[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HI...

By Yam-Yam28

62.9M 593K 160K

COMPLETED I NO SOFT COPY I Book two ng Girlfriend for Hire ^__^ More

[GFFH Book 2] : OFFICIALLY HIS GIRLFRIEND PROLOGUE
CHAPTER 1- Two Years Later...
CHAPTER 2- Celebrating our SECOND ANNIVERSARY
CHAPTER 3- Meet BRYAN CLYDE GO.
CHAPTER 4- One EPIC DAY
CHAPTER 5- When WORSE comes to WORST
*SPECIAL CHAPTER: The SY BROTHERS
CHAPTER 6- COMMUNITY SERVICE for IDIOTS
*SPECIAL CHAPTER: POTATO CHIPS and PSP
CHAPTER 7- HATE that I LOVE YOU
*SPECIAL CHAPTER: ALICE in Bryan's Land
CHAPTER 8- New ArRIVALS
CHAPTER 9- CONFLICTS THERE, CONFLICTS EVERYWHERE
*SPECIAL CHAPTER: Just the way I'M NOT
CHAPTER 10 - LOST
*VenTo CHAPTER: HANG OVER
CHAPTER 11- Won't GO HOME without YOU
*SPECIAL CHAPTER: RAIN + CLOUD = ?
CHAPTER 12- Just another chapter..
*SPECIAL CHAPTER: Another Day w/ the SY BROTHERS
CHAPTER 13- THE BARTENDING INCIDENT
CHAPTER 14- How ABNORMAL Couples Date.
CHAPTER 15- Boy Problems
CHAPTER 16- FLASHBACKS FROM THE PAST
CHAPTER 17- Something is COMING.
*VenTo CHAPTER: " IF YOU EXIST "
CHAPTER 18- I HATE THIS!
CHAPTER 19- DANCES and TEARS and..What?!
CHAPTER 20- Kenneth Sawada (Ken)
CHAPTER 21- Pre-Ballroom Sh*t
CHAPTER 22- Slipping Away
CHAPTER 22.5- Slipping Away (Part 2)
CHAPTER 23- Breaking Down
CHAPTER 24- Merciless Hearts
CHAPTER 25- Deja Vu
*VenTo CHAPTER: BAD Enough For You
CHAPTER 26- Foundation Week Blues
*SPECIAL CHAPTER: How I Met Our Driver
CHAPTER 27- Revelations
*VenTo CHAPTER: The Mysterious Case of Tommy Michael Lopez
CHAPTER 28- 2nd Semester
*MerCy CHAPTER: Beautiful Goodbye
CHAPTER 29- It's a Messy Chapter
CHAPTER 29.5- It's a Messy Chapter (Part 2)
CHAPTER 30- It's just a NORMAL DATE--or NOT.
*ThirTie CHAPTER: You LOST Me...
CHAPTER 31- Weird.
CHAPTER 32- OPERATION: Let's Get You Back Together!
CHAPTER 33- Attack of the RIVALS!
*MerCy CHAPTER: BACK FOR GOOD
CHAPTER 34- The Beginning of the End
CHAPTER 35- LAYARTEB
CHAPTER 36- Go Away!
CHAPTER 37- I won't give up.
CHAPTER 37.5- I won't give up. (part 2)
CHAPTER 38- How to SEDUCE a girl.
*ThirTie CHAPTER: Six Degrees of Separation
CHAPTER 39- Chasing Cars
CHAPTER 41- Black Knight
CHAPTER 42- Black Knight #2?
CHAPTER 43- M E M O R I E S . . .
CHAPTER 44- Fall for me again!
CHAPTER 45- One Sided Love
*ThirTie Chapter: It's Over--- or so I thought.
CHAPTER 46- Battle of the Black Knights
CHAPTER 46.5- Battle of the Black Knights (part 2)
CHAPTER 47- What Should I do?
CHAPTER 48- GET BACK
CHAPTER 49- FOR THE FIRST TIME
CHAPTER 50- And this LOVE hurts..
CHAPTER 50.5- And this LOVE hurts.. (PART 2)
EPILOGUE <3 or </3 ?
BONUS SPECIAL CHAPTER #1: I will make f*cking LIGAW?!
BONUS SPECIAL CHAPTER #2: Making Love
BONUS SPECIAL CHAPTER #2.5: Making Love (Part 2)
BONUS SPECIAL CHAPTER #3: Officially A Dad
BONUS SPECIAL CHAPTER #4: Officially His Wife
BONUS SPECIAL CHAPTER #5: Boys & Babies
BONUS CHRISTMAS CHAPTER: Merry F*cking Christmas Night
BONUS SPECIAL CHAPTER #6: Nightmare on Steve's Unit

CHAPTER 40- Switch

711K 6.7K 2.2K
By Yam-Yam28

CHAPTER 40- Switch

BRYLE's POV

Pagkatapos nung proposal ko kay Nami, nakatulog na kaming dalawa habang naka higa sa damuhan sa garden sa harap ng bahay namin. Nagising akong nakayakap sa akin si Nami kaya di ko maiwasang mapangiti. Fiance ko na sya ngayon, ang sarap lang isipin. Gusto ko pa sanang manatili sa ganung posisyon kaso lumalamig na, baka magkasakit pa si Nami kaya binuhat ko na sya papasok at inihiga sa kwarto nya. Gusto ko nga sana tabi kami matulog kaso pag nagkatabi kami sa kama, baka may magawa ako eh kaya sa kwarto ko na lang ako natulog.

Pagpasok ko sa kwarto ko, pag higa ko sa kama, amoy na amoy ko parin sa unan yung amoy ng shampoo ni Nami. Pag iniisip ko yung nangyari sa amin nung isang gabi, bwisit napapangiti na lang ako, ang bading, hindi astig! Busit! Hirap na hirap ako magpigil nun huh, gustong gusto ko na ituloy kaso hindi ko kinaya dahil narin sa natakot talaga ako sa itsura ni Nami ng mga oras na yun. Pero pag kinasal na talaga kami, hindi na talaga ako magpipigil! Humanda sakin yung babaeng yun haha.

.

.

Kahit late na akong nakatulog, nagising parin ako ng maaga. Nag alarm talaga ako para magising ako ng mas maaga kay Nami. Gusto ko kasi syang ipagluto ulit ng almusal kasi masaya nga ako at tinanggap nya yung proposal ko kahit ang cheap nung engagement ring ko, tsk, biglaan kasi eh. 

Magluluto ako ng fried rice at ng bacon para sa almusal namin ni Nami, sinigurado ko talagang hindi mababasa yung parte nung kamay ko kung saan naka drawing yung engagement ring namin ni Nami nung hinugasan ko yung mga paglulutuan. Binalutan ko ng scatch tape yung drawing na singsing na nasa daliri ko. Hindi ko yun hahayaang mabura hangga't hindi pa ako nakakabili ng tunay na engagement ring.

Habang naghihiwa ako ng mga gulay na ilalahok dun sa fried rice, iniisip ko kung anung magiging reaksyon nila Steve pag nalaman nilang engaged na kami ni Nami. Hahaha! Sigurado maiinggit yung mga yun! Gusto ko na silang makita at ipagyabang na engaged na kami ni Nami. Kaso ang layo naman ng mga gago, hindi ko pa alam kung kailan kami makakabalik ni Nami dun. Ay teka.. bakit nga pala ako maghihitay pa na makabalik kami ni Nami? pwede ko naman silang tawagan diba? 

