How to Seduce a Hunk Again [B...

Oleh xxxRavenJadexxx

995K 34.2K 5K

Matapos maging matagumpay sa una nilang misyon, nahaharap nanaman ang mga bida sa panibagong adventure of th... Lebih Banyak

Important
Syonpsis
Hey
Chapter 1: The Comeback
Chapter 2: Miss
Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You
Chapter 4: Mang Juan
Chapter 5: The Date Part 1
Chapter 6: The Date Part 2
Author's Note
Chapater 7: Stay With Me
Chapter 8: Password
Chapter 9: Hoodie
Chapter 10: Blow
Chapter 11: Case
Chapter 12: Dati Rati
Chapter 13: Map
Chapter 14: Chat
Author's Note
Chapter 15: Starbucks Lovers Part 1
Chapter 16: Starbucks Lovers Part 2
Author's Note
Commercial Break
Chapter 17: Beautiful Stranger
Chapter 18: Awkward
Chapter 19: Intruder
Chapter 20: The Plan (Part 1)
Author's Note: Reminder
Chapter 21: The Plan (Part 2)
Chapter 22: The Invisible map
Chapter 23: Bullseye
Chapter 24: Manong
Chapter 25: Love the Way You Lie
Chapter 26: The K3YS
Chapter 27: Reversed Whisper Game
Chapter 28: The Visitors
ON HOLD
Not an Update
Chapter 29: Haus
Chapter 30: Yellow Dress
Chapter 31: The Punch
Chapter 32: Gone Boy
ANNOUNCEMENT
Attention
Chapter 34: Akala Ko
Chapter 35: Stalker
Chapter 36: Distraction
Chapter 37: Above & Under
ATTENTION
Chapter 38: Because of You
Chapter 39: Hideaway
Chapter 40: Threesome
Chapter 41: The Real Mission Part 1
Chapter 42: The Real Mission Part 2
Chapter 43: Adventure of a Lifetime
ANNOUNCEMENT
The End Part 1 (Chapter 44): The Inside Out
The End Part 3 (Chapter 43): Our Love is Made by Shadows
The End Part 4 (Chapter 44): Sorry
Final Announcement
The End Part 5 (Chapter 45: Book)
FINALE: Chapter 46: Love is a Universe
Cheers!

The End Part 2 (Chapter 45) Mission versus Mission

11.4K 490 85
Oleh xxxRavenJadexxx

Hi po. I might extend THE END CHAPTERS TO 5. Hopefully makapagvote specially comment kayo. Salamat sa mga supporters sa story na 'to :)

*****

I panicked nang malamang paparating na ang mga bisita, my thoughts are random since hindi pa ako physically and emotionally ready. Ten commanded me to hide all the things that we used in this islet, so I started to fold the Tents that we used and placed all the paraphernalia sa ilalim ng taguan ng Treasure. She sprinted on her way sa lugar kung saan nakita ni Alex ang mga paparating na Bangka, at 'yun ay sa lugar kung saan kami nina Joaquin at Franz gumawa ng mga patibong.

Nasugatan ang kanang kamay ko nang inihuhulog ko sa baba ang mga kagamitang ginamit namin. May sumabit na matalim na bagay sa gilid ng palad ko na nag-iwan rito ng laceration. Hindi ko na lang pinansin dahil nagmamadali akong itago ang mga kagamitan, and hindi naman ito kagrabeng hiwa para pagtuunan pa ng pansin kahit nararamdaman kong tumutulo na 'yung dugo. Ginawan ko na lang ng paraan na punasan ang kamay ko sa gilid ng kulay orange kong damit. Nang matapos, tumakbo ako papunta sa kanila kung saan nakita ang mga bangka.... but to my surprise, nadatanan ko silang lahat na naglalakad papunta sa hideout namin.

"Anong nangyari," napahinto ako sa pagkakatakbo nang makasalubong sila. "Ba't kayo bumabalik?"

"False alarm Pare!" sagot ni Franz. "Mukhang mga mangingisda lang...."

"Anong mangingisda?" nagtatakang tanong ko. I started to walk with them pabalik. Medyo kalmado lang sila at ako lang 'yung medyo terrified ng mga oras na 'yun.

Inakbayan ako ni Mick na medyo nagpabigat sa 'kin. He's is gesturing a manly camaraderie between us. I know what he's thinking, we can still show our manly affection with each other na parang magkumpare lang na hindi ka paghahalataan ng mga kasama mo.

