Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 34

75.7K 1.7K 56
By sweet_aria

Chapter 34

"Millicent!"

Hinanap ng mga mata ko ang may-ari ng boses. Magkakasama sina Geneva, Monica at Cassia.

Umahon ako. Kanina pa kami naliligo at gusto ko na ring magpahinga.

"Maliligo kayo?" Tanong ko.

"Yep. Pero mamaya pa after lunch." Nilingon ni Geneva si Phoenix. Ngumiti siya pero halatang pilit. "Phoenix, hindi pa ba kayo maglalunch?"

Sinulyapan ko si Monica na pinapanuod ang grupo ng mga lalaki sa di kalayuan. Batid ko ang pag-iwas niya kay Phoenix.

"Hindi pa. Maglalunch pa lang."

Naramdaman ko ang kanyang pag-ahon. Ang kanyang kamay ay gumapang sa aking baywang.

"Gusto mo bang sumabay sa kanila?" Tanong niya sa akin.

Dahil sa ilang ni Monica ay kailangan ko muna silang tanggihan. Kaaayos pa lamang namin at naiintindihan ko naman na nasasaktan pa siyang makita kami ni Phoenix na magkasama.

"Ahm, sa Zylka's Resto kami maglalunch ni Phoenix-"

"It's okay." Binalingan ako ni Monica at nginitian. Pilit niyang iniiwas ang matignan si Phoenix. "Sa Regale kami. Kita na lang tayo sa party ni Penelope mamayang gabi."

"Yep. Hindi yata kasi tuloy yung magkahiwalay na party nila ni Sebastian. Ayaw ni Seb eh." Sabi ni Cassia.

"Are you gonna allow her, P?" Tanong ni Geneva.

Tiningala ko si Phoenix, tumango siya.

"Of course. But she's not allowed to drink any liquor. Sa Fireside madaming gago ron. Kaya wag kayong masyadong magpapakalasing. Wala pa naman ang boyfriend mo Geneva."

"You don't have to worry about us." Sagot ni Geneva.

Napatingin ako kay Monica. Seryosong-seryoso ang kanyang maamong mukha.

Tumikhim si Phoenix. "Alright! See you later. Enjoy your lunch ladies."

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Monica at mukhang naramdaman niya ito kaya napatingin na din siya sa akin.

Ngumiti siya. "See you later, Millie."

Tumango ako.

"Mauna na kami." Sabi ni Cassia bago nila kami tuluyang talikuran.

Ilang pagsipol ang nagmula sa mga lalaking pinapanood ni Monica kanina. Mas humigpit ang pagkakahawak ni Phoenix sa aking baywang.

"Hey... hindi naman ako 'yung sinisipulan." Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

Dinampot ko ang cover up ko na nasa buhanginan kaya napabitaw siya sa akin. Isinuot ko ito. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagdampot rin niya ng tank top niya.

"Kahit na. Kung alam mo lang kung ilang lalaki na ang gusto kong suntukin ngayon."

Nilingon ko siya, isinusuot na niya ang pang-itaas. Pinanood ko ang kanyang ginagawa at napakagat sa labi. Nang tumingin siya sa akin ay saka lang ako lumapit at hinawakan ang kanyang kamay. He intertwined his fingers with mine.

"Napakaseloso mo." Saad ko. Tumingin ako sa mga taong nasa kani-kanilang cottage. Ayokong mamataan niya ang nagbabadyang pagpapakita ng emosyong hindi niya dapat makita.

Ang ibang tao ay mukhang patungo na rin sa mga kainan dito sa isla. Siya ay nanatiling tahimik.

"You know what Phoenix?" Tumungo ako at malungkot na ngumiti. "Wala ka namang dapat ipagselos sa ibang lalaki, kasi... mahal na mahal kita at kahit kailan ay hindi kita magagawang ipagpalit sa iba." Pinatatag ko ang sarili bago siya tingalain.

Hinigit ko siya para magsimula na kaming maglakad.

"May problema ba tayo?" Halata sa boses niya ang kuryosidad pero halata din sa kanyang mukha ang saya. "Bakit madalas mong sabihin kung gaano mo ako kamahal? Hindi mo alam kung gaano ako napasasaya kapag sinasabi mo 'yan."

Tila piniga ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

"Wala tayong problema." Umiling ako. "I just wanna enjoy the remaining hours. Bukas ng umaga ay babalik na tayo sa atin diba?"

Tumango siya at ang kamay naming magkasalikop ay idinikit niya sa kanyang labi. Napalunok ako at pinigil ang panginginig ng labi.

Tangina Phoenix, napakahina ko pagdating sayo!