Atat na akong makapagyabang kila Third kaya naman napag desisyunan kong tawagan sila isa isa pero bago pa ako makapag dial biglang nagring yung phone ko, tumatawag si Steve. Sinagot ko naman agad.

AKO: OH HELLO GAGO?

STEVE: MAY GAGO AGAD UMAGANG UMAGA AH. AYOS DIN. BRYLE MAGSKYPE DAW TAYO.

AKO: ANU?

STEVE: SKYPE! YUNG VIDEO CALL, YUNG GINAGAWA NIYO NI ELIDA DATI.

AKO: AH.. BAKIT? ANUNG MERON AT MAGSSKYPE TAYO? PARANG ANG BADING.

STEVE: HAHAHA! ULOL. MAGKAKASAMA KAMI NILA THIRD, PATI SI TOMMY NGAYON, MISS KA NA NAMIN PAPA BRYLE KAYA PUMAYAG KA NA!

AKO: GAGO KA STEVE, ANUNG PAPA BRYLE?! KADIRI NAKNANG POTA.

STEVE: HAHAHA! PURO MURA EH. GEH BILIS NA, ON LINE NA KAMI DUN, MAG ON LINE KA NA HUH? GEH.

AKO: OK, OK, MAY SASABIHIN DIN NAMAN AKO SA INYO EH.

STEVE: TALAGA? ANU YUN?

AKO: SA SKYPE NA LANG.

STEVE: SABI KO NGA. GEH.

AKO: GEH.

*toot toot

Tinigil ko na nga muna yung pagluluto para buksan yung laptop ko at makipagskype dun sa mga gago, ang lakas ng trip nung mga yun, may Skype pang nalalaman. Pagkakuha ko ng laptop ko sa kwarto sinilip ko muna si Nami, tulog parin naman, buti naman. Sana di muna sya magising bago ako matapos magluto. Maaga parin naman eh.

Pagka on line ko sa Skype, nag video call na agad yung account ni Steve sa akin at tumambad sa screen ng laptop ko yung tatlong gago, magkakatabi silang nakangisi. Ang bading pero namiss ko rin naman yung mga pagmumukha nila, pero di ko sasabihin, akin na lang yun, ang bading nga kasi eh.

AKO: NASAAN KAYO? BAKIT PARANG MAY IBANG TAO SA LIKOD NYO?

THIRD: NASA COMPUTER SHOP KAMI BRYLE.

TOMMY: NAGKAYAYAAN MAG DOTA EH.

STEVE: MAGLALABAN KAMI, MAY PUSTAHAN, KANINO KA PUPUSTA?

AKO: NAKIPAG SKYPE KAYO PARA DYAN? ANUNG NAISIPAN NYO AT NAGDOTA KAYO? TSAKA BAKIT SA COMP SHOP KAYO TAMBAY? BAKIT HINDI SA BAR NILA TOMMY?

THIRD: DAMING TANONG AH. TRIP LANG NAMIN MAGDOTA, NAKAKASAWA NA SA BAR NILA TOMMY, COMP SHOP NAMAN KAMI, PARA MAIBA.

AKO: ANG LALAKAS NG TRIP NYO.

STEVE: GANUN TALAGA. SAAN KA NA NGA PUPUSTA? PAG NANALO YUNG PINUSTAHAN MO, DOBLE BALIK SAYO NUNG PINUSTA MO.

AKO: HMMM.. SIGE PUPUSTA AKO SAYO STEVE. LIMANG LIBO.

STEVE: TALAGA? SAKIN KA PUPUSTA? I LOVE YOU TALAGA BRYLE! TINGNAN NIYO THIRD AT TOMMY, PARA KAY BRYLE AKO ANG PINAKA MAGALING SATIN! 

THIRD: PINAKAMAGALING? PARA KAY BRYLE IKAW ANG PINAKA SAFE NA PILIIN HAHA.

TOMMY: PARA KAY BRYLE, IKAW ANG PINAKA MAGANDANG CHOICE KASI PAG IKAW ANG PINILI NYA, MATALO KA MAN PANALO PARIN SYA.

Nagtataka si Steve nung sabihin yun nila Tommy. Haha, alam na talaga nila Tommy ang takbo ng isip ko.

STEVE: ANUNG IBIG SABIHIN NYO DUN? BRYLE, ANUNG IBIG NILANG SABIHIN?

AKO: SIMPLE LANG, DAHIL SA AYOKONG NATATALO AKO SA PUSTAHAN, DAHIL PUMUSTA AKO SAYO, DAPAT MANALO KA. PAG NATALO KA, PAG BALIK KO DYAN ALAM MO NA ANG MANGYAYARI, HUMANDA KA NA STEVE.

STEVE: WHAT THE? ANG UNFAIR NAMAN NUN! WAG KA NA LANG SAKIN PUMUSTA KUNG GANUN!

AKO: AH SO INAMIN MO NARING PINAKA WEAK KA SA DOTA SA INYONG TATLO?

STEVE: HINDI AH! WALA TONG MGA TO SAKIN!

AKO: YUN NAMAN PALA EH, KUNG MAY TIWALA KANG MANANALO KA, WALA KANG DAPAT IKATAKOT. IPANALO MO LANG YAN, HINDI KITA PAGTITRIPAN PAG BALIK KO DYAN. KAYA MANALO KA STEVE HUH?

TOMMY: GOOD LUCK STEVE.

THIRD: MASAYA KA PA BA NGAYON AT SAYO PUMUSTA SI BRYLE? HAHA

STEVE: PINLANO NIYO TO NO? KAYA NIYO SINABING MAY PUSTAHAN AT ISALI SI BRYLE, ALAM NIYONG GANTO YUNG MANGYAYARI NO?

THIRD: HUH? GRABE KA NAMANG MAGSALITA BEST FRIEND, GUSTO LANG NAMIN NI TOMMY NA MAGKASIYAHAN TAYO.

TOMMY: OO NGA NAMAN, GUSTO LANG NAMIN NA MAGKASAYAHAN TAYO. ANU PATING GUSTO MO, HINDI NATIN ISAMA SI BRYLE?

THIRD: BRYLE OH! AYAW KA ATA ISAMA NI STEVE!

TOMMY: OO NGA BRYLE! AGAINST ATA SI STEVE NA ISALI KA SA TRIP NG BARKADA!

Haha, mga gago talaga tong sila Third, hindi parin tumitigil ng kaka asar kay Steve. Well kulang talaga pag hindi naaasar si Steve eh haha. Kaya nakikisakay na lang ako sa trip nila Third. Pinakamasarap asarin si Steve kasi uto uto kaya lage naming pinagtitripan haha.

AKO: GANUN PALA HUH STEVE? MAKAKA ILANG PUSH UPS KA NA NAMAN, INTAYIN MO KONG BUMALIK DYAN.

STEVE: HOY WALA AKONG SINASABING GANUN HUH! BRYLE WAG KANG MAKINIG SA MGA YAN! MISS NA MISS NGA KITA EH! PARANG GUMAGWAPO KA ATA NGAYON AH BRYLE, ANUNG MERON?

