HE'S INTO HER Season 3 | COMP...

By maxinejiji

237M 4.6M 11.3M

This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such a... More

He's into Her Season 3
CHAPTER 171
CHAPTER 172
CHAPTER 173
CHAPTER 174
CHAPTER 175
CHAPTER 176
CHAPTER 177
CHAPTER 178 : ACQUAINTANCE PARTY
CHAPTER 179
HE'S INTO HER SERIES ON NETFLIX
CHAPTER 180
CHAPTER 181
CHAPTER 182
CHAPTER 183
CHAPTER 184
CHAPTER 185
CHAPTER 186
CHAPTER 187
CHAPTER 188
CHAPTER 189
CHAPTER 190
CHAPTER 191
CHAPTER 192
CHAPTER 193
CHAPTER 194
CHAPTER 195
CHAPTER 196
CHAPTER 197
CHAPTER 198
CHAPTER 199
CHAPTER 200 : THE UNEXPECTED 1
CHAPTER 201 : THE UNEXPECTED 2
CHAPTER 202
CHAPTER 203
CHAPTER 204
CHAPTER 205
CHAPTER 206 : FAITH
CHAPTER 207
CHAPTER 208 : THE SUFFERING
CHAPTER 209 : THE SUFFERING
CHAPTER 210 : THE SUFFERING
CHAPTER 211
CHAPTER 212
CHAPTER 213
CHAPTER 214 (PRIVATE)
CHAPTER 215
CHAPTER 216
CHAPTER 217
CHAPTER 218
CHAPTER 219 : THE VENGEANCE 1
CHAPTER 220 : THE VENGEANCE 2
CHAPTER 222 : THE VENGEANCE 4
CHAPTER 223 : THE VENGEANCE 5
CHAPTER 224 : THE VENGEANCE 6
CHAPTER 225 : THE LAST VENGEANCE
CHAPTER 226 : THE TRUTH 1
CHAPTER 227 : THE TRUTH 2
CHAPTER 228 : THE TRUTH 3
CHAPTER 229 : THE TRUTH 4
CHAPTER 230 : THE FINAL TRUTH
CHAPTER 231 : TORMENT
CHAPTER 232
CHAPTER 233
CHAPTER 234
CHAPTER 235
CHAPTER 236
CHAPTER 237 : THE END PART 1
CHAPTER 238 : THE END Part 2
CHAPTER 239 : THE END Part 3
CHAPTER 240 : THE FINAL ENDING
HE'S INTO HER
TAGURO and SENSUI
EPILOGUE

CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3

2.8M 62.8K 155K
By maxinejiji

CHAPTER 221 : THE VENGEANCE 3
Who's back with a vengeance?

DEIB LOHR'S POV

Tahimik kaming nakarating sa mansyon. Pero bakas pa rin sa hitsura ni Taguro ang galit. Gusto kong mangulit, gusto kong mag-usap kami. Napakarami kong gustong itanong. Pero halatang wala siya sa huwisyo para mapagtyagaan ako.

"Mauuna na ako," ani Heurt. "Marami-rami ang lulutuin ko." Saka siya nagmadaling dumeretso sa kusina.

Gusto kong manlumo. Kakaiba talaga sila. Hindi ko malaman kung paano nilang naiisip ang ganitong mga bagay sa hindi magandang sitwasyon. Pare-pareho silang wirdo at kakatwang parati na lang akong naninibago.

"Ayos ka lang?" Hindi ko inaasahang tatanungin ako ni Taguro. "Malakas ba 'yong ginawa sa 'yo ni Taylor?"

"Ayos lang ako. Hindi naman malakas ang pagkakadamba niya, nakisama lang ako sa plano mo."

Napabuntong-hininga siya at humakbang papalapit sa akin habang nakapamulsa. Mataman niya akong tinitigan. No'ng una ay nagagawa ko pa siyang hayaan pero ilang saglit pa ay unti-unti na akong naiilang. Para bang kinakausap niya ako gamit ang isip habang nakatingin sa mga mata ko. Pero hindi ko iyon maintindihan at makuha.

"Bakit ganyan ka makatingin, babe?" tanong ko.

"Kasi ngayon ko lang naisip kung gaano katanga 'yong naging desisyon ko para ipain ka sa mga 'yon."

"Taguro, ayos lang naman ako. Wala namang nangyari sa 'kin, 'di ba?" Inilahad ko ang magkabila kong kamay at ipinakita ang kabuuan ko sa kaniya. "Babe, I'm fine. Ang mahalaga ay nakita natin kung nasaan sila." Humakbang ako papalapit at inalis ko ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mata niya. "Sa gano'ng paraan man lang ay makatulong ako."

"Hindi mo obligasyon ang tumulong sa ganito kadelikadong paraan."

"Pero nangyari na ang lahat, Taguro," nakangiti kong sabi para hindi siya makonsensya o mainsulto. "At masaya ako na naging matagumpay ang plano natin," sinserong dagdag ko saka ako sumeryosong muli. "Pero may hindi ako maintindihan, Taguro."

"Ano 'yon?"

"Bakit hindi ka pa nagsama ng mga pulis? Gusto mong makulong sila, 'di ba? Pwedeng-pwede mo silang ipahuli kanina, babe. Magandang pagkakataon na 'yon dahil wala na silang takas," malumanay kong sabi, sa paraang hindi mag-iinit ang ulo niya.

Bumuntong hininga siya saka naupo sa sofa. Agad naman akong naupo sa tabi niya. Sinadya kong iharap nang bahagya ang katawan ko sa kaniya para maintindihan ko anumang eksplanasyon ang kaniyang ibibigay.

Pero nabigla ako nang wala sa sarili niyang kunin ang kamay ko. Hinawakan at pinisil-pisil niya iyon gamit ang dalawang kamay. Paulit-ulit siyang bumuntong-hininga bago tumitig sa kawalan.

"Dahil hindi ko kayang sa gano'n na lang magtapos ang lahat," mahinang sabi niya.

Natigilan ako. "Ano ang ibig mong sabihin, babe?" nagugulat kong tanong. Lalo akong napabaling sa kaniya. "'Wag mo sabihin sa 'kin na may pinaplano ka pang gawin?" Hindi ko naiwasang magkunot ng noo. Pakiramdam ko ay tama ang pagkakaintindi ko.

"Kulang na kulang 'yong nangyari kanina para pagbayaran nila 'yong ginawa nila kay Chairman Moon, Sensui. Hindi ako kontento kung makukulong lang sila."

Kinabahan ako bigla. Pakiramdam ko ay alam ko na agad ang ibig niyang sabihin at ang patutunguhan ng sinasabi niya. Bigla ay naisip ko ang sinabi ni Heurt ukol sa parusa kapag nakapatay si Taguro.

"Babe, ano ka ba?" Hindi ko malaman kung paanong isasatinig ang laman ng isip ko. "Hindi mo obligasyong itama sila sa gano'ng uri ng pagkakamali. Hayaan mo nang batas ang maningil sa kanila."

"Hindi ako naniningil, Sensui. Hindi nila inutang ang buhay ng Chairman, kinuha nila at hindi na maibabalik pa."

Nabigla ako. "Taguro?"

"Basta hindi ako naniningil, tapos."

"Ano ang tawag mo diyan sa pinaplano mo? Tch. Babe, palalakihin mo lang lalo ang gulo. Ipagpaubaya mo na sila sa mga pulis. Please? Nag-aalala ako sa 'yo, eh."

"Sa akin pa talaga?" mayabang na namang aniya, punong-puno ng kompyansa sa sarili.

"Babe," ako naman ang humawak sa mga kamay niya. Deretso siyang napatitig sa 'kin. "Alam kong gusto mo na rin ng katahimikan. Gusto mo na rin ng normal na buhay. Hayaan mo na ang mga Rewis, babe. Please?"

"Tss. Rewis-Rewis..." dinig kong bulong niya.

"Babe..." Hinawakan ko siya sa pisngi upang magtama ang paningin namin. "Tama na, okay?"

Hindi siya nagsalita. Muli siyang tumitig sa akin na para bang iyon ang unang beses niya akong makita. Bumuntong-hininga siya at umayos sa pagkakaupo. "Marami akong batas na kayang buwagin, pero kapag ang salita ay sa 'yo nanggagaling," binitin niya ang sinasabi saka ngumiwi. "Parang kailangan kong sundin."

