In a REALationSHIT (Trese Ser...

By chiXnita

7.9M 231K 35.7K

[ #TRESEseries No. 1 ] All I want is a REALationship not a relationSHIT. -- Book cover by @ArkiSTEPH More

In a REALationSHIT
IAR [1]
IAR [2]
IAR [2.5]
IAR [3]
IAR [4]
IAR [4.5]
IAR [5]
IAR [6]
IAR [7]
IAR [8]
IAR [9]
IAR [9.5]
IAR [10]
IAR [10.5]
IAR [11]
IAR [12]
IAR [13]
IAR [13.5]
IAR [14]
IAR [14.5] - Silver
IAR [15]
IAR [16]
IAR [17]
IAR [17.5]
IAR [18]
IAR [19]
IAR [19.5]
IAR [20]
IAR [20.5]
IAR [20.75]
IAR [21]
IAR [22]
IAR [22.25]
IAR [22.5]
IAR [22.75]
IAR [23]
IAR [23.5]
IAR [24]
IAR [25]
IAR [25.5]
IAR [26]
IAR [27]
IAR [27.5]
IAR [28]- Green Ryder Loriete
IAR [29]
IAR [29.5]
IAR [30] - Silver
IAR [31]
IAR [32]
IAR [33] - Grant Turner Loriete
IAR [33.5] - Grant Turner Loriete
IAR [34]
IAR [35]
IAR [36]
IAR [37]
IAR [37.5]
IAR [38]
IAR [39]
IAR [40]
IAR [41]
IAR [41.5]
IAR [42]
IAR [43]
IAR [43.5]
IAR [44]
IAR [45] - Brix Vincent Flores (Part 1)
IAR [45.5] - Brix Vincent Flores (Part 2)
IAR [46]
IAR [47]
IAR [48]
IAR [49]
IAR [50]
IAR [50.5] - A Blessing or A Lesson
IAR [51]
IAR [51.5] - GRAB-X Plan
IAR [52]
IAR [53]
IAR [54]
Final Chapter - IAR
Epilogue
BONUS Chapter
Bonus Chapter - Self-reflection
SOON TO BE PUBLISHED (PSICOM)

IAR [49.5] - Original Plan

63.2K 2K 366
By chiXnita

Copyright © chiXnita

“ANO BA kasing ginagawa natin dito?” Halos maluha na si Irish nang tumigil siya sa paglalakad. Umupo siya’t minasahe ang sakong niya na namumula na.

“Stop crying!” apila ni Denice, pero nangangati na rin. “Ilang minuto pa lang tayong naglalakad. Tumayo ka na nga.”

“I wasn’t crying. Hindi talaga kita ilalakad kay kuya,” Irish yelled out. She was pertaining to Cyclone.

Ngumisi si Denice. Mas inasar pa si Irish. “Oh, c’mon, Rish. I don’t need your help, I can handle him.” She tossed her below shoulder-length hair to her back.

Nakita kong nauna nang maglakad si Shantal, hindi pinansin ang sinabi ng pinsan niya. Nakasunod sa kanya ang kapatid na si Caleigh, na katabi si Vlaire. Kami na lang tatlo nina Irish at Denice sa likuran.

“Keep walking! Malapit na tayo,” pahayag ni Keziah na nasa unahan namin. Katabi niya si Angel. Sila ang pasimuno ng lakad naming ito na wala naman kaming ideya kung saan.

Basta sinusundan lang namin ang footsteps na meron sa buhangin papunta sa liblib na parte ng isla. Maraming lagas na mga patay na dahon at putol na putol na sanga ng mga punong madalas na makita sa tabi ng dagat.

Gumagawa ng kaluskos ang bawat hakbang namin. Minsan nga’y napapatili pa ang iba kapag nakakaapak ng kung ano.

Sampung minuto na rin kaming naglalakad. Mabuti at lagpas alas sais pa lang ng umaga, medyo malamig pa. Inaantok pa nga ako.

Kanina kasi’y sumilip sa tent namin si Kez, may binulong siya kay Gel at umalis sila. ‘Tapos bumalik din agad. Hinila ako ni Gel palabas ng tent kahit wala pa ako sa sarili.

Hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko. Bangag pa yata ang itsura ko. Nahatak rin nila lahat ng kababaihan papunta rito. Pero sila maayos ang itsura.

Tahimik lang sina Shantal, Vlaire at Caleigh. Nagtataka yata kung ano’ng ginagawa namin dito. Natatakot din siguro dahil wala namang permiso sina Kuya Clyde at Jensen.

Si Irish at Denice lang ang maingay kanina pa. Si Irish kakareklamo dahil masakit na raw ang paa. Si Denice naman umagang-umaga ang daldal na.

Sinusuklay ko ng mga daliri ang buhok ko. Mabuti hindi naman siya dry. Ipinagsama ko ang mga hibla at ipinaikot sa tuktok ng ulo para gawing bun. Basa na kasi likod ko.

Mga tatlong minuto pa kaming naglakad bago humarap sa’min si Kez. Nakalagay ang hintuturo niya sa tapat ng bibig. Nagbabanta ang mga mata na ‘wag kaming gagawa ng kahit anong ingay.

“Stay down!” Ikinumpas niya ang isang palad na yumuko kami habang naglalakad.

Kahit naweweirduhan kami’y sumunod naman sa kanya. Hanggang sa mapagtanto ko kung ano’ng balak nila.

Naririnig ko ang malakas na buhos ng tubig mula sa kung saan. I think it’s from a minor waterfalls that connected to the sea. Kaso naunahan ako ni Shantal na magtanong.

“Are we going to peep on the guys?” Her eyes widened with the realization, deep dimples appeared on her flushed cheeks.

Keziah chuckled but didn’t answer. Siya ang may pakulo nito at hindi ko alam kung ba’t nakisali si Angel. Wala yata silang magawa. Ang aga-aga ang dumi ng mga utak nila.

Tumili si Denice. Occupied with excitement, her huge grey-black eyes widened. “Oh God, really? Dali…” Tinakpan ni Caleigh ang bibig niya.

“Shut up, Den. They might hear us,” Vlaire giggled while pinching her. Mukhang gusto niya rin?

