"MY BOSSY ASSOCIATE"

By yeshameenbrejente

657K 18.3K 723

"Kennedy Lorrenzo Villahermosa, also known as Kenzo Villahermosa, known as the Lecherous bachelor.Ang sinuman... More

"Kennedy Lorenzo Villahermosa"
Prologue: "El Tierro De Villahermosa"
"The Bossy and The Formidable"
"DANGEROUS ANACONDA"
"El Tierro de Villahermosa"
"CASA BLANCA TO EMERALD PLAYA"
"ALL OF HER"
"Just Can't Get Enough of You"
"The Shrewder, Kenzo!"
"THAT THING CALLED SELOS 2.0"
"CAN THIS BE LOVE?"
"LUST, NEED OR LOVE?"
"When He Cares"
"HIS PERPLEXING PERSONALITY"
"His Abrupt Changed of Scheme"
"HER LOVE'S BLISS"
"Goodbye"
"MUST BE LOVE"
"AFFECTIONATING HER"
"EXPECTING THE UNEXPECTED"
My Sweet-Tempered Man
"NEVER THOUGHT"
"Quickie Thing!"
"His Unromantic Proposal"
"His Never-to-be-forgotten-Past"
"Unbearable Pain"
"When Love Is Gone"
"When Love Is Gone 2.0"
"A Love I Could Not Forsake"
"Bless My Love"
"A Road To Forever"
"My Bossy Wifey"
"Epilogue"

"Love Is Worth Fighting For"

16.2K 554 36
By yeshameenbrejente

VILLAHERMOSA COUSINS
KENZO "My Bossy Associate"
Written by: Yeshameen Brejente

CHAPTER 30 "Love Is Worth Fighting For?"

#TheLastFourChapters

Check out my profile on Wattpad. http://w.tt/20cEGX0

HINDI na muna umuwi si Erine sa kanilang bahay. Mas pinili niyang mapag-isa na muna ngayon. She went to the Golden Gate Bridge again.

"Hindi mo na siya dapat pang sinundan. Hindi na sana kayo muling nakapag-usap." Sabi niya sa kanyang sarili. "Ang problema saiyo, ang tigas din ng bungo mo eh!" kastigo niya sa sarili. Naiisip niya lang kung bakit sa dinami-dami ng lugar dito sa America ay dito pa sila nagkita ng binata. Kung bakit kasi kailangan pang mag-krus ng landas nila. Parang bumabalik ang lahat sa kanyang utak. Hindi naman lahat ng malungkot at masakit na alaala ang naglalaro ngayon sa kanyang gunita. Kundi ang masasaya nilang sandali ni Kenzo noon. Yung pagbuo nila sa kanilang anak na si Yahnie. Ang inosenteng bata na wala pang ideya kung sino ang tunay nitong ama.

Isang hawak sa kanang balikat ang nagpalingon kay Erine. Kilalang-kilala na yata siya ni Rhyco. She used to come here whenever she wants to be alone.

"Kanina pa kita sinubukang tawagan. Nag-alala ako saiyo." Sabi ng binata saka lumapit sa dalagang nakatanaw sa maliwanag na ilaw ng San Francisco. Giving her his handkerchief.

"Rhyco, masama ba akong tao?" she asks, still in tears.

"Why?"

"Masama ba ako kasi inilihim ko ang tungkol sa anak ko? Inilihim ko siya mula sa kanyang ama, makasarili na ba ako?" aniya saka siya niyakap ni Rhyco nang mahigpit. Rubbing her back.

"Hindi ka masama. Wala siyang ideya kung ano ang pinagdaanan mo habang mag-isa kang dinadala ang responsibilidad na dapat sana siya ang katuwang mo. Pero Erine, nasaan nga ba siya nang sandaling kailangang-kailangan mo siya? Di ba't pinagtabuyan ka niya? Dinamay niya ang anak niyo di ba? Sinaktan nilang magpi-pinsan ang inosente mong ama." Sabi ni Rhyco.

