How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

The End Part 4 (Chapter 44): Sorry

11.9K 404 44
By xxxRavenJadexxx


Nandito pa rin kami ni Mick sa baybayin. Naglalandian, naglalampungan, nag-aasaran, kulang na lang magsuntukan pag hindi namin nagustuhan ang opinyon ng bawat-isa. Ganyan naman kami palagi, pero ayos lang 'yun, atleast hindi kami boring pag nagsamang dalawa. Alas-siete na ng gabi at hindi gaanong kaliwanag ang buwan ngunit sapat na ito para magsilbing ilaw namin. After the storm, there's a wide silence. Nakakabinging katahimikan that serves as music to our ears. Mukhang ma-popostpone na naman yata ang pagdating dito ng mga tiyahin namin dahil sa masamang panahon. Ayun ang nararamdaman ko pero nagbago ito nang biglang marinig namin ni Mick ang pagsigaw ni Alex.

Binitawan ko ang kamay ni Mick na parang magpapasa lang ng bola ng basketball sa ka-teammate. Mula kanina pa kami magkaholding hands while standing, sitting, kissing etc.

"KUYA!!!!! KUYA!!!!" pagsigaw ni Alex habang kumakaripas ng takbo papalapit sa 'min. Bigla kaming napatayong dalawa ni Zanmiks.

"Ano 'yun?" si Mick.

Napatuwad at napatungkod sa tuhod si Alex dahil sa pagkahingal. 'Dun pa lang sa hitsura niya'y alam ko na kung anong mangyayari. Biglang bumilis ang takbo ng puso ko dahil nahihinuha ko na, na may panganib na napipintong dumating sa islang 'to.

"Kuya, Jace," she's trying to catch her breath at tumayo ng tuwid. "Mukhang nandito na sila. Paparating na sila rito."

"Ha? Sigurado ka ba Alex? Baka false alarm na naman 'yan?" sabi ko.

"Totoo na 'to. Actually papunta na sila dun sa way kung saan ginawa namin ni Joaquin ang patibong namin. Baka in 10 mins makarating na sila. Kuya natatakot akech!"

Napaseryoso ng mukha si Mick, maging ako. Mukhang hindi magandang timing ang pagdating nila dahil sigurado akong lahat ng pinaghirapan naming patibong ay nasira na ng malakas na ulan. 'Yung mga firecrackers na pinlanta namin nina Ten e most likely basa na at hindi na gagana pa.

"Tsk... tsk... Pag minamalas ka nga naman o," sabi ko ng may pagkainis. "TARA NA!"

Dali-dali kaming tumungo papunta sa hideout namin. Hindi ko alam kung anong susunod na gagawin. Kung magtatago ba kami sa mismong lugar kung saan nakatago ang mga kayamanan o aakyat sa puno para hindi makita ng mga mapanlinlang na mga bisita.

Habang tumatakbo'y nandun 'yung halo-halong feeling na natatakot at nababagabag pero nao-overpower ito ng galit at paghihiganti. Parang tipong may gusto akong patunayan sa kanilang lahat na hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas. Basta normal lang na lumalabas ito. Iniisip ko rin na, eto ako, proprotektahan ko ang bawat isang taong nasa islang ito most specially si Zanmiks. Pero to be fair, lahat naman sila proprotektahan ko pero ang puso ko talaga, si Zanmiks ang gustong unang protektahan instead of Ten and Alex. I find him 'Weakling' kase, medyo weird lang pero parang nararamdaman kong hindi kaya ni Mick na protektahan ang sarili niya.

"JACE!" pagsigaw ni Ten while we are heading her way.

Walang sabi-sabi'y isa-isa niyang ipinasa sa bawat isa sa 'min ang mga baril. Nararamdaman ko 'yung bugso ng dugo ko as if na para akong isang sundalong sasabak sa matinding digmaan.

"Seryoso ka Ten? Pati ako?" tila pag-angal ni Alex.

"For self defense in case needed," Ten replied. "Hopefully wala namang barilang magaganap. We're here para itaboy sila. Our mission is... hindi nila matunton kung nasaan dito ang kayamanan. I know we're not a 100 percent ready pero pag magtutulungan tayo, it will be a success!"

Pinagmadali rin kaming abutan ni Ten ng 'Camouflage Suit' para isuot. Matitingkad ang kulay ng mga suot namin kaya madali kaming mate-trace ng kalaban based on our clothes. Now, we looked like real soldiers na sasabak sa digmaan.

