Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 36

79.8K 1.8K 71
By sweet_aria

Chapter 36

Panaka-naka ang pagsulyap ko sa kanya habang siya ay nagmamaneho. Kaaalis pa lamang namin sa airport at ilang minuto pa lang din ang nagdaan nang magpaalam kami sa mga Dela Vega.

Sumulyap siya sa akin at ngumiti. "Wag ka nang pumasok ngayon sa trabaho. Magpahinga ka na lang muna."

Sa totoo lang ay kagabi ko pa iyon naiisip. I would make this day his. Baka kasi ngayon na lang ito. Bukas ay busy na ulit siya sa trabaho.

"Hindi ka papasok ngayon diba? Sa bahay niyo na lang tayo dumiretso." Binawi ko ang tingin. Ramdam ko ang muli niyang pagbaling sa akin.

"Are you serious?" Rinig ko ang excitement sa kanyang boses.

"Uh-huh." Titiisin ko ang antok at hilo makapiling lang siya. "Patext na lang ako mamaya kay Oria. Pasensya ka na ha. Wala akong pambili ng cellphone kaya kailangan ko pang makitext sayo."

Ayoko namang ilabi na dahil binato niya iyon kaya nasira. Mumurahin lang iyon pero ang naibigay namang tulong sa akin ay sobrang laki.

Hindi na rin siguro ako dadaan sa Caress para magpaalam kay Mrs. Quejas dahil tiyak naman na wala siya ng ganitong oras. Pumupunta lang ang aming boss tuwing umaga at hapon. Binibisita niya rin kasi ang iba pang mga branch ng Caress.

"It's okay. Ako naman ang dahilan kung bakit ka nawalan ng cellphone. Tomorrow, I'm gonna give something for you."

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Nakarating kami sa kanyang bahay. Agad akong bumaba at hindi na siya hinintay na pagbuksan ako. Kumunot ang kanyang noo.

Lumapit ako sa kanya at ipinulupot ang braso ko sa kanyang braso. "Ano bang magandang gawin ngayon?"

"Make love?" Ngumisi siya.

Nag-init ang aking pisngi. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. "P-puro ka kalokohan!"

Humalaklak siya at naiiling na inakay ako papasok sa loob ng bahay. We were both smiling until one of the maids greeted us.

"Sir, ma'am. Welcome back po."

Tumango kami ni Phoenix.

"Kumain na naman tayo ng tanghalian. Mamaya na lang kita ipagluluto, dinner." Dumiretso kami sa kanyang kwarto. Nang isara niya ito ay tumungo kami sa kama.

"Let's sleep first. You're tired." Tumabi siya sa akin at humawak sa aking hita. "Nang bumaba tayo ng eroplano ay hindi ka na masyadong umiimik."

Hindi lingid sa kaalaman niya na pangalawang beses ko pa lamang na sakay iyon sa eroplano. Ang una ay nang papunta kami at ang pangalawa ay kaninang pabalik. Hindi sa takot akong sumakay pero naninibago lang talaga ako. Isa pa ay hindi ko magawang ibuka ang bibig dahil kasabay namin ang mga Dela Vega. I didn't how would I be dealing with them. Kung sana ay ang mga pinsan lang niya ang kasabay namin.

"Ayokong matulog..." Humilig ako sa kanyang balikat. "Kung gusto mo ay-"

"We'll sleep." Putol niya sa akin. "Then we can do what you want later."

Bago pa ako makasagot ay marahan na niya akong naitulak pahiga sa kama. Nagkatitigan kami at hindi ko napigilan ang pagngiti. Mamimiss ko 'tong ganito.

"I'm the luckiest girl alive..." Mahina kong usal. Dinala ko ang isang kamay sa kanyang pisngi at dinama ito. "Napakasaya ko dahil naging akin ka Phoenix. Napakasaya ko kasi ikaw 'yung mahal ko." But then, the distance of emotions were so close to each other. You could be happy and sad at the same time. You would smile today but there's a possibility that tomorrow you'd cry.

Kahit sandali pa lang kami ay hindi ko ikakailang iyon na ang pinaka-masayang mga araw ng buhay ko.

"I am more happy and lucky than you know... than you are." Hinawakan niya ang kamay ko na nasa kanyang pisngi.

He was never lucky to have me. Sino ba naman ako? Isa lang akong simpleng babae na dumating sa buhay niya para dulutan siya ng sandaling saya.

Sa dalawang araw na nakasama ko ang pamilya niya ay ramdam ko na napakalayo niya sa akin. Hindi ako ang babaeng nararapat sa kanya. Ako ang magiging dumi sa pamilya nila.

