Imagination's Cut: Angelo&Yna...

By TheOneThatGotAwayyy

175K 6K 1.1K

A collection of one shots of scenes written and inspired by the series. Everything written here are pure prod... More

A Night in Serenita
Love Lock: Ako'y Sayo at Ika'y Akin Lamang
The Proposal
The Angel and The Butterfly
The First Encounter
Tatay Alert (Special Chapters)
Cottoncandy (Special Chapters)
Ang Beer Na To o Ang Pagibig mo?
Desisyon
"Grow Old With Me"
The Plan
Biyahe
Kumot
Last Christmas (Special Chapters)
Adobo (Special Chapters)
Menu
Muli
Nagbalik
Ice Cream (Special Chapters)
P R O T E C T O R (Special Chapters)
Tugtugpak! (Special Chapters)
Reception
PSY Finale Presscon
#PSYWagasNaPangako
Please READ

Omelette

5.2K 205 30
By TheOneThatGotAwayyy

Angelo

Pagkatapos ng dalawang taon nasa iisang kusina ulit kame, malapit pero parang ang layo. So near and yet so far.

Iba na siya. Iba na rin ang puso niya.

Binuksan ko ang pintuan at naabutan kong nakatalikod si Yna.

Muli, namangha ako sa babaeng minahal ko at tila minamahal ko pa rin.

Tindig at kilos, malayo na sa nakilala ko.

"Yna...Yna.."  tinawag ko siya ngunit hindi niya ako narinig.

Dalawang taon ko na rin tinatawag ang pangalan niya, gabi gabi kong binubulong sa mga bituin sa langit, laman ng mga panalangin ko at ngayon nasa harapan ko ulit ang bituin, ang aking panalangin.

Dalawang taon Yna. Dalawang mahabang panahon.

Naabutan kong binabagsak niya ang buhok niya sa pagkatali, dahan dahan kong pinagmasdan ang mga galaw niya. Ganoon pa rin. Walang nagbago. Natutulala pa rin ako.

Lumapit ako sa kanya, ingat na ingat, dahan dahan, hinakbang at nagbabalik.

Namangha ako sa gulat na nakita ko sa mukha ni Yna, para bang laman ako ng isip niya at alaala.

"Imposible." sabi ko sa isip ko. Imposibleng ako ang nasa isip ni Yna. Dalawang taon na Anghelo, paalala ko sa sarili ko. Matagal ka ng naglaho.

"Sumama daw pakiramdam mo, okay ka na?" natuwa ako sa pagkaipit ng boses niya. Kinakabahan ba siya? Pinapakaba ko ba siya?

"So, anong gusto mong gawin ko dito?" tanong ko kay Yna. Hindi ko maintindihan kung bakit napapatigil siya sa kada salita ko.

"Anong sabi mo?" Huwag mo ng ipa ulit sa akin dahil hindi na biro ang sasabihin ko dahil totoo na "It hurts Yna."

Dinaan ko sa patatas ang nais kong sabihin. Gusto ko na siyang yakapin, yung may kahulugan.

Yakap na ang ibig sabihin "Ang sakit na mahal ko, sobrang sakit na, bakit ganito?"

Sa huli ay wala rin akong nasabi at nagawa kundi ang tingnan siya habang nilalaro sa apoy ang omelette at feelings ko.

Tinulungan ko siya sa pag abot ng pinggan kahit ayaw magpatulong, tinuloy ko pa rin.

"Ano bang kailangan mo? Ako na." Ako na lang uli sana Yna. Ako na lang sana ang kailanganin mo. Ako pa rin sana pero parang hindi na.

"Salamat Anghelo." ginising ako ng natutulog kong pag asa. Ako pa rin pala si Anghelo, ang Anghelo ni Yna.

"Ay Gelo noh? Gelo na tawag nila sayo." kahit ano Yna, kahit ano na lang Yna basta tawagin mo ko.

"Tagal niyo na rin ni David noh? Di na kayo nag hiwalay, two years?" Hindi ko rin napigilan ang magtanong. Bawat salita parang saksak sa puso. Parang calamansi sa sugat. Akala yun na ang pinakamahirap.

Pero ng sumagot siya ng "Oo,two years." Namatay ako ng paulit ulit ng tatlong salitang iyon. Tatlong salita na binitawan mo na parang wala lang. Hindi ako nakailag Yna.

Hindi ko na maramdaman yung puso ko, hindi na yata tumibok. Parang tumigil.

"Tagal na din ah, dami niyo ng pinagsamahan." sige pa Angelo, kumain ka ng bubog for breakfast ginusto mo yan.

"Kamusta? Masaya ka naman? Ah masaya naman kayo?"

"Masaya naman, okay naman kame." ang bagay na di ko naibigay sayo kahit kailan Yna.

"Mukha ngang masaya kayo, nagkaroon pa kayo ng negosyo na magkasama." yung pangarap natin natupad mo na pero hindi na ako ang kasama.

"Kelan pa natuto ni David magluto?" dati lugar ko yan sa buhay mo. Yan ang pinagmamalaki ko sayo. Na ikaw at ako parehas tayo, kusina ang palasyo. Pero iba na ngayon, reyna ka pa rin pero hindi na ako ang hari.

"Sa araw araw na magkasama kame, natutunan din niya." pigil na pigil ang puso ko na maiyak sa likod niya habang nagluluto ng bagong omelette. Sinabi ko naman sa kanya na ok lang at kumakain pa din naman ako ng sunog na itlog. Pero nag luto pa rin siya ng bago.

Parang ako ang omelette na yon.

Tinapon at pinalitan.













A/N

This is my own interpretation of that scene from last night  so the lines used are originally from PSY.  I can't get over from the feels kaya nagsulat ako. Hehe. Lets watch #PSYFreedom later.🙃 Thank you for reading.

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
82.4K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
239K 4.8K 49
Sapphira is a sophisticated and carefree woman but, commitment is her greatest weakness. She rather choose to be single for the rest of her life than...
39.7K 1.5K 39
Until when are you going to fear love?