Bakit Hindi Ako Crush Ng Crus...

By jiyu_dee

634K 10.6K 1.3K

May pag-asa bang magkagusto sayo ang taong matagal mo ng gusto? O isa lang ito sa mga pantasya ng mga kababai... More

Bakit Hindi Ako Crush Ng Crush Ko?
Chapter 1 - MEET THE CHARACTERS
Chapter 2 - CLUB
Chapter 3 - COUSIN
Chapter 4 - EX
Chapter 5 - TUTURUAN KITA
Chapter 6 - SECRET LESSON
Chapter 7 - PAYONG
Chapter 8 - SABI KO NA NGA BA
Chapter 9 - CLINIC
Chapter 10 - WHITE ENVELOPE
Chapter 11 - BOOK
Chapter 12 - ONE SIDED LOVE
Chapter 13 - DAY DREAMING
Chapter 14 - NASA 'YO NA ANG LAHAT
Chapter 15 - THAT GUY
Chapter 16 - GETTING CLOSER
Chapter 17 - SHE'S A MEAN GIRL
Chapter 18 - STICKY NOTE
Chapter 19 - YES OR NO
Chapter 20 - DANGER
Chapter 21 - FOUNDATION WEEK part1
Chapter 22 - FOUNDATION WEEK part2
Chapter 23 - FOUNDATION WEEK part3
Chapter 24 - I LIKE YOU? NO, I LOVE YOU
Chapter 25 - TOURNAMENT
Chapter 26 - FRIENDS AGAIN?
Chapter 27 - THEIR EVIL PLANS
Chapter 28 - OUTING
Chapter 29 - JEALOUS?!
Chapter 30 - THIS SONG IS FOR YOU
Chapter 31 - PAST
Chapter 32 - MOST PAINFUL FAVOR
Chapter 33 - TRUTH
Chapter 34 - YES, I LIKE YOU
Chapter 35 - SCANDAL
Chapter 36 - SHERLOCK?
Chapter 37 - THE NEW GUY
Chapter 38 - HIS BRIGHT IDEA
Chapter 39 - BODYGUARD?
Chapter 40 - SERIOUSLY?!
Chapter 42 - GWIYOMI
Chapter 43 - DATE
Chapter 44 - CONFUSED
Chapter 45 - PAIN
Chapter 46 - VICTIM
Chapter 47 - MEETING
Chapter 48 - SHE
Chapter 49 - COMEBACK
Chapter 50 - FINALLY
Chapter 51 - DEAL / MISSION
Chapter 52 - REVELATION 1
Chapter 53 - REVELATION 2
Chapter 54 - CONFIRMED
Chapter 55 - THE PROBLEM SOLVER
Chapter 56 - REALITY
Chapter 57 - HE LIKES ME?
Chapter 58 - BATI NA TAYO?
Chapter 59 - HE CHANGED
Chapter 60 - THE END...?
PAEPAL LANG (ใฅ๏ฝกโ—•โ€ฟโ—•๏ฝก)ใฅ
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER
BOOK 2! ^_^

Chapter 41 - SOMEWHERE

8.2K 128 26
By jiyu_dee

Chapter 41

[Marjorie's POV]

Natapos ng mag-usap si Papa at si Bryan. Parang okay naman. Tsk, ano ba kasing sinabi ni Papa? Mamamatay ako sa curiosity nito eh >____<

Umuwi na din sila dahil gabi na. Eh delikado sa daan kaya si Mama na mismo ang nagpauwi sa kanila. May balak pa ngang mag sleepover dito sila Jade eh. Kaso wala, sa uwian din napunta.

Nung nakaalis na sila at kami-kami na lang dito ang naiwan, aakyat na sana ako sa kwarto ko kaso bigla namang umeksena si Raffy.

"Marjorie."

Aish. Pag tinatawag nya akong Marjorie, kinakabahan ako. Feeling ko may something serious syang sasabihin.

"Bakit?" sagot ko sa kanya habang nasa hagdan na ako.

"Usap naman tayo."

"Nag-uusap na tayo ah?"

