Ikaw na ang Huli (slow minor...

By mugixcha

126K 5.4K 3.3K

During the 1899 Battle of Tirad Pass, General Gregorio Del Pilar was watching the movements of the enemy when... More

Author's Note
Disclaimer
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
Afterword/Credits/Etc.

XXXIII

2K 86 52
By mugixcha

Umuwi na kami ng hindi pa naman masyadong late pero hinatid na rin lang nila ako pauwi dahil 'babae' raw ako. Humingi ng permiso sakin ang Heneral para manatili raw muna sa kwarto ko para makapag-usap kami kaya nauna na rin sila Pau.

"Maraming salamat uli sa kanina. Tunay akong nagalak at iyong tinugtog ang awiting iyon."

"Hindi ko ba nababoy yung kanta?"

"Hindi, Binibini. Napukaw mo ang aking damdamin habang ika'y umaawit. Tila lumipas ang ilang taon na ikaw ay hindi ko nakasama at kay tagal na ring hindi ko narinig ang iyong mga tugtugin."

Ilang buwan lang pero parang taon na nga- parehas lang pala kami ng naramdaman.

"Medyo matagal na nga rin. Salamat, buti nagustuhan mo!"

"Kasing ganda mo ang kundimang iyong tinugtog."

"Bolero ka pa din, Heneral!" Ok sana kung naka-Dolly outift ako eh, kaso wala talagang special sa itsura ko- naka-black jeans, gray hoodie, Chucks lang ako tapos wala ring make-up. It's either binobola niya ako o nag-iba lang talaga ang taste niya.

"Hindi biro yuon."

"Ahh.." Napatingin ako sa sahig para makaiwas sa titig niya.

"Maliban pa sa awiting iyong inihandog- higit na nagpapasalamat rin ako sa iyong 'Oo'. Kung panaginip man ito, hindi ko na hihilinging magising pa."

Kinurot ko siya sa pisngi ng malakas pero No Reaction siya.

"Masakit ba?"

"Hindi naman gaano." Malakas ang pain threshold niya- malamang. Kung sugat nga sa labanan kinakaya, paano pa kaya yung kurot lang?

"Paalala yan na hindi ka nananaginip!  E pano kung 'hindi' pala yung sagot ko kanina? Bangungot na ba yun?"

"Akin ngang inaasahan na ang iyong sagot ay pag-iisipan mo pa, sapagkat marahil ay mabilis na hakbang ang aking nagawa. Kung sinagot mo man ako ng hindi, akin lamang sasabihin na ako ay maghihintay kahit gaano pa katagal."

"Kung tutuusin, tama ka nga, Heneral. Hindi ako naging nobya mo pero kasal agad ang alok mo sakin. Nabigla nga rin ako kanina." Pleasant surprise - ika nga nila.

"Ang iyong sagot ba ay nais bawiin?"

"Hmm, pwede pa ba?"

"Hindi maaari."

"Ay grabe siya! Nagtanong ka pa kung gusto kong bawiin tapos bawal pala! Heneral na Heneral lang ang dating ah, bawal ako sumuway sa gusto mo, ganon?"

"Biro lamang. Kung gusto mo na ako'y pakawalan, malaya kang gawin."

Naglakad ako malapit sa bintana at dumungaw sa labas. Yung crescent moon ay nakahiga, parang nakangiti sa amin.

"Aba, aba. Oo na, alam ko na, ikaw na ang gwapo! Marami nga naman may gustong asawahin ka, Heneral Gregorio."

Natawa siya at niyakap ako mula sa likuran.

"Ngunit may batas na rin na nagsasaad na ang Heneral ay iyo lamang."

"Kung ganon.. papatawan ng nararapat na kaparusahan ang mga sinungaling at mga nambababae."

"Ako na naman ay pinaparatangan mo, Binibini!" Binigyan niya ako ng isang halik sa leeg bago niya ako hinarap sa kanya.

"Kailan na nga ba ang araw na ika'y maniniwala sa aking mga salita?"