"Hindi ko maintindihan, Taguro," napapangiting sabi ko.

Ngumiwi siya lalo. "Malamang..," bulong niya.

"Ano nga 'yon?"

"Tss. Ang arte mo."

"Anong maarte?"

"Simple lang ang ibig sabihin no'n kaya 'wag kang kiligin."

"Tch." Hindi na ako nagsalita pa. Pakiramdam ko, isang banat ko pa ay mapuputol na ang manipis at maiksing pisi ng pasensya niya. "Taguro," mayamaya ay muling tawag ko.

"Mm?"

"Sino si H.E.R.?" inosenteng tanong ko.

Agad na nangunot ang noo niya at matagal na namang tumitig sa 'kin. "Bakit mo naitanong?"

"Narinig ko kasi--"

"Hello, Maxwell!" Naputol nang malakas na tinig ni Yaz ang dapat na sasabihin ko.

Sa gulat naming pareho ay napabaling kaming dalawa sa gawi na pinanggalingan ng boses niya. Kinailangan ko tuloy na alisin ang mga kamay ko sa pagkakahawak ko sa mukha ni Taguro.

Kabababa lang ng hagdan ni Yaz at nakapako ang paningin sa kararating lang na si Maxwell. Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin. Dumeretso si Maxwell sa harap namin at inilapag ang bibit na paperbag sa center table. Tumingin siya sa amin ni Taguro saka naupo sa pang-isahang sofa.

"Kumusta ang lakad ninyo?" kaswal na tanong niya. Sobrang kaswal na para bang ang naging lakad namin ay panonood lang ng sine.

Grabe... tsk. Kakaiba talaga sila!

"Ayos naman," sagot na Taguro na para bang isang simpleng pangyayari lang ang nangyari kanina. Sobra ring simple na para bang inutusan lang kaming maghatid ng ulam sa kabilang bahay.

"Kailan ka mag-e-enroll? Nursing department is now open for enrollees, Pein." Gano'n kabilis binago ni Maxwell ang usapan.

"'Aga naman?"

"Kapag medical field ay maaga talagang mag-open ang enrollment. Maraming enrollees."

"Next month na lang siguro. Patapos naman na ang buwan na 'to," malamyang tugon ni Taguro.

"Excuse me," bigay na bigay na ani Yaz. Sinadya niyang tumayo sa harapan ni Maxwell para mapansin siya. "Galit ka ba sa 'kin?" Pinagkrus niya ang mga braso.

Kunot-noo siyang tiningala ni Maxwell. Kalmadong-kalmado ito sa pagkakaupo, ang dalawang braso ay prente sa pagkakalapat sa armrest. "Bakit ako magagalit sa 'yo?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin."

"Madalang naman akong mamansin ng tao."

"Lahat ay pinapansin mo, except sa akin, 'no!"

"Baka dahil hindi ka tao? Maingay ka kasi masiyado."

"Psh," pasimpleng singhal ni Yaz bago siya muling binalingan. "Galing ka sa work?"

"Why?"

"Nagtatanong lang. Napakasungit mo naman."

"Don't talk to me."

"Galit ka talaga sa 'kin, eh! Ano ba'ng ginawa ko sa 'yo?"

"Ganyan lang talaga 'yan," sabat ni Taguro.

Mataray siyang nilingon ni Yaz saka muling bumaling sa kapatid nito at namewang. "Ayaw mo siguro sa boses ko?"

"Siguro."

"Ayaw mo sigurong nandito ako?"

"Maybe?"

"Ayaw mo rin bang nakikita ako nang madalas?" nakangising tanong ni Yaz.

"I can stand a week without looking at you, Zaimin Yaz, even if we're living under the same roof."

"Really? Nice to hear that, Doctor Maxwell Laurent del Valle!" nagmamayabang ang tinig niya. "Anyway, nag-apply ako bilang receptionist sa BIS."

"So?" matabang na tugon ni Maxwell.

"Interview ko bukas at sisiguruhin ko sa 'yong matatanggap ako!"

"Nobody cares, Yaz." Walang kagana-gana si Maxwell.

Gusto kong matawa dahil kakaiba sa amin ni Taguro ang eksena nila. Magkaaway rin naman kami noon pero hindi kakikitaan ni isa sa amin kung sino ang may interes. Hahaha! Halata kasi kay Yaz na may gusto siya kay Maxwell, kahit sino yata ay mapapansin iyon. Pero ang kapatid ni Taguro, gaya niya, ay mukhang hindi interesado. Hindi siya kakikitaan ng kahit katiting na interes kay Yaz. Pero mukhang walang pakialam ang babae kung mahalata siya, wala rin siyang pakialam kung hindi siya gusto ng binata. Nakakabilib na kaya niyang ipakita nang harapan ang interes niya kay Maxwell.

"Matatanggap ako! At makikita mo ang magandang mukhang 'to, araw-araw! Hanggang sa off mo, dahil nasa iisang bubong lang tayo. Hehehe!"

"Good luck," matagal bago sumagot si Maxwell. Malamya niyang tiningnan ang sariling kuko, isa-isa.

"Don't worry, dadalhan kita ng coffee parati."

"Nasa 'baba lang yata ang reception, Yaz?" hindi nakatiis na sabat ko. "Kung hindi ako nagkakamali ay may sariling quarters ang mga doktor, estudyante man o hindi, at nandoon lang sila parati. Lumalabas lang sila kapag may pasyente na."

"What do you mean?" baling ni Yaz sa 'kin.

"Hindi mo rin siya makikita parati dahil paniguradong nandoon lang siya sa quarter buong duty. Lalabas lang si Maxwell para bisitahin ang pasyente niya tapos babalik na ulit sa quarter. At nasa ground floor lang ang reception, doon ka lang magdamag. Kung may kailangan ka sa 'taas ay itatawag mo lang, hindi mo pwedeng iwan ang post mo. Habang siya naman ay nasa 'taas," mahabang paliwanag ko. Nilingon ko si Maxwell na noon ay ngingisi-ngisi na nang palihim.

"Oh, my God! Why didn't you tell me!" pasinghal na baling ni Yaz kay Maxwell.

"You really expect me to tell you? Do I care for you?"

"Ouch!" Napahawak si Yaz sa sariling dibdib habang nakatingin kay Maxwell. "Fine! Fine!" Isinuko niya ang parehong kamay saka bumaling sa 'min ni Taguro. "Ano ang pwede kong gawin para parati kitang makita? Mula sa trabaho hanggang sa paghiga mo sa kama! Ano?"

Nangalumbaba si Maxwell saka itinakip ang kamay sa bibig niya. Sa ganoong sitwasyon siya bumuntong-hininga habang ang mata ay nakatuon kay Yaz.

"You're--"

"Crazy?" natatawang pinutol ni Yaz ang dapat na sasabihin ni Maxwell.

"Scary," pagtatama ni Maxwell.

Nanlaki ang mga mata ni Yaz. "You...!" Dinuro niya si Maxwell pero hindi malaman kung anong salita ang isusunod sa naunang sinabi. "Ang sama ng ugali mo, ah!"

Natawa ako. "Mag-janitress ka."

"What?" nagugulat na bumaling sa 'kin si Yaz.

"Oh, why not? Marangal na trabaho 'yon. Ka-close ko nga lahat ng janitors noon."

"Seriously, Deib Lohr?"

"Maniwala ka sa kaniya, Yaz," banat ni Taguro. "Nakakasama niya sa kalokohan ang mga janitors ng BIS. Gano'n siya kagaling sa pambu-bully."

"Tch. Kailangan talagang parati kang may linya, eh, 'no, babe?"

"Bakit, hindi ba't totoo naman?"

"Kailangan mo pa ba talagang banggitin 'yon?"

"Nakaka-miss kasi." Ngumisi pa siya.

"Tch! Libang na libang kang balikan ang nakaraan natin, 'no, Taguro?" sarkastiko at nakangiwing sabi ko. "Masarap ba sa pakiramdam mong balikan kung paano akong nagkagusto sa 'yo?"

"Eh, kung sabihin kong, oo?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Ginagawa mo 'yon?" Pinigilan kong mangiti.

"Ang alin?"

"Ang balikan ang nakaraan natin, kung paano ka na-in love sa 'kin?"

"Oo nga, tsk."