"Sa mga mata niya kanina, nakita kong sising-sisi siya. Nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Nakita ko't naramdaman ko ang sinseridad niya sa paghingi sa akin ng kapatawaran." Sumbong ni Erine dito. "And now? I feel so guilty for hiding Yahnie from him. My baby is growing up, Rhyco. Sooner, she'll start questioning me who is her father. Ano nga ba ang isasagot ko? Paano ko nga ba mabubuo ang pagkatao ng anak ko kung wala siyang alam tungkol kay Kenzo? Karapatan ng anak kong malaman ang tungkol sa ama niya. Pero, nasasaktan pa rin ako eh. Kapag iniisip ko yung mga sinabi niya noon sa akin? Kapag naaalala ko kung paano niya ako pinagtabuyan palabas ng Casablanca na duguan? Gusto ko siyang kamuhian ng paulit-ulit. Gusto ko siyang kasuklaman. Pero, bakit ngayon? Bakit nakakaramdam ako ng awa sa kanya? Bakit naaalala ko pa rin ang masasaya naming alaala? Bakit, tila bumabalik ang pag-aalala ko sa kanya? He's sicked, Rhyco. And I took him to the hospital, and left him alone there. Gusto ko siyang balikan. Gusto ko siyang alagaan. Gusto kong dalhin si Yahnie sa kanya para maipakilala ito sa kanya."

"I have no right to stop you, Erine." Sabi ni Rhyco na biglang nalungkot. "Kahit gaano na tayo katagal na nagsama dito, di pa rin matutupad ang hiling ko sa Diyos na sana ako! Ako naman ang makita mo. Ako naman ang mapansin mo. Pero, sadyang gano'n yata talaga.Sometimes someone can hurt us more than we really deserve because we had loved them more than they actually deserve."

"Rhyco, kahit kailan hindi kita pinaasa. Lagi kong sinasabi saiyo na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay. Kung maturuan ko lang sana ang puso ko para mahalin ka, matagal ko na sanang ginawa. Pero, hindi eh. Ang hirap pilitin nito." Turo ng dalaga sa tapat ng kanyang dibdib. "Thank you so much for everything you did for me and for Yahnie. Gusto ko nang bumalik ng Pilipinas. Gusto ko nang mamuhay kami ng anak ko ng tahimik. Narito na rin lang si Kenzo, masyadong maliit ang San Francisco para sa aming dalawa."

"Stop running away, Erine." Sabi ng binata saka siya nito hinawakan sa magkabilang kamay. "Minsan, kailangang mapatawad mo muna ang sarili mo, para mas madali saiyo ang magpatawad ng taong minsan nanakit saiyo. Erine, it doesn't matter who hurt you, or broke you down, what matters is who made you smile again -and I am in favor of your happiness, especially Yahnie's."

"Thank you so much for being a very good bestfriend to me, Rhyco. And I'm so sorry for breaking your heart -again." Sabi ni Erine saka niya hinaplos ang mukha ng binata.

"To be rejected by someone doesn't mean I should also reject myself or that I should think of myself as a lesser person. It doesn't mean that nobody will ever love me anymore." Nakangiting wika ni Rhyco kahit pa ito'y luhaan. "Kapag natagpuan ko na ang babaeng magpapatibok muli ng puso ko, saiyo ko siya agad na ipapakilala para masabi ko naman saiyo na, Erine thanks for breaking my heart -if you didn't do it, I wouldn't find her."

"Aasahan ko 'yan, Rhyco." Wika ng dalagang pilit na rin lang ang pagngiti. "Ano na ang plano mo?"

"Aalis na ako sa bahay mo. Pero, pangako saiyo, I'll keep in touch. Para saiyo at para kay Yahnie. Ingatan mo siya, alagaan mo. At sana, makuha mong gawin kung ano talaga ang tama. I want you to be happy. Dahil alam kong 'yon lang ang pwedeng ibigay ni Kenzo na di ko kayang tapatan." Sabi ni Rhyco saka niya muling niyakap ang dalaga. Kissing her forehead. "Let's go?" magkahawak-kamay ang dalawang naglakad tungo sa kotse ng dalaga.