"No. I mean..." sumenyas sya at itinuro yung labas. Choosy pa, gusto pa sa labas? Pero aminin ko, yung cuteness nya, napapalitan ng kagwapuhan kapag seryoso sya. Yun nga lang, medyo naiilang ako dahil nga sa sinabi nya about sa ligaw ligaw na yan.

Lumabas kami at tahimik lang sya. Mas lalo akong naiilang.

"Uhm, Raffy. Ano bang pag-uusapan natin?"

"Ah. May gusto lang akong itanong sa'yo. Natanong ko na to nung araw na dumating ako dito pero hindi ako satisfied sa sagot." ayyy, seryosong-seryoso ang loko. Tss. Hindi ako sanay >_<

"Ah? Oh sige, ano ba yun?"

"Sino ba talaga si John? Ano mo sya at ano ka nya?"

Tss. Masakit talaga pag naririnig ko yang tanong na yan. Ano nya ko? KAIBIGAN.

Or worse, baka hindi na din kaibigan. Baka stranger na lang dahil sa break up nila ni Lorraine.

Siguro kaya lang sya pumayag na pumunta dito eh just to clear things up. Ay ewan. Magulo. Hindi pa kami nakakapag-usap ng ayos.

"Si John? Hahaha." i just gave him a fake and bitter laugh.

"Uhm, friends?? Yeah, i think we're friends?"

"Friends?? Bakit may question mark?"

"Mahabang istorya Raffy."

"Handa akong makinig."

"Haaay." i let out a deep sigh, tsaka ako nagsimulang magkwento. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko sa kanya ang mga ito, pero tingin ko eto na yung way para din mareject ko sya ng hindi ako gumagamit ng masasakit na words. Besides, gusto nya naman malaman yung about kay John eh.

Kinwento ko sa kanyang crush ko si John. No, hindi lang pala simpleng crush. I know that this is already LOVE.

Huminto na ako dun dahil ayoko ng ikwento yung nangyari nung outing ng TTC pati yung iskandalo.

"Ah. Crush mo sya. Totoo yung sinabi ni Macey nun. Na crush mo si John."

"Oo totoo."

"Pero kung crush mo lang sya, bakit sya kinausap ni tito? Ang akala ko eh may something sa inyong dalawa eh."

"There is something between us. Hindi ko lang alam kung ano. Tss, alam mo mahirap magkwento ng mga bagay."

Oo may something sa amin. Noon eh friendship. Ewan ko na lang ngayon.

"I said I'm going to listen. Kahit gano pa kahaba yan, makikinig ako." at binigyan nya ko ng ngiti na minsan ko lang makita sa kanya. Yung ngiting kakaiba sa ngiti nya pag nagbibiro sya.

Wala na akong choice kung hindi magkwento. Andito na eh.

Pero habang kinukwento ko sa kanya yung bawat pangyayari eh hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Dahil alam kong may feelings sya para sakin pero ganitong mga bagay ang sinasabi ko sa kanya.

Alam ko kasing seryoso sya sa sinabi nya about sa panliligaw eh.

Kaya eto na naman, feeling ko ang sama ko. Ganito din yung naramdaman ko noon kay Bryan.

Dahil sa isang taong mahal ko, dahil kay John, hindi ko na nakikita yung ibang lalaking pwedeng magmahal at magpasaya din sa akin.

Pero gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, hindi naman pwedeng turuan yung puso kung sino yung mamahalin mo diba?

Si John kaya? Nararamdaman nya kayang mahal ko sya? Alam nya kayang ginawa ko ang lahat para mapalapit sa kanya?

Dalawa lang naman ang sagot.

Either HINDI, hindi nya nararamdamang mahal ko sya kaya ganyan sya.

O di kaya ay OO, oo nararamdaman nyang mahal ko sya pero ayaw nya sakin kaya nagpapanggap syang hindi nya nararamdaman yung feelings ko.

Alin man dyan ang sagot, parehas na masakit eh. Parehas tagos sa puso, parehas na nakakasugat.

"So, you love him?"