"Tinutukso lang kita no! Ito na rin ang panahon na dapat kong ibigay yun buong tiwala ko sayo."

"Aking hindi sasayangin ang tiwalang iyan, pangako. Alam mo ba na habang wala ka sa aking tabi, araw-araw kapag gabi na bago matulog ikaw lamang ang naiisip? Tinatanong ko sa sa langit kung ikaw ba ay natutulog na kaya ng mahimbing, ngunit ni isang tinig ng pagsagot ay hindi nakarating sa akin. Hinayaan ko na lamang maglakbay ang isip ko kung nasaan ka at kung tumutugtog ka na naman ng gitara sa mga araw na bumubuhos ang ulan. Madali lang sana maabot ang kasagutan ngunit ika'y naging mailap at wala akong magawa hinggil sa bagay na iyon."

At nabuhay na naman ang guilt feeling sa pag-deadma ko dati sa kanya.

"Patawad sa lahat. Alam ko naman kung asaan ang mali duon, pero may tamang rason naman ako para gawin ang lahat ng yon. Inisip ko lang naman na hindi ako pwedeng makagulo lalo na sa naging sitwasyon mo at ni Dolly. Masyadong maselan para pumagitna pa ako sa mga problema na sinubukan niyong ayusin. Ganuon din naman sa kwentong pamilya ko na konektado sa buhay pag-ibig mo, Heneral. Masyadong magulo ang lahat at--"

Bigla niyang nilagay ang kanyang hintuturo sa labi ko na parang ang ibig sabihin ay wag na akong magsalita pa.

"Aking nalalaman na kailanman ay hindi mo nais makasakit ng iba. Kilala kita- inuuna mo pa ang iba bago ang iyong sariling kapakanan. Ngunit sadyang masakit lamang ang naging kinahinatnan ng iyong mga desisyon at dinamdam ko ng husto. Ang mga gabing hindi makatulog ng maayos ay dahil sa kakahintay lamang ng iyong mga sagot. Panginoong Diyos! Marahil isipin mo ng ako'y hibang, ngunit iyon talaga ang siyang nangyari sa mga araw na naghihintay ako na magbalik ka sa akin. Bagama't ganuon ang mga naganap, huwag ng humingi ng kapatawaran, Binibini! Hindi kita sinisisi sa lahat ng ito, bagkus ang tunay na aking sinisisi ay walang iba kung hindi ang aking magulong sarili."

Habang sinasabi niya na wala akong kasalanan lalo akong na-guilty. Lumipas na ang mga araw na yuon, pero parang na-realize ko na malaki padin talaga ang pagkakamali ko dati.

"Babawi na lang ako sa lahat, pasensya ka na. Pangako! Babawi talaga ako."

"Hindi na kailangan, Miho. Sapat na ang sagot mo kanina upang maghilom ang sakit sa loob na dala ng nakaraang mga nangyari. Tayo'y magsimula ng bago, maaari ba?"

Tumango ako at niyakap siya.

"Heneral, umuwi ka na nga pala, baka abutin ka pa ng madaling araw."

Matapos niyang magpaalam at umalis, nagpasya akong maligo muna kaya dumiretso ako sa cabinet at kumuha ng damit. Nakita ko ang uniform ng Heneral na nakatabi at bigla kong naalalang isauli sa kanya. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan siya habang patakbong lumabas para silipin kung nandyan pa siya. Mukhang nakalayo na siya.

"Binibini?"

"Uy Heneral, malayo ka na no? Kung oo, dadalhin ko na lang sa susunod."

"Ang alin?"

"Yung uniporme mo, naiwan sa loob ng cabinet ko."

Ilang segundo ng katahimikan.

"Ikaw ay magpunta sa kabilang kwarto at buksan ang pintuan."

Ano raw?

Pumunta nga ako sa kabilang kwarto at kumatok. Bumukas ang pintuan at andon sa harap ko si Goyong.

"Anong ginagawa mo dito, Heneral?"

"Kakalipat ko lamang ngayong araw. Tuloy ka. Pasensya na at hindi ko man lamang nasabi agad."

