Ms. Innocent Meets Mr. F*cker...

By gabweeel

3.6M 73.2K 4.2K

She's just an ordinary student. She's just a nobody. She's just a girl who dreams for a better life. She's pu... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
About Book 2
Special Chapter

Chapter 7

66K 1.4K 34
By gabweeel

Catherine Faith's POV

"AYYYY!" napabulyaw ako nang tamaan ako ng bola ng soccer.

Oo, tama kayo ng basa. Natamaan ako sa mukha ng bola ng soccer. -______-

Tumayo ako.

Napatingin ako sa mga naglalaro ng soccer at lalong nag-init ang dugo ko ng makita ko kung sinong hudas ang nakatama sakin!

"ARGH~ NAKAKAINIS KA TALAGA!"

Lumapit si Jiyong sa akin at kinuha ang bola sa akin. Siya kasi ang nakatama sakin!

"Sa susunod kasi wag kang papikit-pikit diyan. Alam mong soccer field ito at hindi park, okay?" he said as he smiled smugly and then he walked away.

Hayop talaga eh noh.

"Lord, pigilan niyo po ako baka mapatay ko iyon. Gabayan niyo po ako sa mga gagawin ko, baka mamaya makakita ako kutsilyo at isaksak ko po yun sa kanya. Parang-awa niyo na po, pigilan niyo ako. Maraming salamat po." bulong ko.

Aish! Nakakainis talaga! Ma-text nga si Bommie.

To: Bommie

Bommie, asan ka? I need you.

After one minute, she replied to my text.

From: Bommie

Nandito lang ako sa may rooftop. Punta ka dito. I'll w8 for u.

Pagtapos kong mabasa 'yon, naglakad na agad akong papunta sa rooftop.

Nang makakita ako ng hagdan papunta sa rooftop, may napansin akong isang kwarto sa gilid. Nakaka-curious naman. May parang crown na nakalagay, logo ata yun.

Nilapitan ko yung kwartong iyon. Pipihitin ko na sana yung doorknob kaso naalala ko na hinihintay ako ni Bommie kaya hindi na ako nag-abalang buksan iyon.

Dumiretso ako sa rooftop at nakita ko si Bommie na nagpapahangin.

"Bommie?"

"Oh bakit?"

"Okay lang ba na magkwento ako sayo?"

"Oo naman. Tungkol saan?" nagtatakang tanong niya.

"K-kasi s-si Ji-Jiyong eh..." naalala ko na naman yung nangyari.

Ganito talaga ako, hindi ako nakakalimot lalo na kung hindi ko nailalabas sa isang tao yung nararamdaman ko. Atsaka hindi ko naman dapat makalimutan yung nangyaring iyon kasi first kiss ko iyon! For me, precious kasi ang first kiss.

"Hala... Don't tell me. Nakama ka na niya?" tanong niya sabay nagtakip ng bibig.

"H-hindi. K-kaso.... k-kaso...." ano ba nangyayari sakin?

"Ano nangyari? Crush mo ba siya? Ano ginawa niya sayo?" sunod-sunod niyang tanong.

"Kasi kagabi... Muntik nang may mangyari sa amin..."

"Hala! Bakit? Paano?" gulat niyang tanong.

Kinwento ko sa kanya lahat kung ano nangyari sa restobar kagabi.

"Tapos kanina, gusto ko siyang patayin!"

"What is it this time?"

"Kasi tinamaan niya ako ng bola ng soccer tapos hindi pa siya nag-sorry."

"Ganun talaga sila, Faith. Nabiktima ka na pala nila. Tsk tsk."

"Yung first kiss kooooo~" angal ko.

"Buti nga hindi ka pa nagagalaw ni Jiyong eh, I mean yung galaw na buong buo talaga."

"Hindi niya ako magagalaw at hindi ako magpapagalaw sa kaniya!!"

"May nakita kang room bago ka umakyat dito?" tanong niya.

'Yon ba yung kwarto na nakita ko kanina?

"Oo, bakit mo natanong?" taka kong tanong.

"Pinagawa nilang lima 'yong room na yun, ni-request nila sa Papa ni Jiyong dahil sila naman may-ari ng school. Doon dinadala ni Jiyong lahat ng ginagalaw niya at parang pahingahan nila."