Napakagat ako sa labi’t umiling. Don’t tell me, gusto nilang lahat?

Tumingin ako kay Angel na natatawa. Iniwas ko ang tingin dahil naiinis pa rin dapat ako sa kanya.

“You really have corrupted minds!” Sinapo ni Irish ang noo niya’t minasahe. Kami lang yata ang may matinong pag-iisip dito. Dahil sina Shantal, Vlaire at Caleigh ay sumunod na kay na Keziah at Angel. Si Denice ang nangunguna. “Bumalik na tayo.” Kaso walang sumunod. Kaya naglakad na lang ako. “Xhai?”

“Just close your eyes, Rish,” I suggested. Nagdududa pa, pero sumunod din siya. Mas takot na bumalik mag-isa sa site.

Umalis kasi kaninang 5:00 AM sina Jensen at Kuya Clyde. Pupunta yata sila sa ibang isla. Hindi ko alam. Iyon ang sabi ni Keziah. Ang galing niya talagang makisagap ng balita. ‘Tapos nakita niya raw kanina na nagtatakbuhan papunta rito ang Hot Dogs kaya binulabog niya ang tulog namin.

Tumigil kami sa likod ng mga naglalaguang damo. Naalala ko tuloy bigla ang napakacorny na banat ni Grant. Grass ka ba? Jusko po!

At lihim din akong nagdasal na sana hindi siya nakahubad sa ilalim ng tubig. I already saw his body, how glorious and stimulating it was. Pero hindi iyon pwedeng makita ng iba. Sht!

Natatanaw na namin sila, buong Hot Dogs, na naghihiyawan at naliligo.

Malinaw ang tubig pero magalaw kaya hindi namin makita ang ilalim. At mukhang lagpas-tao ito. Tila maligamgam rin ang tubig, nakakaengganyo tuloy maligo. Wala silang suot na mga damit kaso hindi ako sigurado kung nakaboxers sila.

Hinanap ko agad si Grant, nakikipagtagalan siya ng hininga sa ilalim ng tubig kay na Brix, Zyle, Cyclone at Dew.

Si Serg ang nagbibilang na ngayon ay nasa 40 seconds na. Nakaupo siya sa isang bato sa tapat ng isang puno. Nakadamit pa rin siya. Hindi pa naliligo. Sa tabi niya ang mga nagkalat na mga t-shirts ng mga kasama.

Sina Jerson, Green at Kuya Xyrus naman ay nasa taas ng falls. May hawak silang baging mula sa isang mataas at malaking puno sa tuktok. Mukhang ilang dekada na ang puno dahil nagbibigay lilim ito sa kalahating parte ng tubig na kinaroroonan nina Grant. Pataas na ang araw mula sa Silangan.

“One,” nagsimulang magbilang si Jerson. Nakasuot silang tatlo ng boxers shorts. Their half-naked torso and long well-founded legs were distinct. I breathed out. Thanks God! Hindi naman sila hubo’t hubad. Mga anim na metro ang taas ng falls at tiyak kong tatalon sila mula roon. “Three!” Nag-ala Tarzan sa pagsigaw si Jerson.

Tumalon sila pero nagpaikot-ikot muna sa ere. Sunod-sunod silang bumagsak malapit kay na Grant, tumilapon ang tubig at nabulabog ang kanilang patagalan sa tubig. Nagmura si Zyle. Hanggang sa maghabulan sila. Mga sira! Napangiti ako.

Their closeness is simply amazing.

Tumayo si Serg at naghubad ng damit. Nasamid si Irish. Tumawa si Denice. Lahat yata kami’y natuon ang atensiyon kay Serg. Sinunod niya ang kanyang shorts revealing his dusky built-in trunks.

Humigpit ang hawak ni Irish sa laylayan ng damit ko.

“No! Please, just put that on,” paulit-ulit na bulong ni Irish habang nakatakip sa mata pero nakasilip naman. Tumayo si Denice at hinawakan ang kamay niya.

“Masyado tayong malayo. Halika…” Hinila niya si Irish. Nawala na sila sa tinataguan naming mga halaman at kapag may lumingon sa direksiyon namin ay tiyak na mabubuko kami.

Sumitsit si Keziah, nagpanic. “Bumalik nga kayo rito…” Halos pabulong na lang ang boses niya. Mas mahina pa sa ibon na naririnig ko. “Ugh! Don’t ruin my plan, girls.”

Si Irish naman ay sunod-sunoran kay Denice. Well, close naman talaga sila. Si Denice lang talaga ang bad influence at nagpapa-BI naman si Irish madalas. Mukhang hindi na nga labag sa loob niya dahil kahit hindi na siya hawakan ni Den ay naglalakad na siya mag-isa palapit sa falls.

Nakalusong na si Serg at sumali sa paghahabulan. Hindi niya naman hinubad ang trunks. Thanks, God!

Sina Angel at Keziah na lang ang mga katabi ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakasunod na rin sa dalawa ang magkapatid na Montreal at si Vlaire.

“Shantal, Caleigh, Vlaire!” Napatayo na rin si Kez at sinundan sila. Mukhang wala na siyang magagawa. Naiwanan kami ni Angel dalawa kaya tumayo na rin ako. Susunod na ako kaso hinawakan niya ang siko ko.

“Galit ka ba sa’kin, Xhai?” mababa ang boses niya. Hindi ako lumingon. “Ano ba pinag-usapan n’yo ni Xyrus?” So, hindi nila narinig ni Brix ang sinabi ko. At malamang hindi iyon sasabihin sa kanya ni kuya.

Ba’t ako magagalit kung wala kang pakialam kay kuya? Kaso… Ngumiti ako.

“No!” Gusto ko mang magalit sa kanya. Ano namang silbi? Hindi ko alam ang mga rason niya. Ang hindi ko lang maintindihan, gusto niya naman si kuya, eh. Obvious kaya! Pero bakit kahit sa sarili niya’y hindi niya kayang aminin? Gano’n ba ‘yon kahirap gawin? “Masama lang ang pakiramdam ko kagabi.”

Napangiti siya’t bumuntong hininga. “Akala ko naman…” Hinimas niya ang noong may butil ng pawis. “Basta kung may problema ka nandito lang ako.” Sumunod na siya sa kanila.