"Follow my instructions," Ten commanded us. "Franz, Alex, Joaquin (The Ugly one).... 'Dun kayo sa baba. I planted CCTVs as I mentioned. Nakabukas na 'yung laptop and i-navigate niyo lang kung saan papunta 'yung mga bisita. Give me a signal"

Merong ibinigay si Ten na cellphone-like device sa tatlo para magsilbing communication nila kay Ten.

"Mick, come join me. Then the other Joaquin.... samahan mo si Jace."

Sabi ko na nga ba. We're in the middle of threat and confusion pero nakuha pa ni Ten na mang-asar. Well, medyo naasar ako kase we could do this in group but she still chose to be with Mick. This is carelessly unplanned.

"Sasama ako kay Jace," Mick surprisingly said.

"Ha?!"- Ten.

"Sasamahan ko si Jace. May napag-usapan kaming plano kanina na pwedeng makapag taboy sa mga bisita."

Anong sinabi niya? Pinag-usapan? Wala naman kaming napag-usapang ganun. Ang ginawa lang namin e magsabi ng hinanakit sa bawat isa, magharutan etc. Nothing productive. Pero gusto ko 'yung sinabi niya, mas preferred niya pa ring kasama ako kahit something weird is going on.

"Okay?" medyo napa pokerface si Ten na di alam ang magiging reaksyon. "Joaquin, come join me."

Sikreto akong napangiti at sikreto rin akong kinindatan ni Mick. Ang tukmol talaga o, way-ways.

"Okay, kayo Jace at Mick, pagbaba nilang tatlo, make sure na tatakpan niyo ng lupa yung mismong entry ng kayamanan. Kayo namang tatlo, make sure na tingnan niyo yung screens to make sure na monitored bawat sulok ng isla. I will communicate with you in case I need something from you."

"Okay!" chorus nilang sabi.

"Kaming dalawa ni Joaquin will monitor sa place kung saan dadaan ang mga aunties namin. And Jace, Mick...... If we fail, make sure na mapoprotektahan niyo pa rin ang kayamanan."

"Yes, Ten?" sabi ko. "But, if you fail, we will also fail! They should not see you in any circumstances. They will have an idea na we're all here to do what we have to do!"

"I agree, but we are not sure what will happen. Basta in times like this, gawin niyo na lahat ang makakaya niyo. Atleast we tried our best and didn't surrender, if we fail, let the future gives us a clue."

Nagmadali na kaming tumungo/gawin ang respective tasks namin. Ten and Joaquin version 2 proceeded sa pagdadaanan ng mga bisita. After na bumaba nina Alex, Joaquin at Franz, dali-dali naming tinakpan ang daanan ng lagusan ng kayamanan. We also covered it with man-made artificial grasses para hindi talaga mahalata na dun nakatago ang hinahanap nila.

Effortless naming nagawa ni Mick ang task namin. "Mukhang hindi na nila 'to mahahalata," Mick said after we finished covering the entrance to the treasure.

"Sana hindi sila makaabot dito Mick. I hope na umalis kaagad sila rito. I wonder kung bakit naisipan nilang gabi tumungo rito?"

Napakamot ng baba (chin) si Mick sa tanong ko. "Anong tingin mo Jace? Hindi ka ba nawiwirduhan? Pwede naman nilang gawin 'yun ng umaga para iwas abala. Sa tingin mo, may idea na ba silang nandidito tayo kaya gabi sila pumunta?"

Napaka-misteryoso nga ng chosen time nilang pumunta rito. Pumasok na rin sa isipan ko na maaaring alam na nila na naririto kami. It's mission versus mission ika nga, I wonder kung ano pa 'yung plano nilang maaaring gawin.

"Wala akong ideya talaga. Basta ang alam ko, 'pag nakita ko 'yung walang kwentang Renzo na 'yan. Pauulanin ko siya ng suntok hanggang sa malamog ang mukha niya. Wala akong pakialam kung kapatid ko siya.... kapatid nga ba? E hindi naman kami literal na magkadugong hinayupak siya."

"Magkapatid pa rin kayo! Iisa ang kinalakhan niyong ina... si Aling Corazon."

"Wala akong kapatid na taksil, suwail at higit sa lahat... MUKHANG PERA! Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa siya?! Hayop siya talaga napakawalang hiya niya!" galit na galit kong sabi.

**

ALEX's POV

"Oh My God, anong nangyayari? OH MY GOD! OH MY GOD! Ayoko pang ma-tegi!" paulit-ulit kong sinasabi. Nakakakaba kaya? Pag moment na andyan na talaga 'yung evil monsters e mapapa OMG ka! Akala ko sa pelikula lang yung mga ganitong eksensa, hindi ko knows pwede rin sa true to life.