"Yeah, I guess."

"Pero hindi ka nya mahal."

"What?! Tsk grabe ka naman. Sakit mo magsalita!"

"I'm just saying the truth, and nothing but the truth." aba seryoso na nga sya. Pati pananalita at english nya seryoso na din eh.

Pero hindi daw ako mahal ni John?! Grabe naman. Ako nga unti-unti kong tinatanggap na walang pag-asang mahalin ako ni John, pero etong si Raffy, as in straight to the point?!

"Eh pano ka naman nakasigurado ha?"

"Dahil kung mahal ka nya, matagal ka na nyang ipinagtanggol. Hindi nya hahayaang mapahamak ka. Hindi ka nya hahayaang masaktan, kahit ba sabihin mong alam nya o hindi na may gusto ka sa kanya."

"Pero tingin mo ba eh kung malalaman nyang gusto ko sya, may magbabago?" tanong ko sa kanya.

Oo umaasa pa din ako. Kasi nga mahal ko sya eh.

Pero pinipilit ko din namang kalimutan yung feelings ko para sa kanya. Kahit na mahirap, pipilitin ko.

"Tss, ganun ba sya kamanhid? Eh ako nga, unang kita ko pa lang dun, tsaka sa way ng pagtingin mo sa kanya, alam ko ng may something eh. Tsaka yung pagsisinungaling mo, just to save his graduation? Tss, i think he's just a natural jerk. A stupid jerk." wow grabe makapagsalita? Tss, nasan na kaya si John? Baka nagkanda-dapa dapa at kanina pa nangangati ang ilong nun.

"Hoy grabe ka naman magsalita! Hindi sya ganung tao!"

"Pero bakit ka nya pinalayo sa kanya? May sakit ka bang nakakahawa?"

"Wala no! Ewan ko! I know that there's a reason."

"Anong rason naman?"

"Ewan. Tsk, malay ko." malay ko? O kahit na ulit-ulit ko ng sinasabi eh hindi ko pa din matanggap na mahal nya pa si EX??

"Ayun, hindi mo alam. Pero kung titignan mo yung mga pangyayari, i think he's still after Lorraine."

"Pero you think lang naman diba? Wala namang kasiguraduhan yung mga sinasabi mo. Baka magbago pa yan pag nalaman nya yung feelings ko."

"No, hindi mo kailangan ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo."

"Bakit naman?"

"Dahil babae ka."

"And so? Lalaki lang ba ang pwedeng magconfess ng feelings?"

"Nope. Lahat ng tao malayang sabihin ang nararamdaman nila. Pero sa kalagayan mo, iba. Dahil mas makakasigurado kang mamahalin ka nung lalaking yun kapag sya ang unang nagtapat ng nararamdaman nya sa'yo." bigla syang pumunta sa harap ko at tinignan ako diretso sa mata.

"Alam kong mahal mo si John, at mahal mo na sya bago mo pa man ako makilala. Pero hindi batayan ang oras para patunayan ng isang tao ang nararamdaman nya." bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko ngayon.

"Kaya nandito ako, hindi kita sasaktan gaya ng sakit na nararamdaman mo dyan sa John Alec na yan. Hindi ako sing gwapo nya. Sing talino nya. Sing perfect nya para sa mga mata mo. But I can assure you, magiging masaya ka sakin. Hindi ko man maipangakong hindi ka masasaktan pero ipapangako kong gagawin ko ang lahat para maibsan ang sakit dyan sa puso mo."

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko at akmang papasok na ako sa loob nung bigla na naman syang nagsalita.

"Kung si John eh hindi pa kayo eh nasaktan ka na nya, ako eh hindi pa tayo pero pasasayahin na kita."

Hindi ko na sya nilingon at dumiretso na ako papunta sa kwarto ko. Tss, grabe naman. Bakit ba kailangan ganito? Una si Bryan, ngayon si Raffy? Parehas silang masasaktan dahil sa pagmamahal ko kay John.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Sunday ngayon at umalis sila Mama at Papa. Si Macey may sariling mundo sa kwarto nya. Kaya eto ako ngayon, hindi din ako makalabas ng kwarto ko dahil paniguradong nasa baba si Raffy. Eh ayoko muna syang makausap.