Gumagwapo daw ako? Haha, oo nga no? Pansin ko rin yun. Pagkasabi nyan ni Steve, naalala ko na yung goal ko, magyayabang nga pala ako sa kanila kaya ako pumayag makipag Skype.

AKO: GANUN TALAGA SIGURO PAG ENGAGED GUMAGWAPO.

pagyayabang ko sabay pakita nung daliri kong may engagement ring sa kanila, natigilan naman yung mga gago at kulang na lang idikit yung mata sa monitor ng computer

THIRD: ENGAGED NA KAYO NI NAMI? KAILAN PA?

AKO: KAGABI.

sabi ko habang may mayabang na ngiti

TOMMY: BAKIT PATI IKAW MAY ENGAGEMENT RING? AT ANUNG KLASENG ENGAGEMENT RING YAN? ANG CHEAP! 

AKO: ABA GAGO KA TOMMY AH! PINAGSASALITAAN MO NA AKO NG GANYAN? WALANG BASAGAN NG TRIP! MAHAL MO PA ATA SI NAMI, KAYA GANYAN KA MAGSALITA EH.

TOMMY: HO-HOY MAY RAVEN NA AKO NO. CHEAP NAMAN TALAGA YANG ENGAGEMENT RING MO AH? DRAWING? HAHA. AYOS DIN EH.

THIRD: OO NGA BRYLE, KAWAWA NAMAN SI NASH, ENGAGEMENT RING NYO DRAWING NG PENTELPEN? HAHAHA

STEVE: HAHAHA! BUTI TINANGGAP NI NASH YUNG PROPOSAL MO KAHIT WALANG KWENTA YUNG SINGSING MO! HAHAHA!

THIRD: NAPILITAN LANG SIGURO SI NASH. HAHA

TOMMY: SABIHIN MO BAKA PINWERSA NI BRYLE HAHA

STEVE: HAHAHA! OO NGA.

AKO: HOY MGA GAGO TUMIGIL NGA KAYO! HINDI KO PINILIT SI NAMI! PINAGBANTAAN KO LANG NG KONTI.

SILANG TALO: HAHAHAHA

AKO: KUNG NANDYAN AKO, NABATUKAN KO NA KAYO ISA ISA!

THIRD: KUNG NANDITO KA.. KASO WALA, KAYA SUSULITIN NA NAMIN. HAHA.

TOMMY: HAHA, SORRY BRYLE.

STEVE: MAGTATAGO NA KO SAYO PAGBALIK MO HAHA.

AKO: PATAY KAYO SAKIN MGA GAGO! INIINGGIT KO KAYO EH! MAINGGIT NAMAN KAYO! ANU BA YAN!

pagkasigaw ko nun, pinagtawanan na naman ako ng mga loko! Akala ko pa naman maiinggit sila! Tss

STEVE: PERO BRYLE SERYOSO, ANU NG BASE? SINCE KAYO LANG DYAN NI NASH, ANU NA? NAG HIN.... NA BA KAYO?

AKO: ANUNG NAG HIN? GAGO KA TALAGA ST--

STEVE: NAG HIN...TAYAN NA BA KAYO NI NAMI MATULOG. YUN ANG SASABIHIN KO, ITO SI BRYLE KUNG ANU ANUNG INIISIP. 

THIRD: NICE ONE BEST FRIEND!

TOMMY: NAKA ISA KA DUN STEVE!

AKO: GAGO KAYO! AKO NAMAN ANG PINAGTITRIPAN NYO! HUMANDA KAYO SAKIN!

sigaw ko, pero pinagtawanan lang nila ako, pang asar talaga ang mga gago

STEVE: PERO BRYLE.. ETO SERYOSO NA TALAGA. NAKITA MO NA BA YUNG PU... NI NASH? MALAKI BA?

AKO: ANUNG KLASENG TANONG YAN STEVE? GAGO KA TALAG--

STEVE: SABI KO, NAKITA MO NA BA YUNG PU..SO NI NASH. KUNG MALAKI BA YUNG PAGMAMAHAL NYA SAYO. SYEMPRE KAYO LANG ANG MAGKASAMA, MAS MAKIKITA MO KUNG GAANO KA NYA KAMAHAL. YUN ANG IBIG KONG SABIHIN.

THIRD: YUN NAMAN PALA ANG GUSTONG SABIHIN BRYLE EH, IKAW ANG IBA ANG INIISIP DYAN EH.

TOMMY: HAHAHA, NO COMMENT.

AKO: TANGNA NYO! HUMANDA TALAGA KAYO SAKIN!

SILA: HAHAHAHA!

Ineenjoy na talaga ng mga gago ang pang aasar sa akin. Humanda tong mga to pag balik ko. Ang tatapang nila kasi hindi ko sila masasaktan.

STEVE: PERO BRYLE.. ETO SERYOSO NA TALAGA. TALAGANG TALAGA.

AKO: UMAYOS KA STEVE. ISA PANG LOKOHIN MO KO, PATAY KA NA TALAGA SAKIN.

STEVE: HINDI NA BRYLE. SERYOSO NA TALAGA TO, TALAGANG TALAGA. GINAWA NIYO NA BA NI NASH YUN?

Tumigil ako saglit at inisip kung anung sasabihin. 

AKO: MU-MUNTIK NA KASO HINDI KO NAIPASOK YUNG ANU. BASTA ALAM NIYO NA YUN.

SILANG TATLO: EH???????

Ganyan yung reaksyon nila, sabay sabay pa habang nanlalaki ang mata.

AKO: OO NGA, GANUN NGA ANG NANGYARI. WAG NIYO NG ITANONG KUNG BAKIT HINDI KO NAIPASOK, HINDI KO PWEDENG IDETALYE. PIRACY GUYS, PIRACY.

THIRD: BAKA PRIVACY BRYLE? ANUNG PIRACY? DIBA SA CD YUN?

natigil ako pagkasabi nun ni Third, takte oo nga no?

STEVE: DVD? DVD?

TOMMY: HAHAHAHA! NICE ONE THIRD!

AKO: HEH! TUMIGIL KAYO! EH SA MAGKATUNOG EH! BWISIT! KINULANG LANG NAMAN NG ISANG LETTER AH! MALAPIT NA RIN YUN!

THIRD: PIRACY? HAHAHA! NAKNANG TETENG HAHA.

STEVE: HAHAHA! GUYS.. I NEED PIRACY! AHAHAHAHA! HAHAHA! SHET SAKIT SA TYAN! HAHAHA

TOMMY: HAHAHAHAHA! TAE TAMA NA, ANG SAKIT NARIN NG TYAN KO! HAHAHA!

AKO: TUMIGIL NA NGA KAYO! 

SILA: HAHAHAHAHA!

AKO: TUMIGIL NA KAYO SABI!

SILA: HAHAHAHA! PIRACY! SHET! HAHAHA

Ayun, pinagtawanan na ako ng mga gago, kaya nag walk out na muna ako sa harap ng computer at nagtuloy na muna sa niluluto ko. Tinapat ko na lang sakin yung video camera para kita nila ako. Niloloko nga ako ng mga hayop kasi nakasuot ako ng apron, ang bading daw, mga hayop talaga, ako ang napagtripan nila ngayon! Humanda yung mga yun sakin pag balik ko! Yayabangan ko dapat sila eh, bakit sakin nag back fire? Tss.