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ilan na kaya nagalaw nun? 100? 500? 1000? Grabe siya. Hindi kaya siya magka-AIDS?

Magka-AIDS sana siya nang madala naman.

"Sa kanilang magba-barkada, siya lang ang ganyan."

"Huh? Akala ko lahat sila?"

"Mga pervert lang yung apat pero hindi sila kagaya ni Jiyong."

"Si Alexander ang pinakamabait. Sumunod naman si Kenneth na may pagkamakukit. At si Tristan, na medyo masungit. Si Joax Taeyang, na bastos pero medyo maginoo."

"Ahh." yun na lang ang tanging nasabi ko.

Biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Dara

Asan ka? Kita tayo sa may cafeteria.

"Uhmm, Bommie. Una na ako ah. Salamat sa mga information." paalam ko sa kanya.

"Sigesige. Babye!" niyakap ko siya at tuluyan na akong umalis.

Bumaba na ako. Nakarinig na naman ako ng ingay.

"Ugh!"

"Ahhh! Ahhh!"

"Faster! Ahhh!"

Sa tingin ko, sa kwarto nila Jiyong nanggagaling yung ingay. Boses ng babae at lalaki ang naririnig ko.

Naglalaro ba sila ng racing? Faster daw eh. Gaya ng lagi kong ginagawa, hindi ko na lang pinansin at bumaba na ako.

Nakapunta na ako sa cafeteria but I couldn't find Dara. Nakita kong winagayway niya yung kamay niya--- signal sa pagpunta ko sa kanya. Nang makapunta ako sa table, agad akong umupo sa harap niya.

"Bakit hindi ka pumasok kanina?" agad niyang tanong.

"Eh kasi late na akong nagising kanina. Napagod ako kagabi." dahilan ko.

"May klase ka pa ba mamaya?" tanong niya.

"Meron. Isa nalang."

"Good then. Let's hang out later." sabi niya.

"Pero may trabaho pa ako mamaya."

"No buts. Sasama ka sa akin. Give me the phone number of your boss." utos niya. Binigay ko sa kanya yung number.

"Anong gagawin mo?" tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. May dinial siya sa cellphone niya.

"Hello?" sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

"Uhmm. Im Faith Lee's friend. Im sorry pero hindi siya makakapag-work today kasi nilalagnat siya."

"Ah okay. Thank you!" sabi niya sabay end ng call.

"Ano sabi ng boss ko?" tanong ko.

"Sinabi niya na naiintindihan ka niya dahil anong oras ka na rin naman daw nakauwi kagabi."

"Ah okay."

Bigla akong may naalala.

"Dara, eto na nga pala yung jacket mo. Salamat sa pagpapahiram." sabi ko at nilagad yung jacket sa kanya.

"Wag na, sayo na yan." sabi niya.

"Ay hindi. Sayo ito." giit ko

"Sayo na iyan. Sige na. I insist." sabi niya sabay ngiti.

Oh edi kukunin na. Nandiyan na eh, osya sige. Maganda din naman yung jacket HAHA.

"Thank you, Dara."

After ng kwentuhan namin ni Dara. Nagpunta kami sa classes namin and nag-quiz lang kami tapos nag-dismiss na. Nagtataka kayo kung bakit parang ang konti lang ng klase ko noh? Kasi madaming absent lagi na instructor kaya gano'n.

Absent pero sumusweldo. Ang galing din ng mga prof dito eh.

Nagtext si Dara na hihintayin niya ako sa main gate kaya nagtungo ako doon.

"Tara na?" aya niya.

"Sige!" sabi ko kaya sumakay na ako sa kotse niya at umalis na kami.

---------------

✿ Don't forget to vote and comment. ✿

Continue Reading

You'll Also Like

51.8K 2.2K 48
STORY DESCRIPTION : Sa araw - araw na pamumuhay dito sa mundo palaging tanong natin may forever nga ba ? Merong nag sasabing wala at merong n...
1.3M 15.2K 55
About a young married couple who did nothing but to tease each other! (Tagalog) (Under Revision) Contains Childish contents xD
570K 11.3K 38
Anong gagawin mo kung nainlove ka sa isang gwapo at masungit na nilalang? Tapos nalaman mo na pinagpustahan ka lang pala niya ng kanyang EX-GIRLFRIEN...