Hot And Cold [Completed]

By marielicious

11M 274K 40K

X10 Series: Dustin Lloyd Jimenez Side story of Accidentally Inlove With A Gangster. [[Story of Chloe and Dust... More

Hot And Cold
~1~ Childhood Playmate
~3~ Small World
~4~ Ang Side Mirror... Bow!
~5~ Cook For Me
~6~ Pork Bistek And Fried Potatoes
~7~ Tupperware
~8~ Cellphone
~9~ Sorry Na
~10~ Say No To Gapang
~11~ Feeling Close
~12~ Pink Bunny
~13~ Ang Aking Sundo
~14~ Okay Na Sana
~15~ Mushroom Soup Versus Broccoli Soup
~16~ Behind His Coldness
~17~ Loner
~18~ Cute Little Girl
~19~ Sa Akin Ka Nalang
~20~ Missing In Action
~21~ Two Hour-Date
~22~ Inspiration
~23~ It's A Guy Thing
~24~ First Day, LQ Agad?!
~25~ Raffle Draw
~26~ Second Base
~27~ My Tummy Aches!
~28~ Back Off, Fan Girls
~29~ No More
~30~ I'm All About You, I'm All About Us
~31~ Debut
~32~ Doubts
~33~ Floral Scent
~34~ What Makes You Busy
~35~ Diversion
~36~ Online Stalking
~37~ The City Of Pines
~38~ Over You
~39~ Waiting For Nothing
~40~ What Does My Heart Say?
~41~ Lies
~42~ If You Only Knew
~43~ I Chose You
~44~ Get Away
~45~ Time And Space
~Epilogue~

~2~ And They Meet Again

349K 7.8K 847
By marielicious

 

~2~ And They Meet Again

 

DUSTIN’S POV

 

Gaya nga ng napag-usapan ay sinundo ko na sina Jake at Toffer sa bahay nila. Ang gwapong driver ko lang =_____=

Dumiretso agad kami sa mall. Pasado alas-dose na kaya tirik na tirik na araw. Habang nagmamaneho ay nilakasan ko ang air-con ng kotse ko.

“Yown! Lumamig.” Narinig kong sabi ni Jake sa passenger’s seat.

“Ano bang gagawin niyo sa mall?” I asked while driving. =_____=

“Bibili ako ng netbook.” Sagot ni Jake saka ito lumingon sa backseat kung nasaan si Toffer. “Ikaw, Toffer? Bat mo gusto sumama?”

“Timezone lang. Namiss ko eh.”

“Ilibre niyo ako ng lunch. Sinuswerte kayo. Mga tamad magdrive.” =______=

“Aye aye Dustin!” ^______^ They both answered in chorus. Psh.

A couple of minutes had passed, nakarating na kami sa mall. Namili muna kami ng kakainan at sa huli ay napili namin ang Chowking. Buti pa ‘tong dalawang ito kasama, hindi maarte sa kakainan. Hindi katulad nung iba kong tropa, akala mo madadapuan ng germs pag kumain sa public place na ganito. =_______=

“Here’s your spareribs rice, Dustin.” Kinabig sa akin palapit ni Toffer ang pagkain ko, saka siya umupo sa harapan ko katabi ni Jake. Ganun din ang inorder katulad ng sa akin. Gaya-gaya =_____=

“Ito lang? Bumili kayo ng halo-halo. Ang kukuripot niyo.” =____=

“Oo, isusunod na raw yung halo-halo. Namiss kong kumain dito ah.” Sabi ni Jake habang inuumpisahan na ang paglantak ng pagkain niya.

I was about to put a spoon in my mouth when I felt some stares. Binaba ko muna ang kutsara ko at inilibot ang tingin ko sa paligid. Eto ang ayaw ko sa ganitong lugar eh. Ang daming nakatingin. Pare-parehas lang naman kaming tao dito. =___=

 

“Nakatingin siya sa akin~” girl 1

The other girl smiled at me and waved her hand off beautifully. “Hello…”- girl 2

“Eeeeeeh! Ang cute!”- girl 1

=_______=

“Stop staring. Hindi kami makakain ng maayos dito oh.” Saway ko sa kanila. Natahimik naman silang dalawa at hindi na tumingin pa sa pwesto namin. Napahiya eh. Halata naman, namumula ang mga pagmumukha.

