How to Seduce a Hunk Again [B...

By xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... More

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows

11.1K 443 64
By xxxRavenJadexxx


"Hindi ka ba nako-conscious Jace?"

Zanmiks pulled up a mysterious smile na ang mga mata'y tila nangingiti. Narito pa rin kami ngayon sa lugar kung saan ako nabitag ng sarili kong patibong. Mga alas sais na ng gabi at padilim na ang paligid pero minabuti naming umupo sa ilalim ng matayog na puno ng buko habang pinagmamasdan ang kalawakan ng karagatan.

"Bakit naman?!"

"Yung pakiramdam na feeling mo.... Lahat ng tao nakatingin sayo? Lahat ng tao alam yung ginagawa mo? Lahat pinag-iisipan ka ng masama pero hindi lang nila masabi sa 'yo ng diretso? Yung mga ganung feeling?"

Pareho kami ng nararamdaman ni Mick. We're both paranoid! Sa sobrang tago ng relasyon namin, mas lalo kaming nakaka-create ng MONSTERS deep inside us. At ito yung takot na sinasabi ko nuong una pa lang.... What if malaman ng iba? Anong mangyayari sa 'min? Paano namin 'yun malulusutan?

"Syempre naman Mick. Manhid na talaga ako kung hindi ko 'yun mararamdaman," paliwanag ko na may halong ngiti. "Kaya nga siguro... laking pagsisisi ko na sinabi ko kay Alex ang naging relasyon natin. Hindi pala ganun kadali pero I made it easy to KISS AND TELL. Naiintindihan na kita kung bakit ka nagalit sa 'kin. Mahirap pala talaga yung relasyong ganito."

Kumuha si Mick ng maliit na bato at inihagis papuntang tubig. "Napatawad na kita dun Jace, wala ka naman talagang kasalanan. Masyado lang siguro akong nasaktan, di ko naman maiiwasan na darating din sa puntong ganun pero......."

Napatigil si Mick sa pagsasalita. Damang-dama ko 'yung frustrations niya na frustrations ko na rin.

"Pero.... ano Mick?!"

"Pero.... tsssss.... Hindi ko talaga alam Jace e. Wala akong alam na gawin. Parang feeling ko napaka useless ko. Napaka duwag ko kase.... Hindi ko alam kung anong gusto kong mangyari sa buhay ko."

"Bakit? Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo Mick?"

Napabuntong hininga siya. Hinahaplos haplos niya ang kanyang braso na tipong aligaga. First time ko siyang makitang ganun.

"Marami! Pero.... hindi ko alam. Hindi ko na alam Jace!"

Ipinatong ko ang aking kaliwang kamay sa kanyang kanang braso. Hinaplos haplos ko ito upang makaramdam siya ng assurance na, kahit anong mangyari, narito lang akong para sa kanya.

"Saka mo na lang isipin ang mga 'yan Mick 'pag tapos na ang misyong ito."

"Matapos man ang misyong ito. Hindi ko pa rin maikakaila na, hindi ko alam kung ano ba talagang misyon ko sa buhay."

Hindi maitatago sa hitsura ni Mick ang labis na pagkalito at pagkabalisa. Ano bang pwede kong gawin? Naiparamdam ko naman sa kanya na lagi akong nandito para sa kanya. Na pareho lang naman kami ng pinagdadaanan kaya't hindi siya nag-iisa. Pero ibang Mick ang nakikita ko ngayon, ibang anggulo ng personalidad niya na hindi ko pa nakikita kahit kailangan maliban ngayon.

"Hindi lang naman ikaw Mick. Tingin mo ba ikaw lang 'yung nakakaramdam ng ganyan? Ako rin naman e. Hindi ko alam kung, tayo ba ang magkakatuluyan? Magiging magkarelasyon ba tayo officially? Magiging mag-asawa? Mamumuhay ng normal gaya ng sa babae at lalaki? Magiging masaya ba tayo na hindi pinag-iisipan ng masama ng mga taong nakapaligid sa 'tin? 'Yun lang naman 'yun e!"

"Alam ko 'yang mga sinasabi mo Jace, pero hindi lang dun 'yun nagtatapos."