Hindi na kami nag-imikan habang naglalakad. Mainit ang araw pero hindi ko alintana ang paglalakad namin marating lang ang sinabi ni Phoenix na kakainan namin. Panaka-naka ang pagtingin ko sa aming mga kamay na tila iisa.

Napakaswerte ng babaeng susunod na makakahawak sa kamay mo Phoenix. Alam kong hindi ka mahihirapan na maghanap ng babae dahil kahit saan ka pumunta ay mga babae pa mismo ang nagbibigay sa'yo ng ikalawang sulyap.

Nang makita ang nakahilerang mga restaurant ay pinutol ko na ang pagtitig sa aming mga kamay. Pumasok kami sa Zylka's.

"Malapit lang dito ang Regale. Kung gusto mo ay pumunta tayo doon mamaya pagkatapos nating kumain." Hinila niya ako paupo sa table na medyo tago. Kumunot ang kanyang noo nang pasadahan niya ulit ako ng tingin. Hindi kami magkatapat, magkalapit kami kaya malaya niya akong nainspeksyon. "Good thing you're not wearing net cover up. Nahiya rin naman pala si Tamiya at ipinili ka niya ng cover up na hindi masyadong malaswa ano?"

"Hindi ko 'to napansin kahapon. May binili pala siyang gan'to."

Tinanguan niya ako. "Where's the waiter?" Bulong niya. Halatang gutom na.

Napag-usapan kasi namin kanina habang naliligo na huwag na muna kaming magpalit dahil hindi pala siya nag-umagahan. Nawalan daw siya ng gana nung umalis ako kanina sa cottage.

"Bakit kasi hindi ka nag-umagahan? Mukha ka na tuloy mangangain ng tao." Biro ko.

"Oo binibini, kaninang-kanina pa kita gustong kainin." Aniya at ngumisi.

Hinampas ko siya sa braso at saktong dumating na iyong lalaking waiter. Nginitian ako nito at tumikhim naman si Phoenix dahilan para maibalik ko ang tingin sa kanya. Hindi pa rin nawawala ang ngisi niya pero kita ko ang saglit na paglarawan ng inis sa kanyang mga mata.

Ibinigay ng waiter ang menu sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras na pumili ng oorderin. Tipid akong napangiti habang pinapanood siya at nang isa sa mga inorder niya ang paborito ko.

Nang matapos sa pag-order ay umalis na ang waiter at saka niya ako nilingon. Itinuon niya ang baba sa aking balikat at halos maduling ako sa lapit ng aming mukha sa isa't-isa.

"Ang ganda-ganda mo talaga..."

Kahit na ramdam ko na may mga nakuha kaming atensyon pagpasok pa lang dito ay hindi ko siya pinigilan sa ginagawa. Wala naman akong dahilan para ikahiya siya. Nakakailang ang tingin sa amin ng ibang mga tao ngunit wala na akong pakialam. I just wanted to feel the bliss of having him beside me.

"Bola!" Iniwas ko ang tingin at umiling-iling.

Hinawakan niya ang baba ko. Napasinghap ako nang bigla niya akong iharap sa kanya at inangkin ang aking labi.

Marahan ang kanyang paghalik dahilan ng pagngiti ko. I heard murmurs of other people but that didn't stop me to kiss him back. Dinala ko ang isang kamay sa kanyang pisngi at hinalikan siya ng buong puso habang hinahaplos ang gwapo niyang mukha.

Gusto ko pa sanang patagalin ang halik pero siya na mismo ang bumitaw. Idinikit niya ang noo sa aking noo at hinawakan ang aking labi.

"Kung may tatapat sa ganda mo ay sigurado akong galing din sa'yo ang mga taong 'yon..."

Marahan ko siyang itinulak. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ngumiti siya at marahang hinaplos ang kanyang buhok.

"Sino? You mean madami?"

"Ang mga magiging anak ko sa'yo." Malambing ang boses niyang sabi.

Nag-init ang gilid ng aking mga mata at nag-iwas ng tingin. Hindi ako nakakibo hanggang sa dumating ang mga inorder namin.

"You suddenly became quiet... did I say something wrong?"

Walang mali Phoenix. Kung tutuusin ay pangarap ko din na magkaanak tayo. Pero hindi ko alam kung mangyayari pa iyon.

Inagaw niya ang hawak kong stick ng pork barbeque at pinag-aalis iyon doon para siguro hindi na ako mahirapang kainin ito.

"Millicent..." Tawag niya nang hindi ko siya sagutin.

Nilingon ko siya. "Madaming babae ang mas maganda sa akin Phoenix." Nagpilit ako ng ngiti. "What if we are not meant for each other?"

"What are you saying?" Sumeryoso ang kanyang mukha.

Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ipinagpatuloy ang mga gusto kong sabihin. "May mga taong makikilala mo pero dadaan lang sa buhay mo. Saglit na saya lang ang dulot at hindi 'yong pangmatagalan. May mga taong tumatagal sa relasyon at inaabot pa ng ilang taon pero magbebreak din sa huli. What if isa pala ako-"

"Stop the what ifs Millicent!" Mahina pero mariin niyang sabi. Umigting ang kanyang panga.

Napabaling ako sa mga pagkain sa mesa. "We're not the ones who handle tomorrow."

"Tumigil ka na."

Mapakla akong ngumiti at sumimsim sa straw ng iced tea sa aking harapan. Nang muli ko siyang tignan ay mas lumala ang galit sa kanyang mukha.

Matagal kaming natahimik. Walang gumagalaw. Nakonsensya naman ako kaya sa halip na magsalita pa tungkol sa bagay na iyon ay tumusok na ako ng karne sa aking plato gamit ang tinidor.

"Look at me..." Utos ko.

Nang tumalima siya ay saka ko inilapit ang karne sa kanyang bibig.

"I'm sorry okay? Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit pumasok na lang 'yon sa isip ko-"

Inilayo niya ang tinidor sa kanya. "Kung gusto mong malaman ang reaksyon ko sa bagay na 'yan ay mabuti pang 'wag ka nang magtanong Millicent. No one can break us. Period."

Muli kong kinuha ang tinidor at inilapit ito sa kanyang bibig. "Eat this. Dahil hindi ka nakakain kanina, ako ang magpapakain sa'yo." Ngumiti ako at pinisil ang kanyang matangos na ilong. "Dali na."

Hindi naman ako naghintay nang matagal dahil ibinuka rin niya ang bibig.

"Masarap?" Tanong ko. Hindi pa rin kasi siya ngumingiti.

Nginuya niya ito at tumango. Ngumuso ako dahil sa kanyang reaksyon. Mukhang nabadtrip talaga siya sa mga sinabi ko.

Dinala ko ang kamay sa kanyang hita at bumagsak ang tingin niya dito. Pinisil ko ito, kitang-kita ko ang muling pag-igting ng kanyang panga. Umiling-iling ako at dinampian ng halik ang kanyang labi.

"Pag hindi ka ngumiti iiwan kita dito. Busog pa naman ako at kahit hindi ako kumain ngayon ay ayos lang." Pananakot ko sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang ibabang labi. "Ano... hindi ka ngingiti-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sumilay ang ngiting madalas na rason ng panghihina ng mga tuhod ko. Napangiti na rin ako, hindi napigilan ang sarili na mahawa. Umiling-iling ako at dinampot ang kutsara. Muli ko siyang sinubuan. Ilang beses ko pa iyong ginawa hanggang sa siya naman ang gumawa nito sa akin.

Habang kumakain ay puro ako pagpipigil sa sarili. Pinipigilan ko na hindi maiyak sa harap niya. Pakiramdam ko ay konting-konti na lang, sasabog na ang dibdib ko sa sobrang paninikip nito.

Matapos kumain ay bumalik kami sa hotel. Nakarating kami sa suite. Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay nilapitan niya ako at dinala ang mga kamay sa laylayan ng aking cover up. Hinubad niya ito. Ngumisi siya at bago pa niya isunod ang buhol ng aking bikini top ay tumakbo na ako papasok sa bathroom.

"Millicent!" Tawag niya.

Tinawanan ko lang siya at pinagsarhan ng pinto. Nilock ko din ito para hindi siya makapasok.

"Open this damn door, binibini! Hindi pa tayo tapos." Natatawa niyang sabi.

Umiling ako at bumalik sa isip ko ang mukha niya kanina. He was so happy and it felt like I couldn't take that happiness from him. Hindi ko na napigilan ang aking luha at para itong nagpapaligsahan sa pagbagsak.

Malapit na tayong matapos, Phoenix.

Paulit-ulit niya itong kinatok. "Binibini ko..." Malambing niyang sabi. "Buksan mo na ang pinto dali. Hindi naman kita rerape-in." Biro niya.

Pinilit kong magsalita. "Una na ako sa pagbanlaw." Napatakip ako sa bibig bago pa may kumawalang hikbi.

"Buksan mo 'to. Pwede naman tayong magsabay."

"No... saglit lang ako. Gusto ko na ring magpahinga pagkatapos nito."

Pakiramdam ko ay dalawa ang ibig-sabihin ng mga katagang lumabas sa bibig ko. Magpahinga? Magpahinga saan Millicent? Hinding-hindi mo kayang magpahinga! Hindi mo kayang tumigil sa pagmamahal sa kanya!

"Okay..." 'Yon na lang ang narinig ko.

