No Guns, No Entry | Gangster...

By I_am_a_badgirl

2.8M 79.6K 25.3K

When the good side die, the monster will rise. Gangster Academy: Book 2 More

No Guns, No Entry
#NoGunsNoEntry Will Never
#NoGunsNoEntry Start
#NoGunsNoEntry Congrats
#NoGunsNoEntry Male
#NoGunsNoEntry Snow Flakes
#NoGunsNoEntry The Forest and its Guards
#NoGunsNoEntry B*tchy Surprises
#NoGunsNoEntry The One
#NoGunsNoEntry Back
#NoGunsNoEntry Same
#NoGunsNoEntry Her
#NoGunsNoEntry Empress and her Emperor
#NoGunsNoEntry Gone Wild
#NoGunsNoEntry Emperor and Protector
#NoGunsNoEntry Phase One
#NoGunsNoEntry Friends
#NoGunsNoEntry Mystery
#NoGunsNoEntry Things Happen
#NoGunsNoEntry Preparation/BFF
HUGOT NG BAYAN
#NoGunsNoEntry Party Preparations
#NoGunsNoEntry Jokes are... Damn.
Wait, what?
#NoGunsNoEntry Letting Go
#NoGunsNoEntry Games
#NoGunsNoEntry Mga Bwisit-a
#NoGunsNoEntry Midnight Bwisit-a
#NoGunsNoEntry That's Life
#NoGunsNoEntry Out.

#NoGunsNoEntry Intense Party

115K 3.4K 2.3K
By I_am_a_badgirl


Napansin ata ni Dark na napapansin kong namumula siya kaya napayuko siya. Tumigil ako sa paglalakad at ganoon din ang council. Nauna naman ang mga Elders. Parang sobrang irritable talaga nila sa akin. Kasalanan ko bang napahiya sila? Serves them right.

Tumitig ako kay Dark. Hindi pa rin siya makatingin. I smirked.

"Kinikilig ka ba sa akin?"

Agad na napa-angat ng tingin si Dark at namimilog ang mata sa gulat. Hindi ata niya inaasahan na ganoon ka-straight forward ang tanong ko.

"H-hindi ah. Wag kang assuming, Zerah." Yeah, right. Nauutal ka kaya.

"Talaga? Bakit ang pula ng pisngi mo?" sabi ko sabay taas ng kilay sa kaniya. "Ano iyan since birth na pamumula? Ano ka, apple?" Narinig kong napatawa ng mahina ang council sa sinabi ko. Napasimangot naman si Dark.

"Pinkish skin ako." Sabi niya sabay pout. Pu*ta. Nagpout?

"Ah? Guys? Naririnig namin yang pag-aaway niyo." Singit naman ni Sky sa usapan namin.

"Alam ko. Nakakainis kasi itong isang ito. Kinikilig ang pu*ta." Hindi na napigilan ni Coldie ang tawa. Humalakhak siya kasabay ni Bea, naghahampasan pa sila. Pagkatapos noong marealize nila na hindi nga pala sila close ay biglang nag-irapan. Parang mga tanga.

"Sabi ng hindi ako kinikilig!" sigaw naman ni Dark. Nakikita kong medyo naiinis na siya sa pangungumbinsi sa amin na hindi daw siya kinikilig. As if naman hindi. Hindi naman siguro siya bakla at pagkatapos ay nagblush on para maging pink ang pisng.

"Whatever." Nauna na akong maglakad papasok sa main event hall. Bumungad sa akin ang napakaraming miyembro ng Empire. Hindi lahat ng miyembro ay naririto. Iyong may mag may matataas na katungkulan lamang.

Bawat nadadanan ko ay bumabati sa akin na para bang akala mo'y matagal ko na silang kaibigan. Iyan ang ayaw ko sa mga pagdiriwang na kagaya nito. Halos lahat ng tao nagpapanggap. Nagpapanggap na masaya. Nagpapanggap na kaibigan ng lahat. Nagpapanggap na gustong makasama ang isa't-isa. Ang totoo naman ay gusto ng magpatayan.

Tumatango lang ako sa kanila. Hindi ako nagtatanong kung kamusta din ba sila. Please, I am done with useless conversations. I am done with unimportant relationships.

Umupo ako sa isa sa mga lamesa na nasa paligid ng open space sa gitna ng hall. Light pa ang mood ng party. May sweet song akong naririnig na nagpla-play. May mga nagsasayaw sa gitna.

Natanaw ko ang council na nagkukumpulan doon sa may bar. I think they ordered some drinks. Si Coldie naman at Bea ay parang sira ulong nagpapagandahan. Pakiramdam ko may mga bata akong dala sa party dahil sa ginagawa nila.

Si Thres naman ay nandoon lang sa isang sulok at may hawak na isang baso ng wine. Nalulungkot ako para sa kaniya. His here with us, but his heart is with Sarah.

I feel sorry for him.

"Ano iyong kanina?" tanong ni Miene sabay upo sa tabi ko. Pinagtitinginan kami ng ibang mga miyembro ng Empire.

Nagtataka siguro sila bakit nandito si Miene ganoong hindi naman siya parte ng Empire. I don't f*cking mind. Stare all they want. I don't care.

"What?" tanong ko sabay senyas sa dumaang waiter. Nilagyan niya ako ng alak sa isang baso at inilapag. Tumango siya at saka umalis na.

"Naglalambingan ba kayo kanina noong lalaki na iyon? Dark, right? Ayie! Shota mo ba iyon?" Tinitigan ko ng masama si Miene. Nababaliw na ata siya para sabihin iyon.

"Wala kaming relasyon. Hindi kami naglalambingan pwede ba. Nakita mong nag-aaway kami. Bulag ka na ba?" naiiritang sabi ko. Napatawa na lang siya sa akin dahil na-beast mode talaga ako sa pinagsasasabi niya.

"Bahala ka. Basta, kinikilig iyong tao kasi nginitian mo. In short, crush ka n'on. Naks." Sabi ni Miene sabay wiggle ng kilay.

Bakit ang daming baliw sa party na ito? Kasama na siya sa listahan ng mga isip bata. Una si Coldie, next si Bea, ngayon naman si Miene. Akala mo mga hindi mapakabasag pinggan at inosenteng mga bata, kayang kaya namang pumatay.

"Manahimik ka na nga lang pwede ba?" sabi ko na tinawanan na naman niya.

"Shit. Ang kyot mo mainis. Kung hindi mo trip iyong Dark, pwede pa naman iyong offer ko last time." Sabi ni Miene sabay kindat.

Doon ako natawa sa ginawa niya. Miene is an open lesbian. Lipstick lesbian. Ang gandang babae pero sorry na lang sa mga lalaki diyan, babae din hanap niya.

Last time kasi na nagkakasama kami tinanong niya ako kung open daw ba ako sa mga babae. I turned her down. Hindi ako ganon kasama para magpaasa.

Ngumiti na lang ako tsaka umiling. Napangiti na rin si Miene. Alam niyang tatanggi ako. May sasabihin pa sana siya kaso naputol ang pag-uusap namin ni Miene ng marinig ko ang pagkalansing ng baso dahil sa mahinang pagtatama ng kutsara upang kunin ang atensyon ng lahat.

Nakatayo sa stage ang Head ng Elders. Nang makita niya na ang lahat ay saka niya hinawakan ang mikropono.

"Good evening, Ladies and Gentlemen! May I propose a tose for this event." Sabi niya sabay taas ng kupita na hawak niya sa isang kamay.

"Ang pagdiriwang na ito ay para sa pagbubukas ng evaluation para sa Empire. Next month, magaganap ang taunang Elimination Event ng mga miyembrong wala namang kwenta dito sa ating samahan. Kasama sa mga mga huhusga ay kaming mga pinakamatatandang miyempro ng Elders." Sabi niya na akala mo ay tatakbo sa susunod na halalan.

Buti naman alam niyang matanda na sila.

"Ang buong council.." Pagkabanggit sa Council ay may tumapat na spot light sa puwesto nila. Seryoso ang mukha ng buong council. Lahat sila ay matimtim na nakatitig sa mga nasa paligid nila.

"Ang Empress..." Kagaya ng nangyari sa Council ay may tumapat din na ilaw sa akin. Hindi ako ngumiti o tumango man lang.

"At ang kumakatawan ng buong student body ng Academy..." Nagtaka ako ng bitinin ng Head ng Elders ang kaniyang sasabihin at saka ngumiti sa akin. I can smell something that is not good.

"Ang Top Student..."

What the f*ck?

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa pinahayang na iyong ng pinuno ng mga Elders. Maging si Dark ay halatang nagulat ng sa gitna ng kaniyang pag-inom ng alak ay nabanggit ang kaniyang pangalan at tumama ang isang liwanag sa kaniya.

"To the glory of Empire!" sabay taas na naman ng kopita ng matandang iyon na sinundan naman ng pagtaas din ng kopita ng ibang mga panauhin.

"What the f*ck is this?" pabulong na sabi sa akin ni Thres. Hindi ko kaagad namalayan na nakalapit na pala siya. Masyado akong naiinis sa matandang hukluban na iyon.

"Mukha bang alam ko? Mukha ba, ha?" pabulong na sabi ko pero naglalabasan na ata ang lahat ng ugat ko sa panggigigil. Hindi ko mapigilan. Nakakainis ang gurang na iyon. He thinks that he can play with me.

"That a$$hole don't know what real power is." Sabi ko na nagngangalit ang bagang. Idadamay pa niya si Dark. P*tang!*na. Ginagawa niya ito para ibalik si Zitty. Sinisindak niya ako gamit ang tanging lalaking mahal ko.

If he think that I will f*cking give in to his game, die first a$$hole. Baka sa kabilang buhay may pag-asa ka na.

Alam kong gusto na ding mag-wala ni Thres dahil gusto ng mga hukluba na ito na gawin kaming mga puppet. Pati si Sarah nadamay dahil sa kaartehan ng invitation details nila. Lahat ng iyon para lang sindakin ako?

P*tang!*na nila. Tuturuan ko sila kung paanong manindak ng tao.

Alam kong naalerto ang lahat ng sobrang bilis kong nakarating sa lamesa ng mga Elders. Hindi ako nag-atubili na bunutin ang baril ko at itututok sa sintido niya.

Kasabay ng paglabas ko ng baril ay ang paglalabas ng baril ng mga bantay ng Elders at tinutukan ako pero ang lahat ng mga tauhan ni Miene na nakapaligid sa lahat ng bisita ay nakatutok na din ang lahat ng baril sa mga tao.

"Let's talk." Sabi ko habang titig na titig sa mga mata ng matanda.

"Gumagawa ka ng eksena, Empress. Iyan ba ang gawain ng-"

Bang!

Kitang-kita ko ang pagkagulat ng lahat sa ginawa kong pagkalabit sa gatilyo. Hindi ako kumurap. One thing someone should learn about guns, if you are going to shoot somebody.. do not hesistate. Hesitation means fear. Fear means death. Kung gusto mong manalo sa laban, show no fear.

Bilog na bilog ang mata ng pinuno ng mga Elders dahil sa ginawa ko. Tumutulo ang dugo mula sa tenga niya. Buti nga hindi ko binutas. Pinadaplisan ko ang kanang tenga niya.

"I think you don't get it, huh. That is not a request. It is a f*cking order." Kitang-kita ko ang takot at galit sa mata niya pero wala akong paki-alam. Nagagalit siya dahil hindi ipuputok ng mga tauhan nila ang baril. Alam nilang marami akong kasama.

Piece of advice, hindi lang dapat ikaw ang nag-iisang malakas kapag sasabak ka sa giyera, dapat lahat. Iyon ang nakalimutan ng matandang ito.

Halos hindi makatingin sa akin ang mga nadadaanan ko. Kung kanina ng pumasok ako sa halos yakapin nila ako, ngayon ay takot ang namamayani sa lugar na iyon.

"What do you want?" iyon ang unang sinabi ng matanda ng mapag-isa kami sa loob ng isang silid.

"What do you want?" ganting tanong ko na ikinangiti niya.

"So, nag iisip ka na din pala ngayon, Ija. Hindi katulad ng dati na tatanga-tangang pinuno ka." Gusto kong bangasan ang mukha niya kapag nakangiti siya ng ganyan. Akala niya nakakatakot siya, hindi. Nakakadiri.

"Talk." Hindi na ako nag-abalang magpaliwanag pa. Alam ng taong ito kung anong tinutukoy ko.

"Nananakot ka lang naman kasi may hawak kang baril." Doon nagsalubong ang kilay ko. Nilapag ko ang baril sa lamesa at saka lumapit sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng baril para patayin ka. Tatandaan mo iyan." Hindi ko na pinigilan ang sarili ko ng sakalin ko siya at unti-unting iangat sa lupa.

"H-hindi ka d-dapat-Argh!" Hirap na hirap siyang magsalita habang ako nakangisi. Hindi ko mapigilan. Para akong nag-iinit habang nakikita kong nahihirapan siya. His expression... his suffering makes me excited.

"E-empress-"

Napangisi ako. Ngayon ko lang siya narinig na sabihin ang Empress sa pinaka-nakakaawa at walang magawang paraan. Agad na binitawan ko siya. Ubo siya ng ubo at naghabol ng hininga.

"Now, talk." This time, kapag hindi siya nagsalita alam niyang mapapatay ko na siya. Para siyang dagang sa isang tigreng kakainin siya sa oras na magkamali siya ng galaw.

"Hindi ka gusto ng buong Elders para sa Empire. You are a weak leader, Zitty." Zitty. Matagal na rin simula ng may tumawag sa akin ng ganyang pangalan.

I smiled. It feels so strange now. Being called in that way.

"You still have that heart that created your weaknesses. Hanggat hindi mo napapatunayan na kaya mong maging Empress, hindi namin maipapangako na magiging tapat kami sa iyo. Mas gugustuhin ko pang ipapatay ka."

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kaniya. Tumalikod ako at tahimik na lumapit sa may bar.

"Let me tell you something, Old Man. Weakness is not a good thing, not unless i-convert mo ito at gawing lakas mo. I don't need liars. Hindi mo ako gustong patayin dahil hindi ka nagtitiwala sa akin. Natatakot ka. Iyon ang totoong dahilan." Dahan-dahan akong humarap sa kaniya. I smirked.

"Akala mo hindi ko alam, you helped Gabby before. You helped Saya. You f*cking helped everyone who wants me dead. Hinayaan mo si Saya na magpasok ng mga estudyanteng hindi naman rehistrado sa data base. Iyong mga babaeng bumugbog sa akin dati. You helped Gabby to kill me. You were the one who hired my personal assistant, Patricia. That traitor who let me signed all the necessary documents and everything to set me up and kill everyone." Nanlilisik ang mga mata ko sa kaniya.

Hindi pa dapat ako maniningil ng utang sa matandang ito pero naisip ko na ang mga anay ay kailangang patayin sa lalong madaling panahon.

"W-wala akong alam sa sinasabi mo." Ramdam ko ang takot sa boses niya. Naamoy ko ang takot niya.

"Really, huh? Alam mo kung bakit sinikreto ni Lolo na magaling na ako hanggang sa makabalik ako sa bansa?" Unti-unti akong lumapit sa kaniya.

"Dahil maraming ahas. In fact, I am staring with one of them." sabi ko sabay himas sa baril ko na nasa lamesa. "A snake that is very tempting to kill."

"At nang malaman mong ako ay walang iba kundi si Zitty, natakot ka. Mas lalo pa ng malaman mong ginawa kong business partner ang tanging ebidensya na kawalang hiyaan mo, si Gabby. And now, you are attempting to messed up with me with Dark in the way. You are very pathetic."

Hindi ko na naituloy ang anumang gusto kong sabihin ng bigla siyang lumuhod.

"P-please. Papatawarin mo ako, Empress." Halos halikan na niya ang sahig dahil sa tindi ng pagkayuko niya. Gusto kong masuka sa ginagawa niya. Pathetic individual.

Nang tumunghay siya ay ngumiti ako at doon siya napatigil.

"I am forgiving you." Nakita ko kung paanong lumiwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Nagsimula akong maglakad papalapit sa pintuan ng bigla akong tumigil.

I smirked.

"May nakalimutan pala akong sabihin."

"Ano po iyon, Empress?"

Humarap ako sa kaniya at nakita niyang nakangisi ako. He then realized that there is no second chance.

"I don't have a heart for traitors."

Bang!

Nakatitig lang ako sa kaniya na ngayon ay naliligo na sa sarili niyang dugo. Pang ilan na ba siya sa napatay ko para lang makapaghiganti sa kakambal ko? Pang ilan na ba? Hindi ko maalala. Ang alam ko lang, sa mga taong mapapatay ko, nababawasan ang natitirang bahagi ng pagkatao ko na umaasang babalik ako sa pagiging Zitty. Walang balikan. Walang urungan.

I dialled my Lolo's number on my phone. Mga ilang Segundo bago niya ito sagutin.

"Apo, napatawag ka. May problema ba?" Medyo inaantok na ang boses niya.

"I know you are over Empire, and you want me to handle this f*cking business. But, I want to offer something." Sabi ko sabay sipa doon sa kamay noong bangkay sa harap ko. Nakaharang ba naman sa daanan ko.

"Ano iyon? Make it quick. Inaantok na ako." Yeah. It is a thing that runs with our family's blood-madaling mainip.

I smirked. "Do you want to be the Elder's Head?"

Paglabas ko sa silid ay agad na sinenyasan ko ang mga tauhan ko na linisin ang kalat sa loob. Dumiretso agad ako sa event hall. Tuloy pa din ang party pero halata mong kanina pa nila kami hinihintay. I am sure that they heard that gun shot.

Lahat ay natitigilan habang dumadaan ako. Pumunta ako sa stage at saka kinuha ang mic. Lahat sila nag-aabang sa kung ano man ang sasabihin ko.

"Empireians, as the Empress, I have the power to erase all traitors in this group. Termination Event will be held not next month, but in two weeks. I need all of your cooperation to take down those snakes. And I have something to announce aside from that..." I paused for a while.

They are all looking at me with serious faces.

"Rain Nakahara is the new Elder's Head. Any objections?" Katahimikan ang sumalubong sa tanong ko. Walang gustong tumiwalag sa gusto kong iparating.

"Good. Have a great party." Sabi ko sabay sinenyasahan ko ang mga musikero na ituloy ang pagpapatugtog nila ng sweet classical music.

Sa pagbabasa sa stage ay napadaan ako sa mga kasama ko. Napaiwas ng tingin ang buong council. I know they heard that gunshot too. I guess, they never expected that I will kill him that easily.

Hindi na lang ako nagkumento. Tumango naman si Thres. Wala akong nakitang kahit na anong hint na hinusgahan niya ako sa ginawa ko. Alam niyang kailangan kong gawin iyon. I can never afford someone who belongs to our circle be used as a bait again. Hindi na mauulit ang nangyaring iyon kay Sarah.

Tuloy-tuloy lang ang party. Baka mamaya pa ito matapos. Hindi ko alam. Sa totoo lang gusto ko ng umalis. Miene is busy drinking really hard beside me. Tanggero kasi itong isang ito.

Hindi ko makita sila Coldie at Sky. Hindi ko alam kung magkasama sila. Speaking of them, kamusta na ba ang relasyon ng dalawang iyon? Si Sky at Azul pa kaya?

Bea is busy flirting with some young businessmen. Iyong ibang miyembro ng council, tahimik na nag-iinuman.

Habang tinititigan ko sila, doon ko naisip na sa ilang buwan lang ay halos ang laki ng pinagbago ko. I used to be siting with them. I used to laugh with them.

Natigil ang anumang iniisip ko ng isang pares ng paa ang nakita kong huminto sa harapan ko. Nakita ko si Dark na seryosong nakatitig sa akin. Walang umimik sa aming dalawa hanggang sa napabuntong-hininga na lang siya.

"May I have this dance?" He asked.

"No." sabi ko at agad na tinungga ang alak. Hindi umalis si Dark sa halip ay inagaw sa akin ang bote na hawak ko. F*ck. Ang pakialamero niya ha.

"Please?" What the hell is the problem with this guy? Gusto kong tahimik na uminom dito pagkatapos ay nandito siya at nangungulit.

"No." I made sure na kitang-kita sa mukha ko na naiirita ako sa pangungulit niya. May sasabihin pa sana si Dark kaso hindi na niya nagawa dahil hinatak ako ni Miene sabay tulak papunta kay Dark.

"Sige na. Sumama ka na. Ang pabebe mo. Mag-enjoy ka, huy. Uso happiness. Ang miserable mo kaya dito." Nakangisi si Miene habang nagwiwiggle na naman ng kilay niya. Dafak with this girl.

Napatingin ako kay Dark. Natatawa siya, pinipigilan niya lang. Urrgh.

"F*ck. Fine." Sabi ko sabay hila kay Dark papunta sa dance floor. Nang maisip ko kung ano iyong tumutugtog, parang gusto kong hampasin iyong tumutugtog at kumakanta.

  

Too many billion people.

Running around the planet

What is the chance in heaven that you'd find your way to me

  

Nagsimula kaming magsayaw ni Dark sa gitna. Hindi ako sanay ng ganito siya. Hinahawakan at isinasayaw niya ako na para bang isa akong babasaging gamit na kailangan ng sobrang pag-iingat. It's been months since the last time I felt being held like this.

"You look lovely tonight." Titig na titig si Dark habang sinasabi iyon.

"Wag mong sabihing kinikilig ka na naman." Balewalang sabi ko sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko na ikinasimangot niya.

"Hindi nga ako kinikilig kanina." Napangisi ako sa ginagawa niyang pagtanggi.

"Cge. Magtanga-tangahan tayo." Sabi ko pagkatapos. Hindi na siya umimik at nagsayaw lang kami ng tahimik.

  

Coz' I was born for you. It was written in the stars.

Yes, I was born for you and the choice was never ours.

It's as if the powers of the universe conspired to make you mine

And till the day I die, I bless the day that I was born for you.

  

The song reminds me of destiny. Destiny nga ba ng isang tao ang makatuluyan ang isa pang nilalang dito sa mundo. I used to believe that everything is about destiny. It never occurred in my mind that everything is changing. No matter we like it or not.

We won't notice it, until everything is not the same way as it is before. Iyong mga taong akala mo magiging kasama mo sa side mo buong buhay, hindi mo na kasama. Iyong mga bagay na permanente na sana, nabago na.

At this moment, I am dancing with the man I used to believe that would be mine forever. He is the representation of the 'ifs' of my life. What if I never agreed to that vacation? Will he still be dancing with me as Zitty? Who knows...

"Nandito ba si Zitty?" tanong ni Dark pagkalipas ng ilang sandali.

"Mukha bang nandito siya?" ganting tanong ko din. Wala ng bukang bibig ang isang ito kundi si Zitty. Nakakairita na.

"Nagbabaka-sakali lang naman." Dark said, but I know better.

"Kahit nandito siya, I doubt it kung gugustuhin ka niyang makita." Walang prenong sabi ko.

We stayed silent for seconds after that.

   

What we have the world could never understand

Every day till last

Until the day I die

I'll bless the day that I was born for you...

   

Yeah. What we have before could never understand by the whole world and it will never will be. We lost it a long time ago.

"May boyfriend ka ba Zerah?" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Narinig ko ba ng mabuti? Did he ask me if I have a boyfriend?

"What?" tanong ko. Baka kasi mali lang talaga ako na dinig.

"Ang sabi ko, kung may boyfriend ka ba." Seryoso ang titig niya sa akin na para bang ang sagot ko ay napakahalaga.

"Lalandiin mo ba ako kung wala?" derestsahang tanong ko sa kaniya. Iniisip kong maiinis siya sa lantarang pambabara ko pero sa halip ay ngumiti siya. Why would he smile?

"Hindi ko alam kung maiinis ako na ang sungit mo, o matutuwa ako na ang sungit mo." Sabi niya habang nakangiti sa akin. This time hindi na kami nagsasayaw. Magkausap na lang kami sa gitna at walang pakialam sa mga taong nasa paligid.

"Anong nakakatuwa sa pagiging masungit?" Wala naman. Sa pagkakaalam ko, wala.

"Para kasi akong nakikipag-usap sa kaniya." Kaniya. Si Zitty. Hindi ko maintindihan kung bakit naiinis ako sa tuwing iisipin niya na ako si Zitty.

"Si Zitty na naman."

"Yeah. Si Zitty lang lagi."

Tumawa ako sa paraan ng pagsasalita niya. Tumatawa din ako sa mga pinagsasasabi niya.

"Nakakatawa ka din. Kung makapagsabi ka ng wagas na pagmamahal mo kay Zitty, akala mo kung sinong santo na tapat sa p*tang!*nang pag-ibig mo." Alam kong napapalakas na ang boses ko. Tumigil na kasi ang ibang malapit na nagsasayaw at nakatitig na lang sa amin.

"I am f*cking faithful to her." Nagsimula na ring maging malakas ang boses ni Dark.

"Oh really? Never cheated on her, huh." I am clearly mocking him.

"Never." Dark stared at my eyes. Seryoso siya. Seryosong seryoso na gusto ko ng maniwala.

"Let's see. Isn't this cheating?" I smiled.

"What do you mean by this?" Nangunot ang noo ni Dark, tanda na hindi niya naintindihan ang sinasabi ko.

"This."

Dark never managed to respond after that. I grabbed his neck and planted my lips on his. I am kissing him.

Tumagal ang halik ng ilang segundo bago ako kumalas. I smirked when I saw his reaction.

Lumapit ako sa kaniya at saka siya binulungan.

"You blushed, a$$hole. Kinikilig ka sa akin. Wag kang magsisinungaling."



----

This chapter is dedicated sa best comment last time.




Continue Reading

You'll Also Like

256K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...