Why I Have To

By ssillagee

210K 8.6K 1.3K

What would you do if the love of your life left without telling you why? Jathea story. AU. COMPLETED. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 6

6.7K 267 10
By ssillagee

December 15, 2008

I've been hanging out with Jade almost everyday since the Halloween party. Minsan sa bahay nila, pero madalas sa coffee shop where we first met. I introduced her to Batchi and Abby kaya minsan nakakasama namin sila mag kwentuhan kapag break time nila. Ipinakilala niya rin ako sa best friend niya na si Sally na siya namang nakasundo ko agad dahil mahilig itong magpatawa kagaya ni Batchi.

Jade and I usually talk about almost everything, she tells me stories from her favorite books, ako naman nagkukwento sakanya about sa music na hilig ko at mga series na pinapanood ko. Natutuwa ako dahil nagkakasundo kami na parehong mahilig sa mga lumang kanta. Hindi ko na kailangan mag basa pa ng libro dahil sa mga kwento palang niya ay parang nabasa ko na rin ito. Natutuwa ako kapag pinapakinggan siya kapag pinaguusapan namin ang mga librong gusto niya. There's a sparkle in her eyes everytime she talks about it, and it amazes me how passionate she is about books. Kaya minsan kahit di naman ako ganun ka-interesado ay nakikinig akong mabuti dahil gustong gusto ko lang naririnig na nagsasalita siya. Very animated siya mag kuwento kaya naman lagi kaming nagtatawanan.

Tonight's the night of our Christmas concert. Eto yung matagal na naming pinaghahandaan at sa wakas makakatugtog na rin kami sa CCP. Sobrang excited ko sa gabing ito kaya lang nalungkot ako ng hindi pala makakapunta si Tatay dahil meron siyang emergency na out of town business trip. Naiintindihan ko naman yun kaya si Batchi nalang ang aking inimbitahan na manood. Niyaya ko rin si Jade kaya lang mayroon silang family dinner ngayon kaya malabo rin itong makapunta. Aaminin ko na na-disappoint ako pero wala naman akong magagawa dahil mahigpit ang pamilya nito. Hindi siya pwedeng tumanggi sa kanilang mga family gatherings. Nawalan ako ng gana mag perform pero dahil nandito naman si Batchi, kahit papano ginanahan naman ako.

We are next to perform so I opened my violin case, took out my bow and applied rosin on it. As I was rubbing the stone on the strands of my bow, I felt someone crept up to me and covered my eyes with cold hands. A shiver ran down my spine as I recognized the scent of that person's hands. Vanilla.

"Guess who." Sabi ng boses na parang nakangiti. Kahit na di pa siya magsalita alam na alam ko na kung sino siya.

"Jade?" Inalis niya ang kamay niya at lumingon ako.

"Tama! Bilis mo nahulaan ah!" Sabi niya sabay yakap sa akin.

"I would know that voice anywhere. Ang tinis eh, masakit sa tenga." Pangaasar ko naman. She playfully slapped my arms and laughed.

"Pano ka nakapunta dito? Diba mayroon kayong family dinner ngayon?" I wondered.

"Meron nga, pero nung nabanggit ko kay Dada na magpeperform ka ngayon at wala ang Tatay mo, sabi niya puntahan daw kita to show my support. Himala nga at pumayag eh. Ganon ka kalakas sakanila." Sabi nito sabay kurot sa pisngi ko.

Naging malapit na rin ako sa pamilya niya dahil palagi akong nandoon kapag walang pasok. Pag inaabot ng gabi ay iniimbitahan nila akong sumama sakanila maghapunan kaya naman naging parang parte na rin ako ng pamilya nila.

"Sus, ako pa! Gustong gusto kaya ako ng Dada mo." Pagyayabang ko naman.

"I hate to admit it pero... Oo nga. Haha. Ano ba kasing pinakain mo dun?"

"Ewan ko. Sadyang charming lang talaga ko." Pinalo nanaman niya ang braso ko at tumawa.

"Sige na, Althea. Mag prepare ka na diyan. I'll go ahead and find Batchi, siya nalang tabihan ko para di naman ako loner." Sabi nito.

"Break a leg, Althea! Kayang kaya mo 'yan! Fight, fight, fight!" She said loudly while pumping her fists in the air. Natawa naman ako sa kalokohan niya.

"Loka, tutugtog lang kami at hindi makikipagdigmaan. Sige na puntahan mo na si Batchi." Humalik ito sa pisngi ko at umalis na.

Nawala lahat ng pagka-dismaya ko ng makita ko si Jade. Buong buo na ang gabi ko. Hindi lang gabi, buong buo na ang taon ko dahil sa pagpunta niya. Kinuha ko ang aking violin at naglakad papunta sa entablado ng may ngiti sa aking mga labi.

