Miss Astig

By cursingfaeri

3.7M 55.6K 8K

PUBLISHED UNDER LIFE IS BEAUTIFUL and is available in all Precious Pages Bookstore Nationwide for only 129.75... More

About the Book
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty four
Forty five
Forty Six
Bonus Chapter
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five - The Finale
CREDITS || FAQs || SURVEY QUESTIONS || POVs
Ang huling hatol ni Diwata
SOON TO BE PUBLISHED
Published Book Version

Thirty Six

49K 869 75
By cursingfaeri

_____________________________________________________

“R-Ray… Please…”

Nagmamakaawang pakiusap ko dito habang naglalakad sa park ng school. Hindi ko na talaga kasi kaya. Gulung-gulo na ako kaya kinausap ko na siya. Ilang linggo na akong hindi kinakausap ni Kuya J. Nagtatampo pa rin yata siya sakin. Ilang linggo na din akong nasasakal kay Ray. Masyadong clingy. Masyadong mabait. Masyadong sweet. Masyadong OA. Wala ba yung sakto lang? Kaya naisipan ko ng kausapin siya para makipaghiwalay na dito. Kaso ayaw niya talaga.

“AYOKO! AYOKO!” Malakas na tanggi nito.

“Eh kasi—”

“AYOKO NGA SABI EH! HINDI AKO PAPAYAG!”

“Alam mo namang—“

“AYOKO NGA EH!”

Hindi na ako nakatiis kaya binatukan ko siya. Muntik na tuloy matisod sa paglalakad. Saree naman napalakas. Hahahaha.

“Edi huwag ka! Leche. Patapusin mo kaya muna ako?! Nakakabanas ka na ha?! Kung aya—“

“LOUIEEEE!!! Huhuhuhu..” lumuhod ito bigla sa harap ko at niyakap ang mga tuhod ko.

ANO NA NAMANG PAKULO ‘TO?!

Sa totoo lang naaawa na natatawa na ako sa adik na to. Nahihirapan na talaga ako sa mga nangyayari. Hindi ako pinanganak na masokista. Like hello?! Hindi bagay sakin yon, tae. Hahaha.

Nang tumaas ang tingin ni Ray sakin ay nakita kong umiiyak na pala siya talaga. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Huwag niya naman akong dramahan ng ganito!

“Louie parang awa mo na please. Huwag kang makipaghiwalay. Gagawin ko lahat ng gusto mo…” pagmamakaawa nito sakin.

“Ray, makinig ka. Hindi talaga ako deserving sa pagmamahal na yan. Mahal kita. As a friend. Alam mo yan sa umpisa pa lang pero sinubukan ko kasi sabi mo give you a chance diba? But see? It didn’t work out. Ayokong pinapababa mo masyado ang sarili mo para lang sa relasyong ‘to na obviously ay one-sided na. Masaya naman tayo dati bilang magkaibigan diba?”

“Louie hindi ko talaga kaya. Mamamatay ako pag wala ka..” hagulgol nito kaya napabuntong-hininga na lang ako.

E ANO NGAYOOOOOON?! Problema mo na yan dude!

OA ampotek. Sarap saksakin sa kakornihan ng matuluyan na. Tsss.

“Tumayo ka nga diyan,” sabi ko dito sabay hila sa kanya pero hindi pa rin tuminag sa pagkakaluhod.

“Ayoko! Hindi ako aalis hangga’t hindi mo binabawi ang sinasabi mo,” matigas na tanggi nito.

Qoutang-qouta na ako sa kaka-‘ayoko’ ng damuhong ‘to eh.

“Tumayo ka Ray kung ayaw mong mapilitang tumayo na lasug-lasog ang katawan.” Seryoso kong pakli dito.

Mabilis pa sa alas kwatrong tumayo naman ito. “Louie naman eh!”

“Tapos na ang usapan. Basta ayoko na.”

“Hindi pa rin tayo break.”

Napahilamos ako sa mukha sa frustration. “I don’t want to sugarcoat this anymore. You always left me with no choice. HINDI NGA KITA MAHAL RAY! Naiintindihan mo ba ang mga salitang yon? HINDI. NO. NADA. NIL. WALA. ZERO FEELINGS. Kung hanggang langit ang pagmamahal mo sakin, ako, ni hindi pa tumubo sa lupa. Ayaw tumubo. Nagkalahar. Natuyot. O gusto mo pang idescribe ko kung bakit natutuyot ang lupa? Sabihin mo lang ng maliwanagan na yang kukute mong sobrang kitid.”

“Louie naman eh!” nagpapadyak pang sabi nito sabay hawak sa kamay ko.

“AYOKO NGA SAYO!” Hindi ko na talaga maiwasang hindi mapalakas ang boses. Bahala na mapa-guidance ulit. Bahala na mainis lahat ng tao. Wala na akong pakialam sa mga yan!

“Magpapakamatay ako,” seryoso at pagbabantang sabi nito sakin.

Arrrrrgh poteeeeek! Kainis ka! Kala mo matatakot mo ‘kong gago ka?!

“Halika.” Kinaladkad ko siya patungo sa flag pole sa stage.

“T-Teka. S-San tayo pupunta?” Kinakabahang sambit nito habang pinapahid ang mga luha.

“Magpapakamatay ka diba? Tutulungan kita ng matuluyan ka na.”

“NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!”

Malakas na sigaw ni Ray na nagpatigil sa lahat ng estudyante.

Napabalikwas ako ng bangon. Inabot ko agad ang tubig sa side table at uminom. Syet. Hanggang sa pagtulog ba naman binabagabag ako ni Ray? Hindi na nakakatuwa ‘to. Hays. Pinindot ko ang controller at pinaandar ang mga ilaw bago seryosong tinignan ang kalendaryo.

Huwebes. Third Day na pala namin ngayon ni Ray na mag-on. Nakakalungkot mang isipin pero bakit tingin ko ilang taon na akong may dinadala sa dibdib? Bakit hindi na ako kumportable sa company niya di katulad dating magkaibigan kami?

Malapit na ang Sabado. Prom.

Parang ang daming nangyari at mangyayari pa sa loob lamang ng isang linggo. Hindi ko maiwasang mapailing. Tinitigan ko ang tatlong checklist na nakasulat sa bulletin board. Ang checklist ni Ray. Kinuha ko ang dart sa drawer at seryosong tinitigan ang araw ng Huwebes bago sapul na tinira ang full moon na nakaguhit doon.

 

It’s time to wake up its six o’clock Louie. It’s time to wake up!

 

“Kanina pa!” Pabalang na sagot ko sa talking alarm clock na animo’y totoong tao ang kausap bago in-off ito at patamad na gumayak na.

Sinadya ko talagang agahan ang pagpasok. Ako na lang naman ang hinahatid ni Tatay Tonyo dahil may mga sasakyan na din sina Kuya. Lakad takbo na naman akong pumasok sa school at dali-daling dumiretso sa library.

Syet. Sarado pa, sabi na nga ba.

 

Ano naman ine-expect mo Louie eh alas siyete pa lang?

 

Naramdaman ko ang pagtapik sa balikat ko kaya napaigtad talaga ako at literal na humawak sa dibdib. “Oh my God! M-Mason!”

Akala ko pa naman sumagot na ang konsensiya ko. Balak ba ako nitong patayin sa sakit sa puso? At ang potek halatang nagpipigil pang ngumisi. “Sarado pa ang lib,” sabi nito sakin.

Mukha ba akong bulag para hindi makita yon? Kita mo 'tong lalaking 'to. Tss.

Saglit akong kinabahan sa presensiya niya at baka nasa likod nito si Ray kaya tumingin muna ako sa paligid bago pasupladang sumagot. “Bakit ba?”

Pero kung nagulat ako sa biglang pagsulpot niya, mas nagulat ako sa sumunod na tanong niya.

“Sigurado ka ba nung sinagot mo si Ray?”

Seryoso. Napatitig lang ako sa kanya habang tila seryoso din siyang naghihintay ng sagot ko. Alam mo yung feeling na ang dami kong gustong sabihin pero nagrambolan na lahat sa isip mo at hindi mo na alam kung ano ang uunahin?

Kaibigan niya si Ray. Kapatid niya si Charlie. Dalawang taong malapit sa kanya. Dalawang taong naging rason kung bakit nababagabag ako ng ganito simula Lunes, nung napa-‘Sige’ ako at biglang naging kami. Hindi ko alam saang parte ng ‘sige’ yung ‘oo tayo na’ pero eto na’t napasubo na ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na ‘pasensya ka na ha? Yang kapatid mo kasi nambibigla eh. Nakakapressure kaya napa-‘Sige’ ako ng wala sa oras. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing ‘ikaw, kailan ka pa naging ganyan ka-usisero? Nagseselos ka ba dahil ako ang niligawan ni Ray at hindi ikaw?’. De joke lang ang last. Hehehe.

Basta andami ko ding gustong sabihin pero paano yun hindi lalabas na pinagtatanggol ko ang sarili ko? Na na-peer pressure lang talaga ako? Ambabaw ko naman non. Kasi nagpatulak ako sa kanila. Hinayaan kong magpa-pressure. Di ba anlabo lang?

Napabuntong-hininga ako. "Ba't ba-"

"Bespren!" Kapwa kami napalingon ng dumating si Charlie.

Save by the bell. Woo!

"Grabe kanina pa kita hinihintay. Mabuti na lang may nakakita sayo papunta sa lib. Pumunta pa naman ako sa classroom mo," nakangiting saad nito bago binalingan ang kapatid. "O Mase, ano'ng ginagawa mo dito? Ayy.. Hehehe. Sabi mo nga pala kagabi sosoli mo yung libro."

Tumango lang si Mason sa kapatid bago ako binalingan. "Sige Louie."

Napatango na lang din ako dito.

"Ano yung pinag-uusapan niyo ni Mason? Hmmm. Sinisiraan mo ko sa kanya no? Bespren ha! Secret natin yon!"

"Anong secret? Alam mo siraulo ka talaga. Ano’ng pag-uusapan namin tungkol sayo? Napakainteresting topic mo naman,” nang-aasar na baling ko dito. “Nagtanong lang kung sigurado daw ako nung sinagot ko si Ray-"

"Ay yan! Yan din pala ang gusto kong sabihin sayo. Kasi napag-isip-isip ko—" marahan kong pinitik ang noo nito.

"Heh. Tumigil ka. Ayoko makinig. Masyado na akong madaming iniisip."

"Ito naman. Sasabihin ko lang namang ayo—"

"Charlie, isa!"

"Wooo! Grabe ka. May mens yan! May mens yan! Sungit sungit naman," nakangusong sabi nito sakin na hindi ko pinansin.

Nang malapit na ang lunch break ay tinext ko na si Ray na magkita kami sa park. Sinabihan ko si Chan-Chan na mauna na siya at sunduin si Charlie dahil pupuntahan ko muna si Ray.

"Hindi kayo sasabay ni Ray maglunch?" Nagtatakang tanong ni Chan-Chan.

"Mauna na kayo ni Charlie. Mamaya na siguro ako kakain. Wala pa akong gana eh. Sige na," tapik ko sa balikat nito.

***

Nakita ko si Ray na may malapad na ngiti sa labi habang halos umikot na naman ang mga mata ko ng makita ang isang long stemmed rose na hawak nito. Tss. Kakornihan at its peak. C’mon!

"Cupcake, for you," abot nito ng rosas.

"Hawakan mo muna. Meron ako. Naiirita ako sa pulang rosas pag meron ako," pilit ang ngiting sabi ko dito. Mabuti na lang naisip ni Charlie kanina na baka meron ako kaya naalala ko. Bahahaha.

"Oh shucks! Noted Cupcake," nakangiti pa ring sabi nito.

Yaaak Ray! Kilabutan ka nga sa sarili mo. Hindi ko na tuloy ma-enjoy ang mga cupcakes dahil sayo.

"Tara doon tayo. May sasabihin ako sayo," aya ko dito sa pinakatahimik at medyo tagong parte ng park. Yung hindi talaga masyadong nagagawian ng tao.

Tila na-excite naman ito. "Ano sasabihin mo Cupcake?"

"Ray. Makinig kang mabuti ha? Huwag ka munang magreact. Gusto ko, intindihin mo ang sasabihin ko sayo. Patapusin mo muna akong magsalita, okay?"

Tumango naman ito habang malapad na ngumiti.

"Nahihirapan na ako. Tatlong araw pa lang na tayo pero hindi na ako makatulog ng maayos sa gabi. Lagi akong binabagabag ng konsensya ko. Alam mo kung ano ang nararamdaman ko ngayon? Ang masokista ko Ray. Kasi nasasaktan ako para sayo. Kasi alam ko kung paano mo ako pahalagahan pero tinging kaibigan lang talaga ang turing ko sayo. Yung pinipilit ko ang sarili kong tignan ka ng higit pa sa pagiging kaibigan pero ayaw makisama ng utak at puso mo? Ang hirap pala Ray. Sa sobrang hirap parang sasabog na ang utak ko..."

Unti-unting nawala ang malapad na ngiti nito sa mga labi.

"I tried. Pero wala talaga eh. Nahihiya nga ako kasi sobrang bait mo. You're too good for me..."

"L-Louie… An-ano ba ang p-problema sakin?"

"Hindi ikaw ang problema Ray. Walang problema sayo. Nagkataon lang talaga siguro na maling tao ang minahal mo. Hindi ako deserved niyan. Sobrang bait mo kasi," sabi ko dito na may malungkot na ngiti sa labi.

"H-Hindi ko kailanman naisip na mali ang mahalin ka," sagot nito.

Aww barilin niyo na ako pleeaaase! Ilan pa kayo Ray? Yung totoo?! Kulang na lang talaga umikot ang mga mata ko. Pati ba naman sa break-up thingy ang corny mo pa ring sumagot?! May gahd ha!

Hinawakan ko ang dalawang kamay nito. "Ray. Hindi mali ang magmahal. Kaso yung pagmamahal ba na yon may katugon? Kung wala, ba't ka patuloy na magmamahal kung one-sided lang? Pareho lang kayong naglolokohan non. At mas niloloko mo lang ang sarili mo."

Napayuko na lang ito.

"Ambata pa natin Ray. Let's not make this hard for both of us, please. Madami pa pwedeng mangyari. Hindi natin alam. For now, bakit hindi na lang muna natin i-enjoy ang pagiging teenager natin? Ang pag-aaral? Kailangan ba talagang magkaboyfriend-girlfriend para maging makulay ang high school life? O ang pag-aaral per se? Sa totoo lang, hindi nga ako magkandatuto sa pagtapos ng assignments at projects ko dito sa araw-araw na ginawa ng Diyos tapos may gana pa akong magboyfriend? Ni hindi nga kita mareplayan pag nagtetext ka. Ni hindi ko nga maamin sa mga Kuya ko na ‘Oy! May boyfriend na pala ako, check it out!’," pabiro kong sabi bago nagpatuloy. "Ni hindi ko masabi sa nanay ko kasi alam kong magagalit yon. Naiintindihan mo ba ang point ko? Magkaiba kasi ang focus natin eh. Alam mo naman kung gaano ko ka-priority ang pag-aaral ko di ba?"

Napatango naman ito.

"Friends?"

Tinignan lang nito ang nakalahad kong palad. "Louie... Masakit talaga 'to para sakin pero ayoko namang pinahihirapan ka pala ng sitwasyon natin. But can I hug you instead?"

Nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata nito kaya nakangiting niyakap ko siya ng mahigpit.

Syet. Nabunutan yata ako ng tinik sa dibdib ngayon.

Haaayy. Thanks Papa God. I love you po.

Napangiti na ako habang nakatingala sa langit.

_____________________

A/N :

Happy 100K plus reads! Congrats sa ating lahat na sumusuporta kay Louie. KAYO ANG ASTIG!! WE LOVE YOU ALL!!

O ayan Ray, ang youtube mo. Tatlong Araw by Parokya ni Edgar. Let's play it on! (_._II)

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 96.5K 74
"Living in the dark side of the world isn't easy. Everyday is a fight. Every second is a riddle, and every minute is death. And being the boss makes...
6.6K 277 55
"Sabi nila hindi daw totoo ang love at first sight pero bakit ganun ako lang ba ang tinablan nun o naranasan niyo na din na ma - love at first sight...
467K 14.4K 44
𝘪𝘯 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘢 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘦𝘯𝘵𝘦𝘳𝘴 𝘢 𝘴𝘤𝘩𝘰𝘰𝘭 𝘧𝘶𝘭𝘭 𝘰𝘧 𝘮𝘺𝘴𝘵𝘦𝘳𝘪𝘦𝘴. 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙨𝙩𝙖𝙧𝙩𝙚𝙙 : 032915 𝙙𝙖𝙩𝙚 𝙚𝙣𝙙𝙚𝙙 : 100...
1.5M 51.7K 99
[COMPLETED] Ako si Eliana, isang college student na aksidente na naging werewolf. To avoid being stuck in a werewolf form, I was forced to marry a we...