Ay, wow. Balak ba niya akong i-surprise kaya di niya sinabi agad?

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto. Halos wala pang laman kung hindi kama, mesa, isang upuan at refrigerator. Ang kulay ng kwarto ay dirty white- malamang ay pure white ito dati na nadumihan lang ng alikabok sa tagal ng panahon. Pinaupo ako ni Goyong sa kama dahil hindi raw balanse yung upuan at baka raw malaglag ako. Puti rin ang kama kung saan ako nakaupo at tinignan ko ang kumot at unan- ganuon rin ang kulay. Inilagay ko ang paper bag ng uniform set niya sa tabi ng higaan at ang headgear niya sa ibabaw naman ng kama.

"Ikaw pala ang nagrenta dito! Narinig ko nga nung ilang linggo na, na umalis na yung dating nakatira rito."

"Ako'y naghahanap kasi ng malilipatan sapagkat nahihiya na ako kela Ginoong Villacruz. Nagkataon na aking sinubukan tignan kung may bakante rito at napag-alaman na wala ng nakatira sa kwarto ng katabi ng iyo."

"Ganun pala. Di mo ko natiis no? Ikaw, talaga!" Nakaramdam ako ng konting hiya pagkatapos ko siyang tuksuhin.

"Marahil ay tama ka. Kaya sinubukan ko parin magtanong kung dito nga ba ay may bakante. Ang tadhana naman ay naging mapagbigay."

Mula sa pagkakatayo sa harapan ko, lumapit siya at hinawakan ang pisngi ko.

"Matagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ito na maulit muli."

"Nainip ka ba?"

Ang paghalik niya sa noo ko na ata ang sagot sa aking tanong.

"Kung babalik ka lang rin dito, hindi mo ba naisipan na bumalik na lang kasama ko, Heneral?"

"Nirerespeto ko ang nais ng iyong inay, kaya't nangako ako na magtiis na muna. Ang langit naman ay napagbigyan ako upang mas makalapit sa iyo muli at sa ngayo'y sapat na muna ito lalo na't mas iba na ang ating relasyon kaysa dati. Ngunit sa totoo lamang, kahit ganuon pa man ang aking sinabi, ang sagot ko pa rin ay oo, dumaan ng ilang beses sa isipan ko na bumalik sa iyong lugar at duon na uli manirahan kasama mo. Isa pa, kahit na ikaw ay hindi na natuloy sa pag-alis, ako'y nangamba pa rin kung ano nga ba ang tunay mong tingin sa aking pagkatao. Mamaya ay napuno ka pala ng pagkamuhi sa loob at kapag ako ay nagsabi ng aking planong bumalik ay baka pagalit mo akong tanggihan."

"Naiintindihan ko kung bakit mo yun naisip."

"Sana hindi mo minasama na nirentahan ko ang katabing kwarto at araw-araw mo ako maaaring masilayan. Baka sa akin ay magsawa na bago pa man tayong ikasal?"

"Hmm, lumayo-layo ka lang ng konti. Magtago ka minsan para di kita makita, ganon."

"Biro iyan, hindi ba?"

"Oo naman! Ito talagang si Heneral o!" Tinusok ko siya sa tagiliran.

"Maraming salamat, Pilya. Ako pala'y may naalala."

"Ano yon?"

"Maaari mo bang samahan ako sa Bulacan? Kung ika'y may oras lamang at kung hindi sagabal. Kahit kailan."

Oo nga naman, na-delay na ang pinangako ko dahil sa mga nakaraang sunud-sunod na problema at nung birthday naman niya, ayaw niyang pumunta duon.

"Oo naman! Bukas? Gusto mo? May dadaanan lang ako sa umaga tapos libre na ako."

"Sa araw ng iyong kaarawan? Ikaw ba ay wala ng lakad maliban pa sa iyong nabanggit?"

"Wala naman na."

Hinawakan niya ang kamay ko na parang may hinahanap.