“Hey, yaan mo sila! Edi titigan mo rin pag kumakain para quits hahaha!” bira ni Toffer habang sumisipsip sa iced tea niya. “Suplado mo, Dustin. Pfft!”

“Nakakabastos kasi yung ganun. Nganganga ka nalang, may nakatitig pa.” =___= Totoo naman diba?

“Yaan mo na. Babae naman eh.”

“Babaeng bastos.” =__= Sumubo na rin ako bago pa ako mawalan ng gana. Mas magandang mag-take out nalang kesa kumain sa ganito eh. Psh.

“Anyway dude, kamusta na kayo ni Jenine? May balita ka na ba sa kanya?” 

Napahinto ako sa pagnguya nang marinig ko ang tanong ni Jake. Hearing that name again makes my mood gone bad.

“I don’t want to talk about her.” Sumubo na ulit ako.

“Bakit, break na ba kayo? Ang tagal niyo na ah. Magfofour years na kayo diba?” Segunda naman ni Toffer na dahilan ng pagkabagsak ko ng tinidor ko sa sahig.

I stood up while wiping the side of my lips with a tissue. “I said, I don’t want to fc^king talk about her. Excuse me, I lost my appetite already.”

Lumabas na ako sa fastfood chain na yun nang hindi man lang nakakainom ng iced tea.

“Shet naman.” Hinahaplos-haplos ko ang lalamunan ko habang naglalakad. Parang may nakabara pa. Ganda ng pag-walkout ko. =_______=

Nung makita kong may food stall sa may bandang kaliwa ko ay bumili ako ng bottled water. Pagkatapos ko itong inumin ay itinapon ko na sa garbage can sa may gilid.

Saan nga ba ako pupunta?

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa tapat ng National Bookstore. Tama, bibili nalang ako ng bagong libro. Tapos na rin naman ang binabasa ko ngayon eh.

Needless to say, I’m a certified bookworm. Nakamulatan ko na ang pagbabasa ng libro. Bata pa lang ako ay mahilig na ako magbasa. Pakiramdam ko kasi ay sa tuwing nagbabasa ako ng libro ay napupunta ako sa ibang dimension ng mundo. I know, it sounds so gay. But I am not a gay. I just have this weird personality and I admit that. =____=

I was walking down the aisle of the non-fiction books when I heard some noisy girls. Ganun ba talaga ang mga babae? Mga maiingay? Si Jenine naman, hindi ganun ah. She’s always sweet and calm. =____=

 

“Chloe, anong magandang color dito?”

“Kahit ano nalang! Huwag ng maarte, Kaye Anne!”

“Ampf! Ewan ko sayo. Kay Gail nalang ako magtatanong.”

“Nye nye nye~ Bilisan niyo kasi! Ang babagal. Ganun din naman yan. Ang daming chenes sa katawan.”

Parang wala sa bookstore kung magsigawan. Tss. Why do I give a darn about them anyway? Makapamili na nga ng libro. Ano bang best seller ngayon?

Pumunta ako sa best-seller books shelf. Lahat naman ng mga nakadisplay nabasa ko na. Wala na bang iba? Boring. =___=

Tingin lang ako ng tingin sa mga libro nang bigla napukaw ng tingin ko ang The Abbey. Nag-iisa nalang siya dun sa shelf na yun. Oh, that’s what I’m looking for. Muntik ko ng makalimutan. Palapit na sana ako dun sa shelf na yun nang biglang may babaeng humarang dito.