"Tumigil ka nga ALEX! Ang OA mong payatot ka!" bulyaw ng dugyot na si Joaquin. Nakaupo sila ni Franz kaharap ang laptop kung saan makikita ang limang section na pinagtaniman ng CCTV. And since papunta ang mga 'BWISITORS' sa way ng pinaghirapan naming gawan ng patibong ni palaka, e dun sila nagfocus.

"I'm GONNA DIE, JUICEKOLORD!"

"Uy pakshit andyan na sila!" halos pasigaw ni Franz. Napatigil ako sa pag-oomaygad ko at lumapit sa kanila para tingnan ang larawan ng CCTV.

OH MY GOD nga! Confirmed! Andyan na ang mga bwisitors! Lumapit pa ako ng medyo malapit para tingnan kung sinu-sino ang mga pesteng makakabangga namin. Ayon sa nakikita ko, merong dalawang babaeng gurang akong nakikita. Mga 70 pataas ata ang edad, at may isang gurang ding lalaki, na tingin ko'y si Sunico Saavedra. May poging medyo mature ng konti ang hitsura na tingin ko'y si Renzo, at may isang maskuladong lalaki na nakaitim na tingin ko'y bodyguard nila.

"Parang may mali?" ani Franz. "Ba't parang sila lang?"

'Di ko masyadong na-gets ang sinabi ni Franz na mali nang marealize ko na may point siya. Siguro iniisip nila na maraming mga goons ang pupunta rito para isa-isahing kunin ang mga treasure, dahil silang lima is not enough para limasin ang mga kayamanan ng islang ito.

"Tumingin ka nga sa ibang CCTV," utos ko.

To my surprise, wala ng ibang bisita kundi ang limang iyon. Nakakapagtaka nga lang. Tatlong matanda, at isang alalay kasama ang traydor na medyo tisoy? Hmmm.... Parang kay Ten lang ay hindi uubra ang mga ito. Hindi sila prepared? Siguro hindi nila knows na merong mga taong nagbabantay ng kayamanan dito? Well, it's for our advantage at madali namin silang malilinlang. Pero wait lang, dadaan lang naman sila sa way namin... e napaka echos lang ng ginawang patibong namin ni Joaquin. OH MY GAWD!

Medyo may kalabuan ang CCTV dahil medyo madilim na pero aninag pa naman namin kung sinu-sino ang mga dumating na panauhin.

TOINKS! Huli sa CCTV.... may isang natisod ng patibong namin at biglang napadapa. Mukhang 'yung matandang Sunico ang sinawing palad pero agad naman itong nakatayo nang walang kahirap hirap. Hashtag #PunyetaLangWalangKwenta.

"Ano bang ginawa niyo? 'Yun na 'yun?" ani Franz. "Paano matatakot yang mga 'yan kung walang kakwenta-kwentang patibong ang ginawa niyo?" himutok niya.

"Ang hirap kaya gawin niya ah?" palusot ni Joaquin. "Pero effective naman o, natisod 'yung matanda. Tanga-tanga lang diba?!"

"Hmppfffff" pagsapok ni Franz kay Joaquin.

"Aray ko! Ba't ka nananapok?!!"

"E gago ka pala e! Para ka lang namatid ng tangang katulad mo!"

Whatever! Okay, for the first time in forever, papanig ako sa palakang ito. That patibong chuvaness doesn't make any sense. Kahit gaano pa kalalim ng patibong na gawin namin, at mabitag sila, hindi namin mababago ang state of mind nilang nandidito ang kayamanan. Ten is a brilliant girl but I'm brillianter este more brilliant than her! Huh?

"Mga wala talaga kayong pakinabang tsk tsk!" sumbat muli ni Franz.

Hmmmpff. I don't wanna make patol sa maputing pangit na 'to na kamukha ni white rabbit dahil protrude yung dalawang ngipin niya sa gitna. Wala daw kaming pakinabang? Si Joaquin oo, pero ako? Huh?!

Nagproceed pa rin ang mga bisita papasok, and this time, hindi na namin sila masilayan ng CCTV. Na rerevolve namin ang mismong camera pero hindi na nito hagip ang mga panauhin. Oh My Gawd lang talaga.

**

Jace's POV

Nilibot namin ni Mick ang isla to check kung may mga kaaway pang dumaong sa kabilang banda ngunit wala na kaming nakita pa. Mukhang sa isang lugar lang sila dumaong at isang Bangka lang ang ginamit. Inaasahan ko pa naman na pinaghandaan nila ito at maraming tauhan ng mga Aunties namin ang tutungo rito para samsamin ang lahat ng kayamanan.

