na muna siya pumasok sa unang klase niya dahil ito lang ang tanging oras na pwedeng makipagkita si Lorenz dahil may trabaho pa ito. 

"Ano ba 'yon Ginny?" kalmado nitong tanong. Naka polo shirt ito at naka itim na slacks. 

"Lorenz, 'di na ako magpapatumpik tumpik pa." Huminga ng malalim si Ginny bago nagsalitang muli. "Buntis ako."

"T- talaga Ginny?" Nanlaki ang mga mata ni Lorenz. "Ako ba ang ama? Ilang buwan na siya? Nagpa-check up ka na ba?" sunod sunod na tanong nito.

"Lorenz, ikaw lang naman ang tanging nakasiping ko, malamang ikaw ang Ama," pagalit na tugon ni Ginny, na sa loob loob niya ay ikinagulat niya dahil ni minsan hindi siya nagsungit kay Lorenz.

"W-wag ka naman magalit, pasensya ka na. Sa wakas, magiging Ama na ako!"

"P-papanagutan mo ba ako?" malumanay na tanong ni Ginny. Kahit inaasahan ni Ginny na pananagutan siya ni Lorenz, gusto niya pa rin makasigurado. Matagal bago nakasagot ito, tumingin sa kawalan na tila ba napakalalim ng iniisip nito. Parang dinurog ang puso ni Ginny nang umiling ito.

"Susustentuhan ko ang bata Ginny, pero hindi na tayo pwede," anito. Hindi na napigilan ni Ginny na maluha, hindi niya inaasahan ang sagot na iyon ni Lorenz. "May sasabihin din ako na sana matagal ko ng sinabi sayo. Kasal ako sa iba Ginny…" Hindi siya makapaniwala sa narinig. Tila sumisikip ang paligid niya, para siyang maduduwal muli.

"Napaka walang hiya mo Lorenz, ayos lang sana malaman na pinagpalit mo ko sa ibang babae, pero ang malaman na kasal ka na pala? Isinama mo pa ako sa pag tataksil mo? Hinding hindi ko 'to matatanggap." Umikot ang paningin ni Ginny at tila naninikip na ang dibdib niya. Dahan dahan siyang tumayo at saka kinuha ang bag na nasa katabing upuan. "Hindi ko alam kung paano mo to nagawa Lorenz. Napaka hayup mo!" mariin pero mahinang sabi ni Ginny. Hindi, hindi siya magiiskandalo sa publiko dahil may mga mukha sa coffee shop na iyon ang nakakakilala sa kanya. "Hindi ko tatanggapin ang inaalok mong pera at ito na rin ang huling pagkikita natin."

Nang gabing iyon ay nag-impake si Ginny ng mga kagamitan. Napag desisyunan niya na maglayas dahil hindi niya kayang bigyan ng kahihiyan ang pamilya niya. Hindi niya kayang harapin ang dismaya na mararamdaman ng kanyang Mama at Lola 'pag nalaman nila ang nangyari sa kanya. Meron siyang kaunting naipon, baka kayanin niyang buhayin mag isa ang sarili niya at ang bata sa sinapupunan niya. Titigil siya sa pagaaral at pagkatapos maghahanap ng pwedeng trabaho. 

Hindi nakatulog nang gabing iyon si Ginny, malakas ang kabog ng dibdib niya at paulit ulit ang mga tanong na sumasagi sa isip niya. Kakayanin niya bang mag-isa? Paano na ang mga pangarap niya? Paano kung pumayag siya sa sinabi ni Lorenz kanina? "Hindi, wala ng atrasan 'to. It's now or never Ginny." bulong niya sa sarili. Nanatili siyang mulat hanggang pumatak sa alas kwatro ang orasan. Oras na…

Tagumpay na nakalabas si Ginny nang kanilang bahay ng walang ingay. Ganyan nga Ginny, katulad ng pagtakas mo sa hatinggabi sa tuwing magkikita kayo ni Lorenz. May halong lungkot, kaba at takot ang nararamdaman ni Ginny sa mga oras na 'to. "Wala ng atrasan 'to Ginny." muling bulong niya sa sarili. "God, 'wag niyo po sana pababayaan ang Lola ko…" Naisip niya ang sulat na iniwan niya sa mesa ng hapag kainan, sigurado siyang pagkagising ng kanyang lola, ilang oras magmula ngayon ay hahanapin siya nito. Dasal niya na sana ay 'wag na siyang hanapin nito, tulad ng isinaad niya sa sulat.

Nagpunta siya sa bus terminal sampung minuto ang lakad mula sa kanilang bahay. Malamig ang simoy ng hangin at wala ni anino ng tao ang makikita. Hawak ang isang traveling bag, mabilis niyang narating ang bus terminal kung saan naroroon ang isang malaking bus na mukhang puno na ng tao. "O miss, sakay ka na. Isang bakante na lang ang natitira at lalarga na tayo." Tiningnan ni Ginny ang plakard na nakasabit sa harapan ng bus. Papunta ang bus sa Lucena, sampung oras ang biyahe mula sa kanilang bayan. 

"Sige po Manong, sasakay na ako." Mabigat ang mag paa na umakyat si Ginny ng bus. Kahit natatakpan ang kalahati ng kanyang mukha ng buhok, ay nanatili siyang nakayuko. Ayaw niyang masira ang mga plano niya nang dahil lang meron siyang kakilala sa bus na 'to. Mukhang hindi naman niya kailangang mag-alala dahil tulog ang mga taong nakasakay dito. Sa wakas ay nakahanap din siya ng mauupuan. Inilagay niya ang traveling bag sa may lagayan sa itaas at dahan dahang umupo. Tulad ng lahat ng tao sa bus, ay mukhang natutulog din ang lalakeng katabi niya. dahil nakatakip ang mukha nito ng panyo. 

Nagsimula ng umandar ang bus pero hindi pa rin nawawala ang kaba ni Ginny, nananatiling pawis ang kanyang malalamig na kamay. Maya maya lang ay gumalaw ang lalake na nasa tabi niya, mukhang nagising na ito. Napatingin si Ginny dito dahil gusto niya ring malaman kung sino ang lalakeng katabi niya, pamilyar kasi ang pabango nito. Ang pabangong naamoy niya noong isang araw na nasa library siya.

"Ikaw?" magkasabay nilang sambit nang makita ng isa't isa kung sino ang katabi nila sa bus.

Sakit ng KahaponWhere stories live. Discover now