Naikuyom ko ang mga kamao. “Uh… Gel,” tawag ko. Pero hindi ko masabi. Umiling ako. “Never mind… just be yourself. ‘Yan palagi ang sinasabi mo sa’kin. Sana gawin mo rin.”

Nakarinig ako nang malakas na sigaw. Sigaw iyon ni Irish na sinundan ng mas matining na birit ni Denice na pinahaba ng echo ng tili nina Shantal, Caleigh at Vlaire. Nabasag yata ang eardrums ko.

Napatakbo kami ni Angel. Si Keziah ay ginugulo ang buhok niya.

Nanigas ako nang mapatayo sa tabi ni Kez. Nasa unahan, batuhan, bandang ibaba namin ang iba. Sa pinakababa, sa tubig ay nanlalaki ang mga mata ng Hot Dogs na natigil sa mga ginagawa at napabaling sa’ming lahat.

Nakaawang ang kanilang bibig at hindi alam kung ano’ng gagawin.

Lalo na sina Cyclone at Dew na halos tinakasan ng dugo. Because… they’re standing in the edge of the huge stone found in the middle of the falls. Wet. Naked. From head to toe, completely. They’re facing us with dropped mouth, wide-open eyes and frozen body. Hindi ko alam kung si Cyclone o Dew ang titingnan ko.

OMG! Ang laki…

May hinagis sina Green at Jerson kay Kuya Xyrus na mga saplot. Kay na Cyclone at Dew yata ang mga iyon. Kaso hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa… tinitingnan ko.

“Close your eyes, Zion Denice!” narinig ko ang malakas na boses ni Zyle.

“I can’t, kuya. I couldn’t even blink. I think my eyes love what I’m seeing…” At kahit ako, hindi ko rin maipikit ang mga mata ko.

Parang may bumubulong sa’kin na idilat ko lang ang mga ‘to. Kumbaga… this is one heck shot of opportunity. Malabo na ulit mangyari.

“Ganyan pala ang itsura? God, ba’t ang lalaki’t ang hahaba?!” ‘Tapos tumili na naman si Denice na sinundan namin maliban kay Angel at Keziah na tumatawa.

“Tangina!” Malutong na mura ni Cyclone at Dew, sabay pa sila na napatakip doon. Tila natauhan na kaya mabilis silang lumusong sa tubig at hinabol sina Jerson at Green na mukhang mga salarin dahil nagtatawanan na rin.

Nang mahimasmasan si Denice ay si Irish naman ang tumili. Ngayon lang yata nagsink-in sa kanya ang nangyari. “Oh my God. I just saw their p*nis! I saw Kuya Cy’s peni—”

Tinakpan na ni Shantal ang bibig niya. Kahit ito’y namumula na ang buong mukha’t pati ang tainga.

Sina Vlaire at Caleigh ay sumali sa nagtatawanan na sina Angel at Keziah. Naghahalakhakan din ang ibang kalalakihan sa ibaba. Pinagkakaisahan sina Cyclone at Dew na naririnig ko pa rin na nagmumura.

Hindi ko tuloy alam kung tatawa ako o titili ulit. Ni hindi ko magawang hanapin si Grant at salubungin ng tingin. Dahil nakakatiyak akong madilim ang kanyang mga mata na nakatitig sa’kin.

“Girls!” hysterical na sigaw ni Keziah. Para siyang nakakita ng manananggal sa itsura niya. Nakaturo siya sa may falls, nakabuka ang bibig ‘tapos biglang namutla. “Run…”

Muli akong napabaling sa tubig. Nakaahon na ang Hot Dogs at balak nila kaming sugurin. Hindi ko na alam kung sino ang muling tumili basta tumakbo na lang din ako at sumunod kay Angel.

Sa expression kasi ng HD ay balak nila kaming balatan ng buhay sa oras na mahuli nila kami. Halos madapa na ako sa kakamadali.

“Oh Jesus, my slipper… Vlaire, wait…” Narinig ko si Caleigh sa likod. Halos maubusan ng hangin.

“Bahala ka diyan! I need to save my life…” sagot ni Vlaire na nakipag-unahan sa’kin sa pag-akyat. Mahirap pa naman bumalik sa pinanggalingan namin dahil medyo madulas ang mga bato’t malambot ang lupa.

Kahit naiihi na ako’y natawa ako sa nangyayari.

“Walang hiya kang babae ka. Kaibigan talaga kita,” ani Caleigh, seryoso pa siya pero tuloy-tuloy lang si Vlaire. Tumatawa na rin. Nahuli na kasi si Caleigh nina Cyclone at Dew sa baba na nakasuot na ng mga trunks. “Hindi ako tumingin. Promise! Wala akong nakita. Dew… Cy… Put me down.”

Hindi ako lumingon. Kasi feeling ko may bigla na lang hahablot sa’kin. Maya nga lang ay narinig ko ang malakas na tili ni Leigh at impact ng pagbagsak sa tubig.

“Kuya, hindi ako ang nagpasimuno nito!” apila ni Denice. Nabundol ako sa likod ni Angel.

Nasa tabi namin si Irish, pawisan at hinihingal. Nakaharang na sa daraanan namin sina Brix, Serg at Zyle. Tiim ang mga bagang at masama ang tingin sa’min. Napaurong ako. Si Zyle ay tinititigan nang matiim si Denice. ‘Tapos binuhat niya ang kapatid.

“Kuya… hindi nga ako. ‘Yang ex-gilfriend mo ang sisihin mo.” Agad din niyang pinakawalan si Denice. Nagtago si Den sa likod ko. Pumitik ang aking pulso.

Lumapit si Zyle sa’min. Si Kez ay nakisiksik. Lahat pala kami’y nakadikit na ang likod sa bawat isa. Napaupo na nga kami sa mga bato. Ni hindi namin magawang tumawa. Nakakatakot kaya sila.

Nasa harapan namin sina Serg, Brix at Zyle, iba-iba ang aura. Sa kaliwa ko sina Green at Jerson na may nakakalokong ngisi. Shit! Nagsama ang dalawang siraulo.