And from afar, Kenzo saw them together. He could see how loving as a man is Rhyco and how lucky as a woman is Erine. Masakit man para sa kanya ang makita 'yon, panatag na rin ang loob niya ngayon.

"Nasa akin na siya noon, pero hinayaan ko naman siyang makawala. Kung naging maalaga lang sana ako sa kanya. Kung tinrato ko sana siya nang maayos, baka ngayon kami pa rin." Sabi niya. "Isa ito sa sign na hinihingi ko sa Inyo Lord na kung dapat akong pumasok sa seminaryo, dapat makita kong masaya si Erine sa kanya. Thank you, Lord." Wika ni Kenzo na titig na titig sa maliwanag na kalangitan.

It's midnight when Rhyco decided to leave the house. Hindi na siya nagpahatid kay Erine palabas ng pinto, dahil mas lalo lang siyang masasaktan. Nang tuluyan na siyang makalabas, saka naman siya biglang napahagulgol. Napakasakit din pala ang umasa. Masakit ang maging isang kaibigan lang. Pero, gano'n talaga ang buhay.


A broken heart is one of those experiences that all of us as humans can share, yet only us experience alone. As humans, we're wired to experience incredible love and affection. But for every action, there's an equal and opposite reaction, and when it comes to the ecstasy of true love, that reaction is a gut-wrenching pain, a deep void of sadness, utter lethargy, and feelings of seemingly eternal loneliness.


Few days later. Naglalakad sina Yahnie at Erine sa Golden Gate Bridge kasama ni Yaya Mila. Masayang-masaya si Yahnie, mukhang ini-enjoy ang moment kasama ni Erine. Naging workaholic kasi ang dalaga, lately. Kailangan na muna niyang mag-isip. Habang patuloy na naghihintay na sana -sana, muling dumating sa AuthorHouse si Kenzo. Ngunit, wala na. Hindi na ito muling nag-abala na puntahan pa siya do'n. Ang totoo ay pinuntahan niya pa ito sa ospital kung saan niya ito dinala noong nakaraang mga araw. Ngunit, wala na ito ro'n. Baka sumuko na rin o baka tuluyan nang umalis matapos marinig sa kanyang napatawad na niya ito. Biglang nag-ring ang cellphone ng dalaga.

"Yes, Monica?" sabi ni Erine nang mapag-sino ang tumawag.

"Ma'am, you are urgently needed here for the sudden board meeting." Sabi ni Monica.

"What?"

"That's what Mr. Smith said. He's calling for an emergency meeting. Right now, Ma'am." Sabi nito.

"Alright, I'll be there." Sabi ni Erine saka pinindot ang end-call button. "Yaya, dito na muna kayo ni Yahnie. Di naman yata kami magtatagal sa meeting. Susunduin ko na lang kayo, mamaya."

"Sige po, Ma'am." Tugon ni Mila. Hinagkan ng dalaga ang anak saka siya nagmadaling umalis. Hindi naman umiyak ang bata, tila nasanay na ring laging wala si Erine kapag daytime.

Naglalakad naman sina Father Roman at Kenzo sa Golden Gate Bridge habang nag-uusap. Suot ni Kenzo ang puting Sutana na ibinigay sa kanya ng Pari.

"Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang gusto. Ito'y maaring makabuti at maari ring makasama. Lahat ng ating ginu-gusto sa buhay ay ating ginagawan ng paraan upang makamit ito at mapagtagumpayan. Ngunit hindi lahat ng ating mga kagustuhan ay nagdudulot ng kaakibat na kabutihan sa ating lahat.
Ang paggawa ng desisyon ang pinakamalaking salik na nakaka-apekto sa pagtupad sa ating mga kagustuhan. Nagsisimula ang lahat ng ito sa paggawa ng desisyon. Ito ang unang hakbang upang makamit o mabalewala ang kagustuhan o ang nasa ating isipan." Sabi ni Father Mariano sa binata. "Kenzo, anak, mahirap panindigan ang desisyong pumasok sa Seminaryo. Maraming mga balakid ang pagdaraanan bago ka maging isang ganap na pari. Mahirap panindigan at pangatawanan."