I searched the audience and there... I saw her amidst the crowd with her eyes shining bright and a smile that could melt anybody's heart. She gave me a thumbs up while Batchi waved at me, I placed my bow on the strings locked my eyes on her and started to play.

After my performance, I immediately went backstage where I was welcomed with a warm tight hug.

"Ang galing galing mo! I'm so proud of you!" Sabi ni Jade habang nakayakap parin sakin.

She broke the hug and gave me a bouquet of flowers. A dozen sunflowers. My favorite.

"Para san 'to? Nanliligaw ka ba?" Sabi ko habang pinagmamasdan ang mga bulaklak.

"Ah.. Eh... Hindi 'no! Ano ka ba! Diba usually after mag perform binibigyan talaga ng flowers kaya ayan, dinalan kita." Sabi niya na parang nahihiya.

"Ah... Okay. Salamat." Nakangiting sabi ko. Napansin kong parang naluluha si Jade kaya naman inabot ko ang kamay ko sa mukha niya at pinunasan ang luha niyang tutulo na.

"Oh, bakit ka naiiyak?" Tanong ko.

"Wala lang. Sobrang galing mo kasi at sobrang proud ako sa'yo. Pasensya na at mababaw talaga luha ko." Pinunasan niya ang luha niyang natira at natawa sa sarili niya.

"Ehem nandito ako." Nakita ko sa likod si Batchi na nakangiti sa akin. Nasira moment namin pero natuwa naman ako ng makita ko ang kaibigan ko.

"Batchi! Thank you sa pag punta!" Lumapit naman ako sakanya at niyakap ito.

"Ang galing mo, Tsong! Pero kahit pala hindi na ko pumunta okay lang eh. May support system ka naman oh." Nakangising tawa niya.

"Baliw ka talaga! Syempre I want my friends to be here with me during my first performance on stage 'no." Sabi ko naman when I heard a phone ring.

"Wait lang guys. Si Dada. I have to answer this." Sabi ni Jade at lumayo.

"Iba ngiti mo ngayon ah. Lalo kang pumopogi." Banat ni Batchi.

"Ako nanaman nakita mo ah!"

"Eh sino pa nga ba? Pero tsong, anong plano mo diyan?" Naging seryoso ang mukha niya.

"Pinagsasabi mo diyan?" Pagmamaang-maangan ko.

"Wag ka na nga magpa-ligoy ligoy pa, tsong! Kilala na kita eh. Nakita na kita mahumaling sa mga chicks mo dati pero ngayon lang kita nakitang ganyan. May iba eh. Ano, umamin ka na kasi." Pagpipilit nito.

"Ewan ko, Batchi. Basta masaya akong kasama siya. Lahat ng pagod at problema ko nawawala pag siya kausap ko." Pag amin ko.

"So anong plano mo diyan?"

"Wala akong plano. Masaya na ako na kaibigan ko siya, ayokong sirain yun ng dahil lang sa gusto ko ng higit pa. Di naman siguro masama na mahalin siya ng patago diba? Hindi naman niya kailangan malaman. Kuntento na ako sa kung anong meron sa amin."

"Bakit ayaw mong aminin sakanya nararamdaman mo? Malay mo ganun din naman pala siya sa'yo?"

"Malabo ata 'yan, Batchi." Sagot ko naman.

"Anong malabo?" Kinabahan akong bigla ng makita kong nakabalik na pala si Jade.

"Ah wala, malabo kasi niyayaya ko si Batchi na lumabas tayo ngayon kaya lang may lakad ata siya kaya malabong makasama siya." Pangangatwiran ko.

"Ganun ba? Sayang naman. Pero ako Althea pwede akong sumama kahit saan mo gusto. Pinayagan ako ni Dada na i-enjoy ang gabi 'eh." Nakangiting sabi ni Jade.

"Yun naman pala tsong eh! Masosolo mo ngayon si Jade. Sige, maiwan ko na kayong dalawa ha at may lakad pa ko." Sabi naman ni Batchi na pangiti ngiti pa. Tinignan ko siya ng masama at nag paalam sakanya.

"So... Where do you wanna go, Althea?"

"I think I know the perfect place. But first, let's get some take out." I took her hand and dragged her to the parking lot where my car is.

"Althea, kala ko naman kung san mo ako dadalhin. Sa mall lang pala namin." She pouted.

"Relax ka lang. Just wait, I'm sure you'll like this place." I said habang hawak hawak ang kamay niya at dinala siya papuntang fire exit.

"Saan tayo pupunta? Baka mapahamak tayo dito ah." Sabi ni Jade na nagaalala.

"Relax ka nga lang sabi eh. Pati kilala ko naman ang nagbabantay dito, saka ano ka ba, ikaw kaya anak ng may-ari nito kaya you have nothing to worry about."

I opened the door of the topmost floor and guided Jade inside.

"Tada!" I exclaimed.

