Muli

4.3K 165 8
                                    

Ilang araw pagkatapos mahanap ni David at Chelsea ang bakery nila Lolo Greggy ay naipakilala na ni David si Yna sa kanila at sinabing sila ang magiging exclusive supplier nila ng cupcakes.

Personal na pumupunta si Yna sa Tina-Pie Bakery para ibigay ang orders. Bulod kasi sa malapit ito sa tinitirhan niya, ay naging magaan na rin ang loob ni Yna kay Lolo Greggy.

Unang beses ng pagpunta ni Yna sa bakery ay isang araw pagkatapos silang aksidente nagtagpo ni Angelo sa party.

One week ago..


Pagbaba pa lang ni Yna ng kotse ay amoy na niya ang masarap na bagong gawang tinapay sa loob. Sa di malamang dahilan ay nagpaalala ito sa kanya ng isang parte ng kahapon niya na hindi pa niya pala nakakalimutan.

"Ayan ka na naman Yna. Tigilan mo na yan. Isang beses lang yon, at hindi na mauulit pa. Walang ibig sabihin yon."  sabi ni Yna sa sarili niya.

Nakita na siya ni Kabayan na paparating. Dahil sa likas na kapilyuhan nito ay di niya pinalampas si Yna.

"Lolo Greggy, eto na po yata ang customer natin....at..napaka-ganda po ng customer natin..Juskopo." wari'y nagpapapogi pa si Kabayan sa paglapit ni Yna.

Lumabas si Lolo Greggy para tignan kung sino ang dumating.

"Good Afternoon po.. Ako po si Yna. Yna Macaspac. Ako po yung --" pagpapakilala ni Yna.

"...bestfriend at kasosyo ni David. Kilala na kita iha." inabot nito ang kamay ni Yna. "Halika pasok ka.." pag bati sa kanya ni Lolo Greggy.

Inaya nila si Yna paakyat sa bahay para mapatikman nila ang mga sample nilang gawang cakes at cupcakes.

Naglalakad na sila Yna nang may napansin siyang nakatalikod na lalake sa may likod ng bakery na parang nagaayos ng cake sa box, hindi niya ito makita ng buo dahil naka harang ang isang makina sa pag bake ng tinapay dito. Tanging braso, binti at paa ang nakikita niya rito. Naka sando ito na kulay asul.

Paakyat na sina Yna sa hagdanan, ay nagkataon na sakay si Angelo ng bisikleta palabas ng bahay para magdeliver ng order na cake sa kabilang baranggay.

Pinatunog pa nito ang bell ng bisikleta dahilan para lumingon silang tatlo dito. Si Kabayan, Lolo Greggy at si Yna. Ngunit di na nila ito naabutan, tanging likod na lang ni Angelo ang tanaw.

"Naku nakaalis na pala ang isang yon..." sabi ni Kabayan.

Nakita ni Yna, naka asul na sando at puting bandana sa ulo. Natigilan siya sa naisip at naramdaman niya. "Imposible." sabi ni Yna sa kanyang isip. Masyado na yata niyang naiisip si Angelo kaya kung kani kanino niya ito nakikita.

"Sayang iha, hindi mo naabutan ang apo ko...siya ang Master Baker dito." panghihinayang ni Lolo Greggy.

Ngumiti lang si Yna. "Sa susunod na lang po, kailangan ko po talaga siyang makilala kasi ang sarap ng mga gawa niya."

"Pogi yun, single din. Bigay ko sayo number mamaya.Bagay kayo..Araaay!" hirit ni Kabayan na nagpatawa naman kay Yna.

"Kabayaaaaan...baka naman matakotng bumalik si Yna dito at hinaharass mo." pagbabanta ni Lolo Greggy sabay hampas ng face towel kay Kabayan.

"Biro lang naman po Lolo Greggy.."

Naaliw si Yna sa mga bagong kakilala. Masayang nakipagusap si Kabayan at Lolo Greggy kay Yna. Naalala kasi niya ang Tatay Isko niya dito. Kung wala lang itong sakit ay ganito rin siguro siya kasing mapagbiro nila.

Naubos na ni Yna lahat ng samples na hiniram sa kanya at balak na niyang magpaalam dahil gabi na.

Dalawa na lang sila ni Lolo Greggy sa mesa.

"Lolo Greggy, salamat po dito sa cupcakes at sa kwento.." pagpapasalamat ni Yna. "Sobrang nabusog ako. Hayaan niyo personal po akong pupunta dito para mag place ng order para makapag kwentuhan tayo." ngiti niya dito.

"Walang problema Yna. Bukas ang bahay at bakery ko sa iyo." sabi ni Lolo Greggy. "At Yna.." pagtuloy ng matanda "..nararamdaman kong naghahanap ka ng makakausap."

Nagulat si Yna sa sinabi ng bagong kakilala. Ganoon ba siya kahalata at napansin nito ang nasa loob ng puso niya? Ngiti lang ang naging sagot ni Yna dito.

Pababa na sila ng hagdanan ng mag salita si Lolo Greggy "Nasaan na ba ang batang iyon at ginabi na hindi ka niya tuloy maabutan."

"Ok lang po Lolo. Makikilala ko rin siya.."

Naglalakad na sila palabas ng bakery patawid sa kabilang daan kung nasaan naka park ang kotse ni Yna. Sinamahan siya ni Lolo Greggy. Tumatawid sila ng napatingala si Yna sa langit. May mga bituin.

Natigilan na ulit siya. Nakatingin lang siya sa mga nagniningning na bituin. Mga bituin ma naging saksi ng pagmamahalan ma mayroon sila ni Angelo. Lumipas man ang mahabang panahon, nariyan pa rin sila nakadikit sa langit, hindi nawala. Minsan hindi mo sila makita pero hindi sila nawala.

Ganoon rin kaya ang pagmamahalan nilang dalawa? Hindi rin kaya ito nawala?

"Tumitingin ka pa rin ba sa mga bituin Anghelo?" sabi niya sa kanyang isip.

"Mahilig ka rin tumingala sa mga stars iha?" nagsalita si Lolo Greggy na nakapagbalik kay Yna sa kasalukuyan.

"Po?"

"Alam mo nakikita ko ang apo ko sayo. Yan, ganyan mahilig rin siyang tumingala sa langit na parang kinakausap ang mga stars na yan."

Natawa si Yna dahil parang ang weird niya tuloy. Parang weird din yung apo ni Lolo Greggy. Tumingala siya ulit habang nagsasalita si Lolo Greggy.

"Parehas din kayo may pangungulila sa mga mata.. ganyan din ang mga mata ni Gelo."

Hindi alam ni Yna pero parang may malamig na hangin dumaan at lumamig ang pakiramdam niya sa pagsambit ni Lolo Greggy ng pangalan na malapit sa pangalan ni Angelo.

Nahalata ni Lolo Greggy na natulala si Yna. "Iha, ok ka lang?"

"Ah...O-opo. Mauuna na po ako Lo. Salamat po ulit sa cupcakes." nagmamadali itomg umalis sakay ng kotse niya.

Maraming tumatakbo sa isip niya ngayon. Bakit biglang lahat yata ng bagay ay kinikonekta ng universe kay Angelo. Hindi niya alam kung saan niya mahahanap ang mga sagot.

Si Angelo nga kaya ang apo na sinasabi ni Lolo Greggy? Pero paano? Posible kayang pinagtatagpo sila muli ni tadhana? Posible kayang nagbabalik na siya?

Umiling si Yna at sinabing "Imposible."

















A/N : #HLWILY will be updated tonight. 🙃

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now