Sa kanan naman ay ang seryosong mga titig nina Kuya Xyrus at Grant. Napaiwas agad ako ng tingin.

Wala naman akong kasalanan.

At kapag bumalik naman kami sa ibaba, nag-aabang ang mas nakakatakot na sina Cyclone at Dew.

I wonder if Caleigh’s alright.

“Ikaw na naman ang nag-isip ng kalokohan na ‘to?” matigas na tanong ni Zyle. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil alam kong si Kez ang kausap niya.

“Hala! Ganda ko talaga, ‘no? Ako agad sinisi mo?” Nakakaloko pa ang boses ni Kez, nang-aasar. Pinipigilan ang matawa. “Mas pinili mong paniwalaan si Denice palibhasa kapatid mo?” May nahihimigan akong kakaiba sa boses niya. “Ex-girlfriend mo ba ako? Gago ka, ah! ‘Di ba, girlfriend mo ako?”

Napatingin ako sa kanya kasabay nang tilian ng mga kasama ko. Napangiti ako. She’s really something.

Si Zyle ay nagulat. Natulala pa nga. Kinantiyawan siya ng barkada. Si Kez, may sinisenyas. Nasa likod ang kanyang mga kamay. Ibinaba niya ang hinliliit hanggang sa hinlalatok. “Takbo!”

Nagulat na lang ako nang hilahin ako nina Angel. Kaso hindi rin kami nakalabas dahil napalibutan na kami ng Hot Dogs.

Lalong dumilim ang mga mata ni Zyle. Hinawakan niya ang braso ni Kez. “So, ikaw nga?” Tumango-tango siya, maigting ang panga.

“Damn you! Hindi nga kasi ako. Si Xhai...”

“Eh!?” Napanganga ako. Ako?!

“Ikaw?” Hindi makapaniwalang tanong ni Grant.

“No… You know I can’t.” Kulang na lang tumilapon ang ulo ko sa sunod-sunod kong pag-iling. Nadidistract pa ako sa mga katawan nila. Ba’t ba nakaboxers sila? Darn! Naalala ko na naman ‘yung nakita ko. Sorry Dew. Sorry Cyclone. Mahirap kalimutan. “It was Gel’s idea.”

Tinitigan siya ni Kuya Xyrus ‘tapos biglang hinimas ang batok. Napanguso ako. Tsk!

“Oh, ano ngayon kung ako? May problema ka sa’kin, Xyrus?” madiin na tanong ni Angel.

“Wala naman akong sinabi, ah!” sagot ni kuya.

“Boom! Ang sakit, Gel,” halakhak ni Brix na sinundan ng ibang Hot Dogs. Sinaway sila ni kuya dahil ang sama ng tingin ni Angel sa kanya.

Napatili ako nang bigla akong hatakin ni Grant. Nasubsob ako sa dibdib niyang basa pero mainit. Daling dumaloy ang dugo ko patungong pisngi. “Let’s swim,” bulong niya. Nagtayuan balahibo ko sa batok. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa falls.

“Kayong dalawa! Hindi kayo p’wedeng magsama…” May sumigaw niyon pero hindi ko na alam kung sino. Mabilis kaming tumalon sa tubig kahit nakapajamas pa ako.

“Xhai, Grant, ‘wag n’yo kaming idamay!”

“What the fuck! Lumabag na naman kayo.”

“Oh my God! Mapaparusahan tayo.”

Nagkakagulo na sila. Nakalimutan na ang nangyaring eksena at sa’min na napunta. Natatawa ako sa kanilang reaksiyon. Agad silang humabol sa’min. Hinawakan ni Grant nang mahigpit ang bewang ko.

“Hold on…” Lumusong kami sa tubig at lumangoy palayo.

Bawal kasi kaming magkadikit. Hanggang bukas pa kami hindi p’wedeng maghawakan ng kamay o mag-usap man lang. Iyon ang parusang nakuha namin kagabi dahil late kaming nakabalik ng site. At nabuko pa kami ni Kuya Clyde na naghalikan.

At sa oras na lumabag ulit kami, mapaparusahan kaming lahat. Buong Sexy Chicks at Hot Dogs. Hindi lang namin alam kung gaano kalala.

Kaso mukhang parehas ang tinatakbo ng utak namin ni Grant sa mga oras na ‘to. Masarap ang bawal.

Kaya… Enjoy the moment and tug others to hell.

“Separate them!” Chorus nina Zyle at Keziah. Dahil sila ang leader ng bawat grupo’y tiyak na susundin sila ng barkada.

Nagtatawanan kami ni Grant habang lumalangoy palayo sa kanila. Mabuti’t magaling naman akong lumangoy. Malalim nga ang tubig dahil hindi ko maabot ang ibaba. Si Caleigh na kanina pa sa tubig ay lumapit sa’min. Of course, gano’n din ang gagawin niya sa binabalak nila.

Utos kasi ni Kuya Clyde.

Alam naman namin ni Grant na mahuhuli kami.

Pero ewan ko ba… sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag-enjoy nang ganito.

*.*.*.*.*

HULING ARAW na namin ngayon sa isla. Nakaupo ako sa hagdan ng isang cottage, nakatingin sa maaliwalas na kalangitan at malawak na dalampasigan. Sila naman ay nagpapahinga dahil sa ginawang treasure hunting kahapon sa buong Trese Paradise.

Tatlong grupo lahat. Anim na myembro ang bawat pangkat. Kasama si Jensen sa laro. Si Kuya Clyde ang naghahandle.

Ako… bystander. Why?

Doon pala gagamitin ang binunot naming bato’t dahon nung nakaraang gabi. Para malaman kung sa group W, X or Y mapapabilang. ‘Yung colors panggulo lang. Kaso letter Z ang nabunot ko. Pinagtawanan pa nila ako. Ginawa akong replacement kay Jensen ni Kuya Clyde. Ang unfair ng buhay.

Kaya pala sila umalis kahapon ay para asikasuhin ang treasure hunting. Pinagplanuhan na nila ‘to, pero pumunta sila sa Caballero Island, kay na Jensen, para kunin ang mga tatlong moderate size yachts na gagamitin.