Maya-maya pa'y biglang nagsiliparan isa-isa ang lahat ng firecrackers sa buong isla na pinlanta namin. Rinig na rinig mo 'yung mga whistle/tunog ng bawat paputok na akala mo'y NEW YEAR na. Madilim ng mga oras na 'yun pero nagmistulang mga bituin ang mga ito nang tumingala kami sa kalangitan. Napakaganda dahil iba't iba ang kulay ng mga ito na nagsisiputukan sa kalangitan. It took 10 mins nang matapos ang tila kakaibang palabas. Ang sa isip-isip ko'y.... makumbinsi kaya namin ang mga Aunties namin sa palabas na 'yun? What made Ten use those firecrackers? Failed ba ang Plan A? Bigla kong naisip bigla na sa section kung saan ginawa nina Alex at Joaquin ang patibong kaya siguradong hindi naconvince ang mga bisita naming something is not quite right here.

"Nakakaalarma Mick. Parang hindi kapani-paniwala 'yung mga pinaggagagawa natin!" sabi kong may halong takot.

"Ewan ko, pero tiwala naman ako sa kapatid mong si Ten e. Alam kong epektibo 'yung plano niya."

"Oo kapatid ko siya pero.... parang may mali e. Parang tingin ko kahit anong gawin nating pangdidisguise e mas matimbang pa yung hangarin nilang makita 'yung kayamanan."

Mick tapped my right shoulder at nginitian ako. "Chill ka lang Jace. Tiwala lang!"

"Mick? Salamat...."

"Salamat saan?"

"Salamat sa lahat.... salamat talaga..."

It's weird but Mick is comforting me. Hindi ako sanay na kino-comfort niya, mas sanay ako pag siya ang kino-comfort ko.

Bigla ulit kaming nakarinig ni Mick ng isang malakas na ingay. Napa-upo pa kami at napatakip ng tenga dahil tila isang malakas na bomba ang sumabog malapit si kinaroroonan nina Ten. Halos ikabingi ko ang lakas ng pagkakasabog na 'yun na hindi ko inasahan. Hindi ko alam na nagtanim pala ng bomba si Ten? Balak ba niyang patayin ang mga Aunties namin?

Tumayo kami ni Mick at nakita namin 'yung usok at apoy ng pagsabog ng malakas na bomba. Nakalikha ito ng sunog na siyang kumakain sa mga puno roon. Walang anu-ano'y napatakbo kami ni Mick sa kinaroroonan ng sunog.

"Ten.... TEN!!!!" pagsigaw ko sa pangalan niya. Labis akong nabahala dahil halos wala ng puno sa paligid ko. Lumikha ng korteng bilog sa lupa pabaon ang pagsabog na 'yun.

"TEN!... TEN!" nangingilid na ang luha ko dahil hindi pa rin siya sumasagot. Si Mick ri'y nababahala na at isinisigaw ang pangalan ni Ten ngunit hindi pa rin siya sumasagot.

"Wag naman, utang na loob," napasabunot ako sa buhok ko at naluha na. Hindi maaari ito. Hindi pwedeng mangyaring maaaring nasawi si Ten sa lakas ng pagsabog na 'yun.

"Jace, mukhang wala sila dito... halika!" hinila niya ang kamay ko papalayo.

"Ha?!!"

Pumunta kami patungo sa hideout kung saan naroroon ang kayamanan. Hindi ako mapalagay dahil baka kung anu nang masamang nangyari sa kapatid ko.

Pagpunta namin sa hideout, nakita naming wala nang takip 'yung lagusan papuntang kayamanan.... na labis kong ikinagulat.

"Anong nangyayari?!" ako na medyo nalilito.

"Jace.... mukhang..."

"Mukhang ano????"

"Mukhang nasa loob na 'yung mga Aunties mo. Mukhang..."

Alam ko na ang gusto niyang sabihin. Mukhang hindi kami tagumpay sa misyong ito. Nakakapanlumo, pero nung oras na 'yun, mas gusto kong kumpirmahin na ayos lang ang lagay ni Ten. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya. Wala na akong pakialam sa kayamanan at sa sumpa, sa kanila na 'yun. Basta safe kaming makakaalis ng lugar na ito, ay yun ang mahalaga!