"Aking napansin ito." Inangat niya ang kamay ko para ipakita ang singsing na suot ko at tinago ko naman ito agad sa likod dahil nahiya ako. Ngumiti siya at naramdaman ko ang saya niya ng makita ang bigay niya na gamit-gamit ko.

"Ah.. naisip ko lang na, umm, ano, bagay sa suot ko ito kaya ayun!" Sinabi ko lang para may madahilan.

"Namumula ang iyong pisngi, Binibini."

Pinakita niya sakin ang anting-anting niya na nakasabit sa kanyang leeg at napansin ko na ang gusto niya palang tignan ko ay yung nakasabit sa tabi nito.

"Ahh, diyan mo pala nilagay yung hikaw!"

"Parati ko itong dala kahit saan man ako magpunta."

Gusto ko sanang tanungin kung yung 'kahit saan' na tinutukoy niya ay kahit pag naliligo siya sa banyo, pero nanatili nalang akong tahimik. Nang gabing iyon, gusto kong tumabi sa kanya sa maliit niyang kama at matulog duon pero dahil gusto kong maging isang dalagang Filipina, nagpasya na lang ako na bumalik na sa kwarto ko matapos bumati ng "Magandang gabi".

---

Kinaumagahan, kinatok ko ang kabilang kwarto dahil naghanda ako ng breakfast namin ng Heneral. Maaga rin pala siyang nagising at pinagbuksan agad ako ng pinto.

"Heneral! Magandang umaga. Aga mo ah! Kumain ka na?"

"Hindi pa, Binibini. Kakaligo ko lamang." At obvious ito dahil basa pa ang buhok niya at naka-twalya lang siya.

"Susmaryosep, asan na ang pagiging conservative?"

"Conservative? Ano ang ibig mong sabihin, Binibini?"

"Nagbubukas ka ng pintuan ng naka-ganyan ka? E pano kung hindi pala ako yun kumatok diba? Grabe siya oh! Pano pag si Manang yun o di kaya--"

"Alam kong ikaw ang kumatok. Marahil ayaw mo lamang na ako'y pagnasahan ng iba?" Ang sabi niya habang nagpipigil ng tawa.

"Baliw! Magbihis ka na nga! At ano, gumawa pala ako ng paborito mo. Hatid ko na lang?" Bigla ako nahiya kaya naisip ko na ihatid nalang imbis na yayain siya sa loob ng kwarto ko.

"Maaari bang sa iyong kwarto na lamang?"

"Ahh! Ah, oo naman. Pasensya na, naisip ko kasi baka mamaya may gagawin ka pa tapos, ano-"

Bigla niyang hinapit ang baywang ko palapit sa kanya at binigyan ng isang halik sa labi. 

"Isa yang masayang pagbati ng Maligayang Kaarawan."

"Ahh-- salamat, Heneral."

Naglakad siyang palabas at hinatak ko agad ang braso niya.

"Huy, huy, saan ka pupunta?"

"Sa kabila."

"Magbihis ka naman muna! Dios mio!"

"Biro lamang iyon at ninais ko lamang talagang makita ang iyong reaksyon."

"E ikaw pala tong Pilyo eh."

"Parehas lamang tayo. Ako muna ay iyong samahan."

Hinatak niya ako papunta sa loob ng kwarto at sinara ang pinto.

--

Medyo nahiya ako kasi mamaya hindi ko mapantayan yun lasa ng pagkain na nakain niya dati pero mukhang nagustuhan naman niya yung Arroz a la Cubana na inihanda ko. Dapat ganito yung hahanda ko nung birthday niya pero hindi natuloy dahil walang saging na saba nuon.

"Masarap ang iyong niluto. Lagi mo na lamang ako nadadala sa nakaraan. Kaunti na lamang at iisipin ko ng parte ka ng aking nakaraan!"

"Grabe naman, nakaraan talaga? Ano, pwede na kong mag-asawa talaga no?"

Napangiti siya sa sinabi ko at tumango.

"Oo, handa ka na upang maging asawa ko."

"E handa ka na rin bang bumalik sa Bulacan?"

"Kahit nga lamang sa dati naming tahanan ay kuntento na akong makita."