Nung matapos akong magluto nagpaalam na muna ako dun sa tatlo, mamaya na ulit kami maguusap kasi magdodota na sila. Ako naman, gigisingin ko na si Nami para kumaen na kami. Ang hirap pa namang gisingin ng isang yun, tulog mantika tsk.

Kinatok ko na ng kinatok yung pinto ng kwarto ni Nami pero hindi sya sumasagot kaya pinasok ko na sya. Imba talaga matulog tong babaeng to.

"Nami! Gising na sabi! Hoy bobong babae!" sigaw ko sabay buklat nung kumot na nakataklob sa kanya, pero laking gulat ko nung imbis na si Nami ang makita ko eh yung mahabang unan lang ni Nami ang nandun pati yung chopper hat na binili namin kahapon

Nanlamig talaga ako nung makita ko yun. Kasi, kanina pa ako nasa kusina, maaga ako gumising, ibig sabihin nun, kanina pa wala si Nami sa kwarto nya?

Dahan dahan kong kinuha yung chopper hat tapos nakakita ako ng sulat sa ilalim nun. Nanginginig na yung kamay ko habang kinukuha yung sulat, iba na kasi ang pakiramdam ko. Parang alam ko na kung anung nakasulat dun, parang ayoko tuloy basahin.

"Pinagtitripan lang siguro ako nito ni Nami." bulong ko habang binubuksan yung sulat, pinilit kong ngumiti at kumbinsihin yung sarili ko na hindi tama yung kutob ko, pero unang linya palang sa sulat  ang nabasa ko, nanlambot na ako

Ganito yung nakasulat dun. Isang mahabang sulat.

"Kung binabasa mo na to, unang una, I want to say I'm sorry. I'm sorry kasi alam kong pagkatapos mong basahin to, masasaktan ka.

I'm really sorry Bryle. Sorry talaga. Hindi ko gustong iwan ka ulit, lalo na at alam ko na yung pakiramdam ng malayo sayo, at  syempre lalo na ngayon na... fiance na kita. I really don't want to do this to you, alam mong mahal na mahal kita, at kung ako ang masusunod, mananatili ako sa tabi mo habang buhay. I really can't bear the thought of being apart from you, kaya sabi ko talaga sa sarili ko nung makatakas ako, ayos lang na magtago tayo, ayos lang basta kasama kita, pero Bryle... ibang usapan na pag may nadadamay ng iba.

Ayoko sanang sabihin to sayo kasi mas masasaktan ka, iniwan na nga kita tapos malalaman mo pa to, pero I think you need to know this. Bryle, habang nagpapakasaya tayong dalawa, naghihirap ang mga tao sa paligid natin. Bryle, kinontact ako ni Go nung isang gabi, at nabalitaan kong ginigipit ng kumpanya ng lolo ko ang pamilya nila Steve, pati narin yung kila Third. Nagbanta yung lolo ko na pag hindi ako bumalik, mas lalala pa yung sitwasyon, pero nilihim yun sa atin nila Third. Another day passed, nagkaron naman ng problema sa bar nila Tommy, nagkasunog dun, at ang laki ng damage, sabi aksidente, pero sa tingin ko sinadya yun, kagagawan na naman siguro ng lolo ko. Ginagawa nya yun, to send me a warning. At alam kong hindi sya titigil. Kaya habang hindi pa ganun kalala ang lahat, I decided to come back to him. Hindi ko pa alam ang gagawin, pero basta pakikiusapan ko sya. Sa tingin ko hindi naman sya ganun kasama.

Pasensya na talaga Bryle. Hindi ko lang talaga kayang maging masaya habang naghihirap yung mga taong malalapit sa atin. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, hindi ba, gagawin mo rin naman to?

Kaya Bryle, sana maintindihan mo ang pag alis ko. Hindi ko na sinabi kasi alam kong pipigilan mo ako. Mahal na mahal kita Bryle, alam mo naman yun. Alam ko na mahal na mahal mo rin ako kaya alam kong kung hindi man ngayon, sa mga susunod na araw, maiintindihan mo rin ang desisyon ko. Wag mo na akong kuhanin, wag mo na akong iligtas katulad nung ginawa mo dati, maghintay ka na lang at ako ang babalik sayo. Hindi ko alam kung gaano katagal kang maghihintay, alam kong medyo mahirap tong hinihingi ko, pero sana, sana talaga Bryle mahintay mo ako. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, para maayos ang lahat. At kapag ayos na Bryle, babalik ako sayo, at hinding hindi na talaga ako aalis pa sa tabi mo. Anu ba yan, ang haba na nitong sulat ko, nangangawit na yung kamay ko, kaya hanggang dito na lang. Sobrang drama na,  sigurado sasabihin mo ang corny ko na. But again, I'm really sorry Bryle.

P.s. Mahal na mahal kita gagong lalaki.

-bobong babaeng fiance mo"

Natulala na lang talaga ako pagkatapos kong basahin yung sulat. Pakiramdam ko nawala lahat ng siglang nasa katawan ko kanina lang bago ako pumasok ng kwartong to. Halo halong emosyon yung nararamdaman ko. Lungkot, takot, pagkabwisit, galit, lahat na. 

Hindi pa matanggap ng sistema ko na iniwan na naman ako ni Nami. Hindi ko matanggap na eto na naman kami, eto na naman kami sa nakakatakot na sitwasyong to. Alam mo yung sobrang saya mo na eh, tapos magigising ka na lang, panaginip lang pala lahat. Parang ganun kasi ang pakiramdam ko ngayon, pakiramdam ko nananaginip lang ako nung nakalipas na ilang araw na kasama ko si Nami, tapos ngayon nagising na ako.

Gusto kong magalit sa kanya kasi, iniwan na naman nya ako. Gusto kong magalit kasi pinagmukha nya akong tanga. Inilihim nya sa akin lahat. Gustong gusto kong magalit pero hindi ko magawa kasi naiintidihan ko sya. Naiintidihan ko sya kahit ayoko syang maintindihan. Gusto kong magpaka selfish, pero tama sya, kung ako ang nasa posisyon nya, ganun rin ang gagawin ko. Pero ang sakin lang, sana, sana sabay naming hinarap to. Bakit ba gusto nya lageng solohin yung problema? Bwisit naman oh!

Nagusot ko na yung papel sa sobrang inis ko tapos bilis bilis kong dinial yung cellphone ko para tawagan yung cellphone na binigay ko kay Nami, pero narinig kong nag ring yun at nakita kong iniwan nya sa may table dun sa kwarto, bwisit!

Maya maya nag ring naman yung phone ko at tumawag si Steve, para ipagmalaking nanalo sya sa labanan nilang tatlo, pero hindi ko na sya pinatapos, natigilan sya nung itanong ko sa kanya kung totoo bang ginigipit sila ng mga Fajardo.