The fc^k. Kukunin ko na eh. Psh. Badtrip. =__=+++

Nakatitig lang ako dun sa babae habang nakatingin dun sa book na nasa shelf. Mukhang binabasa niya yung sypnosis ng libro. Siya yung nakita kong girl kanina na maingay ah. Psh. Parang sira-ulo siya, nakangiti habang nakatitig dun sa libro. Weirdo. =_____=

Tatalikod na sana ako para maghanap nalang ng ibang libro nang mapaisip ako. Baka wala siyang pambili. Baka tinitignan niya lang yung libro. Window shopping -___-

Pagkatingin ko ulit sa kanya, sakto namang kinuha niya yung libro… BLAG!

Kaso nahulog. So, in just a split second naglakad na ako ng mabilis sa harapan niya at kinuha ang libro sa sahig saka ako tumayo ng maayos. Got ya’! =__=

“Kuya, akin yan eh.”  >_> Sabi ng babae sa akin. Maganda sana siya kaso ang lakas ng timbre ng boses. =___=

“Nabayaran mo na ba?”

Sumimangot siya. Yan tuloy pumanget na ang mukha niya.

“Hmm… Kaso ako ang unang nakakita nyan… Babayaran ko na yan eh, kaso nahulog lang.” *u*

Nagpacute pa. Tss. ‘Di yan uubra sa akin.

“Tss… Whatever.” Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad palayo para matapos na ang walang kakwenta-kwentang usapan namin.

“Hoy! Akin sabi yan ehh!!!” Pahabol na sigaw niya pa.

Huminto ako. Para bang lahat yata ng tao sa paligid namin ay nasa amin na ang attention. Ayoko pa naman ng ganito. =__=

I tilted my head to look back at her. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya. Napahiya siya. Pfft! Kasalanan niya yan eh.