"Alam ko ho 'yon, Father." Tugon ni Kenzo. " Anu-ano ho ba'ng mga salik na dapat kong isa-alang-alang bago pumasok sa seminaryo?"



"Pamilya.Paano nakaka-apekto ang pamilya sa desisyon ng isang lalaki na gustong pumasok sa seminaryo? Mahalaga 'yon." Tugon ni Father Mariano. "Kapaligiran.Malaki ba ang epekto ng kapaligirang kinalakhan para makabuo ng tamang desisyon kung papasok sa seminaryo o hindi? At dapat ding i-konsidera ang paaralang pinagtapusan sa elementarya at sekondarya. Nais nating malaman kung paanong nakaapekto ang uri ng paaralan sa desisyong gagawin at syempre ang Katayuan sa buhay. Higit kailanman gustuhin man natin o hindi, dapat talagang i-konsider rin ito bago magpasya sa isang naisin, malaki ba ang epekto ng katayuan sa buhay sa pagbuo ng isang seryosong desisyon?"
At bigla namang napansin ni Kenzo ang batang babaeng tumatakbo sa harapan niya ngayon. Ang batang babaeng anghel sa kanyang panaginip.

"Excuse me, Father." Paalam ni Kenzo at tumango naman si Father Roman. Hinawakan ni Kenzo sa mga kamay si Yahnie at ito'y nakangiti sa kanya. Nakakagiliw ang mga mata ng batang tila ay nangungusap, tila naglalambing. Naupo si Kenzo upang makausap niya nang maayos ang bata. "I was asking for a sign if I have to pursue going to a seminary and then I saw an angel appeared on my dream last night. And I know it was you, little girl. I brought this necklace for my late baby, but was not able to give it to him or her. I guess, it's about time to give this to someone who deserves it aside from my late angel. Take care of this, if destiny permits for us to cross path again, I still wish that you're still wearing it. God bless you, baby." Kenzo says to baby Yahnie as he wears it on her neck. Natuwa naman si Yahnie habang minamasdan 'yon. It was a gold necklace with an angel and flower pendants that are made of diamonds. Niyakap ni Kenzo ang bata bilang pamamaalam, sinapo niya ito sa ulo. At muli na siyang tumayo upang magpatuloy na sila ni Father Mariano sa paglalakad. Sinundan naman siya nina Mila at Yahnie ng tingin habang papalayo na mula sa kanila.

Sunset na nang dumating si Erine mula sa AuthorHouse. Mayroon na itong dalang bagong laruan para kay Yahnie. Nang dumukwang siya upang hagkan ito ay bigla niyang napansin kumikintab na kwintas.

"Yaya, saan galing ang kwintas na 'to? Sino ang nagbigay nito?" Erine asks, wondering. Trying to take the necklace out of her daughter's neck. But, Yahnie cries.

"Mama!" tila reklamo ng bata. Ayaw nitong tanggalin ni Erine ang kwintas.

"Ma'am, pari ho yata ang nagbigay niyan kay baby Yahnie. Nakasuot ho ng Sutana, eh." Tugon ni Yaya Mila. When Erine hears it, di na niya tinanggal pa ang kwintas na 'yon.

"God bless you, baby." Sabi ni Erine saka binuhat na ang anak na sobra niyang na-miss kahit ilang oras lang sila nitong hindi nagkita.

Bukas na ang alis ni Kenzo kasama si Father Roman tungo sa Pilipinas. Iiwanan na rin niya ang San Francisco, California. Hindi dahil baka masaktan niya si Erine sa tuwing magkasalubong sila nito, kundi dahil gusto na niyang bigyan ng buong katahimikan ang dalaga. Gusto na niya itong lumigaya nang tuluyan.