Hindi sumagot si Steve pero alam kong tama yung nalaman ni Nami. Kaya pala sila nasa computer shop kasi nagkasunog sa bar nila Tommy? Sabi ko na nga ba at may dahilan kung bakit bigla na lang nilang naisipang mag Dota kaysa mag bar. Ganun na ang nangyayari sa kanila habang kami ni Nami nagpapakasaya at walang kaalam alam? Alam kong nilihim nila yun kasi nag aalala sila sakin, pero tangna naman! Napapamura na lang talaga ako eh! Pakiramdam ko napaka walangkwenta ko! Pakiramdam ko napaka hina ko! Ako ang pinakamalakas sa grupo, tapos ngayon, ako ang pinoprotektahan? Tangna lang, hindi ko matanggap!

Ibinaba ko na yung phone nung mapagmumura ko sila Steve sa paglilihim ng lahat sa akin. Palabas na sana ako ng bahay para hanapin si Nami, pero biglang tumawag ulit si Steve at sinabi sa akin na buksan ko yung tv. Mumurahin ko sana ang gago kasi tangna, hindi to oras para manood ako ng t.v. pero nung sinabi nyang nasa t.v. daw si Nami agad agad kong binuksan yun. At pagpindot ko nga dun sa channel kung saan sabi ni Steve nasa balita daw si Nami, nailaglag ko na lang talaga yung remote.

Letche, anu ba talagang problema sakin ng tadhana? Hindi pa ba sya nakuntento sa lahat ng ginawa nya sakin? Kulang na kulang pa ba kaya ganito? Bakit ba ayaw na ayaw nyang maging masaya ako? Iniwan na ako ni Nami, tapos ganito? Ganito nya sya kukuhanin sa akin? Eh p*t*ng in@ na naman talaga! T*ng in*ng tadhana yan, punong puno na ako!

Napa upo na lang ako sa saheg dahil walang wala na talaga akong lakas. At hindi ko na lang talaga mapigilang mapa iyak sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

Naaksidente lang naman yung kotseng sinasakyan ng babaeng mahal ko.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

TOMMY's POV

Hindi ko na talaga maintindihan kung bakit palala na lang ng palala ang sitwasyon. Bakit kailangang umabot sa puntong to? Awang awa na ako kay Bryle. Yung problema sa mga negosyo namin nila Steve, wala na yun samin eh, kaya pa namin yun eh, pero itong dinadanas ni Bryle? Naaksidente si Nash? Parang sobra na naman ata. Sobrang in despair na nga si Bryle sa pag iwan palang sa kanya ni Nash, tapos ganito pa? Kahit hindi ako mahilig magmura kahit ako napapamura nalang din talaga.

Worst, wala pa kami para samahan si Bryle kasi nasa Davao sya. Naaksidente si Nash on the way pabalik ng mansion nila. Wala na si Nash sa Davao, meaning hindi sya agad mapupuntahan ni Bryle sa hospital. At alam na alam ko kung anu na lang ang nararamdaman ni Bryle ngayon.

Agad kaming sumugod nila Third sa hospital kung saan naibalitang sinugod si Nash at si Go, magkasama sila sa kotse. Minor injuries lang ata ang tinamo ni Go, mas malala yung kay Nash. Laman sila ng balita dahil nga parehong maimpluwensya ang pamilya nila, lalo na ang pamilya ni Nash. Matunog rin ang pangalan nya dahil inannounce ng lolo ni Nash na ito ang kanyang matagal ng nawawalang apo na matagal na nyang hinahanap, isa sa mga tagapagmana ng yaman ng mga Fajardo, kaya naman balitang balita sila.

Pag dating namin sa hospital, ang daming reporters, at guards, hindi kami makapasok. Naghintay pa kami ng ilang oras, nawala narin yung ibang reporters pero mahigpit parin talaga yung security, nakapasok man kami sa hospital hindi naman kami makapunta sa kwarto kung saan nandun si Nash. Hindi pa namin alam kung anung lagay nya.

Nagpupumilit kaming pumasok pero hindi talaga kami makalusot sa security. Nagwawala na kami dun, kaya ayun, napalabas kami ng hospital. Habang naghihintay kami dun, maya maya, may bumaba sa taxi, tindig palang nya alam na namin na si Bryle sya.

Kakausapin palang namin sya nila Steve pero nilampasan nya lang kami. Nagawa nyang mabugbog yung ilang bodyguards sa harap ng hospital pero katulad namin hindi rin sya umubra. Napalabas rin sya sa huli. 

Desperado na si Bryle, nung una nagwawala pa sya pero napakalma din naman namin sya. Balak pa nyang daanin sa dahas pero nung huli, halos magmakaawa na sya dun sa guards. Hindi ko nga akalain na gagawin nya yun, I mean, sya si Bryle Caleb Stanford, hindi marunong magmakaawa yan.. pero ngayon? Sa harap pa mismo namin, nagmakaawa talaga sya sa mga security dun sa hospital.

"Parang awa nyo na, hindi ako manggugulo. Wala akong gagawing masama. Gusto ko lang makita ang girlfriend ko. Gusto ko lang malaman kung ayos sya. Sige na, kahit ilang minuto lang, sige na. Ipakita niyo sakin si Nami! Gusto ko lang malaman na ligtas sya! Parang awa nyo na! Parang awa nyo na!" pagmamakaawa ni Bryle pero matigas talaga yung mga taga bantay

Inabot na kami ng gabi sa harap nung hospital, ang tagal narin naming nandun. Si Bryle, wala talagang planong umalis. Hanggang sa inabot na kami ng madaling araw dun. Natulog na kami sa loob ng kotse pero si Bryle, nakatayo lang sa entrance nung hospital, naghihintay ng balita tungkol kay Nash, umaasang makikita nya kahit saglit si Nash.

Gusto namin syang samahan pero pagod na pagod narin kami, kaya nakatulog na kami nila Third. Nung magising kami kinaumagahan, andun parin si Bryle, gising parin. Pinuntahan namin sya agad para ayaing magpahinga muna sa mansion nila pero ayaw nya talaga. Dumating narin yung mga tauhan ni lolo Bernard para sunduin si Bryle pero ayaw nya talaga. Hindi daw sya aalis dun hanggat hindi nya nasisiguradong ayos lang si Nash.

Wala syang tulog, walang kaen, nakakapanghina yun, pero parang balewala sa kanya. Ibinili namin sya ng pagkaen nila Steve pero ayaw nyang kumaen. Buong araw na naman syang nagbantay dun, halatang hinang hina na sya. Tapos nung sumapit ang gabi, may naawa atang nurse at sinabi sa kanya yung kalagayan ni Nash.

Wala na daw ito sa critical condition pero wala pang malay. Kaso hanggang dun na lang yun, hindi parin hinayaang makita ni Bryle si Nash, utos ng lolo nito. 

Hinihigit na namin si Bryle paalis ng hospital para makapagpahinga sya pero ayaw nya talaga. Tinalo nya pa yung nasa music video ng The Man Who Can't be Moved ng The Script. Wala kaming magawa.

Dalwang araw na walang tulog, walang kaen si Bryle, kaya expected na namin yung outcome. Kinabakusan, nawalan na lang sya ng malay. Nun lang namin sya naialis sa harap nung hospital.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

BRYLE's POV

Pag mulat ko ng mata ko, nasa kwarto ko na pala ako. Nakita ko kaagad si tanda, naka dextrose ako sa bahay? Bwisit, nawalan ako ng malay?