"Dun lang naman umiikot 'yun Mick. Pareho tayong lalaki. Straight tayo bago nagkrus ang mga landas natin. Pero ngayon? Anong tingin mo? Takot tayong mawala 'yung kaisa-isang nagbubuo ng pagkalalaki natin. Dun pa lang hindi na natin malagpasan. Pero hinusgahan ba kita? Hinusgahan mo ba ako? Naghusgahan ba tayo?"

"Tama ka diyan Jace! Lalaki ako pero nagmahal ako ng kapwa ko lalaki, at minahal rin ako ng lalaking 'yun. Tanggap ko na 'yun pero hindi ko lang talaga matanggap na...."

Napatigil muli si Mick sa pagsasalita.

"Na ano???!!"

"Hindi ko matanggap na.... DUWAG AKO! DUWAG AKO JACE!"

"Hindi 'yan totoo Mick. Kung duwag ka, hindi ka papasok sa ganitong klaseng relasyon na napakamapanganib. Kung duwag ka, hindi mo ko tutulungan sa ganitong mapanganib na misyon. Kilala kita bilang matapang na tao Mick kaya wag mong iunderestimate ang sarili mo!"

Napasabunot si Mick ng kanyang buhok at napatayong bigla. Pinipigilan niya ang namumuong emosyon pero hirap niya itong itago.

"Duwag ako Jace!" sambit niyang may pagduro sa 'kin. "Gusto mong malaman kung bakit? Duwag ako dahil hindi kita kayang ipaglaban! Oo mahal kita pero ikinahihiya kita... ikinahihiya ko ang relasyong ito pero ano? Kahit nakakahiya nandito pa rin ako kase hindi ko mapigilang hindi kita mahalin."

Napatayo na rin akong bigla at humarap sa kanya. "Matapang kang tao! May kahinaan ka pero hindi ibig sabihin duwag ka!"

"Hindi mo ako naiintindihan Jace," pagsumamong muli niya. "Ikaw, may lakas ka ng loob para ipagsigawan akong mahal mo ako. Pero ako ni katiting..... WALA. Kaya nga nasabi mo kay ALEX na may relasyon tayo diba? Pero anong ginawa ko? Mas lalo kitang diniin. Mas lalo kong ikinahiya na may taong nakaalam ng relasyong ito. Hindi kita naintindihan kase sarado ang puso ko sa posibilidad na, balang araw may makakaalam. Si Alex pa lang 'yun. Paano na 'pag ibang tao na? Paano pag nalaman ng nanay ko, mga kapatid ko, kamag-anak ko, mga kaibigan ko, katrabaho ko at ng BUONG MUNDO?? Tingin mo makakaya ko pa? Tingin mo maipaglalaban kita?"

Napakaseryoso ni Mick ngunit dama ko 'yung emosyon niya. Alam ko naman na ganun ang saloobin niya pero hindi ko naman siya hinuhusgahan kung ganun 'yung pagtrato niya sa relasyong ito. Maging ako rin naman e, takot na malaman ng ibang tao kahit pa sinabi ko na kay Alex ang relasyon namin.

"Mick.... pamangkin mo lang naman ang pinagsabihan ko, at isa iyon sa pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa tanang buhay ko. Sana hindi ko na sinabi dahil parang hindi ko na nirespeto ang relasyon natin. Hindi ibig sabihin nun na kaya na kitang ipagsigawan sa buong mundo! Kung duwag ka, mas duwag ako! Alam mo ba kung bakit??!"

Napakunot ng nuo si Mick sa tinuran ko. "Mick.... Hindi mo ba alam na... ga-buhok na lang, gusto na kitang ibalato sa kapatid ko... DAHIL GUSTO KA NIYA! Hindi ko nga alam e, pero part of me, I'm willing to give up para sa ikatutuwid ng landas mo. Pero part of me is lumalaban pa rin kahit alam kong papasok ako, tayo sa butas ng karayom. And that thought kills me every single day of my life. Diba nga dapat iniisip ko na lumaban? Pero hanggang pag-iisip ko lang 'yun kase sa puso ko, kahit anong mangyari.... BAHALA NA!

"Anong ibig mong sabihing BAHALA NA?!"

"Totoo 'yun! Bahala na! Bahala na kung maging tayo o hindi. Bahala na!"