"Talaga??"

"Oo," tinatamad nang sagot niya.

"Anong pakiramdam?"

"'Sakto lang."

"Anong 'sakto lang?" kunot-noong tanong ko. Nakakainis! Hindi na lang sagutin 'yong tanong, ang dami pang yabang! Tsk! "Ano ngang pakiramdam mo kapag binabalikan mo 'yong nakaraan natin, Taguro?"

Bumuntong-hininga siya, parang sisilab na agad ang galit niya. "Nakakainis na nakakatuwa, gano'n."

Umusod ako nang umusod hanggang sa maglapat na ang balat naming dalawa. "Kapag binabalikan mo 'yong alaala nang nakaraan, saan ka nagsisimula?"

"Doon sa kami pa ni Randall," deretsong sagot niya, ni walang halong alinlangan.

Natigilan ako hanggang sa unti-unting mangunot ang noo ko. Bwisit! Ang pangit talagang magbiro nito kahit kailan! "Ano!" singhal ko.

Tumawa siya. "Doon naman talaga nagsimula 'yon, 'di ba?"

"Ako lang dapat, Taguro! Bakit kasama pa siya?!"

"Dahil kung hindi dahil sa kaniya ay hindi tayo magkakakilala."

"Taguro, tayong dalawa ang nakatakda para sa isa't isa! Naging kayo man o hindi ay mamahalin mo 'ko at mamahalin kita!" wala sa sariling sabi ko. Tumaas ang kilay at bahagyang nanlaki ang butas ng ilong niya. Binigyan niya ako ng tingin na para bang iyon na ang pinakanakakagulat na linyang narinig niya.

"What the hell?" nakasukong ani Maxwell.

Hindi ko siya pinansin. Itinuon ko kay Taguro ang aking paningin. "Kung gano'n ay binabalikan mo pa rin pala 'yong sa inyo ni Randall? Gano'n ka ka-bitter, Maxpein?"

"Tss. Anong bitter? Kasama 'yon do'n. Kasama 'yon do'n, Sensui. Kasama 'yon do'n, okay?" paulit-ulit niyang sabi.

"Pwede mong balikan ang nakaraan nang hindi siya iniisip, babe!" sabi ko habang tinutusok-tusok ang pisngi niya.

Tumawa siya habang nakatingin kay Maxwell na inilingan lang kami. "Oh, sige, sa susunod ay 'yong tayong dalawa na lang. 'Wag ka nang ngumuso."

"Tch! Eh, paano 'yong mga nakaraan na naisip mo siya? Gano'n na lang 'yon, babe?"

"Wala lang naman 'yon sa 'kin, Sensui," aniya sabay hawak sa kamay ko. Tinapik-tapik niya 'yon na para bang napakaliit na bagay iyon.

"Hindi ko matanggap na kapag inaalala mo ang nakaraan natin ay kasama siya! Ayaw ko ng gano'n, babe! Ayaw ko no'n, Taguro!" naiinis talagang sabi ko.

"Sige! Titigilan ko nang mag-isip, king ina!" angil niya sabay bitaw sa kamay ko.

"Babe!" Agad kong kinuha pabalik ang kamay niya. "Sige, hindi na. Mag-isip ka nang mag-isip basta kasama ako. Mas maganda kung ako na lang iisipin mo. Ako lang, 'yong wala nang iba. Hehehe."

"Tss."

"Galit ka na ba niyan?"

"Abnormal ka talaga, eh."

"Pareho lang naman tayo, Taguro, hehehe. Kaya nga nagkaro'n ng ikaw at ako."

"Tigilan mo nga ako, binubwisit mo 'ko, eh."

"Kapag sa 'kin ay napakaikli na lang parati ng pasensya mo. Kapag sa ibang tao, napakahaba. Ako ba talaga ang mahal mo, Taguro?"

"Sila."

"Ano!"

"'Yan. Ganiyan na ganiyan ka, eh. Magtatanong ka ng ganiyan kahit alam mo naman na ang sagot. Ipipilit mong may iba kahit wala naman talaga. Kapag inasar kita, ikaw pa galit."

"Iba ka nang manumbat ngayon, Taguro, ah!"

"Naiinis na 'ko, Sensui." Sumeryoso siya.

"Ewan ko sa inyo!" singhal ni Yaz saka bumaling papatalikod sa amin.

"Yaz," pagtawag ni Taguro.

"What?"

"Kung ako sa 'yo ay mag-aral ka na lang ng BS Nursing. Paniguradong parati mong makakasama si Maxwell no'n." Agad na nanlaki ang mga mata ni Yaz. "'Di ba, Hyung?" dagdag ni Taguro sabay ngisi. Nang tingnan ko si Maxwell ay masama na ang tingin niya sa kapatid.

"Oh, my! So fetch! Sige! Sige! Enrollment na 'kamo, 'di ba?" baling ni Yaz kay Maxwell na noon lang siya uli tiningnan. "Mag-e-enroll ako, bukas na bukas!" Hindi niya na nahintay pa ang reaksyon ni Maxwell, nagtatakbo na siya paakyat sa kwarto.

"Bakit mo sinabi 'yon?" bwelta ni Maxwell sa kapatid.

"Mukhang patay na patay sa 'yo, eh."

"So?"

"Para magkakulay naman 'yang buhay mo."

"May kulay ang buhay ko, Pein."

"Oo, itim at puti."

"What?"

"Meron ka na ng lahat, Maxwell, babae na lang ang kulang. I-try mo, wala namang pumipigil sa 'yo. Para maranasan mo, at para mabawasan na rin 'yang ganiyang ugali mo. Daig mo pa ang babae sa sobra mong sungit."

"Hindi ko kailangan ng girlfriend." Sumeryoso si Maxwell, halatang naasar.

"Noona," eksaktong nangibabaw ang tinig ni Maxrill na noon ay nakatunghay sa amin mula sa itaas. Sabay na napatayo sina Maxwell at Maxpein.

"What happened to you?" alalang tanong ni Maxwell. Hindi na niya hinintay pang sumagot ang bunso. Halos talunin niya ang mga hagdan paakyat, para malapitan lang agad ang namumutlang si Maxrill.

"I am not feeling well, Hyung," malungkot na ani Maxrill. Wala na halos kulay ang kabuuan ng mukha niya. Maging ang mga labi niya ay namumuti na.

Agad namang sumugod paakyat si Taguro. Napakilos na rin ako papasunod sa kanila. Agad na pinakiramdaman ni Maxwell ang temperatura ni Maxrill at ikinumpara sa sarili. Noon ko lang nakitang mag-alala nang sobra sina Maxwell at Maxpein para kay Maxrill. Malayo sa pag-aalalang nakita ko noong nasa bingit kami ng kamatayan sa kamay ng mga Rewis.

Sa lagnat ay natatakot sila, pero sa mga Rewis ay hindi. Nice. Gusto kong matawa pero baka magalit sila sa akin.

"Mainit ka," pabulong ni ani Maxwell. Iniangat niya ang mahabang manggas ng polo na suot ni Maxrill at tiningnan ang balat nito sa buong braso. "May masakit ba sa 'yo?"

"My head aches, also my back."

"Mataas ang lagnat mo, Maxrill. You must be very tired. Come."

Agad na inalalayan ni Maxwell ang kapatid papasok sa kwarto, sumunod naman kami ni Taguro. Hindi ko malaman ang mararamdaman ko nang panoorin ko sina Maxwell at Taguro na magkatulong alagaan si Maxrill. Kahit halatang gusto nilang pagalitan ang bunso ay makikita ang kanilang pagpipigil. Sabi ni Taguro ay napabayaan ni Maxrill ang sarili, madalang itong kumain hindi gaya nang madalas nitong gawin. Hindi rin daw nila masyadong nabantayan si Maxrill habang nasa Korea dahil pare-pareho silang abala.

"May gusto ka bang kainin? Ipapaluto ko," sabi ni Taguro.

Agad na umiling si Maxrill. Malungkot at matamlay ang buong mukha niya. "I am not feeling well, Noona."

Mayamaya lang ay sumunod ang nag-aalalang si Maze. Ipinagluto rin naman agad ni Heurt ng makakain si Maxrill. Bagaman ganoon ay sabay-sabay naming pinagsaluhan ang inilutong hapunan ni Heurt. Ang paborito kong bistek ang isa sa mga inihain niya. Bukod doon ay may laing, lechong baboy at spareribs. Naglabas din si Mokz ng wine at gumawa naman ng masarap na dessert si Parrot.

