HIS MODERN CINDERELLA (Taming...

Da fedejik

6.2M 171K 11.3K

Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya an... Altro

Teaser
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Epilogue

Chapter 33

102K 3.1K 172
Da fedejik

CHAPTER 33

NATALIAs POV

Hinahalikan ako ni Vaughn at ramdam ko ang katotohanan sa kanyang mga sinabi. Mahal niya ako at hindi ako makapaniwalang totoo pala iyon.

Saglit siyang humiwalay at pinagdikit ang aming noo. Nananatiling hinahaplus-haplos niya ang balat sa aking leeg at sobrang sarap sa pakiramdam nang kanyang hipo sa aking balat.

"I missed you so much," bulong pa niya at mabilis pa rin ang kanyang paghinga.

"I missed you too, Vaughn," pag-amin ko rin naman dahil sobra ang naging pangungulila ko sa kanya.

"Hmm..." Kinabig niya ako palapit at niyakap nang sobrang higpit. Nanuot nang husto sa aking ilong ang amoy niyang sobrang namiss ko rin. Sa tagal na hindi kami magkasama, pakiramdam ko ay sobrang kulang na ako. Napasok ni Vaughn ang puso ko sa paraang hindi ko inaasahan. "I didn't like you dating that guy, Natalia," mariing sabi pa niya at hindi ko naiwasang mapangiti dahil sa lantad na selos na bakas sa tono nang kanyang pagkakasabi.

"Nagseselos ka?" Tiningala ko siya at nasalubong ko ang nakasimangot niyang mukha.

"Hindi ko gustong may iba kang kasama. Ayokong may ibang umaaligid sa'yo. Ayokong may ibang hahawak at hahalik sa'yo. Ayokong may iba kang tatapunan nang atensyon. Pati ang ngiti mo, akin lang, Natalia," seryosong sabi pa niya at hindi ko napigilang kagatin ang aking labi. Pakiramdam ko ay kinukulang nang hangin ang aking baga kapag ganoon katamis ang kanyang mga salita. "If you call that jealousy, well maybe, I am beyond jealous." Umismid siya at bahagyang umangat ang kanyang mga labi.

"Ang gwapo mo magselos," nakangiting sabi ko pa pero nananatiling seryoso ang mukha niya.

"Alam kong gwapo ako. 'Wag mo na ipagdiinan," seryosong sabi pa rin niya pero nagpipigil naman nang ngiti.

"Pero may Sam ka na," mapait pang sabi ko dahil kung nagseselos siya ay gan'un din naman ako.

"No. Walang kami ni Sam," sabi pa niya kasunod ang malalim na buntong-hininga. "I admit, I thought Sam was the one for me. She's been with me all my life. I was so protective of her and did crazy stuff to shove her suitors away. But when I met you, I felt really confused. A part of me wanted to be dedicated to you. I don't want anybody else. I only want you. This is insane. It fvcking felt like I am, Chance, Tyrone and Dalton Ace, all at once," iiling-iling pang sabi niya sabay natatawang ngumiwi. "You whipped me really hard, Natalia. All along, I thought it was just lust, but now that i had it, I couldn't get enough. I simply wanted it. I want you. All of you. Insane, right?" Umiling-iling siya na para bang sobrang big deal talagang nangyari iyon sa kanya.

"Sigurado ka ba? Ako ba talaga ang gusto mo?" paniniguro ko pa at hindi ko alam kung tama bang papasukin ko siya sa komplikado kong buhay. "Kaya mo ba akong ipaglaban sa mga taong pupuwedeng ayawan ako dahil sa nakaraan ko? Kaya mo ba talaga?"

"Natalia..." Malungkot pa siyang napatitig sa akin at hindi ko alam kung dala ba iyon nang awa. Ayoko namang piliin niya ako dahil lang sa awa. "Pinipili kita dahil mahal kita. At wala akong pakialam sa iba. Ikaw lang, sapat na."

"Hanggang saan mo ako ipaglalaban, Vaughn? Marami ang puwedeng magsabi nang hindi maganda sa akin. At puwedeng pati ikaw ay maapektuhan. Maaaring mag-iba ang pagtingin nila sa'yo dahil sa akin."

"Fvck them! Like I said, wala na akong pakialam sa iba. Just be with me again, Natalia. Just be with me," sumamo pa niya at matamang tumitig sa aking mga mata. "Please, Natalia. Tell me you're mine? Please..."

Nagluluhang napatitig lang ako sa kanya habang mariin kong kagat ang aking labi. Marami pa rin akong tanong at pag-aalangan pero mahal ko siya. At tama nga bang balewalain ko na lahat ng mga tanong para lang sa pag-ibig?

"Palagi naman akong sa'yo, Vaughn," mahinang sabi ko pa at agad na sumilay ang mumunting ngiti sa kanyang labi.

Yumuko siya at muli akong ginawaran nang manipis na halik sa labi. Pero saglit kaming natigilan nang may biglang umubo sa aming likuran. Napalingon ako at nasalubong namin ang seryosong mukha ni Nanay Tere.

"Natalia," seryosong tawag pa niya at kumalabog ang puso ko sa kaba.

"Nanay, uhm," nangangapa ko pang sabi pero natigilan rin ako nang biglang sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

"Pumasok kayo ng bisita mo. Pagmeriendahin mo man lang," mahinahon pang sabi niya at wala pa ako sa sariling napatingin kay Vaughn na bahagyang nanigas ang panga. Seryoso ang titig niya kay Nanay Tere na tila ba nagbabadyang sumugod may makita lang siyang mali.

"S-sige po, 'Nay." Tumango ako at hindi ko pa rin alam kung dapat ko nga siyang papasukin.

Lumayo si Nanay Tere at nanatiling seryoso ang mukha ni Vaughn.

"Pasok ka?" alanganing tanong ko pa.

"Nagbago na talaga siya? Hindi ka na niya ibinebenta?" diretsong tanong pa niya at marahan lang akong umiling. Nakakagulat man ang mabilisang pagbabago ni Nanay Tere, umaasa pa rin akong totoo na 'yun. Masarap ang pakiramdam na may kumpletong pamilya. At higit na mas masaya ngayon dahil may Vaughn na ako.

"Come, nang ma-meet ka naman nila nang maayos?"

Mapakla lang siyang ngumiti at bandang huli ay tumango rin. Gumapang ang kamay niya sa aking baywang. Namiss ko talaga ang pakiramdam na hinahawakan niya ako. Saglit akong bumaling sa kanya at mabilis na tumingkayad para halikan siya sa labi. God, I missed him so much.

Napangiti lang siya sa labi ko at ikiniskis ang kanyang ilong sa aking ilong.

"Let's meet them first before I show you how much I missed you, Cinderella," nakangisi pang sabi niya at mahina ko lang siyang tinapik sa dibdib. Alam na alam ko ang ibig niyang sabihin.

Naabutan naming nakaupo sa may sala sina Nanay Tere at Andrea. Malapad ang mga ngiti nilang tumitig kay Vaughn. Wala na si Trina roon at siguro nga ay natutulog na rin.

"Good evening po," magalang namang bati ni Vaughn, pero tipid pa rin ang kanyang ngiti.

"Pasok ka." Si Andrea na nagbigay pa ng espasyo sa sofa. "Ako nga pala si Andrea," pakilala pa niya sa sarili at mabilis na kinamayan si Vaughn.

"Vaughn," sabi rin naman ni Vaughn at pormal pa rin ang kanyang ekspresyon.

"Si Nanay Tere," bulong ko pa sa kanya at maagap rin naman niyang kinamayan si Nanay na halos mapunit ang labi sa sobrang lapad nang ngiti.

"Pasensya na po kanina," hingi rin naman nang paumanhin ni Vaughn sabay makahulugang sumulyap sa akin.  Nahuli niya kaming naghahalikan at iyon siguro ang inihihingi niya nang paumanhin.

"Ayos lang, hijo, maupo ka muna. Maggayak lang ako nang makakain."

"Hindi na po, Tita. Tapos na po," maagap na tanggi rin naman niya at muli akong tinapunan nang tingin.

"Maupo kayo." Si Andrea na itinuro pa ang binakante niyang sofa at tinanguan ko naman si Vaughn.

Hindi ko alam kung naiilang siya o papaano, pero nananatili ang hawak niya sa aking baywang. Naupo kami at parehas pa ring nakasamasid sina Nanay Tere at Andrea sa amin. Ngayong malaya nilang napagmamasdan ang kagwapuhan ni Vaughn ay bakas din sa mukha nila ang sobrang pagkamangha. Hindi ko naman sila masisisi dahil parang magnet talaga ang dating ng hitsura niya. At hindi rin nakakasawang tingnan.

"Puwedeng magtanong Vaughn?" Si Andrea na matamis pa ring nakangiti.

"Yeah, sure." Tumango pa siya at bahagya akong dinungaw.  Parang kanina pa niya ako ayaw lubayan nang tingin. Lihim akong napangiti dahil sa kakaibang nagagawa nang mga galaw niyang iyon sa aking puso.

"Kaanu-ano mo ang mga Fuentebella?"

"Malapit na kamag-anak. Why did you asked?" Bahagya pa siyang kumunot.

"Ah, wala naman. Naitanong ko lang. May kakilala lang ako na parang nahahawig sa hitsura mo. Naisip ko nga ay baka kamag-anak mo."

"Sino?" seryosong tanong pa niya.

"Huh, e, nakalimutan ko na pangalan. Naipakilala lang naman 'yun sa akin," mabilis pang sabi niya at hindi na rin naman inintindi iyon ni Vaughn.

Bumaling sa akin si Vaughn at ngumuso. Napangiti ako at alam ko naman ang ibig niyang sabihin. Pinagsalikop niya ang aming mga daliri at malagkit na tumitig sa akin. Alam kong mas gusto niyang mapagsolo kami kaysa makipag-usap sa mga taong dati rin niyang kinasuklaman.

"Gaano na kayo katagal magboyfriend ni Natalia?" sabat pa ni Nanay Tere na nakamasid pala sa aming dalawa.

Parang hindi naman nagulat si Vaughn sa tanong at kaswal lang na sumagot.

"Matagal-tagal na rin po," sagot lang niya sabay matamis na ngumiti sa akin.

"Talaga?" Bahagya pa siyang napakunot at napatingin lang din kay Andrea.

"Ang gwapo mo pala sa malapitan. May kapatid ka pa bang lalaki?" nakangising tanong pa ni Andrea at tipid lang na ngumiti si Vaughn.

"No." Marahan lang na umiling si Vaughn at napakamot ng batok.

"Concious ka naman," bulong ko pa sabay ngumuso at nakangiting umirap sa kanya.

"Tara na, Andeng. Bigyan natin sila ng privacy," kayag pa ni Nanay Tere sa napasimangot lang na kapatid ko.

"Ang kj ni Nanay. In-interview ko pa nga si Vaughn," may maktol pang himig niya.

"Hayaan na muna natin sila, Andeng. Tara na." Hinila pa ni Nanay Tere sa kamay si Andrea na ngumuso lang at kumindat sa amin.

"Nice to meet you, Vaughn. Dalasan mo ang dalaw dito, huh," pahabol pa niya at tipid na ngumiti lang ulit si Vaughn.

"Iwan muna namin kayo," sabi pa ni Nanay Tere at kumakaway pa si Andrea na lumayo.

Napabuntong-hininga lang si Vaughn nang makaakyat na ang dalawa sa ikalawang palapag at muling seryosong bumaling sa akin.

"Saktan ka lang ulit nila Natalia, hindi ako magdadalawang isip na kuhanin ka ulit at hindi rin kita bibigyan nang pagkakataong tumanggi," seryosong sabi pa niya at ramdam ko ang sinseridad sa kanyang boses.

Tumango ako at tipid na ngumiti.

"Hindi naman ako tatanggi." Tipid akong ngumiti habang mas lumagkit ang titig niya sa akin.

"Gusto kong samantalahin ang panahon na masolo kita pero ayoko namang may masabi pa ang pamilya mo sa akin. Alam kong dalagang pilipina ka pa rin, Cinderella," natatawang sabi pa niya at mahina ko naman siyang pinalo sa braso.

"Buti naman at alam mo." Ngumuso ako sabay irap.

Manipis siyang natawa at kinabig ako para halikan sa labi.

"But no. I will still own you, Natalia. Sa tamang lugar at walang istorbo," nakangising sabi pa niya. Wala talaga akong masabi sa sobrang kapilyuhan niya.

"I really need to go. Can I take you out on a date tomorrow?"

"Okay." Tumango ako at muli ay mabilis akong hinalikan.

"Magpahinga ka na at humanda ka sa akin bukas," natatawang sabi pa niya at alam ko namang seryoso siya sa sinabi niyang iyon.

"Puro ka kalokohan." Ngumuso ako at iiling-iling siyang tumayo.

"I am no prince, Cinderella. But I can be the man who will love you endlessly," seryosong sabi pa niya sabay humakbang paatras. "Good night."

"Good night." Matamis akong ngumiti at halos lumipad ang puso ko sa sobrang kaligayahan.

He's officially my prince now.

Continua a leggere

Ti piacerà anche

1.5M 58.4K 59
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...
690K 12K 22
She fell in love with him. She got rejected. He fell in love with her. She already have someone else. Book Cover by @Thirty_Celsius
56.5K 890 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
785K 10.8K 69
[Filipino] Formerly BEWARE OF HIS SPELL Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviejo, the SSC President of their Un...