Biyahe

5K 201 25
                                    

Antok na tinignan ko ang relo ko.Alas 6 na pala ng umaga.

Mahaba na ang nabaybay namin palayo sa lugar kung saan iniwan namin ang sakit at hirap sa pagmamahalan namin dalawa. Pinili namin maging madamot,pinili namin ang pagibig na ipiningako sa isat isa. Pinili namin ang isat isa.

Tulog na ang ibang sakay ng bus na sinakyan namin ni Yna, binalot ko sya ng suot kong jacket kanina at ang himbing ng tulog nya sa dibdib ko.

Nakita ko kung gaano kapayapa ang tulog nya. Mahimbing at walang pangamba. Kahit na alam namin parehas na malalim na bangin ang tinalon namin sa desisyon namin magtanan.

Bangin man, pero ang pagmahahal namin sa isat isa binbigyan ako ng pag asa na may tubig na sasalo sa amin kung saan patuloy kameng lalangoy sa buhay na kasama ang isat isa.

Alam kong eto pa lang ang simula. Kaya ko ng harapin lahat hanggat hawak ko ang kamay nya. Kinuha ko ang ang kamay nya at dinala sa labi ko at hinalikan yon,dahilan na maalimpungatan si Yna.

Tinignan ko ang bagong gising na mahal ko. Tiningnan ko sya ng may ngiti "Good morning Yna.." at ngumiti sya pabalik sa akin at binati rin ako ng "Good morning..nasaan na tayo?" Hindi ko alam ang eksaktong lugar pero gusto ko lang sabihin sa kanya na andito sya kapiling ko.

Parang walang nagdaan na masakit sa amin ang mahalaga lang ay kasama ko sya at kapiling nya ako.

Niyakap ko pa sya ng mahigpit at sumisik pa sya lalo sa dibdib ko,pinikit ko ang mga mata ko habang inuulan si Yna ng halik sa ulo.

"Hindi ka ba natatakot?" bigla akong nagsalita. Hindi ko tinignan ang mukha nya sa tanong ko. May mga bagay akong takot makita sa kanya. Natatakot ako na hindi na ulit ako ang piliin nya,takot akong iwan ako ni Yna na magisa. Baka sa susunod hindi ko na kakayanin pa.

Naramdaman nya siguro ang takot sa boses ko at sa paghinga ko. Pinag siklop nya ang mga daliri namin at dinala sa dibdib nya at niyakap ang magkahawak namin mga kamay dahilan para maramdaman ko ang tibok ng puso nya--malumanay, hindi mabilis,tamang tibok na kailangan ko.

"Lahat ng takot dito nawawala pag naiisip kong andito ka,kasama ko Anghelo.." mangiyak nyang sinagot sa akin. Nasagot ng sobra sobra ang tanong ko sa kanya.

"Sa lahat ng desisyon na pwede kong isugal,ikaw ang di ko kahit kailan pagsisihan. Hinding hindi na kita iiwan,hinding hindi na.." pagpatuloy ni Yna.

Pumikit ako at siniil ng halik ang noo nya pinipigil ko ang luha ko. Gusto kong maiyak sa sobrang saya. Sa wakas nakahinga ako ng maluwag. Hinding hindi na kame maghihiwalay ni Yna.

Hindi nya alam kung gaano ako kasaya sa mga sinabi nya. Hindi nya alam kung gaano pa ako tumapang lalo para sa aming dalawa. Hindi na ako papayag na may pumagitna pa. Ilalagay ko sa lahat ng bato sa Punta Verde hindi ako papayag na sa dulo ay hindi kameng dalawa.

Nagpatuloy ang biyahe namin patungo sa lugar na malayo sa mga taong hindi tanggap ang pagmamahalan namin.

Sa buhay hindi kailangan laging ipagpilitan ang bagay na gusto mo pero pwede kang mabuhay na di nila tanggap yon. Sa oras na to pinili namin ang pangalawa. At sa araw araw,pipiliin pa rin namin ang isat isa.♥







A/N Para sa mga punong sawi sa PSY ngayong gabi. Kahit lang mga friends. Imurder nyo na lang si Bb sa mga isip nyo kasi sa akin abo na sya,sinilaban ko na sya! Haha.

Imagination's Cut: Angelo&Yna's Untold StoriesWhere stories live. Discover now