Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Thirty Seven

50.7K 801 123
By cursingfaeri

______________________________________________________

Eleven thirty na ng gabi.

Bukas na ang prom. I know I should be sleeping now, but instead, I lie awake thinking of all the things I could've said and all the things I will never be able to say nung isang araw ng mag-usap kami ni Ray... ng mag-usap kami ni Mason...

Pero ang hinayupak na Ray isang malaking SPAMMER!

SPAMMER! SPAMMER! SPAMMER!

Kainissss!

8 messages received

From Boy Droga_(^__^)_:

I miss how happy I was with you. :'(

How can a person give you so much strength yet still be your only weakness? :'(

I need you... :'(

Grade five, when I fall in love with you...
For five long years, I've kept my love for you...
February, when I thought you loved me too...
Yet after three days, you broke my heart in two... :'(

In a room full of people and all I see is you... I can't help but wish that you're looking at me too. :'(

Please staay :(

I don't know if I could ever really stop loving you. :'(

Louie... :'(

Grabe puro ka-emohan.

Hindi ko na lang nirereplayan kasi mas mahihirapan lang siyang mag-move on pag ganun. Katulad ng ginawa ni Aidan, iyon na lang din ang gagawin ko. Bigla na lang di magpaparamdam. Di magpapakita kaya mas mapapadali ang pagkalimot mo sa tao.

Nakalimot naman ako eh. Pansamantala. Huwag lang talaga siyang magpapakita at magpaparamdam siguro tutuloy-tuloy na talaga 'to. Ni hindi na din naman siya sumasagi sa isip ko. Hays.

Ayoko naman dumating sa point na awa na lang ang nararamdaman ko kay Ray. Hindi ko maatim yon. Besides mabait naman si Ray makakahanap din siya ng mas nararapat sa kanya. Malalampasan niya din 'to. I really feel that I don't deserve him. Kasi nga di ba? Hays.

Last na lang talaga Ray. Last na lang. 'Wag ka na magtext please!

After 5 minutes...

Boy Droga_(^__^)_:

Maybe I'm over you... Maybe I'll move on... Maybe I'll like someone else... Maybe I'll forget you... or I'll be too good at lying then. Hays. :'(

Seryoso Ray. Ba't di ka magpalit ng number? Nakuu.

Nag-isip ako ng ilang beses bago tuluyang nagreply sa huling mensahe nito. Kabanas na talaga kasi. Ang kulit na niya.

Me:

Moving on doesn't mean that you forget about things. It's accepting what happened and continue living.

You're a good person Ray. Let this not come between us. And your future. I know you'll be someone great someday. And I'll be very happy that once in your life, I was your friend. At least. Best of luck. Goodnight. :)

Nagdadalawang isip pa ako sa smiley non. Sana naman hindi na niya ako kulitin bukas. Pinatay ko na ang cellphone at lampshade bago pinikit ang mga mata.

***


Sa bahay na naglunch ang pamilyang Pelaez.

Si Mason lamang ang hindi nakapunta sa magkakapatid dahil kinailangan nitong mauna sa eskwelahan kung saan ito ang punong abala ng programa. Nagmistulang may fiesta ng araw na yon. Hustong dumating si Mama ng alas otso ng umaga at pagkatapos nito magsiesta ng ilang oras ay inistima nito ang mga bisita ng dumating bago magtanghalian: ang Mommy at Tita Charlene ni Chang, mga magulang at kapatid ni Charlie ang pumuno sa bahay. Nakigulo din ang mga pinsan ko na nakihalubilo sa mga Kuya ni Charlie.

Mabuti na lang bati na kami ni Kuya J bago dumating si Mama. Nagsorry siya sakin sa inasal niya nung Wednesday sa library. Syempre pinatawad ko na. Alangan namang magmatigas pa ko eh hindi ko kayang nagtatampo yon. Alam ko din namang concerned lang talaga siya sakin eh. Nagsorry din ako sa kanya dahil baka nasaktan ko din siya sa sinabi ko. The point is, okay na kami ni Kuya.

Tig tatlo kaming gown na pinatahi ni Mama sa couturier.