Maghihisterical na ako nung nalaman kong isang araw akong nakatulog, natigil lang ako nung mabalitaan kong nakalabas na daw ng hospital si Nami. Medyo nakahinga ako ng maluwag. Pero hindi ako kuntento dun, gusto kong makita si Nami. Pero as usual, pinigilan na naman ako ng matandang yun! Nakakabwisit! At mas mahigpit pa sya ngayon! Ni sa kwarto ko, ayaw nya akong palabasin! Nakakabwisit talaga! Gusto nyang magpahinga muna ako at magpalakas? Naknang p*ta sinong makakapagpahinga at makakapagpalakas ng ganitong lagay? Sa twing maiisip ko si Nami, nanghihina ako!

Nagwala ako ng nagwala pero useless. Buong araw nila akong nilock sa kwarto, tinry ko dumaan sa bintana kaso nasaraduhan na din pala nila, bwisit! Bwisit talaga!

Kinabukasan, talagang naghintay ako sa may pinto. Hinintay kong magbukas yun at talagang mananakit na ako sa unang papasok dun, makalabas lang ako. Pupukpukin ko na sana yung papasok na lalaki nung boteng nakuha ko pero napigilan ako ng dalawa pang lalaki. Noon ko lang napansin na yung tatlong gago pala yung pumasok. Si Steve yung dapat pupukpukin ko, nahawakan ako ni Tommy at Third.

Akala ko pipigilan ako nung tatlo na maka alis ng mansion tulad nung dati nung nawala si Nami pero pumunta pala sila para isama ako sa school. Nakita daw nila si Bryan Go, tapos nabalitaan nilang nandun si Go para ayusin yung papers ni Nami, magtatransfer na daw si Nami sa ibang school!

Bilis bilis kaming pumunta sa school, papunta dun sa office kung saan kumukuha ng records, pero naka alis na daw si Go dun. Naghiwa hiwalay kami nila Steve para hanapin sya hanggang sa mapunta ako sa parking lot at nakita ko si Go na pasakay na sa kotse.

Bubuksan na nya sana yung pinto nung bigla ko syang hinigit at kinwelyuhan.

"Nasaan si Nami? Ilabas mo sya!" -sigaw ko looking fiercely at him pero ngumiti lang sya at sumagot ng ganito

"Wala ka ng magagawa Stanford. From now on, akin na sya."

*boogsh

Pagkasabi nya nun, nasuntok ko na lang sya, putok ang labi ng loko, may ilang galos pa sya mula sa pagka aksidente dun sa kotse.

"Nasaan si Nami? Nasaan sabi sya? Ilabas mo sya!" sigaw ko at kinwelyuhan sya muli pero nakangiti parin ang gago, ang angas talaga

"Kahit sabihin ko sayo Stanford, wala ka naring magagawa. Kaya sumuko ka na lang."

"Eh gago ka pala eh!" sinuntok ko na naman sya ng mas malakas pa kaysa kanina kaya napa upo na sya sa saheg

"Nasaan si Nami? Sumagot k--" bago ko pa maituloy yung sinasabi ko, ako naman ang nasuntok nya, syempre gumanti rin agad ako

Nagpangapit na kaming dalawa dun sa parking lot. Nagsuntukan kami ng nagsuntukan hanggang pareho na kaming nakahigang dalawa sa lupa.

Napabangon kaming dalawa nung nakarinig kami ng sasakyang tumigil sa may di kalayuan sa amin tapos may bumabang babae at ilang bodyguards. At habang lumalapit papunta sa amin yung babae, noon ko lang napagtanto kung sino sya. Si Nami.

Paglapit nya, bakas sa mukha nya ang pag aalala at pagkabigla nung makita ako. Agad naman ako tumayo at lumakad palapit sa kanya. Gustong gusto ko na nga kasi syang makita.

"Nami ayos ka lang ba? Nag alala ako say--" natigil ako sa pagsasalita at nabato sa kinatatayuan ko nung lumakad sya palapit sa akin pero nilampasan ako

Oo, nilampasan nya ako na parang hindi nya ako nakita dun. Tapos nagtuloy tuloy sya ng paglalakad at humangos papunta kay Bryan Go.

NOW PLAYING: EXIT WOUNDS by THE SCRIPT

My hands are cold, my body's numb
I'm still in shock, what have you done?

Natulala na lang talaga ako. Hindi ko akalaing lalampasan lang ako ni Nami. I was expecting she'll run towards me, pero kay Bryan Go sya pumunta?

"Yan-Yan, ok ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?" -Nami habang inaalalayan si Go na tumayo, kitang kita ko yung pag aalala sa mukha nya, nag aalala sya, pero bakit hindi para sakin?

"Wag kang oa Shana, konting galos lang to kaya ko pang tumayo." -Go

"Weak ka talaga kahit kailan. Haha." -Nami

"Sinong weak huh Shana?" -Go

"Ikaw! Kakasabi ko nga lang diba? Bobo ka na sa directions, wala ka pang common sense! Anu ba yan?" -Nami

"Aba at!" -Go

"Anu? Anung gagawin mo sakin huh?" -Nami

"Tsk."-Go

Hindi ko na maintindihan yung sinasabi nila. Parang bigla akong nabingi. Parang bumagal yung ikot ng mundo ko, at unti unting gumuho yun.

My head is pounding, my vision's blurred
Your mouth is moving, I don't hear a word

Habang nag aasaran silang dalawa dun, unti unti narin akong nakabawi sa pagkabigla ko kanina at naigalaw ko narin ang mga paa ko palapit kay Nami.

"Nami, tara na, sumama ka na sakin. Hindi mo na kailangang gawin to. Hindi mo na kailangang magpanggap na--"

"Bitawan mo nga ako mister!" natigilan na naman akong muli nung tinabig nya yung kamay ko at sumigaw ng ganyan, hindi ko rin inakalang bibigyan nya ako ng ganung tingin, para bang hindi nya ako kilala

"Nami anu bang sinasabi m--"

"Ikaw yung sumuntok kay Yan-Yan diba? Anu bang problema mo sa kanya at sinuntok mo sya huh? Sa susunod na saktan mo si Yan-Yan, ako ang makakalaban mo!" A-anu daw? Anu daw sinasabi nya sa akin ngayon?

"Shana naman! Hindi mo na kailangan gawin yan! Pinapahiya mo ko eh!" -Go

"Eh sinuntok ka nitong lalaking to eh! Tapos kung makatawag pa ng Nami sa akin, feeling close. Hindi naman kami magkakilala. Sino ba tong ugok na to huh Yan-Yan?" -Nami talking to Go pero napaharap sya sa akin nung hinigit ko sya pabalik

"Nami, itigil mo na tong trip mo! Hindi na ako natutuwa! Wag mo na akong lokohin! Sumama ka na sakin! Tara na!" hinigit ko na sya pero biglang humarang yung tatlong bodyguards na kasama niya kanina

"Stay out of this, ako na ang kakausap sa lalaking to." sabi ni Nami dun sa mga guards kaya tumigil sila, balak na sana nila akong sugurin

And I hurt so bad that I search my skin
For the entry point, where love went in

"Unang una, bitawan mo sabi ako!" sigaw nya sabay tanggal nung hawak ko sa kanya

"Nami anu ba to? Bakit kung umasta ka, akala mo hindi mo ako kilala?"