Kinuha ko yung phone ko at tinext ko sila Megan at Jade. Makalayas na lang, wala akong magawa dito eh.

Pero nung isesend ko na yung message eh ilang daang taon na akong naghihintay pero ayaw masend. Tss, wala nga pala akong load =____=

Chineck ko kung online sila pero waley. Tss, anong gagawin ko dito???

Sumilip ako sa labas ng kwarto ko, hmmm, no signs of Raffy.

Nagbihis na agad ako para makatakas. Magliliwaliw na lang ako sa mall mag-isa.

Lumabas na agad ako at dali-daling pumara ng taxi para hindi na ako masundan ni Raffy kung sakaling makita nya man ako.

Teka nga, mukha na akong tanga ah? Pagkakaalam ko eh bahay namin yun, bakit ako nagtatago? Tsk, pwede naman akong pumunta kahit saan ko gusto =__=

Lumingon ako at nakita kong lumabas si Raffy at nakatingin dito sa taxi. Wew, buti hindi nya ko naabutan, kundi mangungulit lang yun, eh naiilang na nga ako sa kanya.

Nakarating na ako sa mall at kung ano-ano lang ang ginawa ko. Nanood ng movie mag-isa, kumain mag-isa, nagwindow shopping mag-isa. Tss, forever alone T___T

Pero kahit kakakain ko lang eh gutom na naman ako kaya eto, kain na naman.

Pumasok na lang ako sa isang coffee shop, maiba naman. Nag-order na ako, at umupo sa vacant seat.

Kakainin ko na sana yung slice ng cake na binili ko pero may biglang pumasok sa may pinto nung coffee shop kaya hindi ko naituloy yung pagsubo ko.

Lorraine?

Ano kaya ginagawa nya dito??? Mag-isa lang sya? May kadate? Si John kaya? Pero yung about dun sa--- Teka, sherlock na naman ako? Tss, tigil nga Marjorie =_=

Hindi ko na lang sya pinansin dahil hindi nya din naman ako nakita. Inubos ko na lang yung pagkain ko at nagbasa basa na lang ng kaunti, pampalipas oras lang.

Matapos ang mahigit isang oras eh na bored na ako kaya lalabas na sana ako pero nakita kong nandun pa din si Lorraine. Sinilip ko yung table nya at nakatatlong order na sya ng kape pero mukhang wala pa din yung hinihintay nya.

"Hello? Finally sinagot mo din." bigla syang nagsalita dahil siguro may kausap sa phone. Alangan kausapin nya sarili nya? Pwera na lang kung baliw yan.

"Nasan ka na?" sabi nya na parang naiiyak na yung boses nya.

"What? Emegency ulit?"

"Baby, bakit bigla ka na lang ganyan?" BABY?! What the hair, anong baby yun?!

"No, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako pinupuntahan."

"Eh ayoko, i want to see you. I need to talk to you." sino yung kausap nya?? Sabi nya 'baby' eh. Si John kaya yun??

"No, i said I need to--- Hello? Hello??!"

Ay? Binabaan si ateng?

Bigla nyang inihagis sa lamesa yung cellphone nya at napahawak sya sa ulo nya. Lapitan ko kaya?

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinilip ko yung mukha nya dahil nakayuko sya. Nung nakita nya ako eh parang bigla na lang syang nagulat.

"Marj? A-anong ginagawa mo dito?"

"Ah, naggala lang, walang magawa eh."

"Kanina ka pa dyan??" sabi nya at parang naiirita na sya dahil sa tono ng boses nya. Eh kung ikaw ba naman eh hindi siputin nung dapat na kasama mo eh hindi ka ba maiirita? Pero 'baby', sino kaya yun?? Baby ba ang tawag nya kay John?

"Ah oo. Medyo. Ah, sinong iniintay mo?"

"Tss, none of your business." bigla na lang syang tumayo at lumabas na.