Dali-dali kaming bumaba ni Mick sa lagusan. Inilabas namin ang mga baril namin bilang pandipensa sa mga berdugong nais kaming mapatumba. Kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa kaba at takot na nararamdaman na hinaluan pa ng pag-aalala. Ten nasaan ka na? Ano na nga bang nangyayari? Sa panahong ganito... hindi ko talaga alam ang gagawin. Parang wala akong lakas na harapin ito, nawala na parang isang bula ang galit na nararamdaman ko dahil napalitan ito ng pag-aalala. Feeling ko ay napakahina ko. Nangyari lang ang 'di inaasahan ay parang bibigay na ako. Heto ako, nangingilid ang luha dahil sa pag-aalala kay Ten.

**

"Kumusta mahal kong kapatid?"

Binulaga ako ng kapatid kong si Renzo at nagawa pang ngumiti sa 'kin. Bigla kong itinutok ang hawak kong baril sa ulo niya. Nanumbalik muli ang galit ko sa hinayupak na ito na kulang na lang ay kalabitin ko na ang baril para mabasag na ang bungo niya.

"Hayop ka talaga Renzo? Anong ginagawa mo rito? Nasaan na si Ten? Nasaan na ang mga kasama ko?"

"Relax ka lang Jace.... Ten is perfectly fine! Nandun siya sa loob. Wanna see her?"

"Hayop ka talaga Renzo! Traydor ka talaga. Dapat sayo pinapatay, hindi na binubuhay! Nagkamali kaming ibigay ang tiwala namin sayo hayop ka! Napakawalang kwenta mong tao!"

Renzo started to laugh like a devil. "Hahahahaha!"

"Sige tawa lang. Kahit kapatid pa kita hindi ako magdadalawang isip na patayin ka!"

"Okay, gusto mo na akong patayin mahal kong kapatid? E di go lang... hindi kita masisisi...."

"Hindi mo talaga ako masisising hinayupak ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nagsisising naging kapatid pa kita! Hindi tayo magkadugo pero ikinahihiya kitang tinrato kita bilang kadugo hayop ka!"

I started to get real close to him at napa taas siya ng kamay. Dama niya siguro ang pagiging seryoso ko. Sa totoo lang, wala namang bala ang baril na hawak ko. Nasa bulsa ko, pero hindi ko pagsisisihan na taniman ito ng bala at biglang iputok ito sa baul ng bungo niya sa sobrang galit ko sa kanya.

"Alam kong hindi mo magagawang pumatay ng isang taong walang kalaban laban mahal kong kapatid. Isa pa, wala akong intensyong saktan ka kaya humarap ako sayo ngayon na walang kaarmas-armas."

"E gago ka pala e?! Diyan ka magaling! Gagamitin mo ang kabutihan at kahinaan ng tao sayo para magawa mo ang lahat ng gusto mo. Una pa lang, sakim ka na. Sarili mong kapatid gusto mong ipapatay dahil sa kayamanan na 'yan! Hinding hindi ko makakalimutan na tinangka mo akong patayin sa misyon kong hanapin ang tunay kong pagkatao. Napakalaki ng pagsisisi kong pinatawad pa kita. Hindi ko alam na ONCE A DEMONYO, ALWAYS A DEMONYO. Sarili mong ina, kapatid tatalunin mo pa rang lang sa kayamanan. Napakawalang kwenta mong tao, hindi ka tao... DEMONYO KA!"

Nanggagalaiti ako sa galit sa kanya. Si Mick na nasa likod ko'y ipinatong ang kamay sa kanang balikat ko para pakalmahing muli ako.

"Oo na Jace... Demonyo na ako! Pero not this time... I was a MONSTER before pero gaya ng sinabi ko sayo, it was not my intention to cause you harm."

"Punyeta ka talagang hayop kas! Sinungaling! Lokohin mo na ang gusto mong lokohin 'wag lang akong tarantado ka!"

"Kung gusto mo na akong mamatay ngayon din... I will give you the license to do so. It's my pleasure to be killed by my brother. I'm not being sarcastic Jace. Pero kung bibigyan mo ako ng chance na magpaliwanag and to tell you the real story, I'd be happier."

Napakunot ako ng nuo sa tinuran niya. Anong gusto niyang sabihin na kailangan niyang mag-explain? Wala nang kailangang iexplain dahil sapat nang eksplenasyon na kaya pumunta sila rito ay dahil gusto nilang maangkin ng buong buo ang kayamanan.

"I'm dead serious my brother. It's not what you really think it is." si Renzo.

Biglang lumabas sa may kaliwang kwarto si Tito Sunico at nginitian ako. Labis akong naguluhan kung bakit sila ngumingiti, at anong dahilan ng pagngiting iyon? They are all my enemies. Ang kaaway ng nanay ko'y kaaway ko na rin.... but something is so odd.

**

I saw Ten and the gang harmless without any bruises or what. They seemed helpless and their faces are in state of sock.

"Jace?!" lumapit si Ten sa 'kin at niyakap ko. "Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?"

"Ayos lang ako. Ikaw ang dapat kong tanungin niyan? Ayos ka lang ba? Ikaw ba 'yung nagpasabog ng bomba?"

She nodded to confirm. "Sorry. I thought it was a good idea but it went as a huge mistake on my part. They saw us, at 'yun... wala kaming nagawa dahil tinutukan kami ng baril nung body guard nila while takip-takip namin ni Joaquin yung mga tenga namin anticipating the bomb to explode."

"That's why mabilis kang nagpa-trap para matunton nila 'yung kayamanan? Akala ko ba???"

"I'm sorry Jace. I planned everything but I'm a failure... I know. I think we can give this whole damn thing to them. I don't mind at all."

Napansin kong umiiyak si Tita Jacky while seeing the treasure that's beside her. Makikita mo 'yung Authentic reaction ng pagiging greedy niya sa kayamanan na talo pa ang reaksyon ng nanalo sa lotto. Tita Minerva, the eldest, was smiling. Sino ba namang hindi mapapangiti sa mga nakapalibot sa kanilang mamahaling bato? Para akong nakakita ng dalawang matandang demonyong matagal ng uhaw na uhaw sa kayamanan.

We are now in a very awkward situation. Masaya 'yung mga bisita namin sa nasaksihang kayamanan na maluha-luha pa while we are giving them an evil stare.

"Inyong INYO NA YAN!" I said sarcastically. "Dapat nag-arkila kayo ng Barko... tingin ko hindi kasya ang dala-dala niyong Bangka para limasin ang lahat ng 'yan! Lulubog lang kayo't malulunod at baka magkatotoo pa 'yung sumpa!"

Napatigil sa paghawak ng mamahaling bato ang dalawang babaeng matanda. Lumapit si Kuya Renzo sa nuo'y emosyonal na si Tita Jacky at inalalayan itong umupo. Ang siste, para siyang baboy na iyak ng iyak na napaka awkward tingnan. Ganyan na ba talaga ang reaksyon ng sakim sa kayamanan? Talagang talo pa ang mga artista sa pelikula kung makaiyak?

Hinagod-hagod ni Tita Minerva ang likod ni Tita Jacky upang aluin. Binigyan naman ni Renzo ng isang basong tubig si Tita upang kumalma. Napaka-OA lang ng nakikita ko ngayon. Napaka awkward.

"So, mawalang galang na po, siguro naman pwede na kaming umalis dito," said Ten. "Nasa inyo na ho and dapat sa 'min. Ayoko na hong magpaliwanag dahil siguradong fully detailed naman kayo ng magaling kong kapatid na si Renzo!," Ten said sarcastically.

"H'wag! Wag muna kayong umalis!" pagpigil sa 'min ni Tita Jacky. "May kailangan pa kayong malaman."

"Di na po namin kailangang malaman 'yun," sagot ko.

"Kailangan niyong malaman!" biglang sumingit si Tito Sunico. "Hindi kami pumunta rito para kunin ang kayamanan. Narito kami para makita lang ito."

Nagulat kaming lahat sa maikli ngunit nakakapagtaas ng kilay na rebelasyon ni Tito Sunico. "Huh? Nandito kayo para makita lang ang kayamanan? 'Wag naman tayong maggaguhan dito!"

"Totoo," pagsingit ni Tita Jacky. "Wala kaming intensyon na kunin ang kayamanan. Nandito kami para makita lang ang mga ito. 'Yun lang!"

Renzo walked in front of us at nginitian kami. "Ba't hindi mo na ikwento Tita? Para naman maliwanagan sila..."

Sobra akong naguluhan sa mga nangyayari. Kahit si Ten ay hindi maipinta ang mukha na parang there's nothing that she can do but to listen. Ang mga kasamahan ko ri'y walang imik dahil walang kaide-ideya sa mga nangyayari.

Tita Jacky, again, cried like she lost a loved one. She's weird. I'm expecting an evil out of her, pero ang nakikita ko ay isang cry baby.

"Ako, si Jacky Saavedra, ang susunod na napag-atasang maging tagapangalaga ng Kayamanan," pauna niyang pahayag. "Nakabaon na sa utak ko na ako ang susunod na tagapangalaga. Hanggang sa.... may nangyaring hindi ko naman talaga sinasadya!"

"Mga dalaga pa kaming magkakapatid nuon. At ako ang pinakamalapit sa Lolo ko. Siya ang naghulma sa 'kin kung paano maging tagapagbantay ng isang lihim na kayamanan.. "ANG KAYAMANAN NG MGA SAAVEDRA". Mahigpit niyang ipinagbawal na walang maaaring pwedeng makaalam kundi ako lang, at siya, ng anumang detalye sa kayamanan. Pero sa di ko alam na kadahilanan, nasabi ko ang kwento kay Ate Minerva. Siguro masyado lang akong naging mabait kaya ang isang sikreto'y tinakpan ko pa ng isang sikreto sa pamamagitan ng pagsabi sa Ate ko."

"Ang pag-uusap naming iyo'y narinig ng walang kamuang-muang nuong si Corazon."

Flashback

Jacky: Corazon!

Corazon: Bakit?

Jacky: 'Yung tungkol sa narinig mo? Hindi totoo 'yun. Gawa-gawa lang namin ni Ate 'yung kwento.

Corazon: Okay? Pero parang totoo? Parang totoo 'yung SAAVEDRA'S TREASURE?

Jacky: Hindi! Walang katotohanan dun.

Corazon: Okay?

Jacky: Pero may pakiusap ako sayo Corazon ah?

Corazon: Ano 'yun Ate?

Jacky: 'Wag na wag mong sasabihin ang lahat ng narinig mo kay Lolo ah?

Corazon: Bakit naman?

Jacky: Kase... alam mo na. Ayaw ako nung nag-iimbento ng istorya. Baka mapagalitan kase ako e.

Corazon: Okay?

Jacky: Basta promise mo ah?

Corazon: Hmmmm.... okay?!

**

"Akala ko, sapat nang pagsabihan ko si Corazon na wag itong sabihin kay Lolo. Isang araw, narinig ko na lang silang dalawang nag-uusap. At ang pinag-uusapan nila'y tungkol sa Kayamanan ng mga Saavedra."

Flashback:

Sa living room..

Corazon: Lolo, totoo po bang may Saavedra's Treasure?

Lolo: Ha? Saan mo narinig 'yan?

Corazon: Hmmm... wala lang po. Naisip ko lang

Lolo: Walang ganyang klaseng kayamanan. Yung totoo, umamin ka Corazon. Kanino mo 'yan narinig?

Corazon: Ah eh, yung totoo po? Kay Ate Jacky po.

Lolo: (dismayado)

Corazon: Pero sabi naman po ni Ate gawa-gawa lang daw niya 'yung kwento. Pero mukhang totoo siya.

**

"Isang araw, pinatawag ako ni Lolo para makipag-usap sa kanya. 'Dun niya sinabi sa 'kin na kalimutan ko na lang daw 'yung KAYAMANAN NG MGA SAAVEDRA dahil hindi raw 'yun totoo. Hindi ako naniwala dahil alam kong totoo 'yung mga kinwento niya. Na ako ang susunod na tagapagbantay ng kayamanan. Kaya lang niya sinasabing kathang isip lamang ang mga iyon ay dahil nakarating sa kanya na sinabi ko ang istory kay Ate Minerva."

"Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang lahat kahit buong buo na sa puso't isip ko na totoo ang ikinwento niya."

"Makalipas ang ilang buwan, maging mga taon, naging malamig na ang pakitungo sa 'kin ni Lolo. Hindi na siya 'yung tipong dati'y lagi kaming magkausap. Tila nagbago na ang ihip ng hangin kumbaga."

"Madalas ko nang makitang lagi niyang kausap si Corazon. Hindi naman sila ganuon kalapit dati pero bigla na lang nagbago ang tingin ni Lolo. Alam kong siya na ang inatasan ni Lolo na maging susunod na tagapagbantay, kahit pilit nila itong tinatago sa 'kin."

"Sobra akong nasaktan sa pagtatago nilang iyon. Parang nawalang lahat 'yung dapat ay akin. Ako ang naatasan, pero sa isang pagkakamali, ibinigay sa iba."

FLASHBACK:

Jacky: Alam kong ikaw na ang inatasan ni Lolo na maging susunod na tagapagbantay ng kayamanan.

Corazon: Anong tagapagbantay Ate? Wala akong alam diyan.

Jacky: Naiintindihan ko kung bakit ayaw mong sabihin sa 'kin. Ayun naman ang inutos niya diba?

Corazon: Ate, hindi ko alam ang sinasabi mo.

Jacky: 'Wag na tayong maglokohan Corazon. Pilit mo mang itago, lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan. Hindi ka ba nakokonsensya, na tinanggap mo ang isang bagay na hindi naman dapat talaga sa iyo?

Corazon: Ate, ba't naman ako makokonsensya kung wala naman talaga akong kaalam alam sa sinasabi mo?

**

"Napakagaling magtago ni Corazon. Kahit ramdam kong siya na ang susunod na tagapagbantay, wala pa rin siyang sinabi sa 'kin kahit isang detalye."

"Ang kapalit ng lihim na 'yun ay ang pagkakawatak watak naming magkakapatid. Nagsimula nang lumayo ang loob ni Corazon sa 'kin tuwing may tinatanong ako sa kanya patungkol sa kayamanan. Nasira din ang relasyon namin ni Ate Minerva dahil sa walang humpay kong saloobin sa kayamanang iyan. Naging sentro ng buhay ko ang misteryo patungkol sa KAYAMANAN NG MGA SAAVEDRA. Dahil buo na 'yun sa isip ko, pinilit kong tuklasin na ako lang mag-isa, kahit kalaban ko na ang buong mundo.... dahil 'yun din naman ang sabi ni Lolo sa 'kin bago siya mamatay."

FLASHBACK:

"Patawarin mo ako Apo ko. Alam kong matindi ang hinanakit mo sa 'kin... sana mapatawad mo ako. Pero kung hindi pa rin mapanatag ang loob mo, pilitin mong tuklasin kung anong sa tingin mo ang magpapagaan ng loob mo. May mga bagay na kailangan nating pahalagahan na minsa'y hindi natin naisasapuso, pero 'wag mo ring kalimutan ang mga bagay na magpapasaya sa 'tin dahil minsan lang tayong mabuhay. Pasensya na dahil pinaasa at pinagkaitan kita, pero hahayaan kitang suungin ang ibang direkyon para matuklasan mo ang kayamanan. Hindi sa lahat ng oras, iisa lang ang daan para magtagumpay ka. May mga daang susubok sa katatagan mo, isipin man ng ibang tao na napakasama mo base sa paningin nila, ang mahalaga'y tumuklas ka ng may kabutihan pa rin sa iyong puso."

**

"Naiintindihan ko si Corazon, naiintindihan ko ang mga kapatid ko. Pero, kailangan ko ring unawain ang sarili ko. Nakakalungkot lang isipin na, kung kailan ako tumanda, duon ko lang narealize ang mga sinabi ni Lolo. Nang mamatay si Corazon, halos pagsakluban ako ng langit at lupa. Linggo linggo akong nasa puntod niya para humingi ng tawad. Nang dahil sa Kayamanan ng mga Saavedra, hindi kami nagkaroon ng mas maayos na relasyon bilang magkapatid. Alam kong sa puso niya, nirerespeto niya ako bilang kapatid niya. Nakakalungkot na, kailangan ko pang magpakita ng kagaspangan sa kanya na hindi ko naman talaga intensyon. Maaaring hindi ko talaga naintindihan ang sinabi sa 'kin ni Lolo noon, pero ngayon... siguro naintindihan ko na."

"Minsan, yung kagustuhan mo ang siyang hadlang para magalit sayo ang buong mundo. Sabi nga ni Lolo, 'wag ko rin namang kalimutan ang mga bagay na magpapasaya sa 'kin. Masaya ako... dahil nakita ko na ang kayamanan."

"PERO GUSTO KONG SABIHIN SA INYO NA.... WALA AKONG INTENSYONG MASAMA. ANG HANGAD KO LANG AY MAKITA ANG ISANG MALAKING MISTERYONG IPINAGKALOOB SA 'KIN NG LOLO KO.."

"Patawarin niyo ako. Siguro hindi niyo pa ako naiintindihan sa ngayon, pero darating ang araw na maiintindihan niyo ako."

"Darating ang panahon na kakamuhian ka ng mga tao dahil sa gusto mong mangyari sa buhay, pero darating rin ang panahon na kailangan mong respetuhin ang kagustuhan mo para sa sarili mo. Gaya ni Corazon, hindi ko na pwedeng mabago ang isip niya pero may paraan pa rin para malaman ang misteryong nais mong makita."

LAST 2 CHAPTERS...

A shocking twist...
Guess what?

Continue Reading

You'll Also Like

16.3K 841 22
Sabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo...
464K 19.5K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...
DUYAN By Deee

Short Story

23.6K 1.4K 15
[ Note: Ang kuwentong ito ay una kong inanunsiyo na may titulong 'POSITIVE'. ] Synopsis: Sa buhay ng tao, ang mga pagkakamali ay normal lamang. Ito r...
563K 16K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...