For the last wave, I gave her my cold smirk before going to the counter.

~~~

After 2 hours of strolling around the mall alone, I already texted Jake and Toffer to come over. Kainis. Sa susunod nga hindi ko na ipagdadrive ang dalawang yun. =____=

“Dude, alam mo ba may nakita akong chick kanina.” Nagkuwento si Jake habang pasakay sa passenger’s seat. Ayan na naman yang dalawang yan. Kwentong babae na naman. =___=

“Oh tapos?”

Inistart ko muna ang engine ng kotse ko at inarangkada na.

“Natripan kong agawan ng laptop. Ayun, busangot ang mukha. Ganda pa naman! Sayang, hindi ko nalaman ang pangalan.” +_______+

“Ako din eh! Dun sa Timezone, may chick din. Ganda! Makinis. Kaso iniwan ako.” Sabay tawanan nila na parang timang.

Sila lang naman nagkakasundo sa mga ganyang bagay eh. =____=

“Eh ikaw, dude? May nahunt ka ba kanina?” Tanong sa akin ni Toffer.

I just shrugged my shoulders. “Bumili lang ako ng libro.” =____=

“Dadagdagan mo na naman ang koleksyon mo. Dapat babae nalang kinokolekta mo eh.”

Palabas na sana kami ng parking lot nang biglang nagring ang phone ko. Sinenyasan ko kaagad si Jake na sagutin ito kaya ginawa naman niya. Nagdarive kasi ako at hindi ko ugaling sumagot ng phone call while driving.

“Hello?...”

Napatingin siya sa akin agad at inabot ang phone sa akin. “Si Jenine daw…”

O__________O

*SCREEEEEEEEEECCCCCCHHHHHHHH!*

Natapakan ko lang naman bigla ang brake sa pagkabigla. =_____=

“Akin na!” Nilagay ko kaagad sa tenga ko ang phone, ignoring that we stopped in the middle of the lot. “Jenine?”

[“Dustin… I missed you!”]

“I missed you too.” I sighed helplessly. I miss talking to her.

[“Sorry kung-------“]

*TOOT TOOT TOOT*

Napapalo ako sa steering wheel. “SH*T!” Bat naputol?

I tried to call her again but hell, it’s already unattended.

“Dustin, anong nangyari?” Mahinang tanong ni Toffer.

“Nyemas… Naputol.”

Ang tagal ko ng hindi naririnig ang boses ni Jenine tapos mapuputol ng ganun lang?

*poke poke*

Bwisit na bwisit akong lumingon kay Jake sa passenger’s seat. May nginunguso siya sa labas. Pagkatingin ko……

=__________=

May babaeng sumisipa sa gulong ng Deep blue Jaguar ko. Para siyang nagwawala sa labas. Napailing ako nang makita na naman ang babaeng naagawan ko ng libro. May dalawa pa siyang kasama na parang inaawat siya. Is she really that angry for taking the book from her? Teka, paano niya nalaman na ako ang nasa loob ng kotse eh tinted naman ito?

“Ayun yung chick na sinasabi ko oh! Tara.” Sabi ni Jake tapos ay lumabas na siya kasabay ni Toffer. Lumabas na rin ako kasi kotse ko lang naman ang sinisipa niya. =____=

Paglabas namin, natulala sila for a few seconds.

Then…

“IKAW??” :O

Nagkatinginan silang tatalo. Miski kami nina Jake at Toffer. What’s the matter? Magkakakilala sila?

“Hello, nice to meet you again.” Jake greeted with his boyish smile.

“Ikaw din, the girl in pink.” Sabi naman ni Toffer sa nakapink na dress.

“HMPP!” The two girls crossed their arms and looked away.

Nabaling ang tingin ko dun sa babae na mabunganga kanina. =____= Masama ang tingin niya. Nakamamatay.

“Nakaharang kasi yung kotse niyo eh. Hindi makalabas ang kotse ko.”

Tumingin ako sa likod nila. In all fairness, maganda ang kotse niya. Pink Porsche. Mukhang mayaman. =____=

“Ah.. Akala namin hindi kayo lalabas eh. Sana nagbusina kayo…” =___=

Nakatitig lang sa akin yung babae. Then, she slightly looked away realizing something. For the second time, napahiya na naman siya sa harap ko. Her cheeks flushed red again. Wow. =___=

“Ahh… Ehh… Well, now you know. So, will you please get out of our way? Na-we-waste ang oras namin eh.” >o<

Napailing nalang ako habang pinagmamasdan silang sumakay ng kotse nila. That girl is interesting.

“HOY DUSTIN! Bumubusina na oh! Tara na, alis na tayo…”

CHLOE’S POV

“HUHUHUHUHUHUHU!” T__________T

Hinahagod-hagod lang nila Gail at Kaye Anne ang likod ko. WAAAAAAAH! Bakit ba napahiya ako kanina? At ito pa ah! Sa iisang tao pa! At ito pa ah! Sa isang gwapong lalaki pa! Masakit… Tara, laslas ng bangs.