"Biglang liko sila sa kabilang banda, hindi naman sila papunta rito kaya..... FALSE ALARM!" bibong paliwanag niya. Napa-sigh of relief ako sa tila magandang balita.

Nang makarating muli kaming lahat sa hideout, hindi na nag aksaya si Ten ng panahon na ipaliwanag ang magiging responsibilidad ng bawat isa sa 'min. Umupo kaming lahat sa damuhan while she's infront of us explaining the details of what we have done at kung ano pa ang gagawin namin.

Ten is wearing a 'Pek-Pek' shorts, in layman's term sa maong na halos bakat yung pagkababae ng babae, tama ba? Atsaka cream ang suot niyang shirt na tumerno sa maputi niyang complexion.

"Anything starting from this time, maaari na silang makarating dito," pauna niyang sabi. Uma-Angelina Jolie na naman ang Aura niya pag lagi siyang nagko-cross arm. Hindi pa rin maalis sa isip ko 'yung posibilidad na magkagusto si Mick sa kanya. To the point na hindi na ako makapagconcentrate sa ginagawa ko dahil sa pagiging paranoid. Paranoia is the perfect adjective than jealousy sa kung anong nararamdaman ko ngayon.

"And we wanna make sure na 'Plan A' pa lang e mananalo na tayo," she continued.

Medyo makulimlim na nung mga oras na 'yun na tila uulan na after a couple of minutes. I can't control myself looking above para tingnan ang mga namumuong kaulapan na nagtatakim sa sinag ni haring araw. Hindi ko sigurado kung makakatulong ang pag-ulan kung saka-sakali dahil baka masira ang mga ginawa naming patibong.

Mick raised his hand to ask my Sister. "Ten.... hindi naman sa wala akong tiwala sa mga ginawa nating patibong. Pero, what if kung makaamoy 'yung mga kalaban na minamatyagan din sila? O sabihin na nating ma-gets na kaagad nila na plano natin silang hadlangan para magtagumpay sa mission nila. MISSION versus MISSION ang labanan. Hindi mo sila basta mapapasuko makuha lang ang kayamanan. At 'yung mga ginawa natin is parang nagpapatibong ka lang ng ordinaryong hayop."

Ten grinned slyly sa naging katanungan ni Mick. Totoo naman kase yung punto ng mokong na 'to. Yun din naman ang naisip ko from the start. Naniniwala akong hindi namin sila basta basta matatakot ng ganun-ganun na lang.

"Naiintindihan ko yung punto mo Mick. May mga bagay lang na 'ALAM NA NILA', na alam din natin," My Sister is trying to be cryptic again.

"Anong alam nila na alam din natin?" si Joaquin na may hitsura ang nagtanong. "Saang banda?"

From standing position, naupo sa harap namin si Ten. Basing her gesture, mukhang may inililihim pa siya sa aming lahat na hindi pa namin alam.

Ramdam naming lahat na lumalakas ang hangin na nagbabadyang malapit nang umulan. Lubhang nakakabahala dahil ang pag-ula'y maaaring maging kaibigan o kaaway namin sa mga panahong ito.

"This might shock all of you specially my Brother," biglang tumingin sa 'kin si Ten at napakunot nuo naman ako sa kanya.

"Bakit Ten?" sambit kong naguguluhan.

"Our eldest Brother..... Renzo? He told everything to our Aunties," Ten said calmly.

"W-what??????" gulat na gulat kong reaksyon. Mukhang ako lang 'yung gulat na gulat sa aming lahat.

"You heard it right Jace. Renzo made them know everything that we're planning for. All the ideas about this mission? Sinabi niya sa mga Aunties natin. Kaya alam na nila kung ano 'yung real story behind SAAVEDRA TREASURE."

"HOW COME????" Napatayo ako sa sobrang pagkagulat. Napakamao ako sa sobrang galit at hindi ko nararamdaman 'yung kirot ng sugat sa kamay ko. "THAT STUPID A$$$HOWL?" I said with disgust.

"It's disgusting I know Jace. Akala ko 'yung unang misyon natin, na hanapin kung saan ka nagmula, and the treasure na ipinamana sa 'tin ni Mama? Akala ko magbabago na siya.... hindi pala! Kinasabwat niya ang mga AUNTIES natin para lang ma-unlock yung secret about the Treasure. If I only knew, hindi ko na sana siya isinama sa mga plano namin ni Mama."

