POSSESSIVE 10: Lath Coleman

By CeCeLib

48.8M 969K 191K

Lath Coleman was way too wicked and tricky for his own good. He would blackmail, threaten and pay someone to... More

SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
EPILOGUE

CHAPTER 19

1.5M 30.5K 1.7K
By CeCeLib

CHAPTER 19

AFTER ONE WEEK in cloud nine, it was time to go back to Manila. Kaya hayun sila ngayon ni Haze, nagmamaneho siyang patungo sa pribadong paliparan ni Valerian Volkzki. Yes. That man owned a private airport.

Ang sasakyan ni Haze ang gamit nilang sasakyan. Ang magaling kasi niyang kakambal ay ginamit ang sasakyan niya nang hindi nagpapaalam.

That dimwit.

Humigpit ang hawak ni Lath sa manibela ng sasakyan. Paminsan-minsan ay pasulyap-sulyap siya kay Haze ba walang imik na nakaupo sa passenger seat.

Naputol ang pag-iisip niya nang marinig ang boses nito na tinawag ang pangalan niya.

"Lath?"

"Hmm?" he hummed in response.

"Saan tayo pupunta?" tanong nito. "Hindi ito ang daan palabas ng Baguio. Akala ko ba uuwi na tayo sa Manila?"

Ngumiti lang siya. "It would be a surprise."

Tumaas ang isang kilay nito. "Surprise? Wala ka naman sigurong balak na kidnap-in uli ako, 'no?"

Mahina siyang natawa. "No, wifey, I want to introduce you to my world and I want to start now."

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Gusto kong makilala mo ako kung sino talaga ako." Huminga siya nang malalim. "And my wealth is part of me, so, yeah."

Umirap ito sa hangin. "Lath, ang dami kong magazine na nabasa tungkol sa 'yo. Alam kong mayaman ka. Alam na alam ko 'yon."

Umiling siya. "No. I want you to know me, not the 'magazine' me."

Tumaas ang isang kilay nito. "Magulo kang kausap. Ano ba ang ibig mong sabihin? I'm sure all that are written on the magazine about you are true. You are a part owner of Black Pearl Cruise Ship. You are a part heir of Mr. Leandro Coleman's shipping line. Also, you own a private jet. See? The magazine knows everything about you."

He rolled his eyes. "Wifey, did the magazine mention that I'm in love with you?"

Napipilan si Haze.

Ngumiti siya. "See? They don't know everything."

Inirapan siya nito. Tumawa na lang siya at mas binilisan nang kaunti ang pagmamaneho. He wanted to reach their destination.



KUMUNOT ANG NOO ni Haze nang pumasok ang sasakyan niya sa isang malaki at malapad na gate. Halos mahulog ang panga niya nang makitang papasok sila sa gilid ng isang runway.

Bumaling siya kay Lath na kalmadong nagmamaneho. "Nasaan tayo?"

Ngumiti lang ang loko-loko, saka mas binilisan ang takbo ng sasakyan. Gulong-gulo siya nang tumigil ang sasakyan hindi kalayuan sa isang private jet na nakaparada sa gilid ng runway.

"Lath, sagutin mo ako. Nasaan tayo?"

Kinindatan lang siya nito, saka lumabas ng sasakyan at umikot sa may passenger seat para pagbuksan siya ng pinto. Nakakunot ang noo na lumabas siya ng sasakyan, saka tumingin sa private jet.

She gulped. "Sa 'yo 'yan?"

"Yeah, I think so," natatawang sagot nito.

Haze rolled her eyes and dragged her gaze to the jet's tail. Nakasulat doon ang pangalang Lath Coleman. Confirmed. This was really his private jet. Why was she not surprise? Alam niyang may private jet ang lalaki, pero hindi niya akalaing makakasakay siya ro'n.

And from the plane's door came out Valerian Volkzki. Naka-sunglasses ito at puno ng confidence na naglakad palapit sa kanila ni Lath.

"Hey, Coleman Number Two." Tinanggal nito ang sunglasses nang dumako ang tingin sa kanya. "Hey there, Miss Tito."

Hindi siya makatingin dito nang deretso kaya tumango na lang siya para i-acknowledge ang presensiya nito.

"Well..." Mr. Volkzki sighed loudly like them being there was a burden. "Your fucking jet is ready, thanks to me. Natawagan ko na rin sa tower, sinabihan ko nang darating ka at aasikasuhin ka nila. May kailan ka pa ba, kamahalan?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Tinawanan lang ni Lath ang sarkasmo sa boses ni Mr. Volkzki. "Nah. Thanks, man."

"Whatever." Mr. Volkzki grumbled and left them without even saying good-bye.

Nakahinga si Haze nang malalim ng makalayo ang big boss niya. Napalingon siya bigla nang umalis si Lath sa tabi niya, saka binuksan ang back compartment para kunin ang maletang dala nila.

"Let's go," sabi ni Lath habang hila-hila ang luggage niya na may gulong.

Pinagsalikop nito ang mga kamay nila, saka hinila siya patungo sa private jet. Nang makapasok sila sa jet, napanganga siya sa ganda n'on sa loob. It looked cozy, napaghahalatang may taste at mayaman ang may-ari.