Eh? Anyare dun?

[Jade's POV]

Yey! Hihihi, naeexcite naman ako. Eh kasi, may date kami ni Brandon eh *u*

Hindi ko pa alam kung saan pero sya na daw ang bahala. Susunduin nya na lang daw ako dito sa bahay.

Hihi, ang sweet diba? May pasundo sundo effect pa. Buti nga at wala ang parents ko dito kaya okay lang na pumunta siya. Hihi, kinikilig ako promise :">

Naghintay na lang ako sa labas ng bahay at maya-maya eh dumating na sya.

Sabihin nyo ng OA ako, pero habang naglalakad sya papalapit sakin eh parang nagslow motion ang paligid nya. Tapos ang cool pa ng dating nya, bagay sa outfit nya ang glasses nya, feeling ko nalalaglag na ang ano ko eh :">

"Hi!" bati ko agad sa kanya. Tapos eh hindi sya nagsalita, nagsmile lang sya kaya tumatalon na naman ang puso ko. Tss, nakakapanghina ng tuhod *_*

Hinawakan nya ako sa kamay at nagsimula na kaming maglakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero kahit saan pa yan, bet na bet ko yan for sure :D

Sumakay na kami sa taxi at may sinabi syang lugar dun sa driver.

Pero kahit na ganun eh hindi ko pa din maiwasang macurious kung saan kaya ang first date namin.

Typical date kaya? Movies? Fine dining restaurant? Amusement park?

"We're here." sabi nya at bumaba sya at pinagbuksan ako ng pinto.

"Nasan tayo?"

"Uhm, somewhere?"

"Eh? Pero ano gagawin natin dito? Eh parang nakakatakot naman dito eh, gubat yata ito." sabi ko habang tinitignan ko yung malalaking puno sa paligid.

Ni wala ding katao-tao dito.

"Wag kang matakot, nandito naman ako eh ^_^"

"Eyyy, ayan na naman ang smile mo, natutunaw ako eh."

"Haha, ano, tara na?" nginitian ko lang sya at hinawakan nya lang ulit ako sa kamay tsaka nagsimulang maglakad.

Habang naglalakad kami eh nagsimula ng dumilim. Tinignan ko ang relo ko pero 3pm pa lang naman. Naku, uulan pa yata.

*DRUDOOOODOOOOD* (kulog po iyan, pagpasensyahan. Hahaha ^____^v)

Bigla na lang kumulog ng malakas at bigla ding napahinto si Brandon at humigpit yung pagkakahawak nya sa kamay ko.

"Ey, okay ka lang?"

"A-ah, yes. Okay lang ako." ngumiti sya at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Ano ba kasing gagawin namin dito? Wag nyong sabihing... Omaygulay O_O

Tumigil na sya sa paglalakad kaya napatigil na din ako.

"Andito na talaga tayo."

Tumingin ako sa paligid at yung malalaking puno eh napalitan ng view ng isang garden na maganda sana kaso mas gaganda kung maaalagaan. Maganda sya kaso malungkot tignan. Parang may kulang.

Sa bandang gitna noon eh may isang maliit na bahay na halatang luma na.

"Wow..."

"Nagustuhan mo ba?"

"Wow, ang ganda. But I think there's something missing. May kulang dito na mas magpapaganda sa lugar na to."

"Yeah I know. At alam ko din kung ano yung kulang na yun."

Lumakad ulit kami papunta naman doon sa maliit na bahay. Pagkapasok namin eh bumugad agad sa akin ang sandamakmak na libro sa mga shelves.

Halos lahat yata ng side ng bahay na ito eh may libro. Kahit san ka tumingin eh libro makikita mo.

Tapos eh may mezzanine pa, grabe, hinding-hindi ako magdududa na si Brandon ang may ari nito. Panay libro eh, at gustong gusto ko naman :P

"Bakit... Kanino... Ah..." hindi ko malaman kung anong sasabihin ko.

"Etong bahay na ito eh tinayo ng Dad ko. Regalo nya daw ito sa Mommy ko, at dito sila unang tumira noon."