Palibhasa ay unang gabi nina Taguro dito mula nang umalis sila, napuno ng kwentuhan ang hapunan namin. Masaya nilang binalikan ang nakaraan kasama si Chairman Moon. Ikinuwento ni More kung gaano kaluwag sa kaniya ang ama noong binata siya, at kung gaano kahigpit noong mag-asawa. Si Mokz naman ay ibinahagi kung gaano kabait ang Chairman, halos magkapatid na raw ang kanilang turingan. Pinuno ni Mokz ng tawanan ang buong sandali. Kahit hindi na siya ang bida sa kwentuhan ay nakakapagsingit pa rin siya ng katatawanan.

Nahuli man ay hindi nagpaawat sa kwentuhan si Maze, sinabi niya sa lahat kung gaano kaistrikto ang Chairman pagdating sa trabaho at kung gaano kaluwag naman sa t'wing tutulong sa tao. Sinabi niya rin sa lahat nang naro'n kung gano kahalaga ang pag-aaral kay Chairman Moon. At ang pinakaumagaw sa interes ko ay nang ibahagi niya ang mga kalokohan ni Taguro na siyang ikinagagalit ng Chairman. Naging emosyonal naman ang lahat nang sabihin nilang lahat kung gaano kamahal ng Chairman ang pamilya niya, lalo na ang kaniyang tatlong apo.

At mas naging emosyonal pa nang si Taguro ang naging sentro ng usapan. "Hindi namin inaasahan ang isang Maxpein sa pamilyang ito, kaya sa tatlong apo ay siya ang pinakaespesyal sa kaniyang lolo," ani More.

Nakangiti man ay nangunot ang noo ko. Espesyal si Taguro kay Chairman Moon. Hindi ko alam kung bakit gusto kong itanong kung bakit. Parang bukod sa pagkakaintindi kong dahil mahal nila si Taguro kahit iba ang ina nito, ay may iba pang dahilan.

Buong hapunan ay nakangiti lang ako habang nakikinig sa kanila. Tatawa mayamaya at hahalakhak kasabay ng lahat. Napakasarap at masaya sa pakiramdam na balikan ang alaala ni Chairman Moon. Hindi man niya ako tunay na apo ay ipinaramdam naman niya sa akin na handa siyang maging ikatlong lolo ko. Walang katulad ang pakiramdam.

Pero sa t'wing maiisip ko ang nangyari kanina lang, nang makaharap namin ang mga Rewis, gusto kong matawa. Para bang nakalimutan na agad nila 'yon, animong hindi nangyari. Matagal ko na silang kilala at nakakasama, pero hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung paano nila nagagawang isipin ang mga ganitong bagay sa gitna ng kapahamakan, hapunan. Hindi ko makuha kung paano nilang naiisip ang reyalidad, ang mga normal na gawain sa araw-araw habang nasa peligro ang aming buhay. Sadyang kakaiba. Talagang sanay na sila sa ganoong klase ng sitwasyon kaya naiisip nila ang ibang mahahalaga pang bagay na nangyayari at kailangan sa buhay nila.

"Aakyat na kami, late na," paalam ni Taguro nang magkayayaan nang matulog. Kalahating oras na lang ay alas onse na ng gabi. Tatawa-tawa naming pinansin ang oras dahil pare-pareho namin iyong hindi namalayan.

"Saan ka matutulog?" tanong ni More.

"Sa kwarto ko."

"Kasama si Deib Lohr?" kunot-noong tanong ni More, nilingon pa ako.

Inosente akong tiningnan ni Taguro. "Kung gusto mo ay sumama ka rin."

"Maxpein?"

"Kung ayaw mong magsama kami sa kwarto ko, eh, di kayo ang magtabi?"

"Hoy, Taguro," pabulong na asik ko.

"Tss. 'Wag kang mag-alala dahil wala naman kaming gagawin." Kay More pa rin siya nakatingin.

"Dapat lang, dahil hindi pa ako handang maupo bilang Chairman." Ngumisi si More, hindi ko naman sila naintindihan. "Sige na, magsitulog na kayo."

"Goodnight," iyon lang at tinalikuran na sila ni Taguro. Tumango ako sa lahat bago tuluyang sumunod sa kaniya. "Talaga bang walang balak ang Chairman ninyong tumuloy dito sa mansyon?" Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon habang naglalakad kami papunta sa kwarto niya.

Hindi ako nakasagot agad. Noong una ay pumayag si Chairman Enrile na manatili sa mansyon ng mga Moon. Pero dalawang araw pa lang ang inilalagi niya ay nagpaalam na itong aalis at babalik sa sariling bahay. Natural, hindi siya pinayagan ni Maze. Ang dahilan naman ni Chairman ay marami siyang trabahong mapapabayaan. Pero nadinig ko ang usapan nila ni Lolo Dei Min. Hindi matagalan ni Chairman ang kahihiyan at sakit na idinulot niya sa pamilyang kasalukuyang kumukupkop sa amin.

Hindi nagtagal at hinayaan nina Maze at Heurt na umalis si Chairman Enrile. Kasama niya si Lolo Dei Min sa sariling bahay, nagpadala rin ng napakaraming tauhan ang mga Moon para meron silang makasama.

"Marami kasing ginagawa si Chairman ngayon, Taguro," palusot ko na lang. "Ano, dating gawi tayo?" iniba ko ang usapan.

Taka niya akong nilingon bago pumasok sa pinto. "Anong dating gawi?"

"Sa sofa ka at sa kama ako, hahaha," kunyaring biro ko.

"Sige."

"Sigurado ka?"

"Kahit saan naman ako matulog ay ayos lang, hindi ako mapili sa tulugan," naglalakad na aniya habang isa-isang hinuhubad ang ilang damit na suot niya.

"Kahit sa sofa?" nakangising tanong ko habang sumusunod sa likuran niya.

"Kahit sa sofa."

"Kahit sa sahig?"

"Kahit sa sahig."

"Kahit sa kama?"

"Natural, kahit sa kama."

"Sige, doon tayo sa kama." Binihag ko siya mula sa likuran matapos sabihin 'yon. Napangisi ako nang maramdaman ko siyang magitla. "Matutulog ka ngayong gabi sa tabi ko, Taguro."

"Wala akong sinabing gano'n, Sensui."

"Ang sabi mo ay matutulog ka kahit saan at hindi ka namimili ng tutulugan."

"Oo nga, pero ikaw na ang nagsabi, dating gawi. Sa kama ka at sa sofa ako."

"Hahayaan ko ba namang matulog sa sofa ang reyna ko?"

"Eh, di ikaw ang sa sofa, ako ro'n sa kama. Hindi na dapat pinagtatalunan 'yan, Sensui."

"Ayaw ko sa sofa, hindi ako kasya," pang-aasar ko.

"Kaya nga ako na lang ang sa sofa, kasya ako ro'n."

"Maliit ang sofa mo, hindi ka rin kakasya ro'n."

"Hayaan mo, magpapagawa ako nang triple sa sukat niyan," angil niya. "King ina," dinig kong bulong niya.

"Pwede rin namang ano, babe..."

"Ano?"

"Doon." Inginuso ko ang kama sa kaniya. "Hehehe, may utang ka pa sa 'kin, 'di ba?"

"Tss. Sa ganiyan bagay ay hindi ka talaga nakakalimot, 'no?" naaasar na aniya sabay kalas mula sa pagkakayakap ko. "Maliligo na muna ako."

Napanguso na lang ako at hindi na nagtangkang lumapit pa sa kaniya. Sinundan ko siya ng masamang tingin. Parati na lang siyang umiiwas sa halik ko, ayaw ba talaga niya no'n? Tch! 'Sabagay, baka nga kaya gusto niyang maligo ay dahil alam niyang hahalikan ko siya. Bwahahaha! Napakatalino mo talaga, Deib!

Naupo ako sa sofa at nagtanggal ng sapatos. Sumandal ako saka inihilig ang batok ko. Napatitig ako sa kisame saka ako napangiti. Naalala ko kasing nang nakaraang gabi lang ay nasa ganoong posisyon din ako at iniisip kung kailan ko ulit makakasama si Taguro. Ngayon ay 'eto at kasama ko na siya sa kwarto.

