So, the next day, pumasok ako sa school. Usual lang naman. Pagkarating ko sa classroom, umupo ako sa seat ko at napansin ko si Rev na may band aid sa may kilay. Hmp. Bahala sya jan.
Dumating si Jared at umupo sa tabi ko. Haaaay! Buti na alng dumating na sya.
"Kamusta naman ang party kagabi?" nakangiting tanong sakin ni Jared.
"Ayos naman. Kung di lang sana NANIRA ung isa jan, makakapagstay pa ako ng matagal." sabi ko, oo, pinaringgan ko talaga si Rev. Leche sya.
"Ganun ba? Ano namang nasira?"
"Ah. Ung SAPATOS ko." diniin ko talaga ung sapatos! "Kung wala lang talaga akmi dun kagabi, baka nasigawan ko na sya eh. Hindi ko nga malaman kung nagagandahan ba sya o naiinggit sa sapatos ko." pagpaparinig ko.
"Babae ba yan?"
Tumawa ako. "Sa tingin mo ba may maninira ng sapatos na lalaki?" I smirk. "Kung meron man, baka BAKLA sya." idiniin ko ung 'bakla'.
"Haha."
Nagstart na ang klase. The usual pa din naman. Di makapang-bully ngayon sakin si Rev. Bleh! Katabi ko si Jared eh! >:P
Next subject, Soc. Sci. Ung iba kong kaklase---including Jared---ay lumipat ng room. Ganto kasi dito sa school, hindi teacher ang pupunta sa classroom, kundi mga estudyante pero buti na lang, tuwing Wednesday lang yon (which is today). Eh ako, dito pa din sa room G1A, at ang masakit sa loob ko, si Rev lang ang natitirang kakilala ko. May ibang estudyante din ang pumunta dito dahil dito na ang klase nila. Mostly, higher years, meron ding ka-year namin pero di kami magkakakilala.
Bago pa may makaupo sa katabi kong seat, tumabi na sakin si Rev. Syempre, iniignore ko lang sya noh. Hindi rin naman sya naimik sakin. Well, not for long.
"Oy." tawag nya.
Hindi ko sya pinapansin. Tss. May pangalan ako. Hindi oy ang pangalan ko. -_-
"Samonte." tawag nya ulit.
Ugok ba sya? Samonte din ang ama't ina ko. Sinong tinatawag nya?
"Aish. Kylie." iritang tawag nya.
Napalingon ako. "Ano?" walang expression kong tanong.
"Seryoso, bingi ka ba? Magkatabi na nga tayo hindi mo pa ako rinig."
"Wala ka bang kelangan?" walang expression kong tanong.
"Kita mo toh?" tinuro nya ang band-aid sa kilay nya.
"Oh. Anong gagawin ko?" bored kong tanong.
"Dahil toh sayo. Dahil sinipa mo ang noo ko kagabi."
"Okay." tas di ko na sya tinignan ulit. Aba. Tama lang yon sa kanya.
"Wala ka man lang ba gagawin dito?"
"May dapat ba akong gawin?" tinignan ko sya, "may band-aid na naman. Di bale na lang kung gusto mong masipa ulit sa kabila at ako pa ang maglagay ng band-aid." walang expression kong sabi tas inirapan ko sya.
"Grabe ka. Kung makasalita ka parang hindi ikaw ang may gawa dito ah."
Tinignan ko sya. "Eh ano bang gusto mong gawin ko? May band aid na naman ah. Ano, feeling mo matatanggal na ang kilay mo? Nako. Tigilan mo na lang ako. At baka matanggal ko talaga yang kilay mo." irita kong sabi.
"Alam mo, ikaw, kagabi ka pa eh. Binilhan na nga kita ng tsinelas para may mai-suot ka pauwi tapos wala ka man lang thank you."
"Ahh. Uso pala yon sayo." sarcastic po yan.
"Alam mo, ang taray mo. Ni-hindi ka man lang tumanaw ng utang na loob. Naninipa ka pa. Grabe, ano bang kasarian mo? Anong tawag sayo? Tomboy?" nakangisi nyang tanong.
"Lol. Eh ano ang dapat kong itawag sayo? Mahilig kang mantrip ng babae, nang-aagaw ka ng sapatos, naninira pa. Bakla ba ang tawag sayo?"
"Ano?!" napatingin sya sakin.
"Okay class, turn your book to page 94 and do the activity."
I smirk. Kala nya ah. Wag nya ako bubwisitin sa panahon na bwisit na bwisit ako.
Nagstart akong magsagot at hindi ko sya pinansin. Bad trip. Ano bang oras na? Sana si Jared na lang ang katabi ko ngayon.
Natapos akong magsagot at pinasa ko iyon. Pagkaupo ko sa seat ko...
"Oy, ba't mo pinasa?" tanong ni Rev.