"Pero nung pinanganak na ako ni Mommy, lumipat na sila sa mas malaking bahay at syempre sa malapit sa trabaho nila."

"Mahilig din sila sa libro? Bookworm kayong lahat?"

Bookworm family?

"Haha, hindi. Ako lang talaga ang infatuated sa pagbabasa. Pinamana sakin ito ni Dad kaya dito ko nilalagay yung mga librong nabasa ko na, pwera pa yung mga libro kong nasa bahay namin."

"Ohhh."

"Tara, papakita ko sayo yung mga favorite ko." eh parang lahat naman ng libro gusto nya. Pwede na nga syang magtayo ng library nito eh.

Pinakita nya sakin yung iba't-ibang books na paborito nya daw. Yung iba eh nabasa ko na, yung iba hindi pa.

Ewan ko pero habang ginagawa nya yun eh sumagi sa isip ko si Ate Ashley nya.

Hindi hindi hindi. Hindi ko dapat iniisip yun.

Umakyat kami dun sa mezzanine at mula doon eh tanaw sa malaking bintana yung view sa garden sa labas.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko sa kanya.

"Ah, gusto ko lang ipakita sayo ang lugar na nagpasaya sa akin noon."

"Ah..."

"And also..." napatingin ako sa kanya. Alam kong hindi mawawalan ng koneksyon dito si Ate Ashley.

"Gusto kong makita mo yung lugar na isa sa paborito kong puntahan noon, kasama si Ate Ashley."

Bigla akong napayuko sa sinabi nya. Sabi ko na nga ba eh. Ate Ashley. Tsk, bakit kaya ako nasasaktan?

"Alam mo ba, naisipan ko ding ilagay dito itong mga librong ito dahil nagustuhan ni Ate Ashley itong lugar na to."

"Ahhh..."

"Kaya nung nawala si Ate Ashley, hindi na ako pumunta ulit dito. Dahil siya lang ang naaalala ko. Nalulungkot lang ako."

"Ahhh..." tss, tuloy mo pa, iiyak na ko!

"Pero iba na ngayon. Masaya na ako pag nakikita ko to." dahil dun eh binalik ko yung tingin ko sa kanya. At nakatingin din pala sya sakin habang nakangiti.

"Masaya na ako ngayon dahil ikaw na ang kasama ko dito."

"Eh?"

"Akala ko noon, hindi na ako ulit makakapunta dito dahil nga sa tuwing makikita ko itong lugar na to eh nalulungkot lang ako at paulit-ulit kong sinisisi ang sarili ko sa nangyari."

"Pero ngayon, nagawa ko ng pumunta ulit dito dahil kasama na kita. Dahil dumating ka sa buhay ko."

"..." kinikilig po ako :">

Biglang naglaho yung nararamdaman kong lungkot kanina. Napalitan ng kilig eh, hihi, lande?

"Kung dati eh puro Ate Ashley ang naaalala ko tuwing pupunta ako dito, ngayon eh hindi na. Yun din ang isang dahilan kung bakit kita dinala dito. Dahil gusto kong memories naman nating dalawa ang maaalala ko sa lugar na ito."

"E-eh? Papalitan mo yung alaala nyo ni Ate Ashley dito ng memories nating dalawa?"

"Exactly."

"Tingin mo karapat dapat ako?"

"Hindi."

"Ha?!" loko yata ito eh, hindi daw?!

"Hindi ka karapat dapat dahil higit pa doon, Jade. Hindi ka lang basta karapat dapat dahil higit ka pa doon, lampas pa doon. Dahil ikaw ang nagbalik ng sigla sa akin, at alam kong ikaw din ang magbibigay ng saya sa lugar na ito." sabi nya habang nakangiti.

"Sabi mo kanina eh parang may kulang diba?" tanong nya.

"Oo, parang malungkot tignan."

"Hindi parang. Dahil talagang malungkot syang tignan. Pero alam ko kung ano yung kukumpleto sa kulang na iyon."

"Oh? Ano?"