Inilabas ko mula sa aking bulsa ang pasalubong niyang keychain. Napangiti ako.

Marunong na pala siyang makaalala ngayon. Hindi gaya dati na para bang pasan niya ang problema ng buong Pilipinas, hindi man lang maalalang merong isang tulad ko na naghihintay at nagmamahal sa kaniya. Hahaha!

Pero sa gitna ng pagkakangiti ko ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi ko, maging ang tuwa na aking nararamdaman kanin. Biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari. Nararamdaman kong hindi pa tapos ang lahat. Nag-alala ako bigla lalo pa at hindi ugali ni Taguro ang magsabi tungkol sa mga balak at kilos niya. Kinakabahan ako na baka ganito lang ang ipinapakita niya ngayon, pero sa likod ng isip niya ay nando'n ang mga planong anumang oras ay pwede niyang gawin.

Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin kung paano niya akong pilit na pinaamin tungkol sa nangyari sa pagitan namin nina Eerah, Almeyra at mga kaibigan nila. Kung bakit ako dinala sa Amerika. Lahat ay ikinuwento ko sa kaniya. Nalaman ko na lang ay inisa-isa niya ang mga ito.

Ang binitiwan niyang salita kay Eerah Anitha... Saulo ko pa ang sinabi ni Taguro bago namin iniwan ang mga Rewis kanina. Naging saksi ako kung gaano karaming dahilan ang iniipon niya bago niya magawang gantihan o labanan ang sinumang bumangga sa kaniya. Nagdadalawang-isip naman ako kung sapat na bang idahilan ang ginawa ng mga Rewis para gantihan o labanan niya ang mga ito sa kaparehong paran? Kinakabahan ako sa t'wing maiisip kong makakapatay siya ng tao.

"Maligo ka na." Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo nang biglang magsalita sa likuran ko si Taguro. Pakiramdam ko ay biglang nanakit ang dibdib ko.

"Nakakagulat ka naman, eh!"

Pinagtakahan niya ako. "Ano ba ang nakakagulat sa pagligo?"

"Ibig kong sabihin ay 'yong biglang pagsulpot mo!"

"Masyado kang nerbyoso. Tss. Maligo ka na, inaantok na ako."

"'Wag mo 'kong tutulugan, Taguro."

"Bahala na kung gising pa ako pagkatapos mo," aniya na dumeretso sa estante at naglagay ng kung ano-anong pamahid sa katawan at mukha niya. "Maligo ka na, 'wag mo 'kong panoorin, bading."

Inis akong tumayo, at hindi ko inaalis ang tingin sa kaniya habang papalapit ako sa estante para hablutin ang bath robe ko. Nananatili pa rin kaming nakatingin sa isa't isa hanggang sa makapasok ako ng banyo.

Kapag mag-asawa na kaya kami ay ganiyan pa rin siya? Kailan naman kaya siya magbabago? Tch!

Binilisan kong maligo, syempre, kailangan kong maabutang gising si Taguro. Pero gano'n na lang gulat ko nang makitang wala siya sa kwarto pagkalabas ko ng banyo. Agad kong iginala ang paningin ko at namataan siya sa terrace. Bubuksan ko na sana ang sliding door nang bigla niyang tapusin ang pakikipag-usap sa cellphone at bumaling sa 'kin. Nagmadali akong tumalikod at nagpunas ng buhok.

Gano'n ba kaimportante ang kausap niya at ayaw niyang may makakitang iba na nag-uusap sila? Tch!

"Sino'ng kausap mo?" tanong ko habang nakatingin ako sa salamin.

"Baka gusto mong magbihis muna?" Mula sa salamin ay tiningnan niya ang suot ko pa ring roba.

"Sino ang kausap mo?" kunot-noong tanong ko matapos harapin siya.

"Tauhan namin 'yon."

"Tch."

"Oo nga."

Inis akong tumalikod at nagpatuloy sa pagpupunas. Pasimple kong pinanood sa salamin ang pag-upo niya sa gilid ng kama. Inalis ko lang ang tingin sa kaniya nang mag-angat siya ng paningin sa gawi ko.

"Galit ka na naman ba?" tanong niya mayamaya.

"Hindi."

"Galit ka."

"Alam mo naman pala, eh," sarkastikong sabi ko.

"Tauhan namin 'yon, Sensui, believe me."

"Oo, naniniwala naman ako parati sa 'yo. 'Yon lang naman ang choice ko, eh. Hehe."

"Eh, bakit nagagalit ka pa rin?"

Hindi agad ako umimik. "Napakarami mo kasing sikreto."

"Sinabi ko namang tauhan 'yon, 'di ba?"

"Tch. Hindi lang 'yon. Marami ka talagang sikreto."

"'Yong ngayon lang naman ang pinag-uusapan natin, bakit kailangan mo pang ungkatin 'yong iba?"

"Kasi naiipon lang 'yon, Taguro. Napakahirap mong kilalanin. Para akong nagmahal ng babaeng hindi ko naman kilala. Ni hindi ko na nga alam kung tunay mo bang pangalan 'yong alam ko, eh? Tch. Hindi mo nga masabi kung sino si H.E.R., tch."

"Deib?"

"Paano, kapag nagtatanong ako, sinasagot mo rin ng tanong. Kung hindi naman ay iniiwas mo ang usapan. Minsan naman ay sumasagot ka nga, sinasabi mo namang hindi pwedeng malaman."

Napailing siya saka nagbaba ng tingin sa mga kamay niya. Nakita kong gumuhit ang konsensya sa mukha niya.

"Pero ayos lang, may mga batas kayo na wala ang normal na taong gaya ko, eh. Unfair nga lang. Kasi lahat sa 'kin ay alam mo, pero ikaw, ewan," wala sa sariling sabi ko.

Matagal siyang tumitig sa 'kin. Hindi niya nagawang magsalita.

Natigilan din ako sandali. Hindi ko alam kung saan ba nagmula 'yong mga sinabi ko. Para akong nakaramdam ng inis bigla sa hindi malamang dahilan.

Pero agad din akong kinain ng konsensya ko. Napapahiya akong sumulyap sa kaniya pero hindi na siya nag-angat pa uli ng tingin sa 'kin.

"Sige, matulog ka na," aniya na bigla akong tinalikuran.

Nanlumo ako sa sobrang inis. Hinabol ko siya at saka dinuro sa likuran. "Ganiyan ka, eh, kapag may pinag-uusapan tayo ay parati kang umiiwas."

Inis siyang humarap sa 'kin. "Eh, paano? Para kang babae. Ikaw pa 'yong gumagawa nang pag-aawayan."

"Anong pag-aawayan do'n, Taguro? Tinatanong lang kita. Maayos ang pagtatanong ko pero hindi mo sinagot kasi umiiwas ka. Hindi ako galit, naaasar lang ako. Ganiyan ang ugali mo, parati kang umiiwas kapag ganito na kaseryoso ang usapan."

"Eh, ano ang gusto mong sabihin ko? Akala ko ba ayos lang, dahil may mga batas kaming sinusunod?" Halatang naiinis na siya. "Tapos ngayon..." Hindi ko na naintindihan ang iba pang ibinulong niya.

"Anong sabi mo?"

"Wala."

"Meron, narinig ko."

"Eh, bakit itinatanong mo pa?"

"Hindi ko narinig, eh!"

"Anak ng tupa, oh..," muling bulong niya.

"Minumura mo ba 'ko?"

"'Asan ang mura ro'n? Naghahanap ka talaga ng pag-aawayan, eh." Muli siyang umiwas at umastang tatalikod na.

Bumuntong-hininga ako. "Sige, bahala ka sa buhay mo."

"Ano?" Bigla siyang humarap sa 'kin.

"Oh, ano rin?"

Tinitigan niya ako habang nakamaang at nanlalaki ang mga mata, parang hindi makapaniwala. "Ano ba ang problema mo, Enrile?" Humakbang siya papalapit sa 'kin, animong naghahamon ng away.

"Nothing."

"Yes, there is."

"I said nothing."

"Abnoy..," dinig kong bulong niya.

"Anong sabi mo?" halos pasinghal na tanong ko. "Oh, sige, ikaw! Ikaw, ikaw ang problema ko, Maxpein."