Nagbabasa ng libro si Kenzo ngayon. Librong nagsasaad ng mga karanasan ng isang Seminarista sa loob ng Seminaryo. Hindi madali, at hindi basta-basta. Dapat buo ang loob mo upang tuparin ang bokasyon mo, hanggang sa ikaw ay maging isang ganap na pari. It may take up to Ten years. Sapat na siguro 'yon upang mapagbayaran niya ang lahat ng mga naging kasalanan niya sa mga babaeng ginawa niyang parausan noon. Sa mga babaeng nasaktan niya ang damdamin at nagawan niya ng hindi kanais-nais na bagay habang inaangkin.

"Hindi ko alam kung kaya ko. Pero, kapag buo ang loob, wala kang hindi kayang ma-achieve. Tiwala lang. Iyon ang kailangan ko." Aniya sa kanyang sarili. Nagbasa siyang muli, mula sa mga personal questions ng mga sample research papers na bigay ni Father Mariano sa kanya.

1. Ano ba ang pumasok sa isip mo o may nangyari ba sa iyo na naging dahilan ng iyong pagpasok sa seminaryo?

2. Ano ang unang naramdaman mo ng pumasok ka sa seminaryo?

3. Ano ang dahilan ng iyong pananatili sa seminaryo? Mayroon ka bang mga motibasyong ginawa para sa mas maging matatag ka at mapanindigan mo ang pananatili sa seminaryo? Kung meron, ano iyon?

4. Ano ang pagkakaiba ng buhay sa labas at buhay sa loob ng seminaryo?

Marami pala siya dapat na paghandaan. Dahil pagkapasok niya sa Seminaryo, dadaan siya sa masusing interview.


Sa bawat araw, lagi pa ring nagpupunta sa Golden Gate Bridge si Erine. Nagbabakasakaling muli ay makita si Kenzo. Nakahanda na siyang ipaalam man lang dito ang tungkol kay Louise Leigh-Yahn Sue. Handa na siyang kalimutan ang lahat, alang-alang sa magandang buhay.

Hindi lahat ay nabibigyan ng second chance. Pero, lahat pwedeng magbago. Lahat, pwedeng magsisi. Lahat ng pagkakamali, pwedeng itama. May mga desisyon lang na kailangang gawin at kailangang panindigan. Minsan, kailangan mo ring patawarin ang iyong sarili para mapatawad mo ang mga taong minsan nanakit saiyo.

"Maybe you were right. Maybe we really have to talked. Baka sakaling nalinawan ako. Baka sakaling maliwanag na ang lahat sa akin ngayon at wala na akong maraming tanong. Can you blame me, Kenzo?" Wika ni Erine sa kanyang sarili. Sunset is over, but she didn't see Kenzo. So, she decided to go home and be with Yahnie.


Dumating sina Lucho Vrishuel at Gyle Tyrone sa opisina ni Señor Lazaro.

"How's it?" tanong ng matanda sa dalawang apo niya.

"Lolo, wala pa rin kaming balita. Kung saan-saan na umabot ang mga Private Investigators na kinuha namin ngunit walang makapagsabi kung nasaan si Kenzo." Sabi ni Lucho Vrishuel.

"Ano? You were searching for him for about three years, already. Bakit, hanggang ngayon wala pa rin kayong balita?" galit na wika ni Señor Lazaro.

"Lolo, nilibot ko na ang buong California ngunit walang nangyari." Sabi naman ni Tyrone.

"Three years was long enough for us to search for him. Sadyang mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. Whatever it is, gusto kong isipin na gusto niya lang magpahinga. Baka napagod na rin siya sa pag-handle ng mga businesses ng pamilya. Too bad, wala na akong ibang maaasahan kundi siya pagdating sa negosyo." Wika ni Señor Lazaro.

"Nakahanda akong mag-aral ng pagpapatakbo mg negosyo, Lo. I want to help, till Kenzo comes back." Sabi ni Lucho.

"That's good to hear, Lucho. Maybe, I have to make an announcement soonest as tomorrow. Kailangang malaman na ng lahat na wala si Kenzo. Na ako pa rin ang humahalili sa kanya at sa lahat ng paghawak ng mga negosyo." Tugon ni Señor Lazaro. Iyon lamang ang lumabas na ang magpinsan mula sa loob ng malaking opisina ng kanilang abuelo.