"Pake mo?"
"Tulungan mo ako!"
"Ayoko nga. Manigas ka jan."
Kinuha nya ang bag ko, "ayaw mo ha."
Kinuha ko sa kanya ung bag ko. "Ano ba?! Alam mo, napaka mo! Pwede mo namang sabihin kung type mo tong bag ko eh! Aish!"
"Type? Hah. Ba't ko magugustuhan yang bag mo? Hindi naman original." he smirked.
"Wow. Paano mo naman nasabi na hindi toh original? Ano, natural instint? Gay instinct?" magsaalita pa sana sya but I cut off. "Ano, maghahanap ka ulit ng napkin jan? Meron ka ba ngayon?"
"Warning Ms. Samonte and Mr. Valdez." sabi nung teacher.
"Hah. At talagang natututo ka nang lumaban ah." sabi ni Rev.
"Rev, may napkin sa store, dun ka bumili. Ano, gusto mo ilibre kita? Ay wait, hindi naman nagkakaperiod ang gay diba?" I smirk.
"Sumosobra ka na ha."
"Ano, pikon ka na ba?" I smirk. Araw mo ngayon Rev. Sabi ko sa inyo eh. Magkaka-araw din tong kumag na toh.
"Lol. Don't get your hopes too high, Kylie. Baka gusto mong ma-sampolan ka ng pagkaka-lalaki ko?" he smirk.
"OMG! I'm so scared! Should I run now?" peke yan tas nagsmirk ako, "ikaw? Sasampolan ako ng pagkalalaki mo? Meron ka ba nun?"
Hinawakan ni Rev ang braso ko...
"Ms. Samontee and Mr. Valdez! Out of the room, NOW!"
Hinila ako ni Rev palabas at sobrang higpit ng hawak nya.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"
"Talaga bang sinusubukan mo ako? Ano nga ulit ung tanong mo? Kung meron ako nung pagka-lalaki ko?" he smirks, "baka gusto mo nang maging ina sa edad mong yan." sinandal nya ako sa pader. Hinawakan nya ang kamay ko at pinatong din sa pader. Walang tao sa paligid.
Though medyo natatakot ako, hindi ko iyon pinapahalata. "Bitawan mo nga ako!"
Niluwagan nya an necktie nya. "Ano ba Kylie. Ginusto mo toh, diba?"
I glare at him while he's smirking at me. Great. Ako pa ang na-trap. At FINE! Natatakot na ako! Sobrang lapit na ng mukha nya sakin to the point na, pwede na nya akong halikan. Kung sa basketball, open na sya for 3 points.
I breathe in and out. Steady ka lang Kylie. Don't move. Kahit na takot ako, nakikipagtitigan ako sa kanya. May the best man win. (LOL. Lalaki ba ako?)
Palapit sya nang palapit sakin, ung mukha nya, nalapit na sakin. Sht. Gagawin nya nga?
Ano bang dapat kong gawin?! OMG. Isip Kylie. ISIP!!
AH!! Humanda ka ngayon. Syempre, humanap muna ako ng tamang tyempo. At nung mahanap ko na...
"HAHAHAHAHA!!!" tumawa sya.
Ano ba yon! Sisipain ko na sya eh! Tawa lang sya nang tawa. Actually, naka-sandal na din sya sa wall katulad. Actually, utas na sya.
"Ba't ka natawa?" mataray kong tanong.
"Yung mukha mo kasi! WAHAHAHAHAHA!!"
Tinignan ko lang sya habang natawa. Grabe. Kawawang nilalang. Kay babae ng kaligayahan. Tsk Tsk Tsk.
Nang tumigil sya sa pagtawa, pinunasan pa nya ung luha sa mata nya. "Nakakatawa talaga. Dapat pala napicturan kita!!"
Tinaasan ko sya ng kilay.
"Haaay. Kakay. Bully ako pero hindi ako rapist. I don't want to take you for granted. Pasalamat ka." he smirked then umalis na sya.
I exhale. Wooh! Buti na lang!!
"I don't want to take you for granted. Pasalamat ka."
Nag-flash back sakin ung sinabi nya. LOL. Di nya napatunayan.
"I don't want to take you for granted. Pasalamat ka."
Pero sa tingin ko, napatunayan nya. He didin't use his desire para patunayan. Instead, pinairal nya ang pagiging... gentleman...?
LOL! Ano ba tong naiisip ko? He doesn't even know the word gentleman! LOL! Di ko alam na may talent pala akong magpatawa.
---
At dahil nagbell na, dumeretso na ako sa next kong klase sa arts and literature building. Pagkarating ko dun, dumeretso ako sa room AL31, sa 3rd floor. Buti na lang may elevator. Sa loob ng elevator...