"Inano nga kita?" pasinghal din na tanong niya. "Ikaw 'tong hindi ko maintindihan, Deib Lohr." Noon niya na lang yata uli ako tinawag sa buong pangalan. Galit na talaga siya. "Naghahanap ka kasi ng pag-aawayan."

"Madali lang naman kasi 'yong mga tanong ko pero parang hindi mo maintindihan. Gusto kong malaman kaya kita tinatanong, Taguro. Pero parati mo 'kong iniiwasan. Ayaw na ayaw mong makilala kita. Gano'n ka kadamot sa 'kin pagdating sa pagkatao mo. Lahat ng tungkol sa 'yo, ayaw mong makarating sa 'kin. Wala kang tiwala sa 'kin."

"Sinabi mong ayos lang, 'di ba? Eh, bakit nagkakaganiyan ka bigla?"

"Anak ng..," inis din na bulong ko matapos mapahilamos sa mukha. "Sinabi ko lang 'yon pero sa loob ko ay hindi 'yon totoo, Taguro. Wala ka talagang pakiramdam, 'no? Napakamanhid mo pa rin."

Inis na naman siyang tumitig sa 'kin. Nilabanan ko naman ang masama niyang tingin. Pero hindi rin naman siya nagsalita. Wala siyang sinabi.

"Tch. See? You can't say anything. Because you're not willing to tell me everything or even a single thing." Kunot-noo ko siyang tiningnan. "Sige, matutulog na ako. Good night." Ako na ang unang tumalikod sa kaniya.

Nadinig ko siyang bumuntong-hininga at hindi ko man siya nakikita ay alam kong naro'n pa rin siya sa likuran ko at pinagmamasdan ang aking paglayo. Panigurado rin na kung ano-ano nang tumatakbo sa isip niya ngayon.

Hindi ko na siya pinansin pa at sa halip ay dumeretso na lang ako sa kama. Kinuha ko ang isang unan at kumot na ginamit ko sa pagtulog doon. Saka ako dumeretso sa sofa at doon nahiga. Pilit akong humarap sa sandalan, patalikod naman sa gawi ng kama niya, saka ako pumikit. Naglalayag ang isip ko pero patuloy ang pakikiramdam ko sa ikikilos ni Taguro.

Ilang saglit na namayapa ang katahimikan, hininga ko lang ang naririnig ko. Mayamaya pa ay narinig ko na ang mga yabag niya. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang marinig ko ang pagsasara ng pinto.

Inis akong bumangon. Hindi ko makita si Taguro kaya nasisiguro kong siya ang lumabas do'n.

Sa'n naman kaya pumunta' yon? Sandali akong tumitig sa pinto. Agad na nagtalo ang isip at puso ko kung dapat ko ba siyang sundan. Tch. Bahala siya. Ako mismo ay hindi ko maintindihan ang sarili kong inis. Kaya sa halip na sundan si Taguro ay muli na lang akong nahiga.

Ngunit paulit-ulit ko mang pilitin na makatulog ay hindi ako dalawin ng antok. Nabibingi ako sa sobrang tahimik. Malakas sa pandinig ko ang bawat kalatik ng orasan. Bawat pitik ng segundo ay nangingibabaw sa tenga ko na para bang napakabagal ng takbo nito.

Alam kong sa loob ko ay hinihintay ko si Taguro.

Kunot-noo akong bumangon muli. Napatitig pa ako sa pintuan na para bang bubuka 'yon kapag gano'n ang ginawa ko. Pero hindi 'yon nangyari. Alas tres na, nasa'n naman kaya 'yon? Naiinis man ay kusa akong bumangon, nagtsinelas, nag-ayos ng nagulong t-shirt at saka naglakad papunta sa pintuan.

Napabuntong-hininga pa ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita kong nakapamulsang naglalakad na rin si Taguro papunta sa gawi ko. Nahinto siya sa paglalakad nang magtama ang paningin namin. Walang emosyon ang mukha niya, hindi man lang nagulat kung bakit bumangon ako bigla.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero nasisiguro kong matagal. "Sa'n ka galing?" tanong ko pero hindi siya sumagot, ni hindi nagbago ang ayos at hitsura niya. "Gabi na, matulog na tayo."

"Matulog ka na."

"Sabay na tayo. Ako na ang matutulog sa sofa." Kahit na gano'n ang sinasabi ko ay hindi ko pa rin maibalik ang panunuyo sa boses ko. "Sige na, pagod ka pa, eh. Magpahinga ka na."

"Dito ako sa kabilang kwarto matutulog."

Natigilan ako. "Taguro?"

"Matulog ka na ro'n sa kwarto," aniya saka bumaling sa kaharap niyang pinto.

"Dito ka na rin, Taguro."

"Saka na 'ko matutulog diyan kapag malamig na ang ulo mo."

Muli akong natigilan, inantig ako bigla ng konsensya ko. Napakaarte mo kasi Deib Lohr! Tsk! Agad akong naglakad papalapit sa kaniya. Mabilis ko ring kinuha ang kamay niyang nakapasok pa sa bulsa.

"Babe, doon na tayo sa kwarto," pabulong halos na sbai ko.

"Ayos lang ako dito."

"Pero gusto kong doon ka."

"Napakarami mo namang gusto ngayon."

Napabuntong-hininga ako. "Sige na, sorry na. Doon ka na sa kwarto."

Hindi siya nagsalita. Tumingala siya sa 'kin at sinamaan ako ng tingin. "Bakit ba kasi hindi ka na lang natulog?"

"Hinihintay kita. Hindi ako makatulog kasi wala ka."

"Matapos mo 'kong awayin?"

"Babe naman? Sorry na. Sige na, doon ka na sa kwarto. Doon ka sa kama at ako sa sofa."

"Sige, mauna ka na."

"Sabay na tayo."

"Mauna ka na."

"Ayaw mo ba 'kong kasabay?"

"Sige, dito na lang ako sa kabila."

"'Eto na, babe." Nagmadali akong lumakad pabalik sa pinto ng kwarto niya saka ko siya muling nilingon. "Dito ka, 'di ba?" tanong ko nang makita kong hindi man lang siya umaalis sa kinatatayuan. "Babe?"

Hindi siya nagsalita. Basta na lang siya naglakad patungo sa 'kin at huminto nang magkaharap na kami. Tumingala siya at tumitig sa 'kin. Walang emosyon ang mukha niya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Buksan mo na 'yong pinto, anong bakit? Tsk," mainit ang ulo niyang sagot.

"Ay, sorry," sabi ko na agad binuksan ang pinto. Pinangunahan niya ako papasok dahilan para mabunggo pa niya ako. Sungit. "Doon na tayo sa kama, babe," sabi ko nang makita ko siyang dederetso sa sofa.

"Ikaw na lang do'n."

"Oh, sige, ako na lang diyan."

"Ako na."

"Ako na, babe. Nandiyan na ang kumot at unan ko."

"Isara mo 'yong pinto," sabi niya habang naglalakad patungo na sa kama, nang hindi ako nililingon.

Pinanood ko pa siyang mag-ayos ng kama bago ko isinara ang pinto. Nakalapat lang sa kaniya ang paningin ko habang naglalakad naman ako papalapit sa sofa. Napanguso ako nang makita kong wala talaga siyang balak na patulugin ako sa tabi niya.

Hahayaan niya lang akong matulog at lamigin sa sofa?

Lalo akong napanguso. Iba ang lamig kapag sumasapit ang gabi. Nakakanginig sa sobrang lamig.

Muli kong sinulyapan si Taguro nang pumasok siya sa banyo. Hindi man lang ako nililingon. Hinintay ko rin siyang lumabas kaya nakita kong bago siyang hilamos at mukhang bago ring sepilyo. Sinadya kong iparamdam sa kaniyang pinapanood ko ang bawat kilos niya pero para akong hangin kung ituring niya. Para bang wala ako ro'n. Para bang wala kami sa iisang kwarto. Dinaan-daanan niya lang ako na para bang kaniyang-kaniya ang mundo.

"Hoy, Taguro," pagtawag ko nang makita ko siyang mahihiga na. Nilingon niya ako. "Nasa'n ang halik ko?"

Nakita kong tumaas ang kilay niya kaya pinandilatan ko siya ng mga mata. Naglakad siya papalapit sa 'kin nang walang karea-reaksyon. Nananatili naman ako sa pagkakaupo sa sofa.