Actually, mahahaba talaga yung disenyo ng mga damit ko kaso si Charlie kasi nag-iinarte. Ayaw ba naman sa gown dahil maikli daw? Eh yun kasi ang bagay sa kanya dahil katamtaman lang naman ang height niya. Pinakonsulta talaga kasi ni Mama yun sa couturier.

"Tapos na ba kayo? Bilisan niyo na diyan malelate na tayo! Tapos na ko," sabi ni Chang pagkatapos kumatok sa nakapinid na pinto ng guest room kung saan kami nagbibihis.

"Hoy! Bakit ang ikli neto?! Louieee!! Maikli! Gusto ko mahaba!!!" Nagpapadyak pang sabi ni Charlie habang nakatitig sa mga damit ko.

Halos mabingi ako sa sigaw nito. Kala mo pitong bukid ang pagitan namin kung magsalita.

"Tss. Hindi mo naman sinabing kailangan mahaba. Sabi mo lang kulay blue! Tsaka akala mo lang yon, tumangkad ka kasi kaya feeling mo umikli yan," pampalubag loob ko dito sakaling kumalma. Grabeng bunganga talaga meron ang babaeng 'to.

"Eh? Talaga? Sige na nga," nakangiti ng sabi nito.

Kaloka. As in instantly talaga, pinatawag ni Mama ang couturier para bawasan ang damit ko at maging sing-ikli tulad nung kay Charlie. Kita mo 'tong babaeng 'to. Ambraaat pa sakin. Tsk.

At dahil mas malapit ako sa pintuan ay napahagikhik ako ng marinig ang bulong ni Chang na 'Uto-uto talaga'.

"Bilisan niyo na nga! Hinahanap na ako ni Kuya Mason! Male-late na tayo!" halos pasigaw na sabi ulit nito.

Parang hindi naman narinig ni Charlie ang sinabi ni Chang dahil nakita kong biglang namilog ang mga mata nitong nakatitig sakin, bago ko napansin na err, sa dibdib ko pala nakatingin. Naka-tube top kasi ako non at cycling shorts dahil binawasan pa nga yung isusuot ko. Kami na lang dalawa sa kwarto dahil tapos na din kaming ayusan. Hinihintay na lang talaga ang isusuot ko.

"Bespren! Bakit anlaki pala ng boobs mo?!" Gulat na gulat na sabi nito bago akmang hahawakan ang dibdib ko.

Takteng babaeng 'to oh!

Mabilis pa sa alas kwatrong umatras ako kasabay ng pagtakip sa dibdib. "GAGO KA TALAGA! Inggit ka lang kasi nakasando ka pa rin, ako naka-bra na," nang-aasar na sabi ko dito.

"ANO BA YANG USAPAN NA YAN?! Punta na tayo sa prom!" Malakas na sigaw ni Chan-Chan.


"Eh si Charlie kasi eh! Manyak. Yan siguro napapala niyan sa panonood ng porn," sagot ko kay Chang.

"Hoy hindi ah! Hindi naman ako nanonood non!" Malakas na tanggi nito.

"Lumabas na nga kayo!" Inip na sabi ni Chan-Chan.

"Eto na 'Tay, matatapos na kami ni Inay hahaha," sagot ko kay Chang.

"Uupo na lang muna ako sa sofa. Bilisan niyo ha?!" Pasigaw na sabi ni Chan-Chan bago namin narinig ang papaalis na mga yabag. Masyado namang mainipin 'to. Natural mas mabilis siya di ba eh hindi naman siya ang naka-dress talaga. Tss.

Pumasok na si Mama at inabot na sakin ang damit. Halos maluha-luha na naman itong nakatitig sakin ng lubusan ko iyong masuot. "Naku naman dalaga na talaga ang anak ko," sabi nito bago nilingon si Charlie. "Ang ganda ganda ng baby ko noh?" Nakangiti namang tumango si Charlie dito. Pero wag ka, hindi talaga makapagmove on sa hinaharap ko. Tutusukin ko 'tong mata ng babaeng 'to pag napikon ako eh. Nakakadiri lang!

"Ma naman. Ang OA mo talaga. Lalabas na kami. Kanina pa atat si Chan-Chan," sabi ko dito bago inaya si Charlie na lumabas na. Sumunod naman ito sa likod namin.