Umupo si Haze sa itim na leather seat na may mesang kaharap at isinuot ang seat belt. Si Lath naman ay inilagay sa compartment na nasa uluhan nila ang luggage niya, saka umupo sa kaharap niyang leather seat. Napapagitnaaan sila ng mesa. Thank God they have space between them. There was no telling what this man have in mind. And knowing herself, siguradong madadarang siya at bibigay sa init ng katawan niya.

When it came to Lath, she was weak. Tanggap na niya 'yon.

"Comfy?" Lath asked.

Tumango siya. "Oo."

"Good." Hinawakan nito ang kamay niya na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Welcome to my jet. Sana nagustuhan mo."

Hindi makapaniwalang natawa si Haze. "Lath, hindi importante kung nagustuhan ko 'to o hindi. Sa 'yo naman ang jet na 'to."

"Wifey, baka nakakalimutan mo, what is mine is yours. Have you forgotten that we're legally married? Lahat ng pag-aari ko, ay pag-aari mo na rin."

Napakagat-labi siya. Oo nga pala. Palagi niyang nakakalimutan na kasal sila ni Lath. Well, there was no ring on her finger to remind her that.

Her tongue wet her dry lips. "Lath, hindi ako interesado sa pera mo."

"Alam ko."

Tumingin siya sa labas ng bintana ng eroplano at napatitig sa kotse niya. Shit. Nakalimutan niya ang sasakyan niya!

Magtatanong sana siya kung ano ang mangyayari sa kotse niya na basta na lang nitong iniwan nang makitang kinuha nito ang cell phone mula sa bulsa, saka may tinawagan.

"Hey, Phoenix. Do me a favor, will you?" Paused. Then Lath grinned. "Pakikuha ang Honda na sasakyan na nakaparada sa gilid ng private runway ni Valerian Volkzki dito sa Baguio at ihatid mo sa mansiyon ni Dad sa Manila." Paused again. "Thanks." Pinatay nito ang tawag at ngumiti sa kanya.

Sinagot niya ang ngiti nito ng isang malapad na ngiti, saka tumingin sa labas ng bintana. Napakagat-labi siya nang makitang umaangat na sa lupa ang sinasakyan. Nararamdaman niya ang unti-unting pagtaas niyon sa himpapawid.

"Idlip lang ako sandali, wifey," paalam sa kanya ni Lath. "Inaantok pa ako. Ikaw, hindi ka iidlip? I did ravish you until three AM."

Inirapan niya ito. "Matulog ka na nga lang riyan."

Malakas na tumawa si Lath, saka dumukwang at inilapat ang mga labi sa mga labi niya.

Haze sighed in contentment. God. I love this man.

He pulled away and frowned. "Wifey, I heard you vomiting this morning. Ayos ka lang ba? Do we need to consult a doctor?"

Umiling siya at hinalikan ang tungki ng ilong nito. "I'm fine. Sige na, idlip ka na."

"Sigurado ka?" There was uncertainty in his eyes. "Wala kang sakit?"

Tumango siya. "I'm okay. You rest."

"Okay. I will." Lath leaned on the back of his seat and closed his eyes.

Dahil nakapikit ang mga mata nito, malaya siyang natitigan ang guwapo nitong mukha.

He was really handsome. Hindi nakapagtataka na habulin ito ng mga babae. At iyon ang isa sa mga kinatatakutan niya. Now, he loved her, but for how long? Matanda na siya para magpapaniwala sa letseng forever na 'yan. Reality slapped her face eight years ago and it had hurt like hell. Would she let reality slap her again for the second time? Ayaw na niyang masaktan. Natatakot na siya.

She was afraid to love again. So scared. Nakakatakot magmahal... sobra.

And a man like Lath Coleman was not suitable for a woman like her. Magkaiba ang estado nila sa buhay.

Haze sighed and closed her eyes. Kailangan niyang ipahinga ang isip kundi sasabog iyon at lalong hindi siya makakapag-isip nang tama.



NAGISING SI HAZE nang maramdamang may yumugyog sa balikat niya. She opened her eyes and blinked enumerable times until her vision cleared.

"Lath?" Kinusot niya ang mga mata. "Nasaan tayo?"

Lath's sexy chuckle filled her ears. "Dumating na tayo. Get up, wifey."

Napakurap-kurap uli siya, saka naghikab. "Saan?"

Tumawa uli ito. "Sa Manila."

"Oh." Tinanggal niya ang seat belt, saka tumayo.

Inayos niya ang nagusot na damit, kapagkuwan ay natigilan nang mapansing T-shirt ni Lath ang suot niya. His scent clung to the shirt she was wearing. Oo nga pala, T-shirt ni Lath ang suot niya kasi puro labahan ang damit niya.

Mukhang napansin ni Lath na nakatitig siya sa pang-itaas niyang damit kasi nagkomento ito.

"You look beautiful to me, wifey. Magandang-maganda."

"Nambola na naman." Inirapan niya ito para itago ang kilig na nararamdaman. "Okay. Baba na tayo."

"Okay."