Nang huminto siya sa harap ko ay basta na lang siya yumuko at hinalikan ako sa pisngi. "'Yon lang?" tanong ko nang muli siyang umayos ng tayo.

"Ano na naman ba?"

"Gusto ko 'yong matagal, syempre."

"Gaano katagal?"

"'Yong kahit..."

"Ano?"

"Kahit putukan ako..," pambibitin ko. Nangunot agad ang kaniyang noo. "Ng liwanag, babe. 'Yong kahit putukan tayo ng liwanag dito. Gano'n katagal ang gusto ko."

"Manyakis," mahinang-mahinang bulong niya. Natawa naman ako.

"'Wag ka nang magalit sa 'kin, babe? Please?" sabi ko matapos hawakan ang mga kamay niya. Nananatili siyang walang reaksyon. "Sorry na, please?"

"Tsk tsk," aniya habang umiiling.

"I love you."

"I love you, too."

"Kiss mo na 'ko, ulit."

Muli siyang yumuko pero bago pa dumapo sa pisngi ko ang labi niya ay hinila ko na siya papalapit. Dahilan para mapaupo siya sa hita ko nang nakatagilid.

"Ganito ang gustong-gusto mo, 'no?" sarkastiko at nakangiwi niyang tanong.

Ngumisi ako. "Hindi, syempre. Iba ang gusto ko."

"Ano?"

"Sa 'kin na lang 'yon. Halikan mo na 'ko."

"Ayoko."

"Eh, di ako hahalik sa 'yo." Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at sapilitang iniharap sa 'kin.

"Aray ko naman."

"Hindi naman brutal 'yong ginawa ko, Taguro. Napakaarte mo naman. Hahalikan lang kita."

"Tsk." Iniiwas niya ang mukha sa 'kin. Napansin kong namumula siya kaya bigla akong natawa.

"Kinikilig ka?"

"Bakit ako kikiligin?"

"Syempre, malapit tayo sa isa't isa at alam mong may gagawin ako sa 'yo."

"Ano ba ang gagawin mo?"

"Hahalikan nga kita, may gusto ka pa bang iba?"

"Marami pa."

Nanlaki ang mga mata ko. "Tulad ng ano?"

"Sa 'kin na lang 'yon." Ngumisi rin siya.

"Anak ng...ano nga, Taguro!"

"Wala."

"Hindi mo sasabihin?"

"Hindi."

"Okay."

Sinamaan ko siya ng tingin saka ko iniyakap ang pareho kong braso sa kaniya. Bahagya niyang inilayo ang mukha sa akin pero agad ko siyang kinabig papalapit sa 'kin habang nakayakap ako sa kaniya. Ngumisi siya kaya napangiti ako.

"Galit ka sa 'kin?" tanong ko.

"Hindi."

"Ano lang?"

"Naaasar lang ako dahil inaaway mo 'ko sa mababaw na dahilan. Para kang babae."

"Nagtatampo ka sa 'kin?"

Tumango siya. "Masyado ka kasing maarte."

"Hindi na kita aawayin ulit, 'wag ka lang magtatampo sa 'kin," pabulong na sabi ko habang isa-isang tinitingnan ang bawat parte ng mukha niya. "Ayaw kong nagagalit ka sa 'kin, ayaw ko ring nagtatampo ka."

"Sinabihan mo pa 'kong maramot. Tss."

"Sorry na nga, eh," sabi ko habang nakatingin sa mata niya. Pero hindi ko na mapigilan sa paglilikot ang mga mata ko. Kusa akong napapatingin sa mga labi niya. "Inaakit ako niyang labi mo, Taguro. Parang may hipnotismo."

"Talaga? Eh, bakit hindi ka nahihinto sa sakit mo?"

"Bakit ako mahihinto?" nakangising tanong ko.

"Gano'n ang hipnotismo, matitigil ka."

"Gano'n ba? Ibang hipnotismo ang ginagawa mo kung gano'n, Taguro. Kasi mas pinakikilos mo 'ko," nakangising sabi ko.

Tinitigan ko siya sa mga mata at hindi na siya hinayaang sumagot pa. Siniil ko ng halik ang labi niya habang nakatingin kami sa isa't isa. Agad akong napapikit nang maramdaman ko ang mabilis na pagtugon ng labi niya. Gaya ng dati ay ibang pananabik ang naramdaman ko sa halik ni Taguro. Pero hindi gaya ng dati, mas matindi ang pananabik ko ngayon.

Para bang noon ko lang naramdaman ang lambot ng labi niya. Ang kakaibang lasa ng halik niya. Lahat ay para bang bagong-bago sa 'kin.

Pero hindi pa man kami tumatagal ng kalahating minuto ay nahinto na ako at kunot-noong napatitig sa kaniya. "Uminom ka ba?"

"Bakit?"

"Uminom ka!"

"Oh, eh, ano?"

"Bakit ka uminom?"

"Gusto ko, eh."

"Ano?" kunot-noong sagot ko.

"Galit ka na naman, gano'n?"

"Bakit ka nga uminom?"

"Naasar ako sa 'yo, eh."

"Lasing ka?"

"Mukha ba 'kong lasing?" Ngumisi siya.

Napangisi rin ako dahil sa malikot kong isip. "Sana naglasing ka na. Hahaha."

"Sira-ulo mo." Sinubukan niya akong kaltukan pero naagaw ko agad ang kamay niya.

"Ituloy na natin."

"Hindi ka pa ba tapos?"

"Mukha bang tapos na tayo, eh, nandiyan ka pa nga sa ibabaw ko? Gustong-gusto mo rin, eh."

Namula agad siya. "'Kapal mo, ah?"

"Oh, bakit, hindi ba?"

"'Lakas ng loob mo ngayon, ah?"

"Mahal kasi kita. Itutuloy ko na, ah?"

"Ugaling-ugali mo 'yong ganiyan, 'no? Hindi ba pwedeng ituloy mo na lang at 'wag ka nang magtanong? Diyan ako nahihiya kasi."

"Napakarami mong sinabi, alam ko namang gusto mo rin."

Hindi ko na naman siya hinayaang sumagot pa. Muli kong siniil ng halik ang labi niya at kusa na akong napapikit. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagdiin sa labi ko dahilan para mapangiti ako. Napangiti rin naman siya habang maharan akong itinutulak papasandal sa sofa na kinauupuan naming pareho.

Kusang kumilos ang mga kamay ko. Taas-baba at paulit-ulit na hinahagod ang kabuuan ng likuran niya. Aakyat sa batok ang isa at paulit-ulit ding pipisil doon. Bababa at maghahanap ng maingat na hahawakan.

Kakaiba ang pakiramdam. Sa gitna ng halik ay hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko alam ang dahilan pero meron akong kilig na nararamdaman.

Eksakto nang mawala ang ngiti ko ay si Taguro naman ang ngumiti. Dahan-dahan kong hinalikan ang ibaba niyang labi saka ako huminto. Nakita ko na naman siyang humabol sa labi ko pero hindi umabot.

"Anong iningingiti mo?" tanong ko sa malalim na boses, sa hindi malamang dahilan.

"May kung anong tumatakbo sa isip ko."

Lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "Pareho tayo. Anong sa 'yo?"

"Sikreto."

Nagmamalaki ang ngiti ko nang tumango ako. "Mananatiling sikreto sa 'ting pareho."

"Okay." Hindi ko inaasahang susunggaban niya ako ng halik matapos sabihin 'yon.

Halik na mas madiin at mas nakakapanggigil. Sinakop niya ang buong ibabang labi ko at paulit-ulit 'yong siniil. Hanggang sa maramdaman ko ang napakalambot niyang dila na binubuksan ang mga labi ko. May kung anong kiliti 'yong idinulot sa buong katawan ko.

Kusa akong napahawak sa magkabilang bewang niya. Binubuhat ko ang bewang niya papaharap sa 'kin at nagustuhan ko ang pagpapaubaya niya. Napalunok ako nang maramdamdaman kong muli ang bigat niya sa 'kin sa ganoong posisyon na. Agad kong pinigilan ang paglilikot ng isip ko pero mukhang mahirap na pigilan ang paggala ng mga kamay ko.