"Kasi mister, hindi talaga kita kilala."

"Hahaha. Paano nangyari yun? Sa sobrang kabobohan mo, nakalimutan mo ko? Hoy bobong babae! Wag ka ngang magbiro! Fiance mo ko! Engaged na tayo! Tingnan mo to!" pinakita ko sa kanya yung ring finger ko kung nasaan yung engagement ring namin

"Niloloko mo ba ako? Ikaw ata ang bobo mister. Engaged ako oo, pero hindi sayo, kundi kay Yan-Yan. Ito oh, tingnan mo to! Ito ang tunay na engagement ring." pinakita naman nya sakin yung ring finger nya na may nakasuot na diamond ring

And ricochet and bounced around
And left a hole when you walked out

"Papano nangyari yan? Bakit yan ang nakalagay sa daliri mo? Nasan yung engagement ring na dinrawing ko? Nasaan yun Nami?! Bakit mo binura? Bakit mo binura Nami! Hubarin mo yan! Hubarin mo yang singsing na yan Nami!" sigaw ko habang pilit na tinatanggal sa kamay nya yung singsing

"Anu ba?! Nasasaktan ako mister!"

"Hubarin mo sabi ya--" natigil ako nung tinulak ako ni Bryan Go

"Sabi nya, nasasaktan sya hindi ba? Guards, kayo na ang bahala dyan. Aalis na kami ni Shana." hinawakan ako nung mga guards tapos si Go, inakbayan na si Nami at tumalikod na sila sa akin

"Nami! Nami, anu bang palabas to?! Hubarin mo yang singsing na yan!" sigaw ko pero parang wala silang naririnig

"Ayos ka lang ba huh Shana?" -Go

"Oo ok lang. Sino ba yung lalaking yun? May sira ba yun sa utak? Tch. Dahil sayo muntik pa akong masaktan, kaya dapat ilibre mo ko ng ice cream ngayon Yan-Yan!" -Nami

"Bakit biglang may ganun?" -Go

"Ah basta ililibre mo ko Yan-Yan. Pero bago tayo bumili, gagamutin ko muna yang sugat mo. Masakit ba?" -Nami sabay haplos pa dun sa may galos ni Go

I'm falling through the doors of the emergency room
Can anybody help me with these exit wounds?

Nag init ang ulo ko ng makita ko yun, nakawala ako sa hawak nung mga bodyguards at nakatakbo papunta kay Nami na papasok palang sa pinto nung kotse.

Hinigit ko sya tapos hinalikan. Natigilan sya. Tapos napaluha. Pinunasan nya yung luhang tumulo sa mata nya at parang biglang bigla yung expression nya. Parang nagtataka sya kung bakit sya napaluha.

"Ngayon, sabihin mo, hindi mo parin ba ako natatandaan?! Sumagot ka Na--" natigil ako dahil bigla nya akong sinampal

"Wag ka ng magpapakita pa sakin! Hindi kita sabi kilala! Manyak!" sigaw nya sabay pahid sa labi nya at tuluyan na syang pumasok sa kotse

Humarurot na yun paalis, naiwan akong nakatulala habang hawak hawak yung pisngi kong sinampal nya.

I don't know how much more love this heart can lose
And I'm dying, dying from the exit wounds

Habang nakatulala ako dun, bumabalik sa isip ko yung mga nangyari kanina. Kung paano ako nilampasan ni Nami, kung paano sya mag alala kay Go imbis na sa akin. Yung tingin nya sa akin na para bang hindi nya ako kilala, bakit hindi nya ako bigla makilala?

Nung isang gabi lang ang saya saya namin. KNung isang gabi lang natulog pa sya sa mga bisig ko. Nung isang gabi lang, ilang beses nyang sinabi sa aking mahal na mahal nya ako, tapos ngayon, sasabihin nya hindi nya ako kilala? Anung kagaguhan yun?

Wo-ooo-ounds... where their leaving, the scars you're keeping
Exit wo-oo-ounds, where their leaving, the scars you're keeping

Para akong zombie habang naglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko. Ang utak ko, punong puno lang ng mga nangyari kanina.

 Marks of battle, they still feel raw

A million pieces of me on the floor

"Ikaw yung sumuntok kay Yan-Yan? Anu bang problema mo sa kanya at sinuntok mo sya huh? Sa susunod na saktan mo si Yan-Yan, ako ang makakalaban mo!"

"Engaged ako oo, pero hindi sayo, kundi kay Yan-Yan. Ito oh, tingnan mo to! Ito ang tunay na engagement ring." 

"Wag ka ng magpapakita pa sakin! Hindi kita sabi kilala! Manyak!"

 

Nag eecho sa isipan ko yang mga sinabi sa akin ni Nami kanina. Nakakabingi. Ang sakit sa pakiramdam. Gusto kong magwala. Pano nangyari to? Nangyayari ba talaga to o binabangungot lang ako?

I'm damaged goods for all to see
Now who would ever wanna be with me?

Natigil ako sa paglalakad nung..

"How does it feel to be in Bryan's position? Masakit ba classmate?" tumambad sa harapan ko yung alagad ni Go ng may nakakaloko pang ngiti

Sa galit ko, tinulak ko sya at ipinin yung braso nya sa isang pader malapit sa kung nasaan kami.

I've got all the baggage, drink the pills
Yeah, this is living but without the will

"Sabihin mo sakin! Anu na namang plano niyo? Bakit nagpapanggap si Nami na hindi nya ako kilala?! Sumagot ka!"

"Plano? Actually, hindi ito yung plano namin eh, ang nangyayari ngayon plano ng tadhana."

"Anu bang sinasabi mo?"

"Your precious girlfriend lost every single memory she had when she was 9 years old dahil sa trauma, but for some reason, dahil sa aksidente which all happened dahil nagbago ang isip nya at  gusto nyang bumalik ulit sayo, bumalik naman ang mga ala alang nakalimutan nya. Pero here's the exciting part classmate, kung dati nakalimutan nya yung mga ala ala nya nung 9 years old pa sya pababa, ngayon, yun na na lang mga ala alang yun ang natatandaan nya. Meaning the memories she had, when she was 10 years old onwards, yun naman ang hindi nya maalala ngayon. Ang galing hindi ba?"

"Niloloko mo lang ako! Nagsisinungaling ka!"

I'm blacking out, I'm shutting down
You left a hole, when you walked out, yeah

"Alam ko mahirap paniwalaan classmate, kahit ako nung una, hindi ko rin mapaniwalaan. Pero doctors na ang nagsabi, it's a very rare case. Malas lang, sa kanya pa tumama. Sa mundong to classmate, walang imposible. Bilib na nga ako sa tadhana eh, sya na ang bagong idol ko. What a great game planner Destiny is. Wala ako sa kalingkingan nya. This is getting exciting."

"Tumigil ka na!"

"Biruin mo yun, nagawa nyang pagpalitin ang sitwasyon nyo ni Bryan ngayon? Who would have thought that your positions will be switched?"

"Tumigil ka na sabi!"

I'm falling through the doors of the emergency room
Can anybody help me with these exit wounds?

"Anung pakiramdam classmate? Anung pakiramdam ng makalimutan ng babaeng pinakamamahal mo?"