"Ikaw. Alam kong simula ngayon, itong magandang lugar na ito eh mas gaganda dahil sayo." dahil sa sinabi nya eh bigla na lang akong ngumiti ng todo at feeling ko eh maiiyak pa ko. OA ano? In love eh.

Nginitian nya lang din ako kaya mas lalong sumaya ang puso ko.

Nagtingin tingin lang kami ng iba pang libro at pagtapos eh lumabas naman kami doon sa garden. Puro halaman lang sya na halatang hindi na naalagaan

*DRUDOOOODOOOOD*

Kumulog na naman ng malakas at nakita kong napapikit si Brandon.

"Uy, ayos ka lang?"

"A-ah, o-oo."

*DRUDOOOODOOOODOOOD*

Kumulog na naman at mas malakas pa kaya napapikit ulit sya ng napakadiin.

*DRUDOOOODOOOOD*

Nung kumulog ulit at may kasama pang kidlat ay napayakap na sya sakin.

"E-eyy..."

"J-jade..."

"Takot ka sa kulog?"

"O-oo. Nakakahiya man aminin pero oo."

"Tss, ano nakakahiya dun?"

"Dahil kalalaki kong tao takot ako sa kulog."

"Tss, eh ano naman? Lahat naman ng tao may kinatatakutan."

Hmmm, ang bango nya. Shet, nag-uusap kami habang nakayakap sya sakin *u*

"Bakit ka ba natatakot?"

"Simula pa nung bata ako, takot na ko sa malalakas na tunog. Pero nung lumaki na ako, medyo nawala na. Kaso nung nawala si Ate Ashley, bumalik yung takot ko dyan. Ayokong nakakarinig ng malakas na tunog."

Niyakap ko sya tsaka ako nagsalita.

"Diba sabi mo eh papalitan ko ang alaala ni Ate Ashley?"

"Oo."

"Tingin ko hindi ko magagawa yun."

"B-bakit?"

"Dahil parte na sya ng buhay mo. Ang tanging magagawa ko na lang eh dagdagan ng masasayang alaala ang buhay mo, para kahit na maalala mo yung malulungkot na pangyayari, mas madami ka namang masayang memories na pwede isipin."

"Talaga?" tanong nya na parang isang bata.

"Opo, talaga. Sisimulan na natin yun. Kung may isa kang bad memory, gagawa tayo ng sampung good memories katapat nun."

"Alam mo, ako din naman may kinakatakutan. Pero pwede kong ma overcome yung fear ko, basta kasama ko ang mga taong mahal ko."

Bumitaw sya sa pagkakayap at hinawakan na lang yung kamay ko at tumingin sa mata ko.

*DRUDOOOODOOOOD*

Kumulog na naman pero this time, pinigilan nyang pumikit at tinignan nya lang ako diretso sa mata.

"Tingin ko kaya ko ding gawin yun. Dahil kasama ko ang babaeng mahal ko."

"B-ba-babae... M-m-ma-maha-l??"

"Oo Jade."

"Eh??" niyakap nya ulit ako pero ako, parang hindi pa nagsisink in sa utak ko yung sinabi nya.

"I love you Jade."

I l-lo-love y-you daw?!!! O____O

"A-anong sa-sabi m-mo?"

"I said I love you."

Ako naman ang bumitaw sa pagkakayakap nya at tinignan ko sya.

"Ano ulit?" oo ako na makulit! Eh malay ko ba kung nananaginip lang pala ako?

"Sabi ko, I love you. I love you I love you I love you I love you." bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at kasabay nun eh ang pagpatak ng luha ko.

Aish mukha akong baliw, may paiyak iyak pang nalalaman?

Niyakap ko sya ulit at parehas na kaming basa dahil sa lakas ng ulan

"I love you too, Brandon. I really do." naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap nya sakin kaya ganun din ang ginawa ko.