Nabigla ako nang maramdaman ko ang init ng balat niya nang mangahas na pumasok ang mga kamay ko sa loob ng sando na suot niya. Ilang saglit lang ay nagsalin na ang lamig ng palad ko at init ng balat ni Taguro nang maglakbay ang kamay ko sa kabuuan ng likod niya.

Lalo niya akong isinandal hanggang sa mapahiga maging ang batok ko sa sandalan ng sofa. Nakatingala ako habang siya ay nakatunghay sa 'kin at lalo akong idinidiin, patunay kung gaano kalalim ang halikan namin.

Hinawakan ni Taguro ang leeg ko gamit ang dalawang kamay. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa balat ko. Pinaglaro niya ang parehong daliri sa kabuuan ng panga ko hanggang sa umabot 'yon sa tainga ko. Ibabalik niya ang mga daliri sa panga ko at bababang muli sa leeg ko. Hindi ko malaman kung ano ang ginagawa sa 'kin ni Taguro pero gustong-gusto ko.

Nabigla ako nang kalasin niya ang pagkakalapat ng mga labi namin. Pero napapikit ako nang maramdaman ko ang halik niya sa pisngi ko, para bang alam ko na kung saan 'yon patungo. At nang halikan niya nga ang tainga ko ay dumiin ang pagkakapikit ko, kasabay niyon ay ang pagkagat ko sa labi ko. Paulit-ulit na nagmura ang isip ko. Sunod-sunod ang paglunok ko.

Ang hininga at dila ni Taguro ay pinatitindig hindi lang ang balahibo ko. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang parehong kamay ko nang marahas kong pisilin ang magkabila niyang tagiliran. Naramdaman kong umangat siya pero hindi siya napigil sa ginagawa.

"Maxpein..," bulong ko sa namamaos na tinig, sa paraang tila ba mauubusan ako ng hininga.

Pero sadya yatang mapaglaro siya sa gabing ito nang muli ay ulitin niya ang ginawa. Hinalikan niya ang tainga ko at hindi ko na mapigilan ang pagwawala ng sistema ko. Dumiin nang dumiin ang pagkakahawak ko sa kaniya. At naramdaman ko na lang nang bahagya akong mapabangon mula sa pagkakasandal at hubarin ko ang pang-itaas na damit niya. Nagulat ako nang makitang naka-sando pa siya sa loob ng t-shirt. Pero mas nagulat ako dahil nagpaubaya siya.

Napatitig ako sa kaniya. Para akong naghahanap ng sagot. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagkukusa ang katawan ko pero ang puso ko ay walang ipinagbabago, parang mas tumitindi pa nga ang kaba nito. Gaya ko ay malamlam ang pareho niyang mata. Napalunok ako nang kunin niya ang mga kamay ko at ipatong ang mga 'yon sa balikat niya. Sa ginawa niya ay para bang hinahayaan niya akong gawin ang kung ano mang gusto ko.

Napasandal ako at nakapikit na tumingala. Sunod-sunod ang paglunok ko at pagmulat ko ay muli akong tumingin sa kaniya. Siya ang nakainom pero parang ako ang langong-lango habang isa-isa kong tinitingnan ang mga mata niya, paibaba sa ilong hanggang sa dumapo sa mga labi niya. Paibabang muli sa panga niya hanggang sa mahinto sa leeg niya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n kagandang tingnan para sa 'kin ang mga buto sa bandang itaas ang dibdib niya. Nakagat ko na ang labi ko nang ang mga mata ko ay mas bumaba pa.

Naniningkit kong sinulpayan sa mga mata si Maxpein bago ko muling tiningnan ang bungad ng dibdib niya. Nang-aakit ang napakaputi niyang kulay. Para bang kayang-kaya kong mahimatay.

Dahan-dahang dumausdos ang parehong kamay ko, mula sa balikat niya papunta sa mga buto niya sa dibdib. Hindi magkalas sa pagkakatitig sa isa't isa ang mga mata namin. Pareho naming pinakikiramdaman ang mangyayari habang nakatingin sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Para kaming gumagawa ng napakatinding kababalaghan.

Hanggang sa mapapikit ako nang muli ko siyang mahawakan. Maxpein... At bago ko pa magawang magmulat ay kinabig ko na siya papalapit at muling siniil ng halik. Mas malalim, mas mapaghanap at mas mariin, at mas tumitindi pa dahil lumalaban siya. Lumalaban ng halik si Taguro, bagay na hindi niya madalas na ginagawa.

Pinaninindig ng lambot niya ang mga balahibo ko. Tuloy ay hindi ko mapigilan ang mga labi ko nang bumaba ng halik ang mga ito. Narinig ko ang tahimik na pag-ungol niya nang maramdaman niya ang mga labi ko sa leeg niya. Paulit-ulit na dumadampi sa balat niya.

Dumidiin ang mga kamay ko pagpisil at may kung ano sa sistema kong hindi ko na mapigilan. Inihiga ko siya sa sofa at ipinuwesto ko ang mukha ko sa mismong dibdib niya. Lumiyad siya nang maramdaman ang labi ko sa kaniyang dibdib at muling napaungol.

Pero hindi ako doon nakontento. Bumaba ang halik ko mula sa dibdib papunta sa tiyan niya hanggang sa umabot sa pusod at huminto sa puson niya.

Doon ako tila natauhan. Dumiin ang pagpikit ko at lalo akong naliyo. May kung anong nagliliyab sa paningin ko habang inaaninag ko ang mga mata niya. Pareho kaming naghahabol ng hininga at sobrang ganda niya sa paningin ko nang sandaling 'yon. Mas maganda kaysa sa gandang parati kong nakikita sa kaniya.

"I can't do this," hinihingal kong bulong.

"Ngayon mo sabihing wala akong tiwala sa 'yo," pabulong ding tugon niya.

Natigilan ako. Taguro... Kung ano-anong pumasok sa isip ko, inaalis ako sa makamundong pagnanasa ko. Muli akong napalunok bago ko nagawang makapagsalita. "I love you and I am willing to wait for you. Always keep that in mind, babe."

Bahagya siyang bumangon saka naupo sa harap ko. Napapikit ako nang hawakan niya gamit ang parehong kamay ang pisngi ko. Mas dumiin ang pagpikit ko nang muli kong maramdaman ang mga labi niya sa labi ko. Muling sinisiil ng halik ang kabuuan ko, pinabibilis ang pintig ng puso ko, ipinakikita sa 'kin kung gaano kaganda ang mundo.

Muling naglakbay ang mga labi niya papunta sa pisngi ko at muli akong binaliw nang halikan niya ang tainga ko. Saka niya ibinulong doon, "I can't wait to give myself to you."

Dumiin na naman ang pagpikit ko saka ako namamanglaw tumitig sa kaniya. "You don't know how hard it is to stop myself from touching you, Maxpein. But, damn, you're making me want to taste you."

Naningkit ang mga mata niya. "Where?" nakangising tanong niya.

Napangisi rin ako at dinampian ng halik ang labi niya. "Somewhere...down there." Tumawa siya. "But I am willing to wait, just to have you."

"I love you, too," pabulong na sabi niya at saka yumakap sa 'kin.

Napapangiti akong umiling. Paulit-ulit kong dinampian ng halik ang buhok niya saka ko siya binuhat at inihiga sa kama. "I love you, good night, beautiful."

"I'll kiss you again tomorrow," aniya na animong lasing, para bang noon lang tinamaan ng alak na ininom niya.

"This hard?"

"Harder."

"Oh..," interesado kunyaring biro ko saka kami sabay na natawa. "Good night, babe."

"I love you, babe."

"Now you're mine again." Muli ko siyang hinalikan matapos sabihin 'yon.

"Always been yours, babe."

Nahiga ako sa tabi niya at pinanood ko ang pagpikit niya. Wala nang mas sasasaya pa pakiramdam habang ginagawa ko 'yon.

"Sa gabing 'to ay hinayaan mo 'kong panoorin ang pag-ikot ng mundo, Taguro..." Saka ko marahang ipinikit ang mga mata ko nang may ngiti sa mga labi.

~ To Be Continued. . . ~



Continue Reading

You'll Also Like

346M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
801K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.1M 32.1K 32
(R-18) JAKE MONTERELAOS_BOS (Beast of Stars) 》Never be ashamed of how much you love,or how quickly you fall. Love fully,love completely,but most...
205K 3.8K 21
Dice and Madisson