"Tama na sabi! Tama na!"

"Anung pakiramdam ng kahapon lang mahal na mahal ka ng taong mahal mo, tapos nagising ka na lang isang araw, hindi na nya maalala ni pangalan mo? And to make matters worst, she's now in love with someone else? Masakit hindi ba? Sobrang sakit diba classmate?"

I don't know how much more love this heart can lose
And I'm dying, dying from the exit wounds

"Isang beses na lang na umimik ka, tatamaan ka na sakin!" sigaw ko, parang gusto kong makapatay ng tao

"Sobrang sakit sa dibdib diba? Parang tinutusok yung puso mo ng ilang milyong beses. Sobrang sakit na wala ka na lang magagawa kung hindi umiyak. Classmate, ganyan, ganyan ang naramdaman ni Bryan Go when he found out na in a relationship na yung babaeng hinintay nya ng matagal, yung babaeng hinintay nya tapos, hindi na pala sya maalala. Sabi ng marami, unfair daw ang tadhana pero sa tingin ko mali sila. Ang galing nga ng tadhana eh, ngayon, patas na kayo ni Bryan Go. Ngayon, it's your time to experience the same pain he experie--"

"I said shut up! Shut the f*ck up!" sigaw ko at napasuntok na lang ako dun sa pader sa may tabi ng ulunan nya

Natigilan sya.

Wo-oo-ounds, where their leaving, the scars you're keeping
Exit wo-oo-ounds, where their leaving, the scars you're keeping

Lose your clothes and show your scars, that's who you are
Lose your clothes and show your scars, that's who you are
Lose your clothes and show your scars, that's who you are
Lose your clothes and show your scars

"Umalis ka na sa harapan ko bago pa kita tuluyang masaktan! Umalis ka na! Umalis ka na!" sigaw ko ng sobrang lakas, galit na galit na talaga ako

Lumakad naman sya paalis. Ako naman, parang nawalan na ng lakas. Napaluhod na lang ako sa lupa habang nakatulala. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat. Hindi ko mapaniwalaan.

Naalala ko yung nangyari sa amin ni Nami nung isang gabi, kung gaano kasarap ang pakiramdam ko nung mga oras na yun. Nakikita ko ngayon yung imahe naming dalawa nung gabing nag propose ako sa kanya, yung ngiti nya habang sinasabi saking mahal na mahal nya ako, yung init ng katawan nya habang yakap yakap ako, yung amoy ng buhok nya habang naka higa sa mga bisig ko, lahat yun bumabalik sa akin ngayon.

"Mahal na mahal kita gagong lalaki." paulit ulit ko yang naririnig sa tenga ko na para bang nasa tabi ko lang si Nami at binubulong yun sakin

Pero unti unting humihina yung boses nya hanggang sa maglaho, para bang biglang tinangay ng hangin yung imahe namin ni Nami sa harapan ko pati narin yung boses nya.

Tapos napalitan nung masakit na nangyari kanina ang masasayang ala alang yun. Napaltan nung katotohanan na ngayon, ngayon ni pangalan ko hindi nya maalala.

Marks of battle, they still feel raw
A million pieces of me on the floor

"Bryle! Bryle anung nangyari? Kanina ka pa namin hinahanap! Bakit ka nakaluhod dyan? Tumayo ka dyan!" nakita ko sila Steve sa harap ko, hinihigit nya ako patayo

"Bitawan mo ko!" sigaw ko at pinigilan syang higitin ako patayo

"Bryle, anu ba talagang nangyari? Bakit ganyan ang itsura mo?" -Third

Hindi ko sya sinagot. Lampas lang ang tingin ko sa kanila.

I'm falling through the doors of the emergency room

Can anybody help me with these exit wounds?

"Bryle ayos ka lang b---" hindi ko na pinatapos si Tommy ng pagsasalita, wala narin naman kasi akong naiintindihan sa paligid ko, kaya sumigaw na lang ako

I don't know how much more love this heart can lose
And I'm dying, dying from the exit wounds

"Arrrgggggg!! Ughhhhhh! Aaaaaaaaaaaaah! *sniff Arrrgggggg!!  " sinigaw ko na lang ng sobrang lakas yung galit na nararamdaman ko, galit sa sarili ko, galit sa mundo, galit sa tadhana, galit sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon at hindi ko na lang mapigilang mapaiyak habang sumisigaw

Wounds, where their leaving, the scars you're keeping
Exit wounds, where their leaving, the scars you're keeping

"Bakit? Bakit! Bakit nangyayari to sakin? Bakit?! Bakit?! Bakit Nami! Bakit! Bakit? Bakit?! Bakit?! Bakit!  Arrrgggggg!! Ughhhhhhhh! " sigaw ko pa habang pinagsususuntok yung saheg kung saan ako nakaluhod

"Tama na Bryle, tama na." nung pinigilan ako nila Steve, nung makita kong halos mabura na yung engagement ring dahil may dugo na yung daliri ko, napahagulhol na lang talaga ako sa isang tabi.

Nung araw na yun, pakiramdam ko, namatay ako.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Dahil maraming nagtatanong about sa VenTo sa nakaraang UD, kaya po wala na sila masyadong scenes/chapters kasi po gagawan ko na lang sila ng mini book. Di ko na kasi kayang isingit pa sila dito kasi mahaba haba pa yung kwento nila. Kaya abangan niyo na lang yun ok? Dito sa book, may isa na lang scene left for VenTo, tapos sa mini book nyo na lang sila subaybayan ok? Nga pala, long updates na madalas kasi ilang chapters na lang ang natitira! At sa mga nagtatanong, may book 3? WALA PO.

QUESTION AND ANSWER PORTION!

Tanong mula kay Elenita Ferreras.

 QUESTION: To Bryle and Bryan, kung may sakit sa puso si Nami, at kailangan niya ng Heart Transplant, are you both willing to donate your heart for her sake to live longer? And Why?

Nagkatinginan si Bryle at si Bryan tapos sabay na sumagot.

Bryle and Bryan's ANSWER: Papatayin ko na lang si Go/Stanford tapos yung puso nya ang idodonate ko kay Nami/Shana, buhay na si Nami/Shana wala pa akong karibal!

Bryle: Tangna! Bakit ka nanggagaya ng sagot huh?!

Bryan: Hoy ikaw ang nanggagaya dyan! Mas unang bumuka yung bibig ko sayo!

Bryle: Mas una man bumukas yung bibig mo, mas una naman lumabas yung boses ko!

Bryan: Wow huh, pano naman nangyari yun?

Bryle: Search mo sa google tangnamo!

Bryan: Tangnamo rin!

Yam: Hindi ko na po idedetalye ang conversations pa nila, masyadong maraming murahan. -__-. Basta nagrambulan na sila dun. Hay jusko, di ko na alam ang gagawin ko sa dalwang yun. -_-

Continue Reading

You'll Also Like

96.1M 1.1M 98
(Completed) | No Soft Copy | My name is Nami Shanaia San Jose. And this... is my-- our story.
49.1M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...
39M 1M 58
Skie Gonzales is a just a typical Bad Boy. He doesn't follow rules, He makes the rules. He know he's bad but there's no stopping him. But that's what...
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...