Hustong paglabas ng mabaling ang tingin ng lahat samin. Halos nakanganga na sila. Tinignan ko si Charlie. Ayos naman. Alam ko gumanda talaga siya sa suot niya kasi bagay na bagay dito ang damit niya. Nagulat nga ako na ang slim pala ng katawan niya eh. Proven na talaga na anaconda ang alaga nito. Kung hindi ba naman, saan napunta lahat ng kinakain niya di ba? Hahaha.

Narinig ko ding inaasar ng mga Kuya ni Charlie si Chang. Kasi naman kung makatitig ito kay Charlie. Hahahaha. Aalamin ko yan mamaya. Halata naman eh. Iniiwasan niya kaya si Charlie. Ewan ko ano'ng nangyayari sa lalaking 'to. Wala namang naikwento sakin si Charlie.

Humiram ng trench coat si Charlie dahil nilalamig daw. Woo. Style style talaga. Kala neto. Lam ko namang nahihiya lang yon pumasok ng nakagown dahil takot asarin eh.

Nang makarating kami sa school ay nagpaalam saglit si Chang na didiretso sa mga kasamahan sa student council. Isa siya kasi sa mga organizers non. Hindi ko na din napansin si Charlie dahil ang bagal niyang maglakad. Hindi ko alam bakit pagpasok ko tila slow motion ang lahat. Yung ramdam mo lahat ng titig sayo? Medyo nakakakaba tuloy.

Lahat na lang yata gusto akong makatabi sa upuan. May seating arrangement naman? Maya't maya may nagpapakilala, nangangamusta, at kung anu-anong ka-echosan sa buhay. Hindi ko naman matandaan yung mga mukha pati pinagsasabi nila dahil sumasabay na yung sounds sa boses namin. Papansin lang?

Hindi pa halos nag-uumpisa ang prom ng mapaigtad ako sa paghawak ni Ray sa kamay ko.

"Louie. Sayaw tayo," nakangiting sabi nito bago mabilis akong tumayo at hinila ang kamay ng lalaking dumaan bigla sa harap ko.

"Ah ano, may kasayaw na ko eh. Di ba? Tara," baling ko sa lalaking naka-tuxedo na napatanga sa bigla bago siya hinila sa gitna ng bulwagan. Nagulat ako ng magsalita ito ng sa gitna na kami.

"Louie naman eh! Si Papa Ray ang gusto kong kasayaw enebe! BV naman itey eh!" Nagpapadyak pa na sabi nito. Aba malay ko ba na bading pala 'to?! HAHAHAHA.

"Errr. Mamaya mo na lang siya isayaw. Sasabihan ko siya," pag-uuto ko na lang dito sa ikatatahimik niya. Nakakainis lang kasi hindi humihiwalay ng tingin si Ray. Inikot ko tuloy yung bading na kasayaw ko. Ng makita kong akmang lalapit na naman si Ray ay mabilis na akong kumalas sa baklitang kasayaw at marahang tinulak ito kay Ray.

"Isayaw mo muna," nakangisi kong pakli dito.

"Huh?"

"Isayaw mo. May taning na buhay niyan. Last wish niya ang maisayaw ka." Nandidilat ang matang sambit ko kaya napilitan naman itong isayaw ang baklita na tila tuwang-tuwa sa pangyayari. The gay mouthed the word 'Thank you' na mangiyak-ngiyak pa yata bago ako dali-daling naghanap ng lugar na mululusutan.

Nakita ko na namang kumalas si Ray at tila hahabulin ako pero husto ding nagdim bigla ang mga ilaw at mga strobe lights na ang pumalit. Alam kong any moment ay mag-uumpisa na ang program ng prom. Kainis. Mukhang hindi pa ako makakahanap ng matinong pwesto para makita ang performance ni Charlie.

"Chang! Chang!"

Argh. Ambingi. Dahil nga medyo malimlim na ang mga ilaw kaya hindi ko napansin na sobrang lapit na ni Ray sakin. Ayoko talaga siya makausap eh! Sa sobrang panic ko ay hinila ko bigla ang kamay ng nadaanang lalaki at tinakbo iyon pabalik sa bulwagan.

"Dance with me please. I really need to shoo him away, he’s sooo... arrgh," sabi ko dito bago nilagay ang mga kamay ko sa bewang niya. Sandali itong natigilan ngunit tumango rin naman sa huli.