Three years ago. Saka pa lamang naisipan ni Erine na dalhin sa Pilipinas si Louise Leigh-Yahn Sue. Sina Antonio at Marie mismo ang sumundo sa kanya sa airport. Kasama siyempre si Oceana.

"Besty!" masayang wika ni Oceana nang tuluyang makalabas ng Arrival Area sina Erine at Yahnie. Agad silang nagyakap.

"Oceana, I miss you." Sabi ni Erine.

"I miss you too, Besty!" sabi ni Oceana saka ibinaling ang mga mata kay Yahnie na sobrang cute na cute. Her skin is so white, having a natural pinkish lips and her hair is half curly.

"Hello, Leigh-Yahn!" bati nito sa bata.

"Hi, Ninang." Tugon ng bata saka mabilis na yumakap kay Oceana. Nang makababa sa sasakyan sina Antonio at Marie ay patakbo namang lumapit ang bata sa kanila. "Lolo, Mamita!"

"Ang ganda-ganda naman ng apo natin, Antonio!" sabi ni Marie na siyang bumuhat sa bata. At sabay-sabay na nga silang sumakay sa loob ng sasakyan. Hindi na natigil ang kanilang kwentuhan. Hanggang sa tuluyang makarating sa bahay nina Erine.

Nakatulog si Yahnie sa loob ng kotse. Kaya, binuhat ito ni Erine papasok sa kanyang kwarto. Katulad pa rin 'yon ng dati. Walang pinagbago. Alagang-alaga pa rin ng Mama niya ang silid niya.

Inilapag niya sa kama ang bata. Dahan-dahan. At ngayong nakaupo siya sa gilid ng kama, bigla na lang niya naalala ang nakaraan.


"Meron akong natuklasan, pero mas gusto kong marinig mula sa iyo mismo." Sabi ni Kenzo saka niyakap nang mahigpit ang dalaga.

"Kapag ba may sinabi ako saiyo, paniniwalaan mo?" she asks, trying to know what he's up to.

"Tell me." Sabi ni Kenzo. "Please.." dahan-dahang bumangon si Erine at nanulak sa binata. Hinarap niya si Kenzo saka tinitigan ito sa mga mata ng tuwid.

"I'm pregnant." Sabi ni Erine. Ayaw na rin niya itong ilihim pa sa binata. Di naman makapaniwala si Kenzo. Bigla na lang nangilid ang mga butil ng luha mula sa mga mata nito tungo sa kanyang mamula-mulang pisngi.

"You don't know how it means to me, Erine!" sabi ni Kenzo sa dalaga saka siya mabilis na bumangon at niyakap nang buong higpit ang dalaga.

"I thought you hate -kids?" she teased him.

"No." Sabi ng binata. "I've hated myself. Because, all these years -" aniyang hindi na naituloy ang sasabihin pa sana nang biglang selyuhan ni Erine ng labi ang kanyang mga labi.

Hinagkan ni Erine ang tulog na si Yahnie. Bigla siyang naging emotional. Parang bigla na lamang niyang nami-miss si Kenzo. Gusto na niya itong makita.

"Malaki na ang batang 'yon Kenzo. Malaki na ang ating anak. Malaki na si Yahnie. Sigurado ako, pag nakilala mo siya, tulad ko -ayaw mo nang mawalay sa kanya ng kahit isang segundo." Aniyang luhaan.
May kumatok sa pinto, di na muna siya nakapagsalita kaya pumasok na rin 'to. Si Oceana.

"Miss him?" tanong ni Oceana.

"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi." Sabi ni Erine na nagpahid ng sariling luha.

"Bakit, di mo hinanap?"

"Nagkita na kami, Oceana. Pero, pinagtabuyan ko siya." Sabi ni Erine.

"Dahil nasasaktan ka pa?"

"Oo." Tugon ng dalaga. "Nang mawala ang lahat ng sakit at galit sa puso ko, doon ko na muling natagpuan sa puso ko ang pagmamahal na kahit kailan hindi ko pala nagawang talikuran."