Ang kapal talaga ng mukha ni Kuya Renzo. Ang sarap niyang balatan ng buhay. Once a buwaya, always a buwaya talaga at nakuha pa niyang talikuran ang mga tunay niyang kadugo para lang sa pesteng kayamanang ito.

Kanina'y takot na takot ako sa posibleng mangyari sa misyong ito but now I'm enraged. Full of hate kay Renzo ang nasa puso ko.

"So, don't tell me Ten.... alam na nila ang tungkol sa ALAMAT? So kung alam na nila 'yung kwento... na this is the hiding place of the TREASURE AND THIS WHOLE THING IS CURSED... bakit pa sila pupunta rito? For what? Dahil hindi sila naniniwala sa ALAMAT? SA CURSE? Gagawin nila 'yun para sa mga personal nilang INTERES sa kayamanan?" pasigaw kong sabi na tila pinapagalitan si Ten.

Ten gave me a very sad stare. "Hindi ko alam pero, mukhang ganun na nga. It's GREED. Kapag nasa sirkulasyon na ng dugo mo 'yan, wala kang papaniwalaan kahit ano."

Napasabunot ako ng buhok. Hindi kami close ni Renzo pero hindi ko inisip na magagawa niya 'to. Napakahayop ng gagong iyon. 'Pag makita ko siya, kahit kapatid ko siya, pauulanin ko siya ng suntok hanggang sa mamaga ang mukha niyang sintigas ng kaluluwa ng demonyo.

Nagtanong muli si Mick. "So, alam na nila ang lahat tungkol sa islang ito? Kung ganun, hindi na natin sila mapipigilan kahit ano pang gawin natin?!"

Tumayong muli si Ten at ako'y naupong muli na tila napapasuntok pa sa hangin sa sobrang galit. Si Alex na katabi ko'y tinatapik tapik ako sa likuran para lang kumalma.

"Sa totoo lang, naguguluhan din ako, pero ito 'yung tingin kong pwedeng maging daan para tumigil sila. Since alam naman nila ang tungkol sa islang 'to, well, panindigan na natin. Let's make them believe na mapanganib nga ito by making this looked sinister. 'Pag nalaman nilang hindi safe ang lugar na 'to, baka umalis sila...."

Naiintindihan ko 'yung punto ni Ten but that is already a major risk. Most likely e mag-fail kami sa misyong ito specially hindi sapat yung nagawa na namin para maitaboy sila palayo. Mas angat ang determinasyon ng mga pesteng Aunties namin, isama na ang demonyo kong kapatid, kesa sa takot nila.

"Wala na tayong magagawa," sabi ko. "Hindi na ito 'yung oras para kwestyonin natin kung ano nang ginawa natin. Ito yung oras para magkaisa tayo at magtulungan. Kailangan nating maitaboy ang mga walang kwentang taong yun. Hindi ako susuko hangga't hindi natin sila maitataboy dito."

Ang misyong ito'y IMPOSIBLE pero ang imposible'y nagiging posible kapag may tulungan. Ang galit na nararamdaman ko ngayon ay nakabuo ng matinding determinasyon para magpunyagi. Sa isip-isip ko'y para akong si Lapu-Lapu. Laban kung laban! Kung kailangan ng dahas, gagamit ako para lang maitaboy ang mga pinakawalang kwentang taong nakilala sa tanang buhay ko.

**

Isa-isa kaming inabutan ni Ten ng (.45 pistol) in case na kailanganin namin. Nung una'y may takot akong naramdaman nang makita ang baril, pero ngayon, wala akong pakialam kung kanino sa kanilang mga hudas ang matatamaan ng bala ng baril na 'to.

Parang wala akong naging pakialam sa paligid ko sa mga nagdaang oras. 'Yung mga kasama ko'y labis na nag-aalala na kahit hindi ko tanungin e bakas na bakas sa mukha nila ang emosyong iyon. Si Joaquin at Franz, na napasubo sa misyong ito nang dahil sa pabuya pero ramdam ko na 'yung takot. Si Joaquin ver. 2, na parang napipilitan na lang kahit marami pang katanungan sa isip niya na hindi kayang ilabas. Si Alex, na akala mo'y laru-laro lang ang lahat pero ngayo'y natatakot na sa posibleng mangyari. Si Ten, kahit isa siyang matapang na babae, ay labis na rin ang pangamba na baka pumalpak ang misyong ipinaubaya sa kanya ni Mama. Si Mick, na hindi ko alam kung napipilitan lang din, o ginagawa niya lang ang lahat ng 'to para sa 'kin. AKO??? Galit ang nararamdaman ko at gusto kong magtagumpay kaya hindi ko muna iisipin ang nararamdaman ng mga kasama ko.