We could ruin each other. Hindi ko hahayaang masaktan ang pamilya ko kaya bago pa nila malaman ang totoo sa bibig ng ibang tao ay mabuti nang putulin ko na ang lahat ng dapat putulin.

Tumagal ang titigan naming dalawa at napakagat ako sa labi. Niyakap ko siya at pinaghahalikan sa buong mukha. Natawa siya sa ginagawa ko at ako ay hindi na rin napigilan ang mapangiti. Nang saktong hahalikan ko na ang kanyang labi ay piniit niya ako gamit ang kanyang hintuturo.

"I love you..." He whispered softly.

Ramdam ko ang bikig sa aking lalamunan.

"You're my weakness and my strength. You're the woman who can make me smile just by thinking of your beautiful face." Hinaplos niya ang aking labi. "Are you aware of that?"

Umiling ako. "Y-you have a very smart tongue, Phoenix." I said, trying to put a slight humor to control myself. "No doubt you graduated as salutatorian when we were in high school."

"Bakit hindi mo alam? You're the valedictorian." Paala-ala niya. "You should have known that." Pumungay ang kanyang magandang mga mata. "Binibini, you are my weakness but also my strength, my rainbow after the rain, my hope after my downfall, my handkerchief after every tear." Hinaplos niya ang pisngi ko.

"You're too cheesy... you're making me cry." On cue, ay naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.

"I'm not cheesy." Umiling siya. "I'm inlove." Hinalikan niya ang mukha ko na dinaluyan ng mga luha.

Umunan ako sa kanyang dibdib at ipinikit ang mga mata. "Matulog na tayo..."

He kissed my forehead before I felt him nod.

Nagising ako nang medyo madilim na. Wala rin siya sa aking tabi kaya agad akong bumangon. Paglabas ko ng kwarto ay agad ko siyang hinanap. Natagpuan ko siya sa ibaba sa may sala na kausap ang mga katulong.

Napatingin ang tatlo sa akin at ganun din siya. Ngumiti ako at agad naman siyang lumapit at hinalikan ang aking labi. Nag-init ang pisngi ko dahil sa lantaran niyang ginawa, sa harap pa ng mga kasambahay!

Ipinulupot niya ang bisig sa aking baywang. "She won't let you cook." Sabi niya sa mga katulong. "Ipagluluto niya po ako."

"Ma'am Millicent, kaya naman po naming-"

"Nangako po ako na ipagluluto ko siya. Don't worry kaya ko po." Nginitian ko sila.

"Sige po pero 'pag may kailangan kayo ay tawagin niyo na lang po kami." Sabi pa ng isa.

Nang tumalikod ang tatlo ay saka ko siya hinatak papunta sa kusina. Binitawan ko ang kanyang kamay at dumiretso sa ref para tignan ang mga pupuwedeng lutuin.

"Anong gusto mo?" Pinasadahan ko ng tingin ang mga gulay at iba pang mga sangkap.

"Anything." Aniya.

Nilingon ko siya. Pinapanood niya ako sa ginagawa kaya hindi ko napigilan ang lapitan siya. Dinampian ko siya ng halik sa labi at ipinulupot ang mga kamay sa kanyang batok.

"Chopseuy and pork steak." Sabi ko bago siya talikuran.

Nagsimula na akong kumilos. Tumayo siya para tulungan ako. Pinigilan ko pa siya ngunit matigas talaga ang ulo.

"Kaya ko 'tong gawin." Umirap ako at hinugasan ang mga gulay.

"Kahit taga chop lang ng veggies."

"Kulit!" Iyon na lang ang aking nasabi dahil inagaw na niya sa akin ang mga ito.

"Gwapo naman." Natatawa niyang sabi.

"Conceited." Hindi ko na rin napigilan ang matawa.

"I'm not. That's what girls tell me."

Kinagat ko ang ibabang labi. Alam ko. Napakadaming babae ang nababaliw sa kanya at hindi ko naman iyon kailangang itanggi pa. He would not be having difficulties searching for the right one.

Bumuntong-hininga ako at nanahimik. Natapos siya sa pagchachop ng gulay, kinuha ko ang mga ito. Nagsimula na akong isalang ang mga ito nang maramdaman ko ang pagyapos niya sa aking baywang mula sa likod. Itinuon rin niya ang baba sa aking balikat.

"But I appreciate if the compliment is coming from you." Malambing niyang sabi.

Nilingon ko siya. Napasinghap ako nang bigla niyang halikan ang aking labi. Nabitawan ko ang siyanse. Ang kaliwa kong kamay ay pumulupot sa kanyang batok.

Nang kumawala siya ay parehas kaming hinihingal.

Ngumiti siya at inginuso ang niluluto ko. "Baka masunog."

Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. "Ikaw diyan eh."

Nanatili siya sa aking likuran. Tumunog ang kanyang cellphone. Lumayo siya para sagutin ito.

"Hello, Jem?"

Sinulyapan ko siya. Nakatalikod siya at malapit sa entrada.

"Just tell dad I can't go there. Kauuwi pa lang natin tapos ay papupuntahin niya ako dyan?"

Batid ko ang nakakunot na niyang noo. Napailing na lang ako.

"Nandito pa si Millicent. And please... tell our cousins to do not go here... even you." Mahina siyang tumawa. "I don't want to be disturbed, alright?"

Malungkot akong napangiti. Hinintay ko na lang maluto ang lahat hanggang sa ihanda ko na ang mga ito.

"Maupo ka na."

Sinunod niya ang sinabi ko. Nagtimpla na rin ako ng juice. Iikot sana ako para maupo na nang bigla niya akong hilahin sa kanyang kandungan.

"The dinner will be more delightful if my woman's going to spoon-feed me."

Kahit seryoso ang kanyang boses at kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko ang kanyang pagngisi.

"Okay... sir." Tumikhim ako at nagsandok ng kanin. "Salo na tayo?"

Nilingon ko siya, malaki ang kanyang ngisi. Kinunotan ko siya ng noo. Titig na titig din siya sa akin.

"You called me sir."

Umikot ang mga mata ko. "Anong big deal?"

Umiling siya. "Hot pakinggan."

"Ewan ko sa'yo Phoenix!" Hindi ko na napigil ang aking tawa. "Ano? Salo na ba tayo?"

"Yes." Sumandal siya sa kinauupuan habang nagsasandok ako ng mga pagkain.

Nang matapos ay saka ko inilapit ang kutsara sa kanyang bibig. "Ahh..."

He opened his mouth and chewed the food. Pagkatapos ay ngumiti. "Delicious!"

Patuloy ko siyang sinubuan at ganon rin ang ginagawa niya sa akin. Salitan lang. Pagkatapos kumain ay kami na ring dalawa ang naghugas ng mga pinagkainan.

"You'll be a great wife."

Napatigil ako sa pagsasabon ng mga baso. Siya sa mga kutsara't tinidor. Nilingon niya ako.

"I can't wait to see you walking around this house, granting my wishes and dreams."

"What do you mean?"

Tinitigan niya ako. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit ako nakahiwalay ng bahay sa pamilya ko?"

Sa totoo lang ay matagal ko na rin iyong gustong itanong. Halata kasing bagong-bago pa itong bahay.

Umiling ako.

"Well... malalaman mo rin." Ngumisi siya.

"Paasa! Akala ko sasabihin mo na." Pinagpatuloy ko ang pag-uurong hanggang sa matapos kami.

"Hindi ako paasa." Aniya nang ibinabalik namin ang mga pinggan.

Pagkatapos doon ay ipinulupot niya ang bisig sa aking baywang. Magkaharap kaming dalawa at ayan na naman ang titig niya na lubos na nagpapahina sa akin.

"Malalaman mo rin nga." Bumaba ang tingin niya sa aking labi. "Baka kapag nalaman mo ang dahilan ay katakutan mo na ako."

"Ha?"

"Wala... ang sabi ko ang ganda-ganda mo."

I heard it clear. Pero dahil wala na rin namang rason para malaman ko ang dahilan ay hinayaan ko na lamang iyon.

"Do you wanna go somewhere else?" Tanong niya pagkalabas namin ng kusina.

Kanina ko pa ito naiisip ngunit hindi ko alam kung paano siya dadalhin doon. May nagtutulak sa akin na gawin ito dahil gusto kong makita ang reaksyon niya.

"Meron..." Sabi ko.

"Saan?"

"Sa sementeryo kung saan nakalibing ang... tatay ko." Hinila ko siya pabalik sa kwarto.

Nakaramdam ako ng kirot nang hindi siya nagsalita. Kumuha muna ako ng maisusuot bago pumasok ng bathroom.

Ito na 'yun. Ito na ang huling gabi natin Phoenix.

Tinatagan ko ang loob at pinigil ang sarili sa pag-iyak. Pagkatapos ko ay lumabas na rin ako. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Tara na?"

Tumango ako. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at lumabas na rin kami. Papunta roon ay wala akong imik. Parang tinusok ng ilang libong karayom ang dibdib ko nang makarating kami sa sementeryo. Ni hindi ko sinabi sa kanya kung saan nakalibing ang tatay pero alam niya ang lugar.

Mas lalong lumala ang kutob ko na maaaring tama si Daucus.