Pinigil ko ang malalakas na hikbi dahil natatakot ako na baka marinig niya. I would make this easy for him.

Nagtagal ako sa loob at bago lumabas ay sinigurado kong wala siyang mahahalata sa akin. Muntik na akong mapatalon nang makita siyang nakasandal sa gilid ng pinto.

"Tagal mo." Nginitian niya ako. "Get dressed and dry your hair before you sleep alright?"

Tumango ako at tinalikuran siya. "Dalian mo. I'm gonna wait for you. Patutuyin ko pa naman ang buhok ko." Sabi ko nang hindi siya nililingon.

Dumiretso ako sa bedroom at umupo dito.

Mahal niya ako. Ramdam ko ito. He never failed to make me feel loved. Pero may mga bagay talaga na hindi mo gustong gawin pero kailangan.

Natapos siya sa paliligo at ako ay nakaupo sa kama, hinihintay siya. Tinabihan niya ako at walang sabi-sabing binuhat paupo sa kanyang kandungan.

"You smell divine..." Nakangiti niyang sabi at hinaplos ang aking buhok.

Humilig ako sa kanyang dibdib at hinalikan ito. Ramdam ko ang gulat niya sa ginawa ko. Tiningala ko siya.

"Ang gwapo at ang bango mo." Pagpuri ko.

"Really?"

Awtomatikong umikot ang mga mata ko sa kanyang tanong. Marahan ko siyang kinurot sa dibdib.

"Aw!" Kunwaring angal niya.

"Nasaan ang pagka-hambog mo Phoenix Elizer Dela Vega?" Biro ko. "Parang noon, sa mismong bibig mo pa lumalabas kung gaano ka kagwapo. Bakit ngayon ay nagkukunwari ka yatang hindi ganon ang tingin mo sa sarili?"

Pinipiit niya ang pagngiti. Muli ko siyang kinurot sa dibdib.

"I never said that-"

"Really?" Panggagaya ko sa sinabi niya. "Kung hindi ako nagkakamali ay isang gabi tinext mo ako at sinabi mong mas gwapo ka kay Nigel. You even asked me to date you." Iyon 'yong gabi na anniversary namin ni Nigel pero hindi ako sinipot. Ang gabi kung kailan din hindi ko inasahang may mangyayaring masama sa nanay.

Madalas ko na siyang nakikita noon sa kahit saan ako pumunta. Kaya nga hindi na ako nagtaka nang isang beses ay makareceive ako ng message galing sa kanya hanggang sa hindi na iyon natigil. Hanggang sa dumating nga iyong gabing iyon na niyaya niya akong magdate, pa-text! Akala ko nakalimutan ko na ang mga nangyari sa amin nung high school pero hindi pala.

Bumalik ang pagiging maloko niya. Pero hindi ko iyon napagtuunan ng pansin dahil ang laging nasa isip at bukambibig ko pa rin noon ay si Nigel.

"Did I text you that-"

"Oh lie to yourself, Phoenix." Umirap ako.

Natawa siya at napatitig ako sa kanyang mukha. Napakagwapo niya talaga kahit kailan.

"You're now here to compliment me, binibini." Kindat niya. "At saka biro ko lang naman iyon. Kung mas gwapo nga ako kay Nigel o sa ibang lalaki ay sana nagustuhan mo na ako noong highschool-"

"You're the most handsome guy for me." Putol ko sa kanya. "At kung may tatapat sa kagwapuhan mo ay tiyak akong ang mga... ang mga magiging anak mo iyon." Napalunok ako sa sinabi.

"Of course. Ang mga magiging anak natin." Halata sa mukha niya ang saya.

Tumayo ako at tinalikuran siya. Bago pa ako makalayo ay nahawakan na niya ang kamay ko. Napatingin ako dito hanggang sa muli ko siyang tignan. Hinigit niya ako pahiga sa kama.

"Tell me the problem."

Umiling ako, umibabaw siya sa akin. "What are you talking about?"

"Millicent-"

Bago pa siya makapagsalitang muli ay ipinulupot ko na ang mga kamay sa kanyang batok at hinalikan siya.

Ang problema ay ang sobrang pagmamahal ko sa'yo, sobra-sobra na pakiramdam ko ay hindi ko na kaya. You couldn't just give me happiness Phoenix, you could also give me pain that's very dangerous.

Pain that I wouldn't tolerate to hurt the people around us.

Continue Reading

You'll Also Like

454K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
440K 21.8K 53
Cheaters Club #1: Chasing Chances Started: June 22, 2020 Completed: May 25, 2022
90.2K 4K 39
(Monteciara Series 2: Claudine Leighrah Monteciara) "Why is it so easy to fall in love and yet so hard to be loved back?" *** Claudine Leighrah Monte...