Nauna na itong bumaba habang dala-dala ang luggage niya at sumunod naman siya rito. Nang makalabas na silang dalawa at naglalakad na papasok sa airport, inakbayan siya ni Lath at ang isang kamay nito ay hila-hila ang kanyang maleta.

Inatake siya ng kakaibang kaba nang mapansing papasok sila sa AirJem Airport. Shit! Tiyak na makikita siya ng mga katrabaho niya. Ano na lang ang sasabihin ng mga 'yon?

"Lath?" She tugged his arm. Bumaling ito sa kanya. "Baka makita tayo ng mga katrabaho ko."

"So?" Tumaas ang dalawa nitong kilay. "Ano naman ngayon?"

"Baka masira ko ang reputasyon mo. I'm not properly dressed. I'm just a stewardess from the province—"

"Shut it, wifey." Nagtagis ang mga bagang nito. "Wala akong pakialam sa kanila o sa ano'ng sasabihin nila. You're my wife and I am proud to parade you, anywhere and anytime. Kahit pa siguro sako lang ang suot no, I'm still proud to call you my wife." Sinapo nito ang pisngi niya. "Why? Because I love you and other's opinion doesn't matter to me, wifey."

Her heart swooned at that. Why was this man so sweet? Lalong napapamahal sa kanya si Lath Coleman. Mahal na mahal.

"Okay." Huminga siya nang malalim. "Pasok na tayo."

Ngumiti si Lath. "That's my wife. Smile, wifey."

Ngumiti siya at sabay silang pumasok ni Lath.

Hindi alam ni Haze kung mali ba na makitang kasama si Lath, dahil nang makapasok sila sa airport, lahat yata ng stewardess na nasa malapit at ang mga empleyado ng airport ay nakatingin sa kanya. Their stares were blunt, full of envy and jealousy. Of course, kilala si Lath ng kababaihan at inggit na inggit ang mga ito na siya ang kasama ng lalaki.

Paano pa kaya kapag nalaman ng mga ito na kasal sila ni Lath? Baka may mangisay sa inggit. Women fell for Lath Coleman all the time. Hindi niya alam kung malas o masuwerte siya na ang atensiyon nito pansamantala ay nasa kanya.

But it seemed that Lath didn't mind the blunt stares. His arm was possessively wrapped around her shoulder, their body was intimately close with each other and his head was leaning close to hers. He looked so proud of her by his side, and it warmed her heart. Alam na alam na rin niya ang iniisip ng mga tao na nakatingin sa kanila. T-shirt ni Lath ang suot niya at halatang panlalaki 'yon. Kaya hindi maikakaila ang tumatakbo sa isip ng mga taong 'yon.

Pasulyap-sulyap siya kay Lath habang naglalakad. Ni wala itong tiningnang ibang babae. Tanging siya lang ang babae sa paningin nito at natutunaw ang puso niya. Maraming magagandang kababaihan sa airport pero nanatili ang mga mata nito sa kanya.

Napakalas ng tibok ng puso ni Haze habang naglalakad patungo sa exit ng airport. Napakagat-labi siya nang magtama ang mga mata nila ni Thalia na halos mahulog ang panga sa sahig. She was giving her a questioning look. Umiling lang siya, saka nag-iwas ng tingin.

"Hayaan mo silang tumingin," wika ni Lash, saka bumaba ang mga braso nito sa baywang niya at ipinulupot iyon doon. "Hayaan mo akong ibandera sa kanila ang maganda kong asawa."

"Siguradong ako ang headline ng tsismis mamaya at bukas." Nakaramdam siya ng iritasyon. "Gusto ka yata nila para sa sarili nila."

God. Why do I sound like a jealous wife?

Lath chuckled huskily. "Too bad, ikaw ang mahal ko at hindi sila." He kissed her temple as they exited the airport.

Her heart nearly leaped out from her ribcage. Letse. Hanggang kailan ba titibok ang puso niya sa lalaking 'to?

She sighed as Lath hailed a taxi.

Kunot-noong nagtanong siya. "Ihahatid mo ba ako sa condo ko?"

Kinindatan lang siya nito, saka bumaling sa taxi driver at may ibinigay ditong address.

Umawang ang mga labi niya nang matukoy kung kaninong address ang ibinigay nito. "No, Lath... no, h-hindi ako sasama sa 'yo. Oh, God. No—"

"Now, now, wifey, it's time for you to meet my family," nakangising sabi ni Lath.

Namutla siya sa narinig. "No..."

"Yes." Lath winked at her, sealing her faith for that day.

Oh. My. God. Excuse me while I faint in nervousness. 


CECELIB | C.C.

Continue Reading

You'll Also Like

21.7M 1.1M 47
World-renowned chef Thorn Calderon is already prepared to be single for the rest of his life. But plans change when his parents set him up through an...
58.1M 1M 25
Eight years ago, Iuhence met Mhelanie Tschauder at his mother's birthday party. She was the most stunning and ravishing woman his eyes ever laid on...
64.3M 1.2M 27
One word to describe Anniza Gonzales: voluptuous. And because of her voluptuous body, her fiancé cheated on her and the woman he cheated with called...
7M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...