Hindi ko binitawan ang kamay niya dahil hindi pa oras. Gusto kong sa mga nalalabing oras ay mapasaya ko ang sarili kahit na kinakain na ako ng matinding sakit.

Nakarating kami sa puntod ng tatay. Nilagay ko sa nitso niya ang bulaklak na binili namin sa nadaanang flower shop kanina. Nagpatigil talaga ako para kahit papaano ay may madala ako sa tatay.

Hindi pribado ang sementeryo kung saan siya nakalibing. Pero nagpapasalamat ako kahit papaano dahil may maayos siyang himlayan.

"T-tay... pasensya ka na kung ngayon lang kita nadalaw." Hindi ko napigilan ang paggaralgal ng boses. "Siya nga pala... may kasama ako. Si Phoenix..."

Nilingon ko siya at nakitang tahimik lang niyang pinagmamasdan ang pangalan ng tatay ko.

"Siya ang lalaking tumulong sa akin sa pagpapagamot sa nanay 'tay." Malungkot akong ngumiti. "Siya ang lalaking nagpadama sa akin ng mga bagay na sinabi ninyong mararamdaman ko sa isang tao. Hindi ko iyon naramdaman kay Nigel eh. Sa kanya talaga."

Humigpit ang pagkakahawak ni Phoenix sa akin. Niyakap ko siya nang hindi pa rin ako bumibitaw.

Bakit ganito kahirap? Bakit napakahirap magpaalam sa taong mahal mo? Bakit ang sakit-sakit?

Kahit na alam kong para naman ito sa ikabubuti naming dalawa.

"M-may tumalo sa kagwapuhan mo tay." Natatawa kong sabi habang patuloy na umaagos ang mga luha ko.

Pupunasan niya ang luha ko pero pinigilan ko siya. Kailangan ko nang sanayin ang sarili na wala nang gagawa nito sa akin, wala nang magpupunas ng luha ko tuwing masasaktan ako. Gagawin ko ito para hindi gaanong masakit sa parte niya. Mas masasaktan siya kapag pinatagal ko pa. Mas mahihirapan siyang bumangon. Mas mahihirapan siyang gamutin ang sugat at makalimot. Ayokong mangyari iyon.

"Binibini... tahan na."

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang aking mga hikbi.

"Siya po si Phoenix Elizer Dela Vega, tay. Mahal na mahal ko siya pero siguro ay... hanggang dito na lang din kami."

Bago pa siya makabitaw ay mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. My tears couldn't stop to gush down. Masakit pero sana ay maintindihan niya ako.

"A-anong sinasabi mo, binibini?" Mahina at hindi makapaniwala niyang sabi.

Nginitian ko siya at inilapit ang mukha sa kanya. I kissed him and I didn't care if I was shaking as I moved my lips gently against his. Hinawakan niya ang pisngi ko ngunit bago niya pa ito mahaplos ay inalis ko na iyon.

Tumigil ako at idinikit ang noo sa kanyang noo.

"Y-you're just joking right? You're not going to leave me... b-binibini." Nanginig ang kanyang mga balikat.

Mas lalo akong nahirapang bitawan siya nang lumandas ang luha sa kanyang pisngi.

"Let's b-break up, Phoenix. Binibitawan na kita." Dahan-dahan kong binitawan ang kanyang kamay.

Tinalikuran ko siya pero agad niya akong nayakap. Mas lalo akong nanghina. Pakiramdam ko ay babagsak na ako pero tinatagan ko ang loob. Tumindi ang pagkawala ng mga luha ko pati na rin ang panginginig ng aking mga labi.

"I-I'm sorry." Pinilit kong kumawala.

Hindi ko na siya nilingon pa at tumakbo. Hindi ko alam kung paano ako nakalayo doon nang hindi niya ako naabutan. Hinabol niya ako ngunit huli na dahil nakasakay na ako sa jeep.

Pinagtitinginan ako ng mga kapwa pasahero pero wala akong pakialam.

"Millicent, don't leave me!" Rinig ko pang sigaw niya.

Nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang makitang tumatakbo pa rin siya at hinahabol ang sinasakyan ko.

Titigil sana ang jeep pero napasigaw ako. "'Wag niyo pong itigil please..."

Continue Reading

You'll Also Like

598K 41.3K 9
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
4.3M 79.6K 26
"Promises are meant to be broken Ericka, That is reality.." I know that now Andrei. I know it perfectly well. That is why I will never fall again wi...
1.5M 26K 65
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #1 Highest Rank: #13 in General Fiction ** Eunice Dizon met Nathaniel Marquez when th...
9.7K 67 5
Miss Kae's list of stories and their sequence. I compiled all my stories for easy search and if you want to know the order of reading for my series...