Ayokong makita ako ni Ray. Mula sa balikat ng kung sino mang kasayaw, nakita ko namang nagpalinga-linga ito kaya yumuko ako ng bahagya at siniksik ang ulo ko sa leeg nito. Bahala na kung ano ang isipin nito. Desperate moves na talaga. Naramdaman kong medyo nanigas ng bahagya ang kasayaw sa ginawa ko.

"I'm sorry I have to drag you like this," bulong ko dito bago narinig na pumailantang ang kanta ng Sponge Cola at naramdamang umangat ang kamay ng kasayaw sa bewang ko. Hindi ko nga alam bakit hindi man lang ako nailang. Hindi ko din tinanggal ang pagkakahawak niya. I just... let him be.

(A/N: Don't ignore this! Play YouTube on the side.)

♫ ♫  You are perfect as you are

Your eyes are the brightest

As you dance in the slowest

That motion can become.

To be near you 

I resign

And underneath the radiant smiles

Of perkiness that leave me

Defenseless as I stare

I might need a little more courage

I'm just waiting

For the universe to show me

How to steal you from the sky

You can be the most regal

And towering in this room

I'll still be the luckiest guy

Here with you

And you could come

Through a room

With your delicate grace

Take these hands and guide

This embrace ♫ ♫ 

Kampante akong nakasubsob sa balikat niya habang ramdam ko ang mabilis na tibok ng mga puso namin.

Bakit pareho kaming tila nag-uunahan sa pagpintig ang tibok ng puso?

Bakit tila kumportable akong kasayaw ang kapareha ko?

This sounds silly but...

♫ ♫ You are luminescent always

Your heels are the highest

As you brighten this night is

Like a spectacle of light.

I might need a little more courage

I'm just waiting

For the universe to show me

How to steal you from the sky

You can be the most regal

And towering in this room

I'll still be the luckiest guy

Here with you

And you could come

Through a room

With your delicate grace

Take these hands and guide

This embrace... ♫ ♫ 

Bahagya kong tinaas ang tingin ko at tumingin sa paligid. Hinanap sa hanay ng mga tao ang mga pamilyar na mukha bago napabuntong-hininga. Kampante kong itinuon ang pansin sa kasayaw na halos ayoko na yatang ialis ang pagkakahawak sa bewang niya...

Ang pagkakahilig sa balikat niya...

Kahit sobrang lapit na ng katawan namin sa isa't isa...

Na tila magkayakap habang sumasayaw sa saliw ng musika...

Ang bango bango naman kasi ng lolo niyo. Hehehehe.

♫ ♫ And if in case

The most abstract

Of color fades away

I'll still be thankful for you each day.

Oh, oh...

I'll still be thankful for you each day.

Oh, oh. 

I'll be fine... ♫ ♫ 

Hindi ko na napansin na tapos na pala ang may limang minuto ding kanta kaya bahagya akong nabigla ng marinig ang tila pamilyar na boses ng kasayaw ko.

"Andiyan pa rin ba siya?"

"Wala na yata," nakangiting tugon ko bago inangat ang tingin sa kasayaw na nakangiti din pala.

Nanigas ako sa kinatatayuan ng mapagsino ito. Ramdam ang mabilis na pag-iba ng ritmo ng puso, paninindig ng balahibo at mahinang pagsinghap.

"M-Mason..."

Pwede na yata akong lamunin ng lupa.

___________________________________

 

Couturier- old French, a person who designs, makes, and sells fashionable clothes for women.

 

PS: Check out FAD (From A Distance) by hunnydew sa POV ni Mason!

Continue Reading

You'll Also Like

62.4K 1.7K 47
"Devil is real. He's not a guy with horns. He can be beautiful because he's a fallen angel. And he used to be God's favorite." - Unknown WARNING: NEV...
7.8K 146 30
Lahat ginagawa ni Tzaliyah para sa kaniyang kapatid‚ nagawa niya ngang makipagkontrata sa isang bilyonaryo upang mailigtas lang ang kaniyang nakakaba...
284K 3.8K 44
Disclaimer: This is the unedited version. The printed version is/will be 60% edited and revised. **The Life Of A Secret Agent II** Retired Mafia Em...
365K 24.5K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...