Shet lang, sasabog na yata ang puso ko. Basta pag umulan ng BRANDON sa labas ng bahay nyo, ibig sabihin nun, tuluyan ng sumabog ang puso ko *u*

[Raffy's POV]

Saan kaya nagpunta si Joreng? Hahabulin ko sana kanina kaso nakasakay na ng taxi. Tss, malakas pa naman ang ulan, may payong kayang dala iyon? Tinext ko sya pero hindi nagreply. Tinawagan ko, hindi naman sinasagot. Tss, basted na ba ako? T___T

"Marjorie? Macey? Raffy?" narinig kong may nagsalita mula sa baba kaya agad akong pumunta doon at nakadating na pala sila Tito at tita.

"Tito, tita, andito na pala kayo."

"Ah oo, medyo natagalan pa nga dahil biglang umulan. Nasan sila?" tanong sakin ni tita.

"Ah, si Maymay po kanina pa sa kwarto nya. Si Marj po, umalis, hindi ko po alam kung saan nagpunta."

"Ahh, oh sige. Mamaya nandyan na din yun. Tulungan mo kong magprepare ng dinner?"

"Kaya mo na yan hon, kakausapin ko lang itong si Raffy." singit naman ni tito.

Kakausapin? Eh? Why why why delilah?

Naglakad si tito papunta sa sala kaya sumunod na lang ako.

"Yes tito? Ano pong pag-uusapan natin?"

Umupo muna sya at tinignan ako ng seryoso.

"Are you courting my daughter?" diretsong tanong ni tito.

"E-eh?"

Ano daw? O_O

"Narinig ko ang pag-uusap nyo kagabi. Nililigawan mo talaga ang anak ko?"

Hala ka. Patay kang bata ka. Anong sasabihin ko???

----------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hello~ Annyeong haseyo~!

Ayan nag update ulit ako. Saya :D

Kaya lang, baka ito muna ang huling update ko :(

Pasukan na kasi eh, at nagsisimula ng umulan ng homeworks at requirements.

Kaya baka hindi na ako makapag update parati. ON HOLD muna po itong story na ito. Ayoko naman pong mag promise na maguupdate ako kahit paminsan-minsan dahil baka hindi ko din magawa.

Pero isa lang po ang sigurado ko, itutuloy ko itong story na ito sa sembreak na ulit. Pero promise, mas pag-iisipan ko ang mga susunod na pangyayari. Ayoko naman kasing madaliin ang story. Sayang naman yung mahabang natype ko na, kung pangit ang ending.

Kaya po sana suportahan nyo pa din po itong story ko at intayin nyo po ang next update ko sa sembreak. Pasensya na po. Gagawin ko lang to para hindi mawaley ang ending ng story.

Salamat sa pagbabasa. Vote, comment, at sana maging friends tayo :)

Annyeong! Saranghaeyo~

Mga aabangan pa sa story na ito:

-Ano ng mangyayari kay John at Marj?

-Aamin na kaya si John? Eh si Marj kaya?

-Ano bang pinag-usapan ni John at ng Papa ni Marj? Pati na din ni Bryan?

-Matuloy pa ba ang panliligaw ni Raffy?

-Si Megan? Bibilis na ba ang brain cells nya?

-Si Jade at Brandon? PBB teens lang? I love you pang nalalaman? May ulan ulan effect pa. Magiging sila na kaya?

-Eh si Lorraine? Ano bang problema nung babaeng yun? Sarap balatan ng buhay eh.

-Si Tristan, isa pa yun, ano bang motibo nya sa mga pinaggagagawa nya?

-Maging si Lorraine at Tristan kaya?

Ayan, madami pa pong mangyayari kaya sana maintay nyo ang sunod na UD ko sa sembreak. UWAAAAHH, ang tagal pa nun T_____T

Pero promise, mas aayusin ko :)

Love love love <3

---misspinkypurple

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 57 40
Ang aklat na ito ay koleksyon ng apatnapung tulang relihiyoso at naglalarawan ng espiritwal na karanasan ng makata at ng kaniyang ugnayan, pagmamahal...
35.1K 569 47
Poem about random things.
1.1M 56.5K 152
Okay but first, who are you? An epistolary.
18.8K 393 27
What will happen when Mr. Genius Meets Ms. Genius? War or peace?