“Sissy, ayos lang yan. Anoba~ Hindi naman na natin makikita pa ang mga yun. Wow lang ha? Yung nang-agaw ng netbook ni Kaye Anne, tapos yung nangbadtrip sa akin kanina sa may arcade ay kaibigan nung nang-agaw sa libro mo kanina? I couldn’t believe this.”

Tumayo na si Gail at kinuha ang mga pinamili niyang mga damit. By the way, hindi muna ako umuwi sa bahay. Sumama muna ako sa mansion nila Gail at Kaye Anne. Kung hindi niyo kasi naitatanong eh magpinsang buo sila.

Err… Naipakilala ko ang mga bestfriends ko. Samantalang ako hindi. Oh well, I’m Chloe Chanelle Mendez, 17 years of age, the heiress of the Mendez Hotel and Restaurant. Naks! Ang yaman ko. Hohoho! Pero duh! Laking probinsya ako. Actually, nagmove lang ako dito sa Manila nung naghighschool ako eh. Sa probinsya nga kasi ako lumaki… Pinaalaga ako sa Tita ko dun kasi busy ang parents ko sa business nila dito. So, there. Asal probinsyana ako minsan ^____________^v

About my personality, lumalabas ang pagkamaldita ko if needed. Oh well, makikilala niyo rin ako pag nagtagal. *evil smile* >:)

“Sissy, ang ganda ng mansion niyo~” XD Puri ko habang iniikot ang mga mata ko sa kwarto ni Kaye Anne. ANG LAKI NAMAN KASE~ NAKAKALULA! @_@

“Hindi namin ito mansion. Kay Lola Almira ito.” Sagot ni Gail habang pumapasok sa walk-in closet. Mukhang magsusukat ng mga damit.

Umunan naman sa lap ko si Kaye Anne. Mas close ko ito kesa kay Gail eh. Palibhasa, minsan moody yung si Gail. Pero bestfriend ko pa rin naman yun and we’re in our 5th year of friendship. Bongga diba? =)

“Gusto ko na ngang bumalik sa bahay namin eh. Nakakabored kaya dito… ang laki-laki ng bahay na ito tapos ang tahitahimik.” :(

I giggled, “Eh bat naman kasi kayo naglayas diba? Kaloka kayo!” ^u^

Naglayas ang mga bratinella na ito dahil ayaw lang naman po nilang magsummer job sa company nila… Ayan, 2 weeks din yata silang nawala. I mean, tumira sa probinya ko. Humingi kasi sila sa akin ng tulong on where to stay and I suggested my province. Ain’t that nice? ^_^ Not really… Nasunog lang naman kasi ang bahay ko dun >3<

“Wag na paalalahanin pa.” (_ _”)

“Ayan tuloy! Grounded kayo sa mansion na ito. Hanggang kailan kayo dito?” Tanong ko at sakto naman na lumabas si Gail mula sa walk-in closet suot-suot ang uniform ng E.H.U.

Speaking of, sa iisang university kami papasok bukas. East High University… Isa sa mga exclusive college dito sa Manila. Puro mayayaman lang ang nag-aaral dun. Kaya naman gusto ko dun! Hohoho… Pangarap ko talaga kasi dun eh. Sikat na sikat ang school! Yung tipong nakasuot ka pa lang ng uniform nito, taas na agad ng tingin ng mga tao sayo. >/////////<

By the way, ang course ko ay Bachelor of Science in Interior Design. Ang magpinsang sissy ko naman ay all about business course chuchu.

“Bagay!” I complimented her.

“Thanks…” ^_^ Sabi ni Gail tapos umupo sa tabi ko. “Sissy, excited na ako para bukaaaas!”

Umupo na si Kaye Anne at pumalakpak. “KYAAAAAH! College na tayo! Freshmen~” :””>

I raised my fist in the air. “Goodluck in our first day of class!” ^u^/

Nag-high five kaming tatlo…

“FIGHT FIGHT FIGHTING!” Ang trademark na motto ni Gail.

***

Dedicated to Tricia since una na namang nagcomment si Gayle Cabuhat. Hahaha, bale second siya... Sorry, wala akong basehan sa pagdedicate. Lol... Sabaw kasi utak ko... Wag muna maghanap ng update dito kasi tatlo-talo on-going stories ko. Natuwa lang ako kasi ang daming feedbacks nito. Next update ay pag malapit na ako sa epilogue ng story ni Alex ng One Sweet Glimpse. Hope u guys check that out ^_^v Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 19.4K 32
It's been two years since Tonsi went missing. Torrence patiently waited for him, 'til she decided to move on. Cliff got her back since day one and to...
3.3M 8.9K 4
| COMPLETED | 30 June 2016 - 22 August 2016 | Stonehearts Series #1 | Garnet Raniel Carlos is one tough cookie. Born on the 26th of January, she is v...
124K 536 2
Nakilala mo. Kinilala mo. Kinaibigan. Minahal. Iniwan ka. Maghihintay ka ba?
1K 116 4
What if there's another world out there? And what if you are unknowingly a part of it? Are you willing to abandon your normal life? Or... You'll be m...