Alas kwatro na ng hapon. Hindi na talaga kinaya ng ulap ang namumuong tubig dito kaya nagbagsakan ang dala-dala nito para itaboy kami papasok sa lungga kung saan naroroon ang kayamanan.

"Hindi ka ba papasok Jace?" sigaw ni Ten nang mapansin niyang hindi ako gumagalaw na nakaupo lang habang dinadamdam ang ulang bumabagsak sa aking mukha.

"Hindi!!!" sagot ko habang isa-isa silang nagpapasukan sa loob.

Tumayo ako at lumakad papalayo papunta kung saan. Basta kung saan ako dalhin ng mga paa ko. My thoughts are RANDOM again, na tipong hindi ko nanaman kilala ang sarili ko. Naiisip ko kase si Kuya Renzo at kung paano ako makakaganti sa kahayupan niya. Naawa lang ako kay Ten dahil pinaghirapan niyang protektahan ang kayamanan pero umabot pa rin sa puntong kailangang malaman ng kaaway ang mga impormasyon tungkol dito.

Napadpad ako sa lokasyon kung saan namin ginawa ang patibong kasama sina Franz at Joaquin. Tinitigan ko ang mga ginawa namin habang dinarama ko ang napakalakas na ulan na halos sumira sa mga patibong. Nawala na 'yung takip na nagtatago sa mga ito dahil sa agos ng tubig. Kung patuloy pa rin ang malakas na ulan, magiging walang saysay ang pinaghirapan namin mula pa kahapon.

Ininspect ko ang NET TRAP. Napapansin kong wala na itong silbi dahil halata na ito. Ang ginawa ko'y tinapak-tapakan ko ito para subukan kung epektibo pa , sa unang pagtapak ko'y hindi man lang ito gumagalaw dahil may mga lupa nang nagpapabigat sa mismong NET. Sa ikalawang pagtapak, sumentro na ako sa gitna para sipain yung mga putik na nakapalibot dito..... at nang dahil du'y bigla na lang humagupit ang mismong NET na naging dahilan ng kawalan ko ng balanse. Ang bilis ng pangyayari, halos lumabas ang puso ko sa pwersang hindi ko maipaliwanag hanggang sa naramdaman ko na lang na nasa taas na ako ng puno habang nakapaloob sa NET.

Nahirapan akong gumalaw, at walang paraan para ako'y makababa unless may taong pwedeng tumulong sa 'kin.

"PUNYETA!!!!!!" pagsigaw ko sa sobrang inis.

Malakas pa naman ang buhos ng ulan na parang bumabaon sa kutis mo tapos hindi pa ako makagalaw ng maayos. Buong pwersa ko na ngang inuundayog ang sarili ko para makaalis pero hirap na hirap ako. Ayoko namang sumigaw ng tulong dahil nakakahiya na ako mismo ang nabitag sa ginawa kong patibong. Iyak-tawa na lang ako.

Hindi pa rin ako tumigil sa pag-indayog para makalabas. Naiisip kong kung patuloy akong gumalaw, ay baka maputol ang sanga kung saan nakakabit ang lubid.

"Grrrrrrrrr...... peste talaga!"

Narinig ko nang nagki-creek yung sanga. Tunog na anytime ay pwede na itong mabali sabay bagsak ko sa lupa. Pero ang taas ng babagsakan ko...... mga apatnapung talampakan lang naman tapos nakahiga pa ang posisyon ko. Pinandigan ko na lang kesa naman humingi pa ako ng tulong.

Lalong lumakas ang CREEK ng sanga at nang dahil du'y nabali ito na naging dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. Ginagawan ko pa ng paraan para hindi grumabe ang bagsak ko, kaya habang bumabagsak ay nagstanding posisyon ako....... na hindi ko nagawa nang buong husay kaya padapa akong bumagsak.

**

"Huy Jace.... gumising ka!!!!"

Nararamdamang kong may sumasampal sa kanang pisngi ko. Pagbungad ng mata ko'y si Mick ang nakita ko. Bigla akong napatayo sa pagkakahiga. Naalala kong bigla na nahulog ako sa taas ng puno tapos wala na akong maalala. Mukhang nawalan nanaman ako ng malay tao.

