ZYLIE'S POV
Kanina pa ako inis na inis kina Mikaela. Alam na ngang may pilay ako eh. Nang-aasar pa din! Bakit ba gustong gusto nila akong asarin?
"Hoy kaasar naman to... Mika! Ibalik mo na yan!!" kinuha kasi niya yung diary ko. Badtrip talaga oh.
"Pabasa lang kasi Zy!!!" takbo-takbo padin sila ni Alyanna na malapit ng mamatay katatawa.
Waaah! Kahit naman bestfriends ko sila Mika, nakakahiya yung mga sinulat ko dun nung weekend.
Nagcontemplate kasi ako kung ano na ba talagang nararamdaman ko Terrence.
Dahil nga akala ko nakita ko na siya nung Friday dito sa school.
Eto yung sinulat ko... corny na kung corny...
Waaaah!!! Mahal ko pa ba si Terrence??? Diba hindi na diba? Diba? TTT______TTT Sa ginawa niya sa akin imposibleng mahal ko pa siya diba? Sana makahanap na ako ng boylet para makalimutan ko na yung masamang Terrence na yun. Hahahaha tama hahanap na lang ako ng boylet. Wala hindi ko na iniisip si Terrence!!! Hindi na talaga! My heart is so torn into pieces... Sana may kumuha lahat nun para pagdikitin. My prince charming nasaan ka na!!! Para maalis na ang bwisit na Terrence sa isip ko bwisit siya. Ang sama mo talaga Terrence kapag nakita kita, sasampalin kita ng wagas! Manghihiram ka ng mukha sa aso!!! TT___________TT
Basta yan yung sinulat ko.
At pinagtatawanan ng dalawang tinuturing kong kaibigan.
"Hahahaha!!! Torn into pieces??? Napadrama mo talaga Zylie, di lang halata" sabi ni Mikaela
"Teh! Naghahanap ka pala ng prince charming??? Hahaha Oy ipokrita ka! Hahahaha ang corny corny mo! Hindi daw iniisip si Terrence, pero puro Terrence ang laman nito. Eh diba matanda na yun?" tanong ni Alyanna.
Hindi kasi nito kilala si Terrence, si Mika lang yung nakakita kay Terrence dati. Kilala lang ni Yanny si Terrence dahil sa kwento ni Mikaela.
"Oo nga Zy pabayaan mo yun baka may asawa na nga yun eh. Hahahahaaha!!! Hindi ako makagetover sa nakasulat dito!!! Sino bang magdidikit sa broken pieces of your heart??? Ampf Z yang corny!!! Akala ko nakalimutan mo na siya bakit parang sobrang affected ka pa din?" tanong ni Mika
"Akala ko kasi nakita ko siya kahapon kaya na-shocked ako! TT_____TT Pero wala naman akong sinabing basahin niyo yan wala kayong pagtawanan at okrayin! Tssss"
"Hahahaha sorry na! Grabe baka may feelings ka pa din kay kuya Terrence kaya kung saan-saan mo na lang siya nakikita!"
"Di ah!"
"Teka! Naiihi na ako sa katatawa CR lang ako Zy, diyan ka na lang mapapagod pa paa mo eh!" sabi ni Yanny
"Sama ako!!!" sumunod naman si Mika
Haie! Iniwan ako matapos asarin. Galing galing talaga ng mga kaibigan ko eh.
Bwisit kasi na paa to eh!
"pancake!"
Aba't! Grabe si Silver na naman! Problem ba niya bakit ganyan itsura niya?
Walngya nang aasar!!
"Ano?!!"
"May stalker ka sa taas?"
Tumingin ako sa mga bintana sa 2nd floor, wala naman..
"Pwede Silver hwag epal?"
Pero sumeryoso yung mukha niya. Tumingin din siya sa may second floor.
"Nawala na pala." Sabi nito sabay umalis.
"Sino ba yun?!" habol ko, para kasing totoo yung sinasabi niya. Kinilabutan ako nung nagseryoso siya.
"Wala. Bye pancake!"
Anakanamfufu naman to! Bakit kaya ang gulo ng buhay niya? Eeeek pero may stalker ako? Hala nakakatakot naman yun!!! Y_Y. Pero baka imbento lang yun ni Silver eh... Hay panggulo talaga sa buhay yun.
Nakita ko lumapit si Bettina kay Silver.
Tapos parang may tinatanong si Silver sa kanya. Pshh ano naman kaya yun? Inaasar niya din kaya si Bettina?