"Althea ang taas naman dito, natatakot ako." Sabi ni Jade na humigpit ang hawak sa kamay ko. Nilapag ko sa gilid ang hawak kong backpack at Japanese take-out na binili namin bago pumunta dito.

"You're afraid of heights? Asan na ang Jade na nakilala ko? Yung palaban at matapang na kahit na namamaga na ang paa ay tumatakbo parin." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Buksan mo mga mata mo at hawakan ang kamay ko, pangako, hindi kita pababayaan."

Jade slowly opened her eyes and reached for my hands. Slowly but surely, I guided her towards the railing where she can see the skyline of Manila. She closed her eyes again upon realizing how high up we were.

"Jade, listen to me, open your eyes. Open your eyes and you'll see the world from a different perspective." (Sorry I copied some TRMD lines)

She gently opened her eyes. Again, brown met black. It's as if the whole world stopped and nothing else matters except this moment. I gently let go of her hand and pointed to the spectacular view waiting for her. She gasped upon seeing the beauty of the city lights and the shimmering stars complementing the view.

"It's beautiful, Althea." She said in awe.

"It is." I said while looking at her beautiful face. Her beauty still amazes me every time. Everyday feels like the first time I saw her. Especially now as she gazes lovingly at the magnificent sight. She's simply ethereal. We continued to hold hands as we both enjoyed the view when I heard her stomach rumble.

"I guess it's time to feed the monster." I told her playfully.

"Oo nga. Nalimutan kong nagugutom na pala ako." She laughed as she walked towards the corner where I left our things.

She unpacked our food while I laid down the blanket I brought from my car. I sat on the floor and told her to come sit with me.

"Jade, thank you sa pag punta. Sobrang na-appreciate ko 'yun." Sabi ko sakanya habang kinakain niya ang sushi na binili namin.

"That's what friends are for, right? And I wouldn't miss it for the world. You were so good, sobrang sulit ng pagpunta ko." She smiled at me. May kurot sa puso akong naramdaman ng marinig ko ang  salitang 'friends' pero isinantabi ko muna ito ng marinig ko ulit siyang magsalita.

"How long have you been playing?" Dagdag nito.

"Since I was 6." I said as I bit piece of Tonkatsu.

"Woah. Kaya pala ganyan ka kagaling. Is playing the violin your passion?" She asked.

"Actually, hindi ko alam. Don't get me wrong, I really love to play the violin. It was the first instrument that I've learned. Pero something's missing, eh. Parang di ako ganon ka fulfilled."

"What else do you love to do?"

"I love to play the guitar. I write songs. I sing. Actually, I really love to sing."

"Does singing make you happy?"

"Yes."

"Maybe that's your calling then. Have you tried pursuing it?"

"No."

"Why not?"

"Because... I don't know. Siguro dahil sa violin na ako nakilala. Kaya ako natanggap sa course ko dahil dito ko naipapakita ang galing ko. I guess takot lang akong lumabas sa comfort zone ko." I openly admitted.

"But it doesn't mean that you can't still do what you love, right? Pwede namang best of both worlds kung di mo ma-let go ang violin. You just have to work a little harder. You won't ever feel tired if you're doing something that you love." She said as she took another piece of sushi.

"You're right. I'll think about it. Pero ikaw, Jade. What do you want?"  I asked curiously.

"I want to be a lawyer. 'Yun talaga ang gusto ko ever since I was young, but my dad wants me to take up Business. We had an agreement that I could take up Law as long as I top all my classes. That's why I'm working my butt off. Kasi kung hindi, I have no choice but to follow what he wants for me." Sabi ni Jade na siya namang ikinagulat ko. I know na mahigpit ang Dada niya pero di ko akalain na kaya nitong kontrolin ang desisyon sa buhay ng anak niya.

"Never let anybody stop you from doing what you want, Althea. If singing is what you want to do, then so be it. So what kung nakilala ka sa violin diba? Does it make you happy? Follow your dreams, Althea. No one is stopping you." She said as she scooted a little closer. She placed her hand on top of mine and lovingly gazed at me.

'Seeing you happy is what makes me happy, Jade.'
I said to myself.

And that is why I have to let you go.

Love,
Althea

Author's Note: Sorry again for the labo labong Taglish. Should I write it in straight English or Tagalog?'or Taglish is just fine? Let me know :)

Continue Reading

You'll Also Like

268K 21K 62
Confusion. Cliffhangers. Drama.
875 25 18
Would you still SAVE the person you love, even if it can only mean to lose your own LIFE?.... W.by: Shemmy & Lane E. Wattpad accounts: @DrakeManob...
12.8K 394 22
What would you do if the most important thing in you life left? What if your world fell apart at the seems in an echo? Would you die? Leave? Screw li...
12M 226K 60
Have you ever imagined having two lives? Be two people at the same time? I bet you have. But between thinking about it and actually living it, there...