"Naipakita mo na ba kay Yahnie ang larawan ni Kenzo sa kanya?"

"I did. Kilala na siya ni Yahnie sa pamamagitan ng mga larawan niya. She's asking too many questions about her dad." Sabi ni Erine.

"Mas in love ka yata kay Kenzo." Sabi ni Oceana nang masdan nang maigi si Yahnie.

"Ano?" gulat na wika ni Erine.

"Kamukha ni Bossy Associate ang batang yan, eh." Ani Oceana. Natawa naman si Erine.

"Baliw!" sabi ng dalaga. At muli na naman silang nag-kwentuhan.

Few days, later.. nagdesisyon na rin si Erine na dalhin sa El Tierro de Villahermosa si Louise Leigh-Yahn Sue. Kailangan na niyang maipakilala sa mga Villahermosa ang kanyang anak at para malaman na rin ni Kenzo ang tungkol dito. Hindi naman humadlang ang kanyang mga magulang, dahil nauunawaan nilang karapatan naman nina Yahnie at Kenzo na makilala ang isa't-isa.

Nasa harap na ng Casablanca ang mag-ina. Ngunit, nagdadalawang-isip pa si Erine kung tutuloy nga ba o hindi. Lalo na nang manumbalik ang sakit na dulot ng huli nilang pagpunta dito sa Casablanca. Kaya, halos di na niya napansin si Yahnie na naglakad-lakad palabas ng driveway ng Casablanca. She's so bored, waiting. She loves singing. Kaya, pakanta-kanta ang bata habang naglalakad palabas ng napakahabang driveway ng Casablanca.

I heard he sang a lullaby
I heard he sang it from his heart
When I found out thought I would die
Because that lullaby was mine
I heard he sealed it with a kiss
He gently kissed her cherry lips
I found that so hard to believe
Because his kiss belonged to me

How could an angel break my heart?
Why didn't he catch my falling star?
I wish I didn't wish so hard
Maybe I wished our love apart
How could an angel break my heart?

I heard her face was white as rain
Soft as a rose that blooms in May
He keeps her picture in a frame
And when he sleeps he calls her name
I wonder if she makes him smile
The way he used to smile at me
I hope she doesn't make him laugh
Because his laugh belongs to me..


How could an Angel break my heart?

Tumigil sa pagkanta si Yahnie nang marinig niya ang lalaking dinugtungan ang kanyang kanta. Medyo napakunot-noo siya rito. Nakasuot ito ng puting sutana. Kaya alam niyang Pari ito.

"Hello, Father." Sabi ni Yahnie sabay abot ng kanang kamay nito.

"God bless you." Nakangiting sabi ni Kenzo sa bata saka ginulo ang maganda nitong buhok na naka-ponytail. "Seminarista pa lang ako. Hindi pa ganap na pari. I have to wait for at least 7 years, more."

"You are a handsome Seminarist." Sabi ni Yahnie na nakangiti. Kaya natawa naman si Kenzo sa bubbly na bata. "Father?" humawak si Yahnie sa kanang kamay ni Kenzo.

"I'm not yet a priest, remember?" sabi ni Kenzo. Nakangiti habang hawak din ang munting kamay ni Yahnie.

"Father Seminarist.." sabi nito. Natawa naman si Kenzo.

"Sige na nga, Father na kung Father." Aniya.

" What did you feel inside the Seminary, Father Seminarist?"

"Sa Seminaryo? Well, mixed emotions eh. Kasi galing pa ako ng San Francisco noon, tapos ang first 3 years namin sa ay sa Calamba laguna, malayo, so nakaka-miss. First time na talagang nahiwalay sa mga pinsan ko. Iba ang environment, iba-iba ang kultura ng classmates namin. May galing sa bicol, may galing na sa Manila, Sa Mindanao, iba-iba ang lenguahe at maging ang personality. So, nando'n na yung kaba at yung takot. Nando'n na din yung excitement na ano bang meron sa seminaryo?