"Mabuti ka pa, BAHALA NA! E ako? Wala akong guts sa bahala na! Imposible ang gusto kong mangyari sa 'tin. Napaka-imposible."

"Bakit Mick? E di gawin nating posible? Nagawa nga nating posible na magkainlaban tayo e. So, anong masama kung suungin natin 'yang imposibleng iniisip mo?"

Napatawa siyang bigla na hindi ko naman naintindihan agad. "Ayun na nga Jace. Gusto kong mamuhay ng NORMAL..... na walang manghuhusga sa 'tin. Na magkakaanak tayo at bubuo ng isang pamilya."

"Huh?! Mick, napaka-imposible ng gusto mong mangyari! Kahit anong gawin mo, hindi natin saklaw ang pag-iisip ng ibang tao!"

"Kaya nga imposible diba? Sabihin mo sa 'kin ngayon kung papaano maging posible 'yun?"

"Yun ba talaga ang dahilan Mick? Mahalaga ba talaga sayo ang iisipin ng ibang tao?"

"Oo! Kaya nga duwag ako diba? Mahal kita pero hindi kita kayang ipagsigawan sa lahat ng tao!"

"Me too!" I said with conviction. "Hindi kita kayang ipagmalaki, but I'm not rubbing it in your face. You know what Mick, hindi ka DUWAG! You are just being UNFAIR and INSENSITIVE."

"Tama ka naman, kalakip ng pagiging duwag ang pagiging UNFAIR and INSENSITIVE."

"So anong gusto mong palabasin Mick? Magtapat ka nga? Pwede mo bang idirect to the point mo na ako? Ayoko ng maraming paligoy ligoy pa."

"Sinasabi ko lang sayo Jace ang nararamdaman ko."

"Alam ko! Pero sa tono ng pananalita mo gusto mo na akong itaboy. Na parang wala ka ng reserba sa puso mo para sa 'kin. Kung ako BAHALA NA, sayo WALA NA! So what's the point?"

"Ang punto? MAHAL KITA PERO DUWAG AKO! Kaya mo bang mahalin ako?"

"Pareho tayong duwag MICK! Pareho tayong BALIW! At dahil dun mahal kita! That's the point!"

Natahimik siya sa sinabi ko. He is acting like an immature toddler na napaka disorganize ng thoughts. Kung ano yung nararamdaman niya, 'yun na kahit hindi man lang niya pinag-isipan ng husto.

"Mahal kita ngayon, pero bukas paano na? 'Yun yun Jace e. Yun yun. Kase... duwag ako e.... atsaka natatakot ako. Natatakot akong hindi ko mapanindigan ang sinabi ko sayo na takot akong mawala ka sa 'kin. Dahil alam ko, kahit anong oras.... pwede kang mawala sa 'kin. Pwede mo na akong iwan dahil naisip mo na mas mabuting babae ang makasama ko hindi ikaw na lalaki. Dahil si Ten ang gusto mo para sa 'kin. Kaya wag mo sabihing ako ang tumataboy sayo palayo... dahil ang totoo... IKAW!!!"

Nagmistulang echo ang mga huling binitiwang salita niya para sa 'kin. Ako raw ang nagtataboy sa kanya palayo. Hindi ko maikakailang may bahid iyon ng katotohanan dahil alam kong malaking posibilidad na maaaring hindi maging kami. May mga priorities kami na hindi maisasakatuparan kung magsasama kaming dalawa. Kakaunti lang ang porsyento ng rason na dapat naming ipaglaban ang relasyong ito.

"Hindi ko tinangkang isipin na itaboy ka Mick pero nakakalungkot na ganun pala 'yung interpretasyon mo," pagsumamo ko. "Para tayong nasa malaking bilog, paikot-ikot lang tayo pero ang totoo niyan, bumabalik din tayo kung saan tayo nagsimula. Nahihilo ako kung tutuusin pero minabuti ko pa ring kumapit kahit papaano, pero tatanggapin ko kung ano 'yung pwedeng ibigay sa 'tin ng kapalaran, kase ganun naman talaga 'yung dapat."

"Jace, tanggap mo na na kahit anong oras e pwede akong mawala sayo. Ako, hindi ko alam..."