"OMG. Sya ba un?" -girl 1
"Yeah, sya nga un." -girl 2
"Oh! Sya na ba ung dinedate ni Jared?" -girl 2
"Sya nga un. Nakita ko silang magkasama nung Sunday sa mall eh." -girl 2
"Maybe they're dating na. Ano kayang say ni Patricia about this?" ang conyo ni girl 1
"Ewan ko lang pero alam mo, to be honest, di sila bagay." -girl 2
"Oo nga." pag-agree naman nung isa.
Ang galing din noh? Pwede naman nilang sabihin nalang sakin nang diretsahan bakit kaya kelangan pa nilang magbulungan? Grabe. Rinig ko noh.
Nung tumigil na sa third floor, lumabas na ako ng elevator. Hindi ko rin ma-gets ang mga un. We're not dating, we're just hanging out. Hanging out as friends. Grabe taaga ang mga tao ngayon kung makapag-isip.
Pagkarating ko sa room, umupo na ako sa seat tas nilapitan ako ni Patricia. Damn. Kaklase ko sya.
"Look who do we have here. Hi Kylie. It's so nice to see you!" fake nyang sabi.
Nginitian ko na lang sya.
"I'm sorry about last Sunday ha. Kinailangan ko kasing kunin si Jared for our CF photoshoot. By the way, nakita mo ba ung pic namin? Ang sweet noh?" nagfake sya ng ngiti.
Ano bang gusto nyang iparating? Grabe talaga sya. Di ko alam kung anong intensyon nya sakin.
"Weh? Sweet? Mukha ka namang palaka dun!" napatingin ako sa likod ni Patricia at nakita ko si Rev. Sya na naman?!
"Shut up, Rev." she rolled her eyes tas tumingin ulit sakin. "Ang dami ngang nagcomment na bagay daw kami and ang ganda ko daw." pagmamahili nya.
"Alangan namang magcomment sila ng mukha kang palaka at di kayo bagay ni Jared. Grabe naman Patricia. Tinatype lang nila ung mga sinasabi nila dun pero di naman totoo. Eh sino ba naman kasing tao ang magpapahiya sayo? Eh di nagalit ka pa." sabi ni Rev.
Medyo napatawa ako pero pinigilan ko yon.
"Ugh. Peste." with that, umalis na sya sa harap ko't umupo na sa seat nya.
Ngayon ko lang napansin na nakaupo si Rev sa may pader, sa unahang row ko. Di ko sya katapat at masaya ako don.
So, nothing much happened kaya dismissal na ngayon.
Habang naglalakad ako papuntang gate, hinarang ako nina Patricia. Nakapamaywang pa ung dalwa nyang kasama tas naka-cross arms si Patrcia with matching taas ng kilay.
"What can I do for you?" tanong ko.
Patricia smirks. "Kung makasalita ka ah. Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo."
"Of course not! Ikaw si Patricia diba? Now, ano bang kelangan kong tandaan sayo bukod sa may kasama kang dalwang asungot?"
"what the---?!" react nung dalwa, sina Blaire at Sierra.
"Really? Palaban ka pala. Grabe. Mga asal kalye talaga." sabi ni Patricia.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin, wala akong pakelam. Bukod sa di mo pa ako kilala, wala akong panahon sayo. Kaya pwede ba, padaanin nyo ako dahil uuwi na ako." dumaan ako pero hinawakan ni Blaire ang braso ko.
"Asal-kalye ka talaga. Di pa tayo tapos mag-usap, umaalis ka na agad." sabi ni Blaire.
"Ano ba kasi ang kelangan nyo? Alam nyo, kung tungkol ito kay Jared sa paglabas ko sa kanya, let me clear this. It's just a friendly hang-out. Kung gusto mong makipagbalikan sa kanya, go! Wala akong pakelam. We're just friends. Pwede nyo na ba akong paalisin?" naglakad na ako.
"Maghanda ka Kylie. We will make you life a living hell." sigaw ni Patricia.
Hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Grabe naman sila. Oo, gusto ko si Jared pero hindi naman ako ang nag-aaya sa kanya para makipagdate. Hindi ko rin sya nilalapitan madalas. Kasalanan na nila yon dahil makikitid ang utak nila para intindihin ang katagang, 'magkaibigan lang kami.'.
Pagkarating ko sa bahay, nagpalit na ako ng damit at nagdinner. Right after ng dinner dumeretso na ako sa room ko.
Tomorrow's gonna be a tough date. I have to sleep. Goodnight.
___________________________
Welcome the new face of Jared!!! Drum roll please.
*play the drum roll*
Tentenenen! Everyone, readers, followers, friends, let me introduce you... Kim Myungsoo!!! (click the external link) Yeeeey!!! *clap clap* So ayan! May Jared na tayo ah. Wala pa tayong Patricia, Blaire at Sierra. Waahahaha. :))