Tapos ito namang si Bettina tanggi ng tanggi. Ano kaya yun?? Date kaya? Niyayaya niya kaya ng date si Bettina? Tssss.
Eh ano namang pakialam ko diba? Tsssss!!!!
"Zy!!! Tara na sa classroom!!!"
Bumalik na pala yung dalawa. Tagal magCR! Inakay nila ako sa classroom.
I feel so weak. Kaasar kasi bakit ba ako natapilok.
Syempre homeroom palang. Muntik pa akong utusan ng adviser naming masungit na mag-ayos ng flower vase. Kaasar talaga. Buti na lang sinabi nila Yanny na may sprain ako kaya iba na lng inutusan niya.
"By the way, the new faculty has arrived be nice to him."
"Him? Lalaki? Kaasar naman, wala na nga pala si ma'am cute, tapos lalaki pa papalit. Kamusta naman yun?" bulong ni Yanny sa akin.
"Oo nga eh... Sana kasing nice siya ni ma'am dina nuh? Narinig ko gwapo siya."
"Huh?!!! Gwapo?" singit ni Mikaela
"Eto naman makarinig lang ng gwapo oh, hoy Mikaela may boypren ka na ang kire mo!" sabi ni Yanny
"Eh sino ba kasi yung gwapo?!" tanong ulit ni Mika sa akin.
"Wala di ko alam, naalala ko lang kasi pinag-uusapan yung bagong teacher sa CR nung nagjejebs ako nung Friday. hahahaha. Ayun... malay ko ba kung totoong gwapo yung bagong teacher yuck ah ang tanda na nun."
"Hala nakakaexcite yun! Cute si Ma'am dina pero gwapo yung papalit! Eh di sulit!"
Ngee adik si Yanny.
Medyo naeexxcite din naman ako. Syempre gusto ko rin naman ng eye candy sa araw-araw ang daya yung mga classmate kong lalaki may crush kay ma'am dina eh. Feeling ko it's now the girls turn to fancy sa first period ng klase.
Umalis na si adviser taray. Waiting mode na kami or the 1st class ni Mr. ewan.
Tagal naman bumukas nung pinto. Medyo hopeful pa naman akoo ng gwapo nga talaga yung teacher hahaha.
May hobby nga pala ako. Lagi kong pinapaikot yung ballpen sa mga daliri ko. Wala lang trip lang pag bored. So ayun...
Paikot... paikot... ikot.. ikot... tagal-tagal ng teacher... Hanggang sa nahulog si ballpen.
"Zylie katok ka! Wala kayang takip yung ballpen mo" sabi ni Mikaela
Badtrip. Pinapaikot ko yung walang takip na ballpen? Hala akala ko may takip!! G-tec pa naman yun baka naputol na yun!!! Saan na ba yun humagis?
Sinilip silip ko yung mga ilalim ng mga desks namin.
Nasan na ba!!!! Like crazy naman eh!!!
Ayun nakita ko na!!!! Wahahaha nasa may paa nung classmate kong nerdy.
Gapang-gapang naman ako.
Nyahahaha ang g-tec na kabibili pa lang... I found you!!! Naabot ko na rin siya.
Dali-dali akong gumapang pabalik sa desk ko. Arayyy sakit sa paa...
Habang nasa lapag pa ako, kinalabit ko yung palda ni Mika.
"Nahanap ko na!!! Hindi naputol!!!" sabi ko kay Mikaela habang bumubukas din yung pintuan ng classroom.
Di sumagot si Mika. Parang shocked ito. Ganun ba kagwapo yung teacher para mashocked siya ng ganyan??? Tapos, tumungo siya at tumingin sa akin.
"Zy..." sabi niya tapos umiling. "Dyan ka na lang. Hwag ka ng uupo ha."
Huh? Anong sinasabi niya? Anong hindi uupo eh di napagalitan naman ako kung anu-anong ginagawa ko sa kama.
Tinakpan ko muna yung ballpen ko, tapos, umupo na ako sa silya.
Parang pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.
Tama si Mika... Sana di na lang ako umupo. Sana nagtago na lang ako sa pagitan ng mga upuan.
O kaya naman, lumabas na lang ako ng classroom .
Pero impossible yun... Nananaginip ba ako?!?
Lahat ng sakit, lahat ng tanong na naiwan sa akin. Lahat ng naiisip ko.... nagulo. Imposible talaga ito! Sabihin niyo! Nananaginip lang ako?
*later*