"Wala na duon ang bahay niyo eh."

Bakas ang disappointment sa itsura niya. "Ano na ang mayroon sa lugar na iyon?"

"Papakita ko mamaya. Dito ka nalang muna ha? Babalik ako agad.

"Sige, Binibini."

At bigla kong naalala yung box na nakatiwangwang at naisip ko ng magtanong kung merong kagamitan sina Manong Ed o baka naman may iba siyang alam na paraan para mabuksan yuon.

"Dadaan muna ko kela Manang."

"Upang magbayad na ng renta?"

"Hindi, may itatanong lang ako. Walang susi, hihiram ako ng gamit!" Pinakita ko ang box sa kanya habang palakad akong palabas ng pintuan.

"Gusto mo bang ako na lamang ang pumunta upang magtanong sa kanila?"

"Hindi na, ako na. Salamat!" Ngumiti ako bago tuluyang umalis.

---

Pagdating sa pintuan nila Manang, kumatok ako ng tatlong beses at nagsabi ng "Manang? Tao po?" bago lumabas ang asawa niya.

"Oh, Hija, ano yun? Wala si Manang. Namalengke, di pa bumabalik."

"Ah.. Manong Ed, meron po ba kayong screw driver o kaya bolt cutter?" Pinakita ko sa kanya ang box. "Ito kasi, kailangan ko pong buksan, wala po akong susi."

Kinuha niya ang box at ineksamen. Habang ginagawa niya yun, busy naman akong tignan siya. Sa itsura niya, feel ko anytime kakanta siya ng Joey Ayala song.

"Sige, Hija. Iwan mo na muna yan dito. Balikan kita mamaya. Hanapin ko lang bolt cutter ko ha."

"Osige ho. Marami pong salamat. Aalis nga po pala kami, kaya baka gabi na rin po kami makauwi kaya ako na lang po dadaan mamaya."

Tumango siya at nag-sabi na ingat nalang kami sa lakad namin.

"Una na po ako!"

"Sige, hija."

---

Pagdating ko sa Department of Linguistics office, kinausap ko agad si Ms. Michelle.

"Oh! Akala ko nasa Japan ka na?"

"Umm.. sa susunod na po muna siguro. Available na po ba yung certificate? Hindi ko po pala siya nakuha last time, yun soft copy lang po."

"Ah, oo, sige, kunin mo nalang rito." Iniabot niya sakin ang isang bundle ng mga certificates.
Mukha namang naka-alphabetical order ito kaya madali lang mahanap yung akin. May dumaang lalaki at sa peripheral view ko parang nakita ko si Heneral. Teka, hindi naman siya sumunod sakin diba? Ibinaba ko ang mga certificates at lumingon, pero nakalabas na siya.

"Bakit, hija?" Nahalata pala ni Ms. Michelle na nakalingon ata ako ng medyo matagal sa normal.

"Ay.. wala po."

"Si Pat yon. Type mo ba? Pwede kitang ilakad."

"Pat?"

"Papunta na siguro siya sa klase niya. Teacher din siya, parang yun daddy niya."

"Ahhh.."

"Kung wala ka pang boyfriend, ilalakad kita dyan sa inaanak ko!"

"Inaanak po?"

"Oo, yang si Pat. Playboy na kailangang magtino yan eh. Paiba-iba ng girlfriend. Feeling ko bagay kayo! Teka, may boyfriend ka ba, Miho?"

Feeling niya bagay kami? Yan din sinabi niya tungkol samin ni Francis dati e.

"Opo, Ms. Michelle."

"Si Francis parin?"

"Ay, hindi na po." Kinuha ko uli ang certificates at hinanap ang sakin.

"Minsan pag may pagkakataon, papakilala kita sa inaanak ko para magkaroon naman siya ng ibang kaibigan."

"Umm, Sige ho, sa susunod! Ms. Michelle, nahanap ko na yun certificate, salamat po! Una na nga po pala ako ah! Kitakits po uli."

"Sige, Miho! Ingat!"

















Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
28.1M 712K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
10.2M 544K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...