"Ayos ka lang Jace?!" nag-aalalang si Mick. "Ano bang ginagawa mo rito?"

Tumayo na ako nang tuluyan. "Nagkamali ako ng tapak sa patibong, ako ang nabitag...." pautal kong paliwanag sa kanya dahil may tingling sensation akong nararamdaman sa parteng ulo ko.

Sinamahan niya ako sa pagkakatayo. Bakas sa mukha niya na parang nag-aalala siya. 'Yung mga mata niya'y biglang lumungkot. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong yakapin.

Niyakap niya ako nang buong higpit na halos maramdaman ko na pati pagtibok ng puso niya. Nawirduhan lang ako sa kanya kung bakit niya kailangang gawin 'yun.

"Gago ka talaga Jace! Papatayin mo 'ko sa takot!" pag-aalala niya. Ramdam ko naman yung sincerity sa tono niya. Ganun ba kalala ang pagkakahulog ko para mawalan ako ng malay?

Lumayo siya sa pagkakayakap sa 'kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Inilapat niya ang labi niya sa labi ko upang ako'y mahalikan. Hindi ko na siya pinigilan at hinayaan ko na lang siyang halikan ako.

"Ang drama mo Mick, hindi pa ako patay!" reaksyong kong wala namang emosyon.

"Gago ka ba? Akala ko patay ka na! Minouth to mouth na kita, pinagsusuntok at pinagsasampal sampal ang hirap mong gisingin," himutok niya. "Nakita kitang nadadaganan ng sanga tapos yung ulo mo duguan!"

Kinapa ko ang kanang ulo ko at nakita ko sa mismong kama ko ang bahid ng dugo na may halong tubig ulan. Nakita ko ring may bahid ng dugo ang damit niyang kulay cream. "Wala akong maalala...."

"PoohtangIna mu..hayup ka Jace tarantado ka talaga"

Seryosong seryoso siya sa pag-aalala niya sa 'kin to the point na murahin niya pa ako.

"Jace, sigurado na 'ko. Hindi ko kayang mawala ka sa 'kin. Mahal na mahal kita. Kaya mag-ingat ka namang punyeta ka! Hinayupak ka talaga gago!"

Ang lutong ng pagmumura niya sa 'kin. Ako na nga itong nasaktan, siya pang may ganang mura-murahin ako. Alam ko namang alalang-alala siya pero part of me is hindi sanay na minumura ako.

"Sige murahin mo pa 'ko. Siraulo ka ba?" sabi ko.

"Tangina ka! Kung alam mo lang kung gaano ako nag-alala sayong punyeta ka. Walang hiya ka talaga Jace, Gago!"

"E teka, ba't mo ba ako minumurang tarantado ka? Ikaw ba nasaktan ha?"

"OO!" madiin niyang sagot. "Masakit! Napaka-insensitive mo..."

"Kasalanan ko ba ang nangyari ha gago ka?"- ako.

"OO!"

Hindi ko na siya sinagot dahil grabe 'yung pag-aalala niya sa 'kin. I never thought na ganun niya ko kamahal para alalahanin ng husto. Para siyang bata na hindi ko maintindihan na napapraning.

Parang umiiyak siya pero hindi ko alam kase basa naman 'yung mukha niya dahil sa ulan. Inintindi ko na lang siya kaya ang ginawa ko'y niyakap na lang siya para aluin. Para lang tanga pero ayun ang ginawa ko para pakalmahin siya.

"Sorry na..." sabay KISS ko sa kanya sa pisngi. "Kasalanan ko na na hindi ako nag-iingat.... wag ka nang mag-alala, buhay pa naman ako."

Bigla ba naman niya akong itinulak sa pagkakayakap ko sa kanya. Mukhang natamaan na naman ng mood swing ang loko.

"Anong problema mo ha Mick?"- ako.

"Hindi mo kase ako naiintindihan gago ka!" pasaring niya sa 'kin. Mukhang hindi niya nagustuhan ang paglalambing ko.

E anong gusto niya? Pucha, hirap niyang hulaan. Ako na tong nawalan ng malay tao siya pa ang galit? Nasaan ang hustisya?

Tinitigan niya ako nang ubod ng sama, kanina'y alalang alala siya pero ngayo'y naggagalit-galitan. Hindi ko talaga siya maintindihan kung anong gusto niyang mangyari sa buhay niya.

"WALA KA KASENG PAKIRAMDAM, BATO KA. BAHALA KA NA NGA SA BUHAY MO!"- si Mick

Akto na niya akong iiwan. Siguro since okay na ko'y pwede na lang niya akong iwan ng ganun ganun na lang, na parang ipinararamdam niya pa sa'king kasalanan ko pa na nawalan ako ng malay tao?

Habang siya'y naglalakad palayo'y gumawa ako ng pag-iinarteng pupukaw sa atensyon niya.

"OUCH, ang sakit... wheeeew....!!!"

Bigla siyang napatigil sa paglakad palayo na nakuha pa akong lingunin.

"OUCH... AYAW TUMIGIL NG DUGO...." pagkapa kong muli sa aking ulo kahit wala na naman talagang dugong lumalabas. "HAYAAN KO NA LANG 'TO. BAHALA NA AKONG MAMATAY.... TUTAL WALA NAMANG NAGMAMAHAL SA 'KIN..."

Tengene kinilabutan ako sa pag-iinarte ko. Parang masyadong halata sa tono ko na umaarte lang ako. Basta, bahala siya sa buhay niya. In times like this ayoko ng mga pabebe gaya niya.

Ang siste, mukhang hindi nakatiis sa alindog ni JACE SAAVEDRA, bigla siyang lumapit sa 'kin at pwersahang ininspect ang ulo kong nagkaroon ng sugat dahil sa pagkakahulog.

"Teka, anong ginagawa mo?" angal ko.

"Basta....."

"Di kita doktor gago!"

Wala na akong nagawa kundi ipaubaya na lang sa kanya ang ulo ko. Pucha anong gagawin niya? Ayun, hinubad niya ang damit niya tapos pinunas-punasan lang nito ang bahid ng dugo.

"OUCH.. GAGO KA ANG SAKIT!" angal kong muli.

"Bukol na lang 'yan! Malayo naman sa bituka.... 'wag kang OA"

"Di ako OA. Ba't ka pa bumalik? Sige umalis ka na....." kunwa-kunwang pagtaboy ko sa kanya.

Hindi naman siya umalis pa at nakatayo lang sa harap ko habang tinititigan ako. Hindi ko talaga mahulaan ang timpla ng Zanmiks na 'to. Masyado siyang mapanganib na hindi ko maintindihan. Kahit kami lang dalawa, mas mataas pa rin ang porsyentong hindi ko siya mahulaan kesa nahuhulaan ko siya.

"Mag-ingat ka na sa susunod," advice niya sa 'kin.

"Kaya ko sarili ko Mick. Marunong ako sa self defense. E ikaw?" may pagyayabang sa tono ko.

"Self defense pala ha? Sarili mong patibong hindi ka nakaiwas? At pangalawang beses ka nang nahimatay? Ang hina mo naman pala?"

Ako naman ang tumitig sa kanya ng uboad nang seryoso. Nakakalalaki siya sa mga salita niya pero hindi ko na lang binigyan ng kulay. Madali akong mainis, gaya niya pero kinokontrol ko na lang dahil...... mahal ko ang mokong na 'to. Ayoko nanamang dumating sa punto na mag-away nanaman kami sa maliit na bagay.

"Ayoko ng makipagtalo sayo Mick. Talo na ako sayo tanggap ko na! Suko na ako!"

"Okay very good! Tinatanggap ko ang pagsuko mo," pangiti niyang sabi.

Baliw ngang talaga ang mokong at hindi naintindihan ang gusto kong sabihin. Pero ayoko nang palakihin baka pag lumaki'y mabali ko nanaman ang buto niya. Kawawa lang siya sa 'kin.

"Hindi pala kita sinagot kagabi Jace...."

"Ha? Nagtanong ba ako???"

"Sabi mo kase.... I LOVE YOU MICK!!!"

"SO ano ngayon?"

"So.... I LOVE YOU TOO JACE. Mag-ingat ka na sa susunod..."

:


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

263K 2K 7
[EDITING] Unang beses pa lang na nakita ni Yuki si Rio ay may kung anong naramdaman na siya para rito. Lalo siyang nahulog sa huli dahil maliban sa a...
You Complete Me Oleh JDR

Fiksi Penggemar

72.2K 2.6K 132
When the famous Playboy in Adamson University named Bright received a message from a stranger, but the thing is he's a guy.
88.6K 7.6K 38
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...