"Pwes matuto ka! Iniisip mo kase na kahit ganun, hindi na ako lumalaban. Baliw ka talaga! Lumalaban ako, kung mababasa mo lang o maririnig ang tibok ng puso ko... PURO ZANMIKS LANG ANG LAMAN. PUCHA, ZANMIKS LANG! IKAW ARAW-ARAW, ORAS-ORAS MINU-MINUTO! Pucha, sa ginawa ng Diyos Mick, ikaw lang ang laman ng buong sistema ko. Yung feeling na hindi lang kita makita ng isang oras, parang ikababaliw ko na. Hindi mo halata pero ganun ako sayo. MAHAL NA MAHAL KITA E! Ngayon ko lang ito naramdaman! Sabihin ko ng tapat sayo ZANMIKS, NGAYON KO LANG TO NARAMDAMAN! KAKAIBA! Kaya napaka hirap sa 'kin na isipin na balang araw pwede kang mawala sa 'kin dahil maraming aayaw. Putangina diba? Putangina nila! Masakit kase, feeling nila sila lang ang pwedeng magmahal. E tayo hindi pwede? Diba putangina lang?"

"Putangina talaga nila!" pabulong niyang sabi na tipong sinang-ayunan ang sinabi ko.

"O diba? Anong gusto mong gawin ko? Hindi naman ako tanga na hindi ko maramdaman 'yung pagmamahal mo sa 'kin. Pucha Mick, ramdam na ramdam ko 'yung libog mo sa 'kin tuwing tinititigan mo ko!"

"Ulol"

"Pero seryoso? Nalibog ka ba sa ibang lalaki maliban sa 'kin?"

"Tangina ka Jace, nag-eemote ako usapang libog ang sinasabi mo!"

"E yung totoo? It's more than LUST Mick. IT'S LOVE! IT'S AFFECTION! IT'S MORE THAN LOVE! IT'S MORE THAN ANY OTHER FEELING THAT YOU CAN IMAGINE. MASARAP E!"

Napangiti si Mick sa napakapilyong sentimyento ko. "Tama ka dun Jace. Gusto kitang halikan maya't maya. Gusto kitang yakapin, kaya kapag may chance akong masolo kita, ginagawa ko 'yun. Pero tangina ka, 'wag mong palabasin na ako ang hayok na hayok sa iyo dahil ikaw tong sarap na sarap sa 'kin."

"Ulol!" ganti ko.

"Totoo naman!"

"Huh?"

"Pero tingnan mo naman.... nagwork naman diba?"

"Sabi ko nga Mick, so anong ineemote emote mo na kesyo duwag ka? Pucha? Pareho tayong duwag. Naghahalikan tayo sa dilim na pag binuksan mo ang ilaw biglang karipas ng takbo na akala mo may taong babaril sa' tin. Siguro nga, OUR LOVE IS MADE BY SHADOWS pero masarap naman diba?"

Umabot hanggang tenga ang ngiti ni Mick. Baliw ngang talaga, lakas maka-emote pero heto na siya. Eto na si Son Goku, dumada moves na, pero hindi ko siya hinayaang siya ang mauna. Ako na talaga ang unang naglaunch ng rocket!

Lumapit ako sa kanya at masidhi siyang hinalikan. WAGAS KUNG WAGAS! Parang wala akong pakialam kung may makakita sa 'min ng mga oras na 'yun. Kulang na lang e ipasok ko yung buong dila ko sa bibig niya sa sobrang pagnanasa ko sa Zanmiks na 'to. Eto na 'yung point na nagpeak na 'yung love ko sa kanya kaya gustong gusto ko siyang maangkin.

Pucha, ibang klaseng love 'to! Ito na 'yung pinakadabest na feeling na naramdaman ko. I LOVE YOU ZANMIKS!

7


Continue Reading

You'll Also Like

618K 2.3K 5
Tunghayan at subaybayan ang pagpasok ni Kyle Angelo Dela Vega sa isang paaralang puro kalalakihan lamang ang nag-aaral at makikilala ang isang Warren...
5.1K 304 31
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawang pakikipagbreak saakin ni Khalil at ng maaksidente ako ay napunta ako dito sa panahong ito...
13.8K 386 15
JD is a discreet bisexual who decided to go to Baguio City to study and avoid the ex-boyfriend who caused him pain. At the new place that he is at, c...
4.6M 168K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...