"Father Seminarist? What's your motivation for staying inside the Seminary?" muling tanong ni Yahnie at di na nila namalayang naglalakad na pala sila tungo sa tabing dagat na magkahawak-kamay pa rin.

"Ang napakapagpanatili sa akin ay nagustuhan ko talaga yung buhay lahat eh, prayer life ay talaga namang nagustuhan ko. Pero sigurado isa sa talagang nagustuhan ko rin do'n ay ang studies. Gustung-gusto ko iyon and then yung sports kasi mahilig talaga ako sa sports eh." Tugon ni Kenzo. "Teka, ano'ng ginagawa mo dito? Sino ang kasama mo?"

"My mom." Tugon ni Yahnie. "I left her. I was so bored."

"You shouldn't leave your mother without permission. You should obey and respect your mom." Sabi ni Kenzo. Nahulog ang hawak na stuffed toy ni Yahnie kaya agad itong napadukwang upang pulutin 'yon. Dahilan upang ma-exposed ang suot niyang kwintas. Hindi siya pwedeng magkamali. Iyon ang kwintas na pinagawa niya mismo para sa anak sana nila ni Erine. "This necklace.."

"My yaya told me, a priest gave this to me when I was just a one year old baby back then." Sabi ni Yahnie.

"In a Golden Gate Bridge on Winter season?"

"How did you know about it Father Seminarist?"

"We are destined to see each other again." Sabi ni Kenzo saka naupo at niyakap si Yahnie. "Time flies so fast. You've grown up so fast. Look at you."

"Father Seminarist, my name is Louise Leigh-Yahn Sue Arquiza Villahermosa." Pagpapakilala ni Yahnie sa kanyang sarili.

"Arquiza, Villahermosa?" lumakas ang pintig ng puso ni Kenzo.

"Yes po." Sabi ng bata. "My mom is Alexise Catherine Arquiza. And my dad is -Kennedy Lorrenzo Villahermosa." Sabi nito. "And you look like my dad -so much. But, mom haven't told me that -" aniyang di na natapos ang sasabihin nang bigla siyang buhatin ni Kenzo saka pinupog ng halik.

"Buhay ka! Hindi ka nawala sa amin ng mommy mo. Buhay ka, anak ko!" sabi ni Kenzo na talagang di makapaniwala.

Parang nasisiraan naman si Erine ng bait sa paghahanap kay Yahnie. Para kasi siyang nawala sa sariling ulirat kanina kaya di na niya namalayan kung saan nagpunta ang bata. Umiiyak na siya sa kakahanap. Gamit niya ang kanyang kotse. Hanggang sa mapansing buhat ng isang lalaking naka-Sutana si Yahnie. Nagmadaling bumaba si Erine mula sa kanyang sasakyan. Saka dahan-dahang lumapit sa mga ito at napansin niyang tulog na sa balikat ng lalaki si Yahnie. Dahan-dahang kinuha ni Erine ang kanang kamay ng taong akala niya'y Pari upang magmano sana, kaya bahagya namang napatingin si Kenzo sa cleavage ng dalaga at walang sabi-sabing binawi ang kamay mula kay Erine saka mabilis na napa-sign of the cross. Gano'n na lang ang gulat ni Erine nang mapagsino ang lalaking naka-Sutana.

TBC

Continue Reading

You'll Also Like

155K 5.1K 39
pinag kasundo ng parehong pamilya pero Hindi gusto ni primo ang idea na I arrange marriage siya sa babaeng Hindi Niya gusto. pero panoh Kung Wala siy...
80K 1.3K 46
Aksana Javier is the eldest child, she have a two siblings she stand-up being a mother and father in her siblings. Sa murang edad kailangan nyang kum...
437K 8.3K 35
"Marry me or else you will go to jail" bulyaw sakanya ni Dave. Nagpakasal ako sa lalakeng kinasusuklaman ako.ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng F...
20.6K 498 26
"Tonight we have a special announcement to make" Mr. Eldea said. An old yet beautiful, intimidating and very sophisticated lady stand up. It's Abuela...