Nag-enjoy talaga sila, pero ako nakakapit lang sa likod ni Kuya Clyde habang nanunuod. May sarili kaming sailboat. Pero iba kasi ‘yung feeling kapag ikaw ang nasa game.

Pasado alas nuwebe na ng gabi natapos. Of course, ang grupo nina Jensen ang nanalo, kagrupo niya pa si Gel kaya lopsided ang laro.

Hanggang ngayon ay tulog pa rin sila, ala-una na ng hapon. Si Grant ay isinama nina Kuya Clyde sa pagbalik ng sailboat at mga yachts sa Isla Caballero. Huling pag-uusap namin ay nung naligo pa kami sa falls.

Ang loner ko tuloy.

Pumasok ako sa loob ng cottage. Inaantok na naman kasi ako kahit hindi naman ako nakapaglaro.

Nagising ako na madilim at umuuga ang paligid. May kalakasan at malamig ang simoy ng hangin. Itim lang ang aking nakikita. Napakapa ako sa mata at may takip ito. Kinilabutan ako. Bumaliktad ang aking sikmura. May naririnig akong bulungan. Pamilyar ang boses nila, kaso wala akong maintindihan ni isa.

Nagsalita si Denice, pumangibabaw ang boses niya. “Oh God, she’s awake. Faster, guys…”

“T-Turn off all the lights.” Boses iyon ni Grant. Hindi ako maaaring magkamali. Kaso ba’t siya natataranta?

Mas naging magalaw. May mga nagtatakbuhan kung saan. Nakaupo ako sa sahig. Malakas ang hinala ko na nasa isang yacht kami at kasama ko ang buong SC at HD.

Mabilis kong kinalas ang blindfold dahil malakas at mabilis din ang tibok ng puso ko. Napakusot pa ako sa mata dahil madilim pa rin. Nang makapag-adjust ay tama nga ang aking hinala. Nasa yate kami na mas doble ang laki sa ginamit nila kahapon.

Napatayo ako at hinanap sila kaso nakapagtago na sila. Napanguso ako. Isa lang ang sigurado ako… pinagtitripan nila ako.

Nakapatay lahat ng ilaw sa yate. Full moon na at maraming bituin sa kalangitan. Nasa gitna kami ng dagat. Tila patag na lupa ang tubig dahil mahinahon ang alon. Nagrereflect din dito ang liwanag ng buwan.

Umikot ako para alamin kung saan kami eksaktong naroroon. Nakikita ko ang structure ng Roa Island sa ‘di kalayuan, gano’n din ang Loriete’s at ibang isla. Napangiti ako dahil nasa pinakagitna kami, malapit sa Isla de Carpio na kung saan matitingnan mo ang buong Trese Paradise.

Mas maaappreciate mo lang ang ganda at yaman ng lugar na ‘to kapag araw, pero mapapasinghap ka sa mga iba’t ibang kulay ng liwanag na nagmumula sa mga ito tuwing gabi. Tila nasa isang paraiso kami.

Naglakad ako, nag-iingat dahil madilim. Hindi sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang buong sulok ng yate. “Guys, this isn’t funny. Don’t play games with me!” Kaso wala akong nakuhang sagot. Ihip lang ng hangin at galaw ng tubig ang naririnig ko. “Grant, where are you?”

Mabilis ang aking hininga. Of all the people, why me? Bakit ako ang pinagtitripan nila?

Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung ano’ng sunod na mangyayari. Naglalaro sa isip ko na may biglang bubuhos na harina mula sa taas pero tanging mga kumikislap na bituin at buwan lang ang natatanaw ko. O kaya baka pinaparusahan ako ni Kuya Clyde, pero may kasalanan ba ako? Oo pala, may kasalanan kami ni Grant. Pero ba’t ako lang ang pinaparusahan?

Napatingin ako sa suot ko. I was still wearing my claret blouse and beach pastel shorts. “Grant!” I panicked. I wasn’t fond of surprises.

May bumukas na mga ilaw sa likod ko. Mild lights that emulated the blazes of the stars and the moon.

Then I saw Grant standing in front of me, smiling and eyes-glittering scrutinizing all over my body. I smiled back.

He wore a knee-length dark shorts, floral polo top—which all buttons were unfastened—and a russet cap. And he’s holding a chestnut acoustic guitar. He looks like a handsome and much taller version of Bruno Mars.

He’s more attractive, of course; not that BM isn’t, he’s fine but he’s not Grant.

I giggled while my eyes were busy fantasizing his pulse-raising and heart-thudding hotness. His firm muscles and abs were all visible for me to gawk at. “What are you up to? Why are you wearing like that?”

Kakanta siya? Really? Kanta at Grant sa isang pangungusap? That’s new!

I pouted and tilted my head a little. Darn! He’s still sexy even with a flower-patterned cloth. Gabing-gabi.

Hinawakan niya ang cowboy-cap dahil muntik nang liparin. Inayos niya ito at napansin ko ang panandaliang paggalaw ng Adam’s apple niya. And his hands were trembling. Masyado bang malamig?

Muntik niya pang mabitiwan ang gitara. Narinig ko ang bungisngisan sa magkabilang tagiliran ko. Malamang doon nagtatago ang iba. Kaso hindi ko pa rin sila makita dahil tanging sa puwesto lang ni Grant may ilaw.

So, may binabalak nga sila!

“H-Heather…” Naitaas ko ang kilay dahil pati boses niya’y nanginginig. He paused and cleared his throat. Then… “Let’s get married, Minnie! For real… please, marry me.”

Kumurap ako, hindi ko mabilang kung ilang beses. My jaw dropped and I covered my mouth. Wala akong mahagilap na salita. At nangangatog ang katawan ko. Kulang na lang lumabas ang puso ko sa’king dibdib.

And he didn’t say anything after that. He was just watching my reactions. He’s serious now and I could feel that he was nervous as hell. He’s waiting for my response. I didn’t stop blinking to prevent my tears from falling.

Oh God, nananaginip ba ako?

“What the fuckin’ hell, Grant? Where are your script? Your heart-touching speech? Mukha kang tanga kakapraktis kanina? Asan na?”

“You’re supposed to sing first, idiot, that’s why you’re carrying a guitar. Oh c’mon, that was the lame proposal I’ve ever seen. So gayshit, brad…”

“And we’re going to perform before you propose. That was the original plan. What the heck? You don’t have any balls, dude. Masyado kang excited. Hinding-hindi kita gagayahin.”

Naririnig ko ang mga boses ng HD at tilian ng mga SC. Naghahalo-halo na ang mga ito kaya hindi ko na alam kung sino’ng nagmumura, ang nang-aasar kay Grant, o ang napapahikbi. Pero hinding-hindi ko maiwasang mapakinggan ang sinabi ni Brix.

“The fuck, Grant? After all these years, you’re still the same. You’re asking her to marry you yet you’re still limiting yourself to voice out, to reach out. The hell, brad! Akala ko ba ako ang torpe sa’ting dalawa? Damn you, ulitin mo!”

“Tangina, Brix Vincent Flores! Ikaw ba ang nagpopropose?” apila ni Angel, pero hindi ko pa rin maibaling ang tingin ko sa kanila. I was frozen from where I’m standing.

Umilaw na ang bawat sulok ng yacht. Nakikita ko sa kaliwang tabi ang Hot Dogs. Nasa kabila naman ang Sexy Chicks. At ngayon ko lang napansin na nasa pinakagitna ako habang kaharap ko si Grant. Sa sahig ay may mga pula at puting petals ng roses.

Hindi ko pa rin mahanap ang aking boses. Unti-unting umiiba ang kanyang aura. Habang tumatagal alam kong mas kinakabahan siya. At gano’n din ako.

But I couldn’t move my lips even my hands.

Totoo ba ‘to? Kumurap ako.

“Dew, itigil mo nga iyang pagvivideo.” It was Keziah. “Umalis ka sa gitna nilang dalawa. Masasapak kita!” Pero kahit na nasa harap ko si Dew at nakatutok ang camera kay Grant ay tila hindi ko siya napapansin.

Hinatak siya ni Kuya Clyde at kinuha ang camera. “Don’t need for this. There are cameras on this yacht!” Nagbabanta ang boses ni Kuya Clyde.

“But I want to have a personal copy!”

“Why are you sobbing, Rish?” Denice asked. “Xhai should be and not you.”

Right. I should be crying. Kasi ito ‘yung matagal ko nang gusto. Nandito na, oh. Pero ayaw tumulo ng luha ko.

I’m so happy… so damn happy that my chin and lips were shaking but my eyes couldn’t even release a tear.

“I know…” humihikbi si Irish. “It’s just that after everything they’ve been through they still ended up with each other. And the fact that our bond we’re soon to be broken startled me. Any time soon, maybe you or anyone else on this yacht will be the next to get married.”

“Ate, ba’t pati ikaw umiiyak?” si Caleigh.

“Can’t you see?” Narinig ko ang pagsinghap ni Shantal. “Kasama nila tayo’t naririnig pero tingnan mo, wala silang pakialam. They’re just staring at each other like they were the only people in the earth. They have this unbreakable connection. No word has been spoken yet they knew what they want. Nakakainggit lang.”

“I’m happy for them.” Nagpahid ng luha si Vlaire. Gusto ko na tuloy maiyak.

May mga nagbabagsakang confetti na mukhang snow na hindi ko alam kung saan nagmumula. May malamlam na musika na tumutugtog. May nagkikislapang fireworks sa kalangitan. At may nakasulat sa pinakacentro ng Trese Paradise, sa itaas ng pinakamataas na building sa Isla de Carpio, kumikislap na mga ilaw, iba’t ibang kulay sa malaking billboard na: “Xhaiden Heather Roa, MARRY ME!”

Wala na akong balak alamin kung paano ni Grant plinano ‘to. Kasi sa dalawang salitang iyan ay masaya na ako. Isa sa mga pangarap ko ang engrandeng marriage proposal. Pero kapag nandito ka na pala… wala, eh.

Yes, maaappreciate mo. Pero hindi nun matutumbasan ang nag-iisang taong gusto mong pakasalan na nakatayo sa harapan mo’t niyayaya ka niyang makasama siya.

Kahit gaano kaganda ang isang proposal kung hindi mo naman gusto ang taong iyon, wala ring silbi. That’s just bullshit!

Status is just a bonus but true love is topnotch. Superb!

Kaya wala akong pakialam kung hindi nasunod ang orihinal na plano. Kasi sa sobrang saya ko ngayon hindi ko na magawa ang umiyak. I was speechless. Breathless.

“Dammit! Don’t say anything,” maya’y sambit ni Grant. Tinanggal niya’t hinagas ang sumbrero sa dagat. Ginulo niya ang kanyang buhok na para bang frustrate na frustrate siya sa sarili. “Just pretend that I didn’t propose yet. I’ll stick to the original plan. But I can’t undo the fireworks, the fake snows and the billboard, just don’t mind them.” He rubbed his chin, unsure of what he was doing. Nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Napangiti ako.

Idiot, stupid, crazy at kung ano-ano pang salita ang narinig ko sa barkada na katangahan lang naman sa Tagalog ang ibig sabihin. Natawa na lang ako at tumango.

Inayos ni Grant ang gitara at tumikhim siya. Kinagat ko ang labi kasi pinipigilan ko na ang humagalpak.

My heart was still thumping so fast and my face was red like fire but I’m at ease now. He started tapping his guitar. My smiled widened. Kasi kahit sa paggigitara, ang trying hard niya. Mali-mali pa nga ang chords minsan at nagiging sintunado.

Kaya hindi na tumigil sa pang-aalaska ang barkada sa kanya. But he didn’t mind them. I wonder how long he practiced in order to do this.

Then he started singing…

[If you’re not the one then why does my soul feel glad today? If you’re not the one then why does my hand fit yours this way? If you are not mine then why does your heart return my call? If you are not mine would I have the strength to stand at all?]

Lumakas ang tawanan nila. Kung ano-ano na ang sinabi ng HD sa kanya. Tumigil na raw siya sa pagkanta. Ibasura na ang plano. Ako pinipigilan ko rin kaya hindi ko na tinanggal ang palad ko sa bibig dahil ayokong isipin ni Grant na pinagtatawanan ko siya.

Oh God, pati sa pagkanta, wala siyang ibubuga.

Mas sintunado pa siya sa hawak niyang gitara. But tonight is the most wonderful night of my life.

[I'll never know what the future brings, but I know you're here with me now. We’ll make it through, and I hope you are the one I share my life with.]

“Damn, Grant! Itigil mo na ‘yan…” natatawang pahayag ni Jensen. Sinigundahan naman siya ng kapatid na si Jerson. Hanggang sa sumang-ayon ang lahat. Tumigil tuloy si Grant sa pagkanta pero nagpatuloy sa paggigitara.

“Tumahimik nga kayo!” Pinandilatan niya ang mga ‘to. Humawak na ako sa sikmura. Ako lang ang nakakaintindi na kaya siya tumigil ay dahil masyadong mataas ang chorus. Hindi na niya kinaya ang first two stanzas, eh.

Now, I know, kung bakit hindi niya itinuloy ang planong ‘to kanina. He was unsure of it and he was definitely sure that we’ll laugh at him. At baka hindi niya maituloy ang proposal.

“Sa inyo ba ako nagpopropose?” Oh God! I can’t stop laughing. Mas mapula na siya kaysa sa’kin.

Ba’t ba kasi sa lahat ng kanta’y If You’re Not The One pa ni Daniel Bedingfield ang naisip niya? Napakataas! Pero simula ngayon ay ito na ang favorite song ko. Pangalawa na lang ang ‘Thinking Out Loud’ at ‘Just The Way You Are’ na parehas na may mga special memories sa’kin.

[If I don’t need you then why am I crying on my bed? If I don’t need you then why does your name resound in my head? If you’re not for me then why does this distance maim my life?

If you’re not for me then why do I dream of you as my wife?]

Kaso hindi pa rin siya nagpaawat kahit nilapitan na siya ni Cyclone at Serg at tinap siya sa balikat. Nakikitawa na rin siya. Kaso kahit ganoon ay damang-dama ko pa rin ang mensahe ng kanta kahit na napakasintonado niya.

Mahihiya si Daniel Bedingfield sa kanyang ginagawa. At konting taas lang ng nota’y napapapiyok siya.

Tumahimik muna kami dahil alam naming mataas ang kasunod. Nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi namin siya mapipigilan pa. Napahilamos ako sa mukha’t napapailing. His head was moving according to the song’s rhythm. He was tapping his foot on the floor and he enjoyed it so much.

[I don’t know why you’re so far away, but I know that this much is true. We’ll make it through, and I hope you are the one I share my life with. And I wish that you could be the one I die with. And I pray in you’re the one I build my home with. I hope I love you all my life.]

Hinablot ni Kuya Clyde ang gitara habang kami’y nagtatawanan. Ang taas talaga nun at napatakip na sila sa tainga dahil sa pagbirit ni Grant na walang hustisya. Humalakhak ako.

Kung ganito lang kanina’y hindi ko talaga iisipin na nagpopropose siya. Masyado niyang pinapahiya ang sarili pero tuwang-tuwa pa siya. I didn’t see him like this before. Never!

Napalingon kami sa likod nang tumugtog ang Marry You ni Bruno Mars. Nakita ko si Green na prenteng nakaupo sa tabi ng malaking speaker. Hawak niya ang controller nito.

Nakatitig siya sa’kin. Kumindat siya’t nagthumbs-up. Nginitian ko siya.

Napamaang na lang ako nang bumuo sila ng bilog at pinaikotan kami ni Grant.

“Where’s my cap?” Nataranta si Grant habang hinahagilap iyon. Nakalimutan niya?

Binatukan tuloy siya ni Kuya Xyrus. “Tinapon mo!”

[It’s a beautiful night we’re looking for something damn to do. Hey baby, I think I wanna marry you]

Nagsimula nang kumanta si Bruno Mars sa background at sinasabayan ni Grant. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtawa. Matatakot si Bruno na makipag-eyeball sa kanya.

Sa tuwing humihinto siya’y ang Hot Dogs o kaya ang Sexy Chicks ang magkakantahan. They were dancing in the circle. Hands-clapping and waving. Body-swaying. Feet-tapping. Pero walang tatalo kay Grant.

Mabuti naman at hindi siya awkward tingnan sa tuwing sumasabay sa beat ng kanta. Dahil kapag nangyari ‘yun ay tiyak na hindi siya biniyayaan ng kahit anong talento. But I can assure you as hell, he can dance so well.

Nakakasabay siya kay na Jerson, Zyle at Keziah na talagang mga dancer sa’min. No wonder he was good in bed.

Great, Heather. Stop thinking. Enjoy the moment.

Lumapit siya sa’kin habang gumigiling. Bawat galaw niya’y sinusundan ko ng tingin. Maya’y hinawakan niya ang kamay ko’t ipinaikot ako at sinalo sa kanyang mga bisig. Darn it!

Hinding-hindi ko talaga pagsasawaan ang mga yapos niya’t samyo. Nakangiti pa rin siya kaya hindi rin nawala ang sa’kin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Natapos na ang kanta’y hindi niya pa rin ako binibitiwan. Bumalik sa malumanay at romantikong setting ang musika. Pumunta sa dating pwesto ang HD at SC.

Grant took my hand and his other leapt on his pocket. Then he drawn out the small red box. It was now on his palm. He opened it. White diamond with silver ring presented on my soggy eyes. It’s simple yet exquisite.

At kapag nagkamali akong pumunta ng Divisoria na suot ito’y baka mapahamak ako. Halatang mamahalin at hindi ko nanaising tanungin ang presyo nito’t tiyak mapapasinghap ako. Hindi ko pa nasusuot pero alam kong sakto lang ito sa’king palasinsingan.

Nagtitilian ang Sexy Chicks. Wala akong ideya kung ano’ng reaksiyon ng mga Hot Dogs. I just bit my lip hard. Ang tibok ng puso ko na hindi pa bumabalik sa normal ay muling sumikdo nang napakabilis. Kung hindi lang hawak ni Grant ang kamay ko’y baka napaupo na ako sa panghihina ng aking mga tuhod.

Nakatitig lang ako sa kanya. He’s still smiling but now I’m crying.

Hindi ko na kasi napigilan. Pinunasan niya ang gilid ng mga mata ko’t pisngi pero patuloy pa rin sa pagdaloy ang mga luha ko. Masaya ako… masayang-masaya ako! Wala nang mas sasaya sa’kin ngayon pero bakit ako umiiyak?

Kinuha niya ang singsing. Mas dumiin ang kagat ko sa labi. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang itong dumugo. “Heather, you know how much I love you and you know that I can’t live happily now without you. You’re the one.” Umpisa niya’t parang sasabog na ang aking dibdib.

God, don’t let me die because of a heart attack.

“You’re the one I badly want. The one I daily need. The one I desperately loved, I still love, and I’ll love. You’re the one who drives me crazy. You’re the one I can spend comfortable silences with. You’re the one who believes in me, even when I stopped trusting myself. The one who stands beside me, through thick and thin. You’re the one who have never leave me even though I’ve been keep on pushing you away from me.”

“I’m so sorry and thank you for everything because you’re the only person who’ve made the best version of me. You were and still the one. No one else.”

“You’re the one who I wouldn’t mind waking up every day for the rest of my life. You’re the one who makes me glad to be alive. In my heart, you’ll never be removed and you’ll never be replaced. I wanna have kids, to build a family, with you; to grow old and die beside you.”

“I knew that from the day I met you, we’ll be together; now I know I want be with you forever. I promise that I’ll be with you as long as you want me to. Until the day I die, Minnie, I’ll never leave you.” Namumula na rin ang kanyang mga mata. He paused and stared at me intently.

“Xhaiden Heather Roa, I’m insanely in love with you. Yes, I fuckin’ do. And I wanna marry you. Papakasalan mo ba ako?”

Hindi na yata ako makakapagsalita dahil sa paghikbi. Nanginginig ang mga kamay niya pero walang-wala iyon sa pangangatog ng aking buong katawan. Nang hindi ako sumagot ay bigla siyang lumuhod at hinalikan ang palad kong hawak niya.

Napatutop ako sa bibig. Sa halip na sumagot ay bigla na lang akong tumawa nang malakas. Mukha akong timang na umiiyak pero tumatawa.

He frowned. “You’re laughing at me again. You don’t want to marry—”

“Of course, I’ll marry you, Grant!” awat ko sa kanya. “It’s just that…” Umiling ako’t tinuro ang kanyang bulaklakin na polo. “Magpopropose ka na nga lang sa harapan ko, baliktad pa damit mo.” Humalakhak ako. Nakikita ko kasi ang pinagtahian nito. Naiimagine ko tuloy kung gaano siya nataranta kanina habang natutulog ako.

Napatayo siya’t agad na hinubad ang damit. Hindi na niya ito muling isinuot at nabura ang ngiti ko. Nanggigigil akong hawakan ang muscles niya’t himasin ang abs niya. Ngali-ngaling batukan ko ang sarili.

“What did you say?” Malapad ang kanyang ngiti. Pero hindi ko maiwasan na magnakaw ng sulyap sa katawan niya.

Calm down! Please lang… ‘wag kang hihimatayin!

Napanguso ako, nagpahid ng luha. “I said, I’ll marry you—” Hindi ko na natapos nang biglang niya akong kabigin at binuhat sa ere. Ipinaikot niya ako habang natatawa ako.

Then he put me down, crushed my body against him, and kissed me intensely. Hindi na ako nahiya kahit na maraming nanunuod sa’min at naghihiyawan pa. Gusto ko lang talaga siyang halikan kanina pa.

“Shit! The ring…” Hinawakan niya ang kanang kamay ko. Nanginginig ang kamay niya kaya hindi niya maisuot sa’kin ang singsing. At nanginginig din kasi ako. Natawa kami at hinawakan ko ang knuckles niya para tulungan siyang isuot iyon. Dinampian niya ng halik ang mga daliri ko pagkatapos. “You don’t have any idea how much I’m happy right now.” He stole a smack peck on my lips. “I love you.”

I beamed. “I love you more.” I took a quick kiss.

He glared. “Mas mahal kita.”

I scowled. “Mas mahal kaya kita. Obsessed nga ako sa’yo, ‘di ba?”

He raised his left brow. “Nagpagamot ka na, ako hindi pa. Kaya mas mahal kita. Mahal na mahal. Hindi pwedeng mas mahal mo ako. Naiintindihan mo?”

“I’m obsessed with you, Mickey!”

“I’m more obsessed with you, Minnie!”

Mukha akong sira kasi ‘di na nabubura ang ngiti ko. “Eh, loko ka ba? Mas mahal nga kasi kita, eh. Tapos!”

“I love you… At hindi iyon matatapos!”

“Tama na nga ‘yan. Masakit na kayo sa mata!” Natigil lang kami sa pagbabangayan nang lumapit sa’min ang lahat at siniksik kami.

Hindi ko alam kung sino ang biglang nagbuhat sa’min ni Grant sa ere. Tatawa na sana ako. Kaso agad nanlaki ang aking mga mata nang magbilang sila hanggang tatlo at tumakbo palapit sa gilid ng yate. Pumalag ako. Kaso huli na.

Ang lakas ng tili ko habang sabay nila kaming hinulog ni Grant pabagsak sa malamig na tubig-dagat. Wala akong nagawa kung hindi mapasinghap. Naghalakhakan sila.

Napamura si Grant at mabilis akong nilapitan. Niyakap niya ang mga braso sa bewang ko. Bago bumulong sa gilid ng aking tainga na nagpatayo ng mga buhok ko sa batok. “Mas mahal nga kasi kita!” Napapikit na lang ako, napasapo sa noo. Akala ko tapos na… hindi pa pala.

--

#IAR #InaREALationSHIT

Click the ★ button.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 30K 14
Collection of my one-shot stories written from 2011-2016. Book cover by Taryn [@soundthealarm]
84.3M 1M 98
Now a published book! TBND Part 1 and Part 2 are already out at bookstores and newsstands nationwide. © ScribblerMia, 2012 Book Cover by: ‪Colesseum
8.1M 523K 59
Cardinal Series 1 Soul Trilogy (Book 1) *** "Whatever it takes..." I was as good as dead that night. But strangely, I woke up the next day without an...
24.3M 710K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...