Surrender

By sweet_aria

5.9M 124K 7.1K

Challenges, pains, heartbreaks. These are inescapable things that every person would experience in reality. S... More

Surrender
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 26

82.1K 2K 229
By sweet_aria

Chapter 26

"Monica!" I shouted her name.

Pinahid niya ang mga luha sa pisngi. Kitang-kita ko iyon sa kabila ng nakakahilong mga ilaw na naglalaro dito sa loob ng bar.

"Millie saan ka pupunta?" Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si Oria.

Si Phoenix ay nakatingin sa direksyon kung saan naroon si Monica kanina.

"Oria, bukas na lang tayo mag-usap." Hindi ko alam ang gagawin ko. Inalis ko ang kamay ni Phoenix sa aking baywang.

Nagmamadali akong lumabas hanggang sa makita ko si Monica sa gilid ng isang kotse. Nanginginig ang mga tuhod ko na nilapitan siya.

"Monica..."

Humarap siya at walang sabi-sabing pinadapo ang palad sa aking pisngi. Nanlabo ang aking paningin dahil sa sariwang luha na namuo sa aking mga mata. Humikbi siya.

"How... how could you do this to me, Millie?" Nanginginig ang boses niyang sabi.

Lalapitan ko sana siya para yakapin ngunit nakatanggap akong muli ng isa pang malakas na sampal sa kaliwang pisngi naman.

Masakit pero hindi ko magawang manlaban. Naiintindihan ko kung bakit siya nagkakaganito! She's hurting!

"I-I'm sorry-"

"Sorry?! Sorry ba?!" Sigaw niya. Napasandal siya sa kulay puting kotse. "Tang ina Millicent! Mag bestfriend tayo! Ilang taon ang nakalipas pero ganun pa din ang turing ko sayo! Pero ano 'to?! Millicent, ano 'yung nakita ko?!" She smacked her hand on her mouth.

Pinipigilan niya ang humikbi pero bigo siya.

"Bakit... hindi mo sinabi sa akin?! Ginawa mo akong tanga! Alam mo naman na highschool pa lang gusto ko na siya diba?! Shit!"

"Millicent!" Boses iyon ni Phoenix.

Dinig ko ang kanyang yabag. Bago pa siya makalapit ay nagsalita na ako.

"L-leave us alone. Please Phoenix." Nanginginig ang mga kamay at tuhod ko.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Monica. Pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko dahil sa walang sawang pagtakas ng luha sa kanyang mga mata.

"Please, Phoenix. Hayaan mo muna kaming mag-usap ng bestfriend ko-"

"Bestfriend?" Umayos siya ng tayo at malungkot na ngumiti. Pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok. "Sinasabi mong bestfriend mo ako samantalang pinaglihiman mo ako? How could you keep this as a secret huh?! Do you know how it f ucking hurts?! Itinuring kita na higit pa sa kaibigan! Tinuring kitang kapatid Millicent pero paano mo nagawa ito?"

"Monica, 'wag mong sisihin si Millicent! Ako dapat ang sinisisi dito-"

"F uck you, Phoenix!" Humihikbi niyang sigaw.

"Millicent, anong nangyayari?" Boses iyon ni Marian.

"Phoenix, hayaan muna natin silang dalawa." Si Oria ang nagsalita.

Nilingon ko siya. Kasama niya sina Marian at Asia. Nahagip din ng aking mga mata ang ilan sa mga pinsan ni Phoenix. Mas lalo akong napaiyak nang makita sina Geneva at Cassia.

"Hiro, please calm him down. Iwanan niyo muna kami dito." Pakiusap ni Cassia nang makalapit siya sa amin.

"I'm not going anywhere! Ano ba Hiro?!" Tinulak ni Phoenix ang kanyang pinsan.

"You're tanked-up P." Si Tamiya ay nakahalukipkip habang palipat-lipat ang tingin sa amin. "Let them talk. Let's go."

Hinawakan ni Tamiya ang braso ni Phoenix pero pinalis niya ang kamay nito.

"Hindi ako lasing! Shit! Could you just leave us here?!" Mariin na sigaw niya.

"Phoenix ano ba?! Diba sabi ko, iwanan niyo muna kami! Tang ina naman..." Hindi ko na napigilan ang mapamura.

How would I deal with this kind of shit? Ang dami-dami nang nasasaktan!

Napalunok siya dahil sa lumabas sa aking bibig. Umigting ang kanyang panga at ang namumungay na mga mata ay nabalutan ng galit.

"Fine! I'll leave you here! Wag na wag ka lang masasaktan Millicent!"

Padabog siyang tumalikod. Sinundan siya ng mga pinsan pati na rin ang mga kaibigan ko. Napakagat ako sa labi nang itulak ni Phoenix ang umaalalay sa kanya na si Conrad.

Tinignan ko sina Geneva at Cassia. Hindi pa ulit nagsasalita ang dalawa pero alam ko kung ano ang nararamdaman nila. They're scared too.

"M-mahal na mahal ka niya." Humagulgol si Monica. Nilapitan siya ni Cassia pero lumayo siya dito. "Hindi ko kayang lunukin ito. Bakit Millicent? Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina? Magkakasama na tayo diba?! Akala ko, umiiyak ka dahil ikaw ang bestfriend ko at dinadaluhan mo ako sa sakit! Pero hindi pala! Umiiyak ka kasi tinraydor mo ako!"

"Monica, stop it!" Tumulo ang luha sa pisngi ni Geneva. "Please, don't make your friendship be ruined just because of a guy!"

"Sino ba ang sumira?!" Nanginginig ang kanyang mga balikat. "Hindi ba siya?!" Dinuro niya ako. "Siya ang sumira sa kung ano ang meron kami!"

"Monica..." Hinakbang ko ang distansya sa pagitan namin at mahigpit siyang niyakap. Humagulgol ako. "M-mahal ko si Phoenix. Patawarin mo ko."

Humahagulgol na din siya. Hindi niya sinusuklian ang yakap ko pero hinayaan niya ako.

"Alam niyo 'to diba Geneva, Cassia?" Puno ng galit ang kanyang boses.

Marahan niya akong itinulak at tinignan ang dalawa.

"Geneva sumagot kayo! Cassia!"

"I'm sorry..." Sagot ni Cassia.

"Hindi namin alam kung paano sasabihin sa'yo." Kinagat ni Geneva ang kanyang labi.

Tumango si Monica at isa-isa kaming tinignan. "It hurts more than I expect." Marahas niyang pinunasan ang mga luha.

Tumalikod siya at binuksan ang kotseng kulay puti. Padabog niya itong isinara. Kanya pala iyon.

"Geneva, don't let her drive! She's drunk!" Kinakabahan kong sabi.

"She's not. Kadadating lang namin nang makita niya kayo ni Phoenix sa dance floor." Malungkot na sabi ni Cassia.

"We didn't know that you'd be here, Millie. Pasensya ka na." Pinunasan ni Geneva ang kanyang pisngi at nilingon ako. "Hayaan na muna natin siya. Hindi tayo matitiis non."

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Lumapit sa akin ang dalawa at niyakap ako.

"I love her." Malungkot akong ngumiti kasabay nang muling pagbabagsakan ng mga luha ko. "Sinira ko ang pagkakaibigan namin. Nadamay pa kayo."

"Shh. Y-you didn't, okay?" Pagtatahan sa akin ni Geneva. "Highschool pa lang ay alam kong ikaw na ang mahal ni Phoenix. Nagkagusto lang si Monica sa kanya. Wala kang kahit anong sinira."

Kumalas ako, pinunasan nila ang luha ko.

"Maayos din ang lahat, Millicent. Trust me. Hindi ka niya kayang tiisin. Mahal na mahal ka kaya ni Monica." Pilit ang ngiting pinakawalan ni Cassia. "Tara na sa loob. Hinihintay ka na ni Phoenix."

Tumango ako at pumasok kami sa bar. Hinatid ako ng dalawa sa table nila Phoenix. Nang makita niya ako ay agad niya akong hinigit at niyakap nang mahigpit.

"Uwi na tayo..." Aya ko. "Sorry kung nasigawan kita kanina." Isiniksik ko ang mukha sa kanyang leeg. Nagsisimula na namang uminit ang aking mga mata.

"It's okay." Kumalas siya at tinitigan ako sa mga mata. "Let's go."

Mabuti na lang at kahit papaano ay nahimasmasan na siya kahit kaunti.

"I'm going with you Phoenix. I don't have a car to use." Tumayo si Tamiya. "Ako na din ang magdadrive. Baka mabangga pa kayo. I'm gonna sleep there. I'm already bushed."

"You're not gonna drive, Tami." Napatingin kami kay Conrad. "Pare-parehas kayong may tama na! Mga baliw talaga kayo! Iwanan mo na lang ang Chrysler mo dito Phoenix. Balikan mo bukas. Sa kotse ko na kayo sumakay."

"Take care, Millie." Ani Geneva. "Sundan namin si Monica."

Tumango ako.

"S-she needs you." Sabi ko sa kanilang dalawa. Malungkot akong ngumiti.

Lumabas kami ng bar at tulad ng sabi ni Conrad ay siya nga ang nagmaneho. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang nadadaanang naglalakihang buildings. Hawak niya ang aking kamay pero wala ni isa ang nagsasalita sa amin.

Nakarating kami sa bahay niya at naunang bumaba si Tamiya.

"Uwi ka pa diba Conrad?" Tanong ni Tamiya.

"Yep!"

"You take care alright?" Hinalikan niya sa pisngi ang pinsan. "Inaantok na talaga ako." Ngumisi siya.

Bumaba na din kami ni Phoenix. Kinawayan namin si Conrad bago nito paandarin muli ang sasakyan.

"So... tulog na ako, P." Lumapit siya sa amin. She kissed him on the cheek. Binalingan niya ako at yumakap sa akin. "Be strong for him, Millicent. Don't dare leave him. Kakaunti na lang sa panahon ngayon ang lalaking hindi nang-iiwan!" Tumawa siya. Lasing na talaga.

Pumasok siya sa loob ng bahay.

"Saan siya matutulog?" Paakyat na kami ng hagdan nang itanong ko iyon.

"Anywhere she wants. Madami namang kwarto dito sa bahay." Kibit-balikat niya.

Nang nasa kwarto na kami ay dumiretso ako sa kanyang kama. Tumungo siya sa bathroom. Kailangan niyang maligo dahil grabe ang amoy ng alak sa kanyang suot.

Humiga ako at malungkot na napangiti nang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kanina. Kinuha ko sa suot na pantalon ang aking cellphone at kinontak si Geneva.

Tatlong ring ay sinagot niya ito.

"Millicent..."

Dinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. Napatayo ako.

"Kamusta siya?" Tanong ko.

"Ayon, hindi kami pinagbuksan ng pinto."

"Sa condo ba?"

"Oo. She's not even answering my calls. Nag-aalala na kami Millie."

"Eh... nasaan na kayo ngayon?"

"We went home. Nag-aalala na kasi ang mga tao dito sa bahay. Si Cassia din nasa bahay na nila."

Hindi ko masupil ang pag-ahon ng matinding kaba sa dibdib ko. Pinikit ko nang mariin ang mga mata.

"Sige. Itext mo na lang ako o tawagan kapag sumagot si Monica ha?"

"I will... You need to sleep Millie. 'Wag mo na munang isipin ang nangyari. You look frazzled. Kanina ko pa iyon napapansin. Bukas na bukas ay babalitaan kita."

"Thank you. Asahan ko 'yan, Geneva."

We both hung up. Pumunta ako sa closet ni Phoenix at kumuha ng damit niya. Isinuot ko ito.

Lumabas siya ng bathroom. Mabilis kong iniwas ang tingin nang makitang bath towel lang ang tumatakip sa kanyang katawan. Naramdaman ko ang pagpasok niya sa closet.

"I'm done, binibini." Aniya nang lumabas doon.

Nilingon ko siya at ang tanging makikita sa kanyang mga mata ay matinding pag-aalala. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.

I was waiting for this moment. Iyong mayakap ko siya nang kaming dalawa lang. Kanina ko pa pinipigilan ang emosyon ko. Ang hirap lunukin ng mga pangyayari. Sa tuwing naiisip ko ito ay nanghihina ako at nasasaktan.

"N-nagkasakitan na kami, Phoenix." My tears rolled down my cheeks.

Hinila niya ako papunta sa kama at kinandong ako. Inihilig ko ang ulo sa kanyang dibdib. Nagsimula siyang haplusin ang aking buhok.

Humikbi ako at inangat ang tingin sa kanya. "Alam mo ba na siya ang kauna-unahang tao na pumansin sa akin noong pumasok ako sa high school?"

Tumango siya at pinunasan ang aking mga luha.

Naalala ko kung paano niya ako tulungan noon nang matisod ako. Kagagawan iyon ng mga first year na tulad namin.

"She was the one who cured my wound." Malungkot akong napangiti sa pag-alala niyon. "Pagkatapos kong matisod ay dinala niya ako sa clinic pero imbes na ang mga nurses ang gumamot sa sugat ko sa tuhod ay siya ang nagprisinta."

"You really love her, Millicent."

Tumango ako at muling bumalik sa kanyang dibdib. Pilit niya akong pinapakalma pero hindi ko magawang pigilin ang paglandas ng mga luha ko. Nalulunod ako sa halu-halong emosyon sa aking dibdib, kailangan ko itong pakawalan.

"Sinong hindi mamahalin ang isang Monica Montealegre?" Pinikit ko ang mga mata. "She was a beautiful, smart and thoughtful girl who accepted me for who I am. Hindi niya ako iniwan sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan. Hindi niya ako iniwan sa mga saya at lungkot na naranasan ko."

Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit ikinukuwento ko ang mga ito kay Phoenix. Marahil ay hanggang pag-alaala na lang sa nakaraan ang magagawa ko dahil sira na kami. Ako ang tumulak sa kanya at ang dahilan kung bakit nasubsob siya sa lupa. Hindi ko nagawang ilahad ang kamay ko para tulungan siya dahil ako ang rason kung bakit siya napunta roon.

Samantalang, dahil sa kanya ay natigil ang dapat na pambubully sa akin ng iba noon. She didn't do something to hurt them. Sapat na ang yaman niya at ang sariling pangalan para matakot sa kaniya ang mga kamag-aral at schoolmates na nagtatakang apakan ako dahil isa lang akong mahirap.

"She was there to give me everything I needed. Hindi ako humingi sa kanya ng kahit ano pero siya ang kusang nagbigay. Kaya nahihirapan ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon. Nahihirapan ako kasi hindi ko magawa ang mga ginawa niya para sa akin."

If I could just do something to ease the pain she's feeling right now. If only I could hug her the way she was used to. Pero wala na. Wala na akong magagawa.

Nagkwento pa ako hanggang sa nakatulugan ko iyon. Napagtanto ko iyon nang magising ako bandang alas otso ng umaga. Wala si Phoenix sa aking tabi. Marahil ay pumasok na sa trabaho.

"Good morning, Millicent." Bati sa akin ni Tamiya nang magkasabay kami pagbaba ng hagdan.

She was wearing a short shorts and a sexy sleeveless top.

"Good morning." Sagot ko.

Dumiretso kami sa kusina.

"I'm hungry." Dumiretso siya sa fridge at kumuha ng gatas. Nagsalin siya sa dalawang baso. "Drink this."

Kinuha ko ang isang baso at tinanguan siya. Uminom ako dito.

"He really loves you. Ilang taon na din Millicent."

Halos maibuga ko ang gatas dahil sa sinabi niya. Mabuti na lang ay napiit ko iyon.

"I thought you're gonna choose your friendship with Monica over him."

"Mahal na mahal ko ang pinsan mo, Tamiya." Iyon lang ang nasabi ko. Ayoko munang pag-usapan si Monica dahil naninikip ang dibdib ko kapag naaalala siya.

Ngumiti si Tamiya at tumungo sa isa sa mga upuan. Napakaganda niya kahit kagigising lang. Nakakapagtaka lang at hindi ko pa siya nakikita na may kasamang lalaki. Wala ba siyang boyfriend?

"Good to hear that." Tinitigan niya ang baso at ngumisi. "So kaya mo siyang ipaglaban kahit kanino?"

Kumunot ang noo ko. Sumandal siya sa kanyang upuan at tinaasan ako ng kilay.

"Tamiya... ano ba yang sinasabi mo." I laughed, a nervous laugh.

She shrugged her shoulders. "Nothing. I was just asking you."

"Oo naman." Naglaho ang tawa ko. "Kahit kanino."

Tumango-tango siya.

Magsasalita sana ulit ako nang biglang sumulpot si Jemimah sa entrada ng kusina. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita kami.

"You're still here ate Millicent! Mabuti naman!" Lumapit siya sa akin at humalik sa aking pisngi.

Nailang ako. Nadagdagan pa iyon nang sunud-sunod na magpasukan ang mga babaeng Dela Vega.

"Did kuya Phoenix text you too ate Jem?" Tanong niyong si Maxine. Umirap ito at tinignan ang hawak na cellphone. "He's OA ha? I woke up early to check ate Millicent!" Nilingon niya ako. "Your boyfriend is so ridiculous!"

Hindi ko napigilan ang pagkawala ng ngiti sa aking labi. Tumunog ang cellphone ko mula sa bulsa.

Tumatawag si Phoenix.

"Excuse me." Sabi ko sa mga pinsan niyang pinapanood ako.

Tumungo ako at ganun na lang ang pag-iinit ng aking pisngi nang makita ang suot ko. I was wearing his shirt! Bakit ngayon ko lang ito naalala?

"Phoenix..."

"Binibini..." I heard him sigh. "I'm sorry for not waking you up. I needed to go here."

"It's okay. Mas mahalaga 'yang trabaho mo." Naglakad ako pabalik sa kanyang kwarto.

Kailangan ko ding pumasok kaya kahit hindi pa nag-uumagahan ay dumiretso ako sa bathroom. Mabuti na lang ay may uniporme akong naiwan dito sa bahay niya.

"Sinabi nga pala sa akin ni Geneva na hindi daw nagpaparamdam si Monica."

Napatigil ako sa pagsasara ng pinto nito.

"I saw her. She's safe."

Para akong nabunutan ng tinik dahil sa sinabi niya.

"She passed her resignation letter, just now."

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 148K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1.2M 2.8K 5
COMPLETED STORY ON DREAME APP WEDDING PLANNER SERIES #1 Thalia and Jayden are happily married until a single mistake that destroyed their marriage...
30.5K 823 43
BOOK 2 Sometimes when we experience pain and heartaches our brains can suppress a memory out of our awareness. Savannah was so lost when she wake up...