Project: Black Out (Philippin...

נכתב על ידי EMPriel

50.1K 1.7K 290

Taong 2202 nang maimbento ng isang siyentipiko na nagngangalang Welder Freuch ang isang aparato na kung tawag... עוד

Project: Black Out (Overview)
Chapter 1: The Chosen Few (Ang Iilang Napili)
Chapter 2: The Grave of the Dying Nation (Ang Libingan ng Naghihingalong Bansa)
Chapter 3: Broken Dreams, Broken Promises (Nasirang Pangarap, Nasirang Pangako)
Chapter 4: Unusual Story (Hindi Karaniwang Kwento)
Chapter 5: Dance of the Shadows (Ang Sayaw ng mga Anino)
Chapter 6: Civil War Rising (Ang Pagbangon ng Digmaang Sibil)
Chapter 7: Identity Crisis
Chapter 8: City in the Dark (Ang Siyudad sa Dilim)
Chapter 9: Written in Blood (Isinulat sa Dugo)
Chapter 10: An Invisible Enemy (Ang Hindi Makitang Kalaban)
Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)
Chapter 13: The Flawless and the Renegade (Ang Pino at ang Taksil)
Chapter 14: Time Will Tell (Ang Oras ang Makakapagsabi)
Chapter 15: A Shadow's Blood (Ang Dugo ng Isang Anino)
Chapter 16: Before the Dawn (Bago Magliwanag)
Chapter 17: War of the Shadows (Ang Digmaan ng mga Anino)
Chapter 18: Freedom Fall (Ang Pagbagsak ng Kalayaan)
Chapter 19: The Dogma (Ang Prinsipyo)
Chapter 20: Black Propaganda
Chapter 21: March of the Dead (Ang Martsa ng Kamatayan)
Chapter 22: Oblivion Cry (Panaghoy ng Kawalan)
Chapter 23: Rain of Fire (Pag-ulan ng Apoy)
Chapter 24: A Cold Christmas (Ang Malamig na Pasko)
Chapter 25: The Final Countdown (Ang Huling Bilang)
Chapter 26: The Son of the Devil (Ang Anak ng Diablo)
Chapter 27: Illusions in the Air (Ang mga Ilusyon sa Hangin)
Chapter 28: The Last Ace (Ang Huling Alas)
Chapter 29: The Division (Ang Paghahati)
Chapter 30: The Last Laugh (Ang Huling Halakhak)
Chapter 31: Santelmo

Chapter 12: Burn Baby! Burn!

1.1K 43 7
נכתב על ידי EMPriel

What difference does it make to the dead, the orphans, and the homeless, whether the mad destruction is wrought under the name of totalitarianism or the holy name of liberty or democracy?

-Mahatma Gandhi


Ang mga tao ay tumigil sa pagtakbo at tumingin sa hologram image ng lalaking nakaitim, nakamaskara ng gas mask at nakapulang salamin. Nakatigil sila ngunit nababalutan ng takot ang kanilang mga mukha. Nakatulala lamang din si Dylan at ang kanyang butler na si Brigand. Tila nagtataka at napapaisip kung sino ang may kagagawan ng delubyong iyon.

"B-Black Out..." wika naman ni Inspector Robert Vega nang makita ang imahe sa hologram screen. Agad namang lumingon si Dylan sa kinaroroonan ng inspektor. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nagulat naman ang inspektor.

"Ibig sabihin, mali ako ng inaakala..." wika ng inspektor. Agad namang pumaling ng tingin ang binata sa mga tao sa paligid. Nagsimula silang mapaatras nang itaas ng nagpapanggap na Black Out ang isang aparato na may pulang pindutan.

"Hindi nauubos ang tao, hindi ito mauubos dahil sa memory gene. Ang mukha ng kahirapan ay wala sa mga bid kundi nasa mga bidder. Ang mga bidder ay parang mga pansala ng lipunan, sinasala nila ang yaman na naiipon lamang sa kanila. Ni isang patak ay hindi na nakakarating sa kanilang ibaba. Para lang tayong mga apakan ng kanilang mga madudungis na paa. Para tayong mga basahan upang linisin ang kanilang mga nanlilimahid na katawan," wika ng nagpapanggap na Black Out. Tila napasimangot naman si Dylan sa kanyang napapanood.

"Hindi iyan ang hangarin ko...wala akong pakialam sa mga taong nahihirapan. Hindi ako ang tagapagligtas nila," bulong ni Dylan.

"Master, kailangan na nating umalis. Delikado na po dito," putol naman ni Brigand.

"Kailangan kong malaman kung sino ang taong 'yan. Pagbabayaran niya ang ginawa niyang paggamit sa pangalan ko," wika ng binata.

"Dylan! Tara na, hindi na ligtas sa lugar na ito!" Humahangos ng takbo si Inspector Vega sa kanilang kinatatayuan. Agad niyang inalalayan ang binata sa paglalakad. Sinubukan namang maglakad ni Dylan gamit ang kanyang sariling mga paa.Agad namang nagsisunuran ang mga tao. Nagkagulo sa iilang mga pintuan upang makalabas ang mga taong naroroon. Nagtutulakan ang iba at nagbabalyahan. Wala silang pakialam sa isa't-isa. Ang gusto lamang nila sa pagkakataong iyon ay mabuhay.

"Hindi pa ba sapat ang buhay ng napakaraming bid? Hindi pa ba sapat ang pagkabuhay ninyong mga bidder sa loob ng mahabang panahon? Oras na para wakasan ang lahat. Oras na para tapusin ang kamangmangan at palayain ang mga bid," wika ng nagpapanggap na Black Out. Ang mensaheng iyon ay nagsimula namang kumalat sa buong bansa. Ang telebisyon ang nagsilbing pintuan ng mga tao sa pangyayaring iyon. Naagsimulang icover ng media ang labas ng PICC. Ipinapakita rin sa buong bansa ang mensaheng ipinaparating ng kawatan dahil sa mga security camera ng buong lugar. Nabalot ng takot ang mga bidder. Iyon na marahil ang simula ng paglaban ng mga bid sa maling sistema. Sa pagkakataong iyon ay hindi na sila mananahimik.

"Nagsimula nang kumilos si Black Out! Para sa atin! Anong gagawin natin? Mananahimik na lang ba tayo dito?!" tanong ng isang bid sa kanyang mga kasamahan. Agad namang nagtayuan ang kanyang mga kasamahan habang pinapanood ang balita gamit ang isang lumang hologram TV. Nawawala-wala man ang signal nito ay naging malinaw pa rin ang mensahe na ipinaparating ng nagpapanggap na si Black Out.

"Hindi na tayo puwedeng manahimik! Lumabas na si Black Out! Ito na ang pagkakataon natin mga kasama!" wika naman ng isa pa.Sa kaibuturan ng kanilang puso ay may sumidhing nagngangalit na apoy. Napaluha ang iba at ang iba ay tila galit ang ipinakita.

"Lalaban na tayo! Hindi na nila tayo puwedeng patahimikin!" sigaw ng isang matandang bid.

"OO!" sigaw ng lahat.

"Lumitaw na nga si Black Out sa lipunan at ipinarating ang kanyang mensahe para sa mga bid at mga bidder. Marami pa rin ang mga tao sa loob ng PICC na nagkakagulo dahil sa paglabas..."

"This is a clear message to all the bids and bidders, will it change the course of history of mankind? Or is it just a sign for all that blood will be shed this night?"

Ang mga reporter sa labas ng PICC ay patuloy sa pagbabalita. Sa likuran nila ay makikita ang nasusunog at nawasak nang lumang gusali sa loob ng malaking compound. Ang iba naman ay ipinapakitang sugatan, madudungis ang mga mukha at lumuluha. Hindi magkamayaw ang mga pulis sa pagpapatrolya sa paligid ng PICC. Dala ang kanilang mga baril ay ginagalugad nila ang lugar upang hanapin si Black Out. Gamit ng iba ang ilang mga drone upang makita ang iba pang kasulok-sulukan ng nasusunog na gusali. May iba pang sugatan sa loob na kailangan nilang ilabas. Tila nakakulong ang mga ito sa nagngangalit na apoy.

_________________________

"Sir. May nangyari po, nagpakita na ulit siya..." wika ng isang matipunong lalaki na nakasuot ng coat. Humarap siya kay Nico Rivera, ang presidente ng Pilipinas.Sa pagkakataong iyon ay nakabenda pa ang kanyang kamay. Dahan-dahan namang humarap ang presidente sa kinaroroonan nito.

"Si Black Out?!" bulyaw niya.

"Ano pang hinihintay niyo?! Ipadala niyo na ang military bilis!" galit na sambit ni Nico Rivera.

"Pero hindi pa po sigurado ang lahat kung naroon nga siya."

"Anong gusto mong mangyari? Na kapag lumitaw na talaga siya ay saka lang tayo magpapadala ng puwersa?! Gawin mo ang iniuutos ko! Wala akong pakialam kung mamatay siya basta dalhin niyo siya at iharap sa akin!" bulyaw ng presidente. Hindi naman nakapalag pa ang lalaking iyon.

"O-opo..." wika na lamang niya. Nang palabas na siya ng kuwartong iyon ay saka naman pumasok ang kanyang sekretarya.

"Sir.Nagsimula na pong kumilos ang mga bid sa buong bansa..." balita niya.

"A-ano?" wika naman ng presidente.Agad namang kinuha ng kanyang sekretarya ang remote ng hologram TV.

Binuksan niya iyon at doon ay makikita ang pag-aaklas ng mga bid. Sinisira nila ang anumang bagaysa kanilang madaanan. Pinipintahan ang mga pader gamit ang ilang spray paint ng ilang mga mensahe ng pakikipaglaban para sa kalayaan, pagpapatigil ng bentahan ng mga walang muwang na paslit sa black market at ang pagpapabagsak sa MEMO Corporation. May mga ilan pang nagpinta ng mukha ni Black Out. Kulay itim na gas mask ang kanilang ipininta sa mga pader at kulay pula naman ang kanyang mga mata. Nagsunog naman ng watawat ng Pilipinas ang iba kasabay ng pagsunog ng imahe ng Malakanyang.Inilipat ng sekretarya ng presidente ang channel at ganoon din ang ipinapakita dito. Naagsimula na silang magsunog ng ilang mga kabahayan at mga hover vehicles. Sa daan ay pinutol nila ang ilang mga stoplight at ginawang pangharang sa kalye upang hindi makalapit ang mga pulis. Ang iba naman ay ibinaliktad ang ilang mga hover car at ipinangharang din sa kalye at sinunog. Gumawa naman ng Molotov bomb ang iba gamit ang ilang babasaging mga bote at gas.

"Ibigay ang code red signal! Ipadala niyo na ang military at ang iba pa...bilis!" utos naman ng presidente.Yumuko naman ng bahagya ang sekretarya ng presidente at lumabas ng kwartong iyon. Naiwang nakatulala sa hologram TV si Nico rivera, tila hindi makapaniwala sa kanyang nasasaksihan.

________________________________

"Nagsimula na pala. Ang bilis naman...hahaha," bulong ng misteryosong lalaki na nakasuot ng top hat at nagmamatyag sa paligid. Pinanonood niya ang balita gamit ang kanyang hologram stick. Ipinihit niyang muli ang kanyang ulo sa kinaroroonan ni Dylan at ng kanyang mga kasama. Hindi sila makaalis sa lugar na iyon dahil sa pagsisiksikan ng mga tao. Muli namang napatingin si Dylan sa kanya. Naningkit ang kanyang mga mata at sa pagkakataong iyon ay parang alam na niya na siya ang may kagagawan ng lahat.

"I-ikaw!" bulong niya.

"Ako nga.Sa wakas, alam mo na rin. Pasensiya na kung kailangang mangyari ito. Mabagal ka kasi kumilos kaya...pahiram muna ng pangalan mo," wika ng misteryosong lalaki na para bang nakikipag-usap sa kanya ng harapan. Malayo man ang kanilang distansya, alam niya kung ano ang iniisip ng binata. Nababasa niya iyon. Maging ang iniisip ng mga tao sa paligid ay nababasa niya. Basta't may memory gene ang mga taong iyon ay walang kahirap-hirap para sa kanya na basahin ang sambit ng kanilang mga utak, hangarin at maging ang kanilang mga kilos.

"Hindi na tayo makakalabas dito, tara sundan niyo ako," wika ng inspektor. Agad niyang inalalayan si Dylan palayo sa nagkakagulong mga tao. Sinubukan namang lumingon muli ng binata sa kinaroroonan ng misteryosong lalaki ngunit parang isang usok lamang itong nawala sa isang iglap.

Tinahak nila ang daan patungo sa isang elevating platrform ngunit nabigo din silang gumamit nito. Nagsisiksikan din ang mga tao upang makasakay.

"Dito tayo..." wika ni Inspector Robert Vega. Sunod naman nilang pinuntahan ang fire exit.Walang masysdong gumagamit ng hagdan kaya't madali silang nakababa ngunit nang matahak nila ang 1st level basement ay ganoon din ang scenario. Marami din sa kanila ang nagsisiksikan. Sa pagiging aligaga ay nagkabanggaan pa ang ilang mga hover car. Tila lalo namang sumakit ang binti ni Dylan kung saan naroroon ang kanyang sugat dahil na rin sa paglalakad ng malayo.

"Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Brigand. Ngumiti lamang si Dylan at muling tumingin sa nagsisiksikang mga tao.

______________________

"Tanya nasaan ka na ba?" bulong ni Albert. Sa pagkakataong iyon ay pinapanood lamang nila ang live feed video mula sa camera na nakakabit sa dibdib ng dalaga. Nagkakagulo pa rin ang mga tao at tila hindi din makalusot ang dalaga. Maya-maya pa ay nalaglag na ang camera na nakakabit sa kanyang dibdib. Agad namang naapakan ng isa sa mga taong nakikisiksik ang camera kaya't agad din iyong nawalan ng signal. Napasuntok namang muli si Albert sa mesa at agad na binuksan ang pinto ng hover van paitaas.

"Albert saan ka pupunta?" tanong ng isa sa kanyang mga kasamahan.

"Kailangan ko siyang puntahan doon..."

"Pero delikado, siguradong nagpakalat na ng mga pulis at militar doon!" Napatigil na lamang si Albert at tumingin na lamang sa himpapawid kung saan makikita ang makapal na usok at ang liwanag sa ilalim nito dahil sa nangangalit na apoy dulot ng pagsabog.

"Pupunta ka ba talaga doon?" tanong muli ng kanyang kasama. Napalunok na lamang ng kaunting laway ang pinuno ng New Order at muling tumingin sa kanyang mga kasamahan. Puno din ng pag-aalala at pag-aalinlangan ang kanilang mga mukha habang nakatingin sa kanilang pinuno.

"Hindi tayo puwedeng sumugod doon ng basta-basta...rebelde tayo Albert. Hindi tayo puwedeng lumantad lang basta basta," wika ng isa pa sa kanyang mga kasamahan.

"Pero anak ko siya!"

"Anak mo nga siya...pareho kayo. Matigas ang ulo, kaya alam mo dapat na makakagawa siya ng paraan para makaalis sa lugar na 'yon."

Muling napatingin si Albert sa makapal na usok sa himpapawid, inisip niya ang kaligtasan ng anak niya ngunit iniisip niya din ang kanilang katayuan sa lipunan na kanilang ginagalawan. Hindi nga sila puwedeng lumantad doon. Naisip niya din na baka pagbintangan sila ng gobyerno dahil sa pagsabog na naganap. Maaari silang madiin at pagbintangan na si Black Out ay isa sa kanila.

"Lalapit tayo sa perimeter. Sabihan ang Alpha team na magmatyag at maghintay kay Tanya kung sakaling makita nila ang anak ko," utos ni Albert. Muli siyang sumampa sa van na agad namang pinaandar ng nagmamaneho nito.

__________________________

Maririnig pa din ang pagsasalita ng nagpapanggap na si Black Out dahil na rin sa mga speakers sa buong gusali. Patuloy pa rin ang paghahatid niya ng mensahe sa lahat na umaabot naman sa bawat kabahayan ng bawat sulok ng Pilipinas dahil na rin sa paghahatid ng balita ng media. Naiinis man si Dylan ay hindi niya na lamang ito ipinapakita. Tahimik lamang siyang nag-iisip at nakikinig sa saloobin ng nagpapanggap na kawatan.

"...matagal ng may sakit ang bayang ito mga kasama. Matagal na tayong niloloko ng gobyerno at ng MEMO. Alipin tayo ng kasinungalingan na dulot ng memory gene at ang mga bid ang naghihirap dahil sa walang habas na pagbili at pagbenta ng mga buhay na katawan. Mga kaibigan, inaanyayahan ko kayong sumama sa aking laban. Ituon ninyo ang inyong pansin sa mga nangyayari...huwag tayong maging bulag! Ito na ang panahon ng paglaban upang sugpuin ang mapaminsalang sistema!"

Walang nagawa ang mga tao kundi pakinggan ang mga sinasabi ng nagpapanggap na Black Out. Napakunot na lamang ng noo ang iba. Ang iba naman ay nainis at hindi napigilan ang kanilang mga sarili.

"Sinungaling!Dahil sa MEMO nabubuhay kami ngayon!"

"Hindi na problema ang mga sakit dahil sa memory gene!"

"Mamamatay tao ka Black Out!"

"Ikaw ang mali!"

Tumingin si Dylan sa mga bidder na nasa kanyang likuran. Ang lahat ay nakatingin sa maliit na hologram screen na nakakabit sa pader kung saan makikita din ang mukha ni Black Out. Nakataas ang kanilang mga kamay habang sumisigaw.Hindi naman nagustuhan ng binata ang kanilang mga sinasabi. Mali man ang hangarin ng pekeng Black Out na gumagawa ng gulo sa kasalukuyan ay batid niyang hindi rin naman alam ng mga taong iyon ang tunay na hangarin ng totoong Black Out.

"Gusto ko ang mga sinasabi niya..." nakangising sambit ni Inspector Robert Vega habang nakatitig sa hologram screen. Napatingin na lamang si Dylan sa kanya.

"May katotohanan ang mga sinasabi niya. Tumayo siya sa sarili niya para ipaglaban ang mga mahihirap. Pero dahil sa mga ginawa niyang krimen...hindi talaga maiaalis sa mga taong naririto ang katotohanan na mamamatay tao siya. Sa ngayon, ang mga bid lang ang kakampi niya," wika ng inspektor. Gusto mang sabihin ni Dylan na nagkakamali siya ay hindi naman niya iyon magawa. Ngumiti na lamang ang binata ngunit nang tingnan niyang muli ang hologram screen ay agad na napakunot ang kanyang noo. Halos mapiga naman niya dahil sa inis ang hawak niyang tungkod.

"Kailangan na talaga nating makalabas dito.Hindi siya nagbibiro, kapag pinindot niya ang boton na hawak niya ay siguradong mamamatay tayong lahat dito..." bulong ng inspektor. Tumango na lamang si Dylan at muling tumingin sa kanyang likuran kung saan nagkukumpulan ang mga tao upang makalabas. Maya-maya pa ay sunod-sunod na malalakas na dagundong na ang kanilang narinig. Animo'y lumilindol sa kanilang paligid. Hindi napigilan ng mga tao ang matakot.Napaluha pa ang iba habang palinga-linga.

*BRAAAG!*

*BOOOM!*

Sunod sunod na malalakas na pagsabog ang naganap sa kanilang gilid ngunit walang apoy na lumabas. Tinakpan na lamang ni Dylan ang kanyang bibig at ilong gamit ang kanyang trench coat at nang mawala ang alikabok sa paligid ay unti-unting nakita ng kanyang mga mata ang tatlong prototype. Gumawa sila ng malaking butas sa pader upang makalabas ang lahat. Nakaabot pa ang kanilang mga kamay na sumisimbolo ng pagtulong ngunit nakatigil lamang sila habang nakatitig sa kawalan. Wangis tao ang mga robot na iyon. Kita ang kanilang mga mukha na gawa sa leather ngunit natatakpan naman ang kanilang mga mata ng kulay itim na fiber glass kung saan makikita naman ang mga kulay asul na pinaghalong numero at letra.

"Sa wakas ligtas na tayo..."

"Salamat po!"

Hindi magkamayaw ang mga tao, halos lahat ay nag-uunahan upang makalabas. Hindi nila iniisip ang bawat isa, ang gusto lamang nila ay mailigtas ang kanilang mga sarili.Hindi maiwasan ang sigawan at tulakan at halos nag-away pa ang iba. Hindi naman kumilos si Dylan sa kanyang kinatatayuan. Tiningnan niya lamang ang mga taong iyon at pagkatapos ay muling tumingin sa hologram screen.

"Dylan tara na! Ano pang hinihintay mo?!" wika ng inspektor.

"Master, kailangan na po nating umalis," sabat naman ni Brigand. Hindi pa rin kumilos ang binata at patuloy lamang na tumitig sa hologram screen. Pinansin niya ang kanang kamay ng kawatan kung saan hawak niya ang remote upang pasabugin ang lugar na iyon. Napansin niya ang isang bagay na dapat ay ginagamit ni Black Out ngunit wala sa kanyang kamay. Ang memory eraser, wala iyon sa kamay ng nagpapanggap na Black Out.

"Master, tara na po," muing wsambit ni Brigand.

"Ang pagputok ng katotohanan ay malapit na mga kasama...kasabay ng pagsabog ng daan-daang galit ng mga naghihirap na mamamayan ay ang hudyat ng pag-aaklas. Sa loob ng sampung segundo ay muling sasabog at guguho ang isa sa mga gusali ng PICC..." pagbabanta ng huwad na kawatan. Paika-ika namang naglakad patungo si Dylan sa isa sa mga butas na ginawa ng isa sa mga prototype. Nakatigil pa rin ang makinang iyon habang nakaabot ang kamay ngunit hindi naman talaga nito inaabot ang mga kamay ng kung sino mang lumalabas.

"10," nagsimula namang magbilang ang huwad na Black Out na ikinabahala naman ng nasa paligid nito.

"9."

Agad na nag-atrasan ang iba pa habang ang media naman ay ginawang background ang gusali.

"8."

Naghiyawan na ang mga tao, agad na pinaligiran ng mga pulis ang paligid. Nilagyan na nila ng poste ang paligid ng gusali at agad namang nag-activate ang hologram technology nito kung saan nakalabas ang mga katagang: Police Line: Do Not Cross.

"7."

Ang mga kumakain sa kanilang mga tahanan ay napatigil at nilakasan ang speakers ng kanilang mga hologram TV.

"6."

Binuksan na ang alarma at sirena sa buong lugar, senyales na isinasara muna sa publiko ang paligid ng PICC.

"5."

Nagsimula namang mag-iwasan ang mga sasakyan malapit sa paligid ng PICC. Nagkabanggaan naman ang ibang mga hover car dahil na rin sa pagmamadali.

"4."

Sinubaybayan ng mga tao sa paligid ang pagsabog. Tila isang palabas na inaabangan ng maraming tao ang magaganap na delubyo.

"3."

Sa pagmamadali ng ilan sa mga bidder na lumayo sa gusaling iyon ay naiwan nila ang ilan sa kanilang mga gamit. Wala ng pakialam ang iba kung maiwan ang kanilang mga suot na sapatos, coat o kung ano pa man. Naiwan namang nakatulala si Dylan malapit sa kanilang hover car. Maging si Brigand ay naghihintay lamang din ng magaganap.

"2."

May mga umiikot na heli ship na sa paligid, ang ilang mga heli ship ay kulay pula na galing sa fire department, nag-aabang ang mga ito upang apulahin ang apoy. Ang iba namang mga heli ship ay mula sa emergency at rescue team.

"1!"

Napalunok ang iba habang nakatitig sa gusali. Ang iba ay naiiyak at napapapikit. Tila ayaw nilang makita ang pagwasak na magaganap.Inis kay Black Out ang nararamdaman ng nakararaming bidder. Tila napapangiti naman ang mga bid na gumawa na ng gulo sa ilang mga siyudad habang tinutunghayan at inaabangan ang mga mangyayari.

Nagsimula sa ibaba ng gusali ang pagsabog. Napakunot na lamang ng noo si Dylan nang mapansing kakaiba ang pampasabog na ginamit. Maging ang inspektor ay hindi inakala ang magiging pagsabog. Isang maliwanag na kulay silver na pulbura ang ginamit. Tila pampailaw ang mga iyon at hindi tunay na pampasabog. Umakyat ang liwanag simula sa unang palapag paitaas. Habang mabilis na umaakyat ang liwanag ay nahahaluan iyon ng iba pang mga kulay. Nagsimula namang tumunog at sumipol ang mga kuwitis. Hanggang sa nagkaroon na ng iba pang kulay ang paligid na para bang mga fireworks display. Napanganga pa ang iba sa ganda ng palabas, ni hindi nila naiisip na delubyo ang nagaganap. Nang tuluyan nang umakyat sa pangdalawandaang palapag o pinakatuktok ang pagsabog ay tila nagliwanag ang kalangitan dahil sa mga kuwitis at mga pailaw. Isang fireworks display sa kalangitan ang nangyari. Halos nailawan ang buong lugar at ang iba pang nagtataasang gusali na mas mataas pa sa gusali ng PICC at umaabot na sa libo-libong talampakan ang taas.

"A-anong kalokohan ito?!" sambit na lamang ng inspektor. Napangiti naman si Dylan sa natunghayang palabas.

"Ang komite ba ng subastahan ang may kagagawan ng palabas na ito?" tanong naman ng binata. Nagtaka din ang mga bidder na nakakita sa nangyaring pagsabog.Nagbulungan sila at lahat sila ay pare-pareho ang reaksyon. Isa lamang ba iyong palabas o senyales iyon ng magaganap na gulo.

Napakunot din ng noo ang mga nag-aklas na bid. Nakita nila sa malayo ang naganap na pagsabog na para bang isang magarbong palabas tuwing bagong taon.

"I-yon na ba 'yon?"

"Anong nangyari?"

"'Yon na ba ang simula?"

Tanong ng iilan sa kanila. Napangiti rin ang iba nang makita ang liwanag ng mga kuwitis kahit na nagtataka sila kung iyon na nga ba ang hudyat ng kanilang pag-aaklas.

"Ibang klase..." wika ng isa sa mga kasamahan ni Albert.

"May mali dito," wika naman ng pinuno ng New Order. Pinanood nila ang kaganapan sa labas ng kanilang hover van. Nakatingala pa rin sila at tila nagtataka sa naganap.

"Ito na ba ang mensahe ni Black Out?" wika naman ng isa pa na kalalabas lamang ng van upang panoorin ang ilan pang natitirang pailaw sa tuktok at paligid ng gusali ng PICC. Unti-unti namang nawawala ang mga pailaw na iyon. Unti-unting nagdidilim at nagiging tahimik ang paligid.Nagsimula naman ang mga ingay gawa ng mga bulong-bulungan at usapan. Napatingin sa paligid si Dylan, tila may hinahanap ang kanyang mga mata sa kumpulan ng mga taong nag-uusap at nagsisimula nang kumilos. Patuloy naman ang paggapang ng mga ilaw sa paligid ng PICC dahil sa malalakas na bilog na ilaw mula sa mga heli ship.

Dahan-dahang naglakad si Dylan patungo mga nagkukumpulang mga tao. Paika-ika niyang hinila ang kanyang paa at ginawang gabay ang kanyang kahoy na tungkod na may palamuting mga ginto at mamahaling bato.

"Dylan, may problema ba?" tanong ng inspektor.

"W-wala. May hinahanap lang inspektor," sagot naman ng binata. Napatigil siya sa paglalakad nang hawakan siya ni Inspector Vega sa kanyang balikat. Ngumiti lamang ang binata at muling nagmasid sa paligid.

"Hindi natin inaasahan ang fireworks display na iyon. Ang inaakala nating malakas na pagsabog na magaganap ay ang katapusan ng left wing ng PICC..."

"Walang nangyaring pagsabog mga kababayan, inaalam pa ng ating field reporters kung ano nga ba ang tunay na nangyari. May balita na kagagawan lamang ito ng mga organizer ng subastahan pero hindi pa rin maipaliwanag ang unang pagsabog na naganap sa main building,"

"Lumabas na nga bang talaga si Black Out? Hindi pa rin maipaliwanag ng otoridad ang nangyari ngayong gabi. Hindi rin matukoy ng militar kung naririto nga ba si Black Out..."

Nagsimulang magreport ang ilang mga field reporters sa paligid. Ang mga cameraman naman mula sa mga heli ship ay patuloy sa pagtutok sa paligid ng gusali. Tila nag-aabang ng susunod na magaganap. Hindi sila nagkamali. Mula sa tuktok ng gusali ay isang pulang ilaw ang pumaitaas. Mabilis itong lumipad sa himpapawid at mabagal naman iyong bumabagsak paibaba.

"Emergency signal?" tanong ni Dylan habang tinititigan ang pulang ilaw na iyon na mabagal na bumabagsak. Sa pagkakataong iyon ay muling nagpanic ang mga tao. May naglalaro sa kanilang mga isipan ngunit hindi nila matukoy kung kailangan nga ba nilang paniwalaan ang kanilang iniisip.

"May mali talaga dito..." muling sambit ni Albert habang tinititigan ang pulang ilaw na tumatagal sa itaas ng gusali ng PICC.

"Nakita niyo na ba si Tanya?" tanong niya sa kanyang mga kasama.

"Wala pa rin po. Wala pa ring balita sa Alpha team, nakabalik na sa headquarters ang Bravo..." sagot naman ng isa sa kanyang mga kasamahan.

"Hanapin niyo si Tanya. Bilis! Masama ang kutob ko sa emergency signal na 'yan!" wika ni Albert. Muli siyang naglakad patungo sa hover van na nakatigil sa malaking parking space ngunit isang tugtog ang kanyang naririnig na unti-unting lumalakas. Muli siyang lumingon sa kinaroroonan ng PICC. Maging ang kanyang mga kasamahan ay nagsimulang manahimik nang marinig ang unti-unting paglakas ng tunog.

Nagsara naman ng mga sirena ang mga hover police car na nagbabantay sa paligid ng PICC upang marinig ang tugtog mula sa loob ng gusali. Unti-unti nilang inilabas ang kanilang mga ulo mula sa windshield ng kanilang mga sasakyan habang pinapakinggan ang unti-unting paglakas ng tugtog.

Tinutukan naman ng ilaw ng mga heli ship ang itaas ng gusali ngunit wala silang makitang kung ano sa tuktok noon. Naririnig din nila ang paglakas ng tugtog at ang mga rescuers naman na nagsisimulang maglabas ng iba pang mga sibilyan mula sa loob ng gusali ay napatigil din nang marinig ang tugotg.

"Do you ever feel, like a plastic bag...drifting to the wind, wanting to start again. Do you ever feel, piece of paper thin..."

Nagsimulang tumugtog ang isang luma ngunit patok na kanta ni Katy Perry na Firework. Tila lalong mas kinabahan ang mga rescuers at nagmadaling ilabas ang ilan pang natitirang sibilyan mula sa loob.

"Kailangan na nating umalis! Iba na ang kutob ko dito," wika ni Dylan.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng inspektor. Agad namang umalis si Brigand upang ihanda ang hover car. Nakatulala pa rin si Dylan sa pulang ilaw na iyon na unti-unting bumabagsak ng mabagal. Nakakaramdam siya ng takot, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Masaya man ang kanta na kanilang naririnig ay tila nagpanic naman ang mga tao at nagsimulang magtakbuhan palayo.

"Ang countdown ay ang warning na kailangan na nating lisanin ang gusali. Ang unang pagsabog ng mga makukulay na pailaw at paputok ay sumisimbolo sa pagtatago ng mali at pangit na sistema sa pamamagitan ng kagandahan. Ang emergency signal marahil ay ang katotohanan ng magaganap, kasabay ang masayang tugtog na humaharang sa ingay ng mga pagsabo. Kailangan na nating umalis ngayon na!" paliwanag ni Dylan. Muli namang napatingin ang inspektor sa pulang ilaw. Napalunok siya ng kaunting laway at muling napatingin sa kinaroroonan ng hover car ni Dylan. Sa pagkakataong iyon ay napatakbo na ni Brigand ang sasakyan na agad namang humarurot sa kanilang kinaroroonan.

"Hahaha! Ganyan nga! Tunghayan niyo ang tunay na palabas!" sigaw ng misteryosong lalaki na nakatayo naman sa katabing gusali ng PICC. Animo'y nababaliw pa siya habang itinataas ang kanyang mga kamay.

"Bilis! Umalis na kayo dito!"

"Fall back! Lahat kayo! Umatras na tayo!"

Sigaw ng ilan sa mga pulis at militar, maging ang mga heli ship na lulan ng ilan sa mga sundalo ay lumipad na rin palayo. Hindi naman nakinig ang ilan sa mga media personnel na lulan ng mga heli ship, hindi sila lumayo sa lugar na iyon. Nakatutok pa rin ang kanilang mga camera at nag-aabang ng mga mangyayari. Nagkagulo na ng tuluyan. Parang alon ng mga tao ang delubyo na nangyayari sa ibaba mula sa mga kuha ng media. Kitang-kita iyon ng mga bid na nagsimulang mabuhayan ng loob sa susunod na mangyayari.

"Brigand. Bilis!" wika ni Dylan nang agad siyang sumakay sa passenger seat ng hover car. Sa likurang bahagi naman ng magarang kotseng iyon ay sumakay ang inspektor. Nang patakbuhin nila ang sasakyan palayo ay saka nagsimula ang totoong palabas. Nang sumapit sa pangalawang chorus ang kanta na kanilang pinapakinggan ay tila nahati sa anim na maliliit na pulang ilaw ang emergency signal. Kumalat iyon sa paligid ng gusali habang unti-unting bumabagsak. Dumagundong ang paligid nang sunod-sunod na sumabog ang gusali mula sa itaas. Tila nahirapan pa si Brigand na imaniobra ang hover car na kanyang minamaneho.

Hindi maiwasan ang pagbagsak ng mga debris sa lupa habang nilalamon ng apoy ang bawat sulok ng gusali. Nababasag ang mga salami, nabibitak ang mga pader at bumabagsak sa semento at kalsada sa ibaba. Nanlalaki na lamang ang mga mata ni Dylan habang tinutunghayan ang malalaking pagsabog na naganap. Napatingin naman mula sa kanyang likuran ang inspektor. Tila bumagal ang lahat sa paningin ng binata. Ang mga bidder na nagtatakbuhan ay napuruhan. Tinamaan ng ilang mga nasusunog na bato ang kanilang mga katawan. Halos madapa na ang iba at ni isa sa kanila ay walang pakialam sa kung sino ang naiwan. Lahat sila ay gustong isalba ang kanilang mga sarili lamang.

Hindi makapaniwala si Dylan sa mga nangyayari. Napalunok siya ng kaunting laway habang nanlalaki ang kanyang mga mata.Pinagpapawisan siya ng malamig at nanginginig ang kanyang braso at kamay. Sinubukan niyang lumingon sa kanyang likuran kung saan naganap ang malaking pagsabog, inisip niyang nananaginip lang siya pero hindi. Isa iyong bangungot. Bangungot na ginawa mismo ng kanyang sariling multo.

Nagsigawan naman ang mga bid at tila natutuwa sa nangyari ngunit may kung anong kurot sa kanilang puso ang kanilang nararamdaman. Napapaluha pa ang iba at tila naaawa sa sinapit ng mga tao na sa tingin nila ay walang ibang ginawa kundi alipustahin sila. Alam nilang mali ang nangyayari ngunit ang alam nila ay iyon lamang ang paraan para maipaglaban nila ang kanilang mga sarili. Wala silang kakayahan.Sa isip-isip nila ay kailangan nila ng isang bayani na magliligtas sa kanila sa kalupitan ng MEMO at ng gobyerno na kanilang pinagsisilbihan. Nagsimula na ang marahas na pag-aaklas at ang bayaning iyon ay kumilos na para sa kanila. Isang kawatan para sa gobyerno at mayayaman, ngunit isang tagapagligtas para naman sa mga naghihirap at pinagsasamatalahan.



המשך קריאה

You'll Also Like

48.5K 2.5K 57
The game all about revenge The dream that turns out to be a nightmare The stranger you need to fight To save your own life ▶D̸̐̉́͜͜ŕ̡̨̩̻̙͝eͭ̆̓̊ͪa̐̾͗...
358K 2.7K 6
When best friends Astrid and Lexi matriculated the SilverShore Academy, everything turned into a complete mess, especially when one of them got picke...
3.3M 160K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
967 370 37
In an unexpected encounter, I found myself captivated by your presence. Amidst the